Skylander Series Chapter 75

“What’s with older men?”

Umangat ang kilay ni Shandie sa tanong ng kaibigang si Jack at tiningnan ito. “Bakit mo naman naitanong?”

Nangalumbaba ito at sumubo ng broccoli with beef. “Napansin ko lang na mahilig ka sa matanda.”

Umugong ang tawanan ng iba pa nilang kaibigan sa table bilang pagsang-ayon. It was Friday night and it was another Bitch’s Day. Nakagawian na nilang magkakaibigan na magkita-kita minsan sa isang linggo para pagkwentuhan kung ano ang nangyari sa buong linggo. Kasama na doon ang inisan.

Inirapan niya ang mga ito. “You sound like I prefer DOMs. Thirty years old and above is not that old, you know.”

“Mas matanda pa rin iyon sa atin,” katwiran ni Sicily. Nasa bracket ng twenty-five to twenty seven ang edad nilang magkakaibigan. And she was twenty-seven. Palibhasa ay kaedad nito ang fiancé na si Killian.

Pinaglaruan niya ng tinidor ng vegetable fettuccini carbonara. “When a guy is in his thirties, he is more matured and more experienced. When he is in a relationship, he would make it work. Nasa stage na siya na gusto na niyang mag-settle down at magpakasal. He won’t play anymore.”

“Bakit si Melvin? Matured din naman siya kahit kaedad ko lang siya, ah!” depensa ni Maeia at nginatngat ang diamante sa engagement ring nito.

Hinampas ito ni Leila. “What are you doing?”

“Just checking if Melvin gave me a real one.” Hindi pa rin kasi makapaniwala si Maeia na engaged na ito sa lalaking mula high school pa lang ay pinagpantasyahan na nito. Noong nakaraang linggo lang ito na-engage.

“Age doesn’t matter,” katwiran ni Richelle. “Basta mahal ka ng lalaki, ano ngayon kung wala pa siya sa thirty.” Nagtanguan ang iba.

“Basta, ayoko sa totoy!”

Totoy ang tawag niya sa mga lalaking twenty-nine pababa. Wala kasing alam ang mga ito kundi mag-enjoy sa mga babae. Little boys who loved toys.

“Anong inaangal mo? Mukha kang nene, Ineng!” kantiyaw ni Khaeser.

She looked younger than her age. Marami nga ang nagkakamali na college student lang siya at nag-o-OJT sa Oriental Hotel. Samantalang siya ang Assistant Director ng Banquets and Conferences. She was one 5’ 2”. Tsinita siya kaya madalas din siyang pagkamalang apo ni Mao Ze Dong.

“Walang seseryoso sa iyong thirty years old dahil bata pa ang tingin nila sa iyo. Ayaw nilang maging cradle snatcher, no?” sabi ni Evaine.

Malapit na siyang mapikon nang mamataan niya ang isang guwapong lalaki na pumasok sa entrance ng restaurant. “You are wrong, girls! I think I found the right guy for me,” aniya at gumuhit ang ngiti sa labi.

Nginisihan siya ni Jack. “Ilang beses mo nang nasabi iyan pero lagi ka namang bigo. Wala kang kadala-dala, no?”

“This is for real. Accountant namin siya sa hotel. And every time he sees me, he tells me that I am pretty,” kinikilig niyang sabi. “I think he likes me.”

“Did he ask you out?” asked Jade as she sipped her tea.

“I will ask him out!” she said with full confidence. Saka siya uminom ng four seasons para lunurin ang natitirang kaba. She was a modern woman who knew what she wanted. At walang makakahadlang sa kanya na kunin ang gusto niya. Panahon na para ipakita niya sa lahat na hindi na siya ang neneng sinasabi ng mga ito.

“Patusin ka naman kaya niya?” nakalabing tanong ni Richelle.

“He will. Because he is my consequence tonight.”

Kung sinuman ang may pinakamagandang week, iyon ang babawian ang mga kaibigan niya na tumanda ng sampung taon dahil sa kung anu-anong problema. Kailangang mag-perform ang ‘winner’ ng consequence na gagawin nito sa loob ng sampung minuto. Kapag hindi nito nagawa ay ito ang magbabayad ng bill nila.

“Teka, hindi pa nga kami nagku-kwento,” angal ni Leila.

“Saka paano ka nakakatiyak na ikaw ang may pinakamagandang week ngayon?” nanlalaki ang matang tanong ni Maeia. Palibhasa ay nasa cloud nine pa ito dahil kae-engage pa lang nito.

Tumayo siya at tinapik ito sa balikat. “Ibalato mo na ito sa akin. In ten minutes, mapapapayag ko siyang makipag-date sa akin.”

“HI, Jay!” bati ni Shandie nang lapitan ito sa table nito. Mukhang napakalalim ng iniisip nito at hindi agad siya napansin.

Nagulat ito nang makita. “Shandie! It is good to see you here.” Tumayo ito at hinalikan siya sa pisngi. “Take a seat.”

“Thanks!” Excited siyang umupo. Sinuswerte talaga siya. “I just want to say ‘hi’. I am with my friends. Do you want to join us on our table?” yaya niya.

“I’d love to but I am waiting for someone,” sabi nito at sinulyapan ang relo.

“Wala pa naman siya, di ba? Dito muna ako para di ka mainip.”

“Paano ang mga kaibigan mo?”

“Marami naman sila kaya okay lang.” Tumikhim siya dahil mukhang lumilipad na naman ang isip nito. “Jay, are you busy next Saturday?”

“Why?” tanong nito.

“Concert ni Avril Lavigne sa Saturday, di ba?

“Yeah. Concert nga niya,” anito at ngumiti. Paborito nito ang pop-rock artist dahil puro si Avril Lavigne ang naririnig niya kapag dumadaan siya sa computer nito ay kanta ng pop-rock singer ang tumutugtog.

“Do you have tickets?” tanong niya.

“Magpapa-reserve ako tomorrow.”

“Ako rin. Gusto mo sabay na tayong manood?” yaya niya. “Then we can dine out after the concert. I know a new place. You like Mediterranean cuisine, right?”

Alanganin itong ngumiti. “Sorry. But I already have a date on Saturday.”

“Sino? Friend mo?”

Napakamot ito sa sentido. “No. Girlfriend ko.”

Muntik na siyang bumagsak sa kinauupuan. “Girlfriend mo? May girlfriend ka na?” tanong niya sa mataas na boses.

She could hear the bells ringing. Parang na-knock out siya sa isang boxing match. Isang malakas na suntok ang tumama sa puso niya at iniwan siyang bulagta.

Paano nangyari iyon? Samantalang napaka-espesyal ng ibinibigay na atensiyon sa kanya ni Jay. Lagi siya nitong sinasabihang maganda. He saw her as a woman. Not a little girl. She thought that he liked her too. Or so she thought.

“Actually, siya nga ang hinihintay ko ngayon.”

“I see,” sabi niya nang unti-unting nahimasmasan. “Nakakaabala na pala ako sa iyo. I must go back to my table now. Enjoy your date.”

“If you want, I can ask my little brother to go out with you. Bagay na bagay kayong dalawa dahil mahilig siya sa chinita.”

Subalit hindi na niya ito pinansin. She was wallowing in her own pain. Pakiramdam niya ay pinagtatawanan siya ng buong mundo. Minsan lang siyang magyayaya ng date but she was turned down flat because of his girlfriend. Parang sinabi na rin ni Jay na ‘nene’ rin ang tingin nito sa kanya dahil sa mas nakababatang kapatid pa nito siya irereto.

Ayoko sa kapatid mo. Malamang totoy iyon.

Parang lumalakad na zombie siya nang makarating sa table. Tinawag agad niya ang waiter at um-order ng isang pitcher na margarita.

“Wow! Ano ito? Blow out dahil napapayag mo siyang makipag-date sa iyo?” tanong ni Leila.

“Slow ka talaga!” sabi ni Sicily. “Tingnan mo ngang mukhang nabasted.”

“May girlfriend na siya!” sabi niya sabay pigil na umiyak.

Tinapik siya ni Jack sa balikat. “Sorry, friend.”

“Anong sorry? Uminom tayo!” sabi niya at sinalinan ang shot glass.

Iyon lang naman ang magagawa ng isang bigong tulad niya. Shit na mga lalaki iyan! Nene lang ba ang tingin ng mga ito sa kanya?

“I’M falling down! Try to stop me. Feels so good to hit the ground. You can watch me,” mahinang higing ni Shandie sa kanta ni Avril Lavigne. Pero wala siya sa The Fort kung saan ginaganap ang concert ng international artist. Nasa isang bar siya sa Libis at nagpapakalunod sa tequila.

She really felt like she hit the ground. Sa trabaho nga ay parang wala siya sa sarili lalo na kapag nakikita niya si Jay. Parang tulad pa rin ng dati ang pakikitungo nito sa kanya. Like a little sister. Siguro nga ay iyon lang ang tingin nito sa kanya.

Umo-order siya ng isang basong tequila nang makatanggap siya ng tawag mula kay Khaeser. “Hoy, Ineng! Nasaan ka?”

“Stop calling me Ineng! Hindi na ako bata!” bulyaw niya dito. “I am a modern and sophisticated woman. Kaya ko na ngang magyaya ng date, eh!”

“Are you drinking? Where are you?”

“Sasamahan mo ba ako sa kamiserablehan ko?” Ngumisi siya. “Why am I so miserable, Khae? Bakit malupit sa akin ang pag-ibig?”

“E, paano ko masasagot ‘yan kung pareho lang tayong bigo. Mabuti pa si Jade na lang ang kausapin mo tungkol diyan.”

“Ayoko! Sesermunan lang ako niyan!” angal niya. Daig pa kasi ni Jade ang nanay niya kung magsermon.

“Gusto mo bang sunduin ka namin diyan? You don’t have to drown yourself. He is not worth it,” Jade said in a comforting voice.

“It is not Jay. It is about me. It is about love. I hate love!” Hinampas ng nakakuyom niyang kamao ang mesa. “Ayoko nang ma-in love kahit kailan!”

“Don’t say that. It is the lover not the love, okay?”

“Heh!” singhal niya dito. “Strike two na ako. In just a span of two months, dalawang lalaki ang nag-turn down sa akin.”

First was Steve. Isa itong guest sa hotel. He was no nice to her. Only to find out that he was already engaged. Iyak din siya nang iyak doon. Muntik na siyang hindi maka-recover hanggang mabaling atensiyon niya kay Jay. Pero ganoon din resulta. Bigo pa rin siya.

“May isa pa bago ma-strike out,” pang-e-encourage pa nito. “Habambuhay, may pag-asa. Sa boxing nga hanggang ten pa ang bilang bago knockout.”

“Oh, don’t give that crap! Bugbog na bugbog na ang puso ko. Ano ang gusto mong gawin ko? Magpabugbog pa lalo?” sabi niya sabay tungga ng tequila. “At sinong lalaki naman ang hahatakin ko para saktan ako?”

“Naku! Lasing ka na. Nasaan ka ba? Susunduin ka namin. Tumigil ka na sa pag-inom, ha? Papunta na kami diyan.”

Sinabi niya kung saang bar naroon siya. “Pero hindi ako titigil uminom. Gusto ko pang uminom at magsaya.” Humalakhak siya hanggang sa mauwi iyon sa iyak. Ayaw man niyang umiyak sa lugar na iyon pero di niya mapigilan. Kahit naman sinong nasa kalagayan niya ay maiiyak. Itinakwil na siya ng pag-ibig.

“Miss, are you okay?”

Umangat ang tingin niya sa lalaking nagsalita. Napatigil siya sa pag-iyak nang makitang guwapo ang lalaking nakatayo sa tabi niya. Pero hindi ang kaguwapuhan nito ang nagpatulala sa kanya. He looked like Xander. Except that he was matured and his hair was longer. Pero ang boses nito ay tulad ng kay Xander.

Dumukot ito ng panyo sa bulsa at ibinigay sa kanya. “Here.”

Wala sa sariling inabot niya ang panyo. Ngunit hindi niya alam kung ano ang gagawin doon dahil nanginginig ang kamay niya. Hindi niya alam kung sa takot. Or she was just thrilled to see his face after all these years.

He looked awfully lot like Xander. Pero kung ito si Xander, dapat ay hindi ‘Miss’ ang tawag nito sa kanya. Wala namang nagbago sa kanya sa pagdaan ng panahon. She was still the same old Shandie.

“Klein, let’s go!” anang kasama nitong lalaki.

“I have to go, Miss. And please don’t cry anymore,” he said and a sweet smile curved on his lips. Lalong na-emphasize ang dimples nito. Like Xander. Bago pa niya naitanong kung ano ito si Xander ay nakaalis na ito kasama ang mga kaibigan. But they called him Klein. Ibig ngang sabihin ay hindi ito si Xander. Kahawig lang.

Pinahid niya ang luha sa pamamagitan ng bigay nitong panyo. Napapikit siya nang maamoy ang panyo. It has the scent of the mountains and the pine trees. Iyon ang pabango ng lalaking Klein ang pangalan. Her hand went still. Maang siyang napatitig sa panyo. “Katulad ito ng pabango ni Xander.”

That guy reminded her of almost everything about Xander. Even his scent. Ano ang ibig sabihin nito? Sa tinagal-tagal ng panahon, bakit ngayon pa siya nakakaalala ng maraming bagay tungkol kay Xander? May kinalaman ba iyon sa lahat ng pagkabigong nararanasan niya ngayon?

“Karma,” wala sa sariling nausal niya. Sinisingil ba siya ng langit sa pananakit niya kay Xander noon? But she was so young then. Baka nga hindi na siya natatandaan pa ni Xander. Dahil lang ba doon ay masisira na ang kaligayahan niya?

Lalagok pa sana siya ng isang shot ng tequila nang may umagaw sa shot glass niya. “That’s enough, Shandie. Let’s go!” sabi ni Jade.

“Get hold of yourself!” sermon ni Khaeser nang alalayan siya.

Tumining sa isip niya ang sinabi nito. No more crying. No more dwelling at past. Kailangan na niyang magbagong-buhay. She must start somewhere.

“Jade, you are leaving for Sagada, right?”

“Yeah. Sa isang araw na iyon.” Imi-meet nito ang pinsan ni KC na boyfriend ni Evaine. “Sagada is a nice place. Sumama ka kaya?”

“Naku! Baka tumalon iyan sa bangin,” kontra ni Khaeser na nagmamaneho.

“No. I just want to move on. Hahanap ako ng guwapo.”

Natahimik ang dalawa sa sagot niya. Natuklasan niyang hawak pa rin niya ang panyong ibinigay ng lalaki kanina. Klein. He looked interesting. But he looked like Xander. She didn’t like a part of her past haunting her.

But she kept the hanky anyway.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.