Hindi maipinta ang mukha ni Shandie habang naririnig ang pagbibiruan nina Jade at Klein. Nasa Sanctuary sila para maghapunan. Excited si Jade na makinig ng ethnic music. Bukod kasi sa maganda ang ethnic ambiance ng Sanctuary, maari pang tumugtog ng indigenous instruments ang mga bisita. Nagpapaturo ito kay Klein kung paano tumugtog ng gangsa dahil iyon ang instrumentong gusto nitong gamitin.
“Ate Ana, one bottle of cherry wine, please?” order niya at umupo sa kahoy na sahig. Gawa sa pinutol-putol na trunk ng malaking pine tree ang mesa na ipinatong lang sa sahig at may maliit ding bangkito. Pero mas komportable siyang sumalampak sa sahig. One thing good about the place was she could be herself.
“Wine agad ang in-order mo pero hindi ka pa naghahapunan,” paalala ni Jade.
“Ate Ana, pakibigyan si Shandie ng cosmic tea,” sabi ni Klein.
“Gusto kong uminom. Matanda na ako!” protesta niya. Subalit natigilan siya nang bigyan siya ng nagbababalang tingin. “Iinumin ko ang wine pagkatapos kong maghapunan. Pakidala na lang ang cosmic tea at isang vegetable fritters.”
“Gusto namin ni Klein ng vegetable salad at mint tea!” order naman ni Jade.
“Saan mo gustong magpunta bukas, Shandie?” tanong ni Klein sa kanya.
“Gusto kong magkulong sa kweba. Okay lang ba?” sarkastiko niyang sabi. Ang gusto lang naman niya ay matakasan si Klein.
“Sa lake na lang tayo pumunta,” salo agad ni Jade. Halatang pino-protektahan nito si Klein sa pagiging hostile niya.
Saglit na nawala ang atensiyon niya kay Klein nang magsimula ang tugtugan. Environmental at ethnic songs ang maririnig sa bar na iyon. Mga kanta na hindi niya naririnig kapag nasa Manila siya. O kahit sa Cayman Islands. Lalo silang nag-enjoy nang pahawakin sila ng instrumento na hindi niya alam na nag-e-exist. Pakiramdam tuloy niya ay professional musician siya lalo na nang masabayan na niya ang musika.
“Klein, paano gamitin ang bird catcher?” tukoy nito sa instrumentong mukhang cigarette pipe.
“Clasp the pipe tightly.” Hinawakan ni Klein ang kamay ni Jade at pinagsalikop sa curve ng pipe. “Then blow.”
Naging matalim ang mata niya habang tinitingnan ang magkasalikop na kamay ng dalawa. Parang kinukutkot ng anay ang puso niya. At hindi niya alam kung bakit nararamdaman niya iyon nang makitang sweet ang dalawa.
“Hoy! Ang pangit ng tunog ng gitara. Parang lata.”
Aawayin sana niya ang pumintas sa kanyang musical expertise pero nawala rin iyon agad. “Dianne!” aniya at niyakap ang kaibigan. Nakilala niya ito nang nakaraang bakasyon niya sa Baguio. “Bruha ka! Bakit na-late ka?”
“Traffic, eh!” anito at umupo sa tabi niya.
“Kailan pa nagkaroon ng traffic sa bundok?”
“Magpasalamat ka nga dahil dumating ako. Hinabol ko pa ang last trip papunta dito para sa iyo.” Naging mahinhin ang ngiti nito nang makita si Klein. “Hi, Klein!” Sumimangot ito nang makitang katabi ni Klein si Jade. “Girlfriend mo?”
“Friend ko. Si Jade. Kaibigan din siya ni Shandie,” paliwanag ni Klein.
“Hi!” bati ni Jade kay Dianne. “Kumain ka na?”
“Hindi pa nga, eh! Klein, treat mo ako?”
“Sure!” sabi ni Klein at ito pa ang um-order para kay Dianne. No wonder, maraming babae ang nababaliw dito. Mukhang alam nito kung ano ang gusto ng isang babae. Kaya kasama nga siya sa nabaliw dito dati.
“Ang swerte naman ng friend mo kung siya ang girlfriend ni Klein. Alam mo bang wala siyang girlfriend kahit na babae ang lumalapit sa kanya?”
“Bakit naman?”
“Ang labo ng sagot niya. Hindi daw siya ang marrying type. Pero kung ako ang papansinin niya, kahit hindi niya ako pakasalan. Okay lang!”
Lalong naging masama ang imahe sa kanya ni Klein. Paano siya maniniwala na seryoso ito sa kanya noon kung wala nga itong balak na magpakasal? Dapat niyang bigyan ng warning si Jade. Baka mabaliw din ito kay Klein. Mapapahamak ito.
Tinungga niya ang isang basong cherry wine para may lakas siya ng loob na komprontahin si Klein. Hindi siya papayag na paikutin nito ang kaibigan niya.
Naglaho sa isip niya ang pag-away kay Klein nang pumailanlang ang magandang boses ng singer na lalaki. “This is the last time that I’m gonna come here tonight. This is the last time I would fall…” It was an acoustic song. Angels and Devils by Dishwalla. Nakapunta na siya sa acoustic nights sa Sanctuary pero ngayon lang niya narinig ang boses na iyon. And just like his song, she felt like falling.
She thought she heard a church bell somewhere. Talagang in-love na daw siya kapag nakarinig siya ng tunog ng kampana. “Sino siya?” tulala niyang tanong.
“Alex. He manages the local band here. Pero kapag trip niya, pwede rin siyang kumanta. Ang ganda ng boses, di ba?”
“I didn’t see him the last time I was here.”
“He was in States. May dinalaw siya doon.”
“How old is he?” tanong agad niya.
“Thirty-five!” Bingo! Ito na nga ang lalaking hinahanap niya. He had good looks that go with the voice. At nasa tamang age bracket din ito.
“Jade, palit naman tayo ng pwesto,” pakiusap niya. Nangangawit na siya kalilingon. Di tulad kay Jade na kitang-kita niya ang nagpe-perform.
“Okay,” sabi nito at umalis sa kinauupuan.
“Tabi tayo, ha?” she said to Klein sweetly.
“Sure. Sabi ko ko na nga ba’t di ka makakatiis na tabihan ako.”
“Ang ganda talaga ng boses niya,” wala sa sariling usal niya habang nakatulala kay Alex. Masarap siguro na magka-boyfriend ng singer.
Tumikhim si Klein. “Maganda rin naman ang boses ko, ah!”
Tinaasan niya ito ng kilay. “Pwede ba? Hindi ako interesado sa boses mo,” sabi niya at ipinagpatuloy ang pakikinig kay Alex.
“Aray! Aray naku!” kanta ni Dianne habang sapo ang dibdib.
Nagulat siya sa reaksiyon nito. “Bakit? Type mo rin si Alex.”
“Aray! Kaysakit naman ng ginawa mo,” pagpapatuloy ni Jade na mas emote na emote pa. Lalo siyang naguluhan.
“Ikaw ang may type kay Alex?”
“Excuse me,” nakatiim ang bagang na sabi ni Klein at tumayo. Tuloy-tuloy ito sa paglabas ng music lounge at hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
“O, anong nangyari doon?” tanong niya.
“Slow ka talaga!” sabi ni Jade at kinuha ang drinks nito at ni Klein. Sumunod din ito palabas kay Klein.
“O, huwag mong sabihing magwo-walk out ka rin,” sabi niya kay Dianne.
“Hindi. Gusto lang kitang pukpukin ng bote para matauhan. Mukhang ikaw ang gusto ni Klein. Nagselos yata kay Alex.”
“Naniwala ka naman doon. Drama lang iyon!” aniya at iwinaksi ang kamay. Walang mahalaga sa kanya kundi si Alex. “Dianne, ipakilala mo ako kay Alex.”
“Medyo suplado iyan. Ang alam ko, mas close siya kay Klein.”
“I THINK he is the one! Siya na talaga ang lalaking pakakasalan ko, Jade!” Shandie sighed. Nakapangalumbaba siya habang nakatulala sa madilim at maulap na langit. Sa tingin niya ay iyon ang pinaka-perfect na gabi sa kanya. Alex was enough to brighten up her night.
“At paano mo naman nasabing siya nga?” tanong ni Jade at inangat ang tingin sa binabasang fashion magazine. “Sinabi sa iyo ng magic mirror?”
“Hindi ko na kailangan ng salamin. Nang makita ko siya, I heard wedding bells. I took it as a sign!” Sinugod niya ito ng yakap. “Ikakasal na ako!”
“Bells? I heard them too,” kaswal na sabi ni Jade.
“Narinig mo iyon nang makita mo si Alex?” Pareho na yata silang may tililing.
“Kaya ka nakarinig ng bell kanina dahil alas nuwebe na ng gabi. Curfew time na kasi. Kaya church bell ang narinig mo at hindi wedding bells. Ilusyunada!”
“Nakakainis ka talaga!” Humiga siya sa sariling kama. Kahit na nakatingin siya sa kisame ay mukha pa rin ni Alex ang nakikita niya. “Nakaka-in love kasi ang boses niya.Parang pinana ang puso ko. And you must admit that he is good looking.”
“Good looking din naman si Klein, ah!” katwiran nito.
“Klein is still a kid. Di siya katulad ni Alex na thirty five na. Nasa tamang age na siya para mag-asawa. And I think he is the serious type.”
“Ayan ka na naman. Bakit ba napakadali mong ma-attract? Love takes time, okay? Ni hindi mo pa nga kilala iyong tao.”
Niyakap niya ang unan. “Kaya nga magpapakilala ako.”
“I have a feeling that this would be another one-sided affair,” Jade declared.
“Hindi ko alam kung bakit kita naging kaibigan. Sa halip na palakasin mo ang loob ko, lalo mo pa akong dini-discourage.”
“Dahil puro ka emosyon. Nag-iisip ka man minsan pero wala sa lugar. Dahil lang nasa tamang age si Alex at maganda ang boses niya, in love ka na agad. Napaka-unreasonable niyon. At sa huli…”
Humiga siya at nagtalukbong. “Huwag mo na akong sermunan. Sila Khaeser na nga lang ang kakausapin ko tungkol dito.” Why can’t Jade be happy for her?
Binato siya nito ng unan. “Kondesa, kaysa ambisyunin mo si Alex, mas mabuti pang mag-apologize ka na lang kay Klein.”
“O, bakit napasok na naman ang killjoy na Klein na iyon?” singhal niya.
“Hindi maganda ang trato mo sa kanya. Lagi ka na lang nakaangil sa kanya.”
“Nginingitian ko naman siya kanina, ah!” aniya at inalis ang kumot sa mukha.
“Ngumingiti ka nga pero sarcastic ka naman. He is just being gracious. Bisita niya tayo dito tapos masama ang ipapakita natin. Kaya mag-apologize ka. Kundi, uuwi na tayo papuntang Manila bukas.”
Kokontra sana siya nang maalala niya na si Klein ang ka-close ni Alex. At ito lang ang maaring magpakilala sa kanya. Bigla siyang bumangon.
“Okay,” aniya at isinuot ang robe. “Ora mismo, magso-sorry ako sa kanya.”
Lumuhod si Jade sa kama at inilahad ang mga kamay. “Isa itong himala!”
Natawa lang siya sa ginawa nito. Mataas ang pride niya. It was so unlikely of her to apologize right away. Kailangan muna niyang makipag-debate bago siya mapagsalita ng ‘sorry’. Napansin niya na bukas pa ang ilaw sa library nang papunta siya sa kuwarto ni Klein. Nabanggit ni Jade sa kanya na ito ang namamahala sa negosyo ng mga Lizardo sa abroad. He still worked even during night. Pumunta siya sa kusina at ipinagtimpla ito ng kape.
Ilang taon na ang nakakaraan, ito ang nag-represent sa bansa sa maraming international kickboxing competition. Napakalaki ng accomplishment nito kahit na bata pa. But he was still too young for her. If only he was years old older.
Kumatok siya sa library bitbit ang kape. “Klein, pwedeng mang-abala?”
“Sandali!” Nang buksan nito ang pinto ay nakasuot pa ito ng reading glasses. It made him more matured. Kung di lang niya alam ang totoong edad nito, baka siya pa mismo ang manligaw dito. “Shandie, pasok!” Niluwagan nito ang bukas ng pinto. “Bakit gising ka pa? Eleven o’clock na.”
“Sanay akong magising ng ganitong oras. Kadalasan kasi graveyard shift ako sa hotel. Ipinagtimpla kita ng kape,” aniya at inilapag iyon sa tabi ng pc notebook nito. Sa lahat yata ng kuwarto sa ancestral house, ang library lang ang moderno ang interior at puro moderno ang communication device.
“Thank you. Hindi ka na sana nag-abala.”
She shook her head and smiled. “It is nothing. Ako nga ang nahihiya sa iyo. I was rough on you. Hindi ako handa na makita ka ulit. Siguro dahil hindi maganda ang naging paghihiwalay natin dati.”
“Hindi mo na dapat iniisip ang mga bagay na iyon, Shandie. It is all in the past. Kahit naman ako, hindi ko alam ang sasabihin sa iyo kapag nagkita tayo. But now that you are here, I am glad to see you again.”
“Ibig sabihin, bati na tayo?”
Hinaplos nito ang pisngi niya. “Kailan ba naman ako nagalit sa iyo?”
She held her breath when he caressed her face. It was that strange feeling again. Katulad nang magkasama sila sa beach ilang taon na ang nakakaraan. The feeling that shouldn’t be trusted because it could make her forget reason. Nagpunta siya doon para kay Alex at hindi para muling mahulog ang loob dito.
Bahagya niyang idinistansiya ang sarili dito. “Klein, tikman mo ang kape.” Sumunod naman ito sa kanya. “Masarap ba?”
Tumango ito. “Oo. Salamat nga pala. Peace offering mo ba ito?”
Pinagsalikop niya ang mga kamay. “Actually, may hihingin sana akong pabor sa iyo. Pwede mo ba akong ipakilala kay Alex?”
Nasamid ito at muntik nang mabitawan ang hawak na tasa. Nagmamadali siyang pumunta sa mini-ref at ikinuha ito ng mineral water. “Are you okay?” tanong niya at hinaplos ang likod nito. May mali ba sa tanong niya?
Tumango ito. “Mabuti pa, matulog ka na, Shandie.”
“Ayaw mo akong ipakilala kay Alex?” Kinuha niya ang kape. “Sa akin na itong kape mo. Tubig na lang ang inumin mo! Hindi na tayo bati!”
“Shandie, sabi ko matulog ka na dahil ipapakilala kita kay Alex bukas,” anito at binawi ulit ang kape sa kanya. “Huwag ka nang magalit sa akin.”
“Talaga? Thank you!” excited niyang sabi. Niyakap niya ito at kinintalan ng halik malapit sa labi. Gulat silang nagkatinginan ni Klein. His face was scant inches away from her. She could smell his breath, a combination of coffee and masculinity. Mabilis siyang lumayo dito. “S-Sige, matutulog na ako. Good night!”
Nang makalabas sa library ay naramdaman niya ang panginginig ng katawan. She shouldn’t feel that way. It was Alex that she wanted, not Klein. Dapat niyang labanan kung anuman ang nararamdaman niya kay Klein. It won’t do her any good.
HALOS kaladkarin ni Shandie si Klein palabas sa gate palabas ng farm. Mag-aalis-singko pa lang ng umaga pero gising na gising na siya. Wala siyang pakialam kung nagyeyelo pa ang dulo ng ilong niya sa sobrang lamig. “Klein, bilisan mo naman! Baka mamaya nandoon na si Alex. Maiinip iyon.”
“Seryoso ka na gusto mong sumugod sa falls nang ganitong oras? Wala pa si Alex doon. Nasa bahay pa niya iyon at naghihilik,” anito at kinusot ang mga mata. Wala pa itong balak bumangon kanina. Tinakot lang niya ito na mag-isang pupunta sa falls. Habang si Jade ay iniwan pa nilang mahimbing na natutulog.
“Ayaw mo kasing puntahan sa bahay niya,” sabi niya at iniunat paitaas ang dalawang kamay para mawala ang antok niya. Klein told her that Alex valued privacy. Hindi ito pwedeng puntahan sa bahay maliban na lang kung importante. Sa dulo ng Sagada ang bahay nito. Pumupunta ito sa falls para mag-compose ng kanta.
“Walang sisihan kapag nandoon na tayo,” sabi ni Klein at naunang tumakbo.
Pagdating sa trail pababa sa falls ay natigilan siya. Parang pinipiga na ang baga niya ng malamig na hangin at makapal na fog. At mukhang wala pang tao sa falls kahit ang mga nagbubukid. “Pwede bang dito na lang tayo?” humihingal niyang sabi at itinukod ang mga kamay sa tuhod. “Anong oras ba dapat dadating si Alex?”
“Mga alas sais pa ng umaga.”
“Ha?” Tumuwid siya ng tayo. “Isang oras pa tayong maghihintay dito?”
“Ikaw lang naman itong mapilit na pumunta dito nang maaga, di ba?”
Sumandal siya sa puno. “Dito ko na lang siya hihintayin.”
“Doon tayo sa loob ng bahay nila James.” Itinuro nito ang bahay ng pinsan na di kalayuan sa trail pababa ng falls. “At least doon pwede tayong magkape.”
“Sige. Pero doon na lang tayo sa swing.” Ayaw niyang makaabala ng iba.
Inantok siya nang nakaupo na sila sa swing. Di siya halos makatulog sa sobrang excitement sa pagkikita nila ni Alex. “Matulog ka muna,” sabi ni Klein.
Humilig siya sa balikat nito. “Paano kung lumagpas si Alex?”
“Sa iyo na ang katawan ko. Pagsawaan mo.”
Napangiti lang siya sa biro nito at ipinikit ang mga mata. She loved the feel of his warm body next to hers. Ni hindi niya maramdaman ang lamig. She felt safe with Klein. And she wouldn’t mind kahit na lumagpas pa si Alex.