Skylander Series Chapter 78

Naalimpungatan si Shandie nang maramdaman ang mainit na bagay na dumikit sa malamig niyang pisngi. Di nagtagal ay nanuot sa pang-amoy niya ang mabangong aroma ng kape. Naulinigan niya ang boses ni Klein. “Shandie, wake up.”

Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Nakahilig na siya sa dibdib nito at may nakabalot nang kumot sa kanilang dalawa. Mas maliwanag na rin ang langit. The last time she felt safe, warm and satisfied was when they were together at the beach. Parang kailan lang ang gabing iyon.

Pero wala sila sa beach. Nasa Sagada sila. At hindi na sila ang batang Klein at Shandie noon. Saka niya naalalang hinihintay nila si Alex. “Dumating na ba siya? Nasaan si Alex?” aniya at nagpalinga-linga. Hindi siya dapat magpahalata na hindi pa siya immune sa charms nito.

“Wala pa si Alex. Uminom ka muna ng kape.” Inabot nito ang tasa sa kanya.

“Nasaan si James?” tanong niya. “Siya ba ang nagbigay ng kumot sa atin?”

Tumango ito at tumayo sa tabi ng bato-batong hagdan pababa sa trail. “Oo. Pero pumunta na siya sa farm. Ipinag-brew niya tayo ng kape bago siya umalis.”

Napatigil siya sa pag-inom ng kape nang mapagmasdan si Klein. He looked like a demigod, standing in front of the mountains and watching the sunrise. He transformed into someone else. Lumingon ito sa kanya at ngumiti, his cute dimples showing. “Mainit pa rin ang kape?”

“Ha?” Ipinilig niya ang ulo. “Inaantok pa ako.” Para siyang nananaginip habang nakatitig dito kanina. At para siyang ulap na tinutunaw ng pagsikat ng araw. How come she was still attracted to Klein even if he was not her type?

“Nandiyan na si Alex. Halika, salubungin natin siya.”

Tumayo siya ngunit nag-aalangan siyang lumapit dito. “Do I look okay?”

“You are beautiful?” anito at ginagap ang kamay niya. Pero dahan-dahan siyang bumitiw dito nang palapit na sa kanila si Alex.

“Tukayo, nandito ka pa pala!” sabi ni Alex at tinapik si Klein sa balikat. Pareho kasing Alexander ang pangalan ng mga ito. “Sawa ka nang magpayaman?”

Tumawa si Klein. “Hindi naman. Ikaw nga itong pabalik-balik sa Amerika.” Siniko niya ito para maalala nito ang pakay. Bahagya itong lumingon sa kanya. “Alex, this is Shandie. Friend ko. She works in Oriental Hotel in Manila.”

Inilahad agad niya ang kamay. “I am with Klein at the Sanctuary last night. Naalala mo ba?” tanong niya sabay todo pa-cute na ngumiti. “Your voice is great!”

Nahihiyang ngumiti si Alex at kinamayan siya. His hands were cold but she didn’t mind. “Sorry, hindi kita napansin kagabi. Pero salamat sa papuri. And it is a pleasure to meet you, Shandie. Bagay kayong dalawa ni Klein. I have to go!”

Inakbayan siya ni Klein at ang isang kamay ay ipinangkaway kay Alex. “Bye, Tukayo! Thank you!” Sinaluduhan ito ni Alex na pababa na sa trail papuntang falls.

“Bakit ganoon? Di ba dapat kami ang bagay?” sentimyento niya.

“Narinig mo. Mas bagay tayong dalawa,” malapad ang ngiting sabi ni Klein.

Tinabig niya ang kamay nitong nakaakbay sa kanya. “Huwag kang dumikit sa akin. Akala tuloy ni Alex boyfriend kita.”

“Shandie, I hate to say this but you are not his type.”

Namaywang siya at hinarap ito. “At ano naman ang alam mo sa type niya?”

“He prefers tall, fine boned women. Iyong magaling mag-ballet.”

Nagsalubong ang kilay niya. Hindi nga siya matangkad. At lalong di siya marunong mag-ballet. Lambada lang ang alam niyang sayawin. “At saan naman siya hahanap ng ganoong klaseng babae?”

“Nahanap na niya. Si Rayanne, ang girlfriend niya.”

“SHANDIE, huwag kang magmukmok. Walang mangyayari sa iyo kung magkukulong ka lang dito sa kuwarto. There’s a bright world out there…”

Tinakpan ni Shandie ng unan ang ulo para hindi marinig ang panghihikayat ni Jade. Nagkulong na siya sa kuwarto mula kanina pa. Ni hindi siya kumain ng agahan. Kaya naman nag-aalala na ito at si Klein sa kanya.

“Ayoko nang makita ang mundo! This is too much! May girlfriend din si Alex. Strike three na ako, Jade. Ayoko na!”

Umupo ito sa gilid ng kama niya. “Iyan kasi. You always brand the attraction you feel as love. Dahil lang naroon sa guy na iyon ang quality na hinahanap mo, akala mo in love ka na agad.”

Bumangon siya at pinahid ang luha. “You can’t blame me. I am not getting any younger. I am wasting too much time. Gusto ko lang namang magmahal.” Bakit pa ipinakilala ng Diyos ang mga lalaking iyon sa kanya kung hindi naman sa kanya mai-in love ang mga ito?

“You are a fool to ask perfection in this imperfect world.” Kumuha ito ng box ng Kleenex at inabot sa kanya. “Yes, those guys are the marrying type. But they are not meant for you. Hindi ikaw ang mahal nila.”

“Don’t rub it in, okay?” aniya at padarag na kumuha ng tissue. “Naiinis lang ako lalo sa sarili ko. What’s wrong with me?”

“Masyado kang nabubuhay sa pangarap. Get real! Wake up!”

Pinahid niya ang tissue ang luha. “Ayoko nang masaktan.” Nasa harap na niya ang realidad pero hindi pa rin niya matanggap. Hindi niya magawang gumising sa bangungot na iyon. All she wanted was to be happy.

Kumuha ito ng suklay at sinuklayan ang magulo niyang buhok. “Tigilan mo na nga ang drama na iyan. Naka-recover ka nga sa kagagahan mo doon kina Steve at Jay. What’s the difference with Alex? Come on, pupunta pa tayo sa lake. You have no business crying over Alex.”

Natauhan sa sinabi nito at nag-shower para sumama dito sa Lake Danom. But it was not enough to make her feel better. Kaya ba niyang magkunwaring masaya kahit miserable siya?

Nakasandal si Klein sa SUV nang lumabas sila ni Jade. Agad siya nitong nilapitan. “Shandie, I’m sorry.” There was guilt all over his face.

“Don’t give me that face. Naiinis ako. Let’s go!” Binuksan nito ang pinto ng sasakyan pero nagpatuloy siya sa paglalakad. “Mag-hike na lang tayo.”

Klein was shocked. “Are you going to kill yourself? Alam mo ba kung gaano kalayo ang lake mula dito?” Nasa gitna sila ng Sagada. Habang ang Lake Danom ay nasa boundary ng Sagada at Besao, isa pang bayan sa Mountain Province.

“Maki-hitch tayo kapag napagod tayong maglakad.” Bahagya siyang ngumiti. “Para naman may thrill, di ba?” Pero ayaw lang niyang bigyan ng pagkakataon ang sarili niya na mag-isip. At doon na rin niya ibubuhos ang galit niya.

Napilitang sumunod ang dalawa. Habang naglalakad, napansin niya kung gaano kasaya ang paligid niya. The birds were chirping gaily and the pine trees were swaying with the gentle wind. Maging ang langit ay nakikisama ngayon. Asul ang langit at dahan-dahang dumadaan ang puting ulap. Everything seemed perfect. Why is life so unfair? Bakit kailangan niyang masaktan? She deserved to be loved back.

“Shandie, sandali!” tawag ni Jade sa kanya. Nakasalampak ito sa gilid ng daan kung saan tanaw ang buong Poblacion ng Sagada. Akala niya noong una ay kukuha lang ito ng pictures pero pagod na pala itong maglakad.

Inabot dito ni Klein ang Coleman. Si Klein ang may bitbit ng picnic basket nila. “We can take a hitch from here.” Pinara ni Klein ang dumaang pick up.

“Ako na ang mauuna,” prisinta niya at sumampa sa gilid ng pickup. Tutal, gusto naman niya ng adventure, tinanggihan niya ang tulong ni Klein. Nasa taas na siya nang matigilan siya. Hindi niya alam kung ano ang susunod na gagawin.

“Shandie, ang tagal mo naman,” angal ni Jade.

“Hindi ko alam ang gagawin,” natutuliro niyang sabi at nilingon ang mga ito.

“Isampa mo ang isang paa mo!” utos ni Klein.

“Hindi ko nga alam ang gagawin ko!” tili niya. “Hindi ako makagalaw.” Nakakapit lang siya nang mahigpit sa pickup dahil malalaglag na siya.

Sumampa si Klein sa kabilang bahagi ng pickup at mula doon ay saka siya inalalayan. Takot siyang napayakap dito. Akala niya ay hindi na siya makakasampa. Kung hindi dahil dito, baka nakabitin pa rin siya sa pickup hanggang ngayon.

“Baka naman gusto rin ninyo akong tulungan,” sabi ni Jade.

Bigla siyang kumalas sa pagkakayakap kay Klein at umupo sa isang tabi. Inabot ni Klein ang kamay nito at tinulungang makasakay. Nang muling umandar ang sasakyan ay tumabi sa kanya si Klein. “Okay ka lang?”

“Medyo masakit ang braso ko at binti ko.” Kumayod sa katawan ng pickup ang balat niya kaninang sumasampa siya.

“Patingin nga,” sabi ni Klein at hinawakan ang braso niya. Napapalatak ito nang makitang nagsisimula nang mangitim iyon. “Ikaw kasi, nangunguna kang sumampa kanina. Nagkapasa ka tuloy.”

“Wala ito,” sabi niya at inilayo ang kamay dito.

Inilagay nito sa likod ng tainga niya ang nakawalang buhok niya na nililipad ng hangin. “Gagamutin natin mamaya.”

Nang iangat niya ang tingin ay saka niya natuklasang napakalapit ng mukha nito sa kanya. She could almost feel his breath. And she remembered the last time their faces were that near. That was when he kissed her. Sa isang kisap-mata ay bumalik siya sa panahong iyon. Dahan-dahang lumapit ang mukha nito.

“Shandie, look! There is the lake!” excited na sabi ni Jade na nakatayo sa gilid ng pickup. Tumayo rin siya. Mula sa hilera ng mga pine trees ay natanaw niya ang lawang kumikinang sa ilalim ng araw. Hindi niya alam kung magpapasalamat o maiinis. If she didn’t interfere, Klein might have kissed her. Sayang!

Kinatok ni Klein ang pick up. “Manong, dito na lang po kami!” anito at nagpatiuna nang bumaba nang tumigil ang sasakyan.

Sumunod na bumaba si Jade. “Thank you po!” sabi nito.

Nang siya na ang bababa ay hinawakan ni Klein ang kamay niya. Inutusan siya nitong tumapak sa tapakan. Saka siya kumapit sa balikat nito at tumalon. Tuwang-tuwa siya nang sa wakas ay nakababa siya. Her body slightly brushed against his and both of them went still. Napatitig siya dito. Maybe he felt that forbidden feeling, too. That unsafe yet sensational feeling. Isang sensasyon na kay Klein lang niya nararamdaman. It was insane.

“Let’s go!” tawag ni Jade na di niya napansing nakatawid na sa kalsada papunta sa lake. Walang kibo siyang sumunod dito habang pigil ang paghinga. Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin kay Klein.

She didn’t know how to describe what she felt for Klein. That crazy feeling that made her heart spin like the first time they met. It was not love. She was sure it wasn’t. Isa lang iyong unreasonable na atraksiyon na dapat niyang iwaksi.

“Iniisip mo pa rin si Alex?” untag ni Klein at umupo sa tabi niya. Nakalatag ang picnic mat nila sa damuhan. Habang si Jade ay kinakausap ang iba pang mga turista na namamasyal din doon.

Umiling siya. “I am thinking how unfair life is,” sabi niya at humiga. She felt something for Klein but she knew that he was not the one she liked. All she felt for him was an old attraction that hasn’t been extinguished yet. At kahit na ma-in love pa siya dito, mauuwi lang sila sa nangyari dati.

“Maybe he is not the one for you.”

Napabuntong-hininga siya. “Kailan pa dadating ang lalaki para sa akin?”

“Just open your eyes. Malay mo, nasa tabi-tabi lang siya.”

Natawa siya sa sinabi nito. “Bakit wala ka pa ring girlfriend?”

He looked at her intently. His eyes were hotter than the scorching sun. “Because I am waiting for you.”

Napabalikwas siya ng bangon at napailing. “You are only saying that to make me feel better. Kabisado ko na kayong mga lalaki.”

“I don’t say things I don’t mean.” Kumuha ito ng lemon pie sa picnic basket at inilapit sa labi niya. “Take a bite. Hindi ka pa kumakain mula kanina. Baka sakaling ma-in love ka na sa akin pagkatapos.”

“May gayuma ba ito?” Pero kumagat pa rin siya. “Masarap.”

“Favorite ko iyan. Ipinaluto ko kay Manang Berta para sa iyo. Saka nagi-guilty ako. I shouldn’t have told to you about Rayanne hastily. Sana di ka nasaktan.”

“It is not your fault. At hindi ako galit sa iyo.” Kumuha rin siya ng slice ng lemon pie at inilapit sa labi nito. “Sige, kumain ka rin.”

Nakadama siya ng matinding panghihinayang. Bakit hindi na lang naging thirty si Klein? She wished he could be every little thing she wanted. If he was only a few years older…

“Wow! Ang sweet naman ninyo!” sabi ni Jade at kinunan sila sa camera.

“Jade!” sabi niya at tinangkang hablutin ang camera mula dito.

“Gosh! Naka-scoop ako. Ano kaya ang sasabihin ng mga kaibigan natin kapag nakitang nagsusubuan kayo ng loverboy mo?” nang-iinis nitong sabi.

Natigil siya sa pagtakbo nang yakapin siya ni Klein. “Jade, isa pang shot sa amin ng sweetheart ko!” Bago pa siya nakapalag ay nakunan ulit siya ng picture.

“Kapag na-eskandalo ako sa Manila, humanda kayo sa akin,” nanlalaki ang mata niyang banta. Pero pinagtawanan lang siya ng dalawa. “Tatawa-tawa ka diyan, Klein. Kapag na-eskandalo ka, mapipilitan kang pakasalan ako. At lilimasin ko ang kayamanan ng pamilya mo.”

“Okay lang. Kahit na pagnasaan mo pa ang katawan ko, okay lang din.”

“Ang kapal mo!” sabi niya at nagmartsa palayo ng lake. Uuwi siyang mag-isa. Narinig niya ang pagtatawanan ng dalawa na kasunod niya sa likuran. At alam niyang siya ang pinagdidiskitahan ng mga ito. Kaya naman pinagdiskitahan niyang pagsisipain ang mga bato sa tabing daan dahil di niya masisipa ang dalawa.

“Shandie,” sabi ni Klein na lumakad sa tabi niya.

“Ano na naman?” angil niya.

Nagulat siya nang lumuhod ito sa at inabot ang mga ligaw na bulaklak sa kanya. “Para sa iyo. Pasensiya na kung sa tabi-tabi ko lang napitas iyan.”

Nakangiti niya iyong kinuha. Noon lang kasi may nagbigay ng bulaklak sa kanya. Na-appreciate niya kahit sa tabi-tabi lang galing. “Thank you.”

“Galing naman iyan sa puso ko.” Tumayo ito at ginagap ang kamay niya. “Ang pagmamahal ko sa iyo, singtibay ng bato, sing tatag ng semento, sing-init ng apoy, sing-lakas ng mason, singkamas at talong…” At nauwi sa pagkanta ng Bahay Kubo ang sinasabi nito.

Nagdadabog niya itong iniwan. “Nakakainis ka talaga, Klein!”

Okay sana kahit corny kung seryoso. Pero nagti-trip lang pala ito.

Sa inis di niya napansing tumigil na sasakyan sa tabi niya. “Shandie, gusto ba ninyong maki-hitch?” narinig niyang tanong ng driver.

Nawala ang inis niya nang makitang si Alex iyon ang driver ng Ford Ranger. “Alex! Pwede bang makisakay kami hanggang sa bayan?”

“Oo. Dito ka na sa tabi ko,” sabi ni Alex. At sina Klein ay Jade naman ay sa likuran sumakay. Nang makatabi si Alex ay nakalimutan niyang ito ang dahilan ng pighati niya kanina. “Galing kayo sa lake?”

“Oo. Saan ka galing?”

“May ipinapagawa akong bahay malapit sa lake. Tiningnan ko lang.” Matamis itong ngumiti sa kanya. “Pumunta kayo sa Sanctuary mamaya, ha?”

“Basta magpe-perform ka ulit,” kondisyon niya.

“Sige. Para iyo, kakanta ako.”

“Kahit na bumagyo, pupunta ako para marinig kitang kumanta.”

Di niya kailangang ma-strike three. Pagsubok lang sa kanya kung hanggang saan ang tatag ng loob niya. Kung hanggang saan niya kayang ipaglaban si Alex. She won’t give up on him!

“JADE, paano ko itatago ang mga pasa ko mamaya? Kailangang maganda ako kapag nagkita kami ni Alex. Sabi niya, kakantahan daw niya ako,” kinikilig na sabi ni Shandie pagpasok ni Jade sa kuwarto nila.

“O, naiwan mo ang bulaklak mo,” anito at inilapag ang bulaklak na bigay ni Klein sa kama niya. “Nakalimutan mo nang makita mo si Alex. Nababaliw ka na naman sa Alex na iyan. Di ba may girlfriend na nga siya?”

Humiga siya sa kama. “Can’t you see that he is starting to fall for me? Mawawala din ang babaeng iyon sa landas namin. And we will be happy!”

“Listen to yourself, Shandie. Dahil sa kalokohan mo, nakakapanakit ka ng tao. Hindi lang ang girlfriend ni Alex kundi pati na rin si Klein. He tried so hard to make you happy. Tapos babalewalain mo lang.”

“Iyon bang mga bulaklak? Napasaya naman ako noon. Nag-thank you pa nga ako, di ba? Kahit nang kantahan niya ako ng Bahay Kubo, na-appreciate ko iyon. But all that mattered now is Alex. Ayoko nang ma-strike three.”

“Masaya ka ba talaga sa ginagawa mo? That is not right. May girlfriend na iyong tao. Kung ikaw ba ang aagawan ng boyfriend, ano ang gagawin mo?”

Tinaasan niya ito ng kilay. “Well, ganoon talaga ng buhay. All is fair in love and war. Can’t be you be happy for me and Alex?”

Tumiim ang labi ni Jade. She disapproved her actions. “Sige, hahayaan kita sa kabaliwan mo. After all, you won’t listen to reason.” Iniwan siya nito sa kuwarto.

“Thank you!” she said sweetly then closed the door. Maiintindihan din siya ni Jade sa ginagawa niya lalo na kapag nakita nitong masaya sila ni Alex.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.