Gusto nang makulili ni Jemarra sa simpleng pagsinghot ni Charity sa tabi niya. Palabas sa VHS player ng bus ang pelikulang Heidi. Napanood na niya iyon sa cartoons kaya hindi siya masyadong interesado. Ayaw kasi niya ng kadramahan sa buhay. Unfortunately, it caught the heart of the bus’ female passengers. Ewan nga lang niya kung iyon din ang iniiiyakan ng katabi niya.
“Alam mo, kahit naka-sunglass ka, hindi mo maitatago ang pagdadalamhati mo.” Binigyan niya ito ng tissue. “You’re not crying because Heide couldn’t go home, are you? Mabuti na lang at nag-iiyakan din ang mga tao rito dahil sa palabas. Kung hindi, mahahalata ka nila. Tama na iyan, Charity.”
Hinaplos niya ang likod nito. Hindi niya alam kung ano ang nangyari dito at kay Jet. Akala niya ay plantsado na ang lahat pero narinig niya ang iyak nito kagabi nang akala nito ay tulog na siya. Lalong maging magulo ang lahat. Nabulilyaso na naman ang lovelife nito.
At mukhang mas mahihirapan itong maka-recover.
“I can’t help it, eh. Sa tuwing maiisip ko na sa bawat sandali ay palayo na ako nang palayo
kay Jet, naiiyak na lang ako basta.”
“Akala ko ba itinanggi na niyang mahal ka niya? Dapat ay kalimutan mo na ang isang iyon,” pagpapalakas ng loob niya dito. She silently cursed Jet for making her friend cry. Kung kaharap lang niya ito, tinuhod na niya ang pagitan ng hita nito. Pasumpa-sumpa pa sa kanya, hindi rin naman pala tutuparin.
“But I love him.”
“What’s the use of loving him when he doesn’t love you?” tanong niya dito. And what’s the use of loving someone who is afraid to be loved?
“I don’t know. Katangahan na nga yata itong ginagawa ko. Pero parang ayoko talagang umalis. Je, anong gagawin ko?”
“Go back,” usal niya. That was the most romantic thing to do. Alam niyang iyon lang ang magpapasaya sa kaibigan niya. Pero paano kung mabigo ulit ito?
“What?”
“Nothing. Hindi rin ako naniniwalang totoo ang sinabi ni Jet na hindi ka niya mahal. Kaya bumalik ka roon at sabihin mo sa kanyang kapag hindi siya umamin ng totoong nararamdaman niya sa iyo, magpapakasal ka na sa Maynila.”
That was a bluff. Pero kung mahal talaga ito ni Jet, magkakaroon ng happy ending ang lahat. Ang masama, hindi nito kagatin ang bluff.
“But I don’t want to get married.”
“Hay naku,” usal niya nang hindi pa rin nito nakuha ang ideya niya. Binuksan niyo ang bintana ng bus para sumagap ng sariwang hangin. Hindi na kasi niya alam kung paano ito tutulungan. Nagkataong kasalubong nilang bus ay papuntang Sagada. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya at pinara ang bus. “Para! Teka lang! Sasakay ang kaibigan ko!”
“Jemarra, what the hell are you doing?” bulalas nito.
“I’m doing the best thing for my bestfriend. Mama, para po!” sigaw niya sa driver ng bus nila. Binitbit niya ang backpack ni Charity. “Kumilos ka na, bruha!”
Tulala pa rin ito at hindi agad naintindihan ang ginawa niya. Subalit nang maintindihan siya nito ay niyakap siya nang mahigpit. “Salamat, Je. Wish me luck.”
Nang makasakay na ito sa kabilang bus ay saka niya naisip si Rui. Nakalimutan niya itong ibilin kay Charity. Will there come a time that he will risk to fall in love again? She wished that a woman will come along and change his life.
NAALIMPUNGATAN mula sa pagkakaidlip si Jemarra. Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata. Naramdaman niyang nakatigil ang bus na sinasakyan niya papuntang Baguio. Marahil ay nasa stop over sila dahil may mga tindera na nasa bintana at nag-aalok ng kung anu-anong paninda. Nakita niya ang karatula sa malapit na tindahan. Nasa Mt. Province pa rin sila at marahil ay hindi nakakalayo sa Sagada.
Subalit hindi iyon ang nagpagising sa kanya. Pakiramdam kasi niya ay may nakatingin sa kanya. Nang tumingin siya sa aisle ng bus ay nakatayo doon si Rui. Kinusot niya ang mga mata dahil baka nananaginip lang siya. Pero hindi pa rin ito naglalaho kahit na nakailang kurap na rin siya.
“Mind if I sit here?” tanong nito nang tumigil sa tapat niya. Bakante kasi ang upuang inalisan ni Charity.
Nakabawi siya sa pagkatigagal nang marring ang pormal nitong boses. Ito nga ang supladong si Rui. “Anong ginagawa mo dito?” Sinundan ba siya nito?
“Papunta sa Baguio ang bus na ito, hindi ba? Doon ako pupunta. Nasiraan kasi ang bus na sinasakyan ko kaya pinalipat kami dito. Pwede bang makiupo?”
Luminga siya sa paligid. Iyon na lang ang bakanteng upuan. “Umupo ka. Tutal, hindi ko naman babayaran iyan.”
Nahahati siya sa dalawa. Excited siya dahil katabi niya ito kahit nga hindi naman talaga siya nito sinundan. Coincidence nga lang ang pagkakasama nila. Hindi katulad ni Charity na talagang binalikan si Jet.
Pero hindi pa rin niya napapatawad si Rui dahil sa pinagsasabi nito sa kanya nang nakaraang gabi. Daig pa nito ang babaeng may dalaw sa kasungitan.
Umupo ito sa tabi niya. “Nasaan si Charity?”
“Hindi siya sasabay sa akin pabalik ng Manila. She went back to Sagada to be with Jet.” And she was hoping that those two would patch things up.
“At least they can work it out.”
Hindi na siya nag-comment. Marami siyang gustong sabihin dito pero minabuti niyang ayusin na lang ang camera at maghanda sa mga view na kukunan niya. Kaysa naman masabihan na naman siya nitong pakialamera.
“You are so quiet. No side comments?” sabi nito.
Nagsimula nang umandar ang bus. Nanatiling pinid ang bibig niya nang mahimigan ang paghahamon nito at nag-focus sa nadadaanang view. Inilagay niya ang polarizer filter para kahit na nakasara ang bintana ay hindi iyon mag-reflect sa picture na kukunan niya. Umaambon sa labas. She was awed by the view of clouds kissing the mountain. Isa iyon sa mami-miss niya sa Manila-ang fog.
“Hindi mo ba ako kakausapin?” tanong ulit ni Rui. “Hindi mo ba sasabihin na dapat maging matapang ako tulad ni Charity na binuksan ang puso niya?”
“You are exceptionally talkative today,” komento niya at ipinagpatuloy ang pagkuha ng picture.
“What’s so interesting about the mountains and mass of clouds?”
“I am an artist. Alam ko kung ano ang mas interesante. You don’t always see a view like this in Manila dahil wala namang fog doon. Saka pakialam mo ba sa trabaho ko. Ang totoo, ayoko nga kitang kausapin. Hindi ko alam kung bakit bigla kang nagka-effort na kausapin ako. Sanay ka namang mapanisan ng laway.”
Sumandal ito. “Once in a blue moon lang siguro akong magiging madaldal. Don’t you want to take the opportunity of extracting information from me?”
“Para masabihan ulit na pakialemera. No, thanks!”
Natahimik ito. Hindi niya alam kung dahil tinamaan ito sa sinabi niya o dahil wala lang itong masabi. Nang wala nang nagsasalita sa kanila ay nagpasya na lang siyang tawagan ang opisina nila sa Manila para mag-report sa boss niya.
“Hello, Ma’am Roxanne! Marami akong nadadaanang magagandang view. I am sure you will like them. I’ll show them to you once I get to the office. Nasa Manila na ako tomorrow.”
“Forget it, Jem! Kung nasa Sagada ka pa, diyan ka muna mag-stay. Kahit sa ibang araw ka na lang umuwi. Palipasin mo muna ang bagyo.”
“Bagyo? You mean typhoon?”
“Yes. Three days nang walang puknat ang ulan dito sa Manila. At ayon sa balita, signal number two ang Cordillera Region. So please…”
Naputol ang tawag. “Hello, Miss Roxanne?” Nang tingnan niya niya ang message window ay wala nang signal sa lugar na nadadaanan nila. Tumingin siya sa labas at papasok na sila sa isang malaking masa ng ulap. “Rui, alam mo ba na may bagyo ngayon at signal number two dito?”
Tumango ito. “Oo. Hindi mo ba alam?”
Umiling siya. Nang I-check niya ang weather update through cellphone, walang nabanggit doon na may bagyo. Damn their services. Ni hindi man lang siya nabigyang babala. Habang safe si Charity sa piling ni Jet, heto siya at nagbibiyahe sa isang delikadong lugar kasama si Rui. Minamalas ba siya?
“Why didn’t they cancel the trip?” tanong niya sa histerikal na boses. “Kita mo naman, halos bangin ang dadaanan natin. Tapos prone pa dito sa landslide. Bakit nila hinayaang ituloy ang biyahe? What if I get killed or…”
“Sanay na ang mga tao na magbiyahe sa ganitong kondisyon.”
“Zero visibility?” tukoy niya sa makapal na fog na nasa paligid nila na dahilan ng mabagal na pag-usad ng bus na sinasakyan nila.
“If you are so damn scared, why don’t you pray instead?”
MAGKASALIKOP ang kamay ni Jemarra habang mariing nakapikit. Mula nang sabihin ni Rui na magdasal siya ay ganoon na ang itsura niya. Mas humihigpit ang pagsusugpong ng daliri niya tuwing naririnig niya ang pagbagsak ng mga bato sa bubungan ng bus nila. Ibinaba na nga niya ang kurtina ng bus at ayaw na niyang sumilip pa. Dahil puro makapal na ulap na bumabalot sa bangin at silhouette ng damo at puno ang nakikita niya. ang nakikita niya. Wala na halos lupa.
“Iligtas po ninyo ako,” dasal niya. “I don’t want to die yet. I don’t want to die young. I don’t want to die a virgin. Gusto ko pang magka-boyfriend. Sayang ang lahi ko. Gusto ko pang magkaasawa at magkaanak. So please keep me safe from harm.” Natigilan siya sa pagdadasal nang mapansing nakatingin sa kanya si Rui. “Anong tinitingin-tingin mo diyan?”
“Ano ba ang ikinatatakot mo? Para ka lang nakasakay sa eroplano.”
“Takot po ako sa maraming ulap. Saka hindi naman ako dito nakatira kaya natural lang na hindi ako sanay sa biyahe dito.”
“Magdasal ka na nga lang ulit. Hindi na kita titingnan.”
Hindi man halata pero alam niyang lihim siya nitong pinagtatawanan. Gusto siguro nitong ipamukha sa kanya na nuknukan siya ng duwag. Sabagay, nakailang dasal na siya. Sapat na siguro iyon para hindi siya matakot. Inilabas niya ang camera at inangat ang kurtina.
Dahil hindi naman maulap ang paligid kapag bumabagyo sa Manila, kukunan na rin niya ang view. Para maipagmalaki niya sa mga kaibigan niya na matapang siya. Like the dark night, kailangan din niyang ma-appreciate ang ganda ng kalikasan kahit na nasa mabangis nitong anyo.
“What are you doing?” tanong ni Rui.
Pinasan niya ng palad ang mist sa bintana para mas makita niyang mabuti ang view. Saka siya kumuha ng pictures. “I am working here.”
“Bumabagyo pero nagtatrabaho ka pa rin.”
“I don’t want to pray all day. Ito lang ang paraan ko para labanan ang takot ko.” Subalit maya-maya pa ay sumuko na siya sa pagkuha ng picture dahil sa sobrang lamig. Tiningala niya ang labasan ng aircon. “Pwede bang ipapatay ang aircon? Masyado nang malamig dito.” Siguro dahil sa taas ng lugar at sa lakas ng ulan. Pumasok pa nga ang fog sa bus nila kaninang buksan iyon.
“Nakasara naman ang aircon. Are you cold?”
Pinagsalikop niya ang palad at hinipan iyon. “Ang totoo, kanina pa ako nilalamig. Akala ko dahil sa sobrang lamig kaya masama ang pakiramdam ko. Ganito ba talaga kalamig dito kapag may bagyo?”
“Hindi naman.” Sinalat nito ang noo niya. “You are sick. Mainit ka. May iba pa bang masakit sa iyo?”
“Balikat at likod ko. Siguro dahil sa pagpasok ko sa cave kahapon. Medyo mabigat kasi ang dala kong bag kahapon. May tripod pa ako. Kailangan ko kasing makunaan ang loob ng cave at long exposure ang kailangan ng camera ko.”
“Drat!” narinig niyang usal nito. “Bakit ikaw ang nagdala ng mabigat? Hindi ka ba tinulungan ni Andrew sa mga gamit mo?” tukoy nito sa tourist guide niya.
“He offered his help but I refused.” Niyakap niya ang sarili at lalong binalot ang sarili sa jacket.
“Stubborn independent woman! You thought you can handle everything.” bulong ni Rui. “May iba ka pa bang jacket o kumot? Gusto mong kunin ko sa bag mo?” Tumango siya. Maya maya pa ay balot na siya ng kumot. “Matulog ka muna. Kapag nag-stopover tayo, kailangan mong kumain para makainom ka ng gamot.”
Umiling siya. “Ayokong matulog. Baka paggising ko nasa langit na ako.”
“Hindi ka pa mamamatay. Mukhang iga-grant naman ng langit ang lahat ng dasal mo kanina.” Kinabig nito ang ulo niya para makahilig siya sa balikat nito. “Matulog ka na dahil babantayan kita.”
Kampante niyang ipinikit ang mga mata nang maramdaman ang init ng katawan nito. Nang hawakan nito ang kamay niya ay tuluyan na niyang isinuko ang katawan sa pagod at sakit. Alam niyang paggising niya ay si Rui pa rin ang nasa tabi niya at binabantayan siya.
“NASA Baguio na tayo,” sabi ni Rui kay Jemarra nang gisingin siya nito. Nakita niya ang malaking arko na Welcome to Baguio City.
“Mahaba pala ang tulog ko,” usal niya. Nang mag-stopover sila kanina ay pinainom siya nito ng gamot at pinakain. Kahit paano ay nakapahinga siya ngunit nakakaramdam pa rin siya ng panlalambot.
“Saan ka ba tutuloy na hotel or lodging inn?” tanong nito nang tumigil sila sa terminal ng bus. “Ihahatid na kita.”
“Doon ako sa terminal papuntang Manila. Kailangan ko na kasing makauwi sa amin dahil marami pa akong trabaho. Magre-report pa ako sa office bukas,” sabi niya nang tumayo sa upuan.
Kinuha nito ang mga gamit niya subalit ito na ang nagbitbit para sa kanya. “Ganito pala kabigat ang bitbit mo. Sa payat mong iyan, hindi malabong napilayan ka kaya nilalagnat ka ngayon. Mabuti pa, magpahinga ka muna. Bukas ka na bumalik ng Manila.”
“Gusto ko nang umuwi. Doon na lang ako sa bahay namin magpapahinga.” Hindi siya sanay na magkasakit sa isang estrangherong lugar. Kung ipagpapabukas pa niya ang pagluwas, masisira ang schedule niya.
“Are you trying to kill yourself? Seven hours kang nagbiyahe. You were sick. May nervous wreck ka pa sa biyahe mo dahil akala mo malalaglag ka sa bangin at matatabunan ng landslide. Tapos luluwas ka sa Manila nang bumabagyo?”
Hindi siya makakibo dahil totoo ang sinabi nito. Pero wala siyang nasa isip kundi ang makabalik ng Manila. Natatakot siyang makasama nang matagal si Rui dahil unti-unting lumalabas ang magagandang ugali nito. She may prefer being independent. Pero gusto pa rin niya ang isang lalaki na mas ipa-prioritize ang kapakanan niya kaysa sa pagiging stubborn niya. And Rui has that character.
“Makakapaghintay ang trabaho mo,” mas mahinahon nang sabi nito. “Pero kung gusto mo talagang lumuwas, doon ka muna sa resthouse namin. Ako na ang magpapa-reserve ng bus ticket para sa iyo.”
Nawalan siya ng pagpipilian nang isakay nito ang gamit niya sa taxi. Paano siya makakalaban kung ultimo mountaineering bag niya ay hindi niya mabuhat. Maya maya ay tumigil ang taxi na sinasakyan nila sa isang manor type na bahay. Pakiramdam niya ay nasa Medieval era siya dahil napapalibutan ng pine trees ang paligid. Subalit sa loob naman ay modelo ang furnishing at kagamitan.
“Whose resthouse is this?” tanong niya at umupo sa sofa.
“Sa pinsan ko. Kapag summer lang sila nagpupunta dito. At kapag lumuluwas kami sa Baguio, dito kami tumutuloy. Kaya may susi rin kami dito. Doon ka muna sa kuwarto magpahinga habang tinatawagan ko ang kaibigan ko sa terminal.”
“Dito na lang muna ako para malaman ko kung anong oras ang alis ng bus.”
“Bahala ka.” Binuksan nito ang heater at pagkatapos ay iniwan siya para gumamit ng telepono malapit sa kusina.
Tinanggal niya ang sapatos at inakyat ang paa sa sofa. Para maging komportable siya at hindi siya masyadong lamigin. Naiidlip na siya nang maramdaman ang pagbalik ni Rui. “Anong sabi?” tanong niya.
“Cancel ang lahat ng biyahe ngayong araw na ito dahil sa bagyo. Nakita mo naman siguro kung gaano kalakas ang ulan sa labas. Bukas na nang alas siyete ng umaga ang unang biyahe ng bus.”
Nasapo niya ang ulo. “Bukas pa?”
“Kaya doon ka na sa kuwarto magpahinga.”
Hindi siya gumalaw sa kinauupuan. “Pero…” Sila lang bang dalawa ang magse-share doon sa resthouse? Hindi sa natatakot siyang baka may gawin itong hindi kanais-nais. Alam niyang gentleman ito. Kaso baka nakakaabala na siya.
“Ano pang masakit sa iyo at hindi ka makatayo?”
“Wala.”
Nagulat siya nang buhatin siya nito. “Siguro hindi ka makalakad dahil sa sakit mo.” Bahagya itong ngumiti nang makita ang takot sa mga mata niya. “Kaya kitang buhatin kung natatakot ka na baka maibagsak kita.”
“Hindi mo ako binuhat noong nasa rice terraces tayo,” paalala niya para mabawasan ang kaba niya. Mainit ang katawan niya pero lalo iyong nag-init nang maramdaman ang kalamnan sa katawan nito.
“Dahil baka lumubog tayo. Saka wala ka namang sakit noon.” Inilapag siya nito sa kama. Inayos nito ang kumot. “Matulog ka na. Gigisingin na lang kita kapag oras na ng hapunan at iinom ka na ng gamot.”
“Sa kabilang kuwarto ka ba matutulog?”
Umiling ito. “Magulo ang kabilang kuwarto. Baka sa sala na lang ako matutulog o sa couch para mabantayan kita.”
“Sorry. Dahil sa akin, naabala ka pa.”
Tumalikod ito. “Magpagaling ka na lang. Ayoko sa lahat dinadramahan ako. Siguro naman sasabihin mo na ngayon na hospitable ako.”
“Hindi ka lang hospitable. Bishounen ka pa,” usal niya nang makaalis ito.
Sayang. Nandito pa mandin ang ilang katangiang hinahanap niya sa lalaking gusto niya. Ang problema, baka ma-in love lang siya dito tapos mare-reject din siya sa huli. Mas kaya niyang tiisin ang sakit ng katawan kaysa sa sakit ng puso. Ayaw niyang ma-in love sa taong ayaw ma-in love.