ALAM ni Vanessa na hindi obligasyon ni Fern na ipaalam sa kanya kung nasaan ito o kung sino ang kasama nito. Pero hindi niya mapigilang mairita na makita ang lalaki sa bridal shower ni Champagne na may kasamang ibang babae. Sa sobrang inis niya, hindi na niya tinapos ang party at umuwi na siya sa condo niya.
Akala niya ay naging tahimik at patago ang pag-alis niya. Hindi na nga siya nagpaalam kay Champagne dahil siguradong hindi ito papayag na hindi niya tapusin ang party nito. Kay Isabella lang siya nagsabi na “masama ang pakiramdam” niya.
Kaya nagulat siya nang ilang minuto pa lang ang lumilipas simula nang makauwi siya, kasunod na agad niya si Fern na para na namang pag-aari ang kusina niya. Ipagluluto raw siya nito ng soup para gumaan ang pakiramdam niya at matanggal ang espiritu ng alak sa kanyang sistema.
“Sana sinabi mo sa `kin kanina na masama ang pakiramdam mo,” sermon ng binata habang hinahalo ang sabaw. Mahihimigan din ang bahagyang iritasyon sa boses nito. “Ako na sana ang naghatid sa `yo pauwi.”
Sumandal si Vanessa sa kitchen counter at humalukipkip. “Ayoko lang namang istorbohin ka kasi may ka-date ka.”
“Isa pa `yon. Sayang lang at hindi ko kayo naipakilala ni Stacy sa isa’t isa.”
Nakagat ni Vanessa ang dila para masigurong hindi niya aangilan si Fern dahil sa pagbanggit nito sa Stacy na iyon. “Bakit isinama mo siya sa party ni Champagne?”
“Because Stacy wanted to surprise our friends. Ako kasi ang una niyang sinabihan na nakabalik na siya ng bansa,” sagot ni Fern. “Plus, nagkakilala rin sila ni Champagne bago siya nagpuntang New York a few months ago. Mabuti nga at naurong ang kasal ni James kaya makakadalo siya this time. Kung natuloy kasi ang unang date na napagkasunduan ng dalawa, hindi aabot si Stacy.”
Kumunot ang noo ni Vanessa. Ah, parte rin pala ng barkada nina James ang Stacy na iyon. Siguro wala na ang babae noong mga panahong nakikipag-hangout ang barkada nila sa barkada ni James Grande kaya ngayon niya lang ito nakita.
“Bakit parang naiinis ka?” halatang nanunuksong tanong ni Fern. “Nagseselos ka ba kay Stacy?”
Pinilit ni Vanessa na mag-poker face nang bigyan siya ng nagdududang tingin ng binata. Para mas convincing ang pag-arte niya na hindi siya naapektuhan, ni-relax niya rin ang mga balikat. “Wala naman akong dahilan para magselos dahil malinaw naman sa `kin ang klase ng relasyon na meron tayo. Pumayag ako sa arrangement na `to kasi gusto kita at gusto kong matulungan kang mawala ang lust na nararamdaman mo sa `kin para naman makapag-concentrate ka na sa babaeng gusto mong seryosohin. Hanggang nabibigyan mo `ko ng orgasm, hindi ako makikialam kung makipag-date ka man sa ibang babae.”
Malaki mang katangahan, pero alam ni Vanessa na siya rin ang may kasalanan kung bakit “dehado” siya sa arrangement nila ni Fern. Pumayag siya sa kagustuhan nito na huwag makipagkita—lalo na ang makipagtalik—sa ibang lalaki habang magkasama pa sila, pero ni minsan naman ay hindi niya pinagbawalan ang binata na makipag-date sa ibang babae.
Iyon ang dahilan kung bakit wala siyang karapatang magalit kung nakikipagkita man si Fern sa Stacy na iyon. Bukod sa wala silang relasyon ng binata, wala rin siyang inilatag na ganoong klase ng ground rule para dito.
God, Vanessa. Since when did you become stupid?
“Kung bumalik na ang babaeng gusto kong seryosohin, ano na’ng mangyayari sa `tin?”
Labag man sa kalooban ni Vanessa, napaderetso siya ng tayo dahil sa seryosong tanong na iyon ni Fern. Bumalik ito sa dati—blangko ang mukha at hindi mababasa ang nasa isip.
Nang mga sandaling iyon, ramdam niyang tapos na kung anuman ang namamagitan sa kanila ngayon. Gumagana na ang lahat ng “warning signal” sa katawan niya at sinasabihan siyang oras na para mag-“empake” at tapusin ang kalokohan na iyon bago pa siya magkaroon ng “damage.”
Nakakatawa, pero habang nakatingin siya sa seryosong mukha ni Fern, bigla niyang naisip ang ex-boyfriend na si Jack dahil sa mga sinabi nito noong huling beses silang nagkausap.
“You’re the kind of person who finds it easy to leave when things start to get ugly. You pack your things and move forward, never looking back, never caring about the people you leave behind to save yourself from any kind of pain. You only stay for the good times.”
Nakagat ni Vanessa ang ibabang labi. Alam niya, unti-unti nang nagkakalamat ang magandang samahan nila ni Fern. Sigurado siya na kung hindi pa niya tatapusin kung anuman ang meron sila ngayon, magmumukha lang siyang tanga. Ayaw man niyang aminin, pero malakas ang pakiramdam niya na may kakayahan ang binata na saktan at wasakin siya.
Ang mas malala? Alam niyang hindi niya magagawang sisihin si Fern sa kung anuman ang mangyayari sa kanya dahil… dahil sa unang pagkakataon, aaminin niyang siya ang may kasalanan kung bakit siya nagkakaganoon ngayon.
Naging mahina siya. Nagpatalo sa emosyon niya. Nag-asam ng isang bagay na alam naman niyang imposibleng mangyari sa kanya—ang magkaroon ng seryosong relasyon. Ano ang nangyari sa pag-asang iyon?
Nadurog nang dumating si Stacy sa eksena.
“Oh, I remember,” biglang pagbabago ni Fern ng usapan nang hindi siya nakasagot sa huli nitong tanong. “Your mom called me up the other day. Inimbita niya `ko sa birthday ng daddy mo two weeks from now. Gusto ni Tita Vina na tulungan ko siyang magluto para sa party na io-organize niya. Hindi pa `ko sumasagot sa kanya dahil ang sabi ko, kakausapin muna kita tungkol dito.”
“Paano naman nalaman ni Mommy ang number mo?”
“Hinanap niya sa Facebook ang page ng restaurant ko. Tinawagan niya `yong mga contact number na nakita niya ro’n. Nang nagkausap kami ni Tita Vina, ibinigay ko sa kanya ang personal number ko. Madalas tumawag sa `kin ang mommy mo para kumustahin ka.”
“Bakit ngayon mo lang sinabi sa `kin `yan?”
Nagkibit-balikat si Fern. “Alam kong magagalit ka, eh.”
Ayaw man ni Vanessa, nag-init at humapdi bigla ang sulok ng mga mata niya. Kumurap-kurap siya para pigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. Sumakit tuloy ang lalamunan niya sa pagpipigil umiyak.
Siguro hindi siya makakaramdam ng iba bukod sa pagnanasa kung hindi siya trinato ni Fern bilang isang disenteng babae. Kung sana ay umasta ito na gago at walang pakialam sa damdamin niya gaya ng ibang fuck buddy na dumaan sa kanyang buhay, hindi niya mararanasan kung paano magkaroon ng isang matinong lalaki sa buhay niya. Baka kung hindi niya nakita ang ibang side ng binata kapag wala sila sa kama, hindi niya maiisip na posible siyang maging secured sa isang “steady relationship” na noon pa man ay tinatakasan at iniiwasan na niya.
Pero alam niyang hanggang mabuting trato lang ang kayang ibigay ni Fern dahil hindi siya ang babaeng gusto nitong seryosohin. Ibabasura lang siya ng binata gaya ng pagbasura niya sa mga lalaking humiling sa kanya ng seryosong relasyon noon.
Karma is a bitch, ain’t she?
“Nessa?” nag-aalalang untag ni Fern sa kanya. “Are you okay?”
Imbes na sumagot si Vanessa, inabot niya ang zipper sa likuran ng suot niyang dress. Nang maibaba iyon, hinayaan niya ring mahulog ang mga strap hanggang sa mahulog na ang suot niya sa sahig. Pagkatapos, sunod naman niyang hinubad ang bra at undies niya.
Lalo siyang ginanahan sa paghuhubad nang makitang sinusundan ni Fern ang bawat galaw niya. Napalunok pa nga ito nang tuluyan nang mawala ang mga huling piraso na tumatakip sa kahubdan niya.
Mabilis na nagkaroon ng pagnanasa sa mga mata ng binata habang sinusuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Halata namang nasisiyahan ito sa nakikita dahil mayamaya lang, umumbok na sa pantalon nito ang naninigas nitong pagkalalaki. Pagkatapos, umangat sa mukha niya ang tingin ng binata. The look on his face was a mix of awe and desire. “You’re really beautiful, Vanessa.”
Ngumiti lang si Vanessa. “Well, parang hindi naman yata fair na ako lang ang nakahubad sa `ting dalawa, `di ba?”
Tumaas ang sulok ng mga labi ni Fern. “Why don’t you do something about it then?”
Tumaas ang kilay niya, nakangiti pa rin. Pagkatapos, lumapit siya sa lalaki. Hindi niya inalis ang tingin rito habang isa-isa at maingat niyang tinatanggal ang pagkabutones ng suot nitong polo. Pero mabilis ding bumaba ang tingin niya sa katawan ng lalaki nang marating ang huling butones. Hindi niya kasi maiwasan ang nang-aakit nitong dibdib.
Dahan-dahan niyang hinubad ang suot na polo ni Fern, sinasadyang paraanin ang mga daliri sa matitigas nitong braso. Nanatiling hindi gumagalaw si Fern. Alam niya kung ano ang ibig sabihin niyon—sinusubukan na naman nitong pigilan ang pagsabog dahil nag-uumpisa pa lang sila.
Dapat lang nitong pigilan ang sarili dahil sisiguruhin niyang magiging mahaba ang gabing iyon para sa kanila.
After all, that would be the first time she would make love to him. The sad part? It was also the last.
Namangha si Vanessa habang pinaparaan ang mga daliri sa matigas na dibdib ni Fern. Unti-unti, pinababa niya ang mga kamay sa pipis nitong tiyan. Feeling his rock-hard abs was enough to make her moan softly. Her little teasing already dampened her panties. “You’re beautiful, too, Fern.”
Mahinang natawa si Fern, pero hindi pa rin nagbago ang mabigat nitong paghinga. Mukhang hindi na ito makapaghintay dahil bigla na lang siya nitong binuhat na ikinatili niya. Nagsimulang maglakad ang binata papunta sa kuwarto, pero pinigilan niya ito. Kunot-noong tumingin ito sa kanya. “You’re not asking me to stop, are you?”
Mabilis na umiling si Vanessa. “Isa-suggest ko lang sana na imbes sa kama, sa sofa na lang tayo. You know, that’s the only place in my condo that we haven’t ‘violated’ yet.”
“Good. Because if you ask me to stop now, you might see me combust,” biro ni Fern, pero mabilis din itong ngumiti. “And I like your idea, hon.”
Muli na namang napatili si Vanessa nang marahan siyang ihagis ni Fern sa sofa. Bago pa siya makapagreklamo ay kumubabaw na ito sa kanya at hinalikan siya nang malalim hanggang sa nalalasahan na niya ang alak sa bawat pagdulas ng dila nito sa dila niya. Ah, uminom siguro ito kanina sa party bago siya sinundan pauwi.
Nang ipulupot niya ang mga braso sa mga balikat ni Fern, nasa leeg na niya ang bibig nito—humahalik, kumakagat, dumidila, sumisipsip. Sunod naman nitong “pinarusahan” ang mga collar bone niya. Nang bumaba ang bibig nito sa pagitan ng kanyang mga dibdib, bumaba na ang kamay nito sa pagitan ng mga hita niya.
He teased her clit before he slid two fingers inside which effectively made her cry softly while rubbing herself against his hand. She heard and felt him chuckle before he took one nipple in his mouth while his other hand was kneading her other breast.
Pero hindi pa kontento si Fern. Bumaba ang bibig ng lalaki at pinalitan ng dila ang mga daliri sa loob niya. His tounge was slick as it slid and glided inside her, eliciting loud moans from her. Sa ilang linggo nilang magkasama, mukhang alam na alam na nito kung paano gagamitin ang dila para mapasaya siya nang husto. Ah, hindi. Mukhang kabisado na nito ang bawat parte ng kanyang katawan at alam na nito kung paano siya dadalhin sa rurok sa bawat haplos pa lang nito.
Natagpuan niya ang mga kamay sa ulo ni Fern, marahang hinihila ang buhok nito sa bawat pag-angat ng balakang niya para salubungin ang pag-atake ng dila nito sa loob niya. Tuluyan na niyang nasabunutan ang binata sa huling malalim na pagdila nito. Then she came with a muffled cry.
Habang hinahabol ang hininga, naalala ni Vanessa na hindi tungkol sa kanya ang gabing iyon. Sa pagkakataong iyon, si Fern ang gusto niyang paligayahin nang husto. Ang plano niya, bigyan ito ng isang alaala na hindi nito makakalimutan tungkol sa pinagsamahan nila.
Pinatigil niya ang binata sa ginagawa at bumangon siya na ipinagtaka nito. Habang nakaupo sa sofa, pinatayo naman niya ito sa kanyang harap. Mukhang alam na ng binata ang balak niyang gawin kaya ngumiti lang ito at tumalima sa gusto niyang mangyari.
Mabilis na tinanggal niya ang sinturon ni Fern at ibinaba ang zipper ng pantalon nito na hinila niya rin agad. Sinipa nito ang pantalon kaya ngayon, nakatayo na ito sa harap niya na tanging boxers lang ang suot. At oo, nakatayo rin sa tapat ng mukha niya ang naninigas nitong… ahm, well, tawagin na lang nating “alaga” nito.
Nag-angat ng tingin si Vanessa. Nakatingin pababa sa kanya si Fern, mabigat ang paghinga, puno ng pagnanasa ang mga mata, at halatang naghihintay. Bumaba uli ang tingin niya sa pagkalalaki nito, pagkatapos ay ikinawit niya sa waistband ng boxers nito ang kanyang mga daliri.
Dahan-dahan niyang hinila pababa ang boxers ni Fern at sinadya niyang iparaan ang mga daliri sa balat nito na ikinahigit ng hininga ng binata. Her hands brushed the side of his thighs which made him groan this time. The need in his voice turned her on even more so she tugged at his boxers one last time, successfully making it fall to the floor.
“Touch me more, Nessa,” paungol na utos ni Fern.
“Hindi lang `yan ang balak kong gawin sa `yo, Fern,” nakangiting panunukso niya rito. Hinawakan niya ang kamay ng binata at hinila ito paupo sa tabi niya. Pagkatapos, umupo siya sa isa sa mga hita nito. “I plan to devour you like the hot piece of meat that you are.”
ISA-ISANG dinilaan ni Vanessa ang mga daliri niya nang hindi inaalis ang tingin kay Fern. Sinusundan ng binata ang bawat galaw niya, at kitang-kita niya nang manlaki ang mga mata nito sa sunod niyang ginawa.
She wrapped her hand around his cock, then she slid it up and down his length. He groaned a little louder than usual which encouraged her even more. This time, she was even rubbing herself against his leg. She stopped her hand for a few seconds before she slid again and squeezed on her way up.
“Fuck, Nessa,” paungol na sabi ni Fern, pagkatapos ay kinabig nito ang batok niya para sa isang malalim na halik. Nalasahan niya ang matindi nitong pagnanasa sa bawat pagdaan ng dila nito sa bawat sulok ng bibig niya.
Vanessa moaned against his mouth, her hand pumping him faster. Nang maramdaman niyang hindi tatagal si Fern sa ginagawa niya, pinutol na niya ang halik at mabilis siyang tumayo mula sa pagkakakandong sa binata. Umungol ito bilang reklamo dahil binitawan niya rin ito, pero mabilis ding nawala ang pagkabitin ng binata nang lumuhod siya sa harap nito at ibinuka ang mga hita nito.
She wrapped her mouth around him. Her other hand was flat on his chest, feeling his heartbeat, her fingers occasionally brushing against his nipple. Mukhang nagustuhan ni Fern ang mga ginagawa niya sa lakas ng ungol nito, ang pagsinghap sa bawat pagtaas-baba ng dila niya sa kabuuan nito, at ang paghawak nito sa kanyang ulo.
Siguro nga para kay Fern ang ginagawa niya para paligayahin ito. Pero aaminin din niya na sa bawat pagdila at pagsipsip niya sa binata ay nararamdaman din niya ang nararamdaman nito nang mga sandaling iyon. Every time he groaned, each time he called her name with overwhelming desire in his voice, when he clutched her closer to him, she knew that he was pleased and it made her happy and satisfied with her “work.”
Kung ganitong nasisiyahan si Fern sa ginagawa niya para, makakasiguro si Vanessa na magiging sulit ang huling gabi nilang magkasama. Hindi niya alam kung kaya niyang makipagkaibigan sa binata pagkatapos niyon, kaya gusto niyang mag-iwan man lang ng magandang alaala hindi lang para rito, kundi para na rin sa sarili niya.
Si Vanessa naman ang nagulat sa sunod na ginawa ni Fern. He wrapped her hair around his fingers, pulling her closer to him. Slowly, he started to push his hips up, hitting the back of her throat, shuddering when he slid back out as if he was trying to stop himself from coming.
“Nessa,” paungol na sabi ni Fern sa halos paos nang boses. “I can’t—”
Mabilis na inalis ni Vanessa ang bibig kay Fern at saka tumayo. “Huwag muna, Fern. Hindi pa `ko tapos sa `yo.”
Humugot ng malalim na hininga si Fern na parang pinipigilan ang sarili sa pagsabog. Pero hindi nawala o nabawasan ang pagnanasa sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Mas lalo pa ngang tumindi ang init sa tinging ibinibigay nito.
Kumapit si Vanessa sa mga balikat ni Fern habang unti-unting ibinababa ang sarili niya rito. Nang ma-realize ni Fern ang gagawin niya, nanlaki ang mga mata nito sa gulat. Hinawakan siya nito sa baywang at pinigilan.
“Wait, Nessa,” pigil sa kanya ng binata. “I have to get a condom first—”
“We don’t need one tonight,” mabilis na sansala niya. “Nagpi-pills ako at sigurado rin akong wala tayong mabubuo dahil safe ang araw na ito para sa `kin.”
Halatang shocked pa rin si Fern. Iyon ang unang beses na magtatalik sila na walang gamit na proteksiyon. Nang makabawi ang binata, walang sabi-sabing iniangat siya nito at pinahiga sa sofa. Gamit ang isang tuhod, ibinuka nito ang mga hita niya.
Wala namang reklamo si Vanessa. Mas ibinuka pa nga niya ang mga hita. In an instant, Fern was already covering her with his body. The moment she felt him hot and hard and ready, she guided him. They moaned and groaned at the same time when he finally slid inside her, bare.
God, it felt so, so good to have him inside her without any barrier.
Napaungol siya sa sarap nang maramdaman si Fern sa loob niya nang walang kung anong nakabalot dito. Ang binata ang unang lalaking pinayagan niyang gawin iyon nang walang proteksiyon. Gusto niya pa itong mas maramdaman sa loob niya kaya ipinulupot niya ang mga binti sa baywang nito. She pulled him closer and took him deeper.
“Why haven’t we done this before?” hindi makapaniwalang tanong ni Vanessa sa paungol sa boses. Hindi pa rin niya hinahayaan si Fern na gumalaw dahil gusto pa niya itong maramdaman sa loob niya nang buong-buo at walang proteksiyon. “This feels so fucking good.”
Itinukod ni Fern ang mga kamay sa magkabilang-gilid ng ulo niya at nakangiting tumingin pababa sa kanya. “Puwede naman nating pag-usapan ang tungkol sa mga ginagamit nating birth control at iba pang paraan para magawa uli natin `to sa susunod, `di ba?”
Parang sinampal si Vanessa dahil sa mga sinabi ni Fern. Nakakalungkot man, pero wala nang “susunod” para sa kanila ng binata. Kailangan na nilang sulitin ang gabing iyon dahil iyon na ang huling beses na magkakasama sila sa ganoong paraan.
Imbes na sumagot, iniangat na lang niya ang balakang na nagpaungol kay Fern. Then he took over. He grabbed her hips and he started to pump. Hanggang sa bumagsak ito sa katawan niya habang nakasubsob ang mukha sa balikat niya at tumatama ang mainit nitong hininga sa sensitibong bahagi ng kanyang leeg na kumiliti sa kanya.
Gayunman, hindi huminto si Fern sa pag-ulos sa loob niya. His thrusts were fast, and deep, and he slid inside her precisely until he found the perfect rhythm for them.
Ipinulupot ni Vanessa ang mga braso niya sa mga balikat ni Fern. She felt sore, the good kind, the one that was sending her to blinding bliss at the moment. Hindi na niya halos alam ang nangyayari dahil wala na siyang ibang naririnig kundi ang malakas niyang pag-ungol at ang mabigat na paghinga ng binata sa tapat ng tainga niya na nagbibigay kilabot naman sa kanyang buong katawan.
“Nessa…” ungol ni Fern.
“It’s okay, Fern,” malambing na sabi niya, mabigat din ang paghinga habang sinasalubong ng balakang ang pag-ulos ng binata. “You can come first. I want you to come inside me. Fill me up, please.”
“Oh, shit,” bulong naman ni Fern sa halatang mas ginanahan na boses, at mas bumilis din ang pag-ulos nito sa loob niya. “That’s what I fucking plan to do, Nessa.”
Hinuli ni Fern ang mga labi niya para sa isang malalim at mainit na halik. His tongue plunged deep in her mouth, imitating the way his cock moved inside her. A few deep and fast thrusts later and he already did what he promised—he came inside her, filling her up completely. It was kind of messy, considering that he was bare and all, but it was also very, very hot.
Nang si Vanessa naman ang sumabog ilang ulos pagkatapos ni Fern, ibinulong na niya sa hangin ang pagpapaalam na mukhang hindi narinig o naintindihan ng binata dahil pagkatapos nitong hilahin ang sarili mula sa kanya, tumayo ito para kumuha ng malinis na washcloth para sa kanya.
Mayamaya lang, nakahiga na siya sa sofa habang nakayakap kay Fern na mahimbing na ang tulog nang mga sandaling iyon.
Habang siya naman, buong magdamag tinitigan ang guwapo nitong mukha. Iniisip kung gaano katagal bago niya tuluyang makakalimutan ang binata. Kung hanggang kailan din tatagal ang kumapit nitong amoy sa condo niya, lalo na sa kanyang kama.
Gaano kasakit ba ang masaktan nang dahil sa isang lalaki?
Nakalimutan na ni Vanessa kung paano mabigo sa usaping-pampuso. Pero mukhang malapit nang ipaalala sa kanya ni Fern kung paano.