Something Hot, Something Messy, Something Scandalous Triliogy Chapter 11

THE THING about casual relationships, they never teach you how to properly say good-bye to your fuck buddy. At least for Vanessa, that was the case.

Inalala niya kung paano tinapos ang mga open relationship noon. Wala siyang ibang nakuha kundi ang mga memorya kung saan tumigil na lang siya sa pagsagot sa mga text o tawag ng mga lalaking nakarelasyon niya, o ang pagsasauli ng gamit ng mga ito na naiwan sa condo niya. Pagkatapos niyon, wala nang dapat pang pag-usapan pa. Ni minsan ay hindi siya nagkaroon ng problema sa ganoong klase ng pagtatapos sa isang relasyon na wala namang matibay na ugnayan. Isa pa, kautak niya ang mga lalaking sinisipingan niya.

Alam ng mga ito kapag nagsawa na sila sa isa’t isa at kailangan nang tapusin ang relasyon bago pa iyon mauwi sa hindi magandang paghihiwalay ng landas.

Pero ngayon, hindi alam ni Vanessa kung paano itataboy si Fern sa paraang hindi ito masasaktan. Nakakatawa, `di ba? Nag-aalala siyang masasaktan niya ito gayong alam naman niya na puwedeng hindi siya ang babaeng gusto nitong makasama sa isang seryosong relasyon.

Nararamdaman naman niyang espesyal siya kay Fern, pero alam din niyang hindi siya ang tipo ng babae na sineseryoso. Heck, for that matter, she didn’t know if she could handle a serious and stable relationship. At iyon ang totoong dahilan kung bakit “nag-eempake” na siya ng mga gamit niya.

Siya ang may problema. Siya ang takot. Siya ang walang tiwala sa sarili.

Alam niyang si Fern ang tipo ng lalaki na sineseryoso at ginagawang boyfriend at asawa. Kaya kung may babae man na nararapat sa totoong pagmamahal nito, hindi siya iyon. Hindi pa nagsisimula ang laban, disqualified na siya.

Sige, sabihin na nating mali si Vanessa sa iniisip niya tungkol kina Fern at Stacy dahil wala namang kinukumpirma sa kanya ang binata na ang babaeng iyon ang gusto nitong seryosohin, `di ba? Sabihin na rin na sa kung anong himala ay siya pala ang gusto ni Fern. Na handa pala itong sumugal sa kanya para sa isang seryosong relasyon.

Ang problema doon, kaya ba niya? Nakakasiguro ba siya na hindi lang basta atraksiyon ang nararamdaman niya kay Fern? Paano kung sa huli, maduwag uli siya at iwan na lang ito basta kung kailan naman lumalalim na ang damdamin nito sa kanya? Pero ang pinakamalala sa lahat, may posibilidad na may makilala siyang ibang lalaki at bigla siyang atakihin ng katangahan at kalandian.

Ayaw niyang masaktan si Fern. Ayaw niyang madurog ang puso nito nang dahil lang sa tulad niya. Ayaw niyang maging dahilan para mawalan ito ng tiwala sa pag-ibig, lalo na sa mga babae.

Iyon ang totoong dahilan kaya ayaw niyang may lalaking nagkaka-romantic feelings para sa kanya.

“I’m a wretched woman, am I not?” bulong ni Vanessa sa sarili.

Apparently, hindi bulong iyon dahil narinig iyon ni Snap Tolentino na natawa nang mahina sa tapat ng tainga niya. “You’re not, Vanessa. You’re wonderful.”

Bumuntong-hininga na lang si Vanessa nang maramdaman ang mga labi ni Snap sa pagitan ng leeg at balikat niya, habang mahigpit ang pagkakapulupot ng mga braso nito sa kanyang baywang. Oo, ganoon kalapit ang binata sa kanya.

Kanina, nakatanggap siya ng text mula kay Fern. Susunduin daw siya nito sa opisina at inaya siyang mag-ikot para maghanap ng bagong kakainan dahil wala raw ito sa mood magluto ng dinner. Masyado raw naging chaotic ang araw nito sa kusina kaya mas gusto nitong kumain naman daw ng luto ng ibang tao. Nagbiro nga ang binata at umungot na siya naman ang magluto.

Napangiti siya dahil sa sinabing iyon ni Fern. Iyon ang ikinalungkot niya. Napapangiti siya ng binata kaya mas lalong bumigat ang loob niya sa pang-iiwan dito.

She knew very well that she wasn’t just giving up her full access to Fern’s delicious and gorgeous body (plus the mind-blowing sex, of course). She was also giving up her only ticket to a happy relationship. Kung hindi siya nagkakamali, “tanga” ang tawag sa mga `tulad niya. Puwede ring “duwag.”

Anyway, tinext niya si Fern kanina at sinabing hindi siya puwede dahil may lakad sila ng mga kaibigan niya nang gabing iyon. Pero ang totoo, mag-isa siyang nagpunta sa bar. Ayaw niyang marinig ang magiging judgment ng mga kaibigan sa ginawa niya, kaya naisip niyang mag-solo muna.

Nagkataon naman na nakita siya ni Snap na mag-isa sa mesa kaya sinaluhan siya nito. Naalala siya nito bilang ang “girlfriend” ng executive chef daw ng paborito nitong restaurant. Nang itanggi niya iyon, walang pag-aatubiling nakipag-flirt na ito sa kanya. Hinayaan naman niya dahil kailangan niya ng distraction. Nakakatulong ang paglalandi ng lalaki sa kanya para kahit papaano, makalimutan niya ang kalungkutan.

A few drinks later, she and Snap were already too cozy with each other in her chair. As if him nibbling her earlobe wasn’t a dead giveaway.

“What do you say if we go somewhere we can be alone together?” nang-aakit na bulong ni Snap sa tainga niya.

Ipinaikot ni Vanessa ang mga mata. Mali siguro na umasa siyang tatanungin ni Snap kung ano ang problema niya matapos siya nitong mahuling nag-i-space out at kinakausap ang sarili. Pero sa nakikita niya, wala itong pakialam sa nararamdaman niya. He just wanted to get in her pants, obviously.

Ewan din ba niya sa sarili kung bakit nadidismaya pa siya. Kung tutuusin naman, sanay na siya sa ganoong treatment ng mga lalaki sa kanya. Aware naman siyang hindi siya ang tipo ng babaeng sineseryoso at lahat ng random guys na lumalapit sa kanya sa mga bar, alam din iyon. Gusto lang siyang maikama ng mga ito. Okay lang naman sa kanya ang ganoon dati dahil hot hookup lang din naman ang hanap niya sa mga lalaki.

Hanggang sa may isang Fern Fletcer na dumating at nagparamdam sa kanya kung gaano kasarap sa pakiramdam ang itrato bilang isang disenteng babae. Na hindi lang siya sa kama nito gustong makasama. Na marami silang puwedeng ibang gawin maliban sa pakikipagtalik.

With Fern, it was not just about sex. He cared about her. He always made her feel desired and adored. To him, she was his lady, not just a fuck buddy or a “bed mate” (his polite term).

“I want to go home,” walang ganang sagot ni Vanessa.

“Your place?” nakangising tanong naman ni Snap, halatang mali ang pagkakaintindi sa sinabi niya. “Fine with me.”

Bago pa makapagreklamo si Vanessa, hinawakan na siya ni Snap sa braso at marahang inakay patayo. Pagkatapos ay mabilis nitong ipinulupot ang braso sa kanyang baywang habang palabas sila ng bar. Itatama sana niya ang maling pagkakaintindi ng binata at sasabihing gusto niyang umuwing mag-isa, pero natigilan siya nang makasalubong ang dalawang pamilyar na mukha.

Sabay na tumaas ang kilay nina Emily at Emerald sa kanya, saka sabay ding dumako ang tingin kay Snap na masyadong nakadikit sa kanya. Alam niyang nahusgahan agad siya ng kambal.

Should I even bother to explain?

Pagod na si Vanessa nang gabing iyon kaya hinila na lang niya si Snap palabas ng bar. Mabuti na rin siguro na nakita siya nina Emily at Emerald na may kasamang ibang lalaki. Sigurado siyang makakarating agad iyon kay Fern. Baka nga may idagdag pa ang kambal sa version na nakita ng mga ito ngayon. Mas makakabuti nga siguro kung ganoon nga ang mangyayari.

Good riddance, right?

UMAGA na nang nakauwi si Vanessa. Inaantok pa siya habang naglalakad sa pasilyo papunta sa kanyang condo. Pero nang bumukas ang pinto ng unit ni Fern at iniluwa niyon ang binata, nagising ang buong diwa niya.

Look, it was Fern the rockstar, her favorite outfit of his—black T-shirt, skinny jeans, sneakers. Basa pa ang buhok nito at amoy bagong paligo. For some reason, mukha itong iritado at hindi iyon nabawasan nang napako ang tingin sa kanya.

Obviously, sa kanya nakatuon ang iritasyon nito at may ideya na siya kung bakit.

Ang alam lang ni Vanessa, sobrang hot pa rin ni Fern kahit na mukha itong galit. The intense look on his face right now was kind of similar to the look he had whenever he tried so hard not to come yet because he enjoyed long and deep thrusts inside her, so he always tended to prolong the moment.

Bumalik tuloy sa kanya ang alaala noong una at huling beses na nagtalik sila ni Fern nang walang proteksiyon. Ilang araw pa lang ang lumilipas magmula noon kaya hindi pa niya nakakalimutan ang mga nangyari. Para ngang naririnig pa rin niya ang pag-ungol ng binata sa kanyang pangalan, ang paggalaw at ang malalim na pag-ulos ng kabuuan nito sa loob niya, ang mga daliri at dila nito sa mga parte ng kanyang katawan na hindi pumapalyang magdala sa kanya sa rurok.

Ah, shit. Just thinking about those times were already making her wet for him.

Tama na, Vanessa Algeria, saway niya sa sarili. Hindi ito ang oras para pagnasaan mo ang lalaking kailangan mo nang iwan.

“Ang aga pa, ha?” kaswal na bati ni Vanessa habang kinakalma ang sarili. Tuwing weekends kasi, tanghali ang pasok ni Fern sa restaurant nito. “May lakad ka?”

“Yeah,” mapait na sagot ni Fern habang matalim ang tingin sa kanya. “I am about to head out to a certain PBA player’s house to bring back what he stole from me.”

“I’m not yours, Fern,” malamig na sabi ni Vanessa. “Not anymore.”

Nagtagis ang mga bagang ng binata, halatang lalong nainis.

Bumuga lang ng hangin si Vanessa at nilagpasan na si Fern. Binuksan niya ang pinto ng condo at pumasok sa loob. Hindi na siya nag-abalang isara iyon dahil ramdam niyang nakasunod ang binata sa kanya at halatang wala itong balak na lubayan siya hangga’t hindi nito nakukuha ang paliwanag na alam niyang hihingin nito sa kanya.

“Habang nandito ka, puwede mo nang kunin ang mga naiwan mong gamit dito sa condo ko,” malamig na sabi ni Vanessa, saka umupo sa sofa at ipinatong ang mga binti sa coffee table. “Magge-general cleaning kasi ako mamaya. Baka maitapon ko `yong mga gamit mo.”

“Kasama rin ba `ko sa mga itatapon mo na?”

“We’re over, Fern. You know we are.”

“Hindi ko alam `yan, Nessa,” malamig na sagot naman ni Fern na tumayo sa harap niya habang binibigyan siya ng nag-aakusang tingin. “Ikaw lang ang nagdesisyon na tapos na tayo.”

“Fern–”

“Why, Nessa?” paghihinanakit ni Fern. “Bakit tinatapos mo na `to? Dahil ba kay Snap Tolentino?”

Ah, nagsumbong nga sina Emily at Emerald. Nag-iwas siya ng tingin kay Fern. “Pa’no kung sabihin kong oo?”

“Then fuck him and I hope his team will lose in their next game,” galit na sabi ni Fern. “Ano bang meron siya na hindi ko kayang ibigay sa `yo para ipagpalit mo `ko sa kanya?”

“Hindi niya `ko pine-pressure na tratuhin siya nang higit pa sa isang fuck buddy,” malamig na sagot ni Vanessa. “Hindi gaya mo, Fern. Tuwing magkasama tayo, pinaparamdam mo sa `kin na kailangan kong ibalik sa `yo lahat ng ginagawa mo sa `kin. Alam mong hindi gano’n ang klase ng relasyon na gusto ko. We were just supposed to fuck—”

“It’s only the casual sex you want,” paghihinanakit ni Fern na pumutol sa mga sinasabi niya “Am I just a fuck buddy to you, Vanessa? `Yon lang ba talaga ako sa `yo?”

Nanikip ang dibdib ni Vanessa sa sakit na nakikita sa mga mata ni Fern nang mga sandaling iyon. Maging ang boses nito, puno ng paghihirap. Pero kinailangan niyang tatagan ang loob. “`Yon naman ang usapan, `di ba? No’ng una pa lang, sinabi ko na sa `yong ayoko ng seryosong relasyon. Isa pa, hindi ba’t bumalik na si Stacy sa buhay mo?”

Kumunot ang noo ni Fern, halatang naguguluhan. “Ano’ng kinalaman ni Stacy dito?”

“Hindi ba’t siya ang babaeng gusto mong seryosohin?”

Umiling si Fern. “Hindi siya ang babaeng `yon, Nessa. Bakit mo naman inisip na siya `yon?”

Medyo inaasahan na ni Vanessa ang posibilidad na hindi nga si Stacy ang babaeng tinutukoy ni Fern, pero hindi pa rin niya napaghandaan ang katotohanang iyon. May nabuhol sa sikmura niya, dahil mukhang mangyayari na ang kinatatakutan niya—ang marinig ang tunay na damdamin ng binata para sa kanya.

Sa totoo lang, mas gusto pa sana niyang marinig na si Stacy nga ang babaeng gustong seryosohin ni Fern. Mas madali kasing tapusin ang namamagitan sa kanila kung ganoon ang mangyayari.

Ayaw niyang ang pagiging duwag niya ang tumapos sa kanila, pero hindi niya mababago iyon.

“Masaya ka nang bumalik si Stacy,” sagot ni Vanessa sa walang kombiksiyon na boses. “I assumed na siya ang babaeng tinutukoy mo sa kuwento mo.”

“Stacy is a childhood friend,” paliwanag ni Fern. “At sa kanya ko ipinatago ang isang bagay na mahalaga sa `kin. Natuwa ako nang bumalik siya dahil dala na niya ang bagay na `yon na pinaingatan ko sa kanya no’ng mga teenager pa kami. Masaya ako kasi sa wakas, maisasauli ko na `yon sa `yo.”

Kumunot ang noo ni Vanessa sa pagtataka. “Sa `kin? Ano naman `yon?”

May dinukot si Fern mula sa bulsa ng pantalon nito—isang pink at floral na panyo. “Ito `yong panyo na ibinigay mo sa `kin no’ng unang beses mo `kong kinausap. Pagkatapos mo `kong ipagtanggol sa grupo nina Timothy, ibinigay mo sa `kin ang panyo mo para linisin ang sugat ko.”

Nanlaki ang mga mata ni Vanessa sa gulat. “Itinago mo `yan?”

Tumango si Fern, blangko na ang mukha. “I was young then. I was madly in love with you. Kahit nasa LA na `ko, hindi pa rin kita nakalimutan. I… I used to stalk you in your social media accounts. Lame, I know.

“Nang malaman ni Stacy ang kabaliwan ko, pinagtawanan niya `ko at sinabihang tanga. Dahil bata pa `ko no’n at ma-pride, napahiya ako. Para pagtakpan `yon, sinabi ko sa kanya na kakalimutan na kita. Bilang patunay, ibinigay ko sa kanya ang panyo mo na pinakaingatan ko sa loob ng mahabang panahon.

“Akala ko, tinapon na `yon ni Stacy. Kaya nang minsang magkausap kami at naikuwento kita sa kanya, nagulat ako nang sabihin niyang itinago niya ang panyo na ibinigay ko sa kanya. Alam daw kasi niyang pagsisisihan ko kung itinapon niya `yon. Natuwa ako kasi akala ko, senyales `yon na may maganda nang mangyayari sa `tin ngayon. Pero mukhang mali ako.”

Nagpasalamat si Vanessa na nakaupo na siya dahil kung hindi, malamang ay natumba na siya. Nanginig ang katawan niya sa mga rebelasyon ni Fern. “Pero bakit naman, Fern…?”

“Hindi mo pa rin ba kuha?” frustrated na tanong ni Fern. “I wasn’t just attracted to you then. I was madly in love with you. And I still am, Vanessa Algeria.”

Natahimik si Vanessa. Hindi siya makapag-react. Paano niya gagawin iyon gayong sa unang pagkakataon sa buhay niya, tiningnan siya ng isang lalaki na hindi lang basta puno ng pagnanasa? Malinaw na pagmamahal ang nasa mga mata ni Fern nang mga sandaling iyon.

Sa tindi ng emosyong nakikita niya sa binata, napatanong tuloy siya sa sarili kung iyon ba ang unang pagkakataon na tiningnan siya ni Fern na parang siya lang ang nag-iisang babae sa buhay nito. Mahirap kasing hindi mapansin iyon sa bigat ng emosyon na ipinapakita nito.

O baka naman sinadya niyang hindi pansinin iyon noon dahil nga duwag siya.

“Aaminin ko, pinaniwala ko ang sarili ko na nakalimutan na kita,” pagpapatuloy ni Fern, hindi pa rin nawawala o nababawasan ang intensidad ng pagmamahal na makikita sa mga mata. “Kahit pa’no naman, nagtagumpay ako. May mga babaeng dumaan sa buhay ko. Pero wala akong sineryoso sa kanila kahit anong pilit ko sa sarili ko. No’ng una, hindi ko rin alam kung bakit panandaliang saya lang ang nakukuha ko sa kanila. Hanggang sa makita uli kita, Vanessa. I realized that every single woman I slept with or tried to date seriously was just a replacement. But they all failed to completely take your place. At the end of the day, it was still you. Maybe all this time, it has always been you.

“No’ng pumayag ako sa inalok mong arrangement, umasa ako na tama ka. Na mawawala rin ang atraksyon ko sa `yo kapag nakuha na kita. Ginusto kong mawala ang nararamdaman ko sa `yo kasi alam kong masasaktan lang ako sa huli. Kasi alam ko naman na ayaw mo ng seryosong relasyon. Pero mali ako, eh.

“The first time we made love, I already knew that I will never get enough of you. Every time I wake up beside you, I always see a future with you because it makes me realize how fucking good it is to have you in my arms before I sleep and to see you still curled up next to me every morning. The more I spend a night in bed with you, the more I fall for you.”

Nangilid ang mga luha ni Vanessa dahil sa mga pagtatapat ni Fern. Bawat salita, puno ng pagmamahal. Hindi siya sanay sa ganoong klase ng pakiramdam dahil ngayon lang nangyari iyon sa kanya. Tinakpan niya ng galit ang nararamdaman nang mga sandaling iyon.

“Alam mong hindi ko kayang ibigay ang klase ng relasyon na gusto mo, Fern. Kaya bakit pinili mo pa ring pumasok sa ganitong arrangement?”

Kahit saang anggulo tingnan ni Vanessa, katangahan lang ang nakikita niya sa ginawang iyon ni Fern. Paano nito nagawang sumugal sa isang `tulad niya na alam naman pala nitong hindi marunong magseryoso sa mga relasyon?

“Kasi umasa ako na mababago ko ang isip mo tungkol sa seryosong pakikipagrelasyon,” sagot ni Fern na napalitan na ng paghihinanakit ang pagmamahal na nahimigan niya sa boses nito noong nagtatapat sa kanya. “Pero alam kong matatakot ka sa `kin, o baka nga lumayo ka pa, kung sinabi ko agad sa `yo ang totoo kong intensiyon. Kaya pinilit ko ang sarili ko na itrato ka na `tulad ng pagtrato ko sa mga babaeng dumaan sa buhay ko. Na hanggang sa kama lang tayo magkakaro’n ng ugnayan.

“But I can’t fool myself for so long. Eventually, my feelings took over. You’re more than just a body to warm up my bed, Nessa. Hindi ko kayang itrato ka na para bang `yon lang ang silbi mo sa `kin o sa relasyong `to, kaya nga ginawa ko ang lahat para unti-unting mapalapit sa `yo. Pinasok ko ang mundo mo sa paraang hindi ka matatakot o mabibigla. Akala ko, okay na. But obviously, I’m wrong.”

Pinilit ni Vanessa na pigilan ang pagpatak ng mga luha niya kaya kumurap-kurap siya. Humugot muna siya ng malalim na hininga para lumuwag ang kanyang dibdib bago muling nagsalita. “I’m sorry, Fern. You broke the rule. You’re not supposed to fall in love with me. Kailangan na nating tapusin kung anuman ang meron tayo ngayon.”

Sa pagkagulat niya, mabilis na tumango si Fern. “You’re right, Vanessa. Tapusin na nga natin ang kalokohang ito.” Blangko ang mukha ng binata nang ipatong ang panyo sa coffee table. Nang magsalita ito uli, malamig na ang boses nito. Deretso ang tingin sa kanya pero wala namang mababasang emosyon sa mga mata nito. “Thank you for everything. Nag-enjoy ako. Sana ikaw din,” mapait na sabi nito, saka siya nilayasan.

Nang marinig ni Vanessa ang pagsara ng pinto, hindi na niya pinigilan ang pagpatak ng mga luhang kanina pa niya pinipigilan.

Sa totoo lang, umasa siya na pipigilan siya ni Fern sa pagtapos niya sa relasyon nila. Na kukumbinsihin siya nitong subukan nila ang magkaroon ng seryosong relasyon. O magsimula sila uli, hindi bilang fuck buddies kundi bilang normal na couple na nagde-date.

Kung iyon ang ginawa ni Fern, baka nagbago pa ang isip ni Vanessa tungkol sa pagmamatigas niya. Siguro, isinugal niya ang kanyang puso. Puwede ring ipaglaban na niya ang nararamdaman. Oo, inasahan niyang ia-assure siya ng binata na may posibilidad silang dalawa na magsama nang matagal.

Ngumiti nang mapait si Vanessa. Sinabi ko naman sa `yo, `di ba? Hindi para sa `yo ang mga seryosong relasyon. Makaka-move on ka rin.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.