NANG umagang iyon, nagising na lang si Vanessa na naninibago sa sarili niyang mundo.
Ang mga unan at bedsheet niya, amoy-Fern na. Ah, hindi. Mas tama yatang sabihing kumapit na ang amoy ng binata sa kuwarto niya. Hindi naman iyon ang unang pagkakataon na nag-amoy lalaki ang kuwarto niya, pero ngayon lang siguro siya naging komportable.
Nang pumasok naman siya sa banyo para maligo, nagulat pa siya nang makitang nasa sink na rin niya ang after-shave cream, razor, at sepilyo ni Fern. Sa tatlong linggo na nagkikita sila ng binata, halos sa condo na niya ito nakatira kaya minabuti nitong ilipat na sa lugar niya ang ilang importanteng mga gamit nito, lalo na’t madalas naman ay sa kama niya ito natutulog.
Hindi na rin siya nagtaka nang nakasiksik na rin sa closet niya ang ilang mga damit ni Fern. O sa mga sapatos nito na nakatabi sa mga sapatos niya.
Sa totoo lang, hindi alam ni Vanessa kung ano ba ang mararamdaman niya ngayong dino-dominate na ni Fern ang condo niya. Alam niyang dapat siyang makaramdam ng pagpa-panic dahil si Jack nga noon, hindi niya hinayaang maging ganoon kapamilyar sa kanyang lugar.
Pero hindi na siguro siya magtataka. Alam niyang iba si Fern sa mga lalaking nakasama na niya. Strangely, she felt so comfortable with the idea. Na parang natural lang ang lahat ng nangyayari.
Paglabas niya ng kuwarto para mag-almusal dahil naaamoy niya ang mabangong niluluto ni Fern, nabigla siya nang makita sa kusina ang binata na may karga-kargang chubby na batang babae na sa tantiya niya ay nasa limang taong gulang pa lang. Biglang nagising ang diwa ni Vanessa at nawala ang antok niya. Ewan ba niya pero natigilan siya sa paglalakad at parang nanigas sa kinatatayuan.
Okay. Maybe I’m not that comfortable with the idea of sharing my place with a man… and a child.
“Good morning, hon,” nakangiting bati ni Fern nang makita siya nito. Nang mapansing nakatitig siya sa batang babae na karga nito, nagpaliwanag agad ang binata. “This is Nisha, anak ng kapitbahay natin sa floor na `to. Her father is a friend of mine. Nanganak kasi ang asawa niya at hindi naman niya maisama itong si Nisha sa ospital kaya nakiusap siya na ako muna ang mag-alaga sa baby na `to, hanggang sa dumating `yong lola ng bata.”
Kumalma si Vanessa kahit papaano. Kung pansamantala lang naman ang bata sa pangangalaga nila ni Fern, sa tingin naman niya ay walang magiging problema. Lumapit siya kay “Nisha” na mukhang natatakot pa sa kanya kaya nginitian niya ito. “Hi, baby. I’m Tita Vanessa. How are you?”
May ibinulong si Fern sa bata.
Ngumiti si Nisha at ikinaway sa kanya ang maliit nitong kamay. “Hello, Tita Vanessa. My name is Nisha po. I’m okay po. Medyo worried lang po kay Mommy.”
“Aw, don’t worry, baby,” pag-a-assure niya sa bata. “Your mommy will be fine. Later, may baby sister or baby brother ka na. That will be fun.”
Nanlaki ang mga mata ni Nisha sa excitement. “Mommy said it’s a baby brother. Would he like to play my dolls with me kaya, Tita Vanessa?”
Napangiti si Vanessa dahil sa cuteness overload ni Nisha. Ang tambok-tambok ng namumula nitong mga pisngi. Mestiza rin ang bata kaya ngayong karga ito ng mestizo ring si Fern, nagmukhang mag-ama ang dalawa.
Mag-ama…
Napatitig na naman siya sa binata na siyang sumagot sa tanong ni Nisha. Bakit ba ang dali-dali para sa lalaking ito na magbigay ng vibes na magiging mabuting partner at ama ito balang-araw?
Noon na-realize ni Vanessa na hindi lang ang mga gamit ni Fern sa condo ang malaking pagbabago sa lugar niya. Dahil sa binata, nagkaroon na ng domicile vibes ang mundo niya. Nagugustuhan niya ang klase ng katahimikang ibinibigay ng lalaki. Ang klase ng proteksiyon at pag-aalaga na ibinibigay nito nang walang hinihinging kapalit.
May kung anong nabuhol sa sikmura niya nang makaramdam siya ng takot. Paano niyang naibaba ang depensa para maging ganito siya ka-vulnerable ngayon? Hindi siya puwedeng masanay sa isang bagay na pansamantala lang.
Kailangan niyang ipaalala sa sarili na nasa buhay niya lang si Fern ngayon dahil hindi pa ito nagsasawa sa katawan niya. Pero sa oras na piliin nito ang magseryoso na, iiwan na siya nito at babalikan ang babaeng gusto nitong makasama nang matagal.
“Hon, are you okay?” nag-aalalang tanong ni Fern.
Pilit na ngumiti si Vanessa. Hindi niya puwedeng sabihin dito ang mga nararamdaman niya dahil mapapahiya lang siya. “Yes, okay lang ako. Gutom lang. What’s for breakfast?”
Ngumiti ang binata at sinabi kung anong klase ng French toast ang ginawa nito para sa kanya. Sa pagkagulat niya, “ipinasa” ni Fern sa kanya si Nisha. “Ikaw muna ang kumarga kay Baby Nisha dahil ayaw niyang magpababa. Igagawa ko lang siya ng ni-request niyang pancake.”
Hindi na nakatanggi si Vanessa dahil karga-karga na niya si Nisha na titig na titig sa kanya. Mabigat ang bata para sa edad nito, pero hindi niya iyon ininda dahil ang cute-cute nito. Isa pa, may mainit na bagay na naman siyang naramdaman sa kanyang dibdib.
Ganito pala ang feeling ng may hawak na bata…
Not bad.
Ngumiti sa kanya si Baby Nisha na parang nahihiya sa kanya.
Ewan ba ni Vanessa kung bakit bigla niyang nayakap si Baby Nisha nang mahigpit. Nanggigil siya rito kaya hinalikan niya rin ito sa matambok nitong pisngi na ikinabungisngis naman ng bata. “You’re so cute, baby! Nakakagigil ka!”
Bumungisngis si Baby Nisha, pagkatapos ay humikab ito at inihilig ang ulo sa balikat niya.
“You’re sleepy, baby?” malambing na tanong ni Vanessa kay Nisha.
Tumango ang bata. “Daddy woke me up early po, eh.”
“Oh, is that so? Sige, matulog ka uli,” marahang sabi ni Vanessa, saka niya marahang idinuyan-duyan si Nisha gaya ng nakikita niyang ginagawa ng ibang mommies kapag nagpapatulog ng bata.
Mayamaya lang, naramdaman ni Vanessa ang pagyakap ni Fern sa kanya mula sa likuran. Ini-lock nito ang mga kamay sa tiyan niya at ipinatong ang baba sa kanyang balikat. Binigyan siya nito ng magaang halik sa pisngi, saka ito bumulong sa tainga niya. “Gusto mo bang gumawa tayo ng sarili nating baby, hon?”
Nanlaki ang mga mata ni Vanessa dahil sa tanong ni Fern gayong may kasama silang bata. Pero na-realize naman niyang naging maingat naman ang binata dahil bukod sa bulong lang iyon, tulog na rin naman si Nisha. Natawa na lang tuloy siya nang mahina. “I’m pretty sure na mas interesado ka sa process ng paggawa ng baby kaysa sa product mismo.”
“Mmm,” sagot lang nito na abala na sa paghalik sa leeg niya. “Nessa, ibaba mo muna si Nisha sa kuwarto para masimulan na natin ang process ng paggawa ng baby.”
Okay, ang pag-iinit ng katawan ang pakiramdam na sanay-sanay si Vanessa.
Dinala niya muna sa kuwarto si Nisha at doon ito inihiga para maging komportable ang pagtulog nito. Siniguro niyang lagyan ng dalawang unan sa magkabilang-gilid ang bata para hindi ito mahulog sa kama kung sakali mang malikot pala itong matulog. Hindi rin nila isinara masyado ang pinto para masilip nila ang kalagayan ni Nisha at masigurong walang masamang mangyayari rito.
Paglabas pa lang ni Vanessa ng kuwarto ay binuhat na siya ni Fern at iniupo sa kitchen counter dahil mag-aagahan na raw ito. Walang sabi-sabi na hinila nito pababa ang walking shorts na suot niya. Ngumisi pa ang mokong nang ikawit nito ang mga daliri sa waistband ng panties niya na siguradong basa na agad. Hindi nga siya nagkamali dahil nang hilahin nito ang underwear niya, basang-basa na iyon.
Pinaraan ni Fern ang dila sa ibabang labi nito habang nakatingin sa sentro niya na para bang gutom na gutom. “My favorite breakfast.”
Bago pa siya makapagreklamo dahil wala pang hinuhubad ang binata sa suot nito, nasa leeg na niya ang bibig nito habang ang kamay naman ay nasa basa at nag-iinit na bahagi ng kanyang katawan. Napaungol na lang siya nang ipasok nito ang dalawang daliri sa loob niya. Mabilis ang paglabas-pasok ng mga iyon sa pagkababae niya na sinabayan niya rin ng paggalaw ng kanyang balakang.
Kinagat ni Vanessa ang ibabang labi para pigilan ang sariling mapasigaw sa sarap dahil natatakot siyang baka magising si Nisha. Alam niyang delikado ang ginagawa nila ni Fern dahil may bata silang kasama. Pero sa totoo lang, mas lalo iyong nakadagdag sa excitement na nararamdaman sa ginagawa nila.
Napasinghap si Vanessa nang iangat ni Fern ang T-shirt niya hanggang sa malantad sa harap nito ang kanyang mga dibdib. Wala siyang suot na bra na halatang ikinatuwa nito.
While she was rubbing herself against his fingers, he took one breast in his mouth and lazily made a circle around her nipple with his hot, wet tongue. She knew she was close to her release until he pulled his fingers away.
Pero lahat ng reklamo niya ay nawala rin agad nang palitan ng bibig ni Fern ang mga daliri nito. Ibinuka niya pa ang mga hita para dito, pagkatapos ay ikinawit ang mga binti sa mga balikat ng binata. He gave her a series of long, deep licks that sent waves of pleasure enough to make her toes curl. Kung puwede lang siyang sumigaw ngayon, ginawa na niya. Sa halip, natagpuan ng mga kamay niya ang buhok ng binata para lang masigurong mananatili ito sa ganoong posisyon at hindi nito basta-basta ihihinto ang ginagawang pag-atake ng dila sa sentro ng kanyang pagkababae.
Wala nang hiya-hiya nang iangat niya ang balakang para salubungin ang mga pag-atake ng dila ni Fern. Sa totoo lang, hindi niya alam kung gusto ba niyang huminto na ang binata dahil malapit na siyang sumabog, o gusto pa niyang mas galingan nito ang ginagawa. Mukhang hindi lang sa pagtikim ng mga putahe magaling ang dila nito.
Vanessa realized that Fern’s tongue, aside from having a “fancy” palate for good food, had also the skill to drive women to orgasm, just like what she did after his last long and deep and hot lick. He didn’t even stop licking and sucking her until she was completely spent.
Gusto sana niyang “magpahinga” muna para habulin man lang ang kinapos na naman niyang hininga. Pero nang makita ang mas lalong paninikip ng masikip na nitong pantalon, biglang nagkaroon ng dagdag na enerhiya si Vanessa. Siya naman ang biglang nagutom. Parang masarap gawing almusal ang jumbo hot dog ni Fern.
Pero hihilahin pa lang sana niya si Fern sa sinturon nito nang biglang kumunot ang noo ng binata at dinukot ang phone nito sa bulsa ng pantalon. Nakakapagtaka iyon dahil tuwing nasa kalagitnaan sila ng paborito nilang “exercise” ay ni hindi nito pinapansin ang phone nito. Base sa mabilis nitong pagkilos, mukhang may hinihintay itong text at tawag.
Argh, istorbo.
Sasabihan sana ni Vanessa si Fern na itago muna ang phone nito at ituloy na ang “business” nila nang makita niya ang pagngiti ng binata habang nakatingin sa binabasa nitong message. Ayaw man niyang aminin, pero nagdulot iyon ng kurot sa puso niya. Sinasabi ng instinct niya na babae ang nag-text dito at kahit kailan, hindi pa siya nagkamali ng kutob sa mga ganitong bagay.
But that’s none of my business. Wala naman kaming commitment kaya walang problema kung may ibang babae na rin siyang kinakatagpo ngayon.
Dahil halatang nawala na sa kanya ang atensiyon ni Fern, isinara na niya ang mga hita dahil bigla siyang nilamig. Bumaba na rin siya ng kitchen counter at isinuot uli ang kanyang walking shorts. Pinulot niya ang panties at ibinulsa iyon.
“Nessa, I’m sorry,” nagsisising sabi naman ni Fern nang mapansin nitong nakabihis na uli siya. “Importante lang kasi `yong text message na natanggap ko kaya na-distract ako.”
Dahil ayaw ni Vanessa na isipin ni Fern na naapektuhan siya sa pang-deadma nito dahil lang sa text na iyon, ngumiti pa rin siya. “Wala namang problema sa `kin `yon. Sino ba `yong nag-text? Family member?”
“A friend,” nakangiting sagot ni Fern. Base sa pagkislap ng mga mata nito, hindi lang basta “kaibigan” ang tinutukoy nito. “Her name’s Stacy.”
Tumabingi ang ngiti ni Vanessa pero nagpaka-plastic pa rin siya. “Oh, really? Ang ganda naman ng pangalan niya. Siguro maganda rin siya, `no?”
Tumawa nang mahina si Fern pero umaliwalas naman ang mukha nito. “Yes, she’s really beautiful. Anyway, she’s back in the country. Gusto niyang makipagkita sa `kin bago niya sorpresahin ang iba naming mga kaibigan.”
Nangawit na ang mga muscle sa mukha ni Vanessa dahil sa paninigas ng peke niyang ngiti. Masama ang kutob niya sa nangyayari na iyon. “Mukhang close talaga kayo, ha? Siya ba `yong babaeng sinasabi mong gusto mong seryosohin?”
Ngumiti lang si Fern, iyong ngiting nagpaalala kay Vanessa na wala siyang karapatan na manghimasok sa pribado nitong buhay.
HINDI na mabilang ni Vanessa kung ilang beses niyang pilit na ipinaalala sa sarili na hindi siya kasintanga ni Sabrina. What kind of a woman in her right mind would even think of falling for her fuck buddy? Definitely not her.
Siya ang nag-alok kay Fern ng ganoong klaseng relasyon dahil unang-una, ramdam niya ang matinding atrkasiyon nila sa isa’t isa na alam niyang hindi mawawala hangga’t hindi sila nagse-sex.
Isa pa, aminado naman si Fern na hindi nito magawang magseryoso sa isang babae hangga’t hindi pa nawawala ang matinding pagnanasa sa kanya. Gumawa sila ng arrangement na ikakama ang isa’t isa hanggang sa magsawa na sila pareho.
Hindi rin niya nakakalimutan ang sinabi ni Fern noong minsan silang nagkaroon ng “2AM Talk.” Inamin nito sa kanya na kapag nagsawa na ito sa pagsiping sa kanya, puputulin na nito ang ugnayan nila at babalikan ang babaeng gusto nitong seryosohin.
Si Stacy kaya ang tinutukoy ni Fern?
Napabuntong-hininga na lang si Vanessa. Hindi naman siya nagkaroon ng ganitong problema sa mga lalaking nakarelasyon niya noon. Kung tutuusin nga, maituturing na siyang “expert” pagdating sa paglalaro ng kakaibang apoy na iyon.
Malinaw naman ang arrangement nila ni Fern dahil sila ang gumawa ng mga ground rule na pareho nilang sinang-ayunan, lalo na siya. Nag-e-enjoy naman sila tuwing magkasama sila. Magkasundong-magkasundo nga sila at bihira lang mag-away. Kung may pagtatalo man sila, sa maliit na bagay lang `gaya ng madalas na pagkalimot ng binata sa pagbababa ng cover ng toilet bowl o ang pagpindot niya ng toothpaste sa gitna na halos ikabaliw naman nito sa inis.
Okay. D’yan eksakto nagsisimula ang problema mo, Vanessa Algeria.
Aminin man ni Vanessa o hindi, nagkaroon nga siya ng problema nang ibinaba niya ang depensa kay Fern. Hinayaan niya itong dominahin ang kanyang condo sa paglalagay ng mga gamit nito sa lugar niya. Pumayag siyang ipagluto ng binata kung kailan nito maisipang i-invade ang kusina niya. Hindi siya tumutol sa madalas (at halos gabi-gabi) nitong pagtulog sa kanyang kuwarto. Ni hindi na nga matandaan ni Vanessa kung kailan huling umuwi ang binata sa sariling condo.
Dahil sa mga bagay na iyon, nasanay siya sa presensiya ni Fern. Naging fixture na ito sa normal na buhay niya na kapag nawala lang ito nang ilang minuto sa paningin niya, hindi na agad siya mapakali. Hinahanap-hanap na niya ang mga pasimpleng pag-aalaga ng binata sa kanya. Sa madaling salita, ang dating independent na Vanessa ay naging clingy na rito.
Pero ano ang pinakamalala roon? Binigyan ni Fern ng ideya si Vanessa kung gaano kasarap ang magkaroon ng domicile feeling. Iyong tipong nae-excite siyang umuwi sa bahay dahil alam niyang naghihintay sa kanya ang “exclusive chef” niya dahil ipinagluto siya nito ng masasarap na putahe. Na kung masama ang pakiramdam niya, puwede niyang tawagan ang binata at siguradong susunduin agad siya sa opisina. Na may kasama na siyang matulog sa gabi na hindi lang ang katawan niya ang habol. Minsan nga, nanonood lang sila ng movie habang magkayakap. Cuddle may not be better than sex, but it was also good.
Well, come to think of it, kasalanan pala ni Fern ang lahat ng iyon.
Alam ni Vanessa na mali, pero gusto niyang sisihin ang lalaki kung bakit naguguluhan siya ngayon. Ni minsan ay hindi siya itrinato ng binata na parausan lang. Tuwing nagsisiping sila, parati nitong ipinaparamdam sa kanya na siya ang nag-iisang babae na gusto nitong makasama.
Every time they had sex, he always made her feel beautiful. Desired. Wanted. Adored. She wasn’t supposed to feel that way, neither did he have to treat her like his lover because they were only together to scratch an itch.
“Gusto ko nang tapusin kung anuman ang meron kami ni Fern Fletcher,” deklara ni Vanessa kay Isabella na muntik nang maibuga ang iniinom na vodka.
“Excuse me?” gulat na tanong ni Isabella nang makabawi mula sa obvious na pagkabigla.
Ipinaikot ni Vanessa ang paningin sa paligid ng malaking mansiyon ni Jamie (ang ate ni James Grande) kung saan kasalukuyang ginaganap ang boring na bridal shower ni Champagne.
Nasabi niyang boring dahil pagkatapos niyang isuko ang ideya ng male stripper para sa party na iyon (dahil na rin sa “pagbabanta” ni Fern tungkol sa galit ni James Grande) ay ipinaubaya na niya ang pag-aayos niyon kina Emerald at Emily.
Nagdesisyon ang kambal na idaos ang bridal shower sa townhouse ni Jamie Grande kung saan imbitado ang lahat ng kaibigan at katrabahong babae ni Champagne. Para lang iyong ordinaryong party kung saan may kaunting inuman at sayawan. Siyempre, hindi mawawala ang kuwentuhan.
Wala nga lang mga half-naked male stripper na magpapasaya sana sa party na `to.
Pero nang nakita naman ni Vanessa si Champagne kanina na masayang-masaya sa sorpresa nila, naging masaya na rin siya para sa kaibigan.
Oo, masaya siya para kay Champagne pero hindi naman niya maitago kahit sa sarili ang kalungkutan dahil sa nangyayari sa kanila ni Fern ngayon. Kaya nga nang makita niya si Isabella, hinila niya agad ito papunta sa wine bar kung saan mellow lang ang music sa background kaya makakapag-usap sila nang masinsinan.
“Nararamdaman kong malapit nang mawalan ng interes si Fern sa `kin,” sagot ni Vanessa sa tanong ni Isabella kanina. “Kaya bakit pa namin patatagalin ang relasyon na `to?”
Kumunot ang noo ni Isabella. “Paano mo naman nasabi `yan?”
“May babaeng gustong balikan si Fern. `Yong babaeng gusto niyang seryosohin. In love siya sa babaeng `yon,” paliwanag niya sa mapait na boses kahit ayaw naman niyang magkaganoon. “That woman is back in the country. Kitang-kita ko kung ga’no kasaya si Fern nang sabihin niya sa `king nandito na uli sa Pilipinas ang babaeng `yon. Obviously, malapit na kaming matapos.”
“Kaya uunahan mo na si Fern bago pa siya umayaw sa arrangement n’yo?”
Tumango si Vanessa. “Wala na rin namang point para ipagpatuloy pa `to kung nand’yan na ang babaeng gusto niyang ligawan. Kung ang Stacy na `yon ang tipo ng babae na sineseryoso, hindi niya maiintindihan ang klase ng relasyon na meron kami ni Fern. Ayoko namang makasira sa potential relationship nila.”
“You can be that kind of girl, too, Vanessa,” mayamaya ay sabi ng babae sa seryosong boses. “You can be the girl that Fern may want to get serious with.”
“Oh, please,” paungol na reklamo niya sa kaibigan. “Alam natin pareho na imposible `yan, Isabella. I’m too jaded for that. Ayoko ng seryosong relasyon, `di ba?”
“Then why are you hurting right now?”
Humigpit ang pagkakahawak ni Vanessa sa baso ng alak. “I’m not hurting.”
Tiningnan siya ni Isabella na parang binabasa ang kanyang isip. Pero dahil hindi ito ang klase ng kaibigan na pinipilit ang opinyon sa iba, mukhang nilunok na lang nito ang lahat ng gustong sabihin. “Fine. Sabi mo, eh. So, kailan mo balak tapusin ang relasyon n’yo ni Fern?”
Sasagot sana si Vanessa nang marinig niya ang sigawan ng mga babaeng guests. Nang mapatingin siya sa gawi nina Champagne, gano’n na lang ang pagkagulat niya nang makita ang pagdating ni James Grande na nakapantalon at sapatos lang. Walang suot na pang-itaas ang lalaki maliban sa bowtie na suot nito sa leeg.
Wow. Ayaw man niyang titigan ang lalaking pakakasalan ng kaibigan, hindi niya mapigilang ma-appreciate ang halatang matitigas na abs nito.
Tawa naman nang tawa si Champagne nang tumayo sa harap nito ang fiancé at gumiling sa harap ng kaibigan. Natawa at naghiyawan na rin ang ibang mga guests.
Maging si Vanessa ay nahawa sa masayang ambiance. Nakakaloka si James Grande! Ito na nga ang fiancé ni Champagne, ito pa rin ang nagsilbing “macho dancer” sa bridal shower ng kaibigan! Mukhang totoo nga ang balita tungkol sa pagiging overprotective at possessive ng binata.
“OMG!” bulalas naman ni Isabella, nanlalaki ang mga mata. “James’ male friends are here, too!”
Sinundan ni Vanessa ang tinitingnan ni Isabella. Nanlaki ang mga mata niya nang makita na nakasuot din ng kagaya ng kay James Grande ang mga kaibigan nitong sina Magnet, Note, at Flynn Fletcher (na kuya ni Fern!).
Napalunok siya. Kasing-hot din ni James sina Magnet, Note, at Flynn na talaga namang may maipagmamalaking naggagandahang katawan at nagtitigasang abs, kaya siguro malakas ang loob ng mga ito na magsipaghubad sa harap ng mga babae.
Mabilis na napako ang tingin niya kay Flynn Fletcher. Kung mas tumangkad pa ito nang kaunti, puwede na itong mapagkamalang kakambal ni Fern. Pero bukod sa magkalayong height, hindi hamak din na mas maaliwalas ang mukha ni Flynn dahil masayahin ito at palagi pang nakangiti.
Kung nandito si Flynn… siguradong nandito rin si Fern!
Mabilis na hinanap ng paningin ni Vanessa si Fern. Napangiti siya nang makita ang pagdating ng binata. Pero agad ding nawala ang saya niya hindi dahil fully clothed ito (unlike his half-naked friends), kundi dahil sa maganda at sopistikadang babaeng nakaabrisete sa braso nito.
Kumabog nang mabilis ang dibdib niya. Sa sobrang lakas ng paghampas ng puso niya, pakiramdam niya ay ang sakit-sakit na. Kahit hindi niya tanungin si Fern, mukhang kilala na niya kung sino ang babaeng kasama nito.
Stacy.