Something Hot, Something Messy, Something Scandalous Triliogy Chapter 21

FRIENDSHIP anniversary was a strange thing.

Hindi natatandaan ni Erica kung kailan niya naging kaibigan ang mga kaibigan. Lalong hindi nila isine-celebrate iyon.

Pero iba si Josh. Sa tatlong taong lumipas, hindi ito pumalyang sorpresahin siya nang ganoong araw. Wala naman itong grand gesture na ginagawa. Basta nagpapakita lang ang binata na may dalang malaking cake na may kandila kung ilan taon na silang magkaibigan. Sa dalawang magkasunod na taon, ginawa nito iyon. Wala naman silang espesyal na ginawa. Kumain lang sila sa loob ng kotse niya at nagkuwentuhan ng naging recent achievements nila.

Hindi niya aaminin, pero hinihintay na niya ang araw na iyon ngayon. Kaya nga naghanda rin siya ng regalo para kay Josh sa unang pagkakataon. Siguradong magugulat ito na natandaan niya ang “friendship anniversary” nila. Nakakalungkot lang dahil iyon na rin ang magiging huli.

“Guess who’s waiting for you at the reception area?”

Napangiti si Erica sa panunukso ni Stacy. Alam niyang si Josh iyon dahil tuwing friendship anniversary nila, sinusundo siya nito sa opisina. Natatapat kasi na weekdays ang dalawang taon ng okasyon na iyon. “Chris Evans, I hope.”

Natawa si Stacy, saka ito sumandal sa cubicle niya. “Nah. With his huge built, he’s more like Chris Hemsworth as Thor.” Kinagat ng babae ang ibabang labi, napuno ng pagnanasa ang mga mata. “Damn, Erica. Your best friend is so hot. Can I do him? Let me borrow him for one night, girl. Ibibigay ko sa `yo ang magiging firstborn child ko, promise.” Pinagdaop pa nito ang mga kamay at binigyan siya ng nagmamakaawang tingin. “Please? I need a piece of that steak. Preferably, his man-meat. Hmm, he’s hot.”

Ngumiti si Erica kahit ang totoo, gusto niyang hilahin ang buhok ng babae. Well, magkaibigan sila pero hindi niya gusto kung ano ang iniisip nito tungkol kay Josh ngayon. Hot nga siguro ang binata, pero hindi ito karne na ibinebenta niya sa kung sinong hitad. “I’m sorry, girl. But the piece of hot meat you’re lusting after is mine. And I’m not good at sharing my man with other women.”

Bago pa makapag-react si Stacy ay nilayasan na niya ito.

Habang nasa elevator si Erica, hindi niya maiwasang magtaka sa sarili. Protective naman talaga siya kay Josh kahit noong wala pang nangyayari sa kanila. Pero iyong naramdaman niya kanina habang lantaran itong pinagnanasahan ni Stacy sa kanyang harap ay kakaiba.

Why did I claim him as my guy when we’re not dating in the first place?

Ni hindi naman sila exclusive ni Josh sa isa’t isa. Baka nga may ibang babae rin itong kinakatagpo ngayon bukod sa kanya. Kung meron nga, wala siyang pakialam doon at lalong wala siyang karapatang manghimasok sa pribado nitong buhay. Well, medyo open book naman ang kuwento ng binata sa kanya, pero hindi siya nagtatanong tungkol sa sex life nito.

Hindi maintindihan ni Erica kung ano ang kanyang nararamdaman. Pero kung ano man iyon, ngayon pa lang ay hindi na niya iyon gusto.

“Eri!”

Naputol ang pagmumuni-muni ni Erica nang salubungin siya ni Josh. Bago pa siya makabati sa binata ay sinasakop na nito ang kanyang bibig habang nasa baywang niya ang isa nitong braso at nasa likod naman ng ulo niya ang isang kamay. Wow, what a possessive, and very hot kiss that was.

“Good evening to you, too,” nakangiting sabi niya nang putulin na ni Josh ang halik dahil kung hindi pa, baka pareho na silang hindi nakahinga. Nakakahiya namang maging cause of death iyon.

Hindi pa rin inalis ni Josh ang isang braso sa kanyang baywang. Ang ganda-ganda ng ngiti ng mokong nang mga sandaling iyon. Iyong klase ng ngiti na nagpapabata sa hitsura nito. Parang college student na excited sa first date nito. He was adorable. “May surprise ako sa `yo.”

“Ano naman `yon?” nagdududang tanong ni Erica. Kapag pilyo ang ngiti ni Josh, may ideya siya kung ano ang nasa isip nito. Pero kapag ganoon ito kainosenteng tingnan, kinakabahan siya.

“Basta. Tara na, para makita mo.”

Hinayaan ni Erica na hilahin siya ni Josh. Nagtaka siya nang akayin siya nito papunta sa car space; hindi naman kasi niya dala ang kotse dahil coding siya nang araw na iyon. Bumilis ang tibok ng puso niya sa antipasyon. Mukhang may ideya na siya kung ano ang sorpresa ng binata, pero ayaw naman niyang mag-assume kaya hindi na siya nag-react.

Hanggang sa huminto sila sa tapat ng isang silver Volvo.

The proud smile on Josh’s handsome face confirmed her earlier guess.

Ewan ba ni Erica pero bigla siyang naging emosyonal. Nangilid ang kanyang mga luha kahit ayaw naman niyang umiyak. Pero hindi niya mapigilan kasi masaya talaga siya para kay Josh. Alam niya kung gaano ito naghirap para isa-isang matupad ang mga pangarap nito. “For real, Josh?”

Nakangiting tumango ang lalaki. Masaya ito, pero nangingislap din ang luha sa gilid ng mga mata. Pero dahil magaling magtago ng emosyon, napigilan nito ang pag-iyak. “Second-hand lang `yan. `Binenta sa `kin ni Flynn no’ng nagpalit siya ng kotse. Saka hinuhulugan ko pa `yan. Pero pumayag na siyang gamitin ko. Ang cool, `no?”

Sumakit ang lalamunan ni Erica sa pagpipigil umiyak. Kaya imbes na sumagot, hinagis na lang niya ang sarili kay Josh. Literal na tumalon siya nang ikawit niya ang mga braso sa leeg ng binata para mayakap ito.

“Whoa!” nabiglang bulalas ni Josh, pero natawa lang mayamaya. Ipinulupot nito ang mga braso sa baywang niya para saluhin ang kanyang bigat nang pareho silang hindi matumba. “Masaya ka ba para sa `kin, Eri?”

Mabilis at sunod-sunod na tumango si Erica. Hanggang ngayon, napapabilib pa rin siya sa lakas ng pangangatawan ni Josh. Sa totoo lang, halos buong bigat niya ang nakasandal sa binata. Kung mawawala nga ito bigla ngayon, siguradong babagsak siya sa aspalto na una ang mukha. Patunay lang kung gaano ito kalakas. Hmm, yum-yum. “You have no idea how happy I am for you, Josh! Alam ko kung gaano mo kagustong magkaro’n ng sariling sasakyan.” Kumalas siya kay Josh para ikulong ang mukha nito sa kanyang mga palad. “Congratulations. Nakaka-proud ka.”

“Salamat, Eri,” halatang nahihiyang sagot ng lalaki. Pagkatapos ay hinawakan nito ang kanyang kamay. “Tara. Ikaw ang una kong isasakay sa kotse ko.”

Tumango lang si Erica at hinayaan ito na pagbuksan siya ng pinto at alalayan pa sa pagsakay sa kotse. Well, parati namang maalalay si Josh sa kanya. Halata sa bawat kilos nito ang excitement at saya kaya kaunting kibot lang, tumatawa ito.

Ganoon din naman siya. Masayang-masaya siya para kay Josh kaya hindi na siguro nakakapagtaka na buong biyahe nila, napuno ng tawanan ang kuwentuhan nila mula sa kung paano nito nabili ang kotse hanggang sa paghahanda nito para sorpresahin siya.

Pumarada si Josh sa car space ng condominium building niya, pero hindi sila bumaba ng kotse. Kinuha nito mula sa backseat ang malaking cake na may hugis-3 na kandila. Sinindihan nito iyon gamit ang lighter. Kumanta sila ng “Happy birthday” bago nila sabay hinipan ang apoy. Hindi niya rin alam kung bakit iyon ang kinakanta nila. Siguro dahil kaarawan ng pagkakaibigan nila?

“You get luckier each time we celebrate our friendship anniversary,” nakangiting sabi ni Erica. “No’ng first friendship anniversary natin, nabili mo `yong apartment mo. Granted na maliit lang `yon, pero property pa rin `yon. No’ng pangalawang taon naman, naipagpatayo mo na ng bahay ang pamilya mo. Ngayon naman, nakabili ka na ng kotse mo. Ang laki na talaga ng inasenso mo, Josh.”

Lumuwang ang pagkakangiti ni Josh. “Hindi naman mangyayari ang lahat ng `to kung hindi dahil sa `yo, Eri. Ikaw ang lucky charm ko, eh. Baka sa susunod na taon, masimulan ko na ang pagpapatayo ng dream house ko. Gumaganda kasi ang kita ng bar namin. Pagkatapos, magmomodelo na rin ako ng sports apparel ngayong taon.”

Sumipol siya, isang bagay na itinuro ng lalaki sa kanya noong unang beses na dinala siya sa bar nito. Gawin daw niya iyon kapag may nambastos sa kanya. “That’s worth celebrating. Why don’t we go to my condo and drink some wine?”

“Mamaya na,” sagot ni Josh. Pagkatapos ay sumandal ito sa kinauupuan na naka-recline. “Gusto kong isine-celebrate ang friendship anniversary natin sa kotse. Sa loob kasi ng sasakyan nangyari ang first kiss natin.”

Natawa si Erica sa dahilan ni Josh. Pero aaminin niya, may mainit na bagay na bumalot sa kanyang dibdib. Hindi siya sanay sa ganoong pakiramdam kaya iniba na lang niya ang usapan bago pa iyon mauwi sa kung saan. Isa pa, kailangan na niyang magpaalam sa binata. “May gift din ako sa `yo.”

Nilingon siya ni Josh. Halata sa mukha ang pagkagulat. Pero nang makabawi, ngumiti ito. “Talaga? Ano naman `yon?”

Pakiramdam ni Erica ay may pumiga sa puso niya nang makita ang pagkasabik sa mukha ni Josh. Ang regalo na ibibigay niya sa binata ngayon, farewell gift na.

Naisip kasi niyang tama ang sinabi ni Penelope sa kanya. Karapatan ni Josh na malaman agad ang tungkol sa kanyang pag-alis. Pero hindi pa niya kayang deretsahin ang kaibigan, kaya nagdesisyon siyang dahan-dahanin ang pagpapaalam. Sa klase ng relasyon na meron sila, hindi naman kailangang pag-usapan ang pagbitiw niya sa kung ano ang meron sila.

But no matter how much she hated the term, Josh was still her best friend. Because of that, he deserved a proper good-bye from her.

Inalis muna ni Erica sa isip ang salitang “pagpapaalam.” Kinuha niya mula sa bag ang isang pahabang kahon at ibinigay iyon kay Josh. Nakabalot iyon ng asul na plain wrapper at may malaki pang silver ribbon sa ibabaw. “Happy third friendship anniversary, Josh.”

Ngumiti ang binata. Inalog muna nito ang kahon na parang hinuhulaan kung ano ang laman niyon. Sa sobrang liwanag ng kislap sa mga mata ni Josh, para itong bata na nagbubukas ng Christmas gift. Dahan-dahan nitong hinila ang ribbon, pagkatapos ay maingat na isinira ang wrapper para mabuksan iyon. At nang makita ang regalo niya ay natawa ito nang malakas. “Isang box ng Durex?”

Tumaas ang kilay ni Erica, pinipigilang mapangiti dahil sa reaksiyon ni Josh. Masayang-masaya ang mokong. Mula sa pagiging inosente ay naging “pervert” na naman ito nang bigyan siya ng nag-iinit na tingin. Iyong Christmas lights na nakita niya sa mga mata nito kanina ay napalitan na rin ng pagnanasa. He shifted from nice to naughty and it was adorable. “Nagustuhan mo ba?”

Mabilis na tumango si Josh. “Oo naman. Gusto mo gamitin na natin `tong condom mo agad-agad?”

Pumalataktak si Erica. “Ang libog mo talaga kahit kailan.”

“Sa `yo lang ako ganito kalibog, Eri,” nakangising sagot ni Josh. Pagkatapos, ininspeksiyon ang kahon na hawak nito. “Bakit twelve packs lang `to? Wala pang isang linggo, ubos na natin `to, eh,” halatang nagbibirong “reklamo” nito. Pero totoong hindi tumatagal sa kanila ang isang kahon ng Durex na twelve packs lang ang laman.

Nakaramdam ng lungkot si Erica sa susunod niyang sasabihin. Pero kailangan niyang gawin. “Josh, kapag naubos natin `yan, itigil na rin natin `to.”

Halatang natigilan si Josh. Ilang segundo ring natahimik. Pero nang makabawi ay lumingon ito sa kanya nang nakangiti. Walang bahid ng pagtataka o hinanakit sa guwapo nitong mukha. “Gusto mo nang itigil ang klase ng relasyon na meron tayo ngayon? Okay lang sa `kin.”

Tumango si Erica. Kalmado siguro siyang tingnan nang mga sandaling iyon. Pero sa totoo lang, parang may bagyo sa loob niya. Malakas ang pakiramdam niya na may mali siyang ginagawa na hindi niya matukoy. Hindi rin siya masaya sa mabilis na pagpayag ni Josh nang hindi man lang nagtatanong.

Gusto sana niyang itanong sa binata kung talaga bang okay lang dito na tapusin na nila ang kanilang relasyon nang gano’n-gano’n lang, pero pinigilan niya ang sarili. Siya dapat ang nakakaalam na ang klase ng ugnayan na meron sila ay panandalian lang talaga at hindi na kailangan pang pag-usapan pa. Siya pa nga ang lumabas na “weird” ngayon dahil nagsabi pa siya na ayaw na niya.

When it finally dawned on her that she only had a limited time with Josh now, she felt sick in her stomach and she didn’t know why.

“Eri, okay ka lang?” nag-aalalang tanong ni Josh nang mapansin marahil na bigla siyang natahimik. At sumimangot.

Tiningnan ni Erica si Josh. He was so fine, so gentle, so hot, and she was giving up sex with this wonderful man with legendary skills in bed. She had to make the most out of the remaining time she had with him. “Josh, gamitin na natin `yang regalo ko sa `yo.”

Nagdilim ang mga mata ni Josh, halatang nasabik sa suhestiyon niya. “Dito sa kotse?”

“The windows are heavily tinted so...”

Sumuntok sa ere si Josh, halatang nasabik. “Jackpot!”

Natawa si Erica, nag-iinit na ang katawan at naiipon iyon sa pagitan ng kanyang mga hita. Tiningnan niya ang backseat habang kagat-kagat ang ibabang labi. “That looks spacious.” Nang hindi sumagot si Josh ay nilingon niya ito. Natawa siya nang makitang hinuhubad na pala ng binata ang sinturon nito. And look, his erection was so obvious by now. “Someone’s excited.”

Ngumisi si Josh, pagkatapos ay dumukwang at kinabig ang batok niya para sa isang malalim at mainit na halik.

Umungol naman si Erica sa bibig ni Josh. Ipinatong niya ang isang kamay sa balikat nito habang ang isa naman ay bumaba sa hita nito. Slowly, her hand crept up to his erection. She cupped him gently, enticing delicious moans from him. Laughing, she nibbled at his lower lip before breaking the kiss for air. “Quiet, big guy. Baka may makarinig sa `tin.”

“Wala akong pake,” sagot ni Josh, pagkatapos ay sinubsob ang mukha sa kanyang leeg. He trailed open-mouthed kisses at the side of her throat, his hand crawling up under her blouse. “Binyagan na natin `tong kotse ko.”

NAGISING si Erica dahil sa sunod-sunod na pag-doorbell. Nang ma-realize na nasa shower si Josh nang mga sandaling iyon, napilitan siyang bumangon para buksan ang pinto. Isinuot niya ang roba na katerno ng lingerie bago pinagbuksan ang “bisita” nila nang umagang iyon.

Okay, fine. Tanghali na talaga. Pero Sabado naman kaya pareho silang walang trabaho ni Josh. Sa dami ng “activities” na ginawa nila ng binata kagabi, hindi kataka-takang pareho na silang tinanghali ng gising. Sa katunayan nga, nagulat pa siya na nakakalakad siya nang maayos ngayon.

She swore she thought she’d be limping the next day because of all the naughty things he did to her last night. She was sore all over, the good kind, the one she’d never complained about.

Nawala bigla ang antok ni Erica nang sumalubong sa kanya ang dalagang mukhang inosente na nakita niyang kayakap ni Josh noon sa bar. Nakilala agad niya ito. “Hi, Carrie.”

Halatang nabigla si Carrie nang banggitin niya ang pangalan nito. Well, pagbukas pa lang niya ng pinto kanina ay halatang nagulat na ang babae. Napatingin ito sa kanya mula ulo hanggang paa, hanggang sa mapako ang tingin nito sa cleavage niya. Kitang-kita ang pagdaan ng insecurity sa mga mata ni Carrie bago pinuwersa ang sarili na tumingin sa kanyang mukha. Medyo halata rin na pilit lang ang ngiti nito. “Hi. You must be Eri, Josh’s best friend. Madalas ka niyang maikuwento sa `kin.”

Ngumiti si Erica at humalukipkip. Just to make her boobs look bigger. She couldn’t help but tease young girls like Carrie. “Josh is in the shower.” Siya naman ang tumingin sa babae mula ulo hanggang paa. Nakapusod lang ang mahaba nitong buhok at light lang din ang makeup. Ang plain nitong tingnan sa suot na sunny dress at sandals.

Napangiti siya nang mapako ang tingin sa dibdib nito. Well, kung maituturing ngang dibdib iyon. Flat-chested kasi ang babae. Hindi niya napigilan ang pagkurba ng mayabang na ngiti sa kanyang mga labi nang mag-angat siya ng tingin. “Come in, Carrie. Mabilis lang maligo si Josh kapag hindi ko siya sinasabayan sa shower.”

Namula ang buong mukha ni Carrie. Humigpit din ang pagkakahawak sa cute na paperbag na noon lang niya napansing hawak nito. “Uhm, no, thanks. I’m not going to stay long.” Iniangat ng babae ang dala. “Dumaan lang ako para ibigay sana `to kay Josh.”

For some reason, Erica felt cranky. Halata kasing may gusto si Carrie kay Josh. Inosente ang mukha ng babae, pero may nararamdaman siyang kakaiba rito. O baka nagkakaganoon lang siya dahil... dahil kabaligtaran niya ang dalaga sa lahat ng aspeto? “Oh, come on, Carrie. Nagpunta ka sa apartment ng isang binata na kasing-hot ni Josh, then you’re saying you’re not staying? If it happens to be a different guy, alam mo bang puwede ka nang mapahamak dahil sa pagiging careless mo?”

“I... I don’t understand what you’re trying to say, Erica.”

“You don’t go to a grown-up man’s apartment so carelessly, girl,” malamig na sabi ni Erica. “Iba ang iisipin niya kapag nagkataon. Magpasalamat ka at walang interes sa `yo si Josh kaya hindi niya bibigyan ng ibang kahulugan ang pagdalaw mo sa kanya ngayon. Be careful next time.”

Halatang napahiya si Carrie nang maintindihan na nito kung ano ang sinasabi niya. Mabilis na iniabot ng babae sa kanya ang hawak na paperbag. The young woman almost shoved it against her chest. “Pleave give that to Josh. I’ll... I’ll be going.”

Napangiti na lang si Erica nang patakbong umalis si Carrie, halatang hiyang-hiya. Pero agad ding nawala ang kanyang ngiti pagsara niya ng pinto. “She knows where Josh lives, huh?”

Not that it was her business. But still...

Bakit alam ni Carrie kung saan nakatira si Josh? Ibig bang sabihin, hindi iyon ang unang pagkakataon na nangyari iyon? Ano naman ang gagawin ng inosenteng babaeng iyon sa apartment ng binata? Ano ang ginagawa ng mga ito sa mga pagkakataong iyon? Nanonood ng movies? Nagkukuwentuhan? O baka naman...

Ah, imposible. Kilala niya si Josh. Kahit na malibog ang lalaking iyon, alam niyang hindi ito papatol sa bata. Lalo na sa kasing-edad ng nakababata nitong kapatid.

You need to calm down, Erica.

“Si Carrie ba `yong narinig kong kausap mo?” tanong agad ni Josh pagbalik niya sa kuwarto.

Nawala ang iritasyong nararamdaman ni Erica nang makitang tanging tuwalya lang ang nakatali sa baywang ni Josh habang pinupunasan ng isa pang tuwalya ang basang buhok. Pinaraan niya ang dila sa ibabang labi habang binubusog ang mga mata sa national treasure sa kanyang harap. Damn, the water glistening over his well-toned torso was making her wet. So wet he could actually slid inside her effortlessly. “Yep, it’s your little girlfriend.” Iniangat niya ang hawak na paperbag. “Ibigay ko raw sa `yo `to. Mukhang nagmamadali si Carrie kaya umalis agad siya.”

“Hindi ko girlfriend si Carrie,” tanggi ni Josh sa “akusasyon” niya.

Nagkibit-balikat lang si Erica. Naglakad siya papunta sa kama para ilapag sa night table ang paperbag. “Mukhang madalas siyang magpunta rito sa apartment mo. Ano’ng ginagawa n’yo kapag bumibisita siya? Nanonood ng cartoons?”

“Hindi ko pinapapasok si Carrie tuwing bumibisita siya,” kaila naman ni Josh. Huminto ito sa pagpupunas ng buhok gamit ang tuwalya. Seryoso ang lalaki nang titigan siya. “Saka pangatlong beses pa lang naman siyang nagpunta rito para magdala ng regalo. Huwag kang mag-alala, Eri. Sasabihan ko uli siya na huwag nang mag-abala para lang bumawi sa `kin. Nakokonsiyensiya lang `yon kasi nalaman niyang pinagkalat ni Kara ang tungkol sa dati kong trabaho.”

“Hindi mo naman kailangang mag-explain,” kunwari ay walang pakialam na sabi ni Erica. Pero sa totoo lang, masaya siyang marinig na hindi pinapansin ni Josh ang mga “moves” ni Carrie. Painosente lang ang babaeng iyon, pero ramdam niyang nasa loob ang kulo.

“Ayoko lang mag-isip ka ng masama tungkol sa `min ni Carrie. Kapatid lang ang turing ko sa kanya.” Bumalik na ang nanunuksong ngisi ni Josh. “Kaya huwag ka nang magselos, Eri.”

“Hindi ako nagseselos,” iritadong tanggi naman ni Erica. Ayaw na niyang palakihin ang usapan kaya kinuha na lang niya ang paperbag para may pagkaabalahan. “Anyway, puwede ko bang buksan `tong regalo niya sa `yo?”

“Sige lang.”

Sumalubong kay Erica ang tatlong cupcakes na maingat na nakalagay sa pahabang kahon. Sumipol siya. “Siya ang nag-bake nito?”

Naramdaman niya si Josh sa kanyang likuran. Niyakap siya nito, saka isinubsob ang mukha sa kanyang leeg bago sumagot. “Oo. Madalas akong bigyan ni Carrie ng mga bine-bake niya. No’ng huli, cake ang `binigay niya sa `kin.”

Gusto ni Erica ang pakiramdam ng mga labi at dila ni Josh sa leeg niya habang pinipisil ng mga kamay nito ang kanyang dibdib, pero naroon pa rin ang iritasyon niya kay Carrie. Binuksan niya ang isang kahon at inilabas ang isang cupcake. She hated to admit it but it looked tasty. “I think Carrie likes you, Josh. Baka ikaw na ang icing sa ibabaw ng cupcake niya.”

“Argh, Eri. Kinikilabutan ako sa sinasabi mo. Parang kapatid ko lang si Carrie, okay?”

“Then how about Eleanor?”

“Sino `yon?”

“`Yong friend ni Penelope na hopeless romantic,” paliwanag ni Erica. Naisama na niya si Josh nang minsang naimbitahan sila ni Penelope sa isa sa mga party kung saan kasama nito ang mga kaibigan mula sa advertising world. “The one who just got out of a long-term relationship.”

Matagal bago muling nagsalita si Josh. “Ah, naaalala ko na. `Yong magandang babae na umiyak at naglasing sa party.”

Nakaramdam si Erica ng kaunting kirot sa puso dahil sa pagpuri ni Josh kay Eleanor, pero hindi niya iyon pinansin. “Puwede kitang i-set up kay Eleanor ng date kung gusto mo. She seems like a nice girl. Baka magustuhan mo siya.”

“Bakit naman ako makikipag-date sa kanya?”

“Kasi oras na para humanap ka ng disenteng girlfriend.” Tumingin siya sa night table kung saan nakapatong ang box ng Durex. Dalawa agad ang nabawas doon mula kagabi nang “binyagan” nila ang kotse ni Josh. “You need to be in a serious relationship with a nice girl, para hindi ka na malapitan ng mga bitch na gaya ni Kara.”

Tinawanan lang iyon ni Josh. Pagkatapos, inilubog ang isang daliri sa puting icing at inilapit iyon sa kanyang bibig. “Tikman mo. Mahilig ka sa matamis kaya magugustuhan mo `to.”

Bago pa maisip ni Erica ang kanyang ginagawa, ibinuka na niya ang bibig at isinubo ang daliri ni Josh na puno ng icing. She licked and sucked it off his finger, thinking it was his sweet and salty orgasm she tasted instead.

Naramdaman niya ang pagbigat ng hininga ni Josh. “Anong lasa?” paungol na tanong nito.

Umungol lang si Erica, pagkatapos ay sumandal sa matigas na dibdib ni Josh. She rubbed her backside against his front. “It’s good. Pero may iba akong naiisip na mas gusto kong tikman. Parang ganito rin. They’re almost the same color, but the one in my mind is stickier... and warm.”

Nagmura si Josh, puno ng matinding pangangailangan ang boses. He instantly grew hard against her hip. “Puwede ko bang lagyan ng icing ko ang cupcake mo?”

Natawa si Erica. Naalala niya noong minsan na napakinggan nila ni Josh sa radyo ang kantang pinagmumulan ng reference nila ngayon. Na-realize nilang “pervert” sila pareho dahil nabigyan nila ng ibang kahulugan ang lyrics niyon. Simula noon, naging private joke na nila ang “pag-quote” sa kanta.

Kinuha ni Josh ang cupcake mula sa kanya na inilapag nito sa night table. Pagkatapos ay bumaba ang mga kamay nito sa kanyang balakang. “Eri...”

Na-realize ni Erica na hinihintay ni Josh ang sagot niya. Kaya bilang tugon, sumampa siya sa kama. Then she got on all fours. “You ate too much cake last night. You should burn the calories off, Josh. Kaya ikaw dapat ang gumawa ng lahat ng trabaho ngayon.”

Narinig niyang nahigit ni Josh ang paghinga. Pero nang makabawi ay natawa ito nang mahina, na nauwi rin sa ungol nang ikawit nito ang mga daliri sa panties niya at hilahin iyon. Basang-basa na iyon. “Wow, Eri. Lahat talaga ng parte mo, maganda.”

Napangiti si Erica, pero mabilis din iyong napalitan ng ungol sa sunod na ginawa ng binata.

He grabbed her butt and spread her legs wider. Then she felt his tongue tracing its way from her clit to her cunt in one long and deep lick. Then he started to thrust inside her like how his dick would. She thought she went straight to heaven when he inserted two fingers while his tongue was miraculous inside her. She shuddered with a purr. God, she purred like a cat! She couldn’t help herself. His tongue was soft but also hard enough to make her feel like he was fucking her with his cock.

Sumabog siya, agad-agad, nang ganoon kalakas. Dapat ipa-insure ni Josh ang dila nito na hindi pa rin tumigil sa pagdila sa kanya na para bang nililinis siya. Gah, his tongue could work miracles in one’s pussy!

“Hindi pa `ko tapos, Eri,” sabi ni Josh, mahihimigan sa boses ang ngisi. Hinawakan nito ang kanyang balakang. “Ready?”

Umungol lang si Erica. She was distracted by his hard cock pressing against her. “Put it in, Josh.”

“`Yon ang plano, Eri,” natatawang sagot ni Josh. Then he slid insider her.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.