ERICA was greedy, she realized.
Noong una ay itinatanggi pa niya sa sarili ang totoong dahilan kung bakit hindi pa rin niya binitawan si Josh kahit na bumalik na si Jeff sa buhay niya.
Nagpanggap siya na ginawa iyon para makaganti kay Jeff. Gusto niyang ipamukha sa ex-boyfriend na kaya niya ring makisiping sa ibang tao kapag magkalayo sila. Pinaniwala niya ang lalaki na sinasaktan lang ito para masubok kung gaano ito kapursigidong suyuin siya uli.
Alam ni Erica na hindi iyon ang mga dahilan kung bakit hindi niya maiwan si Josh. Matagal na niyang alam ang dahilan, pero ibinaon niya iyon sa kaibuturan ng kanyang puso at sa pinakasulok ng isip dahil natatakot siyang harapin ang tunay na damdamin.
But maybe she was a little aware that her actions have betrayed her reasoning a long time ago. Noong gabi na pinuntahan niya si Josh para tapusin na ang Fall-Out Stage nila ang simula ng panggugulo niya sa sitwasyon nilang tatlo nina Jeff dahil lang sa isang bagay na hindi niya pa kayang aminin sa sarili.
Bumangon lang ang lahat ng emosyon na tinakpan niya nang marinig ang masamang balita: nasaksak si Josh at kasalukuyang nasa ospital.
“Josh!” sigaw agad ni Erica pagbukas ng private room na sinabi sa kanya sa nurses’ station nang tanungin niya kung saan naka-confine si Joselito Duran.
“Hi, Eri. Bilis mo, ha,” nakangising bati ni Josh, nakahiga sa kama. Kung hindi lang dahil sa hospital gown na suot, hindi niya maiisip na pasiyente ito dahil mukha namang malakas ito.
Ligtas si Josh.
Ngayon lang nakahinga nang maayos si Erica.
She wanted to kiss Josh right now. To rip his clothes off and make love to him. She needed to feel him inside her to make sure he was still there with her. But for now, she was just grateful to see his bright smile again. She thought she had lost him forever and that scared the hell out of her.
Nang makatanggap siya ng tawag mula kay Flynn kanina at sinabing nasaksak si Josh, biglang nanikip ang kanyang dibdib. Aaminin niyang maraming batas-trapiko siyang nilabag para lang makarating sa ospital sa pinakamabilis na oras.
Sa buong durasyon ng pagmamaneho ni Erica, wala siyang ibang ginawa kundi ang magdasal para sa kaligtasan ni Josh. Sa biyahe na iyon, inamin niya sa sarili ang isang bagay na sanhi ng lahat ng kanyang pagkalito—ng napakalaking problema niya ngayon.
She loved Josh. She was in love with her best friend. Her fuck buddy.
Napaiyak si Erica. Iyong iyak na may kasamang hikbi. Ngayong nakasiguro nang ligtas na si Josh, saka lang niya naramdaman ang pagod mula sa matinding pag-aalala.
“`Oy, bakit ka umiiyak?” nag-aalalang tanong ni Josh. Tinangka nitong tumayo pero sa pagbangon pa lang nito, napa-“aray” na at napahawak sa bandang tiyan kung saan siguro nasaksak.
“Josh,” saway naman ni Carrie. “Hindi ka pa puwedeng kumilos.”
Oo, nandoon si Carrie sa kuwarto pero hindi niya agad napansin dahil napako lang ang atensiyon niya kay Josh. Sa sobrang relief ni Erica, bale-wala na sa kanya na ibang babae ang unang umasikaso sa binata. Ganoon siya ka-grateful na buhay ito.
Pinunasan niya ang mga luha nang makita sa mga mata ni Josh ang kagustuhang tumayo para aluin siya. Alam niyang pupuwersahin nito ang sarili makalapit lang sa kanya, kaya siya na mismo ang lumapit dito. “Ano ba’ng nangyari, Josh?”
Hinawakan ni Josh ang kamay niya. Mahigpit, na parang masaya talagang makita siya. He kissed the back of her hand because he spoke in a hesitant voice. “May mga nanggulo kasi sa bar kanina. Medyo napaaway ako. Pero huwag kang mag-alala, Eri. Wala naman daw tinamaan na vital organs sa `kin, sabi ng mga doktor. Kaya okay na `ko ngayon.”
Kumunot ang noo ni Erica. Hindi naman palaaway si Josh kaya nakakapagtaka ang paliwanag nito. “Bakit ka napaaway?”
“Wala lang `yon. Mga lasing na guests lang,” paiwas na sagot ng binata, saka pinupog ng halik ang likod ng kanyang kamay. “Okay lang ako, Eri. Promise. Mabaog man si Luis.”
Kung ibang pagkakataon lang iyon, baka natawa na si Erica dahil sa pagbibiro ni Josh. Pero hindi siya mapakali. Dumako ang tingin niya kay Carrie para sana itanong kung bakit nandoon ang dalaga. Nang makita pa lang niya ang guilt sa mukha ng babae, nagkaroon na siya ng ideya. Bigla tuloy siyang nairita. “Ikaw ang dahilan kung bakit napaaway si Josh, `no?”
“Eri,” malambing na saway ni Josh. Ipinulupot pa nito ang isang braso sa baywang niya para yakapin siya at isubsob ang mukha sa kanyang dibdib. “Okay lang nga ako.”
When Josh buried his face against the valley of her breasts, she would admit she calmed down a bit. She combed his hair using her fingers which made him groan lowly. Ah, biglang namasa ang pagitan ng kanyang mga hita. Nakakatawa na kahit nasa gano’ng sitwasyon na sila, tuwing naririnig niya ang pag-ungol ng binata ay mabilis pa ring nag-iinit ang kanyang katawan.
Bigla niyang nahiling na sana, solo nila ni Josh ang kuwarto nang mga sandaling iyon. She would make him worship her breasts like he always did whenever they were alone. She knew he felt the same when he started to nibble at her skin through her shirt.
Humigpit din ang pagkakayakap ni Josh sa kanya, halatang nagpipigil na lang na hawakan siya sa mga parte ng kanyang katawan na nangangailangan ng atensiyon nito.
Pero hindi pa rin nawawala ang iritasyon na nararamdaman ni Erica kaya kinalimutan niya muna ang kamunduhang pinaparamdam ni Josh. Matalim pa rin ang tingin niya kay Carrie na parang iiyak na nang mga sandaling iyon. “Ano’ng nangyari, Carrie?”
Napapiksi si Carrie. Hindi ito makatingin sa kanya habang nagpapaliwanag. “N-nagpunta kasi ako sa bar kanina. May mga lalaking nambastos sa `kin. Pinagtanggol ako ni Josh. `Yong isa pala sa mga nakaaway niya, may dalang balisong.”
Okay. Parang may bulkang sumabog sa loob niya.
“Nakulong na sila,” mabilis na dagdag naman ni Josh, mas humigpit ang yakap sa kanya. “Seryoso, Erica. Okay na ang lahat.”
Humugot ng malalim na hininga si Erica. Hindi pa rin niya kontrolado ang damdamin kaya kumalas siya kay Josh. Nang mag-angat ng tingin ang binata, kitang-kita niya ang magkahalong gulat at takot sa mukha nito. “You’re willing to die for someone else and leave me alone? How heroic of you,” mapait na sabi niya.
“Eri, hindi gano’n `yo—”
“Ni hindi mo man lang naisip ang mararamdaman ko kung may masamang nangyari sa `yo,” paghihinanakit niya sa basag na boses. “Magsama kayo ng Carrie mo.”
Alam ni Erica na masyadong immature ang ginawa niya, pero nag-walk out pa rin siya bago pa makita nina Josh at Carrie ang muling pagbagsak ng kanyang mga luha. Sa pagkakataong iyon, hindi na dahil sa relief of pag-aalala.
They were tears of jealousy.
HERE’S Erica’s secret: the “Fall-Out Stage” was actually the “I’m-Falling-In-Love-With-Josh Stage.”
Pero in-denial siya nang panahong iyon. Ngayong nakaupo siya sa hagdan ng fire exit pagkatapos mag-walk out kay Josh, saka niya iyon na-realize. Kanina pa nagba-vibrate ang phone niya. Sigurado siyang ang binata ang nagte-text at tumatawag sa kanya, kaya hindi niya iyon sinasagot.
Paano niya haharapin si Josh pagkatapos ng mga realization niya?
Hindi rin alam ni Erica kung kailan eksaktong nahulog ang loob niya kay Josh. Sa dalawang buwan na nagsisiping sila at madalas na nagkakasama, mas nakilala nila ang isa’t isa. Noon kasing nakatali pa siya sa iba, halatang may pader pa sa pagitan nila ng binata. Pero nang mawala iyon, meron namang pinto sa puso niya na nagbukas para sa kanilang dalawa. Doon na siguro bumaba ang kanyang depensa kaya hindi niya namalayang nag-iiba na pala ang damdamin niya.
Malakas ang physical attraction sa pagitan nila ni Josh noong unang beses pa lang silang nagkita. Sa paglipas ng mga taon, naging malapit na magkaibigan sila. Baka nga doon pa lang, nahuhulog na ang loob niya sa binata. Iyon lang kasi ang nakikita niyang dahilan kung bakit bukod sa awa at simpatya, hindi rin niya maalis ang kagustuhang alagaan ito kahit alam naman niyang kayang-kaya nito ang sarili.
Lalo siyang nahirapan na kontrolin ang damdamin nang magsimula na silang magsiping ni Josh. Siguro, hinayaan nga niya ang sariling mahalin ang binata. Pero ang kapalit niyon, hindi naman niya iyon nagawang aminin sa sarili. Kasi natatakot siya sa sariling damdamin.
Nakakatakot kasi alam niyang hulog na hulog siya kay Josh at isang pagkakamali lang nito, alam niyang mawawasak siya higit pa sa nagawa ng kanyang ex-boyfriend.
Sa totoo lang, sa walong taon na karelasyon ni Erica si Jeff, hindi siya nakaramdam ng ganito kalakas na damdamin para sa lalaki. Patunay roon na pagkatapos nilang maghiwalay, sandaling panahon lang siya naging miserable. Mabilis pa nga siyang nakalimot. Hindi rin niya makakalimutan ang relief na naramdaman na tapos na sila ng dating nobyo.
Pero pinili pa rin niya si Jeff. Simple lang naman kung bakit. Naramdaman na kasi niyang masyado nang malakas ang damdamin niya para kay Josh. Kung hindi pa niya pipigilan iyon, hindi na siya makakaahon mula sa pagkahulog. Kaya bumalik na lang siya sa lalaking kaya niyang kontrolin.
What was wrong with loving Josh? Just one reason. She was so afraid to be with someone who had so much power over her. Isa pa, hindi niya alam kung mahal ba siya ni Josh gaya ng nararamdaman niya para dito. Sa totoo lang, hindi niya alam kung gusto pa niyang malaman iyon.
“Erica?”
Kahit hindi nag-angat ng tingin si Erica, nakilala naman niya ang boses ni Carrie. “Bakit?”
Umupo ito sa kanyang tabi. “I think Josh needs you right now. Mabuti na lang at nakabalik na sina Flynn mula sa police station, kaya may pumigil na sa kanya. Hindi ko kasi siya mapigilang lumabas ng kuwarto kanina para habulin ka.”
“Carrie, do you like Josh?” tanong ni Erica nang hindi nililingon ang dalaga. Narinig niya ang lahat ng sinabi nito, pero hindi iyon ang gusto niyang pag-usapan nila ngayon.
Matagal bago sumagot si Carrie. “I do. Gustong-gusto ko si Josh. Bago pa niya i-date si Ate Kara, matagal ko na siyang gusto.”
“Ga’no na katagal?”
“Four years ago.”
Nagulat si Erica. Nilingon niya si Carrie na blangko ang mukha nang mga sandaling iyon. Mas nauna pa nitong makilala ang binata kaysa sa kanya? “Paano mo nakilala si Josh four years ago?”
Namula ang mukha ni Erica, saka nag-iwas ng tingin. “`Yong Tita Aniya namin ni Ate Kara, naging client siya ni Josh noon. Our aunt was an old maid. Sa kanya ako nakatira dati kasi malapit ang bahay niya sa school ko. Then one night, I saw her bring Josh in the house. It was love at first sight.”
Kung ibang pagkakataon lang iyon, baka natawa na si Erica. Pero naalala niya na noong unang beses niyang makita si Josh, nakaramdam din siya ng malakas na atraksiyon sa binata.
“Nakangiti at tumatawa pa nga si Josh no’ng dalhin siya ni Tita sa kuwarto,” pagpapatuloy ni Carrie sa kuwento. “Pero no’ng umalis siya ng bahay, ang lungkot-lungkot niyang tingnan. Na-curious ako sa kanya kaya sinundan ko siya ng tingin mula sa balcony ng kuwarto ko. Umupo siya sa gilid ng kalsada. Nakatulala lang siya no’ng una. Hanggang sa umiyak siya. Sinabunutan niya rin ang sarili niya na parang galit na galit sa mga nangyayari sa buhay niya. Awang-awa ako sa kanya no’n. Parang gusto ko siyang alagaan para hindi ko na siya makitang umiyak uli.”
Pakiramdam ni Erica, nadurog ang puso niya para kay Josh. Minsan na rin niyang nakitang umiyak ang binata kaya alam niya kung ano ang naramdaman ni Carrie noon. Iyon din ang eksaktong dahilan kung bakit gusto niyang alagaan ang lalaki, bago pa lumalim ang damdamin niya para dito.
Bumuntong-hininga si Carrie bago nagpatuloy. “Simula no’n, hindi ko na naalis si Josh sa isip ko. Pero wala akong lakas na loob na puntahan siya. I was only sixteen then. What can I do for him? Hanggang sa nakita ko na siya sa mga print ads at ilang TVC. Natuwa ako, kasi akala ko sign na `yon na may chance kaming magkita uli. We did meet each other again. But unfortunately for me, he was dating my older sister.”
“Ang tita mo ba ang nagsabi kay Kara na dating call boy si Josh?”
Marahang umiling si Carrie, namula na naman ang mukha. “Matagal nang nag-migrate sa US ang tita namin, kaya wala na siyang balita kay Josh.”
Kumunot ang noo ni Erica sa pagtataka. Hanggang sa nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat. “Ikaw ang nagsabi kay Kara ng tungkol sa nakaraan ni Josh?”
Kitang-kita ang pagkapahiya sa mukha ni Carrie. “Hindi ko naman gustong ipahiya si Josh,” mabilis na paliwanag nito. “Gusto ko lang sanang maghiwalay sila ni Ate Kara para magkaro’n ako ng chance sa kanya. Pero pinagsisihan ko rin naman agad ang ginawa ko nang ipagkalat ng kapatid ko ang tungkol sa dating trabaho ni Josh.”
Humugot ng malalim na hininga si Erica para kalmahin ang sarili. Wala na rin namang mangyayari kahit magalit pa siya. “Kaya pala todo-todo ka kung bumawi kay Josh.”
Nangilid ang mga luha ni Carrie. “No’ng nakita mo `ko sa bar na nakayakap kay Josh, `yon `yong gabi na sinabi ko sa kanya na ako ang nagsabi kay Ate Kara ng tungkol sa dati niyang trabaho. Hindi ko na kasi kinaya ang guilt kaya nag-sorry ako sa kanya. I expected him to get mad at me. But he just laughed it off and said it wasn’t my fault. Na hindi ko naman daw kasalanan kung gano’n ang ginagawa niya noon.” Tumingin sa kanya ang dalaga. “Alam mo ba kung ano pa ang sinabi niya sa `kin no’n?”
Biglang bumilis at lumakas ang tibok ng puso ni Erica. Hindi siya sigurado kung gusto nga ba niyang marinig ang mga sasabihin ng dalaga.
“Hindi na raw ako dapat ma-guilty dahil matagal na siyang nailigtas mula sa pangit niyang nakaraan,” pagpapatuloy ni Carrie nang hindi siya sumagot. “May isang anghel daw ang humila sa kanya mula sa impiyerno. Because of this person, he was saved. He became happy. Alam mo naman siguro kung sino ang tinutukoy niya, `di ba?”
Nangilid ang mga luha ni Erica. Bago pa siya mapangunahan ng emosyon, tumayo na siya at pinatigas ang puso. “Carrie, I know how you feel about Josh. Kaya alam ko rin na kilala mo siya. He’s tough and he has no unsure bone in his body. Pero alam mo rin na sensitive siya tungkol sa nakaraan at pamilya niya. Please stay by his side. He needs someone who’ll take care of him.”
Kumunot ang noo ni Carrie sa pagtataka. “What are you talking about, Erica?”
“I’m leaving. Josh needs someone to hold him together when that happens.”