RAMDAM ni Vanessa na naglalakad sa likuran niya ang tahimik na si Fern.
Pagkatapos ng mainit nilang halikan sa car space kanina, nabawasan kahit papaano ang unresolved sexual tension sa pagitan nila kaya nakapag-isip na sila nang deretso. Nagdesisyon silang mag-usap muna sa unit niya.
Well, kailangan pa ring ipaliwanag ni Fern kung bakit pangalan niya ang binabanggit nito habang ibang babae ang kasiping.
Iniwan ni Vanessa na bukas ang pinto nang pumasok bilang imbitasyon kay Fern. Nang nasiguro niyang sumunod sa kanya ang binata, dumeretso siya sa kusina. Inilabas niya ang wine na natanggap bilang regalo noong nakaraan. Binuksan niya iyon at nagsalin ng alak sa dalawang baso.
Pagpihit niya paharap, sumalubong sa kanya si Fern na kadarating lang sa kusina. Iminuwestra niya ang kitchen island. Tumango lang ang binata at umupo sa mataas na stool. Ibinaba naman niya ang basong may laman na wine sa tapat nito.
Kailangan nila ang presensiya ng alak sa magiging usapan nila.
Nanatiling nakasandal si Vanessa sa kitchen counter habang iniikot-ikot ang laman ng basong hawak niya. Pinagmamasdan niya si Fern nang mga sandaling iyon na kalmado lang ang hitsura habang nakatingin din sa kanya. Sa totoo lang, hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito. Ganoon kablangko ang guwapong mukha ng binata.
“Totoo ba ang lahat ng sinabi ni Sabrina?”
Marahang tumango lang si Fern.
“Gano’n mo na `ko kagusto simula college tayo?” hindi makapaniwalang tanong ni Vanessa. At dahil hindi siya romantic na tao, medyo kinilabutan siya sa ideya na iyon.
Binigyan naman siya ni Fern ng hindi makapaniwalang tingin. Pagkatapos ay pinisil nito ang pagitan ng mga mata. “I’m not that of a romantic, Vanessa. Aaminin ko, nagustuhan kita no’ng nasa college tayo. Pero sigurado rin ako na no’ng lumipad ako papuntang LA para pumasok sa culinary school, nakalimutan na kita.”
Napangiti si Vanessa. Ganito ang gusto niya sa lalaki—hindi bolero at tapat sa nararamdaman. “Kung gano’n, ano’ng nangyari sa inyo ni Sabrina?”
Bumuntong-hininga ang binata at bumaba ang tingin sa baso ng alak. “I was ruined the moment I realized that we lived in the same building, on the same floor, and you were just next door.”
Kumunot ang noo niya. “Explain.”
Umangat ang tingin sa kanya ni Fern. The look of pure want was back on his handsome face and it seemed like he was trying hard not to look at everything down her neck. When he spoke, his voice was croaky. “You were beautiful back in college. But now, shit, Vanessa. You’re fucking gorgeous. Fucking sexy. So fucking hot that everytime we meet, I try hard not to turn to you or even risk a glance because I’m afraid I’ll lose control and kissyou senselessly, never mind the time and place. And that’s the edited version of what I really want to do with you each time you’re near.”
Napasandal si Vanessa sa kitchen counter. Mabuti na lang at may sumuporta sa bigat niya dahil kung hindi, napaupo na siguro siya nang biglang nanginig ang kanyang mga tuhod. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa pagkasabik sa mga sinabi ni Fern.
Ramdam niya ang pangangailangan ng binata sa bawat salitang binibitiwan, sa boses na para bang nagpipigil na lang na dambahin siya. Kahit na sa mukha niya nakatuon ang tingin ni Fern, pakiramdam naman niya ay hinuhubaran na siya ng binata sa isip nito base sa matinding pagnanasa na nakikita niya sa mga mata nito.
Apektadong-apektado siya sa nararamdaman ni Fern nang mga sandaling iyon. Nag-iinit ang kanyang buong katawan at para bang naiipon iyon sa bahagi na kailangang-kailangan na talaga ng atensiyon ng binata, simula pa lang noong nakita niya ang pagnanasa nito sa restaurant kanina.
“I want the unedited version, Fern,” pagde-demand ni Vanessa sa kontroladong boses.
Tumaas ang sulok ng mga labi ni Fern at sa pagkakataong iyon, pinaglandas nito ang tingin sa buong katawan niya. Binigyan nito ng mas matagal na atensiyon ang kanyang mga dibdib. “Honestly? I want to undress you and fuck you so hard everytime I see you.”
Napasinghap si Vanessa. Hindi lang dahil sa pagiging sobrang matapat ni Fern, kundi dahil tuluyan nang nag-init ang pagitan ng mga hita niya. And she was so wet by now. “Honestly? Hindi halata. Ang akala ko, sobrang loyal mo lang sa girlfriend mo kaya hindi mo `ko pinapansin.”
“Hindi ko siya girlfriend,” pagpapaalala ng binata sa kanya. “Open relationship, remember?”
“Exactly. Kung wala naman pala kayong relasyon ni Sabrina, bakit hindi ka lumapit sa `kin?”
“Akala ko, hindi ako ang tipo mong lalaki.”
Kumunot ang noo ni Vanessa. “Excuse me?”
“I’ve seen the guys you take home,” kaswal na sagot ni Fern. “I’m not like them.”
Because she liked her man who was all sunshine and easygoing. Samantalang si Fern naman, tahimik lang at reserved pa.
“Plus, you’re too friendly with me,” dagdag nito na parang may hinanakit pa. “Akala ko warning `yon na hindi kita puwedeng pormahan.”
“Akala ko naman kasi, hindi ka interesado sa `kin,” depensa naman ni Vanessa. Ang pagkabigla niya sa mga rebelasyon nila ay nauwi sa pagtawa. “Shit, Fern. Ang tanga natin.”
Nagkibit-balikat si Fern. “Akala ko hindi mo `ko tipo. Akala mo naman, hindi ako interesado sa `yo. Pareho lang siguro tayong natakot mapahiya kaya nagpanggap tayong walang interes sa isa’t isa.”
“Inabot pa nang buwan ang pag-iwas natin sa isa’t isa,” iiling-iling na sabi ni Vanessa. Nang mapatingin siya kay Fern, hindi na “kaibigan” ang tingin niya rito. Natuyo ang kanyang bibig kaya dinilaan niya ang mga labi niya. “Pero mukhang hindi mo na kayang magpanggap na wala kang interes sa `kin.”
“Gano’n na nga. Madalas kong maisip na ikaw si Sabrina. Ah, hindi. Kahit sino pang babae ang kasama ko, ikaw at ikaw pa rin ang nakikita ko… at iniisip kong kasama ko.”
Nakagat ni Vanessa ang ibabang labi habang kinakalma ang sarili. She didn’t want to come yet by just listening to Fern’s sexy confessions.
“Mukhang hindi ko na nakokontrol ang sarili ko pagdating sa `yo, Vanessa. Ikaw ang nakikita ko sa mga babaeng nakakasama ko,” pagtatapat nito sa parang nahihirapang boses. “I want you so, so bad. Mas lalo akong nahirapang pigilan `to nang katukin mo `ko sa condo at tiningnan mo `ko na parang gusto mo rin ako sa paraang gusto kita. After seeing that look on your face, I knew I had to get you. I decided I would do everything and anything to make you mine even for just one night.”
“Have you had yourself checked before?”
Tumango si Fern. “I do that twice a year. I’m clean and safe.”
“Good,” mabilis na sagot naman ni Vanessa habang ibinababa ang baso na hawak sa kitchen counter. “Do you have a condom?”
“Always,” nakangising sagot naman ng binata.
“Then what are you waiting for?”
Hindi na nagkaroon ng pagkakataon si Vanessa na makita nang mas matagal ang nakangiting mukha ni Fern dahil mayamaya lang, nasa harap na niya ito at hinahalikan siya.
Ah, no. He was actually devouring her mouth right now and she had a feeling that he wanted to show her the “unedited” version of what he really wanted to do with her all this time.
Mayamaya pa, naramdaman niya ang pag-angat ng kanyang katawan mula sa sahig hanggang sa iupo siya ni Fern sa kitchen counter. Gusto pa sana niyang humingi ng “visa” sa binata para sa mga kamay niya na i-“explore” ang katawan nito, pero alam niyang hindi na siya tatagal. Kanina pa siya nag-iinit sa restaurant at hindi na niya kayang patagalin pa ang pagkontrol sa sarili.
Ikinawit ni Vanessa ang mga daliri sa mga bulsa ng pantalon ni Fern para hilahin ito palapit sa kanya. Pagkatapos, sinimulan na niyang tanggalin ang sinturon nito. Umungol naman ang binata at inilusot ang mga kamay sa ilalim ng dress niya.
Her black lacey panties were soaked, much to Fern’s amazement, which was obvious when his eyes lit up. Binigyan siya nito ng tingin na puno ng malisya at pagnanasa. “You want it now?”
Vanessa growled playfully and gently nipped his chin. “God, yes! Kanina pa, Fern. Kaninang-kanina pa,” desperada niyang sagot, saka kinuha mula sa binata ang panties niya na nahubad na nito at inihagis iyon kung saan. “Let’s fuck already, shall we?”
Fern chuckled. A mischievous glint sparked in his eyes as he released his cock. She could feel him watching her face as her gaze travelled down to the part of his body that she craved most at the moment.
Napangiti at tumango si Vanessa para ipakita kay Fern na naliligayahan siya sa nakikita. While cradling his cock that looked heavy, hard, and so, so ready, he slid the condom on. Umangat uli ang tingin niya sa mukha ng binata. Pinadaan niya ang dila sa kanyang ibabang labi. “Should I beg before you put it in?”
Fern just smiled evilly and hoisted her up. She anchored her shoulders against the wall as her hips lifted towards him. Her fingers connected at the back of his neck as he slid inside, filling her completely. He pushed in, shallow at first, and his movement was slow, as if he was savoring the moment.
“Shit, Fern,” ungol ni Vanessa, saka niya ikinawit ang mga binti sa balakang ng lalaki. Hindi siya makuntento sa paggalaw nito dahil gusto niya itong maramdaman nang buong-buo sa loob niya. Binigyan niya ng nagmamakaawang tingin ang binata. “Please, Fern. I need you so bad.”
Mukhang nagustuhan ni Fern ang mga sinabi niya at ang matinding pangangailangan na maging siya ay nahimigan sa sariling boses. Unti-unting nawala ang pagpipigil na nasa mukha nito kanina. He thrust in all the way this time, fast and deep and hard.
“Fuck, Vanessa. You feel so fucking good,” ungol ni Fern sa tapat ng kanyang tainga.
Umungol din si Vanessa bilang tugon. Ano’ng masasabi niya? Hindi na yata gumagana ang utak niya dahil wala na siyang ibang nararamdaman kundi ang sarap na dulot ng paggalaw ni Fern sa loob niya. Matagal na niyang pinapantasya na mangyari iyon sa pagitan nila. At ngayong realidad na iyon, susulitin niya iyon hanggang sa huling sandali.
Bahagyang humigpit ang pagkakahawak ni Fern sa mga balakang niya para iangat siya at isandal pa sa pader. Much to her dismay, he pulled back. But even before she could protest, he pounded in again, and again, deeper and faster and harder. His grunts mingled with her soft moans, their sounds were the only ones one could hear in the whole kitchen.
Palakas nang palakas ang pag-ungol ni Vanessa sa bawat pag-ulos ni Fern. Ito ba ang pinalagpas niya sa ilang buwan na pag-iwas niya sa binata sa pag-aakalang nakatali na ito sa ibang babae? Gusto sana niyang iumpog ang ulo sa pader dahil sa katangahan niya. But every time his cock slid in, she felt like exploding in blinding pleasure, successfully reminding her why it shouldn’t matter anymore. Each fevered and delicious pump of his hips only made her more eager to make him keep his promise to “make up for the lost time.” May ideya na siya sa kung paanong paraan puwedeng bumawi ang binata.
Ah, malapit na malapit nang sumabog si Vanessa. Ipinulupot niya ang mga braso sa mga balikat ni Fern. “I’m so close, Fern.”
“Nessa,” he groaned as if he was being tortured, while thrusting faster and deeper and at that moment, she knew she was done.
Isinubsob niya ang mukha sa leeg ng binata. While gasping and crying and screaming his name, she exploded in blinding pleasure. About three thrusts later, he started to shoot his release while breathing hard and nuzzling his cheek against the top of her head.
Napangiti si Vanessa. She was completely spent and satisfied after the mind-blowing sex she just had with Fern—the reserved man she least expected to be that wild. Paanong hindi niya masasabing wild ito gayong ni hindi nila nagawang maghubad pareho dahil sa matindi nilang pangangailangan sa isa’t isa?
“It’s always the quiet one, huh?”
NANG gabing iyon, “gumanti” si Vanessa kay Fern dahil pinaghintay siya nito nang ganoon katagal gayong pareho lang naman pala nilang gustong-gustong maikama ang isa’t isa. Hubo’t hubad na humiga siya sa kama habang hinahayaan ang binata na gawin ang lahat ng hindi nito nagawa dahil sa pagmamadali kanina.
Mukhang hindi naman iyon parusa para kay Fern dahil well, nag-enjoy ito sa “pagtikim” sa kanya na para bang isa siya sa mga espesyal nitong putahe na kailangang tikmang maigi. His mouth left no unmarked and unpleasured part of her skin, kissing and licking and occasionally biting, leaving hot, wet trails that would probably leave love marks in the morning. Sa mga parte naman ng katawan niya kung saan wala ang bibig nito, ay naroon ang mga kamay nito. His hands were also everywhere—they were busy cupping (her breasts), rubbing and sliding (down there) that slyly made her moan sweetly and left her asking for more. Hindi niya alam kung gaano katagal nitong ginawa iyon.
Then he pinned her hands over her head with one hand, before he slid inside her again. Let’s just say that they had a long night.
Nagising si Vanessa sa mabangong amoy ng bacon nang umagang iyon. Nagsuot siya ng oversized shirt bago lumabas ng kuwarto. Napangiti na lang siya nang makita si Fern sa kusina na abalang nagluluto ng almusal. Kasalukuyan itong nagluluto ng fried rice. Sa mesa ay nakita niyang nakahanda na ang mga naluto ng binata: egg, bacon, toasted bread. At siyempre, ang pinakamahalaga sa lahat, freshly brewed coffee.
Uhm, maybe the second most important thing.
Dahil ang totoong pinakamahalaga sa lahat, naroon pa rin si Fern nang umagang iyon. Hindi ito umalis na para bang isang malaking pagkakamali lang ang mga nangyari kagabi.
“Good morning,” masiglang bati ni Vanessa, saka umupo sa stool para magkape. Kailangan niya iyon para magising nang tuluyan ang kanyang diwa.
“`Morning,” sagot ni Fern gamit ang bedroom voice nito na natural na dito. “Sana okay lang na nakialam ako dito sa kusina mo.”
“That’s fine with me,” mabilis na sagot naman ni Vanessa.
Nadismaya siya nang makitang bihis na bihis na uli si Fern, pero natuwa rin naman siya dahil bumalik na ito sa pagiging ala “rockstar” nito. Mukhang umuwi kanina ang binata sa condo nito para maligo at magbihis, bago bumalik sa kanya para magluto.
Humarap si Fern sa kanya matapos nitong isalin ang nilutong fried rice sa malaking plato. Napakaseryoso nito nang mga sandaling iyon. “Are you my girlfriend now, Nessa?”
Muntik nang maibuga ni Vanessa ang iniinom niyang kape. Nang bigyan niya ng hindi makapaniwalang tingin si Fern, nalaman niyang nagbibiro lang ito nang makita itong ngumisi. “Grabe rin ang sense of humor mo, `no? Nakakabigla.”
Ngumiti lang si Fern, ngiting nang-aakit.
Nakagat ni Vanessa ang ibabang labi. Dahil sa ngiting iyon, naalala niya ang lahat ng ginawa ng binata sa kanya. Bigla tuloy siyang nagutom, pero wala sa mga nakahain na pagkain ang alam niyang makakapawi sa gutom na iyon. “So you know how to flirt, huh? Puro tango at iling ka lang kasi madalas kapag kinakausap ka. Kaya hindi ko `to in-expect sa `yo.”
Si Fern naman ang nagbigay sa kanya ng hindi makapaniwalang tingin. “How do you think I get laid? By nodding and shaking my head?”
Natawa si Vanessa. “Hindi ko alam sa ibang babae… pero ako, kahit madalas ay puro tango at iling ka lang, talagang momolestiyahin pa rin kita, kahit no’ng unang beses pa lang na nagkita tayo dito sa building natin.”
“Hindi naman ‘molestiya’ ang tawag do’n dahil sigurado ako na kung dinamba mo na `ko sa elevator pa lang, hindi ako magrereklamo.”
Tumaas ang kilay niya. “Naaalala mo `yong unang beses na nagkasabay tayo sa elevator?”
“Naaalala ko ang lahat ng pagkakataong nagkasabay o nagkasalubong tayo,” sagot naman ni Fern. “And yes, naaalala ko ang unang beses na nagkasabay tayo sa elevator. Kinabahan ako sa `yo no’n dahil kung makatingin ka sa `kin, parang kakainin mo `ko at uunahin mo ang parte ng katawan ko na sabihin na lang nating na-enjoy mo kagabi,” nanunuksong dagdag pa nito.
Hindi inaasahan ni Vanessa na mag-iinit ang mga pisngi niya dahil sa panunukso ng binata. Hindi tuloy siya nakasagot, dahilan para matawa naman ito. Kung gaano ka-sexy ang boses ni Fern kapag nagsasalita, mas sexy pa pala ang boses nito kapag tumatawa.
Bumuntong-hininga na lang si Vanessa habang kinakalma ang sarili. “Nakakagulat ang side mo na `to, Fern. But I’m loving it.”
“So, what do you plan to do with me now? Will you keep me or not?”
Napatingin siya kay Fern na seryoso na nang mga sandaling iyon. They both knew this game so well, there was no point in beating around the bush anymore. “Na-satisfy na ba ang fantasy mo sa `kin sa nangyari sa `tin kagabi?”
“Honestly? No. Not yet.”
Eksaheradong bumuga ng hangin si Vanessa at umarteng parang naiinis. “So, we have no choice but to do it again, huh? Get me in bed again and again until you’re satisfied.”
Ngumisi si Fern. “Is that your proposal? For us to have a casual relationship until I’ve had enough of you?”
Tumango siya. “We are obviously attracted to each other, Fern. Pero pareho rin nating alam na panandalian lang `tong nararamdaman natin para sa isa’t isa. So, habang malakas pa ang atraksiyon na `to sa pagitan natin, i-enjoy na lang natin.”
“I’m cool with it.”
“Good.” Alam na ni Vanessa ang sagot sa susunod niyang tanong, pero gusto pa rin niyang makasiguro. “`Yong naramdaman mo sa `kin no’ng college tayo, hindi naman love `yon, `no?”
Tumaas ang kilay ni Fern na parang nagtataka sa tanong niya, pero dahan-dahan din itong tumango. Pagkatapos ay pinisil nito ang pagitan ng mga mata. “It wasn’t love. But I was seriously attracted to you, kaya bumalik agad `yon no’ng nakita uli kita. Bakit?”
“Wala naman. Hindi lang kasi ako komportable kapag may lalaking nagkakaro’n ng romantic feelings for me na hindi ko naman kayang i-reciprocate,” paliwanag ni Vanessa. “Alam kong tunog-mayabang na, pero wala kasi akong tiyaga sa seryosong relasyon. Kaya kaysa sayangin nila sa `kin ang oras at pagmamahal nila, mas mabuti kung ilalaan na lang nila `yon sa ibang babae na mas kaya silang magustuhan sa paraang inaasahan nila sa `kin.”
Muli, pinisil ng binata ang pagitan ng mga mata nito. “Oh. Don’t worry, Nessa. I’m not hoping for a serious relationship with you. I’m already fine with what we have now.”
Kumunot ang noo ni Vanessa, pagkatapos ay pinisil din niya ang pagitan ng kanyang mga mata. Umarko naman ang mga kilay ni Fern kaya nagpaliwanag siya. “Kagabi mo pa `to ginagawa, Fern. Masakit ba ang ulo mo?”
Ngumiti nang pilyo ang binata. Muli, pinisil nito ang pagitan ng mga mata. “I do this when I’m horny.”
“So you mean to say…” Bumaba ang tingin ni Vanessa sa harap ng pantalon ni Fern. Kitang-kita niya ang biglaang paninikip niyon habang pilit na lumalabas ang “alaga” nito. Napabungisngis na lang siya. “Mag-almusal kaya muna tayo para dagdag energy…?”
Fern’s smile turned evil from mischievous while giving her a heated look. “Yes, I’m famished.”
Tumayo si Vanessa at tatakbo sana sa kuwarto para magpahabol dahil alam na niya ang nasa isip ng binata, pero nakakailang hakbang pa lang ay nahuli na siya nito. Niyakap siya ni Fern mula sa likuran habang tumatawa siya. Sa kanyang pagkagulat, marahan siya nitong iniharap sa kitchen island habang nasa likuran pa rin ito. Napasinghap ang dalaga nang maramdaman ang pagdaan ng mga daliri ni Fern sa balat niya, partikular na sa kanyang hita, nang dahan-dahan nitong iangat ang suot niyang T-shirt.
Si Fern naman ang narinig niyang napahigit ng hininga nang makita siguro na wala siya ni anumang suot sa ilalim ng T-shirt. “This is exactly the reason why I like bad girls.”
Walang ideya si Vanessa kung ano ang balak gawin ng binata hanggang sa lumuhod ito sa likuran niya. She knew because while kneeling behind her, he spread her legs and grabbed her butt. She bent over the kitchen island while her palms were flat on the surface. Alam naman na niya kung ano ang gagawin ni Fern, pero nabigla pa rin siya nang maramdaman na iyon mismo.
He traced his way from her clit to her cunt with his tongue. She could only whimper and moan deliciously (and deliriously needing) in response. He flattened his tongue on her moist folds, then licked and sucked her down there as if Fern was worshipping her center. Just when she thought it couldn’t get any better, he slid a finger inside.
Shamelessly, she ground back into his face, complete with desperate moans and muffled cries. And then she came, fast and powerful.
Habol ni Vanessa ang hininga matapos niyang sumabog. Akala niya ay tapos nang mag-“almusal” si Fern, pero sa pagkagulat niya, tumayo ito at ipinatong ang mga kamay sa balakang niya. Pagkatapos ay sinadyang idiin sa kanya ang matigas nitong pagkalalaki.
“I’m not quite done with you yet, Nessa,” nanunuksong sabi ng binata. “Ready for more?”
Pabirong umangil si Vanessa. “You’re evil, Fern.”