“YOU HOOKED up with the younger Fletcher?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Isabella.
“Oh, cool,” kaswal na komento naman ni Penelope. “How large is he?”
Natawa na lang si Vanessa sa mga nakakalokang reaksiyon ng mga kaibigan matapos niyang kumpirmahin sa mga ito ang nangyari sa pagitan nila ni Fern.
Sa totoo lang, wala naman siyang balak ikuwento kina Isabella at Penelope (o sa kahit sino) ang tungkol sa sex life niya. Nagkataon lang na dumalaw ang mga ito sa condo niya nang walang pasabi, kung kailan naman paalis pa lang si Fern. Kaya kahit hindi siya magkuwento, siguradong alam na ng mga kaibigan niya ang nangyari sa kanila ng binata.
Sino ba ang maniniwala kapag sinabi niyang nag-movie marathon lang sila ni Fern sa condo niya?
“Wala akong balak i-share sa inyo ang detalye ng nangyari sa `min ni Fern, `no,” nakangising sabi ni Vanessa. “Baka magkainteres pa kayo sa kanya,” biro niya.
Ni minsan ay hindi sila nagkaproblema ng mga kaibigan sa mga lalaki dahil magkakaiba ang mga tipo nila. Isa pa, alam nila ang ibig sabihin ng salitang “hands off.” Wala lang siyang nakikitang rason para ikuwento sa mga ito ang tungkol sa bago niyang karelasyon.
“Girl, hindi ko type ang mga tulad ni Fern na hindi palasalita,” natatawang sabi naman ni Isabella. “Kung meron akong magugustuhan sa Fletcher Brothers, si Flynn `yon.”
“Kung ako naman ang tatanungin, si Magnet ang pinaka-hot sa mga kaibigan ni James,” sabi naman ni Penelope, hindi inaalis ang tingin sa pinapanood nila. “Damn, he’s so hot.” Kung si Magnet o ang lalaking nasa screen ang tinutukoy nito, hindi sigurado si Vanessa.
Kahit paano, nakahinga siya nang maluwag na hindi si Fern ang tipong lalaki ng kanyang mga kaibigan.
Nang may maalala ay binigyan niya ng nagtatakang tingin sina Isabella at Penelope na parehong prenteng nakahiga sa sofa habang nanonood ng Magic Mike. Kung ilang beses na nilang napanood iyon, hindi na mabilang ni Vanessa. Tuwing magkakasama sila, parating iyon ang unang movie na naiisipan nilang panoorin.
As if Channing Tatum wasn’t enough reason to.
“What are you doing here anyway?” nagtatakang tanong ni Vanessa mayamaya. “Sunday na Sunday, nanggugulo kayo. Ni hindi man lang kayo nagpasabi na dadalaw kayo.”
Sabay siyang binigyan nina Penelope at Isabella ng kakaibang tingin.
“Kagabi pa kaya kami tawag nang tawag at text nang text sa `yo hanggang sa hindi ka na namin ma-contact,” reklamo ni Penelope. “We had no idea you were busy with Fletcher, so we invited ourselves na lang dito sa condo mo. Akala kasi namin, natutulog ka lang—nang solo—gaya ng madalas mong gawin tuwing weekends.”
“Saka hindi rin namin naisip na may balak ka palang makipag-hookup,” dagdag ni Isabella. “If I remember it correctly, ang sabi mo sa `kin pagkatapos n’yong maghiwalay ni Jack, eh, hanggang fling ka lang muna. Malay ba naming mag-uuwi ka uli ng lalaki sa condo mo.”
Natawa si Vanessa. “What can I say? I’ve missed sex so much.”
“Gaga ka talaga,” sabay at natatawang sabi naman nina Isabella at Penelope.
Nginitian lang niya ang mga kaibigan. “So, what really brings you here?”
“Nakalimutan mo na ba, Vanessa?” iiling-iling na sabi naman ni Isabella. “Paplanuhin natin ang surprise bridal shower para kay Champagne.”
Napasinghap si Vanessa at natampal ang noo. “Oo nga pala. Sorry, nawala sa isip ko.”
Matapos ang madramang pagbabalikan nina Champagne at James, nagdesisyon ang dalawa na planuhin nang mabuti ang kasal. Hindi na mamadaliin ang kasalan kaya nga inabot na ng buwan ang paghahanda. Sa madaling salita, mas bongga na iyon kaysa sa unang plano.
Ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng mga kailangan para sa kasal, nagdesisyon sina Vanessa, Isabella, at Penelope na bigyan ng surprise bridal shower si Champagne.
“So, kukuha na ba tayo ng male macho dancer this time?” nakangising tanong ni Vanessa. “Last time kasi, involved si Jamie Grande sa pag-aayos ng bridal shower ni Champagne kaya ginawa nating wholesome ang theme. Pero ngayong tayo-tayo lang naman ang nagpaplano, bakit hindi natin samahan ng kaunting spice?”
“James Grande will kill us,” sabay na sabi nina Penelope at Isabella.
Tinawanan lang niya iyon. “Takot din naman ako kay James. Pero sino ba’ng nagsabing para kay Champagne ang mga macho dancer?
Dahil sa mga sinabi ni Vanessa, kumislap ang interes sa mga mata ng mga kaibigan. Nagkatinginan ang dalawa bago magkasabay na bumaling sa kanya.
“May kilala ka bang macho dancers?” interesadong tanong ni Isabella. “Plural kasi kailangan tig-iisa tayo ng lalaki sa gabing `yon. I’m not good at sharing my guy with other girls.”
“At siguruhin mong safe at malinis ang mga kukunin mo,” dagdag naman ni Penelope.
Kumindat si Vanessa. “Ako pa ba?”
Nag-apir sina Isabella at Penelope. Pagdating talaga sa mga lalaki, silang tatlo ang pinakanagkakasundo. Sina Champagne at Eleanor kasi, parehong hopeless romantic kaya hindi interesado sa mga panandaliang relasyon.
Speaking of Eleanor…
“Ikuha ko rin kaya ng hookup si Eli para sa gabing `yon?” tanong ni Vanessa. “Alam n’yo na, kailangan na niyang mag-move on mula kay Pierre.”
“Kung ako ang tatanungin, effective sa `kin ang gano’ng way para makapag-move on,” sabi ni Penelope. “But I’m not Eli. Alam n’yo namang hopeless romantic ang kaibigan nating `yon. Siguradong hindi siya basta-basta papatol sa ibang lalaki.”
“Plus, depressed pa si Eli dahil sa paghihiwalay nila ng gagong si Pierre,” iritadong dagdag ni Isabella. Gaya nilang lahat, galit ito kay Pierre dahil sa ginawang pang-iiwan kay Eleanor para sa ibang babae. “Baka mas makakabuti kung hayaan muna natin siyang magsarili. Alam naman nating lahat na kung merong isang bagay na mahirap ipilit sa isang tao, `yon ay ang pagmu-move on.”
Tumango si Vanessa. Sa totoo lang, hindi pa siya nakakaranas ng makabasag-pusong pagkabigo sa lalaki kaya hindi niya naiintindihan masyado ang pinagdaraanan ni Eleanor. Pero may respeto siya sa damdamin ng kaibigan. Iniba na lang niya ang topic para hindi sila ma-depress nina Isabella at Penelope.
“Anyway, sino’ng gustong sumama sa `kin sa paghahanap ng hot macho dancers?”
KUNG tama ang pagkakaalala ni Vanessa, nasa college pa siya noong huling beses na may lalaking sumundo sa kanya. Bilang teenager, kinilig pa siya. Naniniwala pa siya sa mga Prince Charming nang panahong iyon. Well, siguro naman lahat ng babae ay dumaan sa ganoong stage kaya kahit nakakahiya, aaminin niyang minsan sa buhay niya, nagpakatanga rin naman siya dahil sa “pag-ibig” at umiyak dahil sa isang lalaki. Pero matagal na siyang tapos sa phase na iyon ng kanyang buhay.
Hindi niya alam kung kailan siya naging “jaded” pagdating sa pakikipagrelasyon. Siguro nagsimula iyon nang mahuli niya si Timothy na may ibang babae pagkatapos may mangyari sa kanila. Doon na-realize ni Vanessa na ang pakikipag-sex pala ay walang kinalaman sa letseng “pag-ibig” na iyan.
Sex was actually done by two horny people. They didn’t necessarily have to be in love with each other. She had a “culture shock” and she was hurt at first, but she eventually learned how to play with fire.
Ano nga ba ang madalas sabihin ng mga lalaki? Na may “needs” ang mga ito kaya mahirap “daw” ang maging faithful sa iisang babae lang? Puwes, may pangangailangan din ang mga babaeng `tulad niya. With that mindset, she started to treat men as mere toys she needed to play with whenever she had the urge to get off. No feelings involved, no complications to worry about.
Dahil sa pag-iisip na iyon, nawalan na rin ng interes si Vanessa sa seryosong pakikipagrelasyon. Sinubukan naman niyang sumugal uli kay Jack, pero wala ring nangyari dahil naramdaman niya sa sarili na hindi pa handa sa ganoong bagay.
Actually, may pakiramdam siyang hindi na magiging handa kahit kailan na magkaroon ng seryosong relasyon dahil… Well, hindi siguro siya wife material.
Kaya nga hindi maintindihan ni Vanessa ang sarili kung bakit bigla niyang nakita si Fern bilang “boyfriend material” ngayong nakatayo ang binata sa kanyang harap na suot ang dark blue polo na nakatiklop ang sleeves hanggang sa mga siko na nagpapa-sexy lalo sa forearms nito, at may dala pa itong isang bouquet ng red roses. Sinundo siya ng binata sa opisina dahil magdi-dinner sila.
Sa totoo lang, hindi alam ni Vanessa kung gusto niya bang hubaran si Fern at dilaan ang bawat parte ng katawan nito gaya ng ginawa niya noong isang gabi, o tawanan ang lalaki dahil para itong college student na nanliligaw dahil sa porma nito.
Ligaw? What are we, teenagers?
Binigyan ni Vanessa ng nagdududang tingin si Fern, pagkatapos ay itinuro ang mga bulaklak na dala nito. “You don’t have to give me flowers to get me in bed, honey.” Pinasadahan niya ng malagkit na tingin ang katawan ng binata habang dinidilaan ang ibabang labi. “Damn, Fern. I want to ride that sexy body of yours all night.”
“Hindi ako magrereklamo d’yan, Nessa,” natatawang sabi naman ni Fern. “Pero mag-dinner muna tayo. Kailangan mo ng dagdag na energy kung may balak kang masama sa katawan ko.”
Napangiti si Vanessa dahil sa sinabi ng binata. Nang mag-angat siya ng tingin, nakita niyang nagdilim ang mga mata nito na parang hindi na rin makapaghintay na maikama siya. Pero gaya nga ng sinabi nito, kailangan muna nilang mag-dinner. “You know, Fern, sasama pa rin akong mag-dinner sa `yo kahit wala kang flowers na dala. Just so you know, hindi ako komportable kung may gagawin tayong ginagawa lang ng mga couple na may romantic relationship.”
There were rules for casual relationships:
1.) You don’t fall in love with your fuck buddy.
2.) You don’t get attached with your fuck buddy.
3.) You don’t meet the family members (close friends included) of your fuck buddy.
Mahigpit na sinusunod ni Vanessa ang mga batas na iyon dahil ayaw niyang magkaroon ng malalim na ugnayan sa mga nakakarelasyon sa ganoong paraan. Hanggang maaari, gusto niyang maging kaibigan pa rin ang mga lalaking nakakasama.
Gusto niya si Fern kaya ayaw niyang magkaroon sila ng problema hanggang sa matapos ang kanilang relasyon. Gusto niyang mag-enjoy lang sa kung ano ang meron sila ng binata hanggang sa mawala iyon. Kaya ayaw niyang magkaroon sila ng ganoong mga eksena. Nakakailang kasi.
“Don’t worry, Nessa. I didn’t buy these flowers for you,” sabi naman ni Fern sa monotone na boses. “Ibinigay lang sa `kin `to ng male guest sa restaurant ko nang hindi siya siputin ng ka-date niya. Kaysa naman itapon ko, naisip kong ibigay na lang sa `yo.”
Umarko ang mga kilay ni Vanessa. Hindi niya alam kung maiinsulto sa mga sinabi ni Fern o matatawa. Pero dahil ang guwapo nito ngayon, ngumiti na lang siya at tinanggap ang mga bulaklak. “Thank you sa second-hand flowers na `to, Fern. Kinabahan ako nang konti do’n, ha. Akala ko, nagpapaka-boyfriend ka na d’yan.”
Ngumiti lang ang binata. Pagkatapos, inakay na siya papunta sa kotse. Gaya ng madalas, tahimik lang ito sa biyahe habang si Vanessa naman, bilang madaldal na tao ay panay ang kuwento tungkol sa naging araw niya. Ayaw niya kasi ng tahimik kapag may kasama siya. Dahil sa kadaldalan, hindi niya namalayan ang oras kaya nagulat pa siya nang dumating na sila sa restaurant.
Pagdating nila sa nireserbang mesa ni Fern para sa kanila, nagpaalam ito dahil gusto raw ng binata na ito mismo ang maghatid sa kanya ng mga pagkain nila.
Habang hinihintay niya si Fern, nagulat pa siya nang lapitan siya ni Ivan—ang waiter din na nag-serve sa kanya noong huling beses na nandoon siya—at bigyan ng complimentary drinks. Ipinabibigay daw ng male guest na mag-isa sa kabilang mesa.
Pasimpleng sinulyapan ni Vanessa ang guest na nagpaabot ng complimentary drinks. Tumaas ang kilay niya sa appreciation nang sumalubong sa kanya ang isang guwapo, matangkad, at maskuladong lalaki na nakatingin sa kanya habang umiinom ng alak sa baso. Mas lalo siyang na-flatter nang makilala ang binata.
Oh, God. That’s Snap Tolentino. The PBA player.
Nang ibaba ni Snap sa mesa ang hawak na baso, ngumiti ito sa kanya—iyong ngiting nang-aakit at nakikipag-flirt.
Ngingiti rin sana si Vanessa, pero natigilan siya nang dumating si Fern at kinuha ang complimentary drinks niya. Nang mag-angat siya ng tingin sa binata, blangko lang ang mukha nito. Walang sabi-sabi na iniwan siya at naglakad papunta sa mesa ni Snap.
Medyo kinabahan ang dalaga dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin ni Fern kaya nanood na lang siya. Ibinaba nito ang baso sa mesa ni Snap at yumuko para bumulong sa basketball player. Halatang nabigla si Snap pero sa huli, tumango naman ang basketbolista at binigyan siya ng nahihiyang tingin bago nag-iwas ng tingin.
Nang bumalik na si Fern sa mesa, umalis na si Snap. Hindi muna nagsalita si Vanessa hanggang sa maihain na ng ibang waiter ang lahat ng pagkain nila.
“Ano’ng sinabi mo kay Snap Tolentino?” curious na tanong niya kay Fern.
“Sinabi kong girlfriend kita at kung itutuloy niya ang pagporma sa `yo, iba-blacklist ko siya rito sa restaurant ko,” kaswal na sagot nito. Bago pa makapagreklamo si Vanessa sa ginawa ng lalaki, naunahan na siya nitong magsalita. “I am fully aware that we’re not in a romantic relationship, Nessa. Sinabi ko lang `yon para tigilan ka ni Snap. May kasunduan tayo kaya sa palagay ko naman, may karapatan akong gawin `yon. While you’re sleeping with me, I won’t allow another guy to touch you. Plus, I don’t like sharing my girl with other men. I’m selfish that way.”
Tumaas ang kilay ni Vanessa. “Is that a ground rule for us?”
Tumango si Fern, kalmado at blangko pa rin ang mukha kaya wala siyang ideya kung ano talaga ang nasa isip nito. “I want you to have me as your exclusive bed mate and I want to be the only man whom you sleep with while we’re still together.”
Nakagat ni Vanessa ang ibabang labi. Hindi niya gusto ang mga lalaking kinokontrol siya, pero may kung ano sa pirming boses ni Fern na nakapagpa-excite sa kanya. She felt like she wanted to be dominated by this piece of hot meat while they played this dangerous game. “Wala namang problema sa `kin `yan. Believe it or not, I don’t sleep with other men when I’m already seeing someone else.”
Ngumiti si Fern na nagpaaliwalas sa guwapo nitong mukha. “Naniniwala naman ako sa `yo, Nessa. I know you’re a decent woman. I just really get possessive of my properties most of the time. And of course, I want you to remember where you belong right now—in my bed.”
Biglang pinagdikit ni Vanessa ang kanyang mga hita sa ilalim ng mesa nang makaramdam ng matinding pag-iinit sa pagitan ng mga iyon dahil sa mga sinabi ng lalaki. God, she didn’t know that his bold declaration of her being his possession could make her hot and wet.
Alam niyang hindi insulto ang pagtawag ni Fern sa kanya bilang “pag-aari” nito kaya wala siyang nararamdamang negatibo. Sa mainit na tingin pa lang na ibinibigay ng binata sa kanya, alam niyang sinasadya nito ang mga term na ginagamit hindi para insultuhin siya.
He was talking dirty to her and she was loving it.
“What do you say if bilisan natin ang pagkain at bumalik agad tayo sa condo mo?” nakangiti at nang-aakit na tanong ni Vanessa.
Ngumiti lang si Fern, pagkatapos ay mabilis nang nagsimulang kumain.
Ah, madali naman pala siyang kausap.