Something Hot, Something Messy, Something Scandalous Triliogy Chapter 6

HINDI mahilig si Vanessa sa mga sorpresang lakad dahil gusto niyang planado ang lahat bago siya umalis. Mas lalong hindi niya gustong humihiwalay sa kanyang kama kapag Sabado ng umaga. Kung siya ang tatanungin, mas gusto niyang ubusin ang weekend kasama si Fern habang tinitikman uli ang bawat parte ng katawan nito na kailangan ng atensiyon niya. Mas okay rin kung “papapakin” siya ng binata na para bang siya ang paborito nitong putahe.

Pero sinira ng tawag ni Penelope ang plano niya para sa araw na iyon. May charity work daw ang barkada nina James at kailangan nilang sumama para makasabwat nila sina Emerald at Emily para sa surprise bridal shower na ibibigay nila kay Champagne. Mahirap daw kasing magplano kung sa text o chat lang kakausapin ang kambal.

Oo, kasama rin si Penelope na inimbita naman ni Magnet. Mukhang naghahanap lang ng karamay ang babaeng iyon kaya pati siya, isinama-sama sa charity work.

Dahil mahal ni Vanessa ang kaibigang si Champagne, isinakripisyo niya ang mahabang tulog (at mind-blowing sex) na makukuha sana kung hindi siya aalis ng condo para lang sa “best bridal shower” ever na pinaplano nila. Plus, hindi naman ganoon kasama na makasama si Fern sa ibang paraan, hindi lang sa kanya-kanya nilang condo. Saka gusto rin naman niyang tumulong sa iba.

Iyon ang dahilan kung bakit nasa passenger seat siya ng kotse ni Fern ngayon at kumakain ng burger habang binibigyan ng masamang tingin ng binata.

“I think I’m offended,” mayamaya ay sabi nito matapos nilang makaalis sa drive-thru ng fast-food chain kung saan siya um-order ng breakfast. “I’m a chef and yet, you’re eating something unhealthy while you’re with me. Sana sinabi mo sa `kin bago tayo umalis na hindi ka pa nag-aagahan para naman naipagluto kita ng masustansiyang pagkain. O kaya, sana kumuha ka na lang ng pagkain sa likod. Sobra naman `yong mga niluto ko para sa mga bata.”

Papunta ngayon sina Vanessa at Fern sa orphanage para magdala ng pagkain at mga regalong laruan sa mga bata. Bilang chef, ang lalaki ang nagprisintang magluto ng dadalhing mga pagkain kaysa naman um-order pa ang barkada nito sa fast-food chain. Napaka-health conscious pa naman ng resident chef nila na ito.

Sa totoo lang, hindi siya inimbitahan ni Fern na sumama sa charity work na gagawin ng barkada nito. Hindi naman sumama ang loob niya dahil wala silang romantic relationship kaya hindi niya kailangang malaman kung ano ang ginagawa ng lalaki kapag wala sila sa kama, at hindi rin siya kailangang isama sa mga lakad kasama ang barkada nito.

Pero dahil kailangan niyang makausap sina Emerald at Emily, kinatok niya si Fern sa condo nito kaninang umaga. Mabuti na lang at hindi nagtanong ang binata nang sabihin niyang narinig niya mula kay Penelope na may charity work ito kasama ang mga barkada at gusto niyang sumama.

“Hindi naman ako nagugutom kanina, eh,” katwiran ni Vanessa habang nilalagyan ng ketchup ang kanyang burger. “Bigla lang akong nag-crave nang madaanan natin `yong paborito kong fast-food chain.”

Pumalatak si Fern habang iiling-iling. “That’s unhealthy, Nessa. Madalas kitang nakikitang may bitbit na take-out mula sa fast-food chain na `yan. Bukod sa masama `yan sa kalusugan mo, nakakataba rin `yan. Wala namang problema sa `kin kung madadagdagan ang timbang mo. Kaso, kung makukuha mo `yon dahil sa mga unhealthy food na kinakain mo, hindi `yon okay sa `kin.”

Ipinaikot niya ang mga mata. “God, Fern. You sound like my mom! Ganyang-ganyan din ang sinasabi niya sa `kin tuwing nahuhuli niya `kong kumakain sa fast-food chains.”

“Magkakasundo pala kami ng mommy mo `pag nagkataon.”

“Hindi naman kayo magkakakilala kahit kailan,” kontra naman ni Vanessa. “Saka huwag kang mag-alala. I’ll burn the calories later.”

Tumaas ang sulok ng mga labi ni Fern sa paraan na nagsasabing may “masama” na naman itong balak sa kanya. “Oh… I can help you with that.”

Vanessa gave him her own evil smile. “`Buti na lang nag-volunteer ka na. The activity I’m thinking of requires another person, after all.” Ipinatong niya ang kamay sa hita ng binata at marahan iyong pinisil. Nang magsalita siya, pina-sexy niya ang boses. She sounded like a purring cat. “I guess I really, really need your help, Fern Fletcher.”

Tumawa si Fern. A deep, rich, and very manly laugh. “Now you’re turning me on.” Bumitiw ang isang kamay ng binata sa steering wheel para marahang alisin ang kamay niya sa hita nito. Pero iniangat nito iyon malapit sa bibig nito at hinalikan na para bang humihingi ng apology sa kanya. “Huwag muna ngayon, Nessa. I can’t concentrate on anything when I’m too horny.”

Tinawanan lang iyon ni Vanessa. Binibiro lang naman niya si Fern. Alam niya kung saan ilulugar ang kanyang pagnanasa. Obviously, hindi iyon tamang gawin sa isang charity work para sa mga bata. “I’ll behave. Promise.”

“Good. I’ll give you a reward later.”

Ngumiti lang siya at inubos na ang kanyang burger bago pa maisipan ng binata na agawin iyon mula sa kanya at itapon. Kanina pa masama ang tingin ng chef na ito sa “unhealthy food” niya.

Pagkatapos ng tatlumpung minuto, dumating na rin sila sa orphanage. Sinalubong agad sila ng mga barkada ni Fern na naunang dumating. Kung may nagtaka man kung bakit magkasama sila ng binata, wala namang naglakas-loob magtanong.

Tumulong sina Flynn (na nakakatandang kapatid ni Fern), Magnet (ang madalas ka-date ni Penelope) at Note (na naaalala niya dahil sa ilang dinner na nagsama-sama silang mga kaibigan ni Champagne at ang barkada ni James) na buhatin ang mga dala ni Fern na pagkain at dalhin sa nakahandang mahabang mesa sa hardin ng orphanage kung nasaan ang mga bata.

Nang makita naman ni Vanessa si Penelope kasama sina Emily at Emerald na inaayos ang mga laruang ipapamigay sa mga bata, lumapit siya sa mga ito at tumulong na rin. Tahimik lang ang kambal pero sanay na sila sa mga ito dahil sa mga pagkakataong nakasama nila ang dalawa, bihira lang talagang magsalita ang mga ito.

“Hey, twins,” masiglang pagsisimula ni Penelope para kunin ang atensiyon nina Emily at Emerald na mabilis namang tumingin sa kanyang kaibigan. “I’m just wondering kung may gagawin kayo sa last weekend ng buwan? At kung may spare time kayo to help us with something?”

Tumaas ang kilay ni Emerald. “For what?”

Tumingin muna si Penelope sa paligid. Nang masigurong malayo ang mga lalaki, saka ito sumagot, pero mahina pa rin ang boses. “Champagne’s surprise bridal shower.”

“Ohh,” sabay na sabi nina Emily at Emerald. Mukha namang interesado talaga ang mga ito. Hindi naman nakakapagtaka iyon dahil gustong-gusto ng kambal si Champagne.

“I just have to warn you, though,” sabi ni Vanessa. “This bridal shower is not as wholesome as the first plan. We’re inviting male strippers this time.”

Si Emily naman ang nagtaas ng kilay na sinamahan pa nito ng simangot. “I don’t think our James would like that. I’m sorry, pero kung ganito ang plano, hindi kami sasama. Just so you know, hindi nagpa-stag party si James dahil ayaw niyang pag-alalahanin si Champagne.”

“Don’t worry, hindi `to gaya ng iniisip n’yo,” natatawang sagot naman ni Vanessa. “Hindi lalapitan ng mga stripper si Champagne, promise. Plus, wala namang gagawin ang mga lalaking ito kundi ang magsayaw para sa mga guests na single ladies. Like us.”

Nagkatinginan sina Emily at Emerald, pagkatapos ay binigyan sila ni Penelope ng nagtataka (at bahagyang iritado) na tingin.

“You’re dating Magnet,” sumbat ni Emily kay Penelope.

Tumalim naman ang tingin ni Emerald kay Vanessa. “And you’re seeing Fern now. Nakita ko kayong nagde-date sa restaurant niya no’ng isang gabi.”

Tumikhim si Penelope na parang napahiya. “Magnet and I are not dating… officially.”

Nag-init din ang mga pisngi ni Vanessa pero dinaan niya sa ngiti ang pagkapahiyang naramdaman. “Hindi rin gano’n ang arrangement namin ni Fern.”

“I guess there’s a reason why we like Champagne and Eleanor more than you two,” iiling-iling na sabi ni Emerald.

“You’re ruining our friends,” dismayadong dagdag naman ni Emily.

Nairita si Vanessa dahil sa pang-iinsulto nina Emily at Emerald sa kanila ni Penelope. Kuha naman niya kung ano ang pinupunto ng kambal na ito. “Yes, you’re probably right. Hindi nga siguro kami `sing-hopeless romantic nina Champagne at Eli. But may I remind you na wala kayong pakialam sa kung anuman ang namamagitan sa `min ng mga kaibigan n’yo. I think Magnet and Fern are old enough to make their own decisions. Parte kami ng decisions nila na `yon.”

“A very bad decision, as we can see,” malamig na sabi ni Emerald.

Humugot ng malalim na hininga si Vanessa at binigyan ng masamang tingin si Emerald. “Ano ba’ng problema n’yo sa `min?”

Hinawakan siya ni Penelope sa braso. “Hey, Nes. Hayaan mo na lang.”

“No,” kontra niya. “Sumosobra na sila, eh.”

“We’re just being protective of our friends because we know how they truly feel—”

“Stop, Emerald,” pigil ni Emily sa kakambal nito. “They’re right. Wala tayong karapatang makialam sa buhay nina Fern at Magnet.”

“Fine,” sagot naman ng kambal nito at humugot ng malalim na hininga na parang kinakalma ang sarili. “Just email us kung saan gaganapin ang bridal shower. We’ll be there for Champagne.”

Iminuwestra ni Emily ang mga laruan sa malaking kahon. “Kayo na muna ang bahala sa mga `yan. Tatawagin lang namin ang mga bata.”

Pagkatapos niyon, iniwan na sila ng kambal na pumasok sa loob ng orphanage.

Napabuntong-hininga naman si Penelope habang iiling-iling. “Ito ang reason kung bakit ayokong harapin ang kambal na `yon nang mag-isa. Mas okay siguro kung si Eleanor na lang ang pinakiusapan kong ayain sina Emily at Emerald sa bridal shower ni Champagne.”

“Ang problema naman, hindi masyadong naglalalabas si Eli simula nang maghiwalay sila ni Pierre,” sagot naman ni Vanessa. “Saka ano ba ang problema ng kambal na `yon sa `tin? Alam naman nina Magnet at Fern ang pinasok nila nang tayo ang pinili nilang makasama. Hindi nga sila kumontra sa rules natin, kaya ano ang ikinakagalit ng Emily at Emerald na `yon?”

Tinawanan lang iyon ng kaibigan. “Isipin mo na lang na sila ang Eleanor ng barkada nina James. Hopeless romantic din kasi ang kambal na `yon kaya hindi sila naniniwala sa mga casual relationship. Nagre-react sila kung paano nag-react ang Eli natin nang pumayag agad si Champagne magpakasal kay James kahit sandali pa lang nagde-date `yong dalawa. Masasanay ka rin sa kanila, promise.”

May sasabihin pa sana si Vanessa, pero itinikom niya ang bibig nang makita si Magnet na palapit sa kanila. Tumango lang ang binata sa kanya bago nito ipinulupot ang braso sa baywang ni Penelope at hinalikan ang kaibigan sa sentido.

“Hey, you looked upset while talking to the twins earlier,” nag-aalalang sabi ni Magnet. “Inaway ka na naman ba ng dalawang `yon?”

“Oh, nothing. They’re just bitching about the usual stuff,” nakangiting sagot naman ni Penelope na mukhang ilang beses nang nasalubong ang “topak” nina Emily at Emerald.

Bumuga ng hangin ang lalaki habang iiling-iling. “Sorry, babe,” malambing na sabi nito, saka niyakap si Penelope. “Huwag mo na lang pansinin ang kambal…”

Nag-iwas ng tingin si Vanessa para bigyan ng privacy sina Magnet at Penelope. Nang makita niya si Fern na kasalukuyang inaayos sa mesa ang mga pagkain na naka-styrofoam, nagpaalam siya sa dalawa para lapitan ang binata at tulungan ito sa ginagawa.

Pero unti-unti rin siyang natigilan nang may isang batang lalaki ang patakbong lumapit kay Fern. Ngumiti naman ang binata at binuhat ang paslit habang pinapakinggan ang kuwento nito. May kung anong mainit na bagay siyang naramdaman sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan si Fern nang mga sandaling iyon.

He looked so gentle while listening intently to whatever the child was telling him. She noticed that his face softened and that he was smiling warmly at the boy. The look on his face told her that he was used to dealing with children and he actually enjoyed it.

He looks like a family man…

Nang ibaba ni Fern ang batang lalaki na karga, “sinugod” naman agad ito ng tatlong batang babae na nag-uunahan magpakarga rito. Inilagay ng binata ang isa sa mga balikat nito at hinayaan naman ang dalawang paslit na maglambitin sa magkabilang braso kahit na hawak nito ang mga paa ng batang nakapasan dito.

That only went to show her that his hard body wasn’t just for display. He was strong and he was very fit. His flexing muscles were enough to make her drool.

Pero mayamaya lang, may ideyang pumasok sa isip ni Vanessa na nagpabuhol sa kung ano sa sikmura niya.

Naisip kasi niya na si Fern ang tipo ng lalaki na hindi takot sa ideya ng pagpapakasal at pagbuo ng sariling pamilya. Mukha ngang handa na itong maging ama base sa mabuting pagtrato nito sa mga bata sa orphanage. Wala namang masama roon. Napaisip lang siya kung bakit pumayag ang binata sa casual relationship na inalok niya gayong mas bagay dito ang magkaroon ng totoong girlfriend na `sing bait at `sing disente nito.

Malakas ang pakiramdam ni Vanessa na malapit nang magseryoso si Fern sa isang relasyon. Siguro, hinihintay na lang ng binata na “magsawa” ito sa kanya. Pagkatapos, magpapaalam na ito sa pagiging bachelor at maghahanap na ng babaeng seseryosohin. Hindi naman mahirap iyon dahil bukod sa guwapo, mayaman din ito, edukado, at mas matino kaysa sa ibang lalaki.

Alam ni Vanessa na ganoon ang kahahantungan ng kung ano ang meron sila ni Fern kaya ngayon pa lang, susulitin na niya ang natitirang oras na magkasama sila.

HINDI alam ni Vanessa kung saan nagmula ang “pagmamadali” na naramdaman niya, kung iyon nga ang tawag sa kagustuhan niyang huwag mag-aksaya ng kahit isang segundo tuwing nasosolo niya si Fern.

Ang ibig sabihin, ngayong silang dalawa lang ang nasa condo nito (kauuwi lang nila mula sa pagtulong sa orphanage at nagdesisyon silang sa lugar nito tumuloy), mabilis niyang hinubaran ang lalaki at itinulak sa kama. Nang mapahiga ito, tinikman niya ang mga parte ng katawan nito na paborito niya sa lahat—ang tainga nito, ang leeg, collarbone, dibdib, at ang matitigas na abs.

She intentionally ignored his cock that was starting to grow bigger and harder, obviously begging for her attention. She didn’t want to spoil the moment yet so she made him wait.

Pagkatapos, siya na ang mabilis na naghubad sa sarili. Kitang-kita niya ang paglunok ni Fern ngayong nakatayo siya sa harap nito na tanging ang lacey bra at panties na lang niya ang suot. Dahil nagustuhan niya ang reaksiyon ng binata, naisip niyang bigyan ito ng kaunting panunukso.

Tinanggal ni Vanessa ang pagkaka-hook ng kanyang bra, pagkatapos ay sinadyang malaglag ang isang strap mula sa kanyang balikat. Pagkatapos ay ang isa naman. Pero nanatili siyang nakahawak sa kapirasong tela na nakatakip sa dibdib niya habang nakangiti na nang-aakit.

Umungol si Fern. His erection told her that he was loving her little strip tease.

Lumapad ang pagkakangiti ni Vanessa. Hinayaan na niyang malaglag nang tuluyan ang bra. Ngayon ay lantaran nang naka-expose ang malulusog niyang dibdib para pagpiyestahan ng mga mata ni Fern na punong-puno na ng pagnanasa nang mga sandaling iyon.

“You’re beautiful, Nessa,” halos pabulong na sabi ni Fern sa paos at parang nahihirapan na boses. Bumangon ito at tinangkang hawakan ang kanyang mga dibdib, pero humakbang siya palayo rito.

“Not yet, big guy,” natatawang saway niya sa binata habang iwinawagayway pa ang isang daliri na para bang bata ang sinasaway. “Sabi mo tutulungan mo `kong i-burn ang calories na nakuha ko sa pagkain ng burger kanina.”

Tumaas ang sulok ng mga labi ni Fern at mas nagdilim ang mga mata. “Ah, so you want to do all the work?”

Tumango si Vanessa. “I want to get really sweaty to burn those calories.” Ipinatong niya ang isang kamay sa matigas na dibdib ng lalaki at marahan itong itinulak pasandal sa mga unan at headboard ng kama. “All you have to do is relax and enjoy.”

Natawa nang mahina si Fern. Pagkatapos ay kinuha nito ang pakete ng condom sa night table. Just like the first time, it was so, so hot to watch him as he took his obviously hard cock in his hands and rolled the latex over it. Pagkatapos ay sumandal ang binata sa headboard at naging seryoso na parang may malalim na iniisip.

Kumunot naman ang noo ni Vanessa. “Okay ka lang, Fern?”

“Yeah. I’m just trying so damn hard not to come yet. Because, fuck, Nessa, your little striptease was pushing me to the edge already.”

Natawa at lalong nag-init si Vanessa sa pag-amin ni Fern. It made her feel good knowing that she had so much power over him when they were in bed.

Nakikita niya kay Fern na mukhang hindi na nga ito tatagal kaya hindi na niya ito pinahirapan pa. Nang hubarin niya ang kanyang lacey panties at makitang basang-basa na pala iyon, na-realize niya na hindi lang ang binata ang hindi na makapaghintay.

She held on to his shoulders and straddled his hips. Without breaking eye contact, she sank down and took him all the way inside.

Napasinghap si Vanessa nang maramdaman ang pagpuno ni Fern sa loob niya. Bumaon din ang mga kuko niya sa mga balikat nito nang makaramdam siya ng sakit dahil sa kalakihan nito. She felt like she would break into two while accommodating his massiveness inside her, but it was the kind of pain she enjoyed. It almost made her come.

“So deep…”

Ngumiti lang si Fern at hinalikan siya sa mga labi. Habang nasa loob siya nito at hindi pa gumagalaw, ito naman ang “umatake” sa loob ng bibig niya gamit ang mainit at basang dila nito na nagpaalala sa kanya na hindi siya dapat tumunganga lang doon.

After breaking the kiss, Vanessa started to move slowly. She thrust her hips, tentatively at first. As she took him deeper, she finally found her rhythm which made her breathe heavier and moan loudly.

Just when she thought it couldn’t get any better, his hands went around her hips and he thrust his pelvis up, trying to match her downward slides. And, oh, God, it felt so, so good. When she rode him, she was confident that she could make him come first this time.

Pero ngayon, mukhang siya uli ang mauuna sa kanila. Hindi na niya kayang pigilan ang kanyang pagsabog. Sa kanyang bawat pag-angat at pagbaba, mas lalong lumalalim ang pag-ulos ni Fern sa loob niya. For each pump of his hips, he hit all the right spots that made her feel like he was everywhere inside her. He filled her completely and she knew she would combust from the sheer pleasure of it.

“This is unfair,” paungol na reklamo ni Vanessa. “I wanted you to come first. But at this rate— Oh, shit, Fern! Ang sarap nito!”

Tumawa lang nang mahina ang binata. Then he thrust faster. “It’s okay, Nessa. It’s not like it’s a competition anyway. Plus, I want you to come first. I love the way you look when you do.”

Vanessa wasn’t a screamer but Fern always managed to make her moan loud, just like now. Minsan nga, naiisip niyang daig pa niya ang mga porn actress sa sobrang lakas ng pag-ungol niya. Pero hindi naman niya masisi ang sarili dahil tuwing nasa loob niya ang binata, pakiramdam niya ay parati siyang sasabog dahil sa tindi ng ipinaparamdam nito sa kanya na… sarap.

Sa lahat ng nakasama niya sa kama, si Fern lang ang nag-iisang lalaki na nakakapagparamdam sa kanya na parang lumulutang siya sa ere tuwing nag-iisa ang mga katawan nila. Tuwing “bumababa” naman siya sa lupa pagkatapos niyang sumabog, hindi pa rin nawawala o nababawasan man lang ang pagnanais niya na paulit-ulit maramdaman ang binata sa loob niya. Gustung-gusto niya ang bigat ng katawan nito kapag nakakubabaw sa kanya. Ang mabilis at malalim na pag-ulos nito na kahit masakit minsan dahil sa tindi ng nararamdaman nilang pangangailangan sa isa’t isa, mas matimbang naman ang kasamang sarap. Naiibsan iyon ng maiinit na halik nito, ng mga mararahang paghaplos, at ang matatamis na salitang ibinubulong nito sa kanyang tainga.

Fern was rough, but also gentle. He made sure that he didn’t hurt her in any way all the time. Because of this she never felt like just a “fuck buddy” to him because he always made her feel like she was his lover. That he wasn’t just using her to scratch an itch. That there was something deeper going on between them.

Pero hindi naman ganoon kainosente si Vanessa para isipin na may mas malalim pang pagtingin si Fern sa kanya dahil ito mismo ang nagsabi na gusto lang siya nito sa ganoong paraan. Na gusto lang siya nitong makuha hanggang sa mawala na ang atraksiyon sa pagitan nila. Alam niyang darating din ang panahon na magsasawa sila sa isa’t isa at mawawalan ng koneksiyon, kaya hindi siya baliw para magbigay ng mas malalim na kahulugan sa relasyon nila ngayon.

Huwag mo munang isipin `yan, Vanessa, saway niya sa sarili. Mas mahalaga ang ngayon.

And she needed and wanted to come right now.

Her head tipped back as she allowed herself to explode once again. As she did so, he took one nipple in his mouth while gently twirling the other one with his fingers. He worshipped both her breasts thoroughly until she was completely spent. Another few thrusts and it was his turn to come.

The extra calories in her body were definitely burned.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.