“NAGKARO’N ka na ba ng serious relationship dati, Fern?”
“I don’t like talking about my past relationships, Nessa.”
“Matitiis mo `ko?”
“Uhm… I’m not sure.”
Napangiti si Vanessa. Kahit hindi niya nakikita ang mukha ni Fern dahil yakap siya ng binata mula sa likuran habang nakapulupot ang braso nito sa kanyang baywang, sigurado siyang nakakunot ang noo nito habang nakikipag-debate sa sarili kung magkukuwento ba o hindi. “Come on, Fern. Harmless naman ang tanong ko, ha?”
“Well, hindi ko lang inasahan na pag-uusapan natin ang mga ex natin.”
“Fern, hindi mo naman ako girlfriend,” paalala ni Vanessa. “Hindi ako masasaktan o magseselos kung banggitin mo man ang mga ex mo. Curious lang naman ako kung bakit ang lalaking `tulad mo, walang seryosong relasyon ngayon.” Isa pa, mag-a-alas dos na ng madaling-araw pero hindi pa siya inaantok kaya naisip niyang magkuwentuhan muna sila.
“‘Lalaking `tulad ko?’ Why, Nessa? What kind of guy am I to you?” curious na tanong ni Fern.
Pumikit si Vanessa at inalala ang hitsura nito noong nasa orphanage sila at nakikipaglaro ito sa mga bata. Bukod pa doon, noong oras na para kumain ay nasaksihan din niya kung paano asikasuhin ng binata ang mga paslit. Nagturo ito sa paghuhugas ng kamay bago kumain, sa tamang paggamit ng kutsara’t tinidor, at pati nga ang pagpupunas sa bibig ng mga bata, ginawa nito.
Halos hindi nga siya napansin ni Fern kanina dahil sobrang busy ito sa mga bata. Nakaramdam nga ng pagkapahiya si Vanessa sa sarili dahil kababae niyang tao, wala pa yata siyang “maternal instinct.” Wala pa siyang mga pamangkin sa kanyang mga pinsan, kaya wala siyang ideya kung paano mag-alaga ng mga bata. Saka hindi pa pumasok sa kanyang isip na gusto na niyang magkaanak.
“I think you’re the kind of guy whom girls would bring home to introduce to their parents,” sagot ni Vanessa sa tanong ni Fern nang magmulat siya ng mga mata. “Nakita ko kung pa’no mo i-handle ang mga bata kanina. Nagkaro’n ako ng impression sa `yo na ikaw `yong tipo ng lalaki na marunong magseryoso sa babae. Ikaw `yong tipo na luluhod kapag nag-propose. Ikaw `yong tipo na puwedeng maging candidate sa pagiging best husband at best father ever. Kaya nakakapagtaka na kontento ka na sa mga ganitong klase ng relasyon lang.”
“I was that kind of guy.”
“What happened?”
Matagal bago muling sumagot si Fern. “I probably loved the wrong woman. She ruined me.”
Wala namang nahimigang sakit si Vanessa sa boses ng binata, pero sobrang kaswal at lamig ng pagkakasabi nito sa mga salitang iyon. Halatang may natitira pang hinanakit. “Siya lang ang babaeng sineryoso mo?”
“Oo, siya lang.”
“Ano’ng naging problema?”
“Ayaw niya ng seryosong relasyon.”
Napangiwi si Vanessa. Kahit hindi niya kilala ang babaeng tinutukoy ni Fern, naiintindihan niya ito dahil siya mismo, ayaw din ng seryosong relasyon. “Baka naman may dahilan kung bakit ayaw niyang nagseseryoso. Maybe a heartbreak changed her perspective in life. Tinanong mo ba siya kung bakit naging gano’n siya?”
“`Never had the chance.”
“`Yon ba ang dahilan kung bakit ayaw mo nang magseryoso?”
“Probably. I gave up on her, but I had my needs. I didn’t want to risk getting hurt again so I ended up hooking up with girls who didn’t like commitments.”
She scoffed at that. “Girls who didn’t like commitments? How did you end up with Sabrina then? Mukhang siya `yong tipo ng babae na mabilis ma-fall.”
“I didn’t know that before, okay?” defensive na sagot naman ni Fern. “No’ng una, maayos naman ang arrangement namin. Naiintindihan niya na wala kaming commitment at hindi lang siya ang babaeng kinakatagpo ko. But one day, she just started to act like my girlfriend.”
“Which scared you.”
“Yes. Plus the fact that you kept on checking me out quite obviously. I can’t forget the look on your face when you approved of how I looked, which made me think of you even if I were in the middle of having sex with her.”
Pabirong siniko ni Vanessa sa sikmura si Fern. “So, sinisisi mo ba `ko sa nangyari sa inyo?”
“Hindi,” kaila ng binata. “May balak naman talaga akong tapusin na ang namamagitan sa `min dahil hindi ko na kayang pagbigyan ang mga demand niya sa `kin. Pero pinagsisisihan ko na natapos kami sa gano’ng paraan. Ayokong nasasaktan ang mga babaeng nakakasama ko, pero hindi ko naman sinasadya ang nangyari. Inaamin ko na naging gago ako para magbanggit ng ibang pangalan ng babae habang siya ang kasama ko. I already apologized to her repeatedly. I hope she would sincerely forgive me someday.”
“Now you’re making me feel guilty, too.”
“Not my intention,” guilty na sabi ni Fern, pagkatapos ay marahang hinimas ang kanyang flat na tiyan na parang inaalo siya. “Let’s just forget about her, okay? Ipagdasal na lang natin na mahanap na niya ang lalaking para sa kanya talaga.”
Pumalatak si Vanessa. “Siguro hindi ka babagsak sa mga ganitong klase ng non-relationships kung hindi mo pinakawalan `yong babaeng sineryoso mo. Sana tinanong mo siya noon kung bakit ayaw niyang magseryoso. Baka sakaling nalaman mo kung ano ang dapat gawin para mag-stay siya kasama mo.”
“Then tell me what made you so jaded, Nessa.”
Nabigla siya. “Bakit ako ang tinatanong mo?”
“I’m just… trying to change the subject?”
Napalunok si Vanessa. Sa ilang segundong iyon, akala niya ay siya ang babaeng tinutukoy ni Fern dahil sa tanong nito. Pero bakit nga naman niya naisip na siya iyon, eh, hindi naman naging sila ng binata? At bakit parang nadismaya yata siya na iniiba lang pala nito ang usapan? Imbes na isipin iyon, sinakyan na lang niya ang pagbabago ng takbo ng pinag-uusapan nila.
“So, turn ko nang magkuwento tungkol sa past ko?”
Isinubsob ni Fern ang mukha sa kanyang leeg, pagkatapos ay marahan nitong kinagat ang kanyang balikat. “Yes, if you don’t mind.”
“Siguro iniisip mo na nagkaro’n ako ng super major heartbreak mula sa lalaking minahal ko nang sobra-sobra, `no?”
“Oo, `yon nga ang iniisip ko.”
Natawa nang mahina si Vanessa. Inaasahan na niya iyon dahil hindi naman si Fern ang unang taong nag-isip na may masakit na nakaraan siya para maging ganoon siya ka-pessimistic sa pakikipagrelasyon. “Siguro no’ng teenager ako, inisip ko na ikakamatay ko no’ng nahuli ko si Timothy na may ibang babae.”
“What?” tila iritadong tanong ni Fern. “That asshole cheated on you?”
Hinawakan ni Vanessa ang kamay ng binata na nakapatong sa tiyan niya para kalmahin ito. Kung bakit nag-aalala siya sa feelings ng lalaki, hindi rin niya alam. “Nasaktan ako noon, pero tinatawanan ko na lang `yon ngayon. Pero aaminin ko, nakaapekto `yon sa pagbabago ko ng pananaw pagdating sa pakikipagrelasyon. Maaga akong namulat na hindi lang sa `kin nangyayari `yon. Hindi lang ako ang nag-iisang babae na niloko ng lalaki. Most men are chauvinistic pigs that believe they were born polygamous and it’s hardwired in their DNAs so it’s okay for them to cheat.”
“Ouch.”
“Hindi ko naman nilalahat kayong mga lalaki, Fern. Pero maniwala ka sa `kin, nakakilala na `ko ng mga lalaking naniniwala na hindi nila kasalanan kung bakit hindi nila kayang maging faithful sa isang babae lang. Nakakalungkot, oo.” Bumuntong-hininga si Vanessa. “But you know what’s sadder? I actually believe those chauvinistic pigs. Minsan na `kong naloko, kaya paano ako makakasiguro na hindi na `yon mangyayari uli?
“Nitong nakaraan lang, `yong friend ko na may long-time boyfriend, niloko rin siya at ipinagpalit sa ibang babae. Nakita ko kung gaano siya kamiserable ngayon, at ayokong mangyari uli sa akin `yon. Kung magpapaloko pa `ko sa edad kong `to, para namang ang tanga-tanga ko na. Kontento naman ako sa buhay ko ngayon, at sa mga nakukuha ko sa ganitong klase ng relasyon. At ang pinakamahalaga sa lahat, sigurado akong hindi ako masasaktan kung sarili ko lang ang mamahalin ko.”
Bahagyang humigpit ang pagkakayakap ni Fern sa kanya. “Hindi ka ba umaasa na makakakilala ka ng lalaking papatunayan sa `yo na mali ang iniisip mo? Na hindi ka dapat matakot sa isang bagay na binabase mo lang sa dati mong karanasan at sitwasyon ng mga tao sa paligid mo? Ayaw mo bang makita ang taong gagawin ang lahat para lang magtagal kayo?”
“I’ve seen enough people who suffered and got themselves broken for loving someone more than they loved themselves,” malungkot na sagot ni Vanessa. “When it comes to love, it’s always better to be a coward and safe than to be brave and fool enough to risk your heart only to have it shattered into pieces in the end. But don’t get me wrong. Hindi ko naman sinasabing walang forever, o na hindi totoo ang true love. Naniniwala lang ako na hindi ako kasali sa masusuwerteng tao na destined magkaro’n ng lifetime partner. Matagal ko nang tanggap `yon.”
Hindi nagkomento si Fern. Sa halip, naramdaman niya ang tungki ng ilong nito na pinararaan sa pagitan ng kanyang leeg at balikat. Mayamaya lang, ang mga labi naman nito ang dumaan sa balat niya na para bang paunti-unti siya nitong tinitikman uli.
Napabuntong-hininga si Vanessa sa sarap na ipinaparamdam ni Fern sa kanya. Tuwing magkadikit talaga ang mga balat nila, wala na siyang mahihiling pa. “Ikaw, Fern? Handa ka bang sumugal uli sa ‘true love’ na `yan?”
Huminto ang mga labi ng lalaki sa balikat niya. Muli, marahan siya nitong kinagat bago sumagot. “I’m both a fighter and a gambler, hon. At salamat sa usapan nating `to, na-realize ko na hindi ko pa pala siya kayang isuko.”
Napakurap-kurap si Vanessa sa gulat. Hindi niya inaasahan na magiging gano’n ang usapan nila ni Fern. “Babalikan mo uli `yong babaeng sineryoso mo noon?”
“Oo, babalikan ko siya,” mabilis at determinadong sagot nito. “Naisip ko na baka kagaya mo lang siya na takot lang uli sumugal sa isang seryosong relasyon. Sinukuan ko agad siya noon dahil bata pa `ko at hindi ko alam kung ano ang pinakawalan ko. Pero ngayon, alam ko na kung ano ang papasukin ko. Hindi ko siya susukuan at sisiguruhin ko na sa pagkakataong ito, pareho na kaming magiging masaya sa huli.”
Hindi alam ni Vanessa kung bakit nakaramdam siya ng pagkadismaya at lungkot sa mga sinabi ni Fern. Pero mabilis din niya iyong inalis sa isip. “Kailan mo siya babalikan?”
“Kapag tapos na ang kung ano’ng meron tayo ngayon.”
Okay, nalaglag ang puso ni Vanessa doon. Ano pa ba ang mabisang gawin sa ganoong sitwasyon? Ang maghikab at magpanggap na inaantok na. Itulog ang sakit na nararamdaman, gano’n.
Two AM talks were definitely the worst.
Naputol lang ang sariling kadramahan ni Vanessa nang maramdaman niya ang muling pagtigas ng pagkalalaki ni Fern. His hard cock was pressed nicely against her butt cheek. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Wala bang kapaguran ang lalaking ito? “Fern…”
Narinig at naramdaman niya itong tumawa sa likuran niya. “What can I say? I can’t get enough of you,” he said playfully, then slid inside her again.
“SO, WHY are your friends sending you nude pics of male strippers plus their contact infos? Thinking about replacing me already?”
Ipinaikot ni Vanessa ang mga mata sa mga tanong ni Fern na nakasandal sa hamba ng pinto ng kuwarto niya at nakahalukipkip habang binibigyan siya ng nag-aakusang tingin. Katatapos niya lang maligo at tanging tuwalya lang ang nakatakip sa kahubdan niya. Nilalamig na nga siya dahil sa airconditioner, dinagdagan pa ng malamig na boses ng binata. “What, you’re jealous?”
Kung hindi lang sobrang hot ni Fern sa nagbabalik na rockstar image nito (black T-shirt, tight pants, sneakers) ay binato na niya ito ng unan dahil sa pag-uusisa nito sa private life niya. Wala naman iyon sa usapan nila. Pero for some reason, imbes na mainis siya ay ang cute-cute pa ng tingin niya sa binata nang mga sandaling iyon.
Kanina, dumating si Fern at ipinagluto siya ng agahan. Tutal naman ay nandoon na rin ang binata, tinanong niya ito kung marunong itong magtanggal ng virus sa laptop at kung puwede bang ito na ang umayos niyon para hindi na niya ipagawa. Pumayag naman ito. Naligo muna siya at iniwan ito. Nakabukas ang Messages niya sa Facebook. Nag-pop siguro iyon nang mag-send ng pictures sina Penelope at Isabella sa group chat nila, kaya nakita ng binata.
“Not really. Hindi ko lang matanggap na sa isang male stripper mo lang ako ipagpapalit.”
Natawa si Vanessa. Minsan talaga nakakatawa rin ang mga banat ni Fern. Kahit kasi nagbibiro o nanunukso ito, madalas ay poker-faced pa rin ito. “Kung `sing-hot mo naman ang stripper, why not? Hindi ko naman kailangan ng lalaking graduate ng culinary school sa LA para lang mabigyan ako ng orgasm, so I think puwede kitang ipagpalit sa mga taong gano’n ang profession,” biro niya habang naglalabas ng undies mula sa kanyang drawer.
Naramdaman ni Vanessa ang pagtitig ni Fern sa kanyang katawan nang tanggalin niya ang tuwalyang nakabalot sa kanya. Pagkatapos, sinadya niyang bagalan ang pagsusuot ng undies para bigyan ng mas mahabang oras ang mga mata ng binata para pagpiyestahan ang katawan niya at para ipakita na rin dito ang mga “bakas” ng krimen nito sa dami ng love marks niya sa balat.
Plus, she loved the way his eyes darkened every time he saw her naked.
“Kung alam ko lang na mas mahalaga pala sa `yo ang kakayahan ng isang lalaki na mabigyan ka ng orgasm kaysa sa degree at profession, hindi na sana ako lumipad sa LA para mag-aral sa culinary school. Kinulong na lang sana kita sa kuwarto at itinali sa kama ko,” sagot ni Fern na kahit seryoso ang mukha, may himig naman ng pagbibiro at panunukso sa boses. “And damn, Nessa. Kapag hindi mo pa binilisan ang pagbibihis, hindi na talaga tayo lalabas ng condo mo. Alam mo ba kung ga’no kahirap magpigil na dambahin ka habang nakabilad `yang katawan mo sa harap ko? I want to lick you all over again. So for my sanity, please stop teasing me.”
Natawa uli si Vanessa. She decided to have mercy on him so she quickly put on her clothes: oversized tee and short shorts. Pagkatapos, napatitig siya kay Fern na sobrang fresh tingnan nang umagang iyon. Idagdag pa na mas lalong naging sexy sa paningin niya ang collarbones ng binata. Nadilaan niya tuloy ang ibabang labi nang wala sa oras. “God, Fern! How could you make me laugh and horny at the same time?”
Ngumisi si Fern pero halatang iritado pa rin. “Huwag mo `kong utuin, Nessa. Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.”
Nakangiting lumapit si Vanessa sa binata. Sumandal siya sa kabilang hamba ng pinto at humalukipkip din habang nakatingala rito na ngayon ay tinaasan siya ng kilay. “Bigyan mo muna `ko ng dahilan para magpaliwanag ako sa `yo, Mr. Fern Fletcher.”
“So, it’s not only my junior you like making hard, huh? You seem to enjoy making my life hard, too.”
Kinagat ni Vanessa ang ibabang labi para pigilan ang pagbungisngis niya na parang teenager. Hindi niya alam kung matatawa siya o maa-arouse sa mga banat nito. “Bigyan mo na lang ako ng dahilan para mag-explain sa `yo kung bakit kailangan mong malaman kung ano ang gagawin ko sa mga male stripper na `yon.”
“You were just screaming my name five hours ago, Nessa. I’m sure as hell you haven’t had enough of me yet, so while we’re still okay, I’m not sharing you with anyone. Especially not to some male stripper you’re not even sure if safe or clean. Sigurado naman akong ayaw mong mahawahan ng kung ano-anong sakit, `di ba?”
Napangiti nang maluwang si Vanessa. Mukhang ngayon pa lang, kuhang-kuha na ni Fern ang mga trip niya sa buhay. “Naghahanap lang kami ng male stripper-slash-macho-dancer para sa surprise bridal shower namin para kay Champagne.”
Nanlaki ang mga mata ni Fern sa gulat. “Nessa, Grande will kill you if he finds out. Imbes na magpa-stag party siya, magpapa-dinner na lang siya para sa barkada dahil ayaw niyang mag-alala si Champagne. Ano sa tingin mo ang mararamdaman niya kapag nalaman niya `yang balak n’yong gawin sa fiancée niya?”
Ipinaikot ni Vanessa ang mga mata. “Relax, Fern. Hindi naman para kay Champagne ang mga male stripper. Gusto lang naming mag-enjoy ang mga guests. After all, karamihan sa mga kaibigan naming babae ay mga brokenhearted at single.”
Umiling si Fern, mukhang takot. “You won’t like Grande when he’s mad. While I’m sure that he won’t hurt any of Champagne’s friends, hindi ko `yon masisiguro para sa mga male stripper na iimbitahan mo. Ayokong sa kulungan magpakasal ang kaibigan ko at ang kaibigan mo.”
Napasimangot si Vanessa. Ganoon din ang sinabi nina Emily at Emerald sa kanya noong nakaraan. Pero ngayong si Fern ang mismong nagbigay ng warning sa kanya, nakumbinsi na siyang hindi maganda ang kanyang ideya. “Nakakatakot ba talaga si James kapag nagalit?”
Mabilis na tumango si Fern. “Mahal na mahal ni Grande ang kaibigan mo. May lalaking mamali lang ng tingin kay Champagne, siguradong patay na sa kanya. Male strippers pa kaya?”
Ang simangot ni Vanessa, naging pout. “Eh, ano’ng gagawin naming exciting para sa bridal shower ni Champagne?”
Umarko ang mga kilay ni Fern na parang nag-iisip. Pagkatapos ay biglang umaliwalas ang mukha nito. “Oh, I have an idea.”
“Ano `yon?”
Iwinagayway ni Fern ang isang daliri sa harap niya. “Na-ah. It doesn’t work that way, hon. Kung gusto mong malaman kung ano ang plano ko, kailangang may gawin ka muna para sa `kin.”
“At ano naman `yon?”
“Samahan mo `kong mag-grocery.”
Kumunot ang noo ni Vanessa. “`Yon lang?”
Tumango si Fern, pagkatapos ay inalok sa kanya ang braso nito. “Game?”
Napangiti si Vanessa, pagkatapos ay umabrisete siya sa braso ni Fern. May sasabihin sana siya, pero natigilan nang mag-ingay ang kanyang phone sa ibabaw ng kama. Hinila niya ang binata papasok sa kuwarto.
Habang binabasa ang text message, pumuwesto naman si Fern sa likuran niya. Niyakap siya nito mula sa likuran habang hinahalik-halikan ang kanyang pisngi, leeg, at balikat. Mapapasandal na sana siya sa dibdib ng binata dahil sa sarap na ipinaparamdam sa kanya ng mga labi nito, pero para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa nabasa.
“Shit,” bulalas ni Vanessa. “Si Mommy talaga!”