Something Hot, Something Messy, Something Scandalous Triliogy Chapter 8

“HON, IT’S your mom. Natural lang na mag-alala siya nang gano’n sa `yo dahil nag-iisa ka niyang anak. Lalo na ngayong malayo ka sa kanila.”

“Hindi pa rin okay na magbanta siya na titira siya sa condo ko kapag hindi ko na-prove sa kanya na inaalagaan kong mabuti ang sarili ko, lalo na ang pagkain ko.”

“Ikaw naman na mismo ang nagsabi na noon pa man, problema na sa `yo ng mommy mo ang pagkahilig mo sa fast-food meals at cup noodles. Ngayong mag-isa ka lang sa condo mo, hindi naman nakakagulat na iniisip niyang puro ang mga `yon lang ang kinakain mo.”

Umungol sa reklamo si Vanessa habang tulak-tulak ang grocery cart. “Gusto kong makasama ang mommy ko, pero hindi ko kakayanin kung sa condo siya titira. Promise, mababaliw ako.”

Napangiti si Fern. Pagkatapos ay inakbayan siya at kinabig palapit. “Kaya nga nandito ako para tulungan ka, hon. Habang magka-Skype kayo ng mommy mo mamaya, tutulungan kitang magluto para maipakita natin sa kanya na mga healthy food na lang ang kinakain mo ngayon.”

“I’m sorry if you have to play boyfriend later,” nakokonsiyensiyang sabi ni Vanessa.

Kilala ng mommy ni Vanessa si Jack bilang boyfriend niya, pero hindi niya nabanggit sa ina ang pangalan ng lalaki at ni minsan, hindi niya ipinakilala ang ex sa kanyang pamilya. Nadulas lang siya dati sa mommy niya nang mabanggit na marunong magluto ang boyfriend niya kaya hindi na nito kailangang mag-alala kung kumakain siya nang tama.

Pagkatapos mag-text ng mommy niya ng “pagbabanta” tungkol sa pagtira sa condo, sinabi niya na lang uli rito na marunong ngang magluto ang “boyfriend” niya kaya kumakain siya ng masusustansiya ngayon. Sa pagkagulat ni Vanessa, hinamon siya nito na iharap ang boyfriend niya para masigurong totoo ang kanyang mga sinasabi.

Hindi naman nakilala ng mommy niya si Jack kaya naisip niyang si Fern na lang ang iharap dito mamaya. `Sakto nga dahil hindi lang basta marunong magluto ang binata, certified chef pa ito.

“You don’t have to apologize, Nessa,” malambing na saway naman ni Fern. He also gently rubbed her arm as if he was comforting her. “Hindi naman abala sa `kin kung magpanggap akong boyfriend mo habang magka-Skype kayo ng mommy mo.”

Pero malaking problema `yon. We keep on breaking the rules, Fern Fletcher. You’re not supposed to meet your fuck buddy’s family members.

Kinagat ni Vanessa ang dila dahil ayaw niyang sirain ang magandang mood nila ni Fern. Inisip na lang niya na sa Skype lang naman magkakakilala ang kanyang mommy at ang binata. Puwede naman niyang sabihin sa ina na “hiwalay” na sila kung sakaling maghanap uli ito ng boyfriend sa susunod na mag-usap sila.

“Hey, hon,” untag sa kanya ni Fern. “Kung nabibigatan ka na sa grocery cart, sabihin mo lang. Ako na ang magtutulak niyan.”

Kumunot ang noo ni Vanessa at binigyan ng nagdududang tingin ang binata. “Fern Fletcher, kanina ko pa napapansin na panay ‘hon’ ang tawag mo sa `kin, ha?”

“If I remember it correctly, ikaw ang unang tumawag sa `kin ng ‘honey.’ I’m just returning the favor,” nakangiting sabi nito, saka kumalas sa pagkakaakbay sa kanya at lumapit sa aisle ng mga palaman. “Paubos na ang Nutella mo sa condo mo. Paborito mo `to, `di ba? You should get one.”

Kinuha nito ang pinakamalaking jar. Akmang ilalagay nito iyon sa cart nang biglang matigilan. Napatitig ang binata sa Nutella, pagkatapos ay dumako naman ang malagkit nitong tingin sa kanyang katawan. “Hmm. Mukhang magagamit natin `to sa ibang paraan kaya damihan na natin.”

Nanlaki ang mga mata ni Vanessa at nag-init ang mga pisngi na bihira lang mangyari dahil alam niya ang iniisip ni Fern nang mga sandaling iyon. Ang gusto nitong gawin sa Nutella na may kinalaman malamang sa hubad niyang katawan. She didn’t know he had a kinky side, too!

Hindi na siya nakapag-react at pinanood na lang si Fern na maglagay ng limang malalaking jar ng Nutella sa cart nila. Ano ba ang balak nitong gawin sa kanya gamit iyon? Pahiran siya niyon hanggang sa maging human chocolate siya?

And then he would probably lick the chocolate off her body… every inch of her body, at that.

Ohhh… now that sounds good.

Nang makabawi si Vanessa mula sa pagkagulat, tinulungan niya si Fern na maglagay pa ng limang malalaking jar ng Nutella. Sa pagkakataong iyon, ang binata naman ang nagulat.

“Nessa?”

Binigyan niya ng nang-aakit na ngiti si Fern. Pagkatapos, bumaba ang malagkit niyang tingin mula ulo hanggang paa ng binata hanggang sa napako ang mga mata niya sa pagkalalaki nito. “Well, gusto ko lang masigurong may enough Nutella tayo when I make a human chocolate out of you.” Nang mapansing may ibang mga tao na ang papalapit sa direksiyon nila, pinuwersa ni Vanessa ang sarili na umangat ang tingin sa mukha ng binata. Mas hininaan din niya ang boses para walang ibang makarinig sa sasabihin niya. “Then I’ll lick the chocolate off your body while enjoying my Nutella. I heard chocolate tastes different on the skin. Gusto mo bang alamin natin kung totoo `yon, Fern Fletcher?”

Tumikhim si Fern na halatang kinakalma ang sarili dahil nasa publikong lugar sila. Pero ang matinding pagnanasa sa mga mata nito, sinasabi na siya ang unang magiging human chocolate sa kanila pag-uwi nila sa condo mamaya. “Might be messy, but I’m pretty sure we can arrange that, Vanessa Algeria.”

Napangiti si Vanessa nang makaramdam siya ng kung anong makukulit na organism sa kanyang tiyan dahil sa kulitan nila ni Fern. Hindi rin niya alam kung paano nagiging cute at hot ang lalaking ito nang sabay sa paningin niya.

Minsan tuloy hindi na niya alam kung huhubaran ba niya ang lalaki at didilaan ang buong katawan nito, o yayakapin na lang nang mahigpit gaya ng pagyakap niya sa paborito niyang teddy bear noong bata siya.

Ipinaparamdam kasi sa kanya ni Fern na isa siyang ganap na babae, lalo na kapag nasa kama sila, pero nagagawa rin siya nitong kulitin para ilabas naman ang pagka-childish niya sa katawan.

Ngayon lang may lalaking nagparamdam ng ganoon kay Vanessa.

Bumaba ang tingin niya sa laman ng cart nila. Ngayon niya lang napansin na ang karamihan sa mga pagkain at gamit na kinuha ni Fern ay puro mga kulang sa condo niya na para bang gusto nitong i-restock ang mga supply na hindi niya namalayang paubos na pala.

Scratch that. Mas tama yatang sabihing ngayon lang may lalaking nagparamdam sa kanya na hindi lang sila sa kama puwedeng magkasundo. Iyon din ang unang pagkakataon na may lalaking nag-aya sa kanya sa grocery para bilhin ang mga kailangan niya kahit hindi niya sinasabi. Pakiramdam tuloy ni Vanessa, may nag-aalaga na sa kanya.

Most of all, it was the first time she saw a guy as more than a fuck buddy. Kung anuman ang ibig sabihin niyon, hindi siya sigurado. Pero nakakaramdam siya ng takot sa bagay na iyon ngayon pa lang.

“Why are you looking at me like that, hon?” nakangiting tanong ni Fern.

“Like what?”

“Like you’re starting to see me as a potential partner and not just a bed mate?” nakataas ang kilay na tanong ni Fern, may halo ng pagbibiro sa boses.

Hindi natawa si Vanessa. Hindi niya magawang makita ang mga sinabi ni Fern bilang biro dahil… dahil may parte niya ang sumang-ayon dito, labag man sa kalooban niya. Hindi siya masaya sa nararamdaman dahil sa maraming bagay.

You’re not supposed to get attached with your fuck buddy, Vanessa.

Alam niya iyon pero…

Saka may babaeng babalikan si Fern kapag nagsawa na siya sa `yo, paalala niya rin sa sarili. Huwag kang tanga, okay? Hindi ikaw ang tipo ng babae na seseryosohin ng isang tulad niya.

Napalitan ng pag-aalala ang kapilyuhan sa mga mata ni Fern. “Hey, Nessa. Okay ka lang? Parang bigla kang namutla…”

Pilit na ngumiti si Vanessa. “I’m fine. Ang haba na ng pila sa cashier. Let’s go.”

NAKASIMANGOT si Vanessa habang naghihiwa ng carrots para sa lulutuin nilang kaldereta ni Fern. Iyon kasi ang putahe na “specialty” ng mommy niya at itinuturo na sa kanya simula noong teenager siya.

“Ipinamana” pa nga ng mommy niya ang secret recipe nito para sa masarap na kaldereta, pero itinambak niya lang iyon sa mga gamit niya nang magkaroon siya ng sariling condo. Ngayon lang yata niya uli iyon inilabas at binuklat para makita ni Fern ang “secret recipe” at matulungan siya nitong lutuin iyon nang tama.

“Ang weird talaga ni Mommy,” nakalabing reklamo ni Vanessa. “Bakit naman niya ire-request na panoorin tayong magluto, eh, hindi naman niya matitikman kung magagaya nga natin ang timpla ng ipinagmamalaki niyang kaldereta? Feeling ko, gusto lang niyang makilala ang ‘boyfriend’ ko na marunong magluto.”

Tumaas ang sulok ng mga labi ni Fern na abala naman sa pagbabalat ng patatas. “Mahilig magluto ang mommy mo, Nessa. Kahit manood lang siya sa ` tin, malalaman niya kung tama o alam natin ang ginagawa natin. Saka para matikman niya ang iluluto natin na `to, bakit hindi natin puntahan ang pamilya mo? Ilang oras lang naman ang biyahe papuntang Laguna.”

“‘Natin?’”

“Ako ang executive chef sa `ting dalawa,” katwiran ni Fern. “Hindi ako papayag na kunin mo ang credit sa pagluluto ng pinakamasarap na kalderetang matitikman ng pamilya mo, kaya dapat lang na isama mo `ko,” halatang nagbibirong sabi nito.

Tinawanan lang iyon ni Vanessa. “Magiging awkward lang kapag hinanap ka ni Mommy sa `kin sa oras na wala na tayong communication, kaya hayaan na lang natin na sa Skype lang kayo magkakilala, okay?”

Napansin niyang napasimangot si Fern, pero nagkibit-balikat lang ito at kaswal pa rin ang boses nang nagsalita. “Suggestion lang naman `yong akin.”

Ngumiti lang siya. Hindi rin niya alam kung ano ang nagpabago sa masayang disposisyon ni Fern kanina. Hindi na rin siya nagkaroon ng pagkakataong magtanong dahil tumunog na ang kanyang laptop, tanda na tumatawag na sa Skype account ang mommy niya.

Mayamaya lang, nakaharap na sa kanila ni Fern ang webcam at napuno na ng nakangiting mukha ng mommy niya ang buong monitor ng laptop. Nasa early fifties na ang ina ni Vanessa pero maganda pa rin ito at sopistikadang tingnan. Mas lalo pang nakakabata sa hitsura ng mommy niya ang masiglang ngiti sa mga labi nito.

Ipinaikot na lang ni Vanessa ang mga mata nang lumagpas sa kanya ang tingin ng kanyang mommy at binigyan ng nanunuring tingin si Fern na nakatayo sa tabi niya at nakangiti.

“Hi, sweetie,” masiglang bati kay Vanessa ng mommy niya, kay Fern pa rin nakatingin. “So, who is that handsome young man with you?”

“He’s ‘The Boyfriend,’ `My,” nakangiting sagot naman ni Vanessa, saka umabrisete sa braso ni Fern. “Mommy, meet Chef Fern Fletcher. Fern, my mother bee.”

Magalang na bumati si Fern sa mommy niya na nangislap naman ang mga mata. Isang tingin pa lang sa ina, alam na ni Vanessa na aprubado agad dito ang binata.

“Ah, you’re a chef,” halatang interesadong tanong ng kanyang mommy. “So, hijo. Do you have your own restaurant?”

“Yes, Ma’am,” magalang na sagot ni Fern. “My restaurant specializes in Asian cuisines.” Pumalupot ang isang braso nito sa baywang ni Vanessa, pagkatapos ay nakangiti siyang binalingan ng binata. “Nabanggit ho ni Nessa na mahilig kayong magluto ng mga Filipino food,” sabi nito, bago muling binalingan ang mommy niya. “Kaya kung may oras ho kayo, iimbitahin ko sana kayo sa restaurant ko para maipagluto ko kayo ng specialty ko. Sabihin n’yo lang kung anong oras at ipapasundo ko ho kayo.”

Nanlaki ang mga mata ni Vanessa sa gulat. Hindi dapat ginagawa iyon ni Fern! Hindi ba nito alam na hindi nga nito dapat makilala ang mommy niya sa klase ng relasyong meron sila?

Babawiin sana niya ang mga sinabi ni Fern bilang biro, pero natigilan siya nang marinig ang masayang pagtawa ng kanyang mommy. Nang tingnan niya ang mukha nito sa monitor, nakaramdam siya ng mainit na bagay sa kanyang dibdib.

Simula nang umalis si Vanessa sa bahay nila para bumukod mula sa mga magulang, madalas ay nakakakita siya ng lungkot sa mukha ng kanyang mommy tuwing magkausap sila sa Skype. Alam ni Vanessa na nami-miss na siya ng kanyang pamilya pero wala naman siyang magawa dahil sa trabaho niya. Ilang beses na siyang nangako na uuwi pero tuwing weekends naman, madalas ay nakakatulog lang siya dahil sa pagod. O kaya ay dahil “busy” siya.

Ngayon lang na-realize ni Vanessa na ang tagal-tagal na pala simula nang makita at marinig niyang tumawa nang may totoong kasiyahan ang kanyang mommy. Nakakalungkot na hindi siya ang dahilan niyon, pero hindi naman niya masisi ang ina dahil bilang anak, aminado si Vanessa na nagkaroon siya ng napakalaking pagkukulang sa mga magulang niya.

“I like that idea, Fern,” nakangiti at tumatango-tangong sabi ng mommy niya. “Aasahan ko `yan. And since you’re already being generous, abusado na ba `ko kung hihingi ako ng oras para makipagpalitan ng secret recipes sa `yo?”

“Not at all, Ma’am,” nakangiti ring sagot ni Fern. “Gusto ko rin ho ang ideyang `yan.”

“Good. And please just call me ‘Tita Vina.’”

“All right, Tita Vina.”

Pagkatapos niyon, magalang na nagpaalam na si Fern sa ina niya dahil magsisimula na itong magluto ng kaldereta. Kumulo na kasi ang karne ng baka na pinakuluan nito kanina.

Naiwan naman si Vanessa na nakatunganga sa harap ng mesa habang pinapanood lang ang binata sa mabilis at makinis na pagkilos nito sa kusina. Bukod sa pamilyar na pamilyar na ito sa mga gamit niya, halatang alam na alam din nito ang ginagawa sa pagluluto.

Hindi na siguro nakakapagtaka iyon dahil chef si Fern. Siguro mas naa-amaze siya sa katotohanan na kung kumilos ito sa kusina niya, parang pag-aari nito ang lugar na iyon. Hindi sa masamang paraan. Sa totoo lang, naninibago lang siya sa nararamdaman habang pinapanood ang lalaki na kumilos nang malaya sa kanyang condo.

Nakakaramdam siya ng domicile vibes kay Fern na hindi naman niya naramdaman sa mga dating nakarelasyon na iniuwi na niya roon. Sa unang pagkakataon sa buhay ni Vanessa, nakatingin siya sa isang lalaki at hindi simpleng “fuck buddy” ang nakikita niya. Na alam niyang hindi lang sa kama ang saya na kaya nitong ibigay. Dahil ngayon, kahit nagluluto lang si Fern, kontento na siyang panoorin ito at wala siyang inaasahan na ibang bagay na gagawin nila.

Tumingin si Vanessa sa paligid ng kusina. Pagkatapos nilang mag-grocery ng binata kanina, dumeretso sila sa condo niya. Noon niya nalaman na para sa kanya pala ang mga pinamili nito at hindi para sa mga supply sa sariling condo. Kaya ngayon, puno na uli ang mga gamit niya sa kusina lalo na ang stock niya ng grocery. Pati nga ang mga gamit niya sa banyo, kumpleto na uli.

“Vanessa, sweetie?”

Natauhan si Vanessa mula sa pagmumuni-muni nang marinig ang boses ng mommy niya. Napakurap-kurap pa siya nang mapatitig sa nag-aalalang mukha ng ina sa monitor. “Yes, Mommy?”

Ngumiti ito, ngiting nagsasabi na natutuwa ito sa nakikita. “You found a good man, anak.”

Nag-init ang mga pisngi ni Vanessa dahil sa maling pagkakaintindi ng mommy niya sa relasyon nila ni Fern. Hindi naman niya maitama ang iniisip nito dahil hindi maiintindihan ng ina niya ang “magulong” relationship status nila ng binata. Kaya ngumiti na lang siya. “Mommy, bago pa lang naman kami ni Fern…”

“No’ng isang taon mo pa nabanggit sa `kin ang tungkol sa nobyo mong marunong magluto,” katwiran naman ng mommy niya. “Matagal na rin `yon. Bakit hindi mo dalhin dito sa bahay si Fern at ipakilala mo sa daddy mo? Sigurado akong magkakasundo sila.”

“Sige, `My. Sa susunod na bisita ko d’yan, isasama ko si Fern,” paiwas at wala sa loob na sagot ni Vanessa. Pagkatapos, mabilis niyang binago ang usapan. “Mommy, ngayong nalaman mo nang chef ang boyfriend ko, siguro naman kampante ka nang kumakain na `ko nang maayos ngayon?”

Bago pa makasagot ang mommy ni Vanessa, naramdaman niya ang kamay ni Fern sa kanyang noo. Kinuha nito ang mga hiniwa niyang carrots kaya lumapit ito sa kanya. Napansin siguro nitong pinagpapawisan siya dahil sa panggigisa ng kanyang mommy kaya pinunasan nito ang pawis niya. Ang nakakatuwa lang, para bang ang alagaan siya ang pinakanatural na bagay para sa binata. Saka ito bumalik sa pagluluto na parang wala itong ginawa na nagpakabog sa kanyang dibdib.

Hindi sanay si Vanessa sa ganoong pakiramdam. Mas sanay siyang pinapainit ng lalaki ang katawan niya. Pero pagdating kay Fern, higit pa sa bagay na iyon ang nagagawa nito. Sa dibdib siya nakakaramdam ng init. At alam niyang malayong-malayo sa pagnanasa ang ipinaparamdam nito sa kanya. Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, may puro at “dalisay” na damdamin uli na nabubuo sa dibdib ni Vanessa.

Comfort. Warmth. Security.

Naramdaman yata ni Fern na kanina pa siya nakatitig dito, kaya lumingon sa kanya ang binata. Nang magtama ang mga mata nila, ngumiti ito. Hindi nang-aakit, hindi nanunukso. Natural na ngiti na para bang sinasabi na masaya ito nang mga sandaling iyon.

Bago pa mamalayan ni Vanessa ang ginagawa, nakangiti na siya at nasa harap na ni Fern. Ikinulong niya ang mukha nito sa kanyang mga kamay at tumingkayad para halikan sa mga labi. Idinampi niya lang ang mga labi sa mga labi ng binata para maramdaman nito ang kasiyahan na nararamdaman niya dahil sa presensiya nito sa buhay niya.

That was the chastest kiss she had given a man in her whole life. And he returned the favor in the gentlest way she could imagine—by brushing his nose against hers after the kiss while his hands were around her waist. Then he pulled her closer for a tight hug.

Napapikit na lang si Vanessa at napabuntong-hininga habang ipinapalupot ang mga braso sa baywang ni Fern. Ang gaan-gaan ng pakiramdam niya ngayong yakap siya ng binata na para bang siya ang pinakaimportanteng babae sa buhay nito.

“That’s what I really want to see, sweetie,” halatang kinikilig na sabi ng kanyang mommy. “Kampante na `ko ngayong nakita ko nang may nag-aalaga sa `yong mabuti, anak.”

Tinawanan lang iyon ni Vanessa, pagkatapos ay hinarap niya ang ina. “`Love you, Mom. Talk to you later,” malambing na sabi niya, saka in-off ang web cam at tinapos ang tawag nito sa Skype.

Fern, on the other hand, turned off the stove. Kahit wala itong sinasabi, kitang-kita niya ang matinding pangangailangan sa mga mata nito. “Hon…?”

Ngumiti si Vanessa nang maramdaman ang kahandaan ni Fern sa sikmura niya. “Yes, Fern?”

“Touch me, Nessa,” ungol nito, pagkatapos ay kinuha ang kamay niya. He guided her hand to his erection.

Vanessa cupped his swollen cock and gently rubbed her hand against the part of his pants where the bulge was obvious. Umungol naman si Fern at isinubsob ang mukha sa leeg niya. Mabigat at mainit ang paghinga nito sa kanyang balat. “You like this, Fern Fletcher?”

He groaned against her skin. “So fucking much, Nessa.”

Gusto ni Vanessa na nakikitang hawak niya si Fern hindi lang sa literal na paraan. Dahil doon, naisip niyang pasiyahin naman ito. She pulled down the zipper of his pants and freed his cock. She carefully cradled it in her hand while stroking him gently. Lalong lumakas ang ungol ng binata.

Ginanahan siya lalo sa ginagawa sa nakukuha niyang reaksiyon mula kay Fern. Sa bawat pagtaas-baba ng kamay sa kabuuan nito, umuungol ito, napapasinghap, at mas lalong bumibigat ang paghinga. Halatang gustong-gusto nito ang kanyang ginagawa. Nang marahan niyang pisilin ang kabuuan nito sa pagdulas ng kamay niya pababa, nakaramdam na siya ng mainit at malagkit na likido sa balat niya.

“Nessa,” ungol ni Fern. “I want to come inside you—”

“Later,” sansala ni Vanessa sa sinasabi ni Fern. Her hand pumped him faster this time. “Now, come. Come for me, hon.”

Isang malakas na ungol ang isinagot ni Fern sa kanya. His cock started to spasm in her hand and a few pumps later, something warm seeped into the skin of her tummy through her shirt. Pagkatapos, binigyan siya ng binata ng malalim na halik sa mga labi.

“Shower, now.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.