Stallion Island Series Chapter 100

Dali-dali siyang dinaluhan ni Rouen at inayo. Saka nito matalim na tiningnan si Julian. “Look what you’ve done!”

“Anong ginawa ko?” inosenteng tanong ni Julian.

“Nagtatanong ka pa!” singhal niya at patuloy na umiyak. “Nakakadiri ka!”

Natameme si Julian at dahan-dahang bumalik sa upuan. “Ano bang ginawa ko?” naguguluhan nitong tanong. “Paanong nakakadiri ako?”

sa gulat ng lahat ay humagalpak si Ryuhei at nailing naman ang iba. Siniko ni Raddison si Ryuhei. “Uy!” saway nito pero patuloy sa pagtawa ni Ryuhei. Baka mamaya ay akala ng mga ito na pervert siya.

“Amore, stop crying,” pang-aayo ni Rouen at binigyan siya ng panyo. Pero lalo lang siyang napaiyak.

“Cut the Romeo crap, Rouen! May trauma na yata iyan sa lalaki dahil sa ginawa ni Julian,” wika ni Gianfranco nang may bahid ng iritasyon sa mukha. “I can’t believe that I left my Signora just for this spectacle.”

“Kalimutan mo muna ang yate mo, Gianfranco,” wika ni Alexandros. “Isn’t this entertaining enough?”

Nagpatuloy siya sa pag-iyak. Tingin yata ng mga ito ay isa siyang katatawanan ngayon. She felt miserable.

“Julian, kapag hindi mo napatahan iyan baka tuluyan ka na naming tanggalan ng membership,” wika ni Raddison. “I think she is a nice girl. Pero anong ginagawa mo? Bawal magpaiyak ng babaeng tulad niya.”

Pumalatak si Julian at lumapit sa kanya. Inabutan siya nito ng panyo at isang basong tubig. “Tumahan ka na, please! Ako ang mapapasama dito,” pakiusap nito.

“Masama ka naman talaga!” Kinuha niya ang basong inaalok nito at tinungga ang tubig. Tumigil ang paghikbi niya at lumuwag ang loob niya. “Dapat talaga mapaalis ka dito. Ipinahiya mo ako sa mga tao kanina.”

“Ako? Ikaw nga iyong nagpadala ng underwear mo bilang regalo sa akin tapos ide-deny mo,” katwiran nito.

“Hindi nga ako ang gumawa no’n,” tanggi niya. “At kahit pa ako ang nagpadala, dapat ibinalik mo sa akin nang nakiusap ako sa iyo. Pero ipinagwagwagan mo pa sa buong pool area sa halip na ibalik sa akin.”

Si Raddison naman ang pumalatak. “That’s very ungentleman, Julian. Hindi mo siya dapat tinukso.”

“Well, other women…”

“Hindi ako katulad ng ibang mga babae mo!” bulyaw niya dito. She had the upper hand now. Nasa kanya ang simpatya ng mga village lords.

“Come on! Akala ko bigay mo iyon sa akin. Can you really blame me? I already had several invitations like that before. Baka iyon lang ang paraan para ipakita mo ang pagkagusto mo sa akin.” At umangat ang gilid ng labi nito. Nanunukso na naman ito. As if he was trying to seduce her.

“Hindi nga ako ang gumawa no’n! Nawawala na lang ang gamit ko sa locker ko kanina. Kaya nga ako lumabas sa hallway dahil baka nalaglag ang gamit ko.” Kinusot niya ang mata. “Hindi ko talaga alam paano iyon napunta sa iyo.” Pakiramdam niya ay may naglalaro sa kanya.

“Then sino ang gumawa no’n?” tanong ni Julian. Lumalabas na pareho silang inosente sa mga pangyayari.

“We will find out soon,” wika ni Gianfranco.

Di nagtagal ay pumasok ng council chamber si Jumeirah. She looked like an Arabian princess this time. Ilang metro mula kay Prince Rostam ay bigla itong lumuhod at ibinaba ang ulo sa sahig at naka-flat ang mga kamay. She really acted like an authentic slave. “Your Royal Highness, Heir of the throne of the Lion, Prince Rostam ibn…”

Mariing pumikit si Prince Rostam. “Jumeirah, tumayo ka diyan at hindi mo kailangang buuin ang pangalan ko. Sabihin mo na lang ang sasabihin mo.”

Jumeirah stood up with satisfaction. What she did was not an act of respect but her means to annoy the prince. She was quite gutsy for a slave girl. “Dumating na ang video mula sa security department.”

Pinindot ni Prince Rostam ang touch screen computer na nasa harap nito at lumabas sa malaking LCD screen sa dingding ang CCTV video sa locker. Naroon si Mareschellie na miyembro ng Sirens. Palinga-linga ito nang buksan ang locker niya at kunin ang underwear niya. Inilagay nito sa kahon ang underwear niya at ibinigay sa isang janitor na siya marahil nagbigay kay Julian.

“Sirens,” Prince Rostam said in a hiss.

Kung ganoon ay ang mga ito ang may kagagawan ng lahat. Sinadya ng mga itong nakawin ang gamit niya para palabasin na interesado siya kay Julian at ipahiya siya. Pinalalabas ng mga ito na masama siyang babae. Malaki talaga ang galit ng mga ito sa kanya lalo na’t di siya napaalis sa isla ng mga ito nnoong una. At di talaga titigil ang mga ito hangga’t di siya nawawala sa Stallion Island.

“Ipapatawag ba natin sila?” tanong ni Raddison.

“Dio! No!” tanggi agad ni Gianfranco. “Iyon mismo ang gusto nila. Ang makaharap tayo.” Umiling ito. “Kapag nakikita ko sila, pakiramdam ko anumang oras pipikutin nila ako. They are dangerous.”

“Let’s discuss this later,” wika ni Evandro. “We have to deal with Julian and Miss Reyes first.”

“P-Pwede na po ba akong umalis?” tanong niya. “Kasi inosente naman po ako. Wala po akong intensiyong masama at wala po akong kasalanan.”

“No!” Evandro said curtly. “Not so fast, Miss Reyes.” May pinindot ito sa touchsscreen computer nito at lumabas ang report tungkol sa kanya. “You assaulted one of our members and entered a restricted area. Hindi na sana namin ito papansinin pero may bago ka na naman ulit offense.”

Yumuko siya. “Yes, my lord,” mahina niyang usal. Muli ay nasalang na naman siya sa katayan. And she had to pay for her past sins.

“At ikaw din, Julian!” wika ni Evandro na ikinagulat ni Julian.

“Ako? Inosente ako,” protesta ni Julian. “Ako na naman ang api.”

“Napahiya si Miss Reyes dahil sa kagagawan mo. It created a scandal,” paliwanag ni Alexandros. “That is her private apparel. Hindi lahat ng babae komportable na ipakita iyon sa iba. You should know better than to flaunt it.”

“And you made her cry,” dugtong pa ni Ryuhei.

“I was a bit naughty. It is not a crime,” katwiran ni Julian.

“Pareho lang kayong may kasalanan,” giit ni Raddison at bumaling sa ibang village lords. “Anong gagawin natin sa kanilang dalawa?”

Pinagsalikop niya ang mga palad at inilapag sa kandungan niya. She was trembling. Habang nagdedeliberasyon ang mga ito ay umuusal siya ng panalangin. Paaalisin na ba talaga siya doon? She created such a scandal. Kung isasama pa ang unang major offense niya ay baka dapat na siyang magbalot-balot doon.

Paalam, Stallion Island. Paalam, Stallion Fafas.

“It would be too harsh kung paalisin natin sila,” wika ni Ryuhei.

“Suspension?” tanong ni Gianfranco.

“No. Gusto ko lang magkasundo silang dalawa. Ayoko na ng nagbabangayan sa islang ito. I already had one headache which is too much to handle.” At saka pasimpleng sinulyapan ni Prince Rostam si Jumeirah na nakatayo sa isang tabi.

Magkakasundo? Sila ni Julian? No way! Imposible yata iyon.

Lumilipad ang utak niya hanggang makarating sa isang consensus ang mga village lords. Kumunot ang noo niya nang maglaro pa ng dice ang mga ito. Sa huli ay si Prince Rostam ang nakakuha ng pinakamataas na puntos.

“Hindi kayo masu-suspend o mapapaalis sa isla kung matatapos ninyo ang ipapagawa ko sa inyo,” wika ni Prince Rostam at sinenyasan si Jumeirah na lumapit. “How’s my library?”

“Mukhang bodega pa rin. Inaalikabukan ang mga libro,” kaswal na sabi ni Jumeirah.

“You are not doing your job,” Prince Rostam said grimly.

“Pinapa-catalogue mo ang mga libro mo. Di pa nga tapos ang catalogue ng mga kayamaman mo. Hindi ako robot, Your Highness. Alipin mo nga ako pero wala naman akong superpowers,” angal ni Jumeirah.

Ngumisi si Prince Rostam. “Pardon my insolent slave. Miss Reyes, Julian, tutulungan ninyo si Jumeirah na ayusin ang library ko. Every book must be catalogued and arranged within two months.”

“Iyon lang ang gagawin namin?” Kumurap siya. “Hindi ako paaalisin sa isla? Hindi din ako masu-suspend?”

“Kung maaayos ninyo ang library ko sa oras at hindi kayo mag-aaway na dalawa,” dagdag ni Prince Rostam. “Dahil oras na mag-away na naman kayong dalawa, masu-suspend kayo or with your line of offenses, Miss Reyes you have to leave the island.”

INIKOT ni Arjhilleyne ang paningin sa malaking library sa palasyo ni Prince Rostam. Parang wala siya sa Pilipinas at nasa ibang bansa. The room had a royal air around it. Maroon ang mga dingding at nagtataasan ang mga bookshelf. Nalulula tuloy siya. Pakiramdam niya ay nasa National Library siya sa dami ng libro.

“We lots of work to do,” wika ni Jumeirah na siyang magsisilbing supervisor nila ni Julian. “Kailangang mai-catalogue natin ang bawat libro. Then we have to arrange them according to their category. This is a tough job. Tapos binigyan pa kayo ng sadistang prinsipe na iyon ng isang buwan lang para ayusin lahat.”

Natawa siya sa mga tirada ni Jumeirah. Kundi lang ito nakasuot ng sexy na violet satin na ternong maluwag na pants at blusa na kita ang pusod nito at mistulang miyembro ng harem ni Prince Rostam ay di niya maiisip na utusan lang ito ng prinsipe sa talas ng dila nito. Ngayon ay nakakatawa na siya samantalang nang nakaraang araw ay parang katapusan na ng kanyang mundo.

“Okay lang kaya iyan. Mabuti nga ito lang ang gagawin ko.”

Mabuti at iyon lang ang sinapit niya. Ang miyembro ng Sirens na si Mareschellie ay ipina-ban ng council sa isla. It was tough, she knew. The girl was just eighteen. Wala itong business para maghabol ng lalaki sa isla at gumawa ng kalokohan. Kine-claim ng ibang miyembro ng mga Sirens na wala itong kinalaman sa kagagawan ni Mareschellie. Na sariling aksiyon iyon ni Mareschellie.

Maswerte pa rin siya. Malaki pa ang pag-asa niyang manatili doon.

“We should start working,” wika ni Jumeirah at pinagkuskos ang palad. “Wala pa rin yata ang partner mo hanggang ngayon.”

Umismid siya. Wala siyang pakialam kung nasaan si Julian. Baka naman natatakot itong harapin ang parusa nito. pabor sa kanya kung hindi niya ito makikita. Tiyak na makakapagtrabaho siya ng matiwasay. Nangako siya sa sarili niya na magpapakahinahon kapag nasa paligid ito at di iyon madali. At least kung wala ito ay mapapadali ang trabaho niya.

Sinisimulan na niyang mag-typ sa isa sa mga modernong model ng computer naka-install sa library nang bumukas ang pinto at pumasok si Julian. “Hi!” nakangiting bati nito.

“You are late!” bungad ni Jumeirah dito.

“I am sorry. I had a business to attend to. Buong magdamag ko iyong inasikaso. Pwede pa naman akong humabol, di ba?”

Nakataas ang kilay niyang sinipat ang itsura nito. Bahagyang lukot ang light blue polo na suot nito. Magulo ang buhok nito na parang kagagaling pa lang nito sa higaan. He looked tired. Dead tired.

Anong business naman kaya ang inasikaso nito? Baka monkey business.

“Mabuti nandito ka na,” wika ni Jumeirah. “Tulungan mo muna si Arjhilleyne. I have to see my overlord. Hindi ko na naman alam kung ano ang kailangan ng prinsipe ninyo sa akin. Arjh will explain everything to you, Julian. Babalik ako agad.”

“Bumalik ka agad, ha?” may bahid ng pakiusap sa boses niya. Sana ay bumalik ito agad para di na niya kailangan pang turuan ng matagal ni Julian. Kung siya ang masusunod ay gusto niyang magkunwari na di ito nag-e-exist.

She held her breath when he towered over her. Nakahawak ito sa sandalan ng swivel chair niya at ang palad nito ay nakapatong sa tabi ng keyboard niya. “Ano ang gagawin natin?” kaswal nitong tanong.

Saglit siyang di nakaimik nang maamoy ang pabango nito. Bakit ang lalaking walang tulog at mukhang di naligo ay mabango pa rin. And it was his own masculine scent. It didn’t have the trace of a woman’s scent.

Hinamig niya ang sarili niya. wala siyang oras para amuy-amuyin ito. Kailangan niyang maging propesyonal. Trabaho ito. Walang personalan. Dito nakasalalay ang pananatili niya sa isla.

“May naka-ready nang program na gagamitin natin. For now, ita-type natin ang lahat ng information tungkol sa libro…”

Naputol ang pagpapaliwanag niya nang mag-ring ang cellphone nito. “E-Excuse me. This is just an important call.”

“Okay,” aniya at sinundan ito ng tingin nang pumunta ito sa may bintana para sagutin ang tawag. Ipinagpatuloy na lang niya ang pagta-type ng information tungkol sa libro tungkol sa Ancient Egypt. Pero bukas ang tainga niya sa kausap ni Julian.

“Jazzmire, I am sorry.”

Alerto siya. Babae. Babae ang kausap nito.

“Alam ko hindi ako dapat umalis agad. But I have an important appointment. I just have to do this for Prince Rostam,” paliwanag ni Julian.

Tumaas ang kilay niya. Iyon ba ang babaeng nakasama nito buong magdamag? Ang babaeng dahilan kung bakit wala itong tulog? Ang babaeng dahilan kung bakit ito na-late?

“Look. Why don’t you just chill a bit? Tatawagan ulit kita.” Nagkunwari siyang walang narinig at nagpatuloy sa pagta-type hanggang bumalik ito. “I am sorry about that. Pwede na ba nating ituloy?”

“Sure,” pormal niyang sagot. “gaya ng sinabi ko kanina, ita-type lang natin ang lahat ng impormasyon dito. The computer will create the code for each book according to its genre. Then ika-categorize natin lahat kapag isasalansan na sa mga bookshelves…”

Nabitin na naman ang pagpapaliwag niya nang mag-ring ang cellphone nito. “Excuse me ulit.” Ni hindi na nito hinintay pa ang sagot niya at sinagot agad ang tawag. “Hello, Jazz! What now? Can you calm down a bit? Sinabi ko nang importante lang ito. Hindi ito babae. This is for Prince Rostam.”

Mariing nagdikit ang labi niya. This was too much. Way too much. Alam ba nito na isang buwan lang ang kailangan nila para iayos ang libo-libong libro na nasa library na iyon? at ilang oras lang ang pwede niyang gugulin bawat araw dahil sa trabaho niya sa security center. Pagkatapos uunahin pa nito ang pambababae nito. Perhaps it was time that she set the record straight.

“Pwede bang ituloy ulit natin?” malambing nitong tanong.

Padabog niyang ibinagsak ang libro sa ibabaw ng iba pang nakapatong na libro sa mesa. Tumayo siya at hinarap ito. “Bakit hindi kaya alamin mong mag-isa kung ano ang gagawin? Sinasayang mo lang kasi ang oras ko.”

He pressed the bridge of his nose with his thumbs. “I am sorry about the phone calls. They are just important…”

“Importante din sa akin ang bawat minutong ilalagi ko dito. Sineseryoso ko ang parusang ito sa akin. Ikaw yata ang walang planong magseryoso. Siguro nga hindi ito importante sa iyo. Mayaman ka naman. Ano bang penalty ang makukuha mo dito kung sakali? Ilang araw na suspension?”

“Could you please lower down your voice?” tanong nito.

“Sino ka para utusan akong hinaan ang boses ko?” Nang umalingawngaw ang boses niya sa buong library ay lalo siyang ginanahang maglitanya. Parang gasolinang sinilaban ang dugo niya. “Wala sana ako dito kundi sa kagagawan mo! Kasalanan mo lahat ng ito!”

Hinaplos nito ang sariling batok. “Huwag na tayong mag-away.”

“Ikaw ang may gusto ng gulo. Pinalagpas ko ang kamanyakan mo. Pero di ko palalagpasin ang pagiging iresponsable at self centered mo. Wala ka namang konsiderasyon sa mga tao sa paligid mo. Mahalaga lang sa iyo kalokohan mo.”

Itinaas nito ang dalawang kamay. “Stop it!”

Nagpanting lalo ang tainga niya nang patigilin siya nito. “Bakit? Masakit bang marinig ang totoo? Akala mo ba iikot na lang ang mundo sa palad mo? Well, I got news for you, Julian Veron Yun…”

Hinaklit nito ang balikat niya at binigyan siya ng isang mainit at nakakaliyong na halik. At that point, he was the center of her world. Her world was spinning and his hard body kept her from falling on the floor. She learned a kiss could burn from the top of her head to the tips of her toes. Ang nagawa lang niya ay ibuka ang bibig para tanggapin ang halik nito. And he devoured her as if he was hungry for her kiss.

Habol niya ang hininga nang maghiwalay ang labi nila. He touched the corner of her lips. “You are calm now. Let’s go back to work.”

Tulala siya habang nakatitig dito. Maraming naglalaro sa utak niya. Marami siyang gustong sabihin. Pero nanigas ang dila niya at naliliyo pa rin siya nang marinig niya ang paparating na yabag. Dumampot si Julian ng libro at umupo sa harap ng computer. Saka lang niya naintindihan ang nangyayari nang bumukas ang pinto at pumasok si Jumeirah na nakakunot ang noo. “Okay lang ba kayong dalawa? Hindi ba kayo nag-aaway habang wala ako?” tanong nito.

“Hindi. Arjh was so nice to teach me what to do,” sagot agad ni Julian na parang walang nangyari. Na parang di siya nito hinalikan. Na parang di ito ang dahlan kung bakit parang wala siya sa sarili at lumulutang nang mga oras na iyon.

“Okay ka lang, Arjh? Namumutla ka yata,” puna ni Jumeirah.

“pupunta lang ako sa powder room,” aniya at dali-daling pumasok sa restroom ng library. Nanginginig niyang hinawakan ang sariling labi habang nakatitig sa repleksiyon niya sa salamin.

Julian kissed her. Gusto niyang magalit at magwala. He had no right to kiss her. Ni hindi siya nakapagprotesta. And she even enjoyed the kiss. What’s wrong with her?

Mariin siyang pumikit. Gusto niyang yugyugin ang sarili niya para matauhan. Julian was her enemy. The kiss was unforgivable. At titiyakin niyang di na ito makakalapit pa sa kanya sa susunod at di na mauulit pa ang halik nito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.