Nag-floating si Arjhilleyne habang nakapikit ang mata. Nasa indoor pool area siya sa Olympic Village na nasa pagitan ng Mist Valley Village at ng Central Town. Katatapos lang ng first day ng water tai chi niya. Relaxing ang naturang sports kumpara sa ibang martial arts. Ini-enroll siya ni Doktora Nathaniella dahil di daw nakakatulong sa kanya ang taekwondo work out niya. Mas lalo lang siyang nagiging bayolente. It was high time that she toned it down.
Di naman siya nagkamali sa pagsunod dito. Masayang kasama ang iba pang mga babaeng guest na babae sa isla. Mabait din sa kanya ang mga nobya ng ilan sa mga miyembro gaya nina Imhan at Rahya. At katabi pa niya ang sikat na ballerina na si Rayanne Nollieda. Muntik nga siyang magpa-autograph kundi lang sila nasa tubig. Ang panira lang naman ng araw niya ay ang mga miyembro ng Sirens na late at prima donna. Mabuti na lang at naroon si Prince Rostam at ang iba pang mga village lords para obserbahan ang naturang klase. Kanya-kanya tuloy silang pasikat.
“Hindi na dapat nandito iyang mga village lords na iyan. Nakakasira ng concentration,” reklamo ni Imhan na ina-adjust ang swimsuit. “Nako-conscious tuloy ako sa ka-sexy-han ko. Pinapataba kasi ako ni Jayden.”
“Imhan, ipamahala na lang ninyo sa amin ang mga village lords. May Jayden ka na,” sabi ni Tennessee na executive assistant naman ni Draco Montague. Iyon lang daw ang chance nito para tumakas sa tyrant nitong boss. Siya naman ang binalingan nito. “At ikaw, may Julian ka na.”
“Julian who?” nakataas ang kilay niyang tanong.
“Ayun, o!” At inginuso ni Rahya si Julian na patingin-tingin sa kanya chit na kausap nito ang village lord na si Ryuhei.
“Umahon na tayo at hindi ako interesado sa mga siyokoy,” usal na lang niya at nagkunwaring di ito napansin. Tanggap na niya na kailangan niyang mag-coexist sa mundo kasama si Julian. After all, miyembro ito ng Stallion Island. Basta huwag lang itong lalapit sa kanya at huwag siya nitong kakausapin o buburahin niay ang guwapong mukha nito.
Alas dos pa ng hapon ang pasok niya sa trabaho kaya ang buong umaga niya ay para sa pagliliwaliw. Nagpaplano siya ng mga gagawin habang nagsa-shower. Mabuti na lang at naka-hook up siya sa tracker ngayon. Kung nasaan man si Julian ay malalaman niya at maiiwasan niya ang lugar na iyon. At binigyan siya ng tip ng tai chi instructor niya na si Xandie. Si Julian naman ang magsi-swimming pagkatapos niya. As a matter of fact, naririnig pa niya ang ilan sa mga Sirens na sasamahan daw mag-swimming si Julian. Magpapalit lang daw ng swimsuit ang mga ito. Ang mga babaeng iyon talaga. Parang nabuhay lang para magpaganda at magpa-sexy sa mga kalalakihan. Wala bang ibang alam gawin ang mga ito?
Matapos mag-shower ay binuksan niya ang locker niya. Awtomatiko iyong bumukas. Nakalimutan na naman siguro niyang isara ang locker niya. Isa iyon sa sakit niya. nagmamadali siya kanina kaya di niya nai-lock.
Siya siguro ang miyembro ng isang security team na walang pakialam masyado sa mga gamit niya at sa seguridad niyon. Wala namang magkaka-interes sa mga gamit niya. hindi naman diamond studded ang mga damit niya at di naman bago ang model ng cellphone niya.
Kinuha niya ang mga damit na pamalit sa bag niya. Nagsalubong ang kilay niya nang di niya makita ang panty niya. “Huh! Nasaan na iyon?” tanong niya at paulit-ulit na hinalungkat ang bag. Sigurado siya na dala niya iyon. dalawang beses pa niyang tsinek kanina bago siya umalis ng bahay. “Baka nalaglag habang papasok ako,” usal niya at naalalang tumawag sa kanya si Oliver habang papasok siya sa shower room. Namutla siya. Baka may nakapulot no’n. Nakakahiya!
“May problema ba?” tanong ni Rahya.
“A-Ano, Miss Rahya… sabay tayo nila Miss Imhan kanina, di ba? Kasunod ko lang kayong pumasok ng shower room. Wala ba kayong napansin na nahulog mula sa bag ko?”
Umiling ito. “Wala.” Bumaling ito kay Imhan na naghahalungkat din sa locker. “Imhan, may napansin ka bang nalaglag sa gamit ni Arjh kanina?”
Umiling si Imhan. “Wala. Ano ba iyong nalaglag?”
Sasabihin ba niyang underwear niya ang nalaglag? Nakakahiya naman yata iyon. “W-Wala po. Thank you na lang. Hahanapin ko na lang siguro,” aniya at dali-daling lumabas ng shower room at hinanap sa hallway kung may nalaglag. Baka naman napulot na iyon ng janitor.
Mamamatay siguro siya sa kahihiyan pero mas di naman niya kayang umalis sa lugar na iyon nang walang underwear o may basang underwear. May pasok pa siya. Bahala na si underwear. Wala namang nakakaalam na sa kanya iyon. Magpapatuyo na lang siya underwear sa dryer mamaya kapag wala nang tao sa shower room.
Pabalik na siya sa shower room nang makasalubong naman niya si Julian. Di agad siya nakagalaw dahil nakatapi lang ito ng tuwalya at walang suot na pang-itaas. He was showing off his lightly tanned skin with lean muscles. Drat! Di na siya bago sa mga lalaking naghuhubad sa kanya pero bakit parang bigla siyang inalinsanganan nang makita niya ito. He somehow affected her.
Di sana niya ito papansinin nang makita niya ang kahon na hawak nito. At sa loob niyon ay ang underwear niya. “H-Hoy! Bakit nasa iyo iyang.. ano… Ninakaw mo siguro iyan sa locker ko!”
Tumaas ang kilay nito. “Ha? Basta na lang itong ibinigay sa akin ng janitor kanina pagka-shower ko. May nakalagay pa ngang love letter galing sa iyo.” Inangat nito ang piraso ng papel na nasa loob din ng kahon. “Julian, kailangan ko ang init ng iyong katawan.”
“Ano? Hindi sa akin galing iyan!” panggagalaiti niya. nang mga oras na iyon ay gusto na niyang matunaw sa kahihiyan.
“Pero sa iyo itong underwear?” nanunukso nitong tanong.
Mariin siyang pumikit para di niya makita pati ang panunukso sa mga mata nito. It must be the most humiliating moment of her life. Julian Veron Yun, the man she hated the most, had the most intimate piece of garment she owned. Pakiramdam tuloy niya ay nakita na rin nito ang buong katawan niya.
Inilahad niya ang kamay. “Sir Julian, kung pwede po ibalik ninyo iyan sa akin. Please!” kailangan na niyang magbihis. At di na siya makakatagal pang tumayo sa hallway nang naka-robe habang ito ay tuwalya lang ang suot.
“Ayoko nga! Bigay mo na ito sa akin.”
Ipinadyak niya ang paa. “Hindi ko iyan ibinigay sa iyo!”
“Sino naman ang magbibigay nito kundi ikaw lang.”
“A-Ano… may kumuha niyan sa locker ko.” Hindi niya alam kung sino ang kumuha pero aalamin niya. Someone tried to set her up. Made her look like a tramp. Saka na niya poproblemahin iyon. Kailangan mabawi niya ang underwear niya.
Tumawa ito ng pagak. “I don’t believe you. Hindi mo naman kailangang i-deny kung may nararamdaman ka para sa akin. I can’t really blame you. After all, I am a really irresistible guy.”
Irresistible? Pwede ba! Kapag di pa nito ibinalik ang underwear niya, baka di niya ma-resist na sapakin ito. “Ibalik mo na sa akin iyan.” Sumugod siya at sinubukang agawin ang kahon mula dito.
Mabilis nitong inangat ang kahon. “Hoops!”
“Akin na…” Itinaas niya ang kamay at pilit na inabot ang kahon. He was tall. Ang haba pa ng galamay nito. Di niya alam kung paano maaabot. Tumalon siya pero di pa rin niya maabot. Pinaggiyagis niya ang ngipin at muling tumalon. “Akin na!”
Kumapit siya sa balikat nito at saka bumuwelo. Nakuha niya ang kahon pero nawala ang ngiti niya nang makitang wala iyong laman. Napasinghap siya nang maramdaman ang mainit at basang balat ni Julian sa ilalim ng palad niya. Nanlaki ang mata niya nang makitang sobrang lapit niya dito. Their bodies almost touched. He was grinning at her. Parang sinasabi na ang gusto talaga niya ay ang katawan nito at nang mga oras na iyon ay pinagsasamantalaha niya ito.
Umurong siya na parang napaso. Makakahinga na sana siya nang maalalang wala sa kahon ang underwear niya. Nakalambitin iyon sa hintuturo ni Julian.
Mas malala pa ang pakiramdam niya ngayon. Parang hawak na nito ang maselang parte ng katawan niya. No! hindi pwede!
“Akin na iyan!” sigaw niya at sinubukang agawin dito ang panty niya.
Subalit mabilis itong nagtatakbo palayo. “Habulin mo muna ako!”
Napilitan siyang habulin ito. But Julian was so fast. Mas mahaba pa ang biyas nito. “Hoy! Bumalik ka dito! Oras na maabutan kita, gugulpihin kita!”
HUmalakhak pa ito. That masculine laugh echoed around the pool area. At talagang nakataas pa ang kamay nito at ipinagmamalaki ang underwear niya. Huwag itong magpapahuli sa kanya o papatayin niya ito. He had no right to flaunt her underwear in public and humiliate her!
“Julian Veron Yun, ibalik mo sa akin iyan!” sigaw niya at lalong binilisan ang takbo. Kundi pa niya ito mapipigil, tiyak na ipagwawagwagan nito ang underwear niya sa buong isla. That would be the ultimate humiliation at magpapakain na siya sa pating.
Habulin mo ako kung kaya mo!” tukso pa nito at sinadyang bagalan ang takbo hanggang mahabol niya ito, Abot-kamay niya ito pero bigla na naman itong makakatakbo palayo. Iniinis lang siya.
Hindi siya tumigil sa pagtakbo. Nagkunwari siyang bumagal sa pagtakbo dahil sa pagod. Binagalan din nito ang pagpapahabol sa kanya. Saka siya biglang tumakbo nang mabilis at hinablot ang tuwalya nito. “Huli ka…”
Malakas na tili na yumanig sa buong indoor pool area ang lumabas sa bibig niya nang makitang walang saplot sa katawan ni Julian. She could clearly see his family jewels protruding proudly. “Eeeeee!” tili niya habang kipit ang tuwalya sa katawan niya.
Hindi iyon dapat nakikita ng mga inosente niyang mata. The proof of his masculinity was huge. Dapat ay di siya tumingin pero di niya maalis ang tingin dito.
Lumakad ito ng puno ng kompiyansa palapit sa kanya. Ni hindi man lang ito nahihiya sa kahubdan nito. “Pwede ba huwag kang maingay?” iritadong tanong nito.
Umurong siya. “Huwag kang lalapit sa akin,” aniya sa nanginginig na boses.
Pero patuloy itong lumapit at inilahad ang kamay. “Ano bang…”
“Huwag ka sabing lalapit! Saka magbihis ka nga! Hindi ka ba nahihiya at ipinaparada mo pa ang katawan mo?”
“Paano ako magtatakip? You obviously prefer me naked,” anito at walang kakiyeme-kyemeng namaywang.
Oh, gosh! Ilang sandali pa itong mag-exhibit ng hubad nitong katawan ay malapit na siyang himatayin. Ayaw niya itong makitang hubad.
“Your nudity is repulsive! Dream on!”
“Bakit ayaw mong ibalik sa akin ang tuwalya ko?” nakangisi nitong tanong.
Saka lang niya nakita na kipit pa niya sa dibdib niya ang tuwalya. And she was clutching at it like a lifeline. Nanghihina na siya. Ang tuwalyang iyon ay nakadikit sa hubad na katawan ni Julian kanina. parang hinawakan na rin niya ang kahubdan nito.
Ibinato niya ang tuwalya dito at sapol ito sa mukha. “Ibalot mo ang sarili mo at ibalik mo ang underwear ko! Bilisan mo para mapatay na kita. Dali!”
Ngingisi-ngisi pa si Julian at talagang iniinis siya nang biglang mawala ang ngisi sa mukha nito habang nakatingin sa likuran niya. Dali-dali nitong inayos ang tuwalya. “P-Prince Rostam? Rouen?”
Napalingon agad siya at awtomatikong yumuko nang makita ang dalawang village lords ng isla. Kasunod ng mga ito sina Jairon at Xandie. Akala niya ay wala na ang mga ito doon. Pakiramdam niya ay may nakabitin na malaking itak sa ulo niya at nakahanda nang tagain ng leeg niya. Sa dinami-dami ng makakakita sa kanila, ang mga ito pa.
“Julian, what’s going on here?” nakakunot ang noong tanong ni Prince Rostam.
“W-We are just having fun,” kaswal na wika ni Julian.
Matalim niya itong tiningnan. “Fun? Maniac ka nga.”
“Ako ang maniac? Ikaw nga itong kung anu-anong ibinibigay sa akin.”
Hinablot niya ang panty niya mula dito. “Akin na nga iyan! Maniac! Hindi pa ako baliw para bigyan ka ng kahit ano except I want to kill you…”
Dali-daling umawat si Jairon sa kanila. Hinatak naman siya ni Xandie palayo kay Julian at pumagitna ang isa sa royal guard ni Prince Rostam. Pati isa sa member ng security ay dumalo na rin. “Huwag kayong dito magpatayan, Miss Reyes. Not in front of the village lords,” mariing wika ni Jairon ngunit may himig ng pakiusap.
Saka lang siya natigilan nang makita ang matiim na tingin ni Prince Rostam sa kanila ni Julian. Si Rouen naman ay pasipol-sipol lang na parang ayaw ma-involve sa gulo. Oh, she blew it! Sa harap pa ng mga village lords. Kung pwede lang sana ay may dumating na tsunami at tangayin na siya. Matindi ang kaparusahan sa kanya ngayon!
Ipinitik ni Prince Rostam ang daliri at isang magandang babae na itim na itim ang buhok at may berdeng mata ang lumapit dito. “Jumeirah, contact the rest of the village lords. We have an urgent matter to discuss.”
“Ako na rin pala ang personal assistant mo. Hindi ba mas malaki ang sweldo no’n kaysa sa mga karaniwang alipin?” tanong ni Jumeirah.
Matalim ang mata itong tiningnan ni Prince Rostam. “Just follow my order, slave,” he said in a hiss. Nadoble pa ang talim ng mata nito nang muling balingan sila ni Julian. “Once you two are decently dressed, sumunod kayo sa The Peak.” Bumaling ito sa kasamahan niyang miyembro ng security force. “Huwag mo silang paglalapitin. I don’t want blood on the pool. I don’t want bloodshed in my island.”
Nakatulala lang siya habang sinusundan si Prince Rostam at ang mga kasama nito na palabas ng indoor pool area. Parang nagmistula siyang bato. Pinasusunod siya nito sa Peak na siyang official residence ni Prince Rostam na isang high tech na palasyo sa tuktok ng bundok. Doon din nagko-conference ang mga village lords lalo na kung may emergency. Doon sila nagdedesisyon kung sino ang dapat gawing miyembro ng Stallion Island, sino ang tatanggaping tauhan at sino ang patatalsikin. At ang huli ang siyang kinatatakutan ng lahat.
“Wow! May imbitasyon ako sa the Peak. Dapat magpaguwapo ako para naman di mapag-iwanan ang kakisigan ko ng mga village lords,” sabi ni Julian. Balewala dito na pupunta sila doon para litisin at pugutan ng ulo.
“Manahimik ka nga! Kasalanan mo oras na mapaalis ako dito sa isla,” mangiyak-ngiyak niyang sabi. “Salot ka sa buhay ko! Salot ka!”
Nagtatakbo siya papunta sa shower room at hinayaang tumulo ang luha. Kasalanan ni Julian Veron Yun ang lahat ng ito. Ngayon ay tiyak na wala na siyang kawala pa.
PINIPILIT ni Arjhilleyne na tatagan ang bawat hakbang niya papunta sa council room. Nasa ikalawang palapag iyon ng marangyang palasyo ni Prince Rostam sa The Peak. Bawat hakbang ay nanghihina siya. Parang isa siyang hayop na kakarnehin at dadalhin sa katayan.
Hindi ako iiyak. Hindi ako iiyak, paulit-ulit niyang bulong sa sarili. Kung aalis siya sa islang iyon, aalis siyang may dignidad. May dignidad pa namang natira sa kanya sa kabila ng pamamahiya sa kanya ni Julian kanina. Gusto niya ay taas-noo siya kapag ibinigay ang hatol sa kanya. Wala siyang kasalanan. Biktima lang siya.
Tumigil sila sa harap ng higanteng pinto ng council chamber. Kumatok ang kasama niyang miyembro ng security force. Nilinga niya ang paligid. Nakakalungkot. Minsan lang siya naimbitahan sa palasyo. Pangarap niya na imbitahan ng isang prinsipe sa palasyo. Imbitado nga siya pero palalayasin naman siya sa isla nito. Nilinga niya ang Moorish architecture ng palasyo at puno ng panghihinayang na tinanaw ang painting. It was her last chance to dream a little. That she could pretend she was a princess. Na may pag-asa pa ang pangarap niya sa islang iyon.
Naputol ang pangarap niya nang bumukas ang malaking pinto. Bumungad sa kanya ang pitong nagguguwapuhang kalalakihan. Di siya makahinga. Isang pangarap siguro na makasama ang pitong village lords sa iisang kuwarto lang. Hindi ba ambisyon niya iyon. Natupad ang ambisyon niya hanggang tumutok ang mata niya sa pangwalong guwapong nilalang sa silid na iyon. Julian Veron Yun. Ang lalaking panira sa mga pangarap niya. May pitong anghel nga sa kuwarto iyon pero may demonyo naman. And the devil ruined her good mood totally. Ipinaalala nito sa kanya na nalalabi na lang ang sandali niya sa islang iyon.
“Take a seat, Miss Reyes,” wika ni Rouen at ipinag-slice pa siya ng lemon pie na may whipped cream sa ibabaw. “Relax, okay? Kumain ka lang.”
Tipid siyang ngumiti. She knew that he was trying to make her feel better. Pero di niya makakain ang lemon pie niya. Not with the dispecable Julian around. Mae-enjoy pa ba niya ang pie kung palalayasin na siya sa isla?
And The Great Julian the dork, prenteng-prente pa ito sa pagkain ng pie. Wala man lang itong pakialam sa damage na ginawa nito sa kanya.
“This taste great really,” sabi ni Julian. His tounge swiped the whipped cream on his lips. Nahigit niya ang hininga. That was sexy. Kumunot ang noo niya. Sexy? Ang manyakis na ito ay sexy? Biglang nag-flash sa utak niya ang kabuuan ng katawan nito. Bigla siyang uminom ng tubig at umiwas ng tingin dito. So he was hot. Wala siyang oras na pagpantasyahan ang lalaking sumira sa pangarap at kainosentehan niya.
Tumikhim si Alexandros. “So what is this meeting all about?”
“These two had a little scandal a while ago,” wika ni Rouen.
“I hardly call this little,” wika ni Evandro na nakakunot ang noo habang pinapanood ang video na kuha sa CCTV. Nagpalipat-lipat ang itim nitong mga mata sa kanila ni Julian. “Napapadalas yata ang lambingan ninyong dalawa.”
“It was quite a show,” Ryuhei said with an amused tone.
“Hindi po iyan lambingan,” mariin niyang tanggi.
Bumuntong-hininga si Julian. “My lord, anong gagawin ko? Hindi niya mapigilan ang sarili niya pagdating sa akin. Women! Minsan di makapaghintay…”
Naningkit ang mata niya. Pinalalabas ba nito na atat na atat siya katawan nito at wala siyang pipiliing lugar para sa pagnanasa niya dito. “Ang kapal ng mukha mo!” singhal niya at nakalimutan ang sarili sa sobrang gigil dito. Kundi lang may mesang nakaharang sa kanila ay hinablot na niya ito at sinakal. “Wala ka talagang kahihiyan kahit kailan. Exhibitionist ka na, ilusyunado ka pa!”
Tumayo ito ng buong kisig at taas-noo siyang tiningnan nang may kasamang nakakalokong ngiti. “Ano ang ikakahiya? Malaki naman!”
Natigagal siya hanggang dahan-dahang pumasok sa kamalayan niya kung anong ibig sabihin nito. Muli na namang nag-flash sa isipan niya ang hubad na katawan nito. At kahit pa nakadamit ito nang mga oras na iyon ay ang hubad pa rin nitong katawan ang nakikita niya.
Napaiyak siya sa sobrang pagkapahiya. Lahat ng pinipigil niyang emosyon ay tuluyan nang sumambulat. NAghalo-halo ang pagpapaalis sa kanya sa isla, ang pagkakapahiya niya sa ginawa ni Julian at ngayon ay para ipaalala nitong di niya sinasadyang makita ang kahubdan nito ay sobra-sobra na.
“A-Ayoko na dito,” humahagulgol niyang wika. Mas gugustuhin pa niyang palayasin sa isla kaysa tagalan ang presensiya ni Julian.