Stallion Island Series Chapter 102

“Good morning!” bati ni Arjhilleyne pagpasok niya ng library. Maganda ang umaga niya at maganda ang gising niya. Kailangan niyang simulan nang maayos ang muli nilang pagkikita ni Julian.

“Shhh!” saway ni Jumeirah sa kanya at inilapat ang daliri sa sariling labi. SAka nito inginuso ang isang lalaki na nakayukyok sa harap ng computer at mahimbing na natutulog habang hawak ang unan.

“Sino…” Nagulat siya nang paglapit niya at nakita si Julian. Magulo ang buhok nito at suot pa nito ang damit na suot nang nakaraang araw. “O! Bakit dito siya natutulog?” tanong niya.

“Dumating iyan dito kagabi. Magtatrabaho daw muna siya. Ayaw ko nga sana kaso kailangan daw. Ayaw daw niyang mapaalis ka dito sa isla.”

Parang may kamay na pumiga sa puso niya. Hindi naman siya nito kailangang alalahanin. Iisang tao lang naman siya. May kompanya pa itong iintindihin. May sarili din naman itong buhay na dapat alalahanin. Wala ba itong ka-date? Parang di yata niya ma-imagine si Julian na magdamag na kasama ang mga libro at di nakipag-date.

And it was all because of her. Nagsasakripisyo ito para sa kanya. Masyado yata nitong dinibdib ang galit niya dito. Nagalit lang naman siya dahil hinalikan siya nito at naapektuhan siya ng halik nito.

Hindi ba nito alam na may binubuhay itong kakaibang emosyon sa kanya? That she was starting to see him as a real man who has a heart and who cares?

“Maiwan ko muna kayo,” sabi ni Jumeirah. “Kumain ka na ba? Gusto mo ba sabay na kayong mag-breakfast ni Julian?”

“Sige. Salamat,” sabi niya at inokupa ang computer sa tabi. Dapat ay magsisimula na siya ng trabaho pero di niya maalis ang tingin kay Julian. Matigas ang mahogany desk na iyon. Mukhang nakatulog ito habang nagtatrabaho. May couch naman doon pero di man lang ito doon humiga. And he looked so tired.

Tumayo siya at hinaplos ang buhok nito na bahagyang tumatabing sa noo nito. napaurong siya nang umungol ito at dahan-dahang dumilat. Kumurap itong ilang beses hanggang napatitig sa kanya.

“Julian, good morning!” nakangiti niyang bati. “Mabuti gising ka na. hindi ka dapat dito natutulog sa desk. May couch naman. Doon ka na lang…”

Dali-dali itong tumayo na parang naalarma nang makita siya. “Drat! I am sorry! Umaga na pala,” usal nito at isinuklay ang daliri sa magulong buhok. “Kanina ka pa diyan? Nakatulog ako pero madami pa akong hindi nagagawa.”

Tiningnan niya ang talaksan ng libro na nasa ibabaw ng desk. Madami doon ay may code na. Mukhang sineryoso nito ang pagtatrabaho.

“Okay lang iyan. MArami ka nang nagawa. Magpahinga ka na muna,” sabi niya. “Pagbalik ni Jumeirah, sabay daw tayong magbe-breakfast.”

“Breakfast?” usal nito at sinapo ang sariling noo. “May breakfast meeting pa ako kasama ang ilang Japanese investors na kasama ni Kuya Hiro. Okay lang ba kung aalis ako sandali?” tanong nito na may himig ng pakiusap.

“Oo naman.” Mas masipag pa nga ito sa kanya sa dami ng na-accomplish nito. Ni wala pa sa kalahati ng nagawa nito ang nagawa niya.

Hinablot nito ang wool jacket nito at tumakbo sa may pinto. “Thanks! Babawi na lang ako mamaya. Pasensiya na talaga.”

“Aalis ka na? Magbreakfast muna tayo.”

Pero di na siya narinig pa nito dahil sumara na ang malaking pinto ng library. Nag-alala siya. Wala na nga itong matinong tulog, di pa ito nag-aagahan. At hindi man lang niya nasabi dito na gusto niyang mag-sorry sa masasakit na salitang sinabi niya dito nang nakaraan.

NAGKAKANTIYAWAN ang mga kasamahan ni Arjhilleyne sa security department habang papunta sila Windy Café para mag-videoke. Ayaw sana niyang sumama sa mga ito dahil pagod na pagod siya sa trabaho. Sa umaga ay inaasikaso niya ang library at tumutuloy na siya sa trabaho matapos iyon. Mas gusto niyang matulog na lang. Pero hindi naman niya pwedeng pahindian ang mga kasamahan niya. Treat ng mga ito ang videoke dahil sa kasipagan niya.

“Do you think this is necessary?” tanong pa rin niya kay Oliver habang pinipigil ang mapahikab.

“Come on! Magdadalawang linggo ka nang nakakatagal sa punishment ng mga village lord nang hindi napapaalis sa isla. Hindi kayo nag-aaway ni Julian. Kundi kayo mag-aaway, malaki ang tsansa mo na mag-stay dito,” paliwanag ni Oliver.

Isa pang dahilan kung bakit gusto na lang niyang matulog. Ayaw niyang isipin pa si Julian. Halos hindi sila nagkikita kapag nasa library. Mukhang sa gabi nito pinipiling magtrabaho at kapag umaga na at paparating siya ay saka ito aalis. Hindi na siya nagkakaroon ng pagkakataon na makausap pa ito. Nagiging pabigat na iyon sa kanya. She may be a proud woman. Pero natatalo siya ng matinding guilt. Hindi deserve ni Julian ang kalahati ng mga nasabi niya dito.

Siguro ay na-trauma si Julian sa kanya. Na tuwing lalapit siya dito ay nawawalan siya ng bait ang tanging gusto lang niya ay makipag-away dito. And in a way, he was protecting her. Siya ang higit na mapapahamak kapag nangyari iyon. nadagdagan na naman ang guilt na nararamdaman niya.

“Walang laitan ng boses, ha?” aniya sa mga ito. Hindi naman kasi siya pang-diva. Malakas lang ang loob niyang magbibirit kapag kasama ang pamilya at mga kaibigan niya. But not with overbearing gorgeous men around. Baka lalong walang manligaw sa kanya kapag narinig siyang kumanta.

“We are here to have fun. Just sing. At kapag hindi ka kumanta, ikaw ang magbabayad ng bill natin,” sabi ng kasamahan niyang si Rigor.

Puno ang café maging sa labas kung saan malakas ang hangin at tanaw ang mga puting windmill na di lang source ng kuryente sa buong isla kundi isang attraction din. Pero mas matinding atraksiyon ang videoke night. Kahit na may mga private rooms, bakante ang mga iyon kapag videoke night. Parang social event na iyon sa isla. At kung maswerte ay maririnig nilang kumanta di lang ang ilan sa kilala sa music industry na member ng Stallion Island kundi maging ang mga mismong village lords. Lahat ay gusto lang magsaya.

Hindi agad sila nakakuha ng mesa. “Nakalimutan kong magpa-reserve,” kakamot-kamot na sabi ni Rigor na siyang nautusang mag-reserve ng mesa para sa grupo nila. Tumayo siya malapit sa pinto at pinakinggan ang pagkanta ng Laki sa Layaw ni Jayden Arcena habang ka-duet si Yzaak. It was OPM night. Gusto ng mga village lords na i-promote ang kanta ng mga Filipino lalo na ang pagta-Tagalog.

Si Quillian na isang TV producer ang siyang host sa gabing iyon. “Ang susunod ay ang makabagbag damdaming kantang Muli ni Julian Veron Yun.”

Nagpalakpakan ang lahat nang umakyat sa stage si Julian. Bahagya pa itong kumaway at saka kinuha ang microphone. Hindi niya alam na nandoon pala ito. Buong araw niya itong di nakita. Tuwing nakikita niya ito ay lagi na lang itong mukhang pagod at kulang sa tulog. He looked a bit better now. Siguro dahil kahit paano ay nakapag-relax na ito.

“This song is for a very special girl. Happy birthday, my princess,” he said with longing in his voice.

“Princess?” tanong niya at awtomatikong tiningnan ang upuan nito. Bakante iyon at mukhang si Julian lang naman ang umookupa. Nasaan ang ka-date nito? “Sino ang may birthday?” tanong niya sa dumaan na waitress.

Nagkibit-balikat ito. “Hindi ko rin alam. Kanina pa nga umiinom si Sir Julian at sabi magse-celebrate daw siya dahil birthday ng prinsesa niya. Baka nga in-indian siya ng ka-date niya.”

Si Julian? Hindi sisiputin ng ka-date nito? Parang imposible naman yata iyon. Walang babaeng humihindi kay Julian. Well, she was an exemption.

Pumikit si Julian nang dumating na sa chorus ang kanta. “Bakit di pagbigyang muli ang ating pagmamahalan?”

Narinig niya ang pagsinghap ng grupo nila Pinay na nobya ni Leigh Armaund Lopez at ng mga kaibigan nito na bisita doon. “Nakaka-in love naman ang kanta niya,” komento ni Haellene.

Pero sinong babae ba ang di gugustuhing kantahan at haranahin ni Julian. He had a very nice voice. Parang bawat bigkas ng kanta nito ay sinasabing mahal na mahal nito ang babaeng inaalayan nito ng kanta. It was heartfelt. But there was also pain. Di niya inaalis ang tingin dito nang makaupo na sila sa bandang unahan. Napatunayan niya iyon nang makita ang lungkot sa mga mata nito pagdilat nito.

Umalingawngaw sa utak niya ang sinabi ni Jazzmire tungkol dito. He also has a heart that’s hurting. Kung titingnan mo lang ang mga mata niya, malalaman mo na hindi totoo ang mga ngiti niya.

And Julian looked so bare and vulnerable at the moment. Hindi na nito magawang itago ang lungkot at sakit dahil sa kantang iyon.

Matapos ang kanta ay ngumiti ulit ito. He stilled when his eyes met hers. Gusto niyang sabihin na okay lang. Di nito kailangang magpanggap na masaya ito. Iniwas nito ang tingin at bumalik sa mesa nito. Saka ito tahimik na tumungga na uminom ng alak nito at parang nahulog sa malalim na pag-iisip.

He was alone. Ngayon lang niya ito nakitang nag-iisa. Palagi na lang itong may ka-date, may pini-flirt na babae o kaya ay kasama ang mga kapamilya nito o kaya ay kaibigan. And it looked it like he didn’t want company. Itinaboy nito ang mga miyembro ng Siren na nagtangkang samahan ito sa mesa. Then he gave the waitress his black card. Iyon ang membership card sa isla na siya ring ginagamit kung may babayaran ang mga ito sa establishment sa isla. He was leaving.

“Reyes, pumili ka na ng kakantahin mo,” untag ng bagong dating na si Ridge. Nangako ito na sasaglit habang breaktime nito.

“Sandali lang, Sir. May kakausapin lang ako,” aniya at tumayo para sundan si Julian na palabas na ng restaurant. Wala nang ibang pagkakataon para makausap pa niya ito. Pababa na ng hagdan si Julian nang maabutan niya. “Sir Julian, sandali! PWde ba kayong makausap?”

Nakakunot ang noo siya nitong nilingon. Nanatili ang kunot sa noo nito nang makita siya. “No! No, not tonight, Miss Reyes. Wala akong oras para makipagtalo sa iyo ngayon. I am not in the mood.”

Parang madulas ang dila nito. Pinakatitigan niya itong mabuti. Namumungay ang mga mata nito. Sa paraan ng pag-inom ng alak nito kanina, malamang ay lasing na ito.

“Look, wala akong planong makipag-away sa iyo. I just want to talk…”

Iwinasiwas nito ang kamay at naglakad palayo. Kahit ang lakas nito ay bahagyang mabuway. “Kung may problema sa trabaho natin sa library, bukas na lang natin pag-usapan. Naghihintay ang ka-date ko.”

“Ka-date mo?” tanong niya. Wala naman itong ka-date, di ba?

“Yeah!” Pagbaba ng hagdan ay naghihintay na sa baba ang groom at ang kabayo ni Julian na si Fleiron. “Ah! That’s my angel. Magseselos siya kapag may iba akong kausap ngayon. The night is beautiful, isn’t it? Fleiron and I will ride in the moonlight. Siya lang ang gusto kong makasama ngayon.”

Mukhang lasing na nga yata ito. Mas gusto pa nitong maka-date ang kabayo nito kaysa makausap siya. At ang masama, gusto nitong sakyan ang kabayo nito nang gabing-gabi at nakainom pa ito.

“Sandali! Hindi mo pwedeng sakyan ng kabayo mo. Lasing ka!”

Tumaas ang kilay nito. “So?”

Natigilan siya. Di man lang ba nito inaalala ang kalagayan nito? Paano kung malaglag ito sa kabayo at mabalian ng leeg?

Inalok ng groom ang renda ni Fleiron. “Sir Julian…”

Pinanlakihan niya ito ng mata. “Huwag mong ibibigay iyan sa kanya!”

Nasindank ang groom at napaurong. “Siya ba ang susundin mo o ako?” naninindak na tanong ni Julian.

“Lasing siya!” giit niya. “At oras na pasakayin mo siya sa kabayo niya at nadisgrasya siya, gugulpihin kita! Tandaan mo!”

“Don’t mind her,” sabi ni Julian na parang walang kwenta ang pag-aalala niya.

Naging mabilis ang kilos niya. Inagaw niya ang renda mula sa groom. “Sabing hindi pwede…”

Nanlaki ang mata ni Julian. “No!”

Siya man ay nagulat nang humalinghing si Fleiron. Nagwala ito at nagdadamba. Sa sobrang gulat niya ay di siya nakagalaw sa kinatatayuan. Hinatak siya ni Julian at pareho silang gumulong sa lupa. She was in shock. Manhid ang buong katawan niya hanggang maramdaman niya si Julian na nasa ibabaw niya. Yakap siya nito nang mahigpit. Pinoprotektahan siya nito mula kay Fleiron.

Pinakalma ng groom si Fleiron katulong si Kreige na siyang head ng Horse Sanctuary. Inilahad naman ng kapatid nitong si Chrome ang kamay nito. “Are you okay?” tanong nito.

“O-Okay lang po ako.” Pero di pa rin gumagalaw si Julian sa ibabaw niya. “Sir Julian? Sir Julian?” Di ito dumilat at hindi man lang umimik. Nahigit niya ang hininga. Anong nangyari dito? Nadambahan ba ito ni Fleiron kanina. Pinrotektahan siya nito nang di man lang iniisip ang kalagayan niya. “Nasaktan siya. Isugod natin siya sa ospital!”

INABUTAN siya ni Jairon ng kape. Kanina pa siya sa lobby ng clinic at di siya matahimik. Nasa loob pa rin at ine-examine si Julian.

“Thank you,” pasasalamat niya.

“You don’t have to worry. My brother is as strong as a horse,” sabi nito.

“Oo nga. Tigasin si Julian. Ako lang naman ang nagpapaiyak do’n,” pagpapalakas naman ng loob sa kanya ni Jazzmire. Maging ang ibang mga pinsan ni Julian ay nandoon at sumusuporta sa kanya. Wala namang naninisi sa kanya. But just the same. The guilt she felt was great. Paano kung mamatay ito dahil sa kanya?

“Wala kayo doon nang magwala iyong kabayo niya,” aniya sa nanginginig na boses. Nararamdaman pa rin niya ang matinding takot. Hindi naman dapat na masaktan si Julian. Dapat ay siya ang isusugod sa ospital at hindi ito.

Lumabas si Doktora Nathaniella ng kuwarto ni Julian at naglapitan silang lahat dito. “There is nothing to worry. He is fine. No broken bones. Not even a scratch.”

“Pero wala siyang malay,” sabi niya. Hindi ito mawawalan ng malay ng basta basta na lang kundi ito nasaktan.

“The poor guy was drunk. Pero kung hinayaan ninyo siyang sumakay ng kabayo, baka kailangan nating i-glue ang mga bali niyang buto,” amused na sabi ng doktora. “You did a great job, Arjh. He wants to see you now.”

“Mamaya na lang. Sila muna,” aniya at nilingon ang pamilya nito.

“Ayokong makita siya,” sabi ni Warren. “Sinira niya ang date ko!”

Itinaas ni Jairon ang kamay. “May importante pa kaming pag-uusapan ni Lolo. Jazz, are you coming with me?”

“At pakinggan kung ano ang sasabihin ng sugo ng buwan para sa babaeng pakakasalan mo? That’s kinda boring for me.”

Sa huli ay nag-alisan din ang mga kapamilya ni Julian. Wala siyang choice kundi ang makipagkita dito. Nakapikit ito nang pumasok siya at bahagyang dumilat nang maramdaman ang presensiya niya. His eyes were clearer now. Siguro dahil nakatulog din ito ng mahigit isang oras.

“Hi! Tinakot ba kita?” tanong nito nang nakangiti.

Marahan siyang tumango at naramdaman ang pagbabanta ng luha sa mata niya. Natatakot pa rin siya para dito. “Akala ko… nadambahan ka ng kabayo mo.”

His breath hitched. “Better me than you. Mukhang nakaiwas naman ako at napakalma nila si Fleiron. He is not fond of women. Kahit si Jazzmire sinukuan nang makipagkaibigan siya.”

Sinapo niya ang dibdib. “Hindi na ako nag-isip kanina. Ayoko lang masaktan ka. Isipin mo na lang kung sumakay ka sa kabayo at nahulog ka.”

Ginulo nito ang sariling buhok. “Yeah! Stupid of me.”

“Dapat kasi magpahinga ka. Lagi ka na lang daw pagod at walang tulog sabi ni Doc Nathaniella. Tapos uminom ka pa. That’s not a good combination.”

“Pero nasisisi mo ba ako? I just want to drink and have fun for a while. And I just want to forget a little,” anito sa mahinang boses at iniwas ang tingin. There was the hurt again. Gusto niyang malaman kung sino ang babaeng dahilan ng kalungkutan nito. Was it his princess? The birthday girl. Subalit wala siyang lakas ng loob na magtanong. After all, baka lasing lang ito nang bumati ng happy birthday.

“Sorry kung makulit ako. Gusto lang kitang makausap,” sabi niya.

“May nagawa ba akong mali?” tanong nito sa malumanay na boses.

Umiling siya. “No. You were most behaved during these past few days. Gusto ko lang mag-sorry. Hindi kita dapat inakusahan ng pagiging iresponsable. Na mas inuuna mo ang pambababae kaysa sa mga responsibilidad mo.”

“What makes you so sure?”

Hindi niya pwedeng sabihin dito na nagkausap sila ni Jazzmire. Kinagat niya ang labi. “Na-realize ko na di ka lang nandito para mag-enjoy. May kompanya ka rin na pinapatakbo. May mga tauhan ka ring inaalala. Na hindi sa lahat ng oras, babae na lang ang iisipin mo. Nakita ko kung paano mo sinubukang bumawi. And I was too selfish not to consider your schedule. I mean… masyado akong nag-focus sa sarili ko. Na ayokong mapaalis dito sa isla. Di ko naisip na may ibang buhay ka rin.”

“Can’t blame you if you don’t trust me.”

Iwinaksi niya ang kamay. “Basta huwag mo nang masyadong pagurin ang sarili mo. Hindi ka na yata natutulog. Get some decent sleep. Ako na muna ang bahala sa library total maganda ang progress natin.”

“Kasalanan ko naman kung bakit tayo naparusahan. MAsyado akong nagpapapansin sa iyo, makalokohan…”

“Forget about it. Magtulungan tayo ngayon.” Inilahad niya ang palad. “Friends? Sa palagay ko naman pwede tayong maging magkaibigan.”

Nakakunot noo nitong tinitigan ang kamay niya na parang alien nito ang pakikipagkamay at pakikipagkaibigan. “I-I don’t know. I don’t have female friends. Kapag may nakilala akong babae, di ko kinakaibigan.”

“All you do is flirt with them and seduce them.”

Itinaas nito ang dalawang kamay. “That’s the only way I know.” Pero tinanggap nito ang pakikipagkamay niya. “But I will try my best to be a real friend to you.”

“No flirting?” tanong niya. “NO seduction.”

He smiled sheepishly. “I hope naughty remarks are fine every now and then. Di na kita masisisi basta kapag naakit ka pa rin sa kakisigan ko.”

Humalakhak siya sa biro nito. She was no longer threatened by Julian’s seductive eyes. Yeah! She thought they could be good friends.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.