Gusto nang kaladkarin ni Arjhilleyne si Julian pabalik ng Stallion Island para di na nito makita pa si Marly. Ano bang klaseng babae ang nagustuhan nito? She spent a time in bed with half-naked gorgeous demi-god like Raschid. Tapos ay excited pa rin si Julian na makita ito? Ni hindi man lang ito nagselos o nagalit? What the hell is going on?
“Shhh!” saway pa ni Julian sa kanya nang papasok sila ng kuwarto. “Ayokong gisingin si Marly. That’s her.”
Hinagilap ng mga mata niya ang babaeng gusto ni Julian pagdating sa kuwarto. Wala namang ibang tao sa payak na silid na iyon. Ang nakikita lang niya ay isang papag at isang malaking stuffed toy ng white tiger na nakahimlay sa baba ng papag. Lalapit sana siya para haplusin ang naturang stuffed toy nang biglang umangat ang ulo ng stuffed toy at naghikab.
“G-Gumagalaw,” aniya at napaurong.
Hinawakan siya ni Julian sa balikat. “Relax. Marly won’t eat you.”
“Marly?” Nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Julian at sa tigre na nagsimulang bumangon nang makita sila. “You mean that white tiger is your Marly.”
“Yes.” Hinaplos ni Juliana ng balahibo ni Marly. “How’s my baby? Na-miss mo ba ako?”
Napahawak siya sa hamba ng pinto habang pinapanood si Julian na makipaglaro sa tigre. At least hindi isang salawahan at talipandas na babae ang dinayo ni Julian doon.
“Julian, di ka ba lalapain niyan?” nanginginig niyang tanong.
“Maamo si Marly. Parang isa lang siyang malaking pusa.” Inilahad ni Julian ang palad. “Come on. Hindi ka niya sasaktan.”
“Ang laki-laki ng bibig niyan. Kasya tayong dalawa,” aniya at hindi tinanggap ang nakalahad nitong palad. Kung ang kabayo nga nito hindi siya sinanto. Lalo naman ang tigre na kilalang mabangis.
“Trust me. Marly won’t hurt you.”
Tinitigan niya ang nakalahad na palad ni Julian. Kaya ba niyang ipagkatiwala dito ang buhay niya? Tumingin siya sa mga mata nito. Nang ngumiti ito sa kanya ay awtomatiko niyang tinanggap ang kamay nito at hinayaan siyang igiya kay Marly.
“MArly, this is Arjh. Be nice to her okay?”
Kinawayan niya ang tigre na maang na nakatingin sa kanya. “Hi!”
Napapikit siya nang mariin nang umungol si Marly. Nanigas ang buo niyang katawan nang marahan itong lumapit sa kanya. Mumultuhin talaga niya si Julian kapag nilapa siya ng alaga nito. Pero nagulat siya dahil sa halip na bumaon ang matalim nitong ngipin sa katawan niya ay ikiniskis nito ang ulo sa binti niya.
Nagulat siya. Tama si Julian. Isang maamong pusa si Marly. Hindi ito katulad ng ibang tigre na mabangis. Mahina siyang tumawa nang makilti siya sa paglalambing nito. Hinaplos niya ang ulo nito. “Hi, Tiger Lily!” At dinilaan ni Marly ang pisngi niya. “Gusto niyang tawagin ko siyang Tiger Lily.”
Nakatagpo siya ng bagong kaibigan kay Marly. Pero mas gusto niya ito bilang Tiger Lily. Kasama nila ito ni Julian habang namamasyal sa iba’t ibang bahagi ng Nirvana Island hanggang magpahinga siya sa may tabing dagat kung saan tanaw ang Stallion Island. Hinahaplos ni Julian ang balahibo ni marly habang nakaupo sila sa buhanginan at nakahiga ulit si MArly.
“Sobrang tamad mo yata ngayon. Mananaba ka na niyan,” sabi ni Julian. Napansin niya ang pagiging malapit ng dalawa sa isa’t isa.
“Bakit white tiger ang gusto mong pet?” tanong niya.
“Noong bata kasi ako nawala ako sa Singapore Zoo. Iyak ako ng iyak. Five years old lang ako no’n at takot na takot ako. Alam mo ba na ang white tiger lang ang nakapagpatahan sa akin? Then Raschid rescued Marly in a raided hunting farm along with some of the animals here.”
“Hunting farm?”
“Rich people pay an exurbant price to kill wild animals in the farm.”
“That’s so cruel.”
Niyakap ni Julian si Marly. “Nang makita ko siya na sugat-sugat at may tama ng bala sa binti, nagdesisyon ako na ampunin na agad siya.”
“Bakit hindi mo siya dalhin sa Stallion Island at gawin mong pet?”
“No. She should be free to move. At itong Nirvana Island ang para sa kanya. Mas maalagaan siya dito. Masaya na akong dalaw-dalawin siya. Mabuti siyang kaibigan. May mga bagay na di ko nasasabi kahit sa mga taong malalapit sa akin pero sa kanila ko lang ni Fleiron nasasabi.”
Ginagap niya ang kamay ni Julian. “Pwede mo rin namang sabihin sa akin ang di mo nasasabi sa iba. Kaibigan mo rin ako.”
“Thank you!” anito at kinintalan siya ng halik sa noo.
Ngumiti siya. That kiss made her feel so light. Julian was indeed a good friend. At titiyakin niya na naroon din siya kapag kailangan siya nito.
HINDI makapakali si Arjhilleyne habang palakad-lakad sa treehouse. Alas kuwatro na ng hapon pero nasa Nirvana Island pa rin sila. Doon sila inabutan ni Julian ng malakas na ulan. Madilim na madilim ang langit at parang di titila ang ulan. Dinig na dinig niya kung paanong ipagwasiwasan ng hangin ang dahon at sanga ng malaking punong kinalalagyan nila.
“Bakit kasi biglang umulan? Ang init-init naman kanina at tirik na tirik ang araw,” aniya at humalukipkip.
“Why don’t you relax a bit?” sabi ni Julian na prenteng-prente sa pagbabasa habang nakaupo sa rattan chair at umiinom ng mountain tea. “Parang hindi ka nasanay sa pabago-bagong panahon.”
Masyadong busy ang araw na iyon. Wala pa yata sa kalahati ng Nirvana Island ang napasyalan nila. Nag-picnic sila kasama si Marly sa tabi ng batis sa gitna ng isla. It was really fun. Nakita niya ang sensitive side ni Julian. He really had a heart for animals and people. Nakita niya kung paano nito pinakisamahan ang mga katutubo sa isla na katulong ng wildlife foundation sa pangangalaga sa mga hayop doon. Ikinuwento pa ng mga ito na si Julian ang isa sa mga naunang tumulong nang magpatayo ng maliit na paaralan ang mga ito sa kalapit na islaa para makapag-aral ang mga anak ng mga ito.
Humikab siya. “Gusto ko nang umuwi at magpahinga.”
At hindi siya mapapakali hangga’t di siya nakakatulog. Nagsisimula nang manuot ang lamig sa katawan niya at dahan-dahan na siyang hinihila ng antok.
“Matulog ka muna. May futon naman sa kuwarto. Gigisingin na lang kita kapag tumila na ang ulan,” sabi ni Julian. “O gusto mo ipaglatag pa kita kung pagod ka na talaga.”
“Hindi na! Matutulog na lang ako,” aniya at dali-daling pumasok sa maliit na kuwarto. Maliit lang naman ang treehouse na iyon di gaya ng naunang treehouse na siyang bahay ni Raschid. Mukhang masarap matulog doon. Paglatag ng likod niya sa futon ay nakatulog agad siya.
Bigla siyang nagising sa malakas na kalampag. Nang dumilat siya ay umaalimpuyo pa rin ang malakas na hangin at ulan. Madilim na madilim na rin sa labas at ang tanging tumatanglaw ay ang maliit na rechargeable fluorescent light.
Tumayo siya. “Julian!” tawag niya dito sa nanginginig na boses. Ayaw niyang mag-isa sa dilim.
Di nagtagal ay narinig niya ang yabag nito. “Hey! Nandito lang ako.” Hinawakan nito ang kamay niya. “Nagising ka ba dahil sa ingay? Mukhang may bumagsak na sanga ng puno sa bubong.”
Nag-adjust ang mga mata niya sa dilim. May isa pang fluorescent light sa bandang sala pero madilim na madilim pa rin sa labas. “Anong oras na?”
“Nine o’clock.”
Nagulat siya. “What? Ganoon katagal akong nakatulog?”
“Mukhang napagod ka sa pamamasyal natin saka sa pang-aalipin sa atin sa The Peak. Mag-dinner muna tayo. Gutom ka na siguro. Si Raschid pa ang nagluto para sa atin. Idinala niya kanina.”
“Talaga? Parang hindi siya bagay magluto.” Dahil kahawig ito ni Prince Rostam, iniisip niya na isa rin itong prinsipe na pinagsisilbihan. Make that a primitive prince with scantily clad slaves. “Masarap ‘to. Kaano-ano siya ni Prince Rostam?”
Nagkibit-balikat si Julian. “Magkamukha lang talaga sila.”
“I don’t know. Mukha talaga silang kambal. At sa magkatabing isla lang sila nakatira. Kundi mo sinabi sa akin na alipin lang siya dito, pwede kong isipin na siya rin ang may-ari nitong isla.”
Nagsalubong ang kilay nito at tinitigan siya. “Crush mo ba siya?”
“Sino bang babae ang hindi magkaka-crush sa ganoon kaguwapo? May girlfriend na ba siya?”
Nalukot ang mukha ni Julian. “Mga hayop lang ang gusto niyang titigan. Bakit di ka na lang bumaling sa katulad ko na nakaka-appreciate ang feminine beauty.”
Tumawa siya ng nang-iinis. “Ang sabihin mo insecure ka lang.”
“Gutom lang iyan. Mukha lang siyang gusgusin, naging crush mo na.”
At nanahimik na si Julian habang kumakain sila. Ano bang nangyayari dito? Napikon ba ito dahil sinabi niyang insecure ito?
Lumipas ang isang oras. Lumalim na ang gabi pero di pa rin tumitila ang ulan. “Julian, paano na tayo makakauwi nito?” tanong niya dito.
Nakaupo ito sa rattan chair at pinapanood din ang ulan. “We have no choice. Dito muna tayo magpapalipas ng gabi. Hindi makakadaong ang yate dahil malaki ang alon. Baka bukas na ng umaga tayo sunduin kapag humupa ang ulan.”
“Susunduin ba tayo para pumunta sa main house nila?” tanong niya.
Tiningnan siya ni Julian at umiling. “masyado nang gabi para magbiyahe pa ang isa sa kanila at sunduin tayo. We’ll stay here.”
“Ano? Dito tayo matutulog?” bulalas niya.
“Oo. May mga toothbrush naman at toiletries na dinala si Raschid kanina in case daw dito tayo magpapalipas ng gabi. At kasya din tayo sa futon dahil pandalawang tao naman iyon…”
Itinaas niya ang palad para putulin ang pagpapaliwanag nito. “Wait! Sa palagay mo basta na lang akong matutulog dito kasama ka?”
“Bakit hindi?” Luminga ito. “Saan mo naman ako patutulugin, Arjh. Walang ibang kumot diyan at futon. Iyan lang ang meron. Buti nga tig-isa tayong unan.”
She was outraged. Iisang kumot at iisang banig. At kung magsalita ito ay parang normal lang ditong matulog sa kama kasama ang isang babae.
“Mauna na akong mag-toothbrush, ha? Kanina pa talaga ako inaantok,” sabi nito at pumasok sa maliit na banyo dala ang isang fluorescent light.
Tiningnan niya ang makitid na futon at ang kumot. Ibig sabihin ay talagang magsasama lang silang dalawa doon sa loob ng isang malamig na gabi.
Naalala na niya ang reputasyon nito. He was a womanizer. At walang babae itong nakakasama sa loob ng isang gabi nang di nito nakukuha. Nang lumabas ito sa maliit na CR ay dali-dali naman siyang pumasok. Malakas na malakas ang kaba sa dibdib niya habang nagsesepilyo at naghihimalos. Ito na ba ang gabi ng mga gabi? Ibig sabihin ay isusuko niya ang sarili niya sa treehouse na iyon?
It was not the most romantic first experience she could think of. Come on! It was unthinkable. Her dream was to become a virgin bride. At ibibigay niya ang sarili niya sa lalaking mahal niya. And all she shared with Julian were hot kisses which could make her go crazy.
Isinubsob niya ang mukha sa palad at nanlalambot na umupo sa nakababang lid ng toilet bowl. “No! This is not happening to me. I am not ready for this.”
Napapitlag siya nang katukin nito ang pinto. “Arjh! Gising ka pa ba?”
“Oo! Lalabas na ako diyan.”
“Akala ko kasi nakatulog ka na diyan.”
MArahan siyang lumabas. Hindi naman siya pwedeng matulog sa banyo para lang takasan ito. Kailangang harapin niya ang pagsubok na nakalatag sa kanya.
Paglabas niya ang kuwarto ay nakahiga na si Julian habang ang likod nito ay nakasandal sa dingding. Maayos na nakatupi ang polo shirt nito sa isang tabi. Binasa niya ang labi nang mapagmasdan ang katawan nito. He looked so sexy half-naked and dressed only in jeans. Oh, boy! At makakatabi niya ito buong gabi?
“Bakit di ka pa humihiga?” tanong ni Julian na nakapikit pa rin. “Natatakot ka sa akin?”
Mahabang sandali siyang di nakakibo. “Julian, alam mo naman na.. ano…”
“Come on! I won’t rape you. And I am too tired to think about sex anyway.” Tinapik nito ang bakanteng higaan. “Matulog ka na. Hindi madaling matulog ng nakatayo lang diyan.”
Bumilang siya ng tatlo at saka nagmamadaling nagtalukbong ng kumot paghigang-paghiga niya sa futon. “Goodnight!” dali-dali niyang sabi.
“Good night!” malambing na wika ni Julian.
Hindi siya humihinga sa ilalim ng kumot habang hinihintay ang susunod nitong gagawin. Nakikiramdam siya sa bawat paggalaw nito. Ano ba ang gagawin niya oras na sunggaban siya nito o halikan?
Kung hahawakan lang siya nito sa una, kaya niya itong labanan. Pero oras na hinalikan siya nito, baka isuko niya ang Bataan.
Lumipas ang mahabang sandali. Di pa rin natitinag si Julian sa tabi niya. Huminga muna siya ng malalim at lakas-loob itong nilingon. Maayos na ang paghinga nito habang nakasandig sa unan at tulog na tulog. Guwapong-guwapo ito at maamo ang mukha habang natutulog. Kinuyom niya ang palad para pigilan ang sarili na haplusin ang buhok na naligaw sa ibabaw ng mata nito.
Great! Ngayon ay siya pa yata ang magsasamantala dito. Kinumutan na lang niya ito at saka payapang nahiga. Ang guwapong mukha nito at ang makisig nitong katawan ang nakita niya bago niya ipikit ang mga mata. Dapat na siyang matulog o baka sa huli ay katawan pa ni Julian ang manganib sa kanya.
TILAOK NG manok ang gumising kay Arjhilleyne paggising niya kinabukasan ang mabangong amoy na kumikiliti sa ilong niya. Isinubsob niya ang mukha sa mainit na unan na yakap-yakap niya at piniling huwag munang dumilat. Masarap talagang matulog kapag may kayakap na unan sa maulang gabi.
Lalo pa niyang niyakap ang unan at isiniksik ang katawan. Masarap talagang matulog nang may kayakap. Parang may kayakap siya na malaki at mabangong stuffed toy. Only the scent of it was masculine and earthy.
Masculine. Earthy. Hindi ganoon ang amoy ng unan niya sa kuwarto niya sa lodging house sa Stallion Island. Where did that masculine and earthy scent came from? At mas malambot ang unan na dantayan niya. Habang ang yakap-yakap niya ay makinis. Parang malambot hawakan but she could feel the hardness there.
May narinig siyang umungol. Ungol ng isang lalaki.
Nanlaki ang mata niya nang malamang ang yakap niyang malaking stuffed ay si Julian. Nakasiksik siya sa katawan nito. Ang hubad nitong dibdib ang ginawa niyang unana. Nakadantay ang isang hita niya sa ibabaw ng hita nito habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa ibabaw ng pantalon nito.
The hardness! Oh, my!
Dali-dali niyang binawi ang kamay na parang napaso at dali-daling kumawala dito. Mabuti at tulog na tulog pa rin si Julian. Hindi ito nagising kundi umayos lang ng higa at hinila ang kumot para takpan ang katawan nito.
Nanuyo ang lalamunan niya nang sa wakas ay natakpan na ng kumot ang makisig nitong katawan. Noon lang siya natauhan at dali-daling nagpunta sa banyo. Habol niya ang hininga matapos maghilamos. She felt hot all over. Drat! Magkadikit ang katawan nila ni Julian buong magdamag. Siya ang yumakap dito at naglimayon ang kamay niya sa forbidden territory. Siya! Siya ang nagsamantala kay Julian.
Pagbukas niya ng pinto ay nagbibihis na si Julian. Naayos na nito ang hinigaan niya. Ngumiti ito sa kanya. “Good morning! Masarap ang tulog mo.”
Tumango lang siya. “A-Ano…” Paano ba niya sasabihin dito ang nangyari? Alam ba nito na yakap-yakap niya ito kanina? Anong mukha ang ihaharap niya dito?
“Nandiyan na ang sundo natin. Tinatanong ni Yvannka kung sasamahan natin silang mag-breakfast o ipapa-serve na lang nila sa yate.”
Umiling siya. “Sa isla na lang ako magbe-breakfast. Nakakaabala na akong masyado kung dito pa ako kakain.”
Nagkibit-balikat ito. “Ikaw ang bahala. Let’s go!”
Inoobserbahan niya si Julian kung may kakaiba sa kilos nito. Normal naman ito. There was no sexual tension. Siguro nga ay wala itong alam na yakap-yakap niya ito habang natutulog sila o naglakbay ang kamay niya sa lugar na di nito dapat kalagyan. Siya tuloy ang nato-torture.
Tinabihan siya ni Julian habang nakasalampak siya sa deck ng yate. “Gusto mo ba ng sandwich?” alok nito.
Umiling siya. “Salamat na lang.”
“May problema ba? Kanina ka pa tahimik.”
Nilingon niya ito. “Julian, kagabi…”
“Hmmm…” anito at kumagat ng ham sandwich.
“No! Kanina palang umaga…” Paano ba siya magtatanong dito kung kahit bahagya ba ay pinagtangkaan siya nitong akitin? Magdamag silang magkatabi. Lalaki lang ito. At mahihina ang mga lalaki.
Tumigil ito sa pagnguya. “Bakit? May ginawa akong mali?”
Umiling agad siya. “Wala. Gentleman na gentleman ka nga.”
“Safe ka sa akin! Ikaw lang itong walang tiwala sa akin.”
Ngumiti lang siya at tumango. Bakit ganoon? Hindi ba dapat ay masaya siya dahil gentleman ito sa kanya? But the mere fact that he didn’t show a bit of interest to her bothered her.
Wala ba siyang kakayahang mang-akit ng lalaki kahit konti? Pangit ba siya?