Stallion Island Series Chapter 106

Umugong ang tainga niya habang pino-proseso ng utak niya ang sinabi nito. “Ako? Gusto mong maging girlfriend? Naaawa ka ba sa akin at kailangan mong ibangon ang pride ko sa pamilya ko. You don’t have to do this, Julian.”

kahit na na-appreciate niya ang pagtatanggol nito sa kanya ay nakaka-insulto naman na kailangan pa nitong magpanggap sa pamilya niya na gusto siya nitong maging girlfriend. Ganoon ba talaga siya kapangit?

He pulled her against him then kissed her. He kissed her slowly with hot searing passion. At hindi iyon kagaya ng dating halik na ibinigay nito sa kanya. This one was full of emotion. As if his hands were caressing her soul. It was the kind of kiss that made her want to weep.

Yumakap siya sa leeg nito. Hindi na niya kayang labanan ang nararamdaman. She wanted his kiss. She wanted all of him. Kahit pa ano ang kapalit.

Nakatulala lang siya dito nang maghiwalay ang labi niya. “Sabihin mo sa akin kung awa lang ang nararamdaman ko para sa iyo. And mind you, I will never kiss a girl out of pity. Did you feel how much I want you?”

Gusto niyang maniwala. Madali sanang maniwala. Pero nakikibaka pa rin ang isipan niya. “Hindi ko alam, Julian. Noong nasa Nirvana Island tayo, ni hindi mo nga hinawakan ang dulo ng daliri ko.”

He groaned out loud. “It was the hardest night of my life. Akala mo ba hindi kita gusto? Akala mo ba hindi ako nahihirapan nang katabi ka pero di kita pwedeng hawakan, yakapin o halikan man lang? Damn! Kinontrol ko lang ang sarili ko. And it was so damn hard. Kahit nang pinagsasamantalahan mo ako habang tulog ka, ginawa ko ang lahat para hindi magpatukso.”

Namula ang buong katawan niya. “G-Gising ka?”

Gusto na niyang bumuka ang lupang kinatatayuan niya. Kahit na wala siyang malay nang mga oras na iyon ay nahihiya pa rin siya.

Hinaplos nito ang gilid ng labi niya. “Sino ba ang makakatulog kung katabi ka? And the thing you did to me put me through a lot of hell. For the first time, hindi sarili ko ang inisip ko. I don’t have to with other women before. mas importante ka sa akin. Mas mahalaga ang respeto ko sa iyo, ang pangarap mo… all the virgin bride stuff. Hell! I will give you that.” He cupped her face. “For me that’s beyond like.” Idinikit nito ang noo sa noo niya. “Beyond want.”

Umaapaw ang emosyon sa dibdib niya. It was surreal. Hindi niya kailangang maging kagaya ng mga babaeng nagugustuhan ni Julian dati. He was now the epitome of the man that she wanted to love her. Si Julian ang nagbago para sa kanya. And it made her more beautiful than she ever thought she could be.

“Julian, this is so unreal.” Kinintalan niya ng halik ang baba nito. “Nilayuan kita dahil hindi ko kayang mahalin ka habang di naman ako ang babaeng magugustuhan mo. Sabi ni Myco hindi ako ang type mo.”

Umangat ang gilid ng labi nito. “So you love me.”

“Ayoko sana. But yes. I love you! Iba ka sa Julian na unang nakilala ko. Iba ka sa Julian na kilala ng ibang tao. The more I get to know you, the more I like the new Julian.” At ngayon ay ito na ang kabuuan ng lalaking mahal niya. Parang kumpleto na rin ang pagkatao niya dahil sa pagmamahal nito.

“So ibig sabihin girlfriend na kita.”

Tumingala siya at bahagyang inilayo ang katawan dito. “Agad?”

Tumango ito. “Oo. Gusto mo naman ako, di ba? Tayo na.”

“At ganoon lang kadali maging girlfriend mo ako?” Hindi man lang ito naghirap na ligawan siya.

“Gusto mo ba ako o hindi? Kung ayaw mo sa akin, basted na ako ibig sabihin. Hindi na ako magpapakita sa iyo. Di na kita lalapitan.”

Pabiro niyang sinuntok ang braso nito. “Walang ganoon.” Huminga siya ng malalim. Nasa harapan na niya si Julian. Ngayon pa ba siya magpapakiyeme. “Okay. Payag na akong maging girlfriend mo.”

Nang halikan siya ni Julian ay tuluyan nang natunaw ang alinlangan niya. “You won’t regret this, Arjh. I will take care of you.”

And she believed him. She trusted Julian with her heart and soul.

MAAGANG gumising si Arjhileyne para sa blood donation na program. Nag-volunteer siya na mag-donate ng dugo na dati na niyang ginagawa mula noong college pa siya.

“Hindi ka pa ba aalis?” tanong ni Andrya na kasama din sa volunteer. “Baka hinihintay na nila tayo.”

“Wala pa si Julian. Dadaanan ko muna siya.”

Usapan nila ni Julian ay sasamahan siya nito sa blood donation. Laging supportive si Julian sa mga ginagawa niya. At lagi rin itong nagkukwento sa mga activities nito sa bawat araw. He even asked her opinion about his plans for the company. Mahalaga dito ang opinyon niya. Kaya hindi lang simpleng girlfriend ang papel niya dito. They were friends and even partners.

NAgtataka lang siya kung bakit di ito agad dumating sa usapan nila. Lagi naman itong maaga. Siguro ay late na itong natulog dahil dumating ang iba nitong pinsan galing abroad at nagkasiyahan ang mga ito nang nagdaang gabi.

Pagdating niya sa villa ng mga Yun ay palabas si Jairon. “Arjh! Good morning! Pasok ka muna.”

“Hi! Nandiyan po ba si Julian?”

“NAsa kuwarto pa. Natutulog. Halika! Gisingin mo.”

Nagulat siya. “Is he sick? Kasi sabi po niya sasamahan niya ako sa blood letting ngayon.” Nang pumasok siya sa kuwarto ni Julian ay nakatalukbong pa ito ng kumot at parang mahimbing ang tulog. Niyugyog niya ang balikat niya. “Julian!” Unol langa ng isinagot nito. “Julian, aalis na tayo!”

“Nahihilo pa ako. Susunod na lang ako,” anito at isinubsob ang mukha sa unan.

“Naku! Hindi sasama ‘yan! Blood donation pala,” sabi ni Jairon na nakasandal sa hamba ng pinto.

“Baka ubusin ni Dracness ang dugo ko,” reklamo ni Julian.

Hinila niya ito para bumangon. “Ano ka ba? Parang bata ka.” Ang pharmaceutical company ni Draco ang isa sa sponsor ng naturang program.

“Hindi iyan sasama sa iyo kahit makipag-break ka pa. takot iyan sa dugo,” sabi ni Jairon.

“Talaga?” tanong niya.

“Oo. Kaya nga nagkaproblema iyan nang magpapatuli,” ngingisi-ngising sabi ni Jairon.

Awtomatikong lumipad ang tingin niya kay Jairon. “Ibig sabihin hindi pa siya…”

Biglang bumalikwas ng bangon si Julian. “Hoy! Tuli na ako!” defensive na sabi nito at namaywang pa. parang handa nitong patunayan na na-circumsize na ito.

“Oo. Kundi ka pa hinimatay nang makakita ka ng doktor hindi ka matutuli,” anang si Jairon na hawak ang tiyan katatawa.

“At least tuli na ako,” sabi ni Julian at bumaba ng kama. “Saka hindi na ako takot sa dugo. MAtapang na ako.” May determinasyon sa mukha nito nang bumaling sa kanya. “Maghintay ka lang diyan. Di ako natatakot kahit limasin pa ni Draco the Vampire ang lahat ng dugo ko.”

“Whoo! Tapang-tapangan!” kantiyaw ni Jairon.

Makalipas ang twenty minutes ay taas-noong lumabas ng kuwarto si Julian at bagong ligo. Parang normal naman ito habang nag-aagahan sila. Siguro nga ay nang-iinis lang si Jairon. Hindi talaga ito takot sa dugo.

Papunta na sila sa blood letting camp na nasa gitna ng Central Town nang kumapit sa kanya si Julian. Nanlalamig ang kamay nito. “Okay ka lang?”

Lumunok ito pero pilit na ngumiti. “Of course. Di naman ako takot sa dugo.”

Tumango siya. “Good! Maiwan muna kita. Ipapa-assist na lang kita sa kanila.”

Tinapik niya ang kamay nito. “I will see you later.”

Nag-report siya kay Doktora Nathaniella. Nai-brief na siya nito sa gagawin. Sa registration lang naman siya naka-assign at sa refreshment kaya walang masyadong mabigat na gagawin. May libreng sweets kasi na specialty ng iba’t ibang restaurant at café sa isla para ibibigay sa mga nag-volunteer mag-donate ng dugo.

Nagre-replenish siya ng cream puff nang lapitan siya ng nurse na si Liyannah. “Miss Arjh, pwede doon po kayo sa tent namin? Hanap po kasi kayo ni Sir Julian.”

“Siya na ba ang magdo-donate?”

Tumango ito. “Di daw po namin siya makukuhanan ng kahit isang patak ng dugo hangga’t wala kayo sa tabi niya.”

Nang dumating siya sa tent ay namumutla si Julian. Ginagap agad niya ang nanlalamig nitong kamay. “Hey! Anong problema?”

“Aamin na ako. Takot talaga ako sa dugo. Pati iyong sinabi ni Kuya Jairon tungkol sa hinimatay ako…” Huminga ito ng malalim. “Ano…”

“Shhh… Okay lang. Di kita pipilitin kung ayaw mong mag-donate. Hindi ako makikipag-break sa iyo dahil do’n.”

Umiling ito. “No. Gusto kong mag-donate ng dugo. Gagawin ko iyon para sa iyo. But I need your help so I can do this.”

“Anong gagawin ko?”

“Kiss me,” bulong nito at kinabig siya. He kissed her deeply and with urgency. When his lips stiffened against hers, saka niya na-realize na tinusok na pala ito ng karayom. Nang maghiwalay ang labi nila ay kinukuhanan na ito ng dugo.

“Ang galing ninyo, Sir Julian,” sabi ni Liyannah at nag-thumbs up.

Ngumiti siya nang makitang kumalma na si Julian at may ngiti na sa labi habang nakahiga sa hospital bed. “Hindi naman pala masyadong nakakatakot magpakuha ng dugo.”

“That was very brave,” aniya at kinintalan ito ng halik sa noo.

Bumuka ang bibig nito. “Thank you, Arjh. Basta kapag may kinatatakutan ako, gusto ko dito ka lang sa tabi ko. I love you.”

“I love you, too!”

AT HOME si Arjhilleyne sa Stallion Riding Club. In a way ay pamilyar na siya sa naturang lugar dahil nakita na niya iyon sa TV, magazine at nasubaybayan sa nobela. But the real people who resides there were more wonderful. Kulang ang mga salita sa nobela para ipakilala ang pagkatao ng mga ito.

Niyakap ni Eron si Myco. “Na-miss kita, bestfriend!”

“Hindi kita bestfriend!” Itinulak ito ni Myco palayo. “Saka huwag mo nga akong niyayakap. Pagbintangan pa tayong yaoi dito! Di ako pumapatol sa lalaki.”

“Mas mahal naman talaga kita kaysa kay Arjhi!”

“Go away! Nakakadiri!”

Tumawa sila ni Sofiajade na nakatatandang kapatid ni Myco. Ilang beses na itong nakasama sa meeting nila sa Stallion Island dahil ito ang inventor ng mga security gadgets at ang pinakabatang imbentor ng Hinata Industries.

And there were a lot of familiar faces. Kasama na doon si Florecina na itinutukso kay Myco. Kahawig ito ng high school classmate niya na si Olympia Montez. “Tao na ang bestfriend ko,” komento ni Julian at inabutan siya ng champagne. “May taste naman siya, di ba?”

“Yeah! Maganda si Olympia. I mean si Florecina. Hawig talaga sila.”

“Iyong kaibigan mo na amazonang reporter? I assure you, hindi makakatapak ang reporters dito. Alam mo naman na allergic sa reporters ang mga club natin.” Nilingon nito ang bagong dating. “Nandito na pala ang hinihintay natin.”

“Eron!” bati kay Julian ng babaeng bagong dating. Kumunot ang noo niya dahil kahit ang babaeng iyon ay pamilyar sa kanya lalo na nang lumingon sa kanya. “Hi! You must be Arjhilleyne, Julian’s girlfriend.”

Unti-unti niyang nakilala ang babae at napanganga na lang siya. “You are Sindy Honazan! The author of Stallion Series!” Nagtitili siya at nagtatalon sa sobrang pagka-shock. “Naku! Matagal ko na kayong gustong makilala.”

Sinapo nito ang pisngi. “Naloka naman ako sa tili mo. Kumalma ka lang, okay? Nabanggit nga sa akin ni Julian na reader kita.”

“Di po sinabi ni Julian na nandito kayo. Di po ako nakapagdala ng libro.”

Her heart was beating erratically. Kundi dahil sa writer na ito, malamang ay hindi siya mangangarap na makapasok sa Stallion Riding Club, hindi siya makakapasok sa Stallion Island at di niya makikilala si Julian. She made women believe that they deserve to be loved and they could dream to become better women and to become successful in their respective fields. Men call it Amazon 101. Sindy called it women empowerment.

May inabot itong dalawang libro sa kanya. “May dala ako.”

Nagulat siya nang makita ang reprint ng novel ni Reid Alleje. “Ito ang libro na kulang ko. Pero wala pa po ito sa book stores.”

“Kinulit ni Julian si Boss Mattheu para i-reprint iyan. Araw-araw yata niyang kinukulit sa phone at binubulabog sa mga date. And that’s the first print. Mainit-init pa nang daanan ko sa publication kanina,” kwento ni Sindy.

“Really?” Puno ng pagmamahal niyang tiningala si Julian. “Thank you!”

Matapos pirmahan ang libro niya ay sinundo na si Sindy ng asawa nitong si Gabryel. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang mga Stallion couples na nasa dance floor. Sino ba ang mag-aakala na matatagpuan din niya ang sarili niyang Stallion hottie?

Pasimple niyang binuklat ang libro nang agawin iyon ni Julian sa kanya. “Masyado ka namang excited magbasa. LAlabo ang mata mo.”

“Siyempre! Ikaw ang nagbigay.” Humilig siya sa balikat nito. “Hindi ko inaasahan na bibigyan mo ako ng romance novel. Akala ko kasi masaya ka nang pabaunan ako ng memories na tatagal habambuhay.”

HUmalakhak si Julian. “Utang ko iyan sa iyo. Remember? Nasira ang unang copy mo nang gulpihin mo ako?”

Ngumiti lang siya nang maalala ang unang engkwentro nila. parang napakatagal na nang panahong iyon at di na niya maalala. Mas marami kasi silang magagandang alaala ni Julian ngayon.

“Who would have thought that you are my dream come true, Julian?”

“And you are better than my dreams, Arjh.” Inipit nito ang ilang hibla ng buhok sa tainga niya. “Mas gusto kong maging mabuting lalaki para sa iyo. Kahit anong mangyari huwag mo akong susukuan, okay?”

“Never,” wika niya at hinalikan ito. Para sa kanya, si Julian ang pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay niya. At hindi niya nanaisin na mawala pa ito sa kanya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.