“Arjh, hindi ka ba nagkaka-problema sa anak ko? Baka mamaya pinapaiyak ka pala niya. Isumbong mo sa akin,” sabi ng mama ni Julian habang nagmimiryenda sila sa tabi ng pool ng sa Tagaytay Highlands kung saan may villa ang mga Yun.
Julian’s parents were really nice people. Parang anak na agad ang turing ng mga ito sa kanya. Ilang beses na rin dumalaw ang mga ito sa bahay nila. May balae bonding pa nga ang magulang niya. mabuti daw iyon para magkalapit ang mga pamilya nila.
“Wala po. Mabait naman po si Julian. Hindi nga po siya nakikipag-flirt sa ibang mga babae.”
Nakikipagbiruan lang si Julian sa ibang mga babae pero lumalayo na ito kapag napapansin nito na may ibang motibo na ang babaeng lumalapit dito. Ginagawa ni Julian ang lahat para patibayin ang relasyon nila.
“Magugustuhan ka ni Lolo kapag nakilala ka niya,” sabi ni Jazzmire na sunud-sunod ang subo ng ice cream sundae.
“Pero may tampo pa si Lolo sa kay Julian at sa ibang pinsan namin. Itinakas kasi nila si Kuya Jairon mula sa kapalaran ng diyos ng buwan niya. Si Ate Xandie nga ang pinili niya, di ba?” wika ni Jazzy. “Hindi ko naman ma-imagine na isa sa Sirens ang pakakasalan ng kuya ko. Baka magbigti na lang ako sa puno ng kamatis. Nagmomonghe si Lolo sa templo sa bundok para daw ihingi ng tawad ang ginawa nila Kuya Jairon at para di bawiin sa amin ang kayamanan namin.”
Natawa siya dahil isang malaking isyu ang pagpili ni Jairon sa pag-ibig kaysa sa kapalaran nito. Kaya naman daw nitong kitain ang pera pero mahirap pakawalan ang babaeng matagal na nitong minahal.
“Buti po pala hindi kailangang pagdaanan ni Julian ang dinanas ng kuya niya,” sabi niya. “Hindi kasi niya ma-imagine na ibang babae ang pakakasalan ni Julian dahil lang sa feng shui.”
“Tita Veron!” tawag ng isang matangkad na babae na mukhang manyika sa mama ni Julian. Nakasuot ito ng striped na royal blue at white na shorts na nagpapakita sa mahaba nitong legs at tinernuhan ng white na tank top. She was tanned but her skin was smooth. Hanggang baywang ang mahaba nitong buhok. Parang supermodel ito.
“Deannie!” gulat na wika ni Veron at niyakap nang mahigpit ang babae. “You are so beautiful, hija.”
“Nakabalik ka na pala ng Pilipinas,” sabi naman ni Jazzmire.
“Kagabi lang.” At ito naman at si Jazzy ang hinalikan ni Deannie sa pisngi. “Dadalaw po sana ako sa inyo bukas. Masyado lang pong hectic ang schedule ko. How’s Julian?”
“Naggo-golf kasama ang ilang Japanese investors,” sagot ni Jazzy.
“Sana naman wala siyang kasamang cheap na girlfriend. The last time I heard, isang starlet daw ang idine-date niya,” walang prenong wika ni Deannie.
“This is Arjhilleyne, Julian’s girlfriend,” pakilala ni Veron.
“Hi!” aniya at inalok ang kamay kay Deannie.
Inangat lang nito ang shades at nang-uuri siyang tiningnan. “You hardly look like a starlet. You are not Julian’s usual type.”
“Hindi siya starlet, Deannie. She works for the security team of Stallion Island,” paliwanag ni Jazzmire. “How about you? We saw your with Brien engagement online. Kailan ang kasal ninyo?”
Nagkibit-balikat lang si Deannie. “I don’t know about our parents. Sila naman ang may gustong magpakasal kami. I would really love to come home to marry the man I love. The man of my choice,” may lungkot sa boses nitong sabi at sinulyapan siya. “Kindly give my regards si Julian. Baka isa sa mga araw na ito dalawin ko siya sa Stallion Island.”
“Ikaw lang?” tanong ni Jazzy.
“No. With Brien! Parang anino na nakabuntot sa akin ang lalaking iyon. Daddy’s orders,” matapos sabihin iyon ay nagpaalam na si Deannie.
She was kind of sad for her. Pakakasalan nito ang isang lalaking di nito mahal. At mukhang may ibang lalaki itong mahal pero wala itong magawa.
Malungkot na umiling si Veron habang pinagmamasdan ang papalayong si Deannie. “Sayang! Kung hindi sana umalis si Deannie noon, kasal na sila ni…”
“Ma! Nakaraan na iyon,” putol naman ni Jazzmire. “Wala na siyang babalikan. She made her choice then.She must suffer the consequences.” Saka nakangiting bumaling sa kanya si Jazzmire. “Ayaw mo na ba ng ice cream mo? Akin na lang.”
Hinawakan siya ni Veron sa braso. “Arjh, huwag mong iiwan ang anak ko kahit anong mangyari. Mahal na mahal ka niya.”
“Of course, Tita. Mahal ko rin naman po si Julian.”
Pero hindi niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman. It must be the energy that came from Deannie. Kahit na ngumingiti ay nararamdaman niya ang tension sa mga babaeng Yun. She hoped that it was just her imagination. Ayaw niyang may alalahanin pa siya pagdating kay Julian.
IT WAS quite a busy day. Busy sa pagmo-monitor ng mga tao sa Arjhilleyne. Weekend kaya naman dagsa ang mga miyembro at guests. Nalipasan na nga siya ng breaktime niya pero di pa rin siya makaalis sa harap ng computer. Alerto kasi sila sa mga emergency lalo na’t maraming tao.
Tinapik siya ni Ridge sa balikat. “Mag-break ka na, Reyes. Nandiyan na ang boyfriend mo.” At inginuso nito si Julian na nasa monitor at papasok sa terminal.
Dali-dali siyang umalis sa harap ng computer para puntahan si Julian. Di iilang beses na sinusundo siya nito sa security headquarters lalo na’t alam nitong hindi pa siya kumakain.
PAtakbo niya itong nilapitan. Nasa arrival area ito at nakaupo sa isa sa mga upuan dito. Parang may hinihintay. “Julian!”
“Hey!” KInintalan siya nito ng halik sa noo. “Bakit nandito ka? Baka pagalitan ka ni Ridge. Ang sungit pa mandin no’n.”
“Siya nga ang nagsabing puntahan kita. Hindi pa ako nagla-lunch.”
Niyakap nito ang baywang niya. “May imi-meet akong bisita…”
“Julian!” tawag ng isang babae dito. Nang lumingon siya ay tumatakbong lumapit dito si Deannie. Sa pagmamadali ngang lumapit ay iniwan na nito ang luggage. “I miss you!” at walang sabi-sabing yumakap ito sa baywang ni Julian at mariin itong kinintalan ng halik sa labi.
She was shocked. This woman was kissing her Julian in public. At sa labi pa! Samantalang siya hanggang pisngi lang nakakahalik kay Julian sa harap ng maraming tao. The nerve of this woman! Naiirita na talaga siya!
Inilayo agad ito ni Julian at hinawakan sa balikat. “Deannie, ano ba?”
“We used to do that. A lot. Parang hindi ka na nasanay.”
Naningkit ang mata niya at tiningala si Julian. May pakiusap sa mga mata nito. Inakbayan siya nito. “Deannie, my girlfriend. Eunice…”
“Yeah! I know her. Your non-starlet girlfriend,” Deannie said with grimace. “Nagkita na kami sa Tagaytay Highlands. Pati pala siya susundo din sa akin?”
Obviously, ayaw ni Deannie sa presensiya niya. Kung tama siya ng pagkaka-intindi ay may relasyon ito noon at si Julian. Ano bang problema nito? Hindi ba ikakasal na nga ito?
Tumikhim ang lalaking kasunod nito. “I am sorry about my fiancee’s untowards behavior,” magalang na wika nito. “I am Brien Chavez, Julian’s friend.”
Kinamayan niya ito. “Nice meeting you.” Mukhang mild mannered at mabait si Brien. Mala-anghel din ang kaguwapuhan nito. At si Deannie ang demonyita. Maganda nga ito pero di naman maganda ang ugali.
“Mukhang natagpuan na nga ni Julian ang babae para sa kanya. Nang ikinu-kwento ka niya sa akin dati, parang nakakatakot ka. Pero mukhang napaamo ka na ni Julian,” sabi ni Brien.
“It’s the other way around.” Kinintalan siya ng halik ni Julian sa ibabaw ng noo. “Ako ang napaamo niya.”
Paghilig niya sa balikat ni Julian ay napansin niya ang pag-irap ni Deannie. “Can we go now? Gusto ko nang kumain at magpahinga.”
“Sasama ka ba sa amin?” tanong ni Brien.
Umiling siya. “Kailangatin ko pang bumalik sa office. Breaktime ko lang ngayon.”
“Pero hindi ka pa nagla-lunch,” protesta ni Julian na ayaw pakawalan ang kamay niya.
“No! Doon na lang ako kakain sa opisina. Magpapa-deliver na lang ako. Marami pa kasi akong gagawin,” paliwanag niya.
“Huwag ninyong pilitin ang ayaw,” sabi ni Deannie. “Some other time na lang natin siya isama.” At saka ito maasim na ngumiti.
“Magpapa-deliver na lang ako sa iyo. At kung overtime ka mamaya, susunduin kita. Okay?” sabi ni Julian at hinaplos ang pisngi niya.
Tumango siya at tinanaw na lang ito palayo. Sa braso pa ni Julian kumapit si Deannie at parang nang-iinis siyang tiningnan. What’s really going on here? Anong relasyon ang namagitan kina Julian at Deannie? Bakit kung makaasta si Deannie ay parang iba ito sa ibang babaeng nagdaan sa buhay ni Julian?
Sumakit lang ang ulo niya kaiisip. Ayaw niyang mag-isip ng masama. Ikakasal na si Deannie kay Brien. Kung anuman ang nature ng pagsasama ng mga ito ay wala na siyang pakialam. Basta hindi iyon makakaapekto sa relasyon nila ni Julian. Dahil siya ang mahal ni Julian at di niya hahayaan ang kahit sinong babae na mamagitan sa pagmamahalan nila. kahit pa kasing ganda ni Deannie.
“JULIAN, day off ko ngayon. LIbre ka?” tanong ni Arjhilleyne dito habang kausap ito sa cellphone. Pinakahihintay niya ang araw na iyon dahil ilang araw din silang hindi nagkita. May shooting ulit ang Stallion Shampoo commercial kaya naman naging mahigpit ang security. Si Julian naman ay sunud-sunod din ang business meeting.
“I am sorry, sweet cakes. May importante akong meeting ngayon. I have to finish the proposal to our prospect investor.”
“Yes, I understand,” malungkot niyang usal.
Importante para sa kompanya nina Julian na magkaroon ng bagong investor para manatiling matatag ang kompanya nito sa kabila ng global economic crisis.
Alam naman niyang importante ang trabaho nito pero nami-miss lang niya ito. Kahit na sandali lang sana.
“Will you be okay?” tanong nito.
“Yeah! Madami naman akong pwedeng gawin.” Tumawa siya. “Huwag mo akong masyadong alalahanin. Baka dalawin ko na lang si Jumeirah o kaya matulog na lang ako maghapon.”
“Do that. Magpahinga ka. Kapag may time ako, dadalawin kita. Babawi ako sa iyo.”
“I miss you, Julian,” usal niya.
Binura niya ang lipstick niya at make up. Sayang naman ang pagpapaganda niya kundi rin niya makikita si Julian.
“May date kayo ni Julian?” tanong ni Andrya.
Umiling siya. “May business meeting daw siya. Baka dalawin ko na lang si Fleiron sa stable niya mamaya.”
“hindi ba masungit ang kabayo na iyon? Muntik ka nang dambahan minsan.”
“Sabi naman nila pwedeng mapaamo kahit ang mababagsik na kabayo. Kaya nga dadalhan ko siya ng carrots. Pwede ko naman daw pakainin sabi ni Sir Chrome.”
“Gusto mo talagang maging ka-close si Fleiron?”
Tumango siya. “Siyempre gusto kong mai-angkas ako ni Julian sa kanya. Kasi kapag hindi kami close, itapon na lang niya ako.”
Isa sa tradisyon na nagmula pa sa Stallion Riding Club na maaring umangkas ng kabayo ng isang member ang siyang babaeng pinipili nitong mahalin at makasama habambuhay. It was a privilege and a declaration of love.
Pagdating sa stable ay Sinalubong siya ni Chrome. “Arjh! Na-late ka yata ng dating.”
“Ha? Paanong na-late? Biglaan nga ang dating ko. Dadalawin ko sana si Fleiron. Dinalhan ko siya carrots,” aniya at ipinakita ang ilang pirasong carrots sa paper bag. “Okay lang bang pakainin ko siya?”
“That’s why you are late. Kaaalis lang nila.”
Kumunot ang noo niya. “Sinong sila?”
“Si Julian at si Fleiron. Actually si Fleiron sakay iyong guest ni Julian. Deannie.”
“Si Deannie?” Ito ang kasama ni Julian at sakay pa si Fleiron?
“There! Lumabas na sila ng corral,” sabi ni Chrome at itinuro ang dalawang kabayong kalalabas pa lang ng corral fence. Namangha siya habang pinapanood si Deannie na sakay ni Fleiron habang si Julian naman ay sa ibang kabayo nakasakay. Hindi basta pinalapit ni Julian si Deannie kay Fleiron. Pinasakay pa nito.
“She’s a great rider, isn’t it? Nagulat nga ako dahil hindi siya inilaglag ni Fleiron. She must be a natural charmer.”
Pinanood niya habang palayo sina Julian at Deannie sakay ang kabayo ng mga ito. She could imagine their laughter while riding with so much grace. It would take her sometime to ride like that. Or even ride Fleiron.
How about Julian? Ang sabi nito sa kanya ay may business appointment ito. Ito ba ang business proposal na sinasabi nito? ang makipag-horseback riding kasama si Deannie?
“Gusto mo bang samahan kita sa Horse Sanctuary? Marami pa namang ibang kabayo doon,” suhestiyon ni Chrome.
“Thank you na lang. Uuwi na lang ako.”