Stallion Island Series Chapter 109

Nagpupuyos ang loob ni Julian habang sakay ng elevator papunta sa third floor ng Island Guesthouse kung saan tumutuloy sina Deannie at Brien. DOon siya pumunta matapos ihatid si Arjhilleyne sa working lodge.

He planned a very romantic evening for the two of them. Naka-reserve na pati ang cabana nila sa private beach. When he played the violin, everything was perfect hanggang dumating si Deanie. Nakita niya ang pagka-shock nito kaninang i-claim ni Deannie na para dito ang tinugtog niya sa violin.

Hindi nagsasalita si Arjhilleyne kanina pero alam niya na naguguluhan ito at maraming tanong tungkol kay Deannie. Gusto niyang magpaliwanag. Gusto niyang sabihin ang totoo. Kung sino si Deannie sa buhay niya. Pero pinili nitong huwag nang makinig sa paliwanag niya. And it made him more frustrated. At nagugulo na ang relasyon nila ni Arjhilleyne.

Kaya kailangan na niyang tapusin ang gabing iyon. He must address the whole issue once and for all.

Paglabas niya ng elevator ay tinungo agad niay ang kuwarto ni Brien. Kakatok pa lang siya nang bumukas ang pinto mula sa kuwarto ni Deannie at lumabas ito. Ngumiti pa ito nang makita siya. “Julian, mabuti nandito ka na. Nakatulog na si Deannie. Gusto mo ba siyang makita?”

“No!” aniya sa matigas na boses at matiim ang mata nang titigan ito. “Ikaw ang gusto kong makausap.”

“Dito tayo sa kuwarto ko.” Binuksan nito ang pinto ng kuwarto nito at sinimulang tanggalin ang necktie. “Do you want to have anything…”

“I just want answers.” Nanatili siyang nakatayo kahit nang sumenyas ang kamay nito na umupo siya. “What the hell do you think you are doing? Ano ba ang kailangan mo sa akin? Idinala mo dito si Deannie sa isla. And you throw her to me with every opportunity you’ve got.”

Nagprisinta si Brien na tutulungan siya sa problema nila sa kompanya kaya ito pumunta sa isla. Di niya inaasahan na dadalhin nito si Deannie. At lalong di niya inaasahan na mas mapapadalas ang pagsasama nila ng dati niyang nobya. Sa halip na si Brien ang dadating sa meeting nila ay si Deannie ang sumusulpot at kinakailangan niya itong i-entertain bilang fiancée ng kaibigan niya.

At nang nakaraang araw ay basta na lang umalis si Brien dahil daw may emergency kung kailan dapat ay pag-uusapan na niya ang proposal niya. He left Deannie at his doorsteps at naglambing ito na madalaw si Fleiron. He didn’t have the heart to deny that her. Fleiron was their baby. Regalo nito noong twentieth birthday niya. at alam niyang minahal nito si Fleiron.

Hindi na niya nagawang magpaliwanag kay Arjhilleyne na magho-horseback riding na lang siya kasama si Deannie. Subalit hindi pa siya handa na ipagtapat dito ang totoo. Sa mga ginawa ni Deannie ay tiyak na masasaktan ito. At nang handa na siya ay ito naman ang tumangging malaman ang totoo.

Kung gusto niyang maayos ang relasyon nila ni Arjhilleyne, kailangan niyang ayusin ang puno’t dulo ng gulong ito.

“Hindi ka ba natutuwa na makita mo si Deannie?” tanong ni Brien nang may naglalarong ngiti sa labi habang nagsasalin ng whiskey. “Hindi ba halos lumuhod ka pa noon para makita lang siya.”

“That was a long time ago, Brien. And it has nothing to do with today. Mga bata pa tayo noon.”

“Pero si Deannie pa rin ang gusto mo kahit na madaming babaeng dumaan sa buhay mo.” Humalakhak ito. “Ako pa ba ang pagtataguan mo. First love never dies, Julian. At natitiyak ko sa iyo na mahal pa rin ni Deannie.”

Ngumisi siya at hinatak ang lapel ng coat ni Brien. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan siya nito. “Are you crazy? Ikakasal ka na!”

Nawala ang ngiti sa mata ni Brien at napalitan ng pait at sakit. “That’s the point! I don’t want to marry her. Mga magulang lang namin ang may gusto na pagsamahin ang dalawa sa pinakamalalaking investment bank sa Asia. Pareho lang kaming napipilitan. Si Cassandra ang mahal ko at buntis na siya.”

“Damn it! Ipaglaban mo siya! Sabihin mo sa mga magulang mo ang totoo. Bakit kailangan mong ipitin din ako sa gulo?”

Nanginig ang mga labi nito. “Dahil ilalayo nila ako kay Cassandra. Ayokong mawala siya sa akin.”

Minsan na niyang nakita ang nobya nito nang makipagkita siya dito sa Singapore. Isang simpleng Indian waitress lang ito sa isang café na nasa tapat ng opisina ni Brien. Wala itong ilalaban sa kayamanan ng pamilya ni Brien. At minsan na niyang naranasang maliitin dahil lang di niya kapantay ang yaman ng taong mahal niya. And it hurts like hell. Parang tinapakan ang pagkatao niya.

Binitiwan niya ito at frustrated na ihinilamos ang palad sa mukha. Huminga siya nang malalim at bahagyang humupa ang galit nang makitang naiiyak na si Brien. He was a strong man but he resulted to tears when confronted with love. Di niya kayang makitang nahihirapan si Brien lalo na’t may responsibilidad na ito kay Cassandra. Magkakaanak na ang mga ito.

“How can I help you?” tanong niya.

“Ilayo mo si Deannie sa akin. Make her fall for you again. Well, that’s not a hard one. Madali para sa iyo na makuha siya. She loves you. At kapag ikaw ang pinili niya, hindi na mapapansin ni Papa kung magpakasal man ako sa iba.”

“At sa palagay mo di naman pamilya ko ang guguluhin niya?”

Minsan na siyang inalipusta ng pamilya ni Deannie. At nangako siya na di siya papayag na apihin pa.

Ikinuskos ni Brien ang palad sa pantalon nito. “Pero hindi ka kasing hirap ni Cassandra. Hindi ka nila gigipitin katulad ng pwede nilang gawin sa mag-ina ko.”

Kung titingnan ay flawless ang plano ni Brien. Kailangan lang niyang ilayo si Deannie dito at mabubuhay na ito ng masaya kasama ang nobya nito.

“May nakalimutan ka, Brien. May girlfriend na ako.”

Nagkibit-balikat ito. “She’s just like any other girl.”

Kinuyom niya ang palad. “Mahal ko si Arjhilleyne.”

Mula nang makilala niya si Arjhilleyne ay di niya naisip pa si Deannie. Ni minsan ay di niya ito naikumpara sa dating nobya. Arjhilleyne made him forget the pain. She made him care. Geniunely care. At hindi siya gagawa ng kahit anong bagay na maari itong masaktan.

“Mas mahal mo pa kaysa kay Deannie?”

Natigilan siya. Marami silang pinagsamahan ni Deannie. Marami silang alaala na di niya mapakawala. At ngayon lang siya nakompronta ng tanong kung sino ang mas pipiliin niya sa dalawa.

Nang di siya makasagot ay ipinagpatuloy ni Brien ang pagsasalita. “Baka nagugustuhan mo lang siya dahil hindi siya katulad ng ibang babae na nagkakandarapa sa iyo. You had a hard time making her fall for you. Baka naman na-challenge ka lang noong una dahil hindi naman siya masyadong maganda pero wala siyang ginawa kundi ang tanggihan ka.”

He was taken aback. He never thought about that before. gusto lang niya noon ay habul-habulin si Arjhilleyne. Naramdaman na lang niya na importante ito. While with Deannie, he really was sure that it was love. Dahil ginawa niya ang lahat para lang mabawi ito. Tumagal ang pagmamahal niya dito hanggang dumating si Arjhilleyne. Hindi pa niya nasusubok kung sino ang totoo niyang mahal.

“Pag-isipan mong mabuti, Julian. Tutulungan mo ako, matutulungan din kita. And you will reap the benefits of marrying Deannie. Hindi ka na mamomoroblema sa negosyo mo kahit kailan. Kasama mo pa ang babaeng mahal mo.”

Tensiyonado si Arjhilleyne habang sinusulyapan sa TV monitor ng Stallion Wave sina Julian na kausap ang lolo nito at si Deannie. Hangggang kailangan ba magtatagal ang babaeng iyon sa isla? Kailan sila nito patatahimikin ni Julian? Umalis na ang pakakasalan nito pero nananatili pa rin ito doon.

“Relax!” sabi ni Andrya. “Mukhang nag-uusap lang sila.”

Pilit siyang ngumiti. “Okay lang ako.”

She received sympathetic glances from people since that morning. Kumalat na sa buong isla ang eskandalong ginawa ni Deannie. Ayaw lang niyang tuluyang sirain si Julian ng nakaraan niya. Dahil sa puso niya ay umaasa siya na siya ang mahal nito at si Deannie ay mananatili na lang parte ng nakaraan nito.

Gabi na siyang nakabalik ng lodging house dahil sa dami ng reports na ginawa niya. Pagbaba sa E-jeepney ay nakita niyang tumayo si Julian mula sa pagkakaupo sa porch sa harap ng tinutuluyan niya.

“Julian!” tawag niya dito at lumapit dito.

Mahigpit siya nitong niyakap hanggang halos di na siya makahinga. As if his life depended on it. “Arjh…” usal nito sa malungkot na boses.

“What’s wrong?” tanong niya.

Ngayon lang siya niyakap ni Julian nang ganoon kahigpit. And the sadness in his voice echoed in her heart. Pumaikot ang braso niya sa katawan nito at niyakap din ito. She wanted to offer him comfort.

Mahabang sandali ito bago nakasagot sa kanya. “PUpunta ako sa Switzerland bukas. Gusto ni Lolo na kausapin ko ang father ni Deannie para i-encourage sila na mag-invest sa kompanya namin.”

“Bukas na agad?”

Tumango ito. “Unti-unti nang nagle-lay off ng tauhan ang mga kompanyang katulad namin. Nagbabanta na rin iyong mangyari sa amin kundi namin gagawan ng solusyon. Ang mga kompanyang inaasahan naming matatag apektado na rin ng recession. Kundi ko aagapan, baka magtanggal na kami ng tauhan sa isang buwan.”

She could hear the desperation in his voice. Masakit para dito na mawala ang mga tauhan na itinuring nitong pamilya. Mabigat ang responsibilidad na nakaatang sa balikat nito.

Pero kasama nito si Deannie. Paano kung agawin nito si Julian habang magkasama ang mga ito sa ibang bansa? Anong laban niya habang malayo sa kanya si Julian. Ngayon pa nga lang nasa malapit si Julian ay malakas na ang loob nitong agawin sa kanya. Lalo na kapag nagkahiwalay na sila.

“You go,” aniya sa matatag na boses.

“Okay lang sa iyo na umalis ako? Baka matagalan bago ako bumalik.”

“Okay lang. trabaho naman ang ipupunta mo do’n, di ba?”

Nanginig nang bahagya ang boses niya nang sabihin iyon. Gusto niyang pagkatiwalaan si Julian. Na babalik pa rin ito sa kanya. Na siya ang mahal nito. Kahit pa sabihin na si Deannie ang unang minahal nito, alam niyang may sarili siyang lugar sa puso ni Julian. At iyon ang panghahawakan niya.

Niyakap siya nito at isinubsob ang mukha sa buhok niya. “I will miss you. I will call…”

Umiling siya. “Ayoko! Iiyak lang ako kapag nakausap kita.”

Napaungol ito. “Ako naman ang pahihirapan mo. Mami-miss kita.”

“Kahit tumawag ka pa, hindi ko pa rin sasagutin.”

Ayaw niyang marinig ni Julian ang pag-iyak niya. Ayaw niyang malaman nito ang mga takot na nararamdaman niya.

“I love you, Julian. Tandaan mo iyan,” aniya at hinalikan ang labi nito.

She had to be strong. She would wait for him because he asked her to. Until he tells her to stop loving him.

MALUNGKOT NA isinuko ni Arjhilleyne ang cellphone niyang nalaglag sa dagat nang namamasyal sila kasama ang mga kaibigan niya nang nakaraang araw.

“Mami-miss mo si Julian?” tanong ni Xandie na siyang sumama sa kanya nang ipagawa ang cellphone niya. Gusto din daw nitong mag-relax. Nahihilo ito sa pakikipagtalo sa lolo ni Jairon na siyang nagsasabi kung kailan ang tamang araw ng kasal ng mga ito.

“Oo. Sa text ko na nga lang nalalaman kung ano ang nangyayari sa kanya,” malungkot niyang usal. BAgamat di niya sinasagot ang tawag ni Julian, nagpapadala naman ito ng text message. Masaya na siyang malaman kung ano ang nangyayari sa araw nito.

“Paano iyan? Pati sim card mo sira. PAano ka niya ite-text?”

“Umuwi na lang kasi siya para hindi na niya ako masyadong ma-miss.”

Julian had several investors to consider. Ang ipinagtataka lang niya ay wala itong nababanggit tungkol kay Deannie at sa pakikipag-usap nito sa ama ng dalaga. Hindi ba nagkasundo ang mga ito sa proposal?

“Mag-cream puff tayo sa Lighthouse?” yaya nito sa kanya.

“Ate, nananaba ka na!” tukso niya dito. Na-addict kasi ito sa cream puff.

“Ano ngayon? Masarap namang kumain.”

Pagdating nila sa Lighthouse Restaurant ay nagkukulumpunan sa isang mesa ang mga tao. Nang sipatin niya ay nagkakagulo ang mga ito sa laptop ni Doktora Nathaniella. “Grabe! Bakit may ganyan?” bulalas ni Pinay.

“Iyon palang nangyari sa Banyan Tree, may malala pa,” sabi naman ni Leica. “Bwisit na lalaking iyon! Salawahan! Talipandas!”

“Sasabihin ba natin kay Arjhilleyne?” tanong ni Sissy.

Umiling si Summeria. “NO!”

“Anong hindi ninyo sasabihin sa akin?” tanong niya.

Parang iisang taong nagtayuan ang mga ito at hinarangan ang laptop. “Wala!” sabi ni Leica.

“Siguro sex scandal iyang pinapanood ninyo. O kaya porn.”

Sabay-sabay na nagsitango ang mga ito. “Oo. Sex scandal nga.”

“Aba’y panood ako,” aniya at hinawi si Pinay na mapayat lang kaya nakasingit siya. Subalit hindi video scandal ang bumulaga sa kanya. It was Deannie’s blog. Naroon ang mga pictures nito at ni Julian habang nasa Switzerland. Sweet na sweet ang mga ito sa isa’t isa.

Ang isang larawan ay picture ng mga ito sa France. Deannie called it the elopement. Nakadetalye doon kung paanong tumakas ito at si Julian mula sa Switzerland para takasan ang pagpapakasal kay Brien. At parang pinukpok siya ng malaking bato sa ulo nang makita ang diamond engagement ring sa kamay nito.

Napaurong siya at di makapaniwala. Si Deannie ang pinili ni Julian. Si Deannie ang pinili nitong mahalin at makasama habambuhay. Pinaasa lang siya nito. His love was a lie from the start. Dahil hindi naman talaga business ang ipinunta nito kundi para mabawi si Deannie.

Hinawakan ni Xandie sa balikat. “Arjh, okay ka lang.”

“I am okay.”

Tinalikuran niya ang mga ito at nagtatakbo palabas ng restaurant. Sumakay siya sa E-jeep na nakaparada sa harapan at nagpahatid sa worker’s lodge. Umiyak lang siya ng umiyak. It was hell. Pure hell. Di niya inaasahan na mawawasak ang pag-iibigan nila ni Julian. She had no reason to wait for him. Wala nang Julian na babalik pa sa kanya.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.