Pigang-piga na ang luha sa mata ni Arjhilleyne pero di pa rin siya tumitigil sa pag-iyak. Maghapon lang siyang nagkulong sa kuwarto at di lumabas. Iyon na lang ang magagawa niya sa ngayon. Ang iiyak ang lahat ng kabiguan niya. Gusto niya kapag lumabas siya sa bahay niya ay matapang na niyang haharapin ang mundo.
KInatok siya ni Andrya. “Arjh…”
“Hindi pa ako lalabas! Gusto ko pang umiyak!” aniya at umiyak ulit.
“Gusto kang makausap ng kuya ni Julian. Nandito siya sa sala.”
Hihikbi-hikbi niyang tinuyo ang luha at bumaba ng kama. Wala siyang pakialam kung mugto ang mata niya, namumula ang ilong at magulo ang buhok. Wala na siyang pakialam sa sasabihin ng mga tao. Nagluluksa pa siya.
“Ano iyan?” bulalas ni Andrya nang makita siya. “Baka gusto mong magsuklay.”
“Hindi na. Salamat na lang,” aniya at tumuloy ng sala.
Tumayo si Jairon nang makita siya at ibinuka ang palad. NApaiyak ulit siya at tumakbo para mayakap ito. Kailangang-kailangan talaga niya ng mahihingahan ng sama ng loob. “Kuya, ikakasal na si Julian sa iba.”
“Yeah! Nakita ko ang blog. I am sorry. MAgugulpi ko talaga si Julian pagdating niya. Ano bang pumasok sa isi niya? Wala kaming alam na magpapakasal siya kay Deannie. Ni hindi siya nagsabi sa amin. Ang sabi lang niya aasikasuhin niya ang pakikipag-usap sa Papa ni Deannie.”
“Baka mahal talaga niya si Deannie.”
“Kahit na! Gugulpihin ko pa rin siya,” giit nito. “Hindi ko lang ma-contact ang cellphone niya. parang pinagtataguan tayo. Pauuwiin ko siya para makatikim siya ng kamao at ng sipa ko.”
“Ayokong masaktan si Julian.” Kahit na palaaway siya lalo na pag dinedehado siya, iba pala kapag ang sangkot ay ang taong mahal mo. Hindi niya magawang saktan si Julian. Pinili lang naman nito ang babaeng makakapagpasaya dito. Nagkataon lang na siya ang di nito pinili kaya siya ang nasasaktan.
“You are a good woman. You don’t deserve this. Pati sa akin nagsinungaling siya. Sinabi pa niya nang huling pag-uusap namin na ako ang mahal niya.”
“Sinabi din niya iyon sa akin tuwing nagte-text siya,” malungkot niyang usal. Sana na lang katulad siya ng ibang babaeng basta-basta na lang nitong iniwan. At least those women knew the score right away. She had too much memories with Julian. And those sweet memories turned into nightmare now. “Siguro natauhan na siya na di naman talaga ako ang mahal niya. That I am not good enough for him.”
“Don’t say that. Oras na umuwi siya, kakausapin ko siya ng masinsinan. Pagbabayaran niya ang ginawa niya sa iyo. Kahit si Jazzmire gusto na nga siyang sundan sa abroad para daw makatikim.”
She was touched. Parang kapamilya na ang turing sa kanya ng pamilya ni Julian. Mawala man si Julian, nariyan naman ang kapamilya ng mga ito na mahal siya. “I will be fine. Hayaan lang ninyo akong umiyak kahit sandali. I will be fine.”
“GOOD MORNING, Fleiron!” nakangiting bati ni Arjhilleyne sa kabayo ni Julian nang dalawin niya ito sa main stable. “Look! Ipinagdala kita ng carrots.”
Nakagawian na niyang dalawin ang kabayo ni Julian kapag wala siyang ginagawa. Habang dinadalaw-dalaw naman niya si Marly sa Nirvana Island kapag may pagkakataon siya. Dalawang linggo na mula nang lumabas ang balita na engaged na sina Julian at Deannie. Subalit hanggang ngayon ay wala pa ring balita mula kay Julian. Kahit ang mga kapamilya ni Deannie ay pinaghahanap na ito.
Kaysa magpaka-depress ay pinili na lang niyang makipaglapit sa mga alagang hayop ni Julian. Ang mga ito ang stress reliever niya. Close na close na sila ni Marly. Habang kay Fleiron ay ingat na ingat pa rin siya. Natatakot pa rin siya na baka bigla na naman itong magwala kapag nakita siya. Hindi naman na niya aagawin si Julian sa babaeng mahal nito. Alam niyang loyal si Fleiron kay Deannie. Gusto lang niyang makipagkaibigan kay Fleiron.
“Abutan mo siya ng carrots,” sabi ni Chrome.
Nilingon niya ito. “Baka biglang sagpangin ang kamay ko.”
Hinawakan nito ang kamay niya. “Come on! Aalagaan kita. Sa pabalik-balik mo dito, kahit paano naman magiging familiar na sa iyo si Fleiron.”
Nakatakip ang isang mata niya nang iumang niya ang carrots sa bibig ni Fleiron. Inamoy-amoy nito ang carrots noong una hanggang marahan nitong dilaan at kagatin. Binitiwan agad ni Chrome ang kamay niya at mag-isa na siyang nagpapakain kay Fleiron pero hindi ito nagwawala. Normal na normal lang ito. “Kumakain na siya kahit ako ang may hawak?”
“Mukhang magkasundo na kayong dalawa ni Fleiron.”
Nanigas siya sa kinatatayuan nang marinig ang boses ni Julian. Natulala siya dahil nakasuot pa ito ng polo at slacks. Parang kadarating pa lang nito mula sa biyahe. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. He was smiling at her as if everything was okay. Na parang di nito dinurog ang puso nito.
Sa halip na magalit ay gusto niya itong salubungin ng yakap at halik. Sabi niya ay naka-recover na siya. Di siya galit dito. Pero di naman niya napag-aralang kalimutan ang pagmamahal dito. Ngayon ay di niya alam kung paano ito haharapin. Bumalik na ito at tiyak na kasama nito si Deannie. Baka kung ano pa ang masabi nito lalo na ngayong pag-aari na nito si Julian. Wala na siyang karapatan dito.
Bigla niyang inabot ang iba pang carrots kay Chrome. “Aalis na ako. Ano... sa ibang araw na lang ako babalik.” At saka dali-dali niyang nilagpasan si Julian. Daig pa niya ang sumali sa walkaton sa bilis ng paglalakad.
Narinig niya ang pagtakbo ni Julian mula sa likuran niya. “Arjhilleyne, wait! We need to talk.”
Hindi niya ito magawang tingnan. “Julian, wala kang kailangang ipaliwanag. You made a choice. Si Deannie ang mahal mo. Kung gusto mo siyang pakasalan, karapatan mo iyon. Huwag mong hayaang maging hadlang ako sa kaligayahan ninyo.”
Lalo lang siyang masasaktan kung makikipag-usap pa siya kay Julian. Ayaw na niyang marinig pa sa bibig nito ang mga paliwanag nito.
“Ano bang sinasabi mo tungkol kay Deannie? Hindi ka man lang ba matutuwa na nakabalik na ako?”
Napasibi siya dahil nakakairita ang tanong nito. Paano siyang sasaya na bumalik ito samantalang may Deannie na nga ito? “Welcome back. Para ano? Iimbitahan mo ba ako sa kasal ninyo? O baka naman gusto mo pa akong gawing abay. Huwag ka namang masyadong malupit, Julian. Okay na.tanggap ko na! Just leave me in peace.”
Tinalikuran niya ito dahil di na niya mapigilang mapaiyak. Akala niya ay ubos na ang luha niya para di na siya magmukhang kawawa sa harap nito.
He muttered a curse. “Deannie hindi ako ang lalaking kasama ni Deannie.”
Muli niya itong hinarap pero di na niya maitago ang galit sa pagkakataong ito. “Julian, iyan ang pinakamalaking kalokohang narinig ko. Sino ang lalaking iyon? Clone mo? Hindi naman ako bulag!”
“Oo! Clone ko iyon! Isang gigolong kamukhang-kamukha ko para magpanggap na ako. Nang nasa Switzerland kami, ipinakita ni Deannie sa akin kung gaano kadali sa kanya na impluwensiyahan ang Papa niya pagdating sa negosyo. At kung babalikan ko siya, sinabi niya sa akin na wala na akong poproblemahin. But I said no to her.”
“Why? Siya ang first love mo. Hindi ko maintindihan.”
Hinawakan nito ang balikat niya. “Because I love you. Na-realize ko na ikaw talaga ang mahal ko nang sabihin ni Deannie na mahal pa rin niya ako. At gagawin niya ang lahat para sa akin. Hindi ko na siya mababalikan dahil hindi ko na siya mahal. You already have my heart. At mamamatay ako kung ipagpapalit ko ang pagmamahal at tiwala mo sa akin sa kahit ano.”
His lips devoured hers. He held her as if he wanted her to be a part of himself. Julian was kissing her like he never kissed her before. At sa dami ng pinagdaanan nila at pati ang matagal niyang pagkakalayo ay hinayaan siyang tangayin ng tamis ng halik nito.
Yumakap siya sa leeg nito. She wanted Julian.She needed him in his life. Kung sasabihin nitong joke lang na mahal siya nito matapos ang halik na iyon, wala siyang pakialam. At least she had that moment with him. Sa mga sandaling iyon ay sa kanya lang si Julian.
“Totoo ba na hindi ikaw ang lalaki sa picture?” paniniyak niya.
Tumango ito. “Oo. Si Kuya Oliver mismo ang nagpa-imbestiga. The guy Richard Wong worked for a club in Bern. Nang tanggihan ko si Deannie, doon siya tumuloy. She picked him up. Umalis na ako papuntang Japan nang lagi na niyang kasama-sama si Richard.”
“Bakit ginagamit niya si Richard para magpanggap na ikaw?”
Nagkibit-balikat ito. “Gusto niyang makawala sa kasunduan nila ni Brien at gusto rin niya akong ipitin. They were having an affair. Kanina lang tumawag sa akin ang par ents ni Deannie. Buntis daw siya at si ako ang ama. At dahil kamukha ko ang Richard Wong na iyon, she could easily pass off the child as mine.”
“Brilliant. Except there’s a DNA test.”
“But it would take time. Baka kasal na ako bago ipanganak ang bata. They could be manipulative if they want to. At mas pipiliin naman ako ng mga magulang ni Deannie kaysa sa isang gigolo ang pakasalan ng anak nila.”
Sumakit ang ulo niya sa sala-salabid na problemang iyon. “Ano nang mangyayari ngayong di mo pakakasalan si Deannie?”
“Ibinigay ko ang lahat ng information tungkol kay Richard Wong sa parents ni Deannie. Itinago ni Deannie si Richard para walang umisip na di ako ang kasama niya. Well, it’s their problem now. Kung talagang pinanindigan ako ni Deannie noon, sana hindi siya namomoroblema ngayon.”
“Paano nga pala ang kompanya ninyo? Naisip ko rin minsan na baka gusto mo siyang pakasalan dahil kailangan mo ang kayamanan nila. Sinasabi ko lang naman iyon para mabawasan ang sama ng loob ko. Na mahalaga din ang pamilya ng mga tauhan mong mawawalan ng trabaho.”
Pinisil nito ang ilong niya. “I went to Japan to talk to Ryuji Tezuka. Pero nasa isang retreat siya sa temple nila sa bundok kaya kailangan kong mag-stay doon. More than one week hanggang pumayag siyang makipag-usap sa akin. At tiniyak niay sa akin na matutulungan niya kami. Hindi ko na kailangan ang tulong ng pamilya ni Deannie.”
“Great! Ibig sabihin wala nang mawawalan ng trabaho sa inyo?”
Tumango ito. “At hindi mo na rin kailangan pang problemahin si Deannie.”
Yumakap siya sa baywang ni Julian. Mabuti rin na binitiwan ito ni Deannie noon. Kundi ito sinaktan ni Deannie, hindi nila matatagpuan ang isa’t isa.
“ON the other hand, pwede din namang si Deannie na ang piliin mo. Tutal nandiyan naman si Richard Wong. Mukhang mas yummy siya sa iyo.”
Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at pumalatak. “Sandali! Hinahamon mo yata ako. Hindi ka pa ba nasisiyahan sa kakisigan ko?”
“Gosh! Maghuhubad si Julian!” tilian ng mga Sirens na nasa di kalayuan.
“Mahal ang bayad kapag nanood kayo!” sigaw niya sa mga Sirens.
Hinila siya ni Julian palayo. “Drat! Malala ka pa kay Deannie. Siya nagbabayad sa gigolo. Ako naman ibinubugaw mo.”
“Mayaman kasi siya. Nainggit nga ako nang makita iyong engagement ring. Ang ganda-ganda.”
“That engagement ring doesn’t mean a thing.” Dumukot ito sa bulsa at may inilabas na singsing. “This is the only ring that I could give as a symbol of my love aside from a wedding ring.”
Nahigit niya ang hininga. “That’s the forever ring.”
Kagaya iyon ng singsing na suot ng members ng Stallion Island na maari lang maibigay ng isang miyembro sa babaeng pinili nitong mahalin habambuhay. Hindi lang iyon simbolo ng wagas na pagmamahal sa isang babae kundi isine-share ng miyembro ang ilan sa privileges nito bilang miyembro.
“Sana naisip mo na ito ang totoong engagement ring bago mo inisip na si Deannie na ang pakakasalan ko.”
Naluha siya nang isuot ni Julian ang singsing sa kamay niya. Luha na iyon ng kaligayahan. “Julian, I promise that I will love you forever. No. That’s not just a promise. Iyon na mismo ang ginagawa ko. Kahit nang akala ko ipinagpalit mo ako kay Deannie, hindi kita kayang saktan kahit gusto na ni Jazzmire sabay ka naming gulpihin.”
“Ibig sabihin hindi na ako makakantiyawan ni Myco na battered boyfriend? Baka itakwil na naman ako no’n.”
Umiling siya. “Hindi ka naman na mambababae, di ba?” Pinanlakihan niya ito ng mata. “Dahil kapag nahuli kitang nambababae, lagot ka sa akin.”
Maya maya pa ay dumating na ang groom na hila-hila si Fleiron. “Mukhang dapat na nating kumpletuhin ang pagke-claim mo sa akin bilang official Stallion princess ko.”
“Sasakay ako kay Fleiron?”
Tumango ito. “Huwag kang matakot. Hindi ka na niya ilalaglag. Nakita ko kung paano mo siya napaamo kanina.”
“Oras na ilaglag niya ako, kalimutan mo na ang pagmamahal ko sa iyo,” banta niya. “Ako siguro ang mahal mo pero loyal siya kay Deannie.” Bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay sinambilat siya nito sa baywang at isinampa sa kabayo nito. Napayakap siya leeg ni Fleiron. “Julian, ayoko pang mamatay.”
Subalit hindi natinag si Fleiron. Bahagya siyang nag-relax nang sumakay din si Julian. “Good job, Fleiron. From now on, Arjh will be your mistress.” Umungol lang si Fleiron. “He agrees with me.” He clucked his tongue. At tumakbo na si Fleiron papunta sa direksiyon ng Wave Village. “Naghihintay na sa atin si Marly sa private beach.”
“Na-miss ka din niya. Na-miss ka rin namin.”
“You won’t miss me anymore because I decided to stay with you forever. I love you, Eunice Arjhilleyne Reyes.”