Stallion Island Series Chapter 115

Halos lumipad si Tennessee marating lang ang kinaroroonan ni Draco. The horse looked so fierce. Hindi nito dapat lapitan ang kabayo. Baka mamaya ay talaktakin ito ng marahas na kabayong iyon. Sayang ang lahi ni Draco.

“Sir Draco!” humihingal niyang tawag sa pangalan nito hanggang makarating siya sa stable.

Subalit hindi isang Draco na tinatalaktak ng kabayo ang naabutan niya. He was carressing the horse’s cheek instead. “How’s my boy? Na-miss mo ba ako?”

Napakurap siya habang nakatitig kay Draco. Hindi siya naniniwala sa nakikita at naririnig niya. The fierce horse and the fierce man were treating each other like good friends. Hindi ba siya nabibingi? Draco was using light, soothing tones to the horse. Ni minsan ay hindi pa niya ito narinig na malumanay magsalita.

Hindi niya inaasahan ang gentle side nito. Kung makikita lang siguro ng ibang tao ang pagiging mabait nito, tiyak na magkakandrapa ang mga ito. Nakakainggit naman ang kabayo. Sana ganoon din ito ka-sweet sa kanya. Nanlalambot ang puso niya!

Humalinghing ang kabayo nitong si Dark Knight. Animo’y ipinaalam ang presensiya niya. Nagsilbing senyales iyon para lumingon si Draco sa kanya.

“Yes, Miss Carson? May kailangan ka?” tanong nito at nilingon siya.

Pormal na naman ang boses nito. Nawala na ang lalaking kanina ay malambing kung kausapin ang kabayo nitong si Dark Knight. “Ah... nakita ko po kanina na dumating ang kabayo ninyo. He is a nice horseflesh.”

“He is Dark Knight.” At ipinagpatuloy ulit ni Draco ang paghaplos sa leeg ng kabayo nito pero malamig na ang pakiramdam niya dito. “My loyal friend.”

“Hindi ba siya nakakatakot?”

“Hindi siya nakakatakot para sa akin. But he is fierce to other. Hindi ko gustong nilalapitan siya at ako lang ang gusto niyang makasama.”

Sobra naman! Kabayo lang pero ipinagdadamot nito sa kanya. Kasing sungit yata nito ang kabayo nito. “Sayang! Akala ko pwede kaming maging close.”

Kabayo lang naman iyon. Hindi naman nito girlfriend o asawa. Hindi na yata siya dapat umasa na magiging close din sila ni Draco. Kabayo lang ang ka-close nito.

“Bakit hindi ka muna magpahinga?” tanong nito pero sa tonong itinataboy siya.

“Magpapahinga ako, Sir. Maganda ang guestroom ninyo.” Di na lang niya babanggitin na medyo nakakatakot ang atmosphere sa ibang parte ng bahay nito dahil sa makaluma at madilim na design. “Ano po ba ang itinerary natin para sa araw na ‘to?”

“Lalabas kami ni Dark Knight maghapon. Kapag dumating ako sa isla, gusto niyang mamasyal kami.”

“Paano ako, Sir?” Kung buong araw nitong kasama ang kabayo nito, ano naman ang gagawin niya?

“You enjoy yourself. Tour around the island. Meet people.” Inilabas nito ang wallet at may inabot sa kanyang electronic card. “This is my access card extension. Gamitin mo lang ito kapag may gusto kang i-purchase. Pamper yourself. Stallion Island has spas, gourmet restaurants, bar, music lounge, cafe and designer shop. Sumakay ka lang ng electronic jeepney at sabihin mo kung saan mo gustong pumunta. Hey! Horse carriages are also nice.”

“G-Gagamitin ko ang access card ninyo?”

“Huwag kang mahihiyang gamitin ang card ko. Wala kang kailangang bayaran diyan. Wala akong kakaltasin sa sweldo mo. Use it to make yourself beautiful and comely so you can attract the man you want. Village Lords frequent the Banyan Tree Restaurant. Si Lord Rouen ang may-ari no’n. Sabihin mo lang kung gusto mong pumunta doon para mai-reserve kita.”

Matindi talaga ang pagnanais ni Draco na ilayo siya sa kapatid nito. Handa itong gastusan siya ng salapi. Dinaig pa niya ang prinsesa sa mga privileges na ibinibigay nito sa kanya.

Hindi niya gustong ginagastusan siya ng lalaki. Kahit nang nakipag-date siya dati ay gusto niyang hati sila ng lalaki sa bayarin. Draco made her feel so cheap.

“Hindi ninyo ako sasamahan, Sir?” tanong niya habang kinokontrol ang iritasyon sa boses.

Nagsalubong ang kilay nito. “You can’t attract men if you are with me. Gusto mo bang katakutan ka rin ng mga members dito? Iisipin nila bampira ka o kaya kampon ng dilim.”

Draco didn’t mind his reputation as the Dark Prince. Talagang pinag-isipan nito ang strategy para matiyak na makakasilo siya ng Stallion Island Hottie.

“Boss ko kayo.”

“Huwag mo ngang isipin na nandito tayo para sa trabaho,” giit nito at saglit na binalingan ang groom para utusang ihanda si Dark Knight sa pamamasyal nito. Naglakad ito patungo sa front porch at sumunod naman siya. “Miss Carson, the best way to advertise that you are single here is to roam around alone.”

“Sir, kailangan ko pa ring magtrabaho. Saka ano ang gagawin ko kapag nagka-problema o nagka-emergency?”

“Hindi ka naman mawawala dito. Kung anumang trabaho ang ipapagawa ko sa iyo, ii-inform kita at dito mo lang gagawin sa villa. Kung may emergency, saka mo lang ako tatawagan. Simple lang naman ang patakaran ko. Huwag mong tatawagan si Diego at huwag na huwag kang mai-in love sa akin.”

Nagpupuyos siya habang pinagmamasdan ito. Ni hindi man lang siya nito sinulyapan nang sumampa ito sa kabayo at pinasibad si Dark Knight palayo. Talaga bang iyon lang ang tingin nito sa kanya? Isang babaeng gustong sirain ang pagsasama ng kapatid nito at ng nobya nito at isang babaeng oportunista na ipagpapalit ang lahat para sa isang mas guwapo at mayaman na babae. Kahit sino basta miyembro ng Stallion Island.

Sa kasamaang palad, wala siyang planong sumunod sa patakaran nito. Hindi niya tatawagan ang kapatid nito. She didn’t want to risk Draco firing her right away. Pero di rin niya mapipigilang mahalin ito. Hindi sapat ang unlimited access niya sa card nito at pera nito para mapalitan ang laman ng puso niya.

Isang plano ang nabuo sa isipan niya. Hindi siya basta-basta maididispatsa ni Draco sa buhay nito. Ipapakilala niya ang tunay na Tennessee Carson.

PINAGGIYAGIS ni Tennessee ang ngipin habang hinihintay niya ang order niya. Nasa Windy Cafe siya sa Wind Village kung saan tanaw ang mga windmill na siyang source of energy ng isla. Gusto na niyang isumpa ang suot na black long sleeves polo at black skirt na hanggang sakong. Parang mamamatay siya sa init. Kahit paano ay nakataas ang mahaba niyang buhok pero mainit din ang dark niyang make up.

Isang matangkad na lalaking may kahabaan ang buhok at nakasuot ng plain white shirt at jeans ang lumapit sa kanya. “Hi! I’m Slade! Isa ako sa pilot dito sa island. Mind if I join you? Ayoko kasi na pabayaang mag-isa lang ang magandang babaeng katulad mo.”

“I am Tennessee...”

Isa pang lalaki na may singkit na mata ang humila naman ng upuan at nakitabi sa kanya. “Tennessee, huwag kang masyadong ma-impress sa sinabi niya. Kinopya lang kasi niya ‘yan sa akin.” Inilahad ng bagong dating ang upuan. “I am Zach. At titiyakin ko sa iyo na mas original ang mga lines ko. I can keep you company.”

“Bakit hindi ka na lang nag-Arabic o kaya nag-Swahili? Baka sakaling mas original iyon sa kanya,” sarkastikong sabi ni Slade.

“Hindi naman ako marunong ng dalawang iyon.”

Hindi na bago sa kanya ang lapitan ng mga nagguguwapuhang kalalakihan. Kanina pa siya nilalapitan ng mga members doon. Iyon siguro ang pinaka-thrilling experience ng mga kababaihang napapapadpad doon. Ang pag-agawan ng mga naguguwapuhang Stallion Island hotties.

“I am not exactly alone I am afraid. Hinihintay ko ang boss ko kanina pa. Hindi ko kasi alam kung nasaan siya,” malambing niyang sabi.

“Kasama mo pala ang boss mo,” sabi ni Slade. “Perhaps I can help you to look for him. Pero kailangang makikipag-date ka sa akin pagkatapos.”

“Sure!”

Tumikhim si Zach. “Mag-unahan na lang tayo kung sino ang mauunang makapagbigay ng information sa kanya. Okay lang sa akin basta matulungan ko siya. Wala akong hihinging kapalit. Pero kung gusto niyang mag-date kami sa free time niya, sino ba ako para tumanggi?”

“I am Draco Montague’s assistant. Hindi ko kasi siya ma-contact kanina pa.”

“Assistant ka ni Draco Montague?” halos sabay na bulalas ng dalawa.

Saka naman biglang dumating ang waitress dala ang order niya. “Here is your tomato juice, Ma’am. May iba pa po ba kayong order?”

“Dinuguan.” Hinawakan niya ang leeg niya. “Parang gusto ko ng dinuguan.” Saka niya ininom ang tomato juice habang di inaalis ang tingin sa dalawa.

Namutla sina Zach at Slade habang nakatitig sa tomato juice na iniinom niya. Mapulang-mapula iyon na parang dugo. Tapos ay naghanap pa siya ng dinuguan. Kahit na katanghaliang tapat ay horror ang tumatakbo sa isipan ng mga ito. Parang sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ng mga ito kung anong klaseng babae talaga siya. She was Draco Montague’s assistant, ang kilalang Dark Prince ng lahat. Di na siya magtataka kung iniisip din ng mga ito na sumisipsip siya ng dugo.

Naunang tumayo si Slade at hawak ang Palm Pilot nito. “Ang totoo hindi kami good terms ng boss mo. Baka hindi siya matuwa kapag nakitang kasama kita. A-Ayoko namang magka-problema ka sa kanya.”

Pasimpleng sinulyapan ni Zach ang leeg niya. “Pwede kong tawagan ang security office para i-track siya. Kung gusto mo pa ring mag-date tayo, pwede bang umaga na lang? Huwag gabi.”

Binasa ng dila niya ang labi niya. “Walang problema. But it’s okay kung hindi ninyo ako matutulungan. Ayaw nga ng boss ko na may lumalapit na lalaki sa akin. Baka daw kasi masakal lang niya. I think he likes me.”

Parang nakahinga naman nang maluwag ang dalawa. “A-Ayaw talaga namin nang-aagaw ng love interest ng iba,” sabi ni Slade at tumawa.

“Mukha namang bagay kayo ni Draco. Parang love team kayo. Pareho kayong mahilig sa tomato juice at dinuguan,” wika naman ni Zach at sumaludo.

Tatawa-tawa siya nang sa wakas ay nagpulasan na ang dalawa. Tiyak na kakalat sa buong Stallion Island na assistant siya ni Draco Montague at ang Princess of Darkness nito.

Buong araw nga siyang nagpahinga pagdating niya. Nagpa-deliver na lang siya ng pagkain at kinabukasan ay nag-shopping ng damit. Ilang piraso lang iyon ng mga dark colored dresses. Nahirapan nga siya iilan lang ang ganoong design sa isla. At ayon sa designer na si Ayumi ay kapag Halloween lang daw nabibili ang mga ganoong damit.

Now she looked like the assistant who was perfect for Draco Montague. At siyempre, mas kakatakutan pa ang personality niya dahil sa image na binuo niya. Men would think of her as a blood sucking vampire. A dark creature.

“Gosh! Super hot talaga ngayon,” anang babaeng bagong dating at inilapag ang bag sa table na katabi niya. Nakamaiksing skirt ang babae at halter top. Inalis nito ang shades at nilapitan siya. “Girl, hindi ka ba naiinitan sa damit mo? Concern lang ako kasi baka ma-heat stroke ka.”

“Okay lang ako, Miss.”

“Anong okay? Mukhang hihimatayin ka na nga. Namatayan ka ba? Condolence, ha? I am Olay nga pala,” anito at inilahad ang palad sa kanya.

Kinamayan niya ito. “Hindi ako namatayan. Assistant ako ni Draco Montague.”

“Ah! Iyong guwapong Prince of Darkness na ayaw ngumiti?” Ngumiwi ito nang uminom siya ng tomato juice. “Hinihintay mo ba siya? Nasa Lighthouse Restaurant siya. May meeting yata sila ni Lord Evandro at iba pang hotness.”

Itinaas niya ang dalawang kamay. “Finally! May nagsabi na rin sa akin kung nasaan siya. Ang totoo kanina pa ako nagtatanong pero walang gustong magturo sa akin kung nasaan siya.”

“Takot siguro silang makulam.” Bigla nitong natutop ang bibig. “Pasensiya ka na. Taklesa talaga ako minsan. Pero open naman ang Windy Cafe para sa iyo at sa boss mo. Dalhin mo siya mamayang gabi sa show ko para matuto naman siyang tumawa. Nandito ako sa Stallion Island para paligayahin ang mga taong di marunong tumawa.”

“Thank you!”

“At huwag mo na ring isuot ‘yang panluksa ng lola mo sa tuhod. Magkakasakit ka kapag ganyan ang suot mo dito. Sayang magkasingganda pa mandin tayo,” sabi ni Olay.

Nakangiti siyang tumango. Gagawin niya iyon pero kailangan muna niyang tapusin ang part one ng misyon niya kay Draco.

Nagpahatid siya sa Lighthouse Restaurant. Kasunod lang siya ni Congressman Evandro Luminares na ka-meeting ni Draco. May iba pang miyembro ng club na kasama ang mga ito sa meeting. Dali-dali siyang lumapit sa mesa ng mga ito. “Good afternoon, gentlemen. I am Tennessee Carson, Draco Montague’s assistant,” pagpapakilala niya at inilahad ang palad sa bawat isang kasama sa mesa ni Draco. “How do you do?”

“I am Congressman Evandro Luminares,” pagpapakilala ng isa sa village lords at madalas kasama ni Draco sa mga projects nito.

“Trinidad Javellana, Jr,” pagpapakilala naman ng sikat na record label producer.

“Yllac del Rio.” Isa naman itong social entrepreneur at siyang ngumiti lamang sa presensiya niya. Malamang ay di inaasahan ng mga ito na may hahalong babea sa meeting. “Draco didn’t tell me that you will join us.” Tumayo ito at ibinigay sa kanya ang upuan niya. “Have a seat!” At nagpakuha na lang si Yllac ng upuan sa waiter.

Nagdilim ang mukha ni Draco nang tabihan niya ito. “What are you doing here, Miss Carson? I am afraid you are not part of this meeting.”

“My boss is really a sweet one. Gusto niyang mag-relax lang ako dito sa isla habang siya naman nagtatrabaho. I don’t think that is fair. I believe in working first before pleasure,” nakangiti niyang sabi at ihinanda ang laptop niya.

Bumulong sa kanya si Draco. “What the hell are you wearing? It is unflattering. Lahat ng lalaking makakita sa iyo baka magmano sa iyo o di kaya tumakbo dahil mukha kang multo mula sa unang panahon. You used my money to buy that piece of junk? ”

“I am just dressing up as your assistant, Boss. And don’t worry. Kung ayaw mong bayaran ang damit ko, ako ang magbabayad.”

“You look good together,” sabi ni TJ sa nanunuring mga mata. “Parang love team kayong dalawa.”

“We are not a love team!” tutol agad ni Draco.

“Violent reaction noted. Shall we proceed with the meeting?” tanong ni Evandro. “What do you think about the Cheaper Medicine Bill, Miss Carson?”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.