Stallion Island Series Chapter 121

What a question! Paano siya makakapag-isip nang palusot kung nakakatutok ang mga mata nito sa kanya. Hindi rin naman siya pwedeng umamin. Baka balatan siya nito nang buhay. Ano bang gagawin niya.

“Ano… Sir…”

She was stammering like hell! Ano bang dapat niyang gawin? Di niya inaasahan na itatanong nito kung anong nararamdaman niya para dito. Sana tinanong na lang nito kung siya ang pumatay kay Jose Rizal. Baka umamin pa siya.

“Bakit hindi ka makasagot, Miss Carson? I am not asking you to solve the climate change or the world economic crisis. I am just asking…”

“Crush!” bigla niyang nausal. “Crush ko kayo, Sir!”

Nagsalubong ang kilay nito. “Crush?”

“Crush lang, Sir. Crush lang talaga!” PInagsalikop niya ang mga palad at pinagkiskis. Natatakot din siya sa magiging reaksiyon nito sa sagot niya. “Konting-konting crush lang talaga, Sir.”

Sabi nito ay aalisin siya sa trabaho kapag na-in love siya dito. Iba naman ang crush sa love. Di naman siguro iyon grounds para masesanti.

“Crush? Para sa high school lang ang crush, Miss Carson.”

“Wala naman sa Philippine Constitution na di pwedeng magka-crush ang nasa edad ko. Tita ko ngang may limang anak nang nasa college at high school may crush na Stallion Boys. Pero walang kinalaman ang crush ko sa inyo para kayo ang piliin kong ipakilalang boyfriend. Tawag lang ito ng pangangailangan. Saka nagpapasalamat naman ako, Sir. Kahit paano nakaiwas ako kay Tommy.”

Tumiim ang anyo nito nang mabanggit niya ang dating kasintahan. Binuksan nito ang Blackberry nito nang may dumating na mensahe at binasa iyon. “Tommy

Ballestro is part of Mattheu’s entourage. Kasama siya sa Streah publication.”

“Diyan nga siya nagtatrabaho. Ako pa nga ang nag-refer kay Tommy na mag-apply sa company na iyan. He has a talent with words and has a critical mind and analytical mind. Bakit naman sa dinami-dami ng ipapadala nilang representative, si Tommy pa?”

Ayaw niyang isipin na gumawa ng paraan si Tommy para maging parte ng team nito na sasama sa Stallion Island. Sabi nito ay ginawa nito ang lahat para makita lang siya.

“I have a bad news. Siya rin ang ipinadala ng Streah para mag-asikaso sa feature natin sa magazine nila para sa anniversary ng Montague Pharmaceuticals.”

TUluyan nang gumuho ang mundo niya. Naisubsob niya ang mukha sa hita niya. Hindi niya ma-imagine ang sarili na makakatrabaho si Tommy. Okay lang sana kung wala itong interes sa kanya. Di talaga siya magiging komportable.

“NO! Ayoko talaga siyang makasama o makatrabaho! Ayoko! Matagal ko nang tanggap na hiwalay na kami.”

“Sinasabi ba niyang ikaw talaga ang mahal niya?”

“Wala akong pakialam. Kung talagang mahal niya ako, di siya dapat makakabuntis ng ibang babae. Kung may problema sila, labas na ako doon. Basta ang alam ko hindi na ako interesado sa kanya. Ayusin niya ang problema niya sa mag-iina niya. Tahimik na ang buhay ko ngayon.”

Ayaw niyang makasira ng isang pamilya. Baka mamaya ay asawa pa ni Tommy ang makaisip na kagagawan niya ang lahat mapalapit lang sa asawa nito. Dati na siyang pinagseselosan ng asawa ni Tommy. Ayaw na niyang makadagdag pa sa gulo. Kung maghihiwalay ang mga ito, ayaw niyang maipit sa gitna.

“Ano ngayon ang plano mo? Mukhang very persistent ang Tommy Ballesteros na ‘yon. Talagang sinusundan ka niya.”

“E-Ewan ko.” Kanina pa siya mababalliw sa kaiisip ng gagawin. Hindi madaling itaboy si Tommy kung talagang determinado ito.

“I think I can help,” pagkuwan ay sabi ni Draco.

“Huwag na po, Sir.”

Hindi pa nga siya nakaka-recover sa kahihiyan nang aminin niya dito na ito ang ipinakilala niyang boyfriend. Pati na rin ang pagkakaroon niya ng crush dito.

“Assistant kita. Habang nasa Stallion Island ka, kargo kita at responsibilidad. Hindi pwedeng hahayaan ko na lang na may gumulo sa iyo. TUtulong ako.”

“Talaga, Sir?”

He looked like a knight in shining armor at the moment. Malayong-malayo ito sa Dracula image nito. Kumikinang at kumukuti-kutitap ito sa paningin niya. Parang masarap itong yakapin at ikiskis ang pisngi niya sa dibdib niya.

“Ayoko sa mga lalaking walang kasiyahan sa buhay. Ayoko sa mga taong sinisira kung ano ang magandang bagay na mayroon sila katulad ng pamilya. Hindi ako papayag na maipit ka sa gulong ito. Mga manloloko at babaero.”

May himig ng galit sa boses nito. Parang may personal vendetta ito sa mga lalaking naninira ng pamilya. Ang akala niya ay magkakakampi ang mga lalaki pagdating sa kalokohan ng mga ito. Na mas gusto pang pagtakpan o kaya ay pangatwiranan ang kalokohan ng isa’t isa. Pero iba si Draco. Handa itong panindigan ang pinaniniwalaan nitong tama. Kapag nagkanobya ito, tiyak na hindi nito sasaktan o lolokohin. Nai-in love na naman siya dito.

“Ano pong gagawin natin?” tanong niya.

“Ipapa-ban ko siya dito. O kaya sasabihan ko si Mattheu na palitan siya sa team. Hindi ko siya gustong makatrabaho. You saw how he acted high and mighty a while ago. Parang mas mayabang pa siya sa akin pero mabilis namang mamutla.”

Draco knew his effect on people. Tipid siyang ngumiti. Nangangarap na naman siya dito. Hindi iyon ang oras para pangarapin niya ito. Malaki ang problemang kinakaharap niya.

“Sir, ganoon din iyon. Pag-uwi ko, kayang-kaya pa rin akong guluhin ni Tommy. Isa pa, ayoko namang madamay pati ang trabaho niya. After all, kailangan pa rin iyon ng pamilya niya.”

“You are something, Miss Carson. Ikaw pa ang nakakaisip ng pamilya niya.” Malumanay nitong sabi subalit biglang tumalim ang mga mata nito. “Samantalang walang ginawa ang lalaking iyon kundi isipin kung paano iiwan ang pamilya niya. He is stupid and good for nothing. I am actually tempted to do my brother’s threat. Gusto ko siyang ipaanod sa ilog. Baka iyon lang ang paraan para tigilan ka niya at para matigil na rin ang pananakit niya sa pamilya niya.”

Galit na talaga si Draco sa pagkakataong ito. Mukhang katulad niya ay nafu-frustrate na rin ito kung paano palalayuin sa kanya si Tommy.

“Sir, hindi naman ninyo kailangang maging sobrang drastic.”

“Pwes, may iba ka pa bang naiisip?”

Pinagsugpong niya ang mga daliri niya. “Kung maipapakita ko lang sa kanya na hindi na ako interesado sa kanya at in love na in love ako sa iba, siguro naman titigilan na niya ako. Mas madali ito. Mas konti ang damage.”

Kailangan niya ng proteksiyon ng isang lalaki. Kailangan niya ng isang lalaki na magtataboy kay Tommy habang ipinapakita dito ang pagmamahalan nila. Kapag nagawa niya iyon, maiisip nitong mas mahalaga ang pamilya nito dahil wala naman itong aasahan sa kanya.

“Iyon na nga ang ginawa ng kapatid ko, di ba? Pero nandiyan pa rin siya at nakabuntot sa iyo.”

“Well, hindi naman namin masyadong naipakita ni Diego ang devotion namin sa isa’t isa. Saka medyo naging bayolente pa siya nang pagbantaan niya si Tommy. Masyado siyang naging aggressive. So inakala ni Tommy na kailangan ko ang proteksiyon niya.”

Mahabang sandali siya nitong tinitigan. Hindi niya alam kung ano ang tumatkabo sa isipan nito. Huwag naman sanang isipin ni Draco na ilagay ang batas sa mga kamay nito. Huwag sana niyang makitang lumulutang na lang sa Ilog Pasig si Tommy kapag napikon ito nang tuluyan.

“Alright! Pumapayag na akong magpanggap na boyfriend mo.”

“Ano, Sir?” bulalas niya.

“Sabi ko magpapanggap akong boyfriend mo.”

Nakanganga lang siya dito. Parang wala sa character ni Draco ang papayag sa ganoong ideya. “Seryoso kayo, Sir?”

“Sa palagay mo ba magpapatawa pa ako sa ganito kaseryosong problema?”

Hindi niya inaasahan na gagawin iyon ni Draco. Talagang magpapanggap ito na maging boyfriend niya?

“Pero Sir ayoko pong abalahin kayo. Saka baka hindi ninyo kayanin…”

“Naabala na ako nang gamitin mo ang pangalan ko at ipakilalang boyfriend mo!”

Yumuko siya. “I’m sorry.”

Naiipit na talaga siya. Pati s Draco na walang kinalaman sa gulong iyon ay nadadamay. Hindi niya ito masisisi kung magalit man ito sa kanya.

“Look! I didn’t mean to yell at you. Hindi ako galit sa iyo. Pero sana naman pumayag ka na tulungan kita. Ikaw na ang nagsabi na kailangan mo ng lalaking tutulong sa iyo na magpanggap na boyfriend mo. Hindi ka pwedeng kumuha ng ibang magpapanggap na boyfriend mo. I am the only one who is qualified. After all, ako na ang ipinakilala mong boyfriend. Ituloy na lang natin ang nasimulan mo hanggang mawala ang ex-boyfriend mo sa buhay mo. Sa tingin ko naman mas effective akong Draco Montague kaysa sa kapatid ko.”

Napalitan ng saya ang lahat ng takot na nararamdaman niya. Si Draco ang perfect na solusyon sa lahat ng problema niya. Ni minsan ay di sumagi sa isipan niya na si Draco pa mismo ang magsa-suggest na tulungan siya.

“Malaking bagay sa akin itong ginawa ninyo. Hindi lang po talaga para sa akin kundi para rin sa pamilya ni Tommy.”

“This is courageous, Miss Carson. Some women are unscrupolous enough. Nang-aakit silang sadya ng mga lalaking may asawa na para sa makasarili nilang intensiyon. Walang pakundangan sa nararamdaman ng iba. While you are doing the moral thing. Nagawa mo pang alalahanin ang pamilya ng ex-boyfriend mo samantalang niloko na ka niya dati. You are a good person.”

Magaan na ang loob niya dahil napuri ni Draco ang pagkatao niya. Na-appreciate nito kung sino talaga siya. At di ito mangingiming tulungan siya.

Sa sobrang tuwa niya ay niyakap niya ito nang mahigpit. “Thank you, Sir! Hinding-hindi talaga ninyo pagsisisihan ang pagtulong sa akin.”

At sobrang sarap yakapin at amuy-amuyin ni Draco. Mabango talaga ito. Parang idinuduyan siya. At matatag na sandigan ang matipunong katawan nito. Hay! Napakaswerte naman niyang pagpanggapin itong boyfriend niya. Parang mas gusto na lang niya kung totoo ang lahat. Titiyakin niyang hindi niya pagsisisihan kapag naging boyfriend niya ito.

Tumikhim ito. “Miss Carson…”

May halong babala sa boses nito kaya napabitiw siya dito. His lips were firmly pressed. Parang di ito natuwa sa pagkakayakap niya dito. “M-Masyado lang po akong natuwa at nagpapasalamat sa inyo. Saka practice lang.”

“Check our itinerary. Ang alam ko may meeting tayo kasama ang Streah Publication. Kailangang paghandaan natin ang pagharap natin sa ex-boyfriend mo.”

Sumaludo siya. “Yes, Sir!”

“Draco. Call me Draco from now on,”

“Draco,” mahina niyang tawag sa pangalan nito nang tumalikod ito para pumunta sa library at i-check ang mga pending works nito.

Niyakap niya ang sarili nang may ngiti sa labi. May maganda rin palang dulot ang pambubwisit ni Tommy sa kanya. Boyfriend niya si Draco! Wahoo!

DRACO was sitting stiffly beside her. Hindi ito halos humihinga. Seryosong-seryoso ang itsura nito. Ganoon na ang itsura nito pag-alis pa lang sa villa nito hanggang makarating sa Banyan Tree kung saan may meeting sila sa Streah Publication. Na-confirm na nito na isasama ni Mattheu si Tommy. Ready na ang lahat ng materials para sa meeting na iyon pero si Draco ay di pa yata handa.

Hinila niya ang sleeve ng itim nitong long sleeve polo. “Sir, okay lang kayo?”

“Don’t mind me, Miss Carson. I am okay. At usapan natin tawagin mo akong Draco, di ba?” Parang naka-concentrate talaga ito sa pagpapanggap nila.

“Miss Carson din naman ang tawag mo sa akin.”

“Drat!” mahinang bulalas nito. “I didn’t notice that. Ano dapat ang itawag ko sa iyo?”

“Nessie. Short for Tennessee.”

“Nessie.” Uminom ito ng tubig at tumango-tango. “Nessie. Tennessee.” Parang kinakabisa nito ang pangalan niya. Gusto niyang mangalumbaba na lang at titigan ito habang nagsasalita. Masarap kasing pakinggan ang pangalan niya kapag ito ang tumatawag. “Miss Carson,” bigla ay pormal nitong sabi.

Bumagsak ang balikat niya. Parang mas komportable pa itong tawagin siya na Miss Carson kaysa sa first name niya. At hindi nila makukumbinsi si Tommy na magkasintahan sila kung puro Sir at Miss Carson ang tawagan nila.

“Sir, huwag na lang kaya nating ituloy. Kasi parang hindi kayo masyadong komportable. Ayokong magkaproblema tayo.”

“Hindi pwede! Nakapag-commit na ako sa iyo. Pwede bang endearment ko na lang sa iyo ang Miss Carson?” maingat nitong tanong. Gusto talaga nitong tulungan siya. Nakikita naman niyang nagsusumikap ito.

“Makakalusot tayo diyan. Pero kung mapapansin ni Tommy na hindi tayo masyadong sweet, magkakaproblema pa rin tayo. Iisipin ni Tommy na hindi ka talaga in love sa akin. And I am better off with him.” Kinagat niya ang labi. “Hindi rin naman ako komportable sa idea na ‘to.”

“So do I,” pag-amin nito at uminom ito ng tubig. Ninenerbiyos nga ito. MUkhang mas ninenerbiyos pa kaysa sa kanya. “I am not used to relationships anymore. Even with intimacy. Matagal na akong walang practice sa pagkakaroon ng girlfriend. I might do the wrong thing.”

Ngayon lang niya nakitang ninerbiyos si Draco. At siya pa ang nakapagpanerbiyos dito. They were a team now. KAilangan niyang palakasin ang loob nito. Kung anuman ang di nito magagawa, kailangang siyang mag-cover up.

Lakas-loob niyang inabot ang kamay nito at ginagap. “For starters, pwede kong hawakan ang kamay ninyo. Wala tayong gagawin na di tayo komportable.”

Nanlalamig ang kamay nito habang nanginginig naman ang kanya. Mas nakakanerbiyos pa ito kaysa nang i-defend niya ang thesis niya. Mabuti pa kay Diego madaling magkunwari. Kontrolado kasi niya ang emosyon niya di tulad kay Draco. Nagwawala ang puso niya hawakan pa lang niya ang kamay nito.

“I am sure you and your ex-boyfriend did more than this.”

Nagkibit-balikat siya. “Alam ko kung saan ang limitasyon namin. Kung makakangiti kayo sa akin at di ninyo ako kukunutan ng noo tuwing ngingiti ako sa inyo, sa tingin ko makakalusot tayo.”

Huminga ito nang malalim. “I don’t think this is enough.”

“Ano ang dapat nating gawin?”

Kinabig nito ang batok niya. Hindi na siya nakapagtanong pa dahil sinakop nito ang labi niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.