Draco’s kiss was searing. Parang sinisilaban ang buong pagkatao niya at tinatatakan nito ang kaluluwa niya. She never thought that someone as cold as Draco could kiss like this. Hindi na siya makahinga at ayaw na niyang huminga. Parang ito na ang nagsu-supply ng oxygen sa katawan niya.
It was nothing compared to Tommy’s kiss years ago. Parang humalik lang siya sa isang bata. And Draco told her that he had never done this for years now. He was the master in kissing. Kung si Tommy ay gusto na niyang tapusin agad halik dahil masyado siyang reserved noon, kay Draco ay gusto lang niyang magpatangay sa agos. Wala siyang pakialam kung nasaan sila o kung sinuman ang makakita sa kanila. All she cared about was his kiss and his touch.
Ayaw na niyang magkunwari. Gusto na lang niyang ipagsigawan sa mundo ang tunay na nararamdaman niya.
Naghiwalay sila agad nang marinig niyang may tumikhim. Nanlaki ang mata nang masalubong ang nakangiting mata ni Mattheu, ang publisher ng Streah Publication na miyembro ng Stallion Island.
“Mukhang nakaabala yata kami sa inyo,” amused nitong sabi.
“Mattheu! Masyado yata kayong maaga.” Tumayo si Draco at kinamayan ito. “You are fifteen minutes early.”
“We are fifteen minutes late,” pagtatama ni Mattheu. “I apologize for that. Good evening, Miss Carson!”
Pinilit niyang magpaka-pormal at hinamig ang sarili nang harapin ang mga bagong dating. “Good evening, Sir.” At kinamayan niya ito.
Napansin niya ang matalim na tingin ni Tommy na nasa likuran lang nito. Hindi maganda ang hilatsa ng mukha nito habang nakatitig sa kanya. Di niya maiwasang mamula. Ma-imagine lang niya kung paano siyang hinalikan ni Draco kanina at nakita ng ibang tao, himala na di pa bumubuka ang lupa para lamunin siya. Talaga bang pagpapanggap lang nila iyon ni Draco at sinadya nito para makita ni Tommy?
“Ngayon lang yata hindi aware si Draco sa oras. Mukhang dahil sa iyo,” sabi ni Mattheu. “Thank you, Miss Carson. Kundi dahil sa iyo, baka sinesermunan na ako ni Draco dahil late na ako. At ipapaliwanag niya sa akin kung gaano kahalaga ang oras.”
“There’s no use explaining it over and over again, right? Let’s get down to business.” Napansin niya na maaliwalas ang mukha ni Draco kahit di ito nakangiti. “Nandito pa rin pala si Mirinda.”
“Sir, naalala pa pala ninyo ako, Sir,” kinikilig na sabi ng babaeng may makapal na salamin. Mukhang crush pa nito si Draco. Minsan na rin niya itong nakatrabaho at iniyakan nito ang pagsusungit ni Draco nang magkamali ng impormasyon na nailagay ang mga ito. “Mas guwapo kayo ngayon, Sir.”
“Blooming iyan dahil may girlfriend na. Finally!” sabi ni Mattheu at tinapik sa balikat si Draco.
“May mga bagong member sa team mo,” sabi ni Draco na may bahagyang kapormalan sa boses.
Isa-isang ipinakilala ni Mattheu ang mga tutulong sa kanila sa paggawa ng feature at maging ang mini-magazine para sa mga projects at promos nila.
“This is Tommy Ballestro. Hindi makakarating ang manager niya dahil may sakit kaya siya na lang ang ipinadala ni Mr. Macapas.”
Nagsukatan ng tingin sina Draco at Tommy bago inabot ng una ang kamay. “Nagkita tayo ulit, Mr. Ballestro.”
Hindi kumibo si Tommy at kinamayan lang nito. Dali-dali nitong binawi ang kamay kay Draco. Parang natatakot ito na mapiga ni Draco o mabalian ng buto.
“Magkakilala na kami ni Tommy,” sabi agad niya.
“Nabanggit sa akin ni Tommy na magkaibigan kayo,” sabi ni Mattheu nang piliin niyang kumapit sa braso ni Draco kaysa ang kamayan si Tommy. “Since college daw close na kayong dalawa.”
“Dati. Hindi pa siya nag-aasawa no’n at mga bata pa kami,” nakangiti niyang sabi at nag-request sa waiter na i-ready na ang order nila ni Draco.
“Si Nessie ang nagsabi sa akin ng opening sa Streah Publication. That’s why I am forever grateful to her,” sabi ni Tommy habang nakatitig sa kanya.
Sa inaakto ni Tommy ngayon, iniisip niya kung dapat bang tinulungan niya ito. Iniisip nito ngayon na interesado pa rin siya dito. Naawa lang naman siya dito dahil kahit paano ay may pinagsamahan sila. Wala siyang planong magpasok ng kung anu-anong ideya sa utak nito dahil sa pagtulong niya.
Ginagap ni Draco ang kamay niya. “Mabait talaga ang girlfriend ko. Masyadong mabait kahit sa mga taong nanloko at nanakit sa kanya.”
Napansin niya ang discomfort ni Tommy. Tinamaan marahil ito sa pasaring ni Draco. Then good. Nang malaman nito kung ano ang tingin niya dito.
“Angel and devil pala kayo,” komento ni Mattheu.
Pinisil niya ang baba ni Draco. “Devilishly handsome.” Saka niya ito kinintalan ng halik sa pisngi. Kahit pa Prince of Darkness si Draco at nuknukan nang kasungitan, hindi ito masamang tao. Nararamdaman niya iyon.
“Sobrang sweet naman ninyong dalawa,” anang si Mirinda at impit na tumili. Natigil ito at tumingin sa paligid. Pormal kasi ang setting sa Banyan Tree Restaurant at may certain decorum na sinusunod. “Pwede naman akong kiligin sa inyo, di ba?”
“Hindi ka ba natatakot, Nessie? May reputasyon si Mr. Montague na mainitin ang ulo. Baka mamaya saktan ka niya,” sabi ni Tommy at saka tumungga ng alak.
“Ha? Si Draco? Ni hindi nga niya masaling ang dulo ng daliri ko. Saka sigurado naman ako na faithful siya sa akin. Sa halip kasi na i-encourage niya ang atensiyon ng ibang babae, itinataboy niya. Okay lang sa akin na magsungit siya sa iba lalo na sa mga may masamang intensiyon sa akin. Pinoprotektahan lang niya ako dahil mahal niya ako,” pagmamalaki niya.
Gusto niyang ipakita ang malaking kaibahan nina Draco at Tommy. Nakikita niya ang matinding pagmamahal nito sa namatay na kasintahan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nito pinapalitan. Di tulad ni Tommy. Nobya pa siya nito noon pero nakabuntis ito ng ibang babae. Ngayon ay di nito mapangatawanan ang responsibilidad nito at sa kanya naman tumatakbo. Kawalang-respeto sa kanya na alukin siyang maging mistress nito. Kapal ng mukha!
“I love you, Sir Draco!” tili ni Mirinda at itinaas ang dalawang kamay.
Mahaderang bruhang ito. Aagawan pa siya ng Draco. Mahigpit siyang kumapit sa braso ni Draco. “Akin na siya at wala akong planong pakawalan siya. Okay?” Saka niya ito tiningnan nang matalim.
Pinagkrus ni Mirinda ang kamay sa dibdib nito. “Nakakatakot ka naman, Miss Nessie. Mas nakakatakot ka pa kay Sir Draco.”
“Sobrang possessive akong girlfriend.”
Hindi pa nga niya totoong boyfriend si Draco ay posssessive na siya. Lalo na kapag naging totoong boyfriend niya ito. Dudukutin niya ang mata ng mga kababaihang gustong magdidikit dito.
Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya kay Tommy na tahimik lang nang magsimula na nilang i-discuss ang gusto nilang mangyari sa feature article ng mga ito para sa Montague Pharmaceuticals.
Nagpapanggap man sila ni Draco o hindi o kahit wala pang Draco sa buhay niya ay wala siyang mahihita dito. Di na niya ito babalikan pa. At kahit pagkukunwari lang ay mas masaya ang puso niya na kasama niya si Draco.
“MINSAN ko nang nakasama sa ski si Mattheu. I think that was ten years ago. Ipinagmamalaki niya sa amin na magiging pinakamagaling siyang horror publisher katulad ng father niya. Pero nang magsimula na kaming magkwentuhan nang nakakatakot, magpupunta lang daw siya sa CR at hindi na siya bumalik.”
May ngiti sa mga mata ni Draco habang nagku-kwento sa mga experience nito kasama ang ilan sa members ng Stallion Island. He really had fond memories with people. She saw the glimpse of the Draco before his family’s tragedy and before the death of his ex-fiancee. Masayahin ito, maraming mga kaibigan at mahilig sa mga outdoor sports. At may kasiyahan sa boses nito habang ikinukwento ang mga experiences na iyon.
“Isang horror publisher na takot sa multo?” Di niya mapigilang tumawa. “Now that’s something.”
“Inantok lang ako agad dahil sobrang lamig,” depensa ni Mattheu. “Hindi fair na siraan ako sa mga girls. Sino kaya ang mahilig magkwento ng nakakatakot para laging mayakap ng mga babae?”
“That’s Quillian. He is really good at it,” tukoy nito sa television producer na miyembro rin ng Stallion Island.
“Come on! Dalawa kayo ni Quillian na notorious diyan,” pambubuko ni Mattheu. “Alam mo na ngayon kung paano mang-akit babae si Draco. Oras na yakapin ‘yan ng babae, di na siya pinapakawalan.”
Bahagya siyang yumuko nang maalala nang yakapin niya si Draco. Ayaw na rin niya itong pakawalan. Alam kaya ni Draco ang epekto nito sa kanya?
Kinudlit ni Draco ang pisngi niya. “Jealous?”
“No! Alam ko naman na walang ibang babaeng malakas ang loob na yumakap sa iyo ngayon kundi ako lang,” matapang niyang sabi.
Tommy cleared his throat. “If you’ll excuse me, kailangan ko nang bumalik sa Island Guesthouse. Medyo late na rin. I need to sort out the materials that Nessie gave us.”
Tahimik ito buong gabi. Halos di ito kumikibo at parang inoobserbahan lang silang dalawa ni Draco. It was a fun night. Ibang Draco ang kasama niya. He was revealing a part of himself that he didn’t usually show to other people. Sa sobrang pagkaaliw niya kay Draco, di na nga niya naalala ang pagpapanggap nila o si Tommy. Parang natural lang ang kilos nilang dalawa.
“Puro na lang trabaho ang iniisip mo, Tommy. I thought we agreed that we’ll have fun at night,” sabi ni Mattheu. “Chill, man!”
“Iba na kapag may pamilya, Sir Mattheu. Kailangang magtrabahong mabuti ni Tommy para sa kanila. Right, Tommy?” malambing niyang tanong.
Napilitang tumango si Tommy. Dapat alam na nito kung saan ito lulugar. May pamilya na ito. He had no business running after her. Kung magsusumikap man ito at magpaplano sa kinabukasan, dapat ay mag-focus ito sa asawa at anak nito. Dahil matagal na rin naman itong di kasama sa plano niya.
“Ayokong may nagtatrabaho habang nag-e-enjoy pa ang ibang nasa team ko,” sabi ni Mattheu. “Let’s call it a night.”
“Napahaba nga ang kwentuhan natin,” sabi ni Draco. “It’s eleven already. Kailangan ring magpahinga ni Miss Carson.”
“Miss Carson?” nakakunot-noong tanong ni Tommy at nagpapalit-palit ang tingin sa kanila ni Draco. Mukhang gumagana na ang utak ko.
“It’s an endearment,” palusot niya. “Boss naman ang endearment ko sa kanya.” Pinisil niya ang baba ni Draco. “Hindi ba, Boss?”
“Yes, Miss Carson,” sang-ayon naman nito.
Saglit pang kinausap nina Mattheu at Draco ang nadaanang village lords na sina Raddison at Rouen na kasama sa mesa ang member na si Andreev at Maxim nang lapitan siya ni Tommy. “Nessie, pwede ka bang kausapin?”
“Kung tungkol sa trabaho mabuti pang sa ibang araw na lang kapag may meeting ulit tayo. Wala naman kayong masyadong magiging problema dahil kumpleto ang impormasyong ibinigay namin. Malinaw rin kung ano ang gusto naming maging format ng mga output ninyo.”
“No! I want to talk about us.”
Humikab siya. “Anong about us?”
“Bakit kailangan mo pang banggitin ang tungkol sa pamilya ko? Nasasaktan lang naman ako kaya ayokong magtagal pa dito.”
Hindi pa rin talaga ito sumusuko. Ano bang problema ni Tommy? Hanggang ngayon ay di pa rin ito makaintindi. May boyfriend na siya at may pamilya naman na ito. Wala siyang planong maging kabit nito. Hindi ngayon. Hindi bukas o sa susunod na taon o hanggang bawian siya ng hininga. Never.
“Miss Carson, let’s go?” yaya ni Draco sa kanya.
Nakangiti siyang bumaling dito. “Yes. Gusto ko na ngang magpahinga. Maaga pa tayo bukas.”
“Oo. Gusto kong ipasyal natin si Dark Knight.”
“Isasabay na rin namin si Nessie. Ako na ang maghahatid sa kanya sa kuwarto niya sa Guesthouse, Mr. Montague.” Mas tunog na nag-uutos ang ginamit na tono ni Tommy at hindi nagpapaalam.
Tinaasan niya ito ng kilay. Para namang sasama siya dito. NAnatili siya sa tabi ni Draco at kumapit sa braso nito. “Hindi na kailangan, Tommy.”
“She’s coming home with me,” Draco declared.
“What do you mean he is coming home with you?” bulalas ni Tommy sa mataas na tono.
“May sarili akong villa dito sa island, Mr. Ballestro. At ilang linggo na ring sa villa ko tumutuloy ang girlfriend ko.”
“What? Sa iyo nakatira si Nessie? Kayong dalawa lang sa bahay mo? Hindi pwede iyan!” protesta ni Tommy.
Hinawakan siya nI Draco sa siko. “I think my arrangement with my girlfriend is none of your concern, Mr. Ballestro. She’s a matured woman. Alam niya ang ginagawa niya. Don’t worry. She’s capable of taking care of herself. And I am also more than capable of caring for her. Goodnight.”
Hindi na niya tininganan pa si Tommy nang igiya siya ni Draco palayo. She felt pride as she walked away. Sana naman ay nailagay na ni Draco si Tommy sa lugar nito. Hindi niya ito kailangan sa buhay niya. At kung may kakailanganin man siyang lalaki sa buhay niya ay si Draco iyon. Si Draco lang.