Sinipa-sipa ni Draco ang buhangin pagdating nila sa private beach. Magkahawak-kamay silang naglalakad. Walang naka-schedule doon kaya solo nila ang lugar. Naiilawan iyon ng mga solar torches. Doon sila nakarating para makatakas sa mga tao sa Windy Cafe.
Halos lahat yata ng tao sa Stallion Island ay nasa Windy Cafe. Solo nila ang lugar na iyon kaya malaya silang makakapag-usap.
“Narinig mo bang nag-stop ang music kanina?” tanong niya kay Draco.
“Hindi. Busy tayong mag-usap.”
Natatawa siyang umupo sa buhanginan. “Ano na lang ang iniisip nila sa atin?”
“That we are in love?” tanong nito at umupo sa tabi niya. Then he stared at her for a long time and didn’t utter a word.
Iniwas niya ang tingin dito. “Yan ka na naman. Nakatitig ka na naman sa akin. Wala namang ibang tao dito. Tayo lang.”
“Kaya hindi kita maintindihan. Kapag mabait ako sa iyo, iniisip mo na nagkukunwari pa rin ako. Ganoon ba ako kasama?”
“No! Naguguluhan lang ako. Kasi ang natural mo iyong laging nakaangil. At mas madalas nga di mo ako tinitingnan kapag kinakausap mo ako. Puro ka lang trabaho at mas gusto mong titigan ang laptop mo. Ngayon tinititigan mo pa rin ako kahit hindi naman kailangan.”
“You are pleasant to the eyes. Is that so bad?” Tinanggal nito ang sapatos nito. “For five years, I didn’t interact that much with people. Maliban na lang kapag kailangan sa trabaho. I don’t care much about other people’s personal lives. As long as nagpe-perform ang mga tao sa trabaho nila at walang planong i-invade ang personal kong buhay...”
“Tulad ng mga assistant mong in love sa iyo?”
“I don’t want to be involved when it comes to people’s emotion. I don’t want to feel. Ngayon lang ako nakialam sa personal na buhay ng ibang tao. I realized it isn’t so bad to do good things for other people. Pero nang sabihin mo sa akin na huwag akong maging mabait sa iyo, naisip ko na baka hindi ako kapani-paniwalang mabait. Maybe I am not that good enough to do good things for others.”
“No! Mas sanay lang talaga ako na masungit ka sa akin.” Pinagsalikop niya ang palad at mariing pumikit. “Natatakot lang ako na ma-inlove sa iyo,” kinakabahan niyang pag-amin.
Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon nito pero ihinanda na rin niya ang sarili niya kung magagalit ito sa kanya.
Instead he laughed then stood up. Saka nito hinaplos ang ulo niya. “Hindi ka pa naman siguro in love sa akin, hindi ba?”
Tiningala niya ito. “Noong nakaraang araw sabi mo may gusto ako sa iyo.” At takot na takot siya na alam na nito ang totoo. Na nahalata na nito sa kilos niya.
Nagkibit-balikat lang ito. “Paranoia. Nadala lang siguro ako sa mga assistants na pinagkakatiwalaan ko dati. Will you forgive me for being so crass?” tanong nito at inabot ang kamay sa kanya.
In-underestimate nito ang charm nito. Hindi ba nito alam na in love siya dito to the nth power?
Inabot niya ang kamay nito at hinayaan itong hilahin siya patayo. “Of course. Alam ko naman na hindi ka ganoon kasama. Siguro may mga pinagdaanan ka lang na dahilan kung bakit nawalan ka ng tiwala sa ibang tao.”
Hindi niya alam kung anong natatago sa madilim na nakaraan ni Draco. Pero kung pagbabasehan niya ang kwento ni Mattheu, ibang Draco ang nakilala nito. May masasakit na karanasan lang kaya nagbabago ang isang tao para protektahan ang sarili nito. At si Draco lang ang makakapagsabi kung kailan ito nakahandang tumapak muli sa liwanag. Kapag naghilom na marahil ang sugat sa puso nito.
“Did Ballestro hurt you so much?” he asked as he looked at the dark sea. “Did his betrayal ruin you? Kaya ba di ka na ulit na-in love?”
“Si Tommy. Ang Papa ko. Pero hindi ibig sabihin na sinukuan ko na magmahal ulit. Alam ko na kapag nagmahal ulit ako, tatanggapin ko siya kung ano siya. At kapag minahal niya ako, hindi niya ako lolokohin o iiwan.”
Pinisil nito ang kamay niya. “Right. Preserve yourself for that man.”
“Ikaw ba ayaw nang ma-in love ulit?”
Malungkot itong tumingala sa buwan. “Walang matinong babaeng mai-in love sa katulad ko. I don’t deserve that,” makahulugan nitong sabi at naglakad papunta sa dagat. Tumayo lang ito doon at hinayaan ang paa na hampasin ng alon.
Draco was an enigma. Isa itong misteryo katulad ng malalim na dagat na nasisinagan ng buwan. Hindi niya maintindihan si Draco. Paanong di ito karapat-dapat mahalin? Nararamdaman niya na ito ang lalaking nangangailangan ng pagmamahal. Bakit hindi nito hayaan ang sarili na mahalin? At kung hahayaan lang sana siya nito, ipaparamdam niya dito ang pagmamahal niya.
But it would take time. Dahil hindi niya alam kung handa siyang isugal ang tiwala ni Draco sa kanya para lang sabihin dito ang laman ng puso niya.
“SAVE!” humihingal na sabi ni Tennessee nang maidala sa counter ang huling copy ng outdoor sports magazine na nagpi-feature sa Stallion Island member na si Alessandrace Sandejas at sa mga ka-team nito sa isang kayak exploration sa Tsangpo River sa Tibet. Pinagkakaguluhan ang naturang magazine at marami nang nagpa-reserve sa bookstore ng Stallion Island. Mabuti at nakakuha pa siya ng kopya.
“Mabuti may naabutan ka pa. Di ko tuloy alam ang sasabihin kay Sir Draco kung nalaman niyang nagkagulo ang reservation ng magazine,” sabi ng manager ng bookstore na si Fariss.
“Okay lang. Ang importante may kopya. Cute pala ng kasama sa exploration team, no? Lalo na ‘yung kuya ni Miss Summeria na si Sir Scott.”
Napag-usapan nila ni Draco ang tungkol sa naturang exploration nang nakaraang gabi at gusto daw nitong mabasa. May meeting ito kaya di ito makakadaan sa bookstore para kunin ang ipina-reserve nito. Pero nagkagulo na dahil sa dami ng gustong bumili.
“Naku! Crush ko nga iyan kaso may tsismis na kumakalat sa kanila ng sports writer na si Everest na may relasyon daw sila.”
Ngumisi lang siya. Di na siya madidismaya kung taken man ang lahat ng guwapong lalaki sa mundo basta free pa rin si Draco. Madaling-araw na yata sila nakabalik sa villa dahil nagkwentuhan lang sila sa private beach. Pinag-usapan nila ang mga experience nito sa ibang bansa pati na rin ang future projects nito sa Montague Pharmaceuticals. He had great dreams for the company. At hindi ito tumitigil sa pag-discover ng iba’t ibang gamot na makakatulong sa mga taong may malalalang sakit. Lalo niyang na-appreciate ang trabaho niya dahil dito. It wasn’t about just money. They were trying to make people’s lives better.
Nag-ring ang cellphone niya. Naglalakad siya papunta sa library para daanan si Corrine sa library para kumustahin. “Miss Carson, where are you?”
“Papunta na ako diyan, Boss. At nakuha ko na ang magazine mo.”
“Itago mo muna iyan. Baka agawan tayo ni Yllac at TJ. Gusto din daw nila ng copy niyan pero naubos ang ipina-reserve nila.”
“Okay! See you!” She cut the call. “Love you!”
Ilang beses ba siyang nginitian ni Draco at tinitigan mula kagabi? Di na niya mabilang. Kaya nga ngiting-ngiti rin siya buong araw at parang nasa Cloud nine. Sa kanya lang naman ngumingiti si Draco. Ang ibang babaeng bumabati dito ay pormal na pormal pa rin ito. She was the special one. Di naman niya hinihinging ma-in love din ito sa kanya. Tama na sa kanya ang mga ngiti nito.
Paparahin na sana niya ang parating na sasakyan nang may humawak sa braso niya. “Nessie, sandali!”
Nahihintatakutan siyang umurong nang makita si Tommy. “O!” Kumawala siya sa pagkakahawak nito nang maamoy ang alak sa hininga nito. “Nakainom ka ba?”
Isinuklay nito ang daliri sa buhok. “Konti lang. Huling araw ko na kasi dito sa Stallion Island. Mamayang hapon na ang alis namin. Nagkasiyahan lang.”
“Di ugali ng mga tao dito na uminom ng tanghaling tapat.” Kinakabahan siya dahil may history ng pagiging alcoholic si Tommy. Baka mamaya ay bumalik na naman ito sa dating bisyo. “Hindi ba bawal sa iyo ang uminom? At nakita mo ba ang itsura mo sa salamin? Parang wala ka pang tulog. Kumain ka na ba?”
Pagak itong tumawa. “Concern ka pala sa akin. Ikaw nga ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.”
Napailing siya. “Tommy, hindi ko alam kung bakit sa akin mo isinisisi ang ginagawa mo sa sarili mo. Gusto ko lang na umayos ka. Huwag ka nang bumalik sa dating bisyo mo. May maayos ka nang trabaho. Kung titigilan mo lang sana ang kalokohan mo, mas magiging maganda ang kinabukasan mo.”
She dialled Mattheu’s number. Kailangan nitong sunduin doon si Tommy. Baka mamaya ay mapaano pa ito kapag basta na lang niyang iniwan. Ayaw na rin niyang magtagal doon dahil wala rin namang patutunguhan ang pag-uusap nila ni Tommy lasing man ito o nasa katinuan.
Mahigpit nitong hinila ang braso niya. “Kung ayaw mong magkaganito ako, sumama ka sa akin. Ayusin mo ang buhay ko.”
Pilit siyang kumawala. “Are you crazy? Hindi ako sasama sa iyo.”
Naging mabalasik ang anyo nito. “Kanino ka sasama? Sa Draco na ‘yon? Hindi ka pwedeng sumama sa kanya. Ginagawa ka lang niyang masamang babae.”
Natigilan siya sa sinabi nito. “Ano? Masama akong babae?” Iyon ang pinaka-matinding insulto na natanggap niya mula sa isang tao. Nagdilim ang paningin niya at isinampal dito ang hawak na magazine. “Kapal mo! Sino ka para magsabi niyan?”
Di nito inalintana ang pananakit niya at mahigpit siyang hinawakan ssa magkabilang braso. “Hindi ka naman dating ganyan! Lagi mong iniingatan ang sarili mo at iniisip ang sasabihin ng ibang tao. Karespe-respeto ka. Ni ayaw mo ngang ipakita sa iba noon na hawak ko ang kamay mo. Pero pinapayagan ang Draco Montague na iyon na halikan ka sa harap ng maraming tao. You almost make love while you were dancing last night. At nakatira kayo sa iisang bahay. Hindi mo ba naiisip ang nararamdaman ko na pinapapababa mo ang sarili mo dahil sa kanya?”
Madumi talaga ang utak ni Tommy. Ipinapagkamali nito ang nakaraan sa kasalukuyan. Reserved siya dito dahil mga bata pa sila noon. Ayaw niyang ma-tempt na gumawa ng bagay na makakasira sa kinabukasan niya. Ayaw niyang matulad dito na nagpadala sa tukso at di nakatapos ng pag-aaral.
“Wala kang pakialam sa gawin namin ni Draco. Boyfriend ko siya.”
And Draco didn’t make her feel dirty or cheap. Nararamdaman niya ang respeto nito sa kanya. His kisses and his touch made her feel good. Ganoon siguro ang pakiramdam kapag sa lalaking talagang mahal niya.
“Paano naman ako?” angil ni Draco.
“Wala na tayo. Matagal na. May asawa’t anak ka na naghihintay sa iyo. Sila ang dapat mong alalahanin at hindi ako.”
Naglakad siya palayo dito subalit hinarangan siya nito. “Wala akong pakialam sa kanila. Handa akong iwan sila para sa iyo. Binago ko ang sarili ko para sa iyo. Dahil gusto kong mahalin mo ako gaya nang dati. Pinagbuti ko ang trabaho ko para mahabol ko ang kinalalagyan mo.”
Umiling siya. Hindi na niya nakikita dito ang lalaking minsan niyang minahal. Nakikita niya ay isang lalaking hibang na sarili lang ang mahal. “I am sorry, Tommy. Si Draco ang mahal ko.”
Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at isinandal sa puno. “Gusto mong maging katulad ako ni Draco? Gagawin ko rin iyon.”
“Tommy, no! Hindi ka pwedeng maging si Draco.”
Nakaramdam siya nang matinding takot nang nanlisik ang mga mata nito. Parang isa itong nasisiraan ng bait at handang silain ang lahat ng madaanan.
“Bakit? Ano ba ang mayroon kay Draco at ibinigay mo sa kanya ang lahat ng itinatanggi mo sa akin dati? Kaya ko rin namang ibigay sa iyo ang ibinigay niya sa iyuo. Pareho lang naman kaming lalaki.”
Tumili siya nang sibasibin nito ng halik ang leeg niya. Walang ibang tao sa paligid dahil mapuno ang lugar na iyon. Wala siyang mahihingan ng tulong. Nanlaban siya. Hindi siya papayag na malapastangan ni Tommy. Pinindot niya ang maliit na bato sa access ring niya at tumunog iyon. Nagpadala iyon ng distress signal sa security homebase ng Stallion Island at mula doon ay matutunton kung nasaan siya para may sumaklolo sa kanya.
Nawala ang atensiyon ni Tommy dahil sa tunog. Iyon ang pagkakataong hinihintay niya. Ubod ng lakas niyang tinapakan ng stilleto heels niya ang paa nito. Napaigik ito sa sakit kaya sinamantala niyang tumakbo palayo dito.
Tangkang hahabulin siya nito subalit dumating na ang security mobile ng isla. Nakatakbo siya sa mga ito. Sinalubong siya ng security assistant head na si Ridge. “Anong nangyari, Miss Carson?”
“Tulungan ninyo ako,” maluha-luha niyang sabi at itinuro si Tommy. Napasandal siya sa sasakyan ng security team habang pinapanood ang paghuli kay Tommy na pilit na tumakas at manlaban.
Dali-dali itong nagapi ng security team. DI nagtagal ay dumating si Draco. Napayakap siya dito at napahagulgol ng iyak. Parang dam na sumambulat ang takot niya nang maramdaman ang init ng katawan ni Draco.
“God! Anong ginawa niya sa iyo?”
“We came right on time. Mabuti nakapag-send si Miss Carson ng distress signal. Muntik na siyang mapagsamantalahan...”
Di pa natatapos ang sinasabi ni Ridge ay malalaki ang hakbang na nilapitan ni Draco si Tommy at sinuntok ang huli sa mukha. Mukhang nawala ang kalasingan ni Tommy sa lakas ng suntok ni Draco dito.
“Magpasalamat ka dahil di ako ang nakahuli sa iyo kundi hindi ka na didilat. Papatayin na kita,” banta ni Draco at sinenyasan ang security team na bitbitin na si Tommy. Ibinilin nito na bahala si Mattheu kay Tommy at ang security team.
Binuhat siya ni Draco at isinakay sa naghihintay na medics mobile. “I am taking you home. Mula ngayon hindi ka na mawawala sa paningin ko.”