Tennessee’s nose was tickled by the musky and manly smell. Sumiksik siya sa mabangong amoy na iyon at lalong ipinikit ang mga mata nang makaramdam ng mainit na bagay. Mukhang mapapasarap pa ang tulog niya. Hindi pa rin siya sanay magbiyahe sa eroplano at di rin naman siya agad nakatulog nang nagdaang gabi kaya naman gustong bumawi ng katawan niya. Gusto pa niyang matulog kahit na isang oras pa. Babawi lang talaga siya.
“What time will you wake up, Goldilocks?”
Umungol siya nang marinig ang boses ni Draco. Aga-aga may iba na itong babaeng kausap. “Sino si Goldilocks?” tanong niya.
Nang bigla niya maalala ang nangyari nang nakaraang gabi. He had a bad dream. Nang kumalma na ito ay nakiusap itong huwag itong iwan. Nanlaki ang mata niya at nagulantang nang makita ang itsura niya. Nakadantay siya dito na parang isa itong malaking stuffed toy. Only he was not an oversized stuffed toy. He was a half naked man. A man who was scorching hot.
“Huwag kang titili,” babala nito at bumangon. “It’s too late for that.” Bumaba ito sa kama at isinuot ang robe nito para di marahil ito maeskandalo. “Anong ginagawa mo dito sa kuwarto ko?”
Dali-dali niyang inangat ang makapal na kumot nito hanggang sa dibdib niya. Siya naman ay di man lang pinatungan ang pantulog niya sa kamamadali nang nakaraang gabi. Magkatabi silang natulog ni Draco nang iyon ang ayos nila?
“Hindi kita pinipikot,” depensa agad niya. “Masama ang panaginip mo kagabi. Kaya pumunta agad ako dito. Tapos di mo naman na ako pinaalis sa kama mo. Anong magagawa ko? Mahina lang ako.”
Nakakapanghina naman talaga ng tuhod si Draco. Isang titig lang nito sa kanya ay napapasunod na siya nito. Lalo naman kapag halos wala itong saplot sa katawan at niyakap na siya nito. Anong laban niya doon?
“I had a bad dream last night?” diskumpiyado nitong tanong.
Tumango siya. “Tungkol sa aksidente ng Papa ninyo at ng ex-girlfriend ninyo.” He spaced out for a while. “Sir, okay na kayo?”
Marahan itong tumango. “Of course. I am sorry about that. Pati ikaw inabala ko pa. But I didn’t do anything untowards against you, right?”
“Wala?” alanganin niyang sagot. “Siguro naman wala.”
Nakahinga siya nang maluwag. “Ayokong isipin mo na inaabuso kita.”
“No. Kayo lang ang inaalala ko, Sir. Sobrang sama yata ng panaginip ninyo. Kung gusto ninyong pag-usapan natin...”
“Hindi ko na matandaan,” anito at kinintalan siya ng halik sa pisngi. “Magpahinga ka. You don’t have to follow me to my meetings. Kaya ko na iyon. Consider this as your day off.”
Di na siya tumutol at bumalik sa pagtulog. Subalit di rin siya mapakali dahil nasa isipan pa rin niya si Draco. May itinatago ito sa kanya.
“ACCORDING to Draco’s record, nakaka-experience siya ng nightmares mula nang mamatay ang girlfriend niyang si Alaine at ang Papa niya sa car accident. It was horrible and traumatic on his part. Nasa scene siya ng aksidente dahil humahabol siya sa paghahatid sa girlfriend niya sa airport.”
Tahimik na uminom ng kape si Tennessee habang nakikinig kay Andrya. Paggising niya kanina ay mag-isa na siya sa villa. Nakaalis na si Draco. Hindi niya maiwasang mag-alala dahil sa masamang panaginip nito kaya naisipan niyang tawagan si Andrya para konsultahin.
Hindi ito ang original na resident psychologist ng Stallion Island. She was just baring the details to her even if it was confidential. Alam kasi nito na kailangan ni Draco ng tulong.
“Limang taon niyang laging napapanaginipan ang nangyari?” tanong niya.
“Ang alam ko tumulong pa siya para sagipin ang Papa niya at girlfriend niya pero hindi na sila nai-revive. They died on the spot.”
“At dahil hindi niya nasagip kaya sinisisi niya ang sarili niya. Kaya ba hindi rin niya madalaw halos ang puntod ng girlfriend niya dahil sa guilt?”
“Could be. Hindi ko pa nakakausap si Draco. Hindi pa niya schedule para sa session niya sa akin kaya wala pa akong idea. I just can tell from my observation that he has so much emotion inside him. Itinago niya ang sarili niya sa mga tao. It’s a wonder nagkaroon siya ng girlfriend na katulad mo.”
Hindi pa rin alam ng mga tao sa isla na nagkukunwari lang silang magkasintahan ni Draco.
“I love him,” pag-amin niya. “And I didn’t bother to ask about his past. Ayaw ko kasing lumayo ang loob niya sa akin.”
“As I can see, unti-unti na siyang nag-o-open sa iyo. Kung hindi, he won’t let you stay the night with him. Itataboy ka na lang niya at sasarilihin ang takot niya.”
“But that’s not enough.”
Hindi pwedeng hawakan lang niya ito kapag masama ang panaginip nito. Nananatili pa rin itong namumuhay sa dilim. She wanted him out of his cocoon. Di niya ito pinipigilang magluksa. Ayaw niyang kalimutan nito ang nangyari.
Tumayo ito at iniwan ang coffee table sa front porch. Lumabas ito at pinagmasdan ang bahay ni Draco. “It looks gloomy even in daylight. Parang haunted house. Gloomy. This is the manifestation of Draco’s character and his feelings. It shows that he doesn’t want to get rid of those nightmares.”
“Siguro naman may magagawa ako.”
“This house for starters. Get rid of those dark drapes. Kailangang mas maraming liwanag sa bahay niya. Siguro kung magagawa mong mas maaliwalas ang bahay niya, makakatulong iyon sa kanya.”
“Matagal ko na ring gustong gawin iyan,” sabi niya at tumango-tango. “Pero sa palagay ko kailangan kong kausapin si Draco tungkol dito.”
“He might say no.”
“Then I will surprise him.”
HINDI na halos nakilala ni Tennessee ang bahay ni Draco matapos bisitahin ng interior designer na si Maksim at ng Ikebana expert na si Noah. Ilang minuto lang ang nagdaan mula nang tawagan ni Andrya ang mga ito pero nagdatingan agad ang mga ito para tumulong. Iniwan na siya ni Andrya sa dalawa.
“Walang masyadong babaguhin dito sa bahay ni Draco except for the drapes. Masyadong makapal ang kurtina niya kaya di makapasok ang liwanag,” sabi ni Maksim at tinalian ang mga kurtina lumiwanag.
Nang mahawi ang makapal na kurtina ay saka lang niya nakita ang kagandahan ng interior ng bahay ni Draco nang di ginagapangan ng takot o depression. The interior itself was classy. The natural lighting mad it so alive. Parang nawala rin ang limang taong lungkot ni Draco.
“I think this is enough.”
“If you and Draco want to change anything else, just inform me.”
“Thank you for coming here at such a short notice. You even rescheduled one of your appointments just to help me out.”
“Matagal na akong interesado sa interior ng bahay ni Draco. Di siya basta-basta nagdadala ng bisita dito. Gustong-gusto siyang i-transform para hindi magmukhang haunted house. So this is a great opportunity. Iyan din ang sabi ni Noah sa akin,” sabi ni Maksim at nilingon si Noah na parang magician na ginagawang masterpiece ang ilang karaniwang bulaklak lang.
“Of course. With my arrangement, it won’t look like Dracula’s castle anymore. Gusto mo turuan din kita para ikaw na ang gagawa para sa kanya sa susunod?” tanong ni Noah. Pag-aari din nito ang flower shop sa Stallion Island at may branch ng iba pang flower shops sa bansa. He was the best in the business. Hindi kasi karanniwan ang mga flower arrangement nito.
Pinagmasdan niya ang combination ng calla lily at athurium na pula sa malaking vase. Nagkaroon ng kulay at buhay ang sala dahil doon. Kaya excited din siya sa kalalabasan ng iba pang arrangement na ginagawa ni Noah. The flowers made the place look softer. Nakakahinga na siya.
Hindi rin nagtagal doon sina Maksim at Noah. Pero sapat na ang nagawa ng mga ito para ma-transform ang bahay ni Draco. Sana ay maging open ito. Na makakatulong ang ginawa niya para makawala ito sa bangungot nito.
Sumama siya sa flower shop ni Noah dahil gusto rin niya ng bulaklak sa kuwarto nila ni Draco. May mga espesyal daw na bulaklak si Noah na nakakatulong para magkaroon ng magandang panaginip ang isang tao. Not bad. Kahit naman yata anong suggestion na pwedeng ibigay sa kanya ay tatanggapin niya para kay Draco.
Pagdating niya sa villa nito bitbit ang dalawang basket ng flower arrangemenet ay nagulat siya nang maabutan sa gitna ng sala si Draco. Nakapamaywang ito habang iniikot ang mata sa paligid.
“Hi!” bati niya at ibinaba ang mga basket sa sahig. “Akala ko buong araw kang mawawala.”
“Supposedly. Pero narinig ko sa mga dumadaan sa bahay ko na nagbago na daw ang villa ko. I had no idea. It looked pretty much the same before I left this morning. Ngayong nakabalik ako, ito ang makikita ko?” may bahid ng iritasyon nitong tanong at ibinuka ang mga kamay. “Ano ‘to?”
“Hindi mo nagustuhan?” tanong niya.
“What the hell do you think you are doing? Pinakikialaman mo ang bahay ko. And you didn’t tell me about it
“Gusto ko lang makatulong. Last night, you had a bad dream. Sa palagay mo ba hindi ako mag-aalala?”
“A dream is just a dream. Anong magagawa mo doon? It won’t harm me.”
“The dream is just a manifestation of the ghost from your past. At kung anumang pinagdaanan mo, nagma-manifest iyon sa bahay mo at sa ikinikilos mo. Ang sabi sa akin ni Andrya, makakatulong sa iyo kung mababago ang ayos ng bahay mo. Kung maaliwalas ang bahay mo, kahit paano mababawasan ang bangungot mo.”
“No!” Tinanggal nito ang tali sa kurtina at bumagsak ang mga iyon. Muling nabalutan ng dilim ang kanina’y maaliwalas na sala nito. “Do you think these changes will chase those nightmares away?”
“In a way, it might help. Ilang taon ka na bang laging nananaginip tungkol sa pagkamatay ng Papa mo at ex-girlfriend mo. Nawawala ba? Hindi! Dahil mas gusto mong manatili sa dilim. The darkness won’t help you. Marami ka namang kaibigan na gusto mong tumulong sa iyo.”
“I don’t need anybody’s help. If my nightmare bothers you, pwede kitang ilipat sa Island Guesthouse o sa Summer Snowflake.”
“Hindi naman sarili ko ang inaalala ko. Ikaw.”
“Hindi mo naman ako kailangang alalahanin. Nakakaapekto ba sa trabaho mo kung limang taon na akong binabangungot? Hindi dahil nagpanggap akong boyfriend mo, pakikialaman mo na ang bahay ko. I am grateful that you stayed with me last night. Pero wala sa usapan natin na pwede mong baguhin ang anuman sa bahay at sa buhay ko. You are not my girlfriend. You are not my wife.”
Napapitlag siya dahil di niya inaasahang haharapin niya ang matinding galit ni Draco. Naging malapit at komportable sila nitong nakakaraang linggo. Akala niya ay sapat na iyon para pagkatiwalaan siya nito.
Naluluha siyang yumuko. Lahat ng plano niya para kay Draco ay natutunaw lahat sa harapan niya. As if he was shutting her out of his life. Hindi siya nito kailangan. Mas gusto nitong manatili sa madilim nitong mundo at sa bangungot nito. And it was killing her.
“Alam ko. Assistant mo lang ako. Hindi mo ako asawa. Hindi mo ako girlfriend. Pero hindi mo ako mapipigilan na mag-alala sa iyo kahit na ayaw mo. Kasi alam ko nasasaktan ka. Limang taon ka nang ganyan. Mas gusto mong magtago sa dilim. Ayaw mong alalahanin ka ng ibang tao. Gusto mong katakutan ka. Pero ang totoo nasasaktan ka naman.”
“Paano mo naman nalalamang nasasaktan ako?”
“Dahil nararamdaman ko kapag nasasaktan ka. Kapag nasasaktan ka, nasasaktan din ako.”
Hinawakan nito ang baba niya at inangat ang mukha niya. “Bakit nasasaktan ka kapag nasasaktan ako?”
Hindi na niya nagawang iiwas ang luhaan niyang mukha dito. Hindi na niya magawang itago pa dito ang totoo o mawawasak ang puso niya. “Kasi mahal kita,” pag-amin niya.
He had that shock look on his face. Parang nilaglagan niya ito ng bomba at hindi ito nakaiwas. Naninisi na lang niya itong tiningnan. Wala siyang pakialam kung matanggalan man siya ng trabaho. He wanted the truth so he got it.
Matagal na sandali itong di nakapagsalita. Parang hindi pa rin maiproseso ng utak niya ang mga sinabi niya. Iniwas niya ang tingin dito at pinahid ng likod ng palad ang mukha niya. “Bago ka magalit sa akin, isipin mo muna na kasalanan mo rin ito. Kahit gaano pa ka-professional ang isang tao, nakakaramdam din. Binalaan na kita dati pa lang. Huwag kang masyadong mabait sa akin dahil mai-in love lang ako sa iyo. Paanong hindi ako mai-in love sa iyo kung lagi kang ngumingiti sa akin. Hindi mo naman iyon ginagawa sa iba. Pinrotektahan mo ako. Kaya kapag nasasaktan ka, natural lang din na gumawa ako ng paraan para di ka na masaktan.?
“You can’t love me,” he said in a harsh voice.
“Oo na! Di ko naman ipinipilit ang sarili ko sa iyo. Pero huwag mo akong pilitinm na hindi ka mahalin. Nararamdaman ko na lang basta iyon. Hindi ko naman basta-basta mapapamanhid ang puso ko. Kahit siguro sisantehin mo ako, ganoon pa rin ang mararamdaman ko. Mahal kita.”
“Sa palagay mo ba mamahalin mo pa rin ako kapag nalaman mo ang tunay ang totoong ako?” madilim ang mukha nitong tanong.
“Ano ang totoong ikaw?”
Matapang ang mga mata nito nang salubungin ang mga mata niya. “Ako ang pumatay kina Papa at kay Alaine.”
Naguguluhan niya itong pinagmasdan. That was a strong declaration coming from him. Panaginip lang ang lahat kanina. Wala itong kasalanan. “Bakit naman sila namatay dahil sa iyo? They died on the sport. Sinubukan mo silang masagip...”
“Dahil may isang pagkakataon na ginusto kong mamatay na lang sila kaysa mabuhay sila ng pinagtataksilan ako at si Mama.”
Lalo lang siyang naguluhan sa sinabi nito. “Pinagtataksilan ka at ang mama mo?”
“My ex-girlfriend and my father had an affair!”