Magdadapit-hapon na nang maisipan ni Tennessee na bumalik sa villa ni Draco. Nasa tabi lang siya ng Hidden Mist Falls at malalim na nag-isip. Wala na siyang pakialam kung masesante man siya dahil nasabi niya kay Draco na mahal niya ito o kung galit man ito sa kanya.
Nag-aalala siya sa mga rebelasyong sinabi nito sa kanya. Hindi lang nito sinisisi ang sarili sa pagkamatay ng Papa nito at ng kasintahan dahil sa bawal na relasyon ng mga ito. Hindi siya naniniwalang kayang pumatay ng tao ni Draco. Maybe it was metaphoric. Hell! Hindi niya alam.
Hindi niya matawagan ang kapatid nitong si Diego dahil masyadong sensitibo ang mga sinabi ni Draco. Baka mamaya ay hindi pa alam ni Diego. Nakikita niya ang paghanga nito sa namayapang ama. She didn’t want to risk it. At hindi rin niya maikonsulta kay Andrya. Masyadong mabigat ang sitwasyon at wala pa ring linaw. Tanging si Draco lang ang makakapagpaliwanag ng lahat kung gusto pa siya nitong kausapin.
Galit na galit ito sa kanya kanina. Hindi nga ito lumabas ng kuwarto nito. Isang oras din siyang naghintay bago niya naisipang lumabas ng villa. It must be painful to dig up the past. A horrible past. Parang napakaraming masasakit na sekreto ang itinago nito sa sarili nito sa loob ng maraming taon. Anim’y ibinaon na rin nito ang sarili nito sa madim na nakaraan na iyon.
She swiped her access card as she entered the gate. Madilim ang bahay. Nang umihip ang malamig na hangin, nakaramdam siya ng lungkot. Hindi nakakatakot ang villa ni Draco. It was depressing. Puno iyon ng kalungkutan katulad ng lalaking nakatira doon.
Nasa loob kaya si Draco? Umalis kaya ito o lumabas man lang ng kuwarto? Papasok na siya ng bahay nang makasalubong niya si Draco. Suot pa rin nito ang damit kanina na para sa meeting. Mukhang paalis ito.
Pareho silang natigilan. Di niya alam kung ano ang dapat sabihin dito. Iiwas na lang ba siya o babatiin ito. Baka ayaw naman siya nitong makita.
“Susunduin sana kita dahil pagabi na,” nasabi na lang ni Draco.
“Thanks. Pero nakabalik na ako.” Mahabang sandali na katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Mukhang may sasabihin itong importante sa kanya pero di lang nito mahanap ang tamang salita. Bago pa siya nito itaboy, kailangang unahan na niya ito. “I am sorry. Siguro nga sobra na ang pakikialam ko sa ayos ng bahay mo. Hindi ko gustong umakto na parang girlfriend o asawa mo. I just want to help. Kahit na magalit ka sa akin, baka ulitin ko ulit iyon basta mabawasan lang ang bangungot mo. Kahit magalit ka pa sa akin o mawalan pa ako ng trabaho.”
The same thing goes for loving him. Hindi niya mapipigilan ang nararamdaman niya. Mamahalin pa rin nito ito kahit wala na siya sa buhay nito. Her career was in deep trouble so was her relationship with him.
Hindi pa rin ito nagsalita at nakatitig lang sa kanya. Walang buhay ang mga mata nito. Walang ekspresyon sa mukha nito. Siguro ay hindi sapat dito ang mga paliwanag niya.
“Kung wala ka nang sasabihin, papasok na ako sa kuwarto ko,” sabi niya at nilagpasan ito.
Hindi nito hinayaang makalayo siya bago ito magsalita. “Stay. Sasabihin ko sa iyo ang lahat ng gusto mong malaman. And you better listen. Saka mo sabihin sa akin kung kaya mo nga akong mahalin.”
“Hindi ko naman kayo pipilitin kung ayaw ninyong sabihin sa akin.”
“Sit!” utos nito at pinaupo siya sa antique na mahogany chair na nasa porch. “Minsan ko lang ito gagawin. You might not get the chance at all. Dahil kahit kay Diego hindi ko sinabi ang tungkol dito.”
Lumunok siya at marahang umupo sa mahogany chair nang di inaalis ang tingin dito. Malakas ang kaba sa dibdib niya. Di niya alam kung nakulitan lang si Draco sa kanya o pinagkakatiwalaan siya nito para sabihin sa kanya ang totoo.
Hindi siya nagsalita at hinintay ang sasabihin nito. Umupo ito sa mahogany chair sa tapat niya. Pinagsalikop nito ang palad habang inaalala ang mga nangyari. “Alam mo na siguro na dating nagtrabaho si Alaine sa kompanya. He was my father’s assistant. Hindi ko siya pinapansin noong una. She was shy and virginal. Attracted ako sa kanya pero di naman niya ako pinapansin. She was fresh. Wala pang babaeng tumanggi sa akin at di nagka-interes sa akin. Naging seryoso ako sa kanya at buwan ang itinagal bago niya ako sagutin. She was a very interesting woman. We were perfect together and I respected her. Sabi nga ni Diego huwag ko na daw pakawalan kaya niyaya ko siyang magpakasal.”
Hindi siya halos humihinga nang gumuhit ang sakit sa mukha nito. “H-How did you find out about the affair?” Hindi madali sa kanya na sabihin ang tanong niya. Masakit marahil dito ang bahaging iyon alaala nito.
Ang sakit ay nahaluan ng matinding galit. “Galing ako sa ospital noon. Ooperahan si Mama nang gabing iyon. Susunduin ko si Alaine para samahan ako. My father was inside her apartment. Gusto ni Papa na hiwalayan ako ni Alaine. Saka naman hinamon ni Alaine na kung gustong hiwalayan ako ni Alaine, kailangang hiwalayan ni Papa si Mama. Nangako si Papa na ibebenta niya ang kompanya at iiwan si Mama. Di na nila hihintaying mamatay si Mama at mamumuhay silang magkasama.”
Kinuyom nito nang mariin ang palad at lalo lang tumindi ang galit na mababakas sa mukha nito. It was scary. Akala nga niya ay may susuntukin itong bagay subalit nanatili itong kontrolado.
“M-Masakit siguro na ikaw pa ang nakatuklas ng lahat,” sabi niya. Natural lang na masakit iyon. Parang sinampal ito sa mukha o mas tamang ginulpi. Dalawang taong malapit pa dito ang nagtaksil dito.
Malungkot itong ngumiti. “Hindi ko na inisip ang sarili ko. Si Mama ang inisip ko. Nasa ospital siya at ooperahan. Buong buhay niya, ibinigay niya kay Papa. Hindi niya alam na may ibang babae si Papa. Ang babae pa na magiging manugang niya at gustong—gusto niya. Hindi ko alam ang gagawin ko.”
Hindi pala totoo ang imahe ng isang perpektong pamilya na kinalakihan ng mga ito. ISang kasinungalingan ang lahat dahil sa ama ni Draco at ng nobya nito. The bitch! Hindi siya naniniwalang dahil sa pagmamahal kaya nito ginawa ang lahat. She was after the money. Nothing more.
“Sa palagay mo ba minahal ka ni Alaine?”
Tumayo ito at ihinilamos ang mukha sa palad. “No way! I had her investigated. Nalaman ko na ilang pamilya na rin ang nasira niya. She finished school by being a rich man’s mistress. Nang bumagsak ang negosyo ng unang lalaki sa buhay niya, naka-graduate na siya noon. Isinunod niya ang Papa ko. She was so clever. She was not your ordinary paramour. Magaling siyang magkunwari.”
At si Draco ang biktima ng pagkukunwaring iyon. Naniguro ang nobya nito. Kundi nito makukuha ang ama ni Draco, nariyan naman si Draco para masilo nito.
“And she got what she wanted in the end,” malungkot niyang usal. “Siya ang pinili ng Papa mo?”
“Ginamit nila ang business conference sa Ilocos para makalayo. Mula doon, lilipad sila papuntang Hong Kong then America. Bago sila umalis, kinompronta ko silang dalawa. I even bribed Alaine to leave my father alone. Bakit naman niya iiwan si Papa? Naka-ready na ang buyer ng kompanya. Magpapakasaya na sila sa malayo. Kaya ko sila hinahabol noon sa airport. Gusto kong makiusap kay Papa na huwag iwan si Mama. Kaya kong mawalan ng manlolokong girlfriend pero hindi ko maaatim na sabihin kay Mama at sa kapatid ko na umalis si Papa para sa ibang babae.”
“At doon nangyari ang aksidente.”
Naging matigas ang anyo nito. “Galit na galit ako nang di nila ako pinakinggan. Lalo na si Papa. I had a lot of ideas in my head. Naisip ko na mas gusto ko na lang silang mawala kaysa magkasama. Nagsama-sama na ang galit ko sa kanila at awa ko sa Mama ko. Mabilis na mabilis ang takbo nila sa takot na maabutan ko sila. Nang makita kong bumangga ang sasakyan nila, noon lang ako natauhan. Parang humiling ako sa demonyo at natupad ang hiling ko.”
Idiniin nito ang noo sa malamig na pader. Hindi na nito kailangan pang sabihin ang sakit na nararamdaman nito. He was so guilty for something he didn’t mean. At pinili nitong mamuhay sa dilim. Lumayo sa mga taong nagpapahalaga dito. Di lang dahil takot itong masaktan muli. Pakiramdam nito ay responsible ito sa mga bagay na hindi naman nito kontrol.
Inilapat niya ang palad sa pisngi nito at pilit itong ihinarap sa kanya. “Hindi mo kasalanan ang nangyari. Hindi ikaw ang nagsalpok sa sasakyan nila. And it was not some pact with the devil. Mabilis silang magmaneho. Aksidente ang babagsakan nila. Sinubukan mo silang sagipin, hindi ba? Baka iyon ang kabayaran sa mga kasalanan nila.”
“But I feel like I am tainted. Nakikita ko pa rin sila sa panaginip ko. Kundi ko iyon kasalanan, bakit nakikita ko pa rin?”
“Dahil hindi mo mapakawalan ang nakaraan mo. Ikinulong mo ang sarili mo sa isang mundo kung saan pinaparusahan mo ang sarili mo. You had never forgiven yourself for not being able to stop your father from taking a mistress. O siguro dahil siya ang pinili ng babaeng mahal mo. Pero desisyon nila iyon. Kung babalik ka sa dating Draco bago mangyari ito at mag-iiba ang tingin mo sa nakaraan mo, nang walang guilt o walang takot, makakawala ka sa bangungot mo. Ikaw ang nagkukulong sa sarili mo. Ikaw lang ang makakapagpalaya sa iyo.”
“Out of the dark? Step into the light? Sanay na akong mamuhay sa loob ng limang taon nang ganito.”
“Pero masaya ka ba? Ito ba ang buhay na gusto mo? There’s a life out there. Maraming nagmamahal sa iyo.”
“Katulad mo?”
Natensiyon siya lalo na nang direkta siya nitong tingnan sa mga mata habang hinihintay ang sagot niya. “Hindi naman kailangang ako. Nandiyan si Sir Diego at ang mga kaibigan mo.”
“Kailan ka na-in love sa akin?”
Lalo siyang naguluhan. Di niya inaasahan na ibabato nito ang lahat ng tanong sa kanya. “This is not about me. This is about you.”
HInapit nito ang baywang niya. “If it’s about me then it is about you as well. Sabi mo nararamdaman mo ang nararamdaman ko dahil mahal mo ako. Gusto kong makilala ang babaeng lakas-loob na nagmahal sa akin.”
“Mas importante ang tungkol sa iyo. Para makawala ka sa bangungot mo.”
His arms encircled her waist. Then he brought her face near his. “I just want to know how you fell in love with me. Because love is such a strong word. Limang taon na akong nabuhay sa paniniwalang imposible ko nang maranasan iyon o may babae pang magmamahal sa akin.”
Pero hindi niya magawang sumagot lalo na’t sobrang lapit nito sa kanya. He was so potent. Wala sa pagpapaliwanag o pagkukwento dito sumesentro ang isipan niya. Her eyes focused on his sexy lips. Then she remembered the first day they met. Ganito rin kalapit ang mukha nito sa kanya. That night when he created havoc to her senses and all she wanted to do was to kiss him. Katulad ngayon.
Parang nabasa nito ang iniisip niya. Tinawid nito ang distansiya sa pagitan ng labi nila. Nang halikan siya nito, parang ninakaw nito ang hininga niya at ang katinuan niya. His powerful body was pressed against hers. Parang dahon siya na mahina na tinangay ng hangin. Whatever his lips and body commanded, she followed. Wala siyang nararamdamang galit sa halik nito. He was kissing her as if he wanted her as a woman. He made her feel desirable. Ganito ba ang halik ng isang lalaking gusto siyang mawala sa buhay nito?
“Baka naalala mo na ang isasagot mo sa akin. I just helped you out.”
Maulap pa ang utak niya at awtomatiko siyang sumagot sa tanong nito. “Sa party ni Sir Dominique. I thought you were a real vampire and…” Natigilan siya dahil sa pag-iling nito. “What? Hindi ka naniniwala sa akin.”
“I won’t contest your answer. I just remembered that I’ve been wanting to kiss you that first night we met. The first time that I started feeling again after two wasted years. You were trembling in my arms but you made me feel alive.”
She couldn’t believe that she was hearing that from Draco. This was supposedly her revelation this time. Pero di niya inaasahang may matutuklasan pa siya dito. “Hindi ba galit ka sa akin no’n. Akala mo ipinadala akong babae nila Sir Dominic at Sir Diego para akitin ka.”
“I was attracted, alright. Hindi nila ako mapapasali sa isang party. Kapag may okasyon, nandoon ako pero nagkukulong lang ako sa isang kuwarto. Pero napalabas mo ako sa kuwarto.” His finger seductively touched her jawline. “I was intrigued by the glint of light in your eyes.”
“Attracted ka sa akin? Hindi ko napansin.”
Tumingala ito at isinandal siya sa dingding. When she couldn’t move at all, his eyes devoured her. “Ayokong magkamali. I tried to fight it. I learned my lesson in love the hard way. Hindi ko pwedeng ipakita ang kahinaan ko o iparamdam nang todo ang pagmamahal ko. Baka ibato lang iyon sa mukha ko sa huli. Pero hindi ako tumigil para ma-pirate ka sa kapatid ko. Until I found out your affair with Diego. At wala kang nagawa kundi sumama sa akin dito sa isla.”
“Huwag mong sabihin na interesado ka pa rin sa akin kahit na inakala mong mang-aagaw ako ng boyfriend ng iba.”
“Nahuhuli kitang nakatingin sa akin nang madalas. Pinagnanasaan mo ako…”
Nag-init ang mukha niya at nanlaki ang mga mata niya. “Pinagnanasaan… ganoon ba ang itsura ko kapag tumitingin sa iyo?”
“I hated it yet I loved it at the same time. Attracted ako sa iyo pero ayoko ng panibagong Alaine sa buhay ko. Pero di ko rin naman gusto na mawala ka sa tabi ko. Hangggang dumating ang problema mo kay Ballestro at nalaman ko na may crush ka sa akin. It’s not just a little crush, is it?”
Itinaas niya ang dalawang kamay bilang pagsuko. “Oo na. In love ako sa iyo. Hindi lang iyon basta-basta crush. At kundi ko nakokontrol ang sarili ko at kundi ko mahal ang trabaho ko, matagal na kitang pinikot. So am I fired?”
Hindi dahil attracted ito sa kanya ay di na nito tatanggihan ang pagmamahal niya. Hindi dahil binubuksan nito sa kanya ang lahat ng nararamdaman niya ay gugustuhin pa rin siya nitong maging bahagi ng buhay nito pagkatapos.
“Not…yet. Bakit ka na-in love sa akin?”
“Di dahil interesado ako sa kayamanan mo. Gusto ko lang maramdaman na may nagmamahal sa iyo. Ayoko lang maramdaman mo na nag-iisa ka. Maybe that’s what drawn me to you in the first place. Pareho lang tayong nag-iisa. For three years, I’ve been trying to tell myself that it might not be love. Baka nga crush lang. Pero tuwing nakikita kita, gusto ko na lang hawiin ang lahat ng dilim sa buhay mo. At gusto ko sana magkaroon ng pagkakataon na gawin iyon.”
“Nasimulan mo na, di ba? Pagpasok natin ng bahay, hahawiin ko na ulit ang lahat ng kurtina na nakatabing sa bintana. Perhaps I will ask Maksim for new drapes. I hate flowerrs but I like Noah’s ikebana. They are not so feminine. Inilagay ko ang bulaklak na dala niya sa kuwarto ko. Noah told me they will help me sleep better. At kung gusto mo, magpapatingin ako kay Andrya.”
“Draco, hindi ito tungkol sa gusto ko. It’s about what you want. If you still want to live in the dark, wala naman akong magagawa, di ba?”
“Nandiyan ka para sa akin. Kaya gagawin ko ‘to.” Ginagap nito ang mga kamay. Then he looked at her with warmth in his eyes. “Ayokong samantalahin ang pagmamahal mo sa akin. But I need you. Wala akong maipapangako na mamahalin kita. All I know is that I am attracted to you. But my attraction is beyond physical. I am attracted to who you really are.”
“Listen! Hindi ko sinabi na mahal kita dahil gusto ko na mahalin mo rin ako. Hindi iyon basta-basta naibibigay. Wala nga akong planong sabihin sa iyo na mahal kita. Kasi ayokong maguluhan ka. At hindi kita pipilitin na mahalin ako. Just be yourself. No pressure. Kundi mo ako mamahalin matapos ang one hundred years, that’s fine with me. Alam ko lang mahal kita.”
NIyakap siya nito. Then he inhaled deeply as he pressed his nose against her hair. “I am hard to live with, Tennessee. Hindi madaling magbago. Pero gagawin ko ang lahat para di kita masaktan. I will protect you.”
Hindi siya natatakot na masaktan habang nasa piling ni Draco. Ang mahalaga sa kanya ay bahagi pa rin siya ng buhay nito at tanggap nito ang pagmamahal niya.