Tumigil ang mundo ni Olay. Parang naging slow motion ang lahat ng kilos ni Noah. He was wearing a black sando and jeans. Kahit may kalayuan ay nakikita niya ang muscles sa braso at balikat nito. She felt hotter than before. Nainggit siya sa hangin na nakakasayad sa balat nito. As if she wanted to touch as well.
May mga lalaki na siyang naging crush. Pero iba ang impact sa kanya ng presensiya ni Noah. With him, she felt hot and bothered. Ito lang ang lalaking nagpapatigil ng ikot ng mundo niya. Kahit siguro titigan niya ito nang isang linggo nang walang kurapan ay hindi siya magsasawa.
She remembered the kiss they shared during the pageant. Hindi iyon sinasadya at ilang saglit lang din iyon. Pero di iyon maalis-alis sa isipan niya. His lips were soft. At ang katawan nitong nagsilbing kumot sa kanya ay solid na muscles. She had no doubt that he was pure male. And for the first time in her life, he made her feel like a woman. Hindi si Olay na walang ginawa kundi kumuracha at magtrabaho para sa pamilya. He was a sweet fantasy.
Nahiling niya na sana ay tumingin ito sa direksiyon niya at tunawin siya sa mga titig nito. Nang dahan-dahan na itong lumingon sa direksiyon niya ay saka niya naalala na si Noah ang nakakaalam ng sekreto niya. Na siya ang reigning Miss Gay San Martin.
“Oh, no!” usal niya at dali-dali iniwas ang tingin. Magkukunwari sana siyang hindi ito nakita pero bigla itong kinawayan ni Aya.
“Fafa Noah! Halika dito!”
Pambihira naman si Aya. Ipapahamak pa siya. Parang nananadya. Hindi sila pwedeng magkita ni Noah. Hindi siya prepared. Bakit ba hindi niya alam na nadoon si Noah? He might be her dream man. Pero ito rin ang huling lalaking gugustuhin niyang makita lalo na’t sa Stallion Island pa.
Hindi niya alam ang gagawin. Paano kapag nakilala na siya ni Noah? Sasabihin ba niyang di siya ang Miss Gay San Martin? Na kamukha lang siya nito? Paano pa siya nito magugustuhan kung isang bading lang ang kamukha niya? At paano naman kung isipin nito na hindi siya tunay na babae.
Hindi siya pwedeng magpakita kay Noah. Tatakas na lang siya. Yumuko siya para damputin ang bag niya pero bago pa niya madampot ay bumangag na ang ulo niya sa mesa.
Napaigik siya sa sakit at sinapo ang noo. “Aray!” Pakiramdam niya ay mabibiyak ang ulo niya.
“Uy! Anong nangyari sa iyo?” tanong ni Aya.
Umungol lang siya. Nang muling bumalik ang atensiyon nito sa papalapit na si Noah ay nagpadausos siya sa upuan at umilalim sa mesa. Saka lang siya nakadama ng kapayapaan sa ilalim ng mesa. Doon sa di siya makikita ni Noah. Sumiksik siya habang pinapakalma ang sakit sa noo niya. Mabibiyak yata ang ulo niya dahil sa pagkakabangag na iyon. Mabuti na iyon kaysa makita siya ni Noah.
“Aya, nasaan ‘yung magandang kaibigan mo na ipapakilala mo sa amin?” tanong ni Noah.
Pigil niya ang paghinga. Siya na mismo ang hinahanap ni Noah. Ano na ang gagawin niya ngayon? Hindi ba pwedeng maging invisible na lang siya?
Sinilip siya ni Aya sa ilalim. “Hoy, Orlanda! Anong ginagawa mo diyan sa ilalim ng lamesa? May guwapong naghahanap sa iyo.”
“Mamaya na. May hinahanap akong nawawala.”
“Ano?” tanong nito.
“Hikaw ko. Hindi ko pa nga makita,” aniya at nagkunwaring nangangapa sa ilalim ng lamesa. Siguro naman ay hindi na siya nito pagtitiyagaan pang hintayin ngayon. Sa ibang araw na lang siguro sila magkita. Kailangan pa niyang makagawa ng paraan para hindi siya maalala ni Noah bilang Miss Gay. Ipakulam kaya niya ito para mabura ang alaala nito tungkol sa pageant? Hindi nga pala siya naniniwala sa kulam? Magpakain na lang kaya siya nang buhay sa lupa?
Ang may ibang tao na makakilala sa kanya bilang Miss Gay ay nakakakaba na. Ilang mga kaibigan lang niya ang nakakaalam no’n. At naiintindihan ng mga ito ang ginawa niya dahil kailangan niya ng pera. Ang totoo ang mga ito pa nga ang nagbigay ng ideya sa kanya. Pero malayo sa kabihasnan ang San Martin. Malay ba niyang may iba pang pwedeng makakilala sa kanya. At sa dinami-dami pa ng lugar, sa Stallion Island pa. At sa dinami-dami ng tao, bakit si Noah Ames pa?
“Pambihira naman ‘yang hikaw mo. Wrong timing,” sabi ni Aya at yumuko. “Saan banda ba kasi nalaglag iyon?”
“Tutulong na rin akong maghanap ng hikaw mo,” sabi ni Noah. He dropped on his knees and scurried the floor. Natigil siya sa pagkukunwaring naghahanap ng hikaw niyang di naman talaga nawawala. Her eyes zoomed in to his butt. He had a pretty nice butt. It was round and perfect. Okay. She was not a butt woman. Pero lahat yata sa lalaking ito ay napapansin niya. If he had a nice but… tiningnan niya ng sapatos nito. Ano kaya ang size ng paa nito?
Pumihit ito sa direksiyon niya. “Wala dito ang hikaw mo. Baka naman wala dito, Miss.”
Yumuko siya at nagkunwaring may dinaklot. “Okay na. Nakuha ko na. Salamat sa pagtulong sa paghahanap.
Tumayo siya habang nagkukunwaring may isinusuot na hikaw. This was crazy. Sa palagay niya ay hindi na niya maiiwasan si Noah.
Inilahad nito ang kamay sa kanya. “HI! I am Noah!” Bahagya itong umuklo at tumingala sa kanya. Pilit inaaninag ang mukha niya sa ilalim ng makapal na buhok na nakatabing sa mukha niya. “And you are…”
“Olay,” sagot lang niya at kinamayan ito. Pero dali-dali rin niyang binawi ang kamay dito. She could feel the warmth there and so many emotions poured down on her. Lalo lang nagugulo ang sistema niya. Orlanda Makabuhay would surely ring a bell. She would try to delay the inevitable. Kahit konti lang.
Bahagya pa nitong inilapit ang mukha sa kanya para lalo siyang makita. “Your face. Pwede ko bang makita?”
Umiling siya at lalong tinabingan ng buhok ang mukha niya. “No!”
Kung pwede nga lang ay magmaskara na lang siya. Kung alam lang niya na magkikita sila ni Noah Ames, sana pala ay gumawa na siya ng paraan para mabago ang itsura niya. Pero anong magagawa niya? Papapangitin niya ang sarili niya? Hindi naman ganoon kadaling baguhin ang kagandahan niya. Kailangan niya ‘yon.
“Kamag-anak ka ba ni Draco?” Nilapitan nito ang isa pang guwapong lalaking nananahimik lang sa isang tabi at mukhang takot sa liwanag. Ayaw rin yata nito ng kausap. “Prince Dracula, kamag-anak mo ba si Olay?”
“Magkamag-anak ba si Dracula at Sadako?” tanong ni Brent na katalikuran lang ni Draco sa kabilang couch. Nakakakuha na sila ng atensiyon ni Noah.
Draco swept his eyes on her broodingly. “No. Hindi ko kamag-anak si Sisa. Kaya huwag ninyong hahanapin sa akin si Basilio at si Crispin.”
Napangiwi siya. Kanina ay Sadako. Ngayon naman ay Sisa. Oh, great! Iyon ang malupit na insulto sa kagandahan niya. Pero mabuti na iyon kaysa naman malaman agad ni Noah kung sino siya. Baka palayasin agad siya nito sa Stallion Island. Iyon lang ang paraan niya para maibalik niya ang kapatid niya at protektahan ang puso nito sa mga guwapong nilalang na ito. She needed to buy time. Kailangan niyang umisip ng paraan para kapag nalaman na ni Noah kung sino siya ay hindi siya nito basta-basta paalisin sa isla. Napakakomplikado naman ng konsekwensiya ng simpleng pagpapanggap lang niya.
Nag-bow si Noah kay Draco. “Thanks for enlightening us, Prince of Darkness.”
Sinapo niya agad ang noo nang lapitan ulit siya ni Noah. “Naumpog ang noo kanina sa mesa. Hindi magandang tingnan. Malaki ang bukol ko.”
Totoo naman iyon. Masakit pa rin ang ulo niya sa tindi ng pagkakahampas kanina sa mesa. Naalog na rin ang utak niya malamang.
“Patingin nga!” sabi nito at hinawi ang buhok niya. Sinubukan niyang magprotesta subalit huli na. Nagliwanag na ang mundo niya. Matiim ang mukha ni Noah habang naka-concentrate sa bukol niya. “That’s a nasty bump.”
Hindi siya halos humihinga sa sobrang lapit nila sa isa’t isa. She could feel his warmth enveloping her body. He was conquering her senses.
Napapikit siya nang bahagya nitong hipan ang bukol niya. “Masakit ba?”
DAhan-dahan niyang idinilat ang mga mata. “I am okay.”
Hindi na siya makakurap habang nakatitig sa mukha nito. Bakit ba paguwapo ito ng paguwapo tuwing nakikita niya? He had hazel brown eyes with a speckle of light brown. Napaka-expressive ng magagandang mata nito. Bakas na bakas doon ang pag-aalala. They were the kind of eyes you could drown in, wanted to drown in. Brilliantly coloured, glittering and warm.
Then there was his aristocratic nose. Then his damn kissable lips. Hindi pa rin siya makapaniwala na minsan na siyang nahalikan ni Noah. But that was five months ago. And it was barely enough. She wanted some more. Gusto niya ng totoong halik. Katulad ng napapanood niya sa TV at pelikula. Tulad ng nababasa niya sa mga romance novels.
“Sigurado ka?” tanong nito at tumingin sa kanya. Bahagyang kumunot ang noo nito. There was a flash of recognition in his eyes. Nakaramdam siya ng panic. Oh, no! Alam na ba nito kung sino siya?
Naputol ang ugnayan ng mga mata nila nang may humatak dito palayo sa kanya. “Narinig kong may nasaktan dito. Are you okay, Miss? I am a doctor.”
Isang lalaking may tsinitong mga mata ang nasa harap niya. He looked cute but his worry was a bit exaggerated. Parang malala ang sakit niya. And there was a mischievous glint in his eyes. He might be gorgeous. Pero ito ang tipo ng lalaking di niya pagkakatiwalaan.
Bago pa siya makasagot sa tanong nito ay inilayo na agad ito ni Noah sa kanya. “Doc Arvind, may bukol lang siya sa noo. OB-Gyne ka.”
“Babae siya. Kailangan niya ako.”
“Doc Arvind, alas dos na,” paalala ni Ashlan at inginuso si Stefanos San Miguel na nakakunot ang noo habang nakatingin dito.
Sumaludo ito sa kanila. “Kailangan na ako ni Boss. If you need me, kahit wala kang sakit tawagan mo ako,” sabi ni Arvind James at binigyan siya ng calling card.
“Gamitin mo lang ang calling card niya kapag kailangang-kailangan. Masisira ang kinabukasan mo kay Doctor Arvind James Yun,” paalala ni Noah habang di inaalis ang tingin sa mukha niya.
Tumango lang siya at iniwas ang tingin dito. “Salamat sa tulong. Lalagyan ko na lang yelo ang noo ko.” At tinakpan ulit niya ng buhok ang noo niya.
“Olay, have we met before?” tanong ni Noah.
Nasa lalamunan na niya ang puso niya. Marahan siyang umiling. “No! Magpapahinga na ako, Sir. Masakit talaga ang ulo ko. Nice meeting you.”
“Ihahatid na kita sa lodge,” sabi ni Aya at inalalayan siya. “Tomorrow ang start ng trabaho ni Olay. Manood kayo, Sir Noah!”
“Sure! I won’t miss it. Lagi naman ako dito, di ba?”
Oh, great! Nasa Windy Café din bukas si Noah. Sa unang gabi ng performance niya. Ano naman kaya ang ihahampas niya para makatakas dito sa susunod? She should buy time. Kailangan niyang ihanda ang sarili sa komprontasyon nila ni Noah. Alam niyang di magtatagal aymaalala na nito kung sino siya.
“GOOD EVENING, beautiful people of Stallion Island. Are you alive, kicking and licking good?”
Umugong ang tawanan sa entradang iyon ni Olay. Nasa stage ito bilang host ng Videoke Night ng Windy Café. Punong-puno ang café dahil iyon ang chance ng mga members, mga tauhan ng club at maging ng mga bisita para ipakita ang talento sa pag-awit kahit sa mga mismong pag-awit ang nagtatakwil sa mga ito.
Sa halip kasi na may mag-entertain sa kanila na mga professional performers ay ang mga bisitang umaakyat sa stage ang nagiging entertainment. Wala namang pikunan kaya masaya ang lahat. Chance na rin iyon ng marami para makapag-relax mula sa trabaho at minsan ay maramdamang tao sila.
Kadalasan ay bidang-bida ang pakiramdam ni Noah. Isang araw pa lang bago ang Videoke Night na ginagawa minsan sa isang gabi ay nakahanda na ang kanyang piyesa. Wala sa kanta ang iniisip niya kundi sa bagong host na si Olay.
“May napili ka na bang kanta?” untag sa kanya ni Tricks. Kagaya niya ay agriculturist din ito. Ang mga Ames ay naka-focus sa horticulture. Habang si Tricks naman ay sa mga palaisdaan at gulay nag-venture. He was into organic farming. Pero sa gabing iyon, hindi ito magpapahuli sa pakikisaya sa kanila.
“Wala ako sa mood kumanta ngayon,” sabi niya at uminom ng aloe vera-apple smoothie. Iyon ang inuming pampatanggal niya ng stress.
“Videoke King natin umaayaw?” di makapaniwalang sabi ni Cody na isa namang supermodel. Magkasundo sila kahit na mortal itong kaaway ng nakababata niyang kapatid na si Freezia.
“Mag-practice ka na!” sabi ni Brent. “Ano kayang hihingin ko kay Olay? Isang kiss na lang siguro?” Anuman kasing hilingin ng mananalo ay ibibigay dito basta hindi naman imposible.
Sinibat niya ito ng matalim na tingin. Di naman lingid sa kaalaman niya na maraming kalalakihang nagkaka-interes kay Olay. May katangkaran kasi ito at balingkinitan ang katawan. Tsinita ang mga mata at mahaba ang buhok nito. Magaling pang kumanta ayon kay Ashlan at may sense of humor. Pero di yata niya gusto na may ibang lalapit dito at hahalik.
Parang pamilyar na sa kanya si Olay. Kahit nang magkalapit lang ang mukha nila, sa palagay niya ay natikman na niya ang halik nito. Weird.
Itinago ni Brenton ang kalahati ng mukha sa ilalim ng mesa. “Uy! Scary! Parang possessive na si Mr. Ames.”
Tinapik ito sa balikat ni Trick. “It’s the legs, Brenton. Alam mo naman na weakness ni Noah ang mga babaeng pamatay ang legs. Ano kaya ang itsura ni Olay kapag naka-swimsuit?” tanong ni Cody at tumingala na parang nag-i-imagine.
Parang may tumadyak sa dibdib niya. Isang imahe ng magagandang legs ang naalala niya. Si Olay na nakasuot ng swimsuit sa isang beauty pageant.
Sa isang gay beauty pageant.