Stallion Island Series Chapter 136

Masarap ang pakiramdam ni Olay nang magising. Hindi gaanong mainit ang sinag ng araw na tumatama sa mukha niya. Sobrang lambot ng kama niya. And she loved the sound of the birds and the scent of flowers. Nang imulat siya ang mga mata ay nasa ibabaw siya ng four-poster bed. Parang sa isang prinsesa ang kuwartong iyon na kulay light yellow ang motif.

Nahigit niya ang hininga nang maalala ang mga huling pangyayari. Nasa beach house siya ni Fred para mag-host pero natuklasan niya ang party nito na puno ng drugs at wild sex. Sinubukan niyang tumakas pero nakaramdam siya ng pagkahilo dahil marahil sa drogang inilagay nito sa alak niya.

Nahigit niya ang hininga at niyuko ang sarili. Nakasuot siya ng old rose satin robe. Wala siyang suot sa ilalim noon pero wala naman siyang kakaibang naramdaman. She felt a bit woozy but not violated. Pero nasaan siya? Sino ang nagdala sa kanya sa lugar na iyon?

Nakarinig siya ng yabag ng kabayo at halakhak ng isang lalaki. Maingat siyang dumungaw sa bintana habang nakatago sa likod ng kurtina. Nanlambot ang tuhod niya nang makitang nakasakay ng kabayo si Noah. Wala itong suot na pang-itaas at pantalong maong at boots lang ang suot.

His light bronze skin shone under the sunlight. Napakakisig din nito kapag walang suot na pang-itaas. His body was well maintained. Gusto nang tumulo ng laway niya. Hindi lang ito guwapo. Bodylicious din ito.

“Nananaginip lang siguro ako,” usal niya.

Baka patay na siya ngayon ay napunta ang kaluluwa niya sa langit. No! Imposibleng nasa langit siya dahil kung nasa langit siya, dapat ay inosente ang iniisip niya. There was nothing innocent about how she felt now. Lahat ng patungkol kay Noah na iniisip niya ay hindi rated PG.

Malamang ay kaluluwang ligaw siya. Dahil di niya natapos ang misyon niya sa mundo. May kasalanan pa siyang dapat pagbayaran sa taga-San Martin.

“Patay na ba ako?” usal niya at iniumpog ang ulo sa salamin ng bintana. “Aray!” Masakit iyon. Ibig sabihin ay buhay pa siya.

Natigilan siya. Kung bahay siya, bakit nandoon siya sa bahay na iyon? Anong ginawa sa kanya ni Noah? Di kaya kasabwat nito si Fred at ginawa siyang sex slave nito buong magdamag.

“Eeeee!” tili niya. Hindi niya alam kung anong gagawin ngayon. Wala siyang damit. Pero paano siya tatakas sa pagkakataong ito.

Sa sobrang pagkatuliro niya ay hindi niya alam ang gagawin. Biglang bumukas ang pinto ng silid at pumasok ang hubad at pawisan na si Noah. Nilapitan siya nito at hinawakan sa braso. “It’s okay, Olay. You are safe now. Nandito ka na sa villa ko at…”

“Safe? Anong safe?” tanong niya at pumiksi sa pagkakahawak nito. “Anong ginawa mo sa akin? Pinagsamantalahan mo siguro ako. Ang aking puri… wala na…”

Bumakas ang pag-aalala sa mukha nito. “No! Wala akong ginawang masama sa iyo. Iniligtas pa nga kita kay Fred. Humingi ako ng tulong sa mga pulis para ma-raid ang beach house niya. Nakakulong na siya ngayon dahil sa drugs at sa pornography. Kundi ako dumating, baka na-rape ka na niya.”

Mas malinaw na bumalik sa kanya ang alaala ng nagdaang gabi. Ang shock sa mga nasaksihan niya. Ang matinding takot sa panganib. Ang pangamba na baka iyon na ang huling hininga niya. Ang kawalan ng lakas para ipagtanggol ang sarili niya lalo na nang umepekto ang droga sa kanya. At ang pagnanais niyang makaligtas.

The fear hit her with full impact. At kahit tapos na ang lahat ay di niya mapigilang humagulgol ng iyak. “Noah, natatakot ako. Akala ko wala nang dadating na tulong sa akin.”

Niyakap siya nito nang mahigpit. “Nandoon ako. Nag-alala talaga ako nang malaman kong tinanggap mo ang project niya. Alam ko ang trabaho niya dahil isa sa mga girlfriend niya ang nabiktima ng negosyo niya. Kababata ko siya. Wala lang makuhang ebidensiya laban sa kanya noon. Pero alam kong patuloy ang ginagawa niya at kagabi, nag-take ako ng risk para tumigil na siya sa pambibiktima niya.”

“Takot na takot ako. Nakita ko ang mga kasama niya na nagda-drugs. Kahit siguro iyong mga babae at lalaki na kinukunan niya ng video habang…” Ipinilig niya ang ulo. “They were copulating without shame.”

“Must be under the influence of drugs.”

Huminga siya ng malalim. “Sabi niya pwede daw akong umalis pero susundan din niya ako at wala daw akong magagawa kapag nahuli niya ako. Di pa ako nakakalayo pero nahilo na ako. May inilagay siya sa inumin ko.”

“Tinatawag nilang date rape drug ang inihalo sa inumin mo sabi ni Doc Nathaniella.” Pinahid nito ang luha sa pisng niya. “Nang dumating kami, nakita kitang nakahandusay sa may likod ng bato. Wala namang damage sa iyo maliban sa epekto ng gamot sa iyo.”

Hinalikan niya ito sa pisngi. “Thank you!”

Hindi niya inaakalang may tao pang magliligtas sa kanya o si Noah mismo ang gagawa ng paraan para iligtas siya. Malaking bagay iyon para sa kanya.

And she didn’t expect that being in Noah’s arms could feel so good. Parang napakalakas ng katawan nito at kaya siyang depensahan sa kahit sinong mananakit sa kanya. At mabango rin ito kahit pawis na pawis.

Her lips landed on the side of his neck then his shoulder. She just couldn’t resist it. She loved the touch of his skin against her lips.

“Olay…”

“Hmmm…” usal niya at hinalikan ang collarbone nito.

“Epekto ba ng drugs iyan o pinagsasamantalahan mo ako?”

“Ha?” Natigilan siya sa paghalik dito at di magawang salubungin ang tingin nito. “I think epekto ito ng drugs…” At hinaplos niya ang balikat nito. She felt like she was a wild cat ready to devour him. Rawr! “Nawawala ako sa sarili ko.”

Pinigilan nito ang mga kamay niya. “Okay. That’s enough. Stop it! O itatali kita sa kama.” Mariin itong pumikit. “Hindi kita iniligtas para lang…”

“Para lang ano?” tanong niya. Nang dumilat ito ay nakita niya ang apoy sa mga mata nito. Ang pagnanasa nito. Did Noah find her beautiful and attractive?

Binitiwan siya nito. “Damn! Tatawagan ko si Doktora. Y-You can’t….” Napalunok ito. “Basta huwag kang lalapit sa akin hangga’t di ka magaling.”

Di nawala ang pilyang ngiti niya sa labi. Nagulat siya sa sarili niya. Dala ba iyon ng trauma, ng drugs na nainom niya o si Noah mismo? She didn’t know but she felt good. She felt beautiful and all woman.

Nang mga oras na iyon ay wala siyang inisip na ibang tao kundi ang sarili niya. Matapos siyang makaligtas, parang gusto niyang isipin ang mga bagay na pwedeng magpasaya sa kanya. Well, Noah made her feel good.

Mabuti at wala ito sa listahan ng illegal drugs. Nakaka-addict kasi ito.

HYPER na hyper pa rin si Olay kahit alas dos na ng madaling araw at patapos na ang show niya. Mas desidido siyang magtrabaho ngayon matapos ang nangyari sa beach house ni Fred. Hindi siya dapat magpatalo sa mga simpleng trahedya. Mas maingat na nga lang siya. Pero habang nasa Stallion Island, alam niyang safe siya. Hindi lang kasi siya simpleng empleyado doon. Parang isa silang malaking pamilya.

Kinamayan siya ni Rouen na isa sa village lord nang bumaba siya sa stage. “Nice show. Kung wala lang akong responsibilidad, gusto ko rin pumunta dito para makapag-relax ako. Bakit kaya hindi na lang ikaw ang dumalaw sa akin sa Banyan Tree para mag-show. Kahit once a month lang, if your manager won’t mind.”

“Naku! Malaking karangalan ‘yon, Sir… Lord Rouen,” nagkakandautal niyang sabi at kinamayan ito. “Pasensiya na, sir. Ang guwapo kasi ninyo.”

Iba talaga ang impact ng mga village lords lalo na kung magkakasama. Mula sa prinsipeng si Prince Rostam hanggang sa anim pang iba na animo’y prinsipe rin. Huwag lang magsasabay-sabay ng lapit ang mga ito sa kanya kundi ay hihimatayin siya. Mas guwapo pa ang mga ito sa artista sa Hollywood. Each good looking and had a charisma on their own.

“I am glad that you are better now. Nag-alala kami nang ipaalam sa amin ni Noah ang tungkol kay Fred. Nandito lang siya para sa location ng film niya. We had no idea that he was a porn film maker and a drug addict and pusher.”

Napapapayag nito ang mga artista nito na gumanap sa mga porn films nito kapalit ang drugs. Marami na itong nabiktimang kabataan dahil doon. Nakakapangilabot na muntik na siyang mapasama sa mga ito.

“I will make sure that we will thoroughly investigate our guests’ background. Ayoko nang may mapahamak pa sa mga nandito sa isla,” dagdag nito.

“Thank you po!” aniya at pinisil ang palad nito. “Sir, pwedeng pa-hug? Hindi ko kayo pagsasamantalahan, Sir. Gusto ko lang talagang magpasalamat.”

Mula nang mamatay ang tatay niya, wala na siyang ginawa kundi protektahan ang mga tao sa paligid niya. Ngayon lang niya naranasang protektahan naman. Parang isang pamilya sila sa Stallion Island dahil naramdaman niya ang pagdamay mula sa miyembro at iba pa nilang kasamahan na nakakaalam. Si Noah mismo ang nakausap na huwag nang makarating sa ibang guest ang nangyari sa kanya. Mas mabuti nang mga members at staff na lang ang makakaalam para na rin sa proteksiyon niya. Gusto ni Noah na maging normal pa rin ang kilos niya sa isla. Para hindi siya gaanong mailang. Pero masaya siya dahil naramdaman niya ang suporta ng lahat ng mga tao sa paligid niya maging ang mga village lords.

“I won’t mind a hug. Pero baka magselos sa akin ang boyfriend mo.”

Nagsalubong ang kilay niya. “Boyfriend ko po?”

Ngumuso ito sa isang mesa doon. Naroon si Noah at nakayukyok sa mesa. “Anong ginagawa niya dito?” tanong niya.

“Natural lang naman iyan sa boyfriend na nagmamahal, di ba?”

“Ha? Pero hindi ko po siya…” Makahulugan lang na ngumiti si Rouen. Nagpaalam siya at nilapitan si Noah. Anong nangyari dito? Nalasing ba ito at nakatulog sa table nito? Pambihira! Hindi ito dapat naglalasing. Mukha itong anghel habang natutulog. Gumuhit ang pilyang ngiti sa labi niya. Busy naman ang dalawa na gusto pang magkwentuhan at uminom o kaya ay magkape lang. hindi niya mapagsasamantalahan si Rouen o ang ibang lalaki. Pero pagdating kay Noah, nawawala siya sa sarili. Ginayuma yata siya nito.

Dahan-dahang lumapit ang mukha niya dito. It was just a harmless peck on the lips. Mas malala pa nga ang nangyari sa kanila noong Miss Gay pageant. Sleeping Pogi naman ito. Kailangan nitong gisingin ng isang prinsesa.

Biglang dumilat ang mata ni Noah. Nanlaki iyon nang makita siya. “What the…” Tinangka nitong tumayo agad ngunit sa halip ay natumba ang silya nito kasama ito. Umalingawngaw ang halakhakan sa buong café.

Inilahad niya ang kamay dito. “Anong nangyari sa iyo?”

Hindi nito inabot ang kamay niya at mag-isang tumayo. “Ano sa palagay mo ang ginagawa mo sa akin?”

“Wala,” inosente niyang sabi. “Gigisingin lang sana kita. Sarang ng tulog mo.” Sayang nga at nagising agad ito.

“Tapos na ang show mo?” tanong nito at tiningnan ang relo. “Pasado alas dos na. Kunin mo na ang gamit mo kung wala ka nang gagawin.”

“Bakit?”

“Ihahatid na kita.”

Bumuka ang bibig niya para magprotesta pero tumango na lang siya. Maraming lalaki ang nag-offer na ihatid siya noon dahil madaling-araw ang uwi niya mula sa trabaho. Lahat ay tinanggihan niya maliban kay Noah. The idea was not repulsive. It was romantic. Baka nabagok ang ulo nito kanina kaya naisipan siyang ihatid. Hindi siya kokontra. Baka di na iyon maulit pa pag nahimasmasan ito.

May inabot itong paper bag sa kanya. “Gusto ko isuot mo ‘to ngayon.”

“Naku! Thank you! Nag-abala ka pa. Babalik ako agad, ha?” excited niyang sabi at dali-daling pumunta sa dressing room niya. May regalo pa ito sa kanya. Goodness! Ibig bang sabihin ay nililigawan na siya ni Noah? Sabi na nga ba niya’t may pagnanasa ito sa kanya. Kumikyeme lang ito kaya kunyari ay nagulat ito nang hahalikan niya. Pero ang totoo gusto nitong magpahalik.

Malamang sexy na dress ang bigay ni Noah sa kanya dahil gusto talaga nitong maging kaakit-akit siya sa paningin nito. Nawala ang ngiti niya nang makita ang laman ng paper bag. Mahabang palda iyon at blouse na may kahabaan ang manggas. Inaasar ba siya ni Noah? Gusto nitong isuot ang mga damit na iyon na mukhang matanda pa sa lola niya?

Kinatok ni Noah ang pinto ng dressing room. “Tapos ka na ba?”

Binitbit niya ang mga gamit niya at saka lumabas ng dressing room. “Bakit gusto mo akong magsuot ng mga damit ng lola mo?”

“Hindi ‘yan damit ng lola ko. Bagong bili ko ‘yan.”

“Saan? Sa ukay-ukay na noon pang panahon ng Hapon?” saka siya nagdadabog na naglakad palayo. “May centennial celebration ba? Hindi naman ito ang uso ngayon.”

“You have to cover your legs. They are inappropriate.”

Napanganga siya. “Ha? Anong inappropriate ang legs ko? Tinubuan na ba ako ng dalawa pang extra legs at kailangan kong magpalda ng mahaba.”

Pumalatak ito. “Those legs got you into trouble in the first place. Kundi mo hinara-hara ang legs mo, hindi ka mapapahamak.”

Tinaasan niya ito ng kilay. “Excuse me? That’s a very sexist remark. Saka anong magagawa ko? Maganda talaga ang legs ko.” Bahagya pa niyang inangat ang hem ng dress niya. Nakita niya ang pagsunod ng tingin nito. “Interesado ka rin sa legs ko, no?”

“Oh, shut up!” usal nito. “Hindi kita pinag-iinteresan. Gusto ko lang matiyak na di ka na naman mapapahamak sa kung sinu-sinong lalaking lumalapit sa iyo. Saka nagi-guilty ako. Kundi dahil sa demand ko na ibalik mo ang award sa San Martin, hindi ka magpapakahirap ng ganyan.”

Parang hinaplos ang puso niya. Nagkukunwari lang matigas si Noah pero ang totoo ay nag-aalala ito sa kanya. “Thank you. Pero hindi mo ako kailangang bantayan ako.” HInaplos niya ang ilalim ng mata nito. “Napupuyat ka pa dahil sa akin. Mababawasan ang kaguwapuhan mo at magagalit ang fans mo.”

“Sabi ni Lord Alexandros, ang mga tunay na guwapo, guwapo pa rin kahit na puyat. Kaya huwag mo akong intindihin.”

“Hindi ko na tuloy alam kung paano ka babayaran.” Ngumiti siya. “Pwede na siguro ang kiss, no?”

TUmingkayad siya para halikan ito kahit sana sa pisngi nang iharang nito ang palad sa mukha. “Don’t even think about it. Hindi ako interesado sa halik mo kaya huwag mo rin akong pag-interesan.”

“Ang yabang mo! Si Lord Rouen nga nayakap ko nang walang malisya.”

“Ano? Niyakap mo si Lord Rouen?” bulyaw nito na halos ikabingi niya. “Anong walang malisya? Niloloko mo ba ako?”

“Oo naman. Hindi naman ako malisyosa. Parang itong kiss ko,” aniya at bigla itong kinintalan ng halik sa pisngi. Pero dahil gumalaw ito ay naglapat ang labi nila.

Napapikit siya. It was like the kiss they shared before. Pero sa pagkakataong ito ay mas matagal iyon. Mahigpit siya nitong hinawakan sa balikat na parang pinatatagal ang halik. He didn’t make any effort to deepen the kiss. Pero sapat na iyon sa kanya. Nang mga oras na iyon ay parang nasa langit siya.

“Wala talaga ‘yong malisya?” bigla ay sabi nito at napadilat siya.

Magkahiwalay na pala ang labi nila. Ni hindi man lang niya napansin. Hanggang ngayon kasi ay nararamdaman pa rin niya ang halik nito.

“W-Walang m-malisya ‘yon,” wika niya kahit na ang totoo ay puro malisya ang tumatakbo sa utak niya.

Nagkibit-balikat ito. “Okay. Hindi ko muna kokonsultahin ang lawyers ko kung pwedeng sexual harassment ang ginawa mo o hindi. Goodnight.”

“Sexual harassment? Ang yabang mo! Hindi ka naman ganoon kaguwapo at hindi ka naman ganoon kagaling humalik! Yabang!”

Bigla itong bumuwelta pabalik sa kanya. He looked like an angry lion. Napaurong siya sa takot hanggang sumandal siya sa pinto ng lodge. Di na siya makagalaw lalo na nang dahan-dahan nitong ilapit ang galit na mukha sa kanya.

“Anong gagawin mo? H-hahalikan mo ako?” Titig pa lang nito ay lusaw na lusaw na ang lamang-loob niya. Paano pa kaya kapag hinalikan na siya nito? She could die and go to heaven! Pwede na siguro iyon.

Nawala ang apoy sa mga mata nito at lumayo sa kanya. “No! Just stop pretending that you know anything about kissing. You are the novice one here. Baka kapag pinatunayan ko ang expertise ko sa iyo, hindi ka makakatulog. Kawawa ka naman bukas kapag pumasok ka.” Hinaplos nito ang ilalim ng mata niya. “Baka mapagalitan ka ng boss mo. So goodnight for now.”

Nagpupuyos niyang sinundan ito ng tingin palayo. Siya pa ngayon ang nabaligtad nito. Pero hihintayin niya ang demonstration ng expertise nito. At magdadala siya ng sleeping pills. Dahil baka nga di siya makatulog.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.