“Welcome to Stallion Island Leisure and Riding Club. Enjoy your stay here!” anunsiyo ng naka-program na boses nang sa wakas ay mai-grant ang access niya papasok ng Stallion Island. Suot na niya ang access ring. She was officially a visitor of Stallion Island. A very special visitor.
Hindi niya mapigilang humanga sa modernong facilities ng isla. Subalit sa loob naman ng isla ay nagawang pagsamahin ang ganda ng kalikasan at ang pagiging moderno. Katulad na lang ng sinakyan niyang electric jeepney. Friendly iyon sa kalikasan at maipagmamalaki pang gawa ng mga Pilipino.
Tahimik si Zachary kaya naman wala siyang naging choice kundi makipag-kwentuhan sa masayahing driver ng electronic jeepney. “Maganda naman po ang sweldo ninyo dito, Manong Jepoy?”
“Yes, Ma’am! Dati po talaga akong driver ng jeep. Kaso nang tumaas ang gasolina, nag-uling na lang kami ng pamilya ko. Pero nagkaroon kami ng bagong pag-asa nang makuha akong driver. Ngayon po hindi na ako nag-uuling. Iyong pamilya ko naman tumutulong po sa reforestration. Di na po namin kailangang pumutol at magsunog ng puno kasi mas maganda na po ang kita namin.”
Inilista niya ang statement na iyon ng driver. Mukhang maganda nga ang programang iyon. Ang mga trabahador na dating gumagawa ng ilegal ay natutulungang itama ang maling gawi ng mga ito at magkaroon ng mas disenteng pamumuhay. “Sa palagay po ba ninyo masasaya ang mga babaeng nagtatrabaho dito? Tinatrato po ba sila nang maayos?”
“Opo naman. Kapag nga po may guests na nambastos sa kanila, ipinapa-ban agad. Hindi po pwedeng bastusin ang mga babae dito,” wika ng driver.
“Talaga po? Wala namang reklamo sa mga members?”
“Sa maniwala ka at sa hindi, wala pang kaso na may naparusahang member dahil sa pambabastos. There are accusations. Pero may ebidensiya naman na nagpawalang-sala sa kanila,” singit ni Zachary. “We are pretty decent people here, Gabriella. Dahil kung hindi, hindi kami tatanggaping members dito. Bago siguro kami husgahan, sana inalam muna ninyo kung paano tumatanggap ng members dito. Kung gaano kahigpit ang screening committee. We even have a psychologist to test us and a thorough background check.”
“Thank you for the information,” wika niya at inilista ang sinabi ni Zachary. “Gusto ko lang namang makasiguro.”
Medyo naging cynical na lang kasi siya sa mundo. Sa dinami-dami ng mga kasong nahawakan niya at sa kawalan ng katarungan mundo, di na niya alam kung anong dapat na paniwalaan. Minsan kasi kung sino pa ang inaakala ng mga tao na kagalang-galang ay siya pang mapagsamantala at mapang-abuso.
Napilitan na lang siyang obserbahan ang paligid. Hindi niya magawang magtanong kay Zachary dahil mukhang wala itong planong kausapin siya. Nagsalita na lang ulit ito nang ihatid siya sa kuwarto niya sa Island Guesthouse. Isang malaking suite na nakaharap sa swimming pool ang ibinigay sa kanya.
“I believe may iba ka pang kasamahang dadating bukas,” sabi ni Zachary at inilapag ang maleta niya sa tabi ng kama. Dinampot nito ang memo pad. “Here is my cellphone number. Kung may kailangan ka, just send me a message. Huwag kang basta-basta lalabas nang hindi ipinapaalam sa akin. I have to go.”
Palabas na ito ng pinto nang tawagin niya ito. “Zach, sandali! Hindi ko talaga ine-expect na magkikita tayo dito. I am sorry.”
“Lalong di ko ine-expect na makikita ka dito.”
Itinaas niya ang mga kamay. “I know. Ako ang pinakahuling taong papasukin dito. Di na ako magtataka kung ka-level ko ang mga terorista sa black list ninyo.”
“But you are here. Congratulations!” wika ni Zach at inilahad ang mga palad. “I am sure masaya ka at ang grupo mo. You are free to roam around the island now. Iniisip ko tuloy kung ano talaga ang misyon ninyo sa pagpasok dito. To observe us? Or you want to tarnished our already tarnished reputation. Thanks to you and your types. Pinag-iisipan na kami ng hindi maganda ng iba.”
“Wala akong planong manggulo. I just want to make sure that the rights of the women here are protected.”
Bakit ba pinag-iisipan din siya ng masama at hinuhusgahan ng mga tao? Di dahil baliw na baliw sila sa mga Stallion Boys ay bitter na sila sa buhay o kaya naman ay killjoy. Ginagawa lang nila ang trabaho nila at pinoprotektahan ang mga bagay na mahalaga sa kanila.
“Welcome to the Land of Chauvinists and Sex Slave Masters.”
Mariing nagdikit ang labi niya. Nagsisimula na siyang mainis sa tono nito samantalang kanina pa siya nagpapakumbaba dito. “Hindi mo kailangang maging sarcastic sa akin. Kung walang ilegal na nangyayari dito at walang threat sa mga kababaihan, wala kang dapat ikatakot.”
Subalit di pa rin ito kumalma. “I am not concerned with what information you will get from us. Hindi ko lang alam kung pagkakatiwalaan ko ang judgment mo. Paano kung biased ka na agad? Paano kung pasamain mo kami?”
Naningkit ang mga mata niya. “You don’t trust me?”
Siya pa ang di nito pinagkatiwalaan. Samantalag ilang beses na niyang ini-risk ang buhay niya para sa katotohanan. Iniisip ba nitong gumagawa lang siya ng isyu para mapag-usapan o mapansin?
Naglakad ito palapit sa kanya at tumigil sa harapan niya. She already forgot how tall and intimidating he was specially when he was mad. Sa tindi ng titig nito sa kanya ay nakalimutan niyang huminga. “Did you do anything trustworthy?”
Napipilan siya sa tanong nito at ibinaba niya ang tingin. Guilty siya sa bahaging iyon. Alam niyang may nagawa siyang mali. Kundi man siya nito pagkatiwalaan ay hindi niya ito masisisi. “Zach, nakaraan na iyon…If you want me to apologize…”
Iwinaksi nito ang kamay. “Doesn’t matter. I don’t need your apologies. Just keep in mind na hindi lang mga babae ang may karapatan sa mundo. Kahit kami ring mga lalaki may karapatan. Tao din kami.” Inilapit nito ang mukha sa kanya at hinuli nito ang mga mata niya. “And the men in this island are like my brothers. Kaya huwag na huwag mo silang sasaktan.”
Nararamdaman niyang dahan-dahang natutunaw ang tapang niya. Zach had so much loyalty and devotion to his friends. Paano ba naman niya malalabanan iyon?
Pero mukhang may iba pang dahilan kung bakit nanghihina siya. Zach’s warmth and manly scent was driving her insane. Di rin niya maialis ang tingin sa magaganda nitong mga mata. Mas gumuwapo yata ito at kumisig ngayon nag-mature na ito. She wished she could just hold his face. Kahit sandali lang.
Nang mga oras na iyon ay parang nasa isang magandang panaginip siya.
“Ako ang makakalaban mo kapag sinaktan mo sila.”
Nagising siya sa huling pangungusap na binitiwan mo. Hindi siya isang prinsesa na inaakit ni Zach. Sa paningin nito ay isa siyang mangkukulam. Isa siyang kaaway na banta sa katahimikang tinatamasa nito sa isla at ng mga kaibigan nito.
“Don’t worry. Gagawin ko lang ang trabaho ko. I will be fair. Kung wala kayong ginagawang masama, wala akong ire-report na masama.”
Humakbang ito palayo. “Just the same. I will keep an eye on you.”
Ibinagsak niya ang sarili niya sa kama. Parang nahugot ang lakas niya sa ilang sandaling pag-uusap nila ni Zachary. Ngayon pa nga lang ay wala na siyang lakas. Paano pa ang araw na magdadaan na ito ang escort niya?
She was doomed. Totally doomed.
“CONGRATULATIONS, Gabriella! Sabi na nga ba’t makakapasok ka ng Stallion Island. I have so much faith in you. Nagbunga rin ang mga paghihirap mo,” tuwang-tuwang sabi ni Amie nang tawagan siya sa telepono kinahapunan.
Halos lahat ng tumatawag sa kanya ay binabati siya. Monumental ang achievement na nagawa niya kung tutuusin. Na-pressure marahil ang pamunuan ng Stallion Island sa pagtapak niya doon at pagtanggi ng mga ito na papasukin siya. Marami nga namang tanong na mabubuo sa isipan ng publiko. After all, hindi naman siya masamang tao. Anong ikinakatakot ng mga ito mag-observe man siya?
Subalit wala siyang maramdamang kasiyahan. Kung siya lang ang masusunod ay mas gusto niyang umalis na lang doon.
“Thank you, Ma’am. Pero pwede po bang iba na lang ang mag-handle ng case na ito? Observation na lang naman po ito.” Nagawa na niya ang pinakamahirap na trabaho. Wala nang iintindihin ang mga ito.
“Bakit? Gusto mo bang asikasuhin na ang kasal mo?”
“No. Sa ibang case na lang po ninyo ako i-assign.” Nakagat niya ang pang-ibabang labi. “Naalala po ba ninyo si Zachary? ‘Yung part-Swiss na inalagaan po ng Ninang ko na ginawa namang penpal ng nanay gamit ang pangalan ko.”
“Oo naman. First love mo kaya iyon,” may halong panunuksong sabi nito.
Dahil sa di nila pagkakasundo ni Zach noon ay nagkaroon ng lamat ang relasyon nilang mag-ina. Naging active siya noon sa Bangon Kababaihan at naging malapit kay Amie. Dito siya nagko-confide ng mga problema.
“Member po siya ng Stallion Island. Siya pa po ang escort ko dito.”
“Really?” excited nitong tanong. “How is he?”
“Shock na shock po siya. Mukhang excited pa siyang makita ako kasi akala niya magiging Prince Charming siya sa Stallion Shampoo Makeover Challenge. Basang-basa pa nga siya sa ulan kamamadali niyang makipagkita. Dismayado siya nang malaman niyang hindi ako contestant.” Perhaps Zach was expecting his dream girl-a Maria Clara. “Hindi po ako halos kinibo.”
Hindi rin naman niya ito masisisi kung wala itong tiwala sa kanya. Kahit pa sabihing nakaraan na ang lahat at wala rin siyang kontrol sa mga pangyayari, nasaktan pa rin niya ito.
“Nagkita pa ba ulit kayo kanina?”
“Hindi na po.” Si Aric na ang sumama sa kanya para mag-observe sa yoga exercise ng mga contestants. “Masama daw po ang pakiramdam. Ewan ko kung totoo. Feeling ko pinagtataguan na ako noon.”
“Nabasa kasi siya ng ulan.” Sa halip ay sabi ni Amie.
“Po?” naguguluhan niyang tanong.
“Baka nga may sakit siya dahil nabasa siya ng ulan. Dalawin mo siya tapos painumin mo ng honeyed lavender tea. I am sure gagaan ang pakiramdam niya.”
“Lavender tea?” Saan naman siya hahagilap ng lavender tea? Karaniwang tea lang naman ang alam niya. “Bakit naman po lavender tea pa?”
“Sa Switzerland, parang medicinal tea plant iyon.”
“Pero hindi naman po kaya itaboy niya ako?”
“Show him that you care. Siguro nga marami kayong di napagkasunduan noon at magkaiba kayo ng pinaniniwalaan pero di naman ninyo kailangang maging magkaaway. I believe that Zach is a good man.”
Matapos ang pag-uusap nila ay sinunod agad niya ang utos nito. Umorder siya ng lavender tea. Sa kasamaang palad ay walang available sa kahit anong café doon. “Ma’am, si Miss Xandie lang po ang merong ganoong tea dito,” sabi ng crew sa Mist Fusion Café. “Kaso po for personal consumption lang niya iyon.”
Kinapalan na rin niya ang loob niya at dumayo pa siya ng Mist Village kahit na nasa kabilang bahagi pa iyon ng isla. Nagulat pa si Xandie na isang tai chi master nang magpakilala siya. “Kailangan mo ba akong ma-interview?”
Umiling siya. “No. Hihingi sana ako ng favor. May nagsabi sa akin na may lavender tea ka. Pwede ba akong bumili? May sakit yata ang escort ko.”
“Oo. May lagnat nga si Zach. Pero dalawang teabag lang ang maibibigay ko. Huwag mo nang bayaran. Magpapalibre na lang ulit ako sa kanya ng dalawang box. Mahirap din kasing umorder nito. Bakit ikaw pa ang mag-aalaga sa kanya?”
“It’s okay. Dati ko nang ginagawa ito.”
“Oh!” anito at tumango. “Nasa Summer Snowflake cottage ten siya. Mabuti naman at may mag-aalaga na sa kanya. Sabi ko nga mag-girlfriend na siya para naman may mag-asikaso na sa kanya.”
“Thanks. Pupuntahan ko na siya.” Parang may pakpak ang paa niya nang magpahatid sa Summer Snowflake sa Wave Village. Hindi niya alintana kung papagabi na noon. Ang nasa isip niya ay gumaling si Zach.
Pinindot niya ang buton ng doorbell. Isang magandang babae na nakasuot ng doctor’s coat ang nagbukas ng pinto. “Miss Gabriella!” gulat nitong usal.
“Magaling na ba si Zach?”
“Too stubborn to drink his medicine. Gusto daw niya ng lavender tea bago uminom ng gamot. Mapipilitan akong idaan sa injection ang gamot niya.”
“May dala akong lavender tea,” sabi niya.
“Good!” Iginiya siya nito papasok ng cottage. “May brewer siya dito. Minsan mas madali pa talagang alagaan ang mga bata kaysa sa mga lalaking ‘yan. Mas marami pa silang arte.”
Natawa lang siya sa reaksiyon ng doktora na parang may alagang santambak na anak na puro spoiled brat. Kung anu-ano daw kasi ang trip ng mga members doon kapag may sakit. Naramdaman niyang mas welcome siya ngayon sa isla. Hindi katulad noong una na naiilang siya.
Gaya ng inaasahan ay di naging mahirap kay Doc Nathaniella na painumin ng gamot si Zach. Subalit sa labas lang siya ng kuwarto naghintay. Baka mamaya ay makita siya ni Zach at di na naman ito uminom ng gamot.
“Pwede bang bantayan mo siya? Nakainom na siya ng gamot kaya gagaling na siya. Nag-iwan na rin ako ng instruction kung anong oras ulit siya paiinumin ng gamot. I have to go. Hindi na ako pwedeng magtagal dito.”
“Thank you, Doc,” aniya at ihinatid ito sa pinto.
“Please be gentle with the guys here,” bilin nito bago umalis. “They may act tough in public. Pero sa loob, parang bata pa rin sila minsan. Nasasaktan din sila. Isa na si Zach sa kanila. Hindi sila masasamang tao. Believe me.”
She was starting to realize that now. Masyado lang siyang na-overwhelm sa tindi ng kapangyarihan ng mga lalaki sa islang iyon sa mga kababaihan. Natatakot siyang baka maabuso ang mga ito.