Stallion Island Series Chapter 166

Nagtago si Gabriella sa likod ng malaking puno ng acacia. She knew it was silly. Baka nakita na siya ni Zach. Baka pinagtatawanan siya nito. Iniisip siguro nitong nababaliw siya. Pero para din naman dito ang ginagawa niya. Ayaw niyang masira pa ang araw nito. Siya na lang ang iiwas.

Sana ay umiwas na rin ito sa kanya. Ginagawan na nga niya ito ng pabor.

Subalit lumalagabog ang dibdib niya sa bawat yabag ng papalapit sa kanya. Nananadya ba talaga si Zach? Hinahanap pa siya nito.

“Nakita na kita, Gabriella. Kapag hindi ka pa lumabas ngayon, pwede kong i-report sa security at sa village council na pinagtataguan mo ako. Sa palagay mo anong iisipin nila? You must be doing something sneaky. Something that might jeopardize your stay here.”

Nanlaki ang mata niya. No! Hindi iyon pwedeng mangyari. Dali-dali siyang lumabas sa pinagtataguan niya. “Wala akong ginagawang masama!”

Ano kaya ang itsura niya ngayon? Parang guilty. Wala siyang inuurungan kahit ang baril. Pero pagdating sa lalaking ito ay nagtatago siya.

Many would call her stupid to run away from this man. Nakakatulala ang kakisigan nito. Nakasuot ito ng riding uniform ng riding club – maroon na riding coat, black trousers at itim na riding boots. Akay-akay nito ang puti nitong kabayo.

Itinukod nito ang isang palad sa katawan ng puno. “Kung wala kang ginagawang masama, bakit pinagtaguan mo agad ako nang makita mo ako?”

“Baka kasi ayaw mo akong makita,” aniya at iniwas ang tingin dito.

“Bakit naman hindi kita gugustuhing makita? Ako ang escort mo. Responsibilidad kita. Sinundo kita sa Guesthouse pero wala ka. I asked the security to track you down.”

Nagtaka siya kung bakit pa siya nito sinundan. “Bakit ikaw pa rin ang escort ko? Nagsabi na ako sa pinsan mo na iba na lang ang ipalit sa iyo kung ayaw mo na.”

“Nagkasakit lang ako pero hindi ibig sabihin pababayaan ko na ang responsibilidad ko.” Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok sa noo niya. “I am sorry about if I gave you the impression. Nagkasakit ako kahapon.”

“Alam ko,” mahina niyang wika. “Magaling ka na ngayon?”

Tumango ito. “Yes. Baka naman tinataguan mo ako dahil natatakot kang i-confront kita sa pangha-harass mo sa akin kagabi?”

Napamaang siya dahil di niya alam kung paano sasagutin ang akusasyong iyon. Hindi siya mapagsamantala o desperadang babae. “Inaayos ko lang ang kumot mo tapos bigla mo na lang akong hinila. Tinawag mo pa nga akong “Mama”. So hindi kita hina-harass. FYI lang!” mariin niyang paliwanag dito.

Kahit man lang kaunting dignidad ay mabawi niya sa umagang iyon. Hiyang-hiya talaga siya nang maabutan siya kagabi nina Darwayne at Arvind James. Mabuti at may lakas pa siya ng loob na magpaliwanag ngayon.

Humalakhak ito. “Tama nga ang panaginip ko. Niyakap ko Mama ko. Come!” anito at inilahad ang palad.

Sa halip na tanggapin iyon ay umurong siya. “Saan mo ako dadalhin?”

“Hindi kita kakaladkarin sa security para ireklamo ka ng sexual harassment. I will treat you for breakfast.”

“Breakfast?” tanong niya.

“Yes. The first meal of the day, usually eaten in the morning.”

“Alam ko naman kung ano ang breakfast. Pero bakit mo ako ililibre. Close ba tayong dalawa?” diskumpiyado niyang tanong.

“Well, sinabi nila sa akin na ikaw ang nagdala ng lavender tea para sa akin. At binantayan mo rin ako at inalagaan nang umalis si Doc Nathaniella. Hindi ka pa daw nagbe-breakfast sabi ng mga kasama mo. Mahirap magtrabaho ng walang kinain.”

Ibinulsa niya ang kamay sa pantalon kahit nate-tempt siyang abutin ang kamay nito. She couldn’t trust herself to touch him. Mabait na naman ito. dala ba iyon ng sakit o baka may iba itong pakay sa kanya.

“Okay lang ako. Mamaya na lang ako kakain. Magbibigay pa ako ng instruction sa mga kasama ko bago ang interview namin mamaya. Saka nagkape naman ako kanina.”

“Hindi pwede. Kasama sa schedule mo ngayong araw ang breakfast sa arena. Makakapag-observe ka rin sa mga members kung anong usual na nangyayari dito sa Stallion Island. How things work around here.”

May sariling schedule na ang mga ito para sa kanya? Hindi niya alam kung mabuti iyon o hindi. “Pero may interview pa kami sa mga contestants ng makeover challenge. Hindi pwedeng basta na lang akong magbago ng schedule.”

“May mga mag-a-assist naman sa iyo. I am sure na-train na ang mga kasama mo sa line of questions para sa mga contestant. Pwede mo na sigurong ipagkatiwala sa kanila ang interview. While this is your chance to get to know the members and observe the island. You can watch them while they are unguarded. Their usual self. Gusto lang naming makilala kaming mabuti bago kami husgahan.”

Hindi nga naman madaling mameke ng kilos. Not by a large scale. Pero okay lang ba si Zach sa set up na iyon.

“Okay lang ba sa iyong maging escort ko?” paniniyak niya.

“It is my duty,” may kapormalan nitong sabi.

“Pero okay lang magkaroon tayo ng truce?” marahan niyang tanong.

“A truce?”

Tumango siya. “We will set aside our differences. I will do my job. Kung ano ang nakita ko, ire-report ko ng tama. In return, hindi mo rin ako pakikitunguhan base sa nakaraan natin. It’s okay to throw me out of the island once I step out of the line. Gusto ko lang maging mas madali ang trabaho ko. Kaya mo bang gawin iyon?” Inilahad niya ang palad. “A truce?”

Mahabang sandali nitong tinitigan ang kamay niya. Hindi naman niya inaasahang maging magkaibigan sila. Gusto lang niya ng katahimikan. Nakakapagod na rin ang makipagtalo.

Ginagap nito ang palad niya. “A truce then.” Akmang babawiin niya iyon subalit di nito binitiwan ang kamay niya. “And I also owe you an apology. Mali ang naging pagtrato ko sa iyo kahapon. I was crass. Hindi ako ganoon kabrusko.”

“I know, Zach. Hindi ka masamang tao. Kung hindi man maganda ang kasalanan mo sa akin, kasalanan ko rin.”

“Shhh…” Umiling ito. “Enough of the past. Let’s move forward. For starters, you should meet my gelding. Alps Rider.”

Nagningning ang mga mata niya nang haplusin ang leeg ng kabayo. “Mukhang mabait siya. Pwede ko ba siyang sakyan?”

“You know how to ride a horse?” tanong nito.

“Kalabaw nga kaya kong sakyan. Kabayo pa kaya.”

“No, no, no.” Pumagitna ito sa kanya at sa kabayo nito. “Hindi ka sasakay ng kabayo habang nandito ka. I don’t like the recklessness I see in your eyes.”

Hindi niya mapigilang ngumiti sa obserbasyon nito. Ilang beses na siyang nasabihang reckless. Most of the time she loved the taste of speed and danger.

“Kung ganoon ako ka-reckless, sana nabalian na ako ng buto o basag na ang bungo ko.” Inabot ng kamay niya si Alps Rider. “Mukha namang mabait itong kabayo mo. Hindi ako itatapon niyan. Saka mabagal lang ako…”

Sinambilat nito ang braso niya at hinapit sa katawan nito. “Don’t drive my patience. Baka makalimutan kong may truce tayo kapag di ka tumigil.”

“At ano naman ang gagawin mo sa akin? You will kiss me like every chauvinist male do to shut a woman up?”

“Now you give me an idea.”

Hinawakan nito ang likod ng ulo niya at sa isang iglap ay inilapit ang mukha sa kanya. Wala na siyang oras pa para mag-react. Hahalikan talaga siya nito. Kaya pa ba niyang tumutol? Gusto pa ba niyang tumutol?

Nag-iisip pa lang ang utak niya subalit kusa nang gumalaw ang katawan niya. Ipinikit niya ang mga mata at hinintay na lang ang pagdapo ng labi nito sa kanya. Di siya lalaban at aayon na lang siya sa gusto nitong mangyari. Electricity in the air sizzled. As if every part of her being was anticipating the kiss.

“The theory is right. A kiss could really keep a woman’s mouth shut.”

Dumilat siya at bumungad sa kanya ang nakangiti nitong mukha. Malapit na malapit iyon sa kanya subalit parang wala sa itsura nito na hahalikan siya nito. He had that mug look as if he had just proven something.

Hinaklit niya ang braso mula dito. “Magpasalamat ka dahil hindi kita ginulpi. Iginagalang ko lang ang truce natin.”

“Gugulpihin mo ako dahil muntik kitang halikan o hindi natuloy ang halik ko?”

Matalim niya itong tiningnan saka nagpatiunang lumakad. Pasipol-sipol naman siyang sinundan ni Zach. Kung pwede lang sabihin dito na gusto niya itong gulpihin sa parehong dahilan ay ginawa na niya.

Para saan ang truce na ito? Parang inaakit siya nito. Parang gusto nitong guluhin ang mundo niya mula nang unang beses silang nagkita. Hindi ito pwedeng mangyari. Hindi siya pwedeng magpaakit.

May trabaho siyang kailang gawin. May boyfriend siyang pakakasalan. Hindi niya kailangan ng panggulo sa mundo niya katulad ni Zach.

GABRIELLA was back to her usual self. Paglabas niya ng kuwarto para magbilin sa mga kasama niya na mag-i-interview ay naging matalas na agad siya sa nasa paligid niya. Focus agad siya sa trabaho. Isa iyong magandang distraction lalo na’t pinangangatawanan ni Zach ang pagiging escort.

Hawak niya ang Palm Pilot habang ine-encode ang mga obserbasyon niya. Disiplinado ang mga tao sa Stallion Island. Sa interview niya sa mga chambermaid sa guesthouse ay wala namang problema sa mga miyembro. They were really polite. May pagka-flirt ang iba pero di naman lumalagpas sa linya. Madalas lang nagkakaproblema sa mga male guest na mali ang impression sa Stallion Island. Na ang mga babae doon ay parang miyembro ng isang malaking harem. Naiba-ban daw agad ang mga ganoong bisita sa isla at pati ang reputasyon sa community ay nasisira dahil sa rekomendasyon na rin ng mga miyembro ng Stallion Island. Iyon naman ang maganda kapag nagagamit ng tama ang kapangyarihan.

“Contrary to the popular beliefs, we are not so god-like here,” sabi ni Zach habang nakasakay sila ng horse chariot papunta sa arena. “Mga simpleng tao lang kami. May mga simpleng gusto. And you will get to meet men who are loyal to their partners. Ganoon yata ang mga Stallion Boys. Kapag na-in love, hindi na tumitingin sa ibang babae. At hindi rin naman basta-basta ang mga babaeng nagugustuhan nila. They are women of character and integrity.”

“Parang gusto kong makilala ang mga iyan.”

Ayon sa pag-aaral niya, ang mga babaeng may magandang character ay hindi basta-basta pwedeng malinlang dahil lamang sa pagmamahal sa isang lalaki. May sariling paninindigan ang mga ito. Kung minahal ng mga ito ang mga Stallion Boys, ibig sabihin ay magaganda rin ang character ng mga members doon.

Pagbaba nila ng horse carriage ay tinanguan ni Zach ang record producer na si TJ Javellana na kasama ang sikat na dance guru na si Kaetria. Sumakay ang mga ito sa horse carriage na binakante nila. Hindi nag-uusap ang mga ito pero seryoso ang mga itsura. Ang alam niya ay dating may relasyon ang dalawa noong nagsisimula pa lang si TJ bilang vocalist ng isang banda.

“Nagkabalikan na ba sila?” tanong niya kay Zach. “Do you think Kaetria can grant me an interview? Gusto kong malaman kung totoong member siya ng harem ni Prince Rostam. Anong klaseng buhay ang meron doon…”

Kumunot ang noo ni Zach. “Talaga bang para sa report mo iyang mga tanong mo o showbiz reporter ka?”

Mas sumama ang mukha ni Zach ngayon. May allergy nga pala ang mga taga-Stallion Island sa mga reporter. “I am a fan. Nagtatanong lang po ako. Saka alam ko na first love ni TJ si Kaetria. And about that harem thing…”

“Is something that doesn’t exist in this island. Kahit sa Al Ashiq inaasikaso na ni Prince Rostam na i-abolish ang custom na iyon. It made him unpopular to some of the elders, tribal sheikhs and other nobilities. Pero nagbigay naman iyon ng pag-asa sa maraming mga babae na nare-realize na ang mga karapatan nila.”

Nag-take down siya. Kailangan niyang i-confirm ang isang iyon. “Pero sa palagay mo mahal pa rin ni TJ si Kaetria?”

He gave her an amused grin. “Bakit hindi mo tanungin ng original member ng fans club ni TJ?”

Namangha siya pagpasok ng arena. She thought it would be musky and bare. Velvet red ang wall to wall carpet. May iba’t ibang paintings pa ng mga sikat na Filipino artists. Napapalamutian ng eleganteng painting at carving ang kisame. Parang nasa isang mamahaling hotel siya o palasyo at hindi isang horse arena lang.

Pumapailanlang ang musika ng isang live orchestra sa isang bahagi ng arena. Sa gitna ng arena ay nagpe-perform ang isang rider ng horse ballet o dressage. Nagpalakpakan ang marami nang mag-vertical jump ang kabayo o capriole. At natitiyak niyang ang galaw na iyon ay nagpahanga sa maraming tao mula pa sa panahon ng mga Griyego.

“Nandito pala ang fanatic kay TJ. Si Pinay,” sabi ni Zach.

“Nakilala ko na siya kahapon dahil nag-training siya ng judo sa Mist Fusion.” She was a petite woman. Akala nga niya ay teenager pa ito. Nagulat na lang siya nang malaman niyang magba-bar exam na ito. “Boyfriend niya si Leigh Armaund Lopez. ‘Yung magaling na business consultant. Fan pala siya ni TJ.”

“Yes. Siya at ang ibang kaibigan niya.”

Pinay was not the type that you can push around. Matindi ang character nito at hindi basta-basta mauubusan ng katwiran. At mukha namang mabait at mapagmahal na boyfriend si Leigh Armaund na tagapunas pa ng pawis nito kahapon. Subalit parang may LQ ang dalawa sa araw na iyon.

“TJ! TJ! Puro ka na lang TJ!” nagtatampong sabi ni Leigh Armaund.

Mangiyak-ngiyak si Pinay at uminom ng juice. “Hindi mo ba nakikitang nasasaktan siya? Ginugulo ng Kaetria na iyon ang buhay niya. Gusto ko nga siyang i-hug kanina para hindi na siya masaktan.”

“Tumahimik na sa TJ mo! Akin lang siya!” bulalas ni Leigh Armaund.

Natigilan siya sa paglapit. “O…Okay…”

Tumawa ng pagak si Zach at inilayo siya sa dalawa. “Ganyan lang sila magbiruan. Huwag mong masyadong seryosohin.”

“Sigurado kang lahat ng members ninyo totoong lalaki?” tanong niya kay Zach.

“Oo naman. Makikisig kami dito,” depensa agad ni Zach. Ngumiti siya nang makita si Vix na kausap ang nobyo nitong si Trick. Lalapit sana siya nang pigilan siya ni Zach. “Inaayos pa nila ang problema nila.”

Inalala niya kung ano ang purpose ni Vix sa pagpunta sa Stallion Island. She wanted her man back. “Hindi natuloy ang kasal nila dahil sa makeover challenge.”

Pinaupo siya nito sa mesang naka-reserve sa kanila. “No. Hindi natuloy ang kasal nila dahil may hindi tinupad na pangako si Vix kay Trick. Gusto lang naman naming aliwin si Trick kaya namin siya pinasali sa palabunutan ng Prince Charming. Ngayon parang si Trick pa ang masama.” Pumalatak si Zach. “So what’s the problem with some women. Kapag sila ang di tumupad sa pangako, inaasahan nilang patatawarin agad sila. Pero kapag konting pagkakamali lang namin, parang sobrang sama na namin. Hindi ba dapat may equality sa isang relasyon?”

Pinagsalikop niya ang palad. Hindi niya alam kung pinatatamaan siya nito. Wala naman silang relasyon dati. But the shoe fits. She made a promise but she didn’t deliver. Inaasahan niyang iintindihin agad siya ni Zach kapag ipinakilala niya ang totoong siya. Everything went so wrong.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.