Stallion Island Series Chapter 167

Kung nag-e-exist man ang mga fairy tale princesses, tiyak niyang ang mga nobya ng mga miyembro ng Stallion Island na ang mga iyon. Naimbitahan siya sa isang lunch sa yate na naka-anchor sa isang bahagi ng private lagoon. May brainstorming ang mga ito para sa nalalapit na kasal ng dalawang nobya ng members ng Stallion Island – si Imhan na ikakasal kay Jayson Alden Arcena at ang tai chi master na si Xandie na nobya naman ni Jairon Vince Yun. At dahil puro naman sila mga babae, hindi mahirap sa kanya na magtanong sa mga ito.

“Sex slave?” nanlalaki ang matang bulalas ng sikat na kayak explorer na si Summeria saka ito humalakhak. “You have no idea. Nang minsan sinubukan ko siyang akitin at nag-belly dance ako sa harap niya. Sa halip na maakit sa akin, tinawagan niya ang village lords para mapalayas na ako dito sa isla. Iyon ba ang gagawin akong sex slave?”

“Mukhang fertility god si Chrome pero hindi niya ako gagawing sex slave. Ewan ko lang kapag kasal na kami,” papilyang sabi ng Olympic gold medalist na si Zafira at kinindatan siya. “Parang gusto ko na rin yatang magplano ng kasal.”

Pero hindi ang mga ito ang mga babaeng nananaginip ng gising. They were no damsels in distress. They were successful career women. At ang ilan pa nga sa mga ito ay mga babaeng hinahangaan sa lipunan dahil sa karangalang ibinigay sa bansa at idolo ng marami. They were in love but they were not insane.

“Ano bang palagay mo sa Stallion Island, Miss Carinio? Na nakalinya ang mga babae dito na parang prostitutes and men get to pick them up?” malamig ang boses na tanong ng prima ballerina na si Rayanne. “Use them whenever they want? This is not some fantasy slave island, I assure you.”

“At hindi rin ako pwedeng pagtaksilan ni Jairon Vince Yun,” sabi ni Xandie. “Makakatikim siya ng gulpi sa akin.”

“Masyado lang malawak ang imahinasyon ng ibang tao kaya kung anu-ano ang iniisip,” sabi ni Sissy na naglagay ng spaghetti sa plato niya. Kanina pa siya nito gustong patabain sa luto ng boyfriend nitong si Torque.

“Tama!” sang-ayon ni Leica na nobya naman ni Warren.

“Gusto ko lang din i-assure ang public na wala silang dapat ikatakot para sa mga babae dito. Na safe ang lugar na ito. Hindi naman kasi ninyo maiiwasang mag-speculate ang mga tao dahil masyadong istrikto ang lugar na ito. Parang mahirap pumasok. Masyado ring pribado. Wala kaming ideya kung anong nangyayari dito. And of course, some of the village lords’ reputation with women speak volumes. Ilan sa kanila nali-link sa iba’t ibang babae. Prince Rostam’s own customs and traditions were different from ours. Gusto lang naming protektahan ang mga babae dito.”

“Kapag may nambabastos sa amin dito, kulang na lang ibitin ng patiwarik ng mga members. At kundi lang against sa human rights, pinakain na sila ng mga village lords sa pating,” sabi ni Tennessee na nobya ni Draco Montague.

“Hindi ba si Lord Evandro pa nga ang katulong ninyo nang i-lobby ninyo ang ilang bills na pabor sa karapatan ng mga babae?” tanong ni Pinay.

Tumango siya. “Yes. Isa siya sa mga natatakbuhan namin kapag kailangan namin ng tulong. Don’t worry. Ii-indicate ko iyan sa report ko. Na-appreciate ko talaga ang pagtanggap ninyo sa akin.”

Na-enlighten siya sa mga ibinahagi ng mga ito sa kanya. May kapilyuhan at pagka-flirt marahil ang ibang members na hindi pa committed pero mukhang hindi naman lumalampas sa linya ang mga ito.

Medyo nakakailang lang noong una dahil parang ilang na ilang sa kanya ang mga members. Parang isa siyang mangkukulam na may dalang sumpa para sa mga ito. Ilang na ilang ang mga ito sa pagkilos kapag nasa paligid siya. Pero hindi ang mga babae katulad ngayon. They even made her feel at home.

Tinitigan siya ni Imhan. “Alam mo bagay kayo ni Zach. Wala pang girlfriend ang isang iyon at ang alam ko naghahanap siya. Ayaw mong mag-apply?”

“Kami ni Zach?” Natatawa siyang umiling. “Hindi naman ako ang type no’n. Gusto niya iyong tipong Maria Clara.”

“Kapag sinabi niyang tumalon, itatanong ng babae kung gaano kataas? Parang si Misha lang pala,” sabi ni Rahya.

“Hindi, ha!” tutol ng kapatid ni Noah na si Freezia. “Mabait si Kuya Zach. Hindi nga siya babaero tulad ng ibang pinsan niya. Mailap lang talaga sa kanya ang babaeng magmamahal ng tapat sa kanya. Gusto lang naman niya ng isang babaeng magiging focus ang pamilya.”

Nag-angalan ang ibang mga babae. “Extinct na kasi ang hinahanap niya,” sabi ni Arjhilleyne. “Hindi ko naman siya masisisi. Masyado siyang mabait. Hindi mo na siya kailangang patinuin. Bakit ganoon? Kung sino pa ang mabait, siya pa ang mahirap makahanap ng babaeng pakakasalan niya. Samantalang pagka-graduate pa lang niya sa university, gusto na niyang mag-asawa sabi ni Julian.”

“Ang alam ko ikakasal na iyon pero hindi natuloy,” wika naman ni Leica. Mukhang ang nobyo nitong si Warren na pinsan ni Zach ang nagkwento. “Malas ang babaeng iyon dahil pinakawalan niya si Zach.”

“Baka naman may mas reasonable na dahilan ang babaeng iyon para tanggihan niyang pakasalan si Zach,” walang prenong sabi niya.

Sa kanya natuon ang atensiyon ng lahat. “Tulad ng?” tanong ni Freezia.

Nagkibit-balikat siya at tipid na ngumiti. “Freedom? Let’s face it. Kayo na ang nagsabing extinct na ang babaeng gusto ni Zach. Baka hindi naman niya kayang maging babaeng hinahanap ni Zach. Kawawa lang sila kung natuloy ang kasal nila.”

“Psychologist ka ba o manghuhula?” tanong ni Imhan. “Parang alam mo kung ano ang tinatakbo ng utak ng pakakasalan ni Zach.”

“Wala lang. Naisip ko lang.” Mabuti na lang at walang nakakakilala sa kanya. Mabuti na lang at hindi siya naipakilala ni Zach sa mga pinsan nito kundi ay malaking gulo. Sa palagay niya ay nasa kay Zach ang simpatya ng lahat.

And she liked this women. Ang iba sa mga ito ay hinahangaan na niya kahit di pa siya tumatapak ng Stallion Island.

Pagdating nila sa pantalan ay natanaw agad niya si Zach na naghihintay habang kausap si Cody na isang supermodel. Kumapit siya sa railing at pinagmasdan si Zach. Nang sandaling makita niya si Zach ay napagkit na ang tingin niya dito. He was wearing a white cotton polo. Bukas iyon at tinatangay ng hangin. Napalunok siya dahil sa magandang porma ng katawan nito. The sight of his lean muscled body caused blood to rush through her ears. Legal ba ang pagpaparada ng katawan nito sa publiko? That should be illegal.

Guwapo naman si Cody pero iba ang panghatak ni Zach sa kanya.

“Nandito na pala si Crisostomo Ibarra,” sabi ni Freezia at kumaway kay Zach. “At kasama niya si Padre Damaso,” tukoy nito kay Zach. Umasim ang mukha nito at tumalikod. “Nasira na naman ang araw ko.”

Inalalayan nina Zach na bumaba ng yate ang mga kasama niya. Nang si Freezia na ay hindi na pinakawalan ni Cody ang kamay nito. “I need your help. ‘Yung halaman ko sa bahay, patay na yata.”

“Bakit hindi mo agad itinawag sa akin?” galit na tanong ni Freezia at siya pang humatak kay Cody habang sinesermunan ito tungkol sa karapatan ng mga halaman. Kung bakit dapat pahalagahan din ang mga ito.

“Akala ko ba magkaaway ang dalawang iyon?” tanong niya kay Zach.

“Hindi makakahindi si Freezia kapag may halaman siyang kailangang alagaan. How’s your trip?” tanong nito at inakay siya papunta sa naghihintay na e-jeepney.

“Great. In-accommodate nila ako at marami rin akong natutunan sa kanila. They are lucky to find love here. Mukhang mahal na mahal naman sila ng mga partners nila.” And it was comforting to know that these women were no blind fools when they fell in love. “Kailan ka susunod?”

Sa halip na sagutin siya ay sinulyapan nito ang relo. “Sa Mist Fusion na tayo. Magsisimula pa lang ang lesson nila sa modelling.”

She knew she asked the wrong question. It just slipped her tongue. They had a truce. Pwede silang magkwentuhan nang normal nang di nag-aaway. Ngumingiti ito sa kanya. Inaasikaso siya nito. But that was it. Pagdating sa personal nitong buhay o sa nararamdaman nito, wala na siyang karapatang magtanong pa. Hindi na iyon parte pa ng trabaho niya.

She felt empty. Noon pa man ay interesado na siya sa laman ng isip ni Zach. It hurts when he shut her out.

Pagdating nila sa Mist Fusion ay napansin niyang nagkakagulo ang mga kababaihan sa tabi ng waterfalls. Nakita niyang pilit na sumisingit si Aejhay. “Anong nangyayari dito?” tanong niya.

Hinatak nito ang kamay niya. “Ma’am, bilisan natin. Baka pwede tayong mag-member sa harem ni Prince Rostam. Diyos ko! Ang guwapo niya, Ma’am!”

“Harem? Nandito si Prince Rostam?”

Nang sumilip siya ay nakita niya ang isang guwapo at matangkad na lalaki na nakasuot ng makulay na traditional robe ng Al Ashiq. Habang sa harap nito ay nagbe-belly dance ang artistang si Merian de Vera. Habang ang ibang mga kababaihan naman ay nagsisilbi dito. May nagpapaypay. May nagsusubo ng ubas.

Wala ngang duda. Si Prince Rostam iyon.

“Ma’am, kahit na tagahalik lang sa lupang nilalakaran niya okay na sa akin.”

“Bumalik ka sa trabaho!” nanlalaki ang matang utos niya kay Aejhay. Susukot-sukot itong sumunod. Madilim ang mukha niyang nilingon si Zach. “Akala ko ba wala si Prince Rostam dito? Akala ko ba walang harem dito? Ano ito?”

“That is just a roleplay. A fantasy.”

Humalukipkip siya. “Huh! Roleplay? Sa palagay mo ba may oras na maglaro ng ganito si Prince Rostam? Sana man lang may kaunting discretion man lang siya. Or since he is the prince of Far, Far Away that he doesn’t have any qualms at all. Na okay lang ipakita kung paano niya alipinin ang mga babae dito. Pilipinas ito! Unless nabili na niya ang buong Pilipinas at napalitan na niya ang Philippine Constitution, hindi pwede itong ginagawa niya. I need to have a word with him.”

“Calm down,” pang-aalo ni Zach at hinawakan ang balikat niya. “Gusto mo ba mag-tea? You haven’t tried lavender tea…”

“Mukha bang may oras akong mag-tsaa? Kakausapin ko ba siya ngayon sa harap ng maraming tao o mag-uusap kami nang kami lang. Or I can easily alert my boss about this. You choose.”

Sinapo nito ang noo. “Be reasonable!”

Huminga siya nang malalim. “Hindi ko mapapayagan ‘to. Magkumpisal ka na lang. Sabihin mo na lang sa akin kung may itinatago kang harem sa bulsa mo.”

Nagdilim ang paningin niya nang ma-imagine si Zach nakasuot din ng makulay na flowing robe habang sinasayawan at pinagsisilbihan ng mga halos hubad na mga babae.

Pinaikot siya ni Zach. Sinabi na wala si Prince Rostam doon. Pero nandoon lang pala ang prinsipe nito at makikita pa niyang inaalipin ang mga babae. Harem! May harem sa lugar na iyon. Kailangang mabulgar ang totoo. Hindi siya pwedeng magbulag-bulagan lang.

“Anong nakain ng mga babaeng ito? Nagtitiyaga sa fake na Prince Rostam?” usal ng isang babaeng nakasandal sa puno habang may hawak na natutulog na baby tiger. Ni hindi man lang ito nakikigulo sa mga babaeng nagkakandarapa kay Prince Rostam at mukhang wala itong balak mag-join sa harem.

“Fake na Prince Rostam?” tanong niya at nilapitan ang babae. “Sigurado ka, Miss? Fake lang ang Prince Rostam na iyon?”

Tumango ito. “For the amusement of the guests. They came to this island for fantasy. Hindi nila basta-basta malalapitan ang tunay na Prince Rostam. Kaya kumuha siya ng clone na aaliw sa mga bisita nila.”

“So hindi niya harem ang mga Sirens?” tanong niya.

“Harem?” Humalakhak ang babae. “Pinaglololoko lang nila ang sarili nila. Ni hindi nga ako mailibre ng lalaking iyan sa Jollibee. Paano pa niya magagawang suportahan ang santambak na babae? Maliban na lang kung malaki ang sweldo niya sa pagpapanggap na Prince Rostam dito. Mahal ba kinikita ng con artists?”

“My dear Yvankka. Hindi ko alam na pangarap mo palang i-date kita kahit sa Jollibee lang,” sabi ng impostor ni Prince Rostam. Pumalatak ito. “Jollibee lang pala ang kaligayahan mo basta makasama mo lang ako. Your wish is my command.”

Namutla si Yvankka. “Excuse me, Mr. Raschid San Roman! Anong kaligayahan…”

“Day off ko pero sinundan mo pa rin ako dito.” Itinaas nito ang kamay. “Okay. Papayag na akong makipag-date sa iyo. Walang Jollibee dito kaya doon na lang tayo sa restaurant ni Rouen. Wala nga lang kiddie meal.” Saka nito hinatak ang kamay ni Yvankka. Nag-flying kiss pa ito sa ibang mga babae. “Sorry, girls. Kailangan ko lang paligayahin ang Tiger Lady. Adios!”

Halos maglupasay ang mga miyembro ng Sirens na nadismaya sa pag-alis ng “prinsipe” ng mga ito. Mukhang hook na hook ang mga ito kay Raschid kahit na alam ng mga ito na isa lang itong replika ni Prince Rostam.

Naguguluhan pa rin siya nang sundan ng tingin sina Yvankka at ang impostor ni Prince Rostam na si Raschid. Impostor lang ba talaga ito ni Prince Rostam? Parang hindi. Hindi dahil kamukhang-kamukha ito ni Prince Rostam. There was something princely about him. Very royal. Na parang ipinanganak itong dugong bughaw.

And she could feel the attraction between Yvankka and Raschid. Ipinilig niya ang ulo. Hindi niya alam pero nadadala na yata siya ng magic ng islang iyon. Lalo na’t puro mga babaeng maganda ang lovelife ang kasama niya kanina.

“Galit ka pa rin ba?”

Hinawakan ni Zach ang balikat niya. She jumped when she felt electricity run through her body. “Anong…”

“Are you okay?” he asked with concern.

Tumango lang siya at hinawakan ang balikat na hinawakan nito kanina. She was suddenly physically aware of him. Hindi naman siya ganoon kapag kasama si Miyong. “Yeah. Sorry pala kanina. Kung anu-ano ang sinabi ko. Hindi ko man lang pinakinggan ang paliwanag mo. So there’s really no harem? Kasi parang sineseryoso ng mga Sirens ang ginagawa nila kanina.”

“If we do things at the edge of decency, ladies here would be appalled. Sila mismo ang aangal kung pakiramdam nila nababastos ang kabaro nila,” paliwanag nito. “Wala talaga si Prince Rostam dito. Di namin siya itinatago o ang harem niya.”

“Wala ka ring harem?”

“No way! Isang babae lang ang gusto ko. I don’t need a harem girl type. I just want a simple girl who will love my and my children.”

That dream again. Parang may nagbabagang bakal na tumatarak sa puso niya. bakit nanghihinayang siyang hindi siya ang babaeng iyon?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.