Stallion Island Series Chapter 169

Their lips locked in a slow yet sizzling kiss. He was consuming her and seducing her. At napakadali sa kanya na isuko ang labi niya. Hindi na niya kilala ang sarili niya. Nasaan na ang babeng reserved pagdating sa intimacy?

She could go on kissing him forever. Wala siyang pakialam kahit dumating pa ang Armageddon. She couldn’t get enough of this man – his scent, his taste… everything about him was driving her crazy.

Nabulabog silang dalawa sa tunog ng cellphone. Pinigilan niya ang ulo ni Zach nang lingunin nito ang direksiyon na pinanggagalingan ng tunog. “No!” tutol niya. She didn’t want their kiss to end. “Huwag mo nang sagutin.”

“That’s not mine. It is yours.”

Nagulat pa siya dahil di niya nakilala ang sarili niyang ringtone. “K-Kailangan kong sagutin ang tawag.”

“No.” Sa pagkakataong ito ay si Zach naman ang ayaw bumitiw sa kanya. He was starting to seduce her with feather-like kisses on her face. “Kung kukunin mo ang cellphone mo, hindi para sagutin ang tawag kundi para itapon sa dagat. Ayokong may umistorbo pa sa atin.”

It was easy to give in to the temptation. Mas madali iyon kaysa labanan ito.

“Importante ang tawag, Zach,” aniya at itinulak ito. Parang tumutulak siya ng isang mountain range dahil naubos na ang lakas niya.

Bumuntong-hininga ito at lumuwag ang pagkakayakap sa kanya. “Okay.”

Pikit-mata siyang lumayo dito at marahang naglakad papunta sa mesa. Kapag talaga hindi importante ang tawag na iyon, ibabato niya ang cellphone niya sa dagat para wala nang umabala sa kanila ni Zach. “Hello.”

“Hon, kumusta ka na? I miss you.”

Nanlamig ang dugo niya nang marinig ang boses ng nobyo niyang si Miyong. “O! Miyong! O-Okay lang ako. Masyado lang busy sa trabaho.”

Perfect timing. Heto na ang realidad niya. Nilingon niya si Zach na nakakunot ang noo habang binabantayan siyang matapos ang tawag niya. He was a dream. A fairy tale. Pero di siya pwedeng mabuhay sa fairy tale.

Kailangang putulin ang magandang panaginip na iyon. Kailangan niyang bumalik sa realidad. Kahit na nahihirapan ay ipinaling niya ang tingin sa malawak at madilim na dagat na parang iyon ang hinaharap niyang kinabukasan. Malayo sa magandang panaginip niya kasama si Zach.

“Pero nami-miss mo naman ako, di ba?”

“Oo naman,” aniya sa pilit na pinasayang boses. Ang totoo ay nagi-guilty siya. Nakalimutan niya si Miyong. Sinadya niyang huwag sagutin ang tawag nito. Sinadya niyang huwag sumagot sa mga text nito. Tapos ngayon ay nagpahalik siya kay Zach.

“Umuwi ka na agad, ha? Excited na ako sa kasal natin.”

She felt worse than ever. Kasal. Iniisip ni Miyong ang kasal nila. Pinahalagahan nito ang pagmamahal nito sa kanya pero nawala iyon sa isip niya. Kundi ito tumawag, ano na lang ang nangyari sa kanila ni Zach?

Anong klaseng babae siya? Anong ipinagkaiba niya sa mga babaeng naghahabol sa mga Stallion Boys? She was worse than them.

“Si Miyong ba ‘yung kaibigan mo na kasa-kasama natin dati?” tanong ni Zach nang matapos ang tawag. “Yung mukhang nerd na payat at may makapal na salamin? Ganoon pa rin ba siya?”

Marahan siyang tumango. “Oo. Math teacher na siya ngayon sa public high school sa amin.”

“Kumusta na siya? May girlfriend na siya? May pamilya?”

“Ikakasal na siya.” Parang may bikig sa lalamunan niya habang pinag-uusapan si Miyong. Hindi siya makahinga nang tama.

“Talaga? Kanino?”

Huminga siya nang malalim. Zach must know the truth. Hindi niya pwedeng lokohin ito. Dahan-dahan niyang inangat ang tingin dito. “Sa akin.”

Natigagal si Zach at nakanganga habang nakatitig sa kanya. “I-Ikakasal na kayo…Well…” Sa panggigilalas niya ay tumawa ito. “No. that’s a big joke. Ikaw at si Miyong? Imposible ang sinasabi mo.”

Ang pag-aalala niya na baka magalit ito kanina ay napalitan ng inis. Anong karapatan nito na insultuhin siya?

“Bakit? Anong akala mo sa akin? Hindi pwedeng magkaroon ng disenteng boyfriend? O iniisip mo na man-hater kami at di kami capable na magmahal?”

“No. Of course not. Buy Miyong is a nice man. Too gentle. At pakakasalan ka niya?” di makapaniwala pa rin nitong tanong. Umiling ito at sumandal sa barandilya. “I don’t believe you.”

“Ah! Masyado siyang nice para sa akin? Anong magagawa ko kung mahal talaga niya ako. Tanggap niya kung ano ako. At hindi dahil hinalikan mo ako kanina, may karapatan ka nang i-criticize ang relasyon namin.”

Nawala ang pagka-amuse sa anyo nito. Madilim ang mukha nitong tinalikuran siya. “Great! You didn’t tell me that he is your boyfriend.”

There was remorse in his voice. Mali ang nangyari. May boyfriend na siya at hinalikan siya nito. Lalo lang nadagdagan ang guilt niya. Pero masisisi pa ba niya ang sarili niya? Lunod na lunod na nga siya sa guilt. Kung hayaan niyang lamunin siya ng guilt, baka tumalon na lang siya sa dagat.

Kasalanan ni Zach ang nangyari. Ito ang basta na lang humalik sa kanya.

“Hindi mo naman tinanong sa akin kung may boyfriend ako. For sure, may sarili ka nang assumption tungkol sa akin.” Na hindi siya magkakaroon ng matinong boyfriend o makakapag-asawa man lang. “Saka hindi ko naman alam na basta-basta mo na lang akong hahalikan.”

Hinarap siya nito. His features were more sinister than ever. “I didn’t hear you complaining. You even encouraged it.”

Tinakpan niya ang tainga niya. Ayaw na niyang marinig pa ang mga kapalpakan niya. “Oo na. Oo na. Tama ka na.”

She felt more horrible. Oo nga at twenty-six na siya. But that was the first time that she was kissed with so much intensity and heat. In that all consuming kiss, Zach rocked her world. Naging mahina siya. Nagpadala siya sa tukso. Wala siyang depensa. Nangyari na ang nangyari. Mababawi pa ba niya iyon?

“Kung alam ko lang sana…”

“Huwag na tayong masisihan,” putol niya sa sasabihin pa nito. She already felt rotten. Sasama lang lalo ang pakiramdam niya sa sasabihin nito. “Babalik na ako sa Guesthouse.”

“Ihahatid kita…” anito sa pormal na boses.

“Zach, huwag na. Mas mabuti pang huwag na. Kaya ko na ang sarili ko.”

Kinuha niya ang gamit niya at naglakad palabas ng cottage nito. Kung pwede lang mag-teleport siya makaalis lang sa lugar na iyon. She must get away from Zach. Habang may natitira pa siyang katinuan.

“But I have a duty,” wika nito at sumunod sa kanya. “Escort mo pa rin ako.”

“Bukas ka na magpaka-escort. Bigyan mo lang ako ng oras na mapag-isa.” Hindi niya alam kung bakit naluluha siya nang pagmasdan ito. “Para din ito sa ating dalawa. Please.”

Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito at tumakbo palabas ng cottage nito. Sinalubong siya ng humahagupit na malakas na hangin paglabas niya. Parang gusto siyang parusahan nito. Sana nga ay latigo na lang ang hangin na iyon para ang bawat hagupit sa kanya ay makakabawas sa guilt na nararamdaman niya.

May nararamdaman siya para kay Zach. It was strong, dangerous and scary. Kailangang patayin na niya ang nararamdaman niya para dito. Nandiyan na si Miyong para sa kanya. Si Miyong ang nagmamahal sa kanya. Hindi niya iyon itatapon dahil lang sa kalokohan niya kay Zach.

At bukas… sana ay ganoon lang kadaling maglaho ang pakiramdam na iyon.

MINAMARTILYO na ang ulo ni Gabriella. Ilang araw na siyang wala halos tulog dahil sa sunud-sunod na pangyayari sa Stallion Shampoo Makeover Challenge. Mga bagay na hindi na niya nagugustuhan.

Nang nakaraang gabi lang ay na-witness niya kung paanong ipahiya ng story editor na si Babeth ang mga contestant ng challenge. Dati na nitong ginagawa ang ganoong bagay kapag hindi agad napi-pick up ng contestant ang mga itinuturo. Hindi lang nahuhuli ng camera kaya walang reaksiyon mula sa publiko. Pero kagabi ay inilabas sa TV ang pamamahiya kay Teresa, ang contestant na probinsiyana. Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya nakatiis at nagpatawag ng meeting sa mga staff at pamunuan ng programa.

Papunta siya sa meeting nang makatanggap siya ng tawag mula kay Miyong. “Gabriella, kung talagang mahal mo ako, aalis ka na sa Stallion Island at babalik ka na dito. Huwag mo na akong paghintayin. Please!”

“Hindi pwede. Marami pa kaming problema dito,” mahinahon niyang katwiran dito na parang isang pitong taong batang may tantrums ang pinaliliwanagan niya. Kung kailan kailangan niya ng matinding focus sa pagharap sa panel ng makeover challenge ay saka pa siya bibigyan ng problema ni Miyong. Hindi ba ito marunong makisama man lang?

“Paano naman ang problema ko? Hindi mo ba ako iintindihin man lang.”

“Bakit? Ano ba ang problema mo at kailangan kong umuwi diyan?” tanong niya sa malamig na boses pero ang totoo ay malapit na siyang sumabog sa inis. Ano pa ba ang mas importante ngayon kundi ang trabaho niya?

“Kailangan mong patunayan na mahal mo nga ako. Nagmumukha na akong tanga. Paano kung may iba nang lalaki sa buhay mo ipagpalit mo ako?”

Mariing nagdikit ang labi niya. Sobrang hirap yatang kausap ni Miyong ngayon. “Nakainom ka ba?”

“Konti lang.” Saka ito tumawa.

Hindi pa lumulubog ang araw pero nakainom na ito. At hindi ito basta-basta umiinom. “Kaninong lalaki naman kita ipagpapalit?”

Mariin siyang pumikit at nag-flash sa isipan niya si Zach. Hindi na niya kailangang ma-guilty sa nangyari. Hangga’t maari nga ay umiiwas na siya kay Zach. Ito pa rin ang escort niya pero hangga’t maari ay di sila nag-uusap kundi lang din naman kailangan.

“Basta umuwi ka na. Ito na ang huling pagkakataon para patunayan mong mahal mo nga ako.”

“Matulog ka na, Miyong. Tapos uminom ka ng kape paggising mo.”

She turned off her cellphone. Di na niya kailangan pa ng distraction. Hindi siya magpapasindak kay Miyong. Tutal lasing lang naman ito. Bukas ay makakalimutan na rin nito ang pinagsasabi nito sa kanya.

“Trouble?”

Napapitlag siya sa biglang pagsulpot ni Zach sa likuran niya. “No. Wala. Si Miyong lang. Medyo nangungulit.”

Tumango ito. “Ipinapatawag ka na nila sa conference room.”

Sa isang sandali ay parang gusto siya nitong tanungin tungkol sa pinag-usapan nila ni Miyong pero mabilis nitong iniwas ang tingin sa kanya. Of course that was another time and place. Dati ay madali sa kanilang mag-confide sa isa’t isa. Sa pagkakataong ito ay hindi. Dahil ang mga ganoon kasimpleng bagay ay lalo lang magpapahirap sa sitwasyon niya.

Papasok na siya sa conference room nang pigilan siya ni Zach sa balikat. “Briella, you are facing a tough challenge. Pero alam kong kaya mo iyan. Magagawa mo silang kumbinsihin sa gusto mo.”

Nagulat siya nang marinig iyon mula kay Zach. Naniniwala ito sa ipinaglalaban niya? Gusto niyang kay Miyong iyon marinig nang mga oras na iyon. But her boyfriend was never interested about her job. Noong una ay nakikinig pa ito sa kanya pero nang huli ay iniiba agad nito ang topic kapag trabaho na niya ang pinag-uusapan. That didn’t bother her before. Mas okay nga sa kanya iyon dahil di nito pinakikialaman ang trabaho niya. Pero hindi niya inaasahan kung gaano kasidhi ang kagustuhan niyang ma-appreciate.

Bago pa siya makapagpasalamat ay tumalikod na si Zach. Hindi na niya ito hinabol. Ayaw na rin niyang pagkumparahin pa sina Zach at Miyong. Nag-concentrate na lang siya sa problemang kinakaharap.

Tumaas agad ang kilay ng bading na executive ng Stallion Shampoo na si Babeth nang pumasok siya ng conference room. “This is a waste of time. Hindi ko alam kung bakit kailangan nating mag-meeting para lang pagbigyan ang babaeng ito. Wala naman siyang ginawa kundi i-criticize ang program at pati ang Stallion Island.”

“Please say your piece,” sabi ni Aric.

Tumayo siya sa rostrum at sinenyasan si Aejhay para ipakita ang footage sa nangyaring gulo sa pagitan nila Babeth at Teresa. “You are well aware of this one. Nakita nating lahat kung paanong maliitin ni Mr. Echavez…”

“Call me Miss Babeth, please,” mariing sabi ni Babeth.

“Nakita natin kung paanong maliitin ni Miss Babeth si Teresa. Sinabihan niya nang masasakit na salita sa harap ng maraming tao dahil lang hindi masabi nang maayos ni Teresa ang pinapakanta sa kanya sa French.”

Humalukipkip si Babeth. “Huh! That serves her right. Maraming babae ang gugustuhing mapunta sa posisyon niya. she must be competitive. Alangan namang gumagastos kami ng malaking halaga para sa program namin pero wala namang mababago sa kanila. Sayang lang ang pagkakataon niya.”

“Pero wala kang karapatan na pagsalitaan siya ng masakit.”

“Kailangang pumasok iyon sa kukote niya!” giit naman ni Babeth. “At leksiyon iyan sa ibang babae kung ayaw nilang maging katawa-tawa. The next Stallion Shampoo Ambassador should be someone impressive. A model.”

“What is the purpose of this contest anyway?” Hindi siya ngumingiti nang itanong iyon. “What impression do you want to give to the public? Kailangan bang ma-degrade sila para matuto? Hindi mo sila pwedeng baguhin sa isang gabi lang. tama bang iparamdam na hindi sila maganda? Na hindi sila magaling?”

Humalakhak si Babeth. “Iyon mismo sila. They are not pretty.”

“They are!” kontra niya dito. “Magaganda sila pero pilit ninyong ipinapaisip sa kanila na pangit sila. Hindi sila magiging masaya kung mabago mo man sila pero di naman nila kilala ang sarili nila. This is fraud!”

Hindi niya alam kung anong tumatakbo sa utak ni Babeth at ng buong pamunuan ng programang iyon. But she didn’t like it. She felt for those women. Gusto lang naman ng mga ito na magandang kinabukasan para sa pamilya nito. Kaunting sakripisyo naman daw ang gagawin ng mga ito. But she could see their personalities whithering away. Namamatay ang pagkatao ng mga ito dahil pinipilit ng ibang mga tao na ihulma ang mga ito sa popular na konsepto ng galing at kagandahan. Hulmahan na lumalason sa tunay na kagandahan.

“So what should we do?” Aric asked.

“Ilabas ninyo ang strength nila. Mga bagay na maaring ma-possess ng ordinaryong mga babae pero pwede nilang ipagmalaki sa lahat. Walang standard ang kagandahan. Kaya dapat lang na mas ma-appreciate ng mga tao ang totoong sila.”

“But we have challenges, Miss Carinio. Para saan pa ang mga iyon?” tanong ng TV producer na si Quillian.

“Make sure that those challenges will bring out the best in them. Iyong hindi makaka-degrade sa mga pagkatao nila.” Nilingon niya si Babeth. “Okay lang na magkaroon ng mga challenges na bago sa kanila. It’s up to them how they will adapt. Hayaan ninyo silang tuklasin ang kaya at hindi nila kayang gawin. Whatever changes they will have, it will surely make them more beautiful.”

Ngumiti siya nang makitang umaliwalas ang mukha nina Aric at Quillian. Kahit ang direktor at mga staff ay mukhang interesado sa sinabi niya.

“We will consider that, Miss Carinio. Thank you,” pasasalamat ni Aric at kinamayan siya.

“I think we have to deliberate about that changes we have to make,” deklara ni Quillian at saka sumaludo sa kanya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.