Stallion Island Series Chapter 175

Nahigit ni Gabriella ang hininga at nagpapalit-palit ang tingin kina Zach at Amie. “M-Mag-ina kayo? Pero ang sabi mo…”

Sinalubong niya ang malungkot at parang maiiyak na mga mata ni Zach. Hindi siya nakatitig sa lalaking minahal niya. she was staring at the abandoned child who was immensely hurt when his mother left. Saka lang niya naintindihan ang lahat. Hindi galit si Zach kay Amie dahil sa loyalty nito sa namayapa nitong ina. Ang mismong ina nito ang kinamumuhian nito.

Subalit hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Zach na inabandona ito ng sarili nitong ina. Na nakidnap ito noong bata pa pero mas pinili pa ng ina nito ang trabaho nito kaysa sa sarili nitong pamilya. Parang napakalayo sa imahe ng babaeng itinuring niyang parang ina. Paano nito nagawang saktan at iwan ang sarili nitong anak?

“Zach, bawiin mo ang sinabi mo!” utos niya. “Kilala niya ko si Miss Amie. Mahal niya ang ibang tao. Bakit di ka niya mamahalin?”

“I was asking that myself. Wala akong babawiin,” wika ni Zach.

Hinintay niyang pabulaanan iyon ni Amie subalit hindi man lang ito tumutol. Wala rin siyang mabasa sa mukha nito. Ni lungkot o pagkasabik man lang sa sarili nitong anak. Parang hindi niya ito kilala.

“Zach, baka naman pwedeng pag-usapan ito.”

“Wala nang kailangang pag-usapan,” sabi ni Miss Amie. “He is right after all. Masama akong ina.”

“You heard her.” Humugot nang malalim na hininga ni Zach. Parang kinakalma pa rin nito ang ilusyon nito. “Bibigyan kita ng ten minutes, Gabriella. Kundi ka pa din susunod sa akin, maiintindihan ko. You don’t want to be with me.” Saka nagmamadaling lumabas ng silid si Zach.

She was caught in the middle of a family crisis. Ano ba ang gagawin niya para maayos ang relasyon ng mag-ina? Pakiramdam niya ay nasa gitna siya ng dalawang nag-uumpugang bato.

At ang mahirap ay nahahati rin siya. Kailangan niyang mamili. Ang isang bagay na matagal niyang minahal o ang lalaking mahal niya?

“Miss Amie, hindi ba natin pwedeng ayusin ito?” may pakiusap niyang tanong. Hindi siya naniniwala na hindi nito mahal man lang ang anak nito.

“Nine years old si Zach nang sumama siya sa isang camping sa isang Alps lodge. Noong panahong iyon, isang matinding case ang hawak ng women’s group na hawak ko. Isang mayamang aristocrat ang nasangkot sa gulo. Inabuso niya ang asawa niya. Hindi namin alam na isa rin pala siyang member ng isang terrorist ring sa Europe. He wanted us to give back his wife who was under our protection that time. Kinidnap niya si Zach. Kapag di namin ibinalik ang asawa niya, papatayin niya si Zach.”

Nine years old lang si Zach noon. It must be really traumatic on his part. Lalo na’t isang taong halang ang kaluluwa ang kumuha dito. “Ano pong nangyari?”

“Nakiusap ang asawa ko na isuko namin ang asawa ng aristocrat para pakawalan si Zach. I became firm. Pinili kong i-involve ang mga pulis. Nasagip si Zach pero matinding trauma ang dinanas niya. Muntik na siyang mamatay. At marami ring taong namatay sa harapan niya.”

Sinapo niya ang dibdib niya. For a nine year old to suffer that, it could be really scary. “Nakiusap po ba silang isuko ang trabaho ninyo?”

“Yes. IYon ang gusto ng asawa ko. Pero pinili kong umalis na lang.”

“Pero bakit po?” Hindi niya maintindihan. Hindi ba dapat ay alagaan na lang nito ang pamilya nito? Bumalik sa normal na buhay. Bakit pinili pa nitong bumalik sa magulong buhay kaysa makasama ang mag-ama nito?

Iniwas nito ang mga mata sa kanya. “Hindi ito ang oras para diyan. I am sure hinihintay ka ni Zach.”

“Pero…”

“Piliin mo ang anak ko. He had been alone most of his life. He was longing to have a more stable family life. Hindi ko iyon maibigay sa kanya bilang isang ina. Sana magawa mo iyon bilang babaeng mahal niya. Iniwan ko siya pero sana huwag mo siyang iwan. It would shatter his heart into pieces.” Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita niya ang kislap ng luha sa mga mata nito. Nakita niya ang pusong ina nito. “Mahalin mo ang anak ko.”

Pumikit siya bago iniwan si Amie at tumakbo palabas ng gusali. Wala na siyang oras para piliin ang mga pangarap. Mas kailangan siya ni Zach ngayon. Naroon ito kapag kailangan niya ito. wala itong inisip kundi ang kapakanan niya. Kahit nang inaakala niyang kinokontrol nito ang pagkatao niya at hadlang ito sa pangarap niya ay dahil natatakot lang ito na maiwang mag-isa. Na mapahamak na naman ang mahal nito sa buhay at tuluyang nawala dito.

Lumipas na ba ang sampung minuto? Paano kung wala na si Zach?

Bumigay nang tuluyan ang emosyon niya nang makitang nakaparada pa doon ang sasakyan ni Zach. Tinakbo niya iyon. Naabutan niyang nakayukyok si Zach sa manibela. Bagsak ang balikat nito. Parang isang talunan.

Kinatok niya ang windshield. “Zach!”

Inangat nito ang tingin at parang maiiyak nang makita siya. “Briella…” Binuksan nito ang pinto ng sasakyan.

Dali-dali niya itong sinugod ng yakap. Hindi na niya ito hinintay na makababa pa ng sasakyan. “Oh, Zach! Andito na ako.”

“Akala ko hindi mo na ako babalikan. Akala ko iiwan mo rin ako.”

He clung to her tightly. Niyakap siya nito na parang sa kanya nakalalay ang buhay nito. Ayaw siya nitong pakawalan pa. Noon siya nakaramdam ng takot. Paano kundi siya dumating sa oras? Lalo lang niyang pinatagal ang paghihirap ni Zach. Lalo niya itong sinaktan.

“No. Magre-resign na ako bukas na bukas din. Kung gusto mo maging plain housewife lang ako okay lang sa akin. Kahit na ikulong mo lang ako sa isang isla basta doon ka sasaya. Aalagaan ko lang kayo ng mga anak natin.”

Mariin nitong hinalikan ang nakapikit niyang mga mata. “Huwag kang mangako ng mga bagay na hindi mo kayang gawin. Baka pagsisihan mo ito bukas. Baka sa huli iwan mo rin ako.”

Inangkin niya ang labi ni Zach. Ayaw na niyang marinig pa ang mga takot nito. Ang importante sa kanya ay siya ang pinili nito. “No more what ifs, Zach. Gawin natin ang lahat para maging maayos ang relasyon natin. This time, tutuparin natin ang mga pangarap mo.”

Binalewala na niya ang mga alinlangan at takot niya. Siguro ay pwede pa ulit siyang bumuo ng mga bagong pangarap. Hindi pa iyon ang katapusan ng mundo. Iyon pa lang ang simula dahil kasama niya si Zach.

SOBRANG busy ni Gabriella. Isang linggo pa lang siyang nag-resign sa Bangon Kababaihan. Sinisimulan na niyang asikasuhin ang handicraft business na pangarap ng nanay niya at Ninang Lilian niya. Dapat ay naka-focus ang isipan niya pero minsan ay lumulutang pa rin ang utak niya. Nami-miss niya ang dati niyang trabaho. Nami-miss niya ang dati niyang buhay. Pero alam niyang kailangan niyang magsakripisyo para kay Zach mismo at sa magiging pamilya nila.

“Are you okay?” tanong ni Zach habang nagmamaneho papunta sa airport. Kapag weekend ay pupunta sila sa Stallion Island para makapag-relax naman siya.

“Ha? May sinasabi ka ba?”

Magkasalubong ang kilay siya nitong sinulyapan. “Hindi ka nga okay. What’s wrong?”

“Wala. May naiisip lang ako.”

Kailangan na niyang sanayin ang sarili niya sa bagong buhay. Zach signed her up to belly dancing and yoga classes. Para naman may bago na siyang magawa. Bahagi na daw iyon ng lifestyle ng mga kababaihan sa Stallion Island.

Gusto rin niyang pag-aralan ang mga bagay na iyon noong busy pa siya. Pero ngayong may oras na siya ay parang wala siyang gana. She felt empty. Mababait naman ang mga bagong kaibigan niya pero lalo lang siyang naiinggit sa mga ito kapag nakikita niya kung gaano ka-fulfilled ang mga ito sa piniling propesyon.

Iniisip na lang niya na maliit lang iyong sakripisyo para sa kanila ni Zach. Makaka-survive din siya.

Bigla siyang na-excite nang mag-ring ang cellphone niya at nakitang si Aejhay ang tumatawag. Dali-dali niya iyong sinagot. “Hello, Aejhay!”

Masaya siyang tinatawagan ng mga dati niyang kasamahan. Miss na miss na niya ang mga ito.

“M-Miss Gabriella, si Miss Amie isinugod po sa ospital,” balita nito sa nanginginig na boses. “Mukhang delikado po ang nangyari.”

“What? Anong nangyari?” Parang nag-evaporate ang lahat ng dugo sa katawan niya. Hindi na kasi sila nagkausap mula nang mag-resign siya. Naiilang din siya dahil wala rin siyang magawa para maayos ang relasyon nito kay Zach.

“Hindi pa po malinaw ang lahat. Basta papunta siya kanina sa Cagayan. Tapos may mga lalaki na naka-motor na sinundan siya at pinagbabaril.” Humagulgol ng iyak si Aejhay. “Delikado po yata ang tama niya.”

“Nasaang ospital kayo? Pupuntahan ko kayo diyan.” May binanggit itong isang ospital sa bandang Nueva Vizcaya. “Sige. Pupunta na ako diyan.”

“Sino iyon? anong nangyari?”

“Isinugod sa ospital si Miss Amie. Pinagbabaril daw siya ng ilang mga lalaki kanina.” Hindi na niya mapigilang humikbi ng iyak. “Marami kasi siyang nakabanggang malalaking tao hindi lang dito kundi maging sa ibang bansa. Malubha daw ang tama niya. Kailangan ko siyang puntahan?”

“Nasaan daw siya?” tanong nito sa kaswal na boses. Parang hindi man lang ito nabahala sa nangyari sa nanay nito.

“Nasa isang ospital sa Nueva Vizcaya. Kailangan natin siyang puntahan, Zach. Please!” Alam niyang may gulo sa pagitan nito at ang nanay niya. Pero nanay pa rin nito si Miss Amie. Kahit paano naman siguro ay sisilipin din nito ang ina nito.

Hindi ito kumibo. Naalarma siya dahil sa halip na ibalik nito ang sasakyan ay patuloy pa rin itong nagmaneho papunta sa airport. Nanlaki ang mga mata niya. Hindi siya makapaniwalang wala man lang ito kahit kaunting concern sa ina nito. Isa na bang bato ang kalooban nito?

“Zach, puntahan natin ang Mama mo. Huwag mong sabihing pupunta ka pa rin ng Stallion Island?” Umiling siya. “I can’t believe that you are doing this.”

“Bumaba ka na ng sasakyan para makaalis na tayo.”

Humalukipkip siya at nagmatigas. “Hindi ako pupuntang Stallion Island. Kundi mo ako masasamahan sa Nueva Vizcaya, ako mag-isa ang pupunta. Doon ka na lang. pakalunod ka sa isla mo.”

Subalit nilapitan lang nito ang pilotong naka-assign sa flight nila. Nanghaba ang nguso niyang bumaba ng kotse. Wala siyang pakialam kung magalit man ito. Mas matakot ito sa galit niya. Aalis na talaga siya. Kundi nito kayang tanggapin ang nanay nito, kahit man lang sana konsiderasyon na lang sa kanya.

Binalikan siya ni Zach. “Get in the plane.”

Bumaha ang kaligayan sa puso niya at niyakap ito. “Sabi ko na nga hindi ka rin makakatiis. You still care about your mother.”

Subalit hindi nito ibinalik ang yakap sa kanya. “Don’t get me wrong. Ginagawa ko lang ito para sa iyo. As far as I am concerned, matagal nang patay ang Mama ko.”

Pinili niyang tumahimik na lang. Nasa isang delikadong sitwasyon ang nanay nito. Ayaw niyang palalain pa kung igigiit niya ang paniniwala niya. Makalipas ang kulang-kulang isang oras ay lumapag ang sinasakyan nilang eroplano sa isang airport sa Nueva Vizcaya. Hindi na kalayuan doon ang ospital.

Pagdating nila ay nagpaiwan si Zach sa lobby. “Sumama ka na.”

“Sasamahan kita pero hindi ako sasama hanggang sa loob ng kuwarto.”

TUmango siya. “Oo. Basta samahan mo lang ako.”

Nang makarating sila sa kuwarto ay may nauna na silang bisita. Naroon ang Papa ni Zach at magkausap ang dalawa. Naestatwa siya sa pinto at pinanood ang mga ito. “Huwag mo nang papuntahin pa dito si Zachary!” mariing tutol ni Miss Amie kahit na nahihirapan. May bendang ang dibdib nito at ang balikat. Mukhang sa bahaging iyon ang tama. Ngunit kung nagagawa na nitong makipagtalo sa Papa ni Zach, ibig sabihin ay malala na ang tama nito.

“Pero anak mo pa rin si Zach. Malay mo lumambot ang puso niya. Baka tanggapin ka ulit niya bilang nanay niya.”

“No! Ayoko siyang makita,” mariing tutol ng Mama ni Zach.

She felt him stiffen beside her. Nagulat si Zach. Ang totoo ay nasasaktan siya para dito. Kahit na sinabi nitong balewala na ang nanay nito at itinuring na itong patay, masakit pa rin dito ang narinig.

“What if he wants to see you?” tanong ng papa ni Zach.

Sa halip na lumambot ang anyo ay lalo lang naging masama ang timpa ng Mama ni Zach. “And what? Makikidnap ulit ang anak natin kapag nalaman ng mga kalaban ko kung ano siya sa buhay ko? Paano kung mamatay na siya?”

“Malaki na si Zach,” malumanay na paliwanag ng Papa ni Zach. “Kaya na niyang alagaan ang sarili niya.”

Umiling si Amie. “No! Ayokong sisihin pa ulit niya ako dahil ipinahamak ko siya. Kaya nga ako lumayo noon. Hindi dahil di ko kayang bitiwan ang trabaho ko. Alam kong marami pa rin akong kalaban. Kung hindi ko kayo lalayuan, kayo pa rin ang magiging target nila. Kundi na ako ang ina ni Zach at itinuring na niya akong patay, mas mabuti iyon. Kaysa naman may ina siyang katulad ko.” Kinuyom nito ang palad habang pinipigilang umiyak. Sinapo nito ang dibdib. Marahil ay sumasakit ang sugat nito dahil sa pinipigil na emosyon. “Nagtiis ako para sa kaligtasan ninyo. Kaya huwag na ninyo akong pahirapan pa.”

Hindi umalis si Amie sa buhay ni Zach dahil makasarii ito. She made the ultimate sacrifice. Hindi nga mali ang pagkakakilala niya dito. Isa itong mabuting hindi. Maaring may ibang mag-isip na kalokohan ang ginawa nito pero naiintindihan niya ang intensiyon nito. Mas mahalaga dito ang buhay ni Zach at ng asawa nito.

“Hindi mo ako iniwan, Ma?” tanong ni Zach at pumasok ng kuwarto. As if he was in a daze. “Hindi totoong wala kang pakialam sa akin. You love me.”

“Zach, dapat wala ka dito?” bulalas ni Amie.

“Well, I am here and I heard everything,” sabi ni Zach sa matatag na boses.

“Sinisi ko ang Mama mo sa lahat ng nangyari sa atin. Kung tutuusin ako ang nagtaboy sa kanya. I made her feel like a worthless mother. Kaya pinili na lang niyang umalis kaysa manatili sa piling natin,” wika ng papa nito. “Ni hindi ko man lang naipangako sa kanya na kaya ko kayong protektahan. Responsibilidad ko rin ang nangyari. At sa huli, mama mo ang higit na nahirapan. Hindi ko nagawa ang responsibilidad ko bilang mabuting ama at asawa.”

It was just sad. Matagal na panahon bago na-realize ng Papa ni Zach ang pagkakamali nito. Sa loob ng mahabang panahon ay tatlong buhay ang nagulo.

Lumuluhang inilahad ni Amie ang isang kamay kay Zach. “Umalis man siguro ako. But I never stopped thinking about you, son.”

“Ma, I am sorry for hurting you,” wika ni Zach at niyakap ang ina. “Hindi mo na ako kailangang protektahan. Ako na ang poprotekta sa iyo.”

Hindi niya mapigilang maluha dahil sa reunion ng mag-ina. Kahit na naluluha si Zach nakikita niyang masaya si Zach. Maaliwalas ang mukha nito. Sa wakas ay nakawala na ito sa galit at lungkot na nagkulong dito sa loob ng mahabang panahon. He had his mother back. A mother who sacrifice her happiness for him.

Inilahad ni Zach ang palad at niyakap din siya. Alam niyang buo na ang kaligayahan nito sa pagkakataong ito. she was glad to be a part of it.

UME-ECHO ang halakhak ni Zach sa saliw ng hangin habang namamasyal sila sa Summer Snowflake. “Parang bata talaga sila Mama at Papa. Iyon palang magkikita sila sa Cagayan may date sila. Nasa Cagayan lang pala si Papa noon kaya madali sa kanyang puntahan si Mama sa ospital. Hmmm.. nagde-date sila pero isinekreto pa nila sa akin. Matatanda na sila.”

“Ganoon talaga kapag natagpuan ulit ng dalawang tao ang isa’t isa. They tend to do outrageous things. Wala na silang pakialam kung minsan isang panahon ay isinumpa nilang di na nila mamahalin ang taong iyon.” Wala iyong ipinagkaiba sa kanila ni Zach. Mas malupit nga lang ang istorya ng magulang nito na daig pa ang mga teenagers na nagliligawan. “Masaya ako kasi ligtas na ang pamilya ninyo.”

Nahuli na ang may sala sa pang-a-ambush kay Miss Amie. Isa pala iyong may-ari ng malaking sindikato na nagbebenta ng mga babae. Bangon Kababaihan ang responsible sa pagpapabagsak sa mga ito kaya ito binalikan. Ngayon ay hindi makawala ang naturang negosyante. Tiniyak ni Zach na hindi na makakawala pa ng kulungan ang lalaking iyon.

“Pumapayag na pala akong magtrabaho ka sa Bangon Kababaihan.”

“Pero akala ko ba ayaw mo nang magtrabaho ako doon.”

Isinandal siya nito sa railing at niyakap. “Doon ka masaya. Anong karapatan ko para pigilan ka?”

“Hindi ka ba natatakot na baka magaya ang pamilya natin sa inyo ng Mama mo.”

Umiling ito. “Siguro naman hindi iyon mangyayari. Poprotektahan ko kayo ng anak ko. Walang pwedeng kumanti at manakit sa iyo. Protektahan mo ang ibang tao at poprotektahan kita.”

Yumakap siya sa leeg at kinintalan ito ng halik sa labi. “That’s my Prince Charming.”

“Hindi pwedeng ganyan lang ang reward ko.”

Their lips locked in a hot sizzling kiss. She didn’t mind if the whole world would see it. Ipagmamalaki niya si Zach kahit na kanino. He was the best boyfriend ever. And he was hers forever.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.