Stallion Island Series Chapter 176

Freezia’s life was simple. Iniisip ng marami na weird siya dahil gusto niyang kausapin ang mga tanim niyang halaman kaya walang nanliligaw sa kanya. Pero may isang lalaking lumiligalig sa mundo niya – si Cody Lance Santillia. Kababata niya ito at isang playboy supermodel. Lalong nadagdagan ang charisma nito sa mga kababaihan bilang miyembro ng Stallion Island Riding and Leisure Club.

Wala itong ginawa kundi ang inisin siya. Hanggang ipagkalat nito na may gusto siya dito. Di na siya nakapagtimpi minsan at nabato niya ito ng makapal na hard bound na libro sa mukha. At isang malaking offense para sa isang guest ng club na manakit sa miyembro nito. At higit sa lahat, ikakalat nito sa buong riding club na Kamasutra ang librong ibinato niya dito.

“Para di kita isumbong, kailangang sumama ka sa akin sa isang romantic date. At para ibalik ko ang librong ito, kailangan halikan mo ako. And I want to claim that kiss right now.”

Freezie had that dreamy look in her eyes. Gusto na niyang matapos agad ang klase niya dahil naghihintay na ang ultimate crush niyang si Cody Santillia. Niyaya siya nitong mag-lunch.

Dati niya itong kapitbahay. Normal nang makasama niya itong mag-lunch o mag-dinner noong kalaro pa nila ito ng Kuya Noah niya kapag dumadalaw ito sa flower farm na kalapit lang ng dating bahay ng mga Santillia.

“Lunch break na!” anunsiyo niya nang i-dismiss sila ng teacher nila sa Filipino. Siya pa ang nangungunang lumabas ng classroom niya.

Nagulat pa ang kaklase niyang si Arnold na kadalasan ay nangunguna sa paglabas ng pinto kapag lunch break. Naggitgitan pa sila sa pinto dahil malapad ang katawan nito at parang ito lang ang kasya sa pinto.

“Hoy! Ano ka ba naman, Freezia?” angal nito.

Napakamot na lang ito nang sa pagsusumiksik niya ay nauna siyang lumabas.

Pinagsalikop niya ang palad. “Pasensiya na. Nagmamadali lang ako.”

Saka siya nagtatakbo palayo. Sa greenhouse ang usapan nila ni Cody. Sana lang ay hindi ito mainip. First date pa mandin nila. Nakakahiyang paghintayin ito.

Muntik na siyang mabangga nang may humarang sa kanya. “Freezia, mabuti nakita kita. Baka gusto mong i-try ‘yung bago kong organic lotion.”

It was Illiana, another childhood friend. Schoolmate niya ito noong elementary siya at ngayon ay nasa third year high school na ito. Ito ang isa sa pambato ng Science Club pagdating sa scientific inventions and discoveries. Kung anu-ano kasi ang naiimbento nito. Organic products ang nakahiligan nito at siya ang madalas nitong pinapa-try ng mga naiimbento nito.

“Not now, Illiana. Sabay kaming magla-lunch ni Cody,” pabulong niyang sabi.

“Si Cody Santillia? ‘Yung notorious na pagkaguwapo-guwapong playboy?” may kalakasan nitong tanong.

“Shhh!” Tinakpan ng palad niya ang bibig nito. “Huwag mo namang i-announce sa buong campus.”

Luminga-linga siya. Mahirap na dahil baka bigla na lang may sumabunot sa kanya. Hindi naman kaila sa kanya na hinahabol ito ng mga kababaihan dahil sa angkin na kaguwapuhan. He was quite tall for a high school student. Halos six footer na ito. Parang kape at gatas ang kulay ng balat nito. He had an angelic face and awesome dimples that showed whenever he smiled. Iyon ang charisma ni Cody. Nanghihipnotismo ang ngiti nito. Sa isang ngiti at titig lang nito ay kaya na nitong pasunuri ang kababaihan sa anumang maibigan nito.

Her heart was broken into pieces when his family left their old house. Nagpunta pa ang mga ito sa Europe. Kaya nang bumalik ito sa bansa nang nakaraang taon ay kinulit niya ang magulang niya na ilipat siya sa eskwelahang pinapasukan nito mula sa all-girls’ school kung saan siya naka-enroll mula pagkabata. Her fondness of him developed into full-blown crush. And she was in the brink of falling for him. Kaya nga siya lumipat ang eskwelahan para mabantayan ito sa mga kababaihan.

Tiningnan siya ni Illiana mula ulo hanggang paa. “Ganyan ang itsura mo kapag humarap ka kay Cody? Aba! Mag-ayos ka naman,” sabi nito at hinila siya papasok ng ladies room. “Ang mga naghahabol kay Cody ay magagandang babae. Sana naman lumevel ka kahit konti.”

“Ano naman ang ile-level ko sa mga iyon? Alam mo namang wala akong hilig sa pagme-make up.”

Hindi naman siya tipong beauty queen. Simple lang din siyang mag-ayos. Tamang baby powder lang at suklay lang ang alam niyang gawin. Masyado pa siyang bata para sirain ang balat niya sa kung anu-anong kolorete.

“Kung ayusin mo kaya ‘yang buhok mo at konting lip gloss naman.” Inilabas nito ang isang kit. “Ako ang bahalang magpaganda sa iyo.”

Itinirintas nito ang buhok niya na parang headband. “Illiana, baka mamaya mainip si Cody. Ibang babae na ang sabayan niyang mag-lunch.”

“Hihintayin ka niya. Saka sanay na siya sa mga babae. Na late talagang dumating dahil nagpapaganda pa. So steady ka lang diyan.”

Sa loob ng sampung minuto ay naayusan na siya nito. Hindi na masyadong oily ang mukha niya at magical ang epekto ng lip gloss sa labi niya. Saka siya nito pinahiran ng solid perfume na gawa rin nito.

“You may go now,” pagtataboy nito. “Enjoy your lunch date.”

Nag-flying kiss siya dito. “Thank you!”

Tinakbo niya ang greenhouse na nasa gitna pa ng campus. Naglakad na lang siya nang makarating sa greenhouse. Iyon ang pinakapaborito niyang bahagi ng campus. Si Cody mismo ang nagyaya sa kanyang mag-transfer doon dahil daw maganda ang greenhouse. At alam nitong mahilig siya sa mga halaman.

Pagdating sa greenhouse ay nadismaya siya dahil wala namang tao doon. Mukhang iniwan na siya ni Cody.

“Saan ka galing?”

Napapitlag siya nang marinig ang boses ni Cody sa likuran niya. Dahan-dahan siyang humarap dito. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. “Cody!”

“Galing ako sa room ninyo. Wala nang tao doon. I even went to the canteen. Baka nagbago na ang isip mo na sabayan akong mag-lunch.”

“Dumaan lang ako sa ladies room. Sorry kung pinaghintay kita.”

Sa halip na magalit ay humalakhak ito. “Silly me. Bakit di ko naisip na pupunta ka ng ladies room?” Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na naligaw sa noo niya. “You are prettier today and that is dangerous.”

Nagsalubong ang kilay niya. “Dangerous?”

“Baka maligawan ka agad. Magseselos ako.”

Namanhid ang dila niya at natigagal habang nakatitig sa nanunuksong ngiti sa labi ni Cody. Natatakot itong maligawan agad siya? Baka magselos ito sa kanya? “W-Wala namang manliligaw sa akin. S-Saka wala kang dapat ipagselos.”

Kung magseselos ito, ibig sabihin ay may gusto ito sa kanya. Kaya ba siya nito niyaya ng lunch date dahil magtatapat na ito sa kanya? Manliligaw na ba ito?

Kahit na iyon ang pinapangarap niya, parang mahirap pa ring paniwalaan. Suplada kasi siya sa ibang lalaki. Ayaw niyang i-entertain ang mga gustong manligaw. Bata pa kasi siya. Pero paano kapag si Cody na ang nanligaw sa kanya?

Saka lang niya napansin ang hamper na dala nito. Inilapag nito ang basket sa bench na nasa gitna ng greenhouse. Inilabas nito ang pagkaing dala nito at inilapag sa mesa. “Nagpaluto ako kay Tita Doreen. She’s a great cook. Na-excite siya na ipagluto ka kasi first time kong nag-request sa kanya.”

Ngumiti siya nang maamoy ang masarap na luto ng madrasta ni Cody. “Wow! Mukhang masarap nga. At mukhang magkasundo na kayo ng Tita Doreen mo.”

Naulila si Cody noong labinlimang taong gulang ito nang mamatay sa sakit sa puso ang Mama nitong si Melanie. Matapos ang eksaktong isang taon ay nagpakasal ang Papa nitong si Macario sa sekretarya nito. Cody was devastated. Balita pa nga niya ay naging rebelde ito nang nasa Italy ito. Di nito matanggap na ganoon lang kadali na palitan ng Papa nito ang Mama nito. Pero mabait naman si Doreen. Sa palagay niya ay nagkakasundo na ito at si Cody.

Nagkibit-balikat ito. “She’s not exactly the wicked stepmother. Ang totoo siya ang laging nagpapakalma kay Papa kapag galit si Papa sa akin. It was something my mother had never done before. She’s a strong woman.”

Bubuka sana ang bibig niya para magtanong pero pinili niyang ipinid ang bibig niya. Bata pa lang siya ay nagtatanong na siya sa Kuya Noah niya at sa magulang niya tungkol sa sitwasyon ng magulang ni Cody subalit ayon sa mga ito ay masyado pa siyang bata para maintindihan. Ang alam lang niya ay dominante si Macario Santillia hanggang ngayon. Isa kasi ito sa board of director ng eskwelahan. Habang ang Mama naman ni Cody ay tahimik at mabait pero sakitin. Hanggang doon lang ang nalalaman niya. The rest, Cody and her family kept it to themselves.

“Bakit mo nga pala ako niyayang mag-lunch?” tanong niya.

“I just want to make you feel welcome. As your senior, gusto kong malaman kung may problema ka dito. Kung naiilang ka sa mga kaklase mo…”

Umiling siya. “No. Mababait naman ang mga kaklase at teachers ko. They are very accommodating. And it is good to see old friends like Illiana.”

“She must be happy to have you here as well. Ikaw ang guinea pig niya sa mga experiments niya.”

Nilagyan niya ng sweet chilli sauce ang vegetable burger patties. “She’s brilliant. Puro organic ang mga products niya kaya di ako naa-allergy.”

“And how do you like our greenhouse?” tanong nito at inilahad ang palad.

Iniikot niya ang paningin sa munting paraisong iyon. It was like a paradise full of flowers. “I love it here. Wala kasing ganito kagandang greenhouse sa dati kong school. Marami pang exotic na halaman galing sa ibang bansa. Pati ‘yung mga halamang di ko kilala na endemic pala sa Pilipinas. Thank you sa pag-encourage sa aking lumipat dito.”

Hindi lang ang magandang greenhouse ang nagpapasaya sa kanya kundi maging si Cody mismo.

Ginagap nito ang kamay niya at kinintalan ng halik ang likod ng palad niya. “And you are my fairy.”

Nag-init ang pisngi niya at di niya direktang matingnan ang mga mata nito. “Ibig sabihin mukha akong lamang-lupa?” tanong niya habang pigil ang ngiti.

“Magandang lamang-lupa. You are my flower fairy.” Ibinuka nito ang palad at isang butterfly hairclip ang naroon. “And this is perfect for you.”

She was in awe. Hindi basta-basta hairclip lang iyon. Gawa ang paru-paro sa white gold at may mumunting pulang bato. ‘A-Ang ganda! Sa akin ito?”

Tumango ito at tumayo sa gilid niya. Kinuha nito ang hairclip sa kanya at ito mismo ang naglagay sa buhok niya. Saka siya nito tinitigan nang umupo uliti ito sa tapat niya. “Now you really look like a flower fairy. You can easily charm butterflies. Lagi mong isusuot ‘yan, ha? Remember that you are my special one.”

Tumango siya. “Of course. Thank you.”

Iyon ang pinakamagandang regalong natanggap niya. At kahit na hindi sinabi ni Cody na gusto siya nito, ang importante ay espesyal siya dito.

“BIGAY ‘to ni Cody sa iyo?” namamanghang tanong ni Illiana at kinagat ang butterfly hairclip niya. “Oo nga. Totoo nga ito.”

Binawi niya ang hairclip niya dito. “Yuck! Baka matunaw ‘to sa asido ng laway mo. Magalit pa si Cody sa akin kapag nasira ‘to.”

“Ay, grabe! Magpasalamat ka sa akin dahil inayusan kita. Kaya nga lalong nagandahan sa iyo si Cody, di ba?”

Ngiti lang ang naisagot niya dito at ibinalik ang hairclip niya sa buhok. Buong araw siyang masaya. Pakiramdam niya ay siya ang pinakamagandang babae sa planetang Earth. Hindi nga lang niya sinasabi sa parents niya ang tungkol doon. Baka isipin ng mga ito na nanliligaw sa kanya si Cody at magalit pa ang mga ito. For now, she would keep it as a secret.

“Mukhang nagkakatuwaan kayo dito,” komento ng presidente ng Student Council nila na si Greco. Kung kalahati ng populasyon sa campus nila ay may gusto kay Cody, ang kalahati naman ay kay Greco. Matangkad din ito at guwapo pero hindi ito mahilig ngumiti. But just the same, he was oozing with charisma.

Sinaluduhan ito ni Illiana. “President, nag-date kasi si Cody at si Freezia sa greenhouse kahapon. Binigyan pa siya ni Cody ng butterfly hairclip. How romantic! President, atin-atin na lang ‘yon, ha?”

Mataman siyang pinagmasdan ni Greco saka ito bumuntong-hininga. “Hindi ko alam kung gaano mo si kakilala si Cody, Miss. Pero marami akong alam tungkol sa kanya na hindi mo pa alam o kahit alam mo na ay baka nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan ka lang.”

Nagsalubong ang kilay niya. “Ano? ‘Yung pagiging playboy niya? Hindi naman ako apektado doon.” Siguro dati ay playboy Cody. Pero ngayong lumipat na siyang eskwelahan at kasama ito, siya na lang ang babae sa buhay nito.

Umangat ang gilid ng labi nito. “And you think you can tame him? Wala siyang babaeng sineseryoso. So beware. He might break your heart. Mukha ka namang matalino. Kaya sana gamitin mo ang isip mo.”

Mariin niyang pinagdikit ang labi niya. Ang alam niya ay mortal na magkaaway sina Cody at Greco. Hindi niya alam kung bakit. Imposibleng naiinggit ito kay Cody. Parang mas malalim ang pinanggagalingan ng galit nito.

“I also know Cody. Mga bata pa lang magkakilala na kami.”

“People change, Miss Munieca.” Patalikod na ito nang humarap ulit sa kanya. “Member ka ng Botany Club, hindi ba? Gusto ko lang malaman mong habit ni Cody na pumitas ng bulaklak doon para ibigay kung kani-kaninong babae. Napansin kong lumabas siya kanina ng greenhouse ay may dala siyang bulaklak.” His lips twisted. “I think amaryllis ‘yung dala niya. At doon siya papunta sa gymnasium.”

Walang sabi-sabi siyang tumayo at tinakbo ang greenhouse. Kasunod niya si Illiana. “Freezia, sandali!”

Naka-focus na ang utak niya kay Cody. Patutunayan niya kay Greco na mali ito. Hindi ibibigay ni Cody sa ibang babae ang bulaklak na iyon. Sa kanya lang.

Naabutan pa niya doon ang isa sa kagrupo niya. “Kevin, ‘yung amaryllis natin…”

Napakamot na lang ito sa ulo. “May nakasalisi sa atin. May pumitas na naman. Hula ko si Cody ‘yon. Siya lang naman mahilig kumuha ng bulaklak dito.”

Naningkit ang mata niya. “Illiana, sa gymnasium tayo.”

“Ano?” aangal pa sana ito subalit wala na lang nagawa kundi ang sundan siya. Nagsisimula na siyang kabahan. She didn’t like this feeling. Paano kung tama si Greco? Paano kung hindi lang siya ang nag-iisang babae sa buhay ni Cody?

Di pa siya nakakapasok sa gymnasium ay nakita na niya sa harapan niyon si Cody na hawak ang kamay ng cheerleader na si Angeline. Umiiyak si Angeline habang hawak sa isang kamay ang nawawalang amaryllis sa greenhouse.

Parang humampas siya sa malaking pader. Namanhid ang buong katawan niya. Sinungaling si Cody. Hindi totoong espesyal siya dito. May ibang babae sa buhay nito. Baka hindi lang si Angeline. Baka may iba pa.

“Totoo pala ang sinabi ni Greco,” mahina niyang usal.

Pinigilan siya ni Illiana sa balikat. “Cool ka lang. Huwag kang gumawa ng eksena dito.”

Subalit bingi na siya. Wala siyang naririnig kundi ang malakas na pagragasa ng dugo sa tainga niya. Tanggap na niya na hindi siya ang nag-iisang babae sa buhay ni Greco. Mapapatawad pa niya ito. Pero di niya ito mapapatawad sa pagdugas ng bulaklak sa greenhouse para lang ibigay sa ibang babae. Ang bulaklak na pinaghirapan niya at ng mga kagrupo niya.

Humakbang ang paa niya. Animo’y susugod siya sa giyera. “Cody! Anong ginawa mo sa amaryllis sa greenhouse?”

Awtomatiko itong ngumiti nang makita siya. Na parang di man lang ito na-guilty. “Oh! My flower fairy! Ikinuha ko lang si Angeline. You have no reason to be mad. I am just trying to…”

“Huwag ka nang magpaliwanag. Hindi na ako makikinig sa kahit anong sasabihin mo. Manloloko ka!” bulyaw niya.

Umawang ang labi nito na animo’y isa itong inosente. “Freezia, I am just trying to make Angeline feel better. You have no reason to be jealous.”

Tinaasan niya ito ng kilay. “Jealous? Hindi ako nagseselos sa iyo. Ang importante lang sa akin ang mga bulaklak na pinaghirapan naming alagaan pero nanakawin mo lang pala.”

“You grow flowers to make people happy. Kaya namimigay din ako ng bulaklak para magpasaya ng iba.”

Hindi siya nito pinapasaya. He made her feel so bad. Parang tinapak-tapakan nito ang puso niya. “Wala akong pakialam kung paano mong pasasayahin ang mga babae mo. Basta huwag kang lalapit sa mga bulaklak ko.”

Inilahad nito ang palad. “Freezia, huwag ka nang magalit…”

Hinaklit niya ang hair clip sa buhok niya at ibinato dito. “Hindi ako galit. Basta huwag mo lang akong idamay sa kalokohan mo.”

Taas-noo niya itong tinalikuran. She knew that she succeeded even if her heart was breaking. Hindi na siya maniniwala kay Cody Santillia kahit kailan.

At mula ngayon ay itatanim niya sa utak niya na kahit ano pang gawin nito ay hinding-hindi na siya mai-in love dito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.