Stallion Island Series Chapter 178

She didn’t want to be attracted to him anymore. Iyan ang paulit-ulit na sinasabi ni Freezia sa sarili tuwing nakikita si Cody. Sitting next to him made her feel more frustrated. Her senses were on full alert. She could smell him and feel his warmth. Kahit di niya ito tingnan ay hindi naman niya maaring balewalain ang presensiya nito.

Matapos ipakilala ni Cody sa mga kasamahan nitong modelo ay pinili niyang manahimik na lang at ituon ang atensiyon sa daan. Tutal ay puro mga babae lang naman ang pinag-uusapan ng mga ito.

“Cody, totoo bang naka-date mo si Merian de Vera?” tanong ng supermodel din na si Chrysander.

“Just took her out to dinner. Gusto ko lang siyang i-congratulate dahil sa succes ng commercial ng Stallion Shampoo kung saan model siya,” sagot ni Cody.

“Ah! Nang maging mangkukulam siya sa commercial ni Rayanne Nolliedo.” Kumunot ang noo ni Chrysander. “Hindi naman siya maganda sa commercial.”

“She’s a very good witch. Everyone hates her. Ibig sabihin effective siya. Wala namang masama kung i-treat ko siya ng dinner. Pero minsan lang iyon.”

Nang mai-date ni Cody ay assuming na si Merian na magiging boyfriend nito ang binata. Hanggang malaman ni Merian na binigyan ng bulaklak ni Cody ang artistang karibal nito sa kabilang istasyon. Merian turned into a raving lunatic but Cody didn’t seem to care. Magpasalamat na lang siguro si Merian na nai-date ito ni Cody kahit minsan sa buhay nito.

Of course Cody doesn’t date the same woman twice. So many girls, so little time. Ayaw niyang makasama sa mga babaeng itatapon lang din nito pagkatapos. She wanted real love. Nakakainis lang dahil sa dinami-dami ng lalaki sa mundo, kay Cody Santillia lang siya attracted.

“Freezia, hinihintay mo ba ako kanina?” tanong ni Cody.

Tinaasan lang niya ito ng kilay. “Bakit naman kita hihintayin?”

“Dahil hindi kumpleto ang araw mo hangga’t di mo ako nakikita.”

Bumilang muna siya ng sampu bago ito sagutin. “Hindi mo ako stalker. May binili lang ako sa bookstore.”

Kinuha nito ang libro sa kanya. “Ano ba itong binili mo?” tanong nito at sinubukang buksan ang paper envelop na kinalalagyan niyon.

“Huwag mong pakialaman ‘yan!” saway niya at binawi ang libro dito. Eskandalong malaki kapag nakita nito ang laman noon.

“Ano bang meron sa librong ‘to at ayaw mong makita ko?”

“Must be a self help book,” suhestiyon ni Aki.

Nilingon ito ni Cody. “Para naman saan?”

“On how to attract men. What else?” anito at tumawa.

Nagningning ang mga mata ni Cody. “Aha! Gusto mo palang pag-aralan kung paano mo ako aakitin. You don’t have to do that. Baby, I am all yours,” sabi nito at ibinuka pa ang dalawang kamay. “Ayoko namang mabuhay ka sa mundo nang hindi mo ako natitikman.”

Anong pinalalabas nito? Na hayok na hayok siya dito at desperada para akitin ito? Grabe talaga ang kahambugan ng lalaking ito. Naghalakhakan ang mga kasama nitong chauvinists din.

Nag-init ang bumbunan niya at di napigilan ang sarili na ibato ang libro sa mukha nito. “Iyan ang tikman mo!”

Natigil ang tawanan at maging ang e-jeepney ay biglang tumigil. Nakatulala lang si Cody habang hawak ang nasaktan nitong mukha. “Freezia…”

“Pare, naka-insured ba ‘yang mukha mo?” nag-aalalang tanong ni Jerard subalit di sumagot si Cody dahil nakatulala lang ito sa kanya.

Humihingal siya sa galit. “Hoy, Cody Lance Santillia! Mas gugustuhin ko pang maging matandang dalaga at mapagkamalang baliw habang kausap ang mga halaman kaysa naman magkagusto sa iyo. Wala akong planong akitin ka. Kaya tantanan mo na ako sa pag-iilusyon mo. Hindi lahat ng babae baliw na baliw sa iyo.”

Saka siya bumaba ng e-jeepney at naglakad palayo. Di na malayo doon ang Windy Café pero kailangan pa niyang umakyat ng mataas na hagdan. wala siyang pakialam kahit na katirikan pa ng araw. She was really mad. Raving mad.

“Hoy, Miss! Pwede kang idemanda ni Cody sa ginawa mo,” sabi ni Bensan na isang baguhang modelo.

She made a talk to the hand sign. Magsumbong ito kahit kanino nito gusto. Wala siyang pakialam. Galit siya. Galit na galit. She was shaking so badly. Hindi niya akalaing magagalit siya nang ganito. Hindi siya pisikal na tao. Kahit na nagbabangayan sila ni Cody ay di pa niya ito nasaktan. Sa unang pagkakataon ay nasaktan niya ito. She felt happy about it. He deserved it!

Siguro naman ay hindi na siya nito iinisin at higit sa lahat ay di na siya nito aakitin pa. Patahimikin na sana nito ang buhay niya.

HABOL ni Freezia ang hininga nang sa wakas ay marating ang huling baitang ng hagdan. Nagsitabi ang mga kasalubong niya. Pawis na pawis siya at hingal na hingal. Ni hindi na siya nag-abala pang tingnan kung anong itsura niya. Sanay naman na ang mga tao na makita siyang pawisan at minsan nga ay may putik pa. That was okay with her brother. Ang di nito mapapatawad ay ang pagiging late niya.

Nagpalinga-linga siya sa loob ng café na puno ng mga nanananghalian. “Freezia, this way,” anang manager na si Ashlan at iginiya siya sa mesa ng Kuya Noah niya. Kasama nito ang nobyang si Olay at si Vix.

“Nandito na ako…” deklara niya at sinenyasan ni Ashlan ang waitress na dulutan siya ng tubig.

Dumilim ang mukha ni Noah. “Saan ka nanggaling? Late ka na para sa lunch.”

Umupo siya sa tabi ni Vix at nagkunwaring di napansin ang galit ng kapatid niya “Kasisimula pa lang naman ninyo, di ba? Hindi ko maiwan ang orchids sa Paradiso. Nakakatuwa silang alagaan,” palusot niya.

“Close talaga kayo ng mga bulaklak at halaman, no?” sabi ni Olay. “Parang itong Kuya Noah mo.”

“Normal pa naman ako. Hindi ako katulad ni Freezia na nakikipag-usap sa mga halaman,” sabi ng kuya niya na weird din ang tingin sa kanya kapag kausap ang mga halaman. “Nauna na kaming kumain. Hindi pwedeng malipasan ng gutom ang Ate Olay mo.”

Kinuha niya ang menu. “Pasensiya na, Ate. May dinaanan pa kasi ako sa bookstore.” Siniko niya si Vix. “May binili ako para sa iyo na sure na makakatulong sa iyo. Para naman hindi napo-pollute ang mga orchids ko sa mga reklamo mo.”

“Anong makakatulong sa akin?” pabulong niting tanong.

Inilapit niya ang bibig sa tainga nito “Art of Kamasutra.”

Nagningning ang mga mata nito. “Gusto ko iyan. Nasaan na?”

Naibuka niya ang mga kamay at saka napansing wala siyang dala. Ang paper bag niya! “Hala! Naiwan ko kanina sa e-jeepney. Asar kasi ‘yung Cody na iyon! Ipinagsabi ba naman sa kasama niyang mga models na patay na patay ako sa kanya.”

Mariin siyang pumikit. Naibato niya kay Cody kanina sa sobrang inis niya dito. Nawala sa isip niya. Bwisit na Cody talaga iyon.

“Ipapa-announce ko na lang,” sabi ni Noah at Blackberry nito. “Anong pangalan ng librong naiwan mo?”

Namutla siya. Di niya pwedeng sabihin kung anong libro iyon o baka ihawin ito ng buhay ng Kuya Noah niya. Parang bata pa rin ang trato sa kanya ng kapatid niya. Overprotective din ito dahil sila lang ang madalas na magkakampi sa mga laban. Kaya gusto nito ay maingat siya sa ikinikilos niya.

Gusto sana niyang sabihin na huwag na lang. Pero paano naman niya mababawi ang libro niya kay Cody?

“Freezia, ito ba ang hinahanap mo?” tanong ni Cody at itinaas ang librong nakabalot pa sa paper bag.

Speaking of the devil! The devil himself is here. Kinabahan siya nang makita si Cody at ang mapanukso nitong ngiti. Sumasal ang kaba sa dibdib niya. Paano kung nakita na nito ang laman ng libro? Hindi maaari!

Tumayo siya at inilahad ang kamay. “Akin na iyan!”

Pumalatak si Cody. “Hindi ko ito basta-basta maibibigay sa iyo. Pakiramdam ko naka-imprenta pa itong libro sa mukha ko dahil ibinato mo sa akin.” He looked at Noah coolly. “Kuya Noah, hindi ba may punishment kapag nanakit ng member lalo na’t kasing guwapo ko?”

Drat! Nasa delikadong posisyon siya. May kasalanan siya kay Cody. Nasaktan niya ito. Galit siya kanina kaya di niya naalala ang banta pero ngayon ay mas malinaw ang scenario. Di nito basfa-basta ibibigay ang libro sa kanya. He wanted her blood first.

“You deserve it!” katwiran naman niya. Hindi siya pwedeng magpatalo dito. She had a valid reason for losing her cool. At least maiintindihan siya ng Kuya Noah niya. Her action was justified.

Nagkibit-balikat si Cody. “Well, you have to meet me at the security office then if you want to get this book back. Magre-report muna ako sa kanila dahil pakiramdam ko may sumasampal pa rin sa mukha ko hanggang ngayon.” Sumaludo ito saka naglakad paurong. “Enjoy your lunch!”

Dahan-dahang nanlamig ang buong katawan niya. The security office. Bigla niyang naisip ang malupit na si Oliver na head ng security system at si Ridge na assistant nito na nuknukan naman ng sungit. Mas takot pa nga siya sa dalawang iyon kaysa sa pitong village lords ng Stallion Island. Ayaw niyang maurirat ng mga ito dahil nakakatakot. Parang kaya siyang paaminin kahit wala siyang kasalanan.

At oras na mai-report iyon, pati ang record ng Kuya Noah niya ay mada-damage. She can’t do that. Bukod sa sarili niyang negosyo at pangalan, she also had her brother to think of.

“Cody, don’t!” pakiusap niya subalit tuluyan na itong naglakad palayo.

Drat! Hindi siya pinapansin nito. Hindi pwedeng makarating ang kaso niya sa security council. Malaking gulo 'yon. Malaking offense ang pananakit sa isang miyembro ng club. It would affect her business and even her brother's record. Si Cody naman ang sangkot kaya umaasa siyang madadaan pa ang lahat sa usapan.

"Cody, sandali! Tumigil ka!"

Nilingon lang siya nito saglit pero patuloy pa rin sa paglalakad palayo. "Ayoko nga. Baka mamaya may ibato ka na namang kung ano sa akin. Patamaan mo na naman ang mukha mo. Maraming luluhang mga babae."

Mariin siyang pumikit. "I am calm now. Hindi kita sasaktan. Di kita babatuhin. I just want the book back, Cody. Please," pakiusap niya.

Tumigil ito nang makarating sa dulo ng shade malapit sa hagdan subalit nananatili pa rin ang distansiya sa kanya. Parang natatakot pa rin itong paliparan ng kung ano mula sa kanya.

He pouted his sexy lips. Akala niya ay mga babae lang ang pwedeng gumawa noon. But with Cody it looked hot. Inilabas nito ang libro sa paper bag at kunwa'y nahintatakutan nang makita kung ano ang laman niyon. "You bought the Art of..."

Dali-dali niyang tinakpan ng palad ang bibig nito at itinulak ito sa isang alcove kung saan walang tao. "Don't you even say the word," mariin niyang banta dito.

Naku! Mapapahamak talaga siya dito. Kung bakit kasi napakausyosero nito. Kasalanan din naman niya ang lahat. Nagpadala siya sa inis niya dito at nasaktan niya ito. Now she was in deep waters.

Itinaas nito ang dalawang kamay bilang pagsuko. Saka lang niya inalis ang pagkakatakip ng palad sa bibig nito. Sumipol ito at nakangiting pinagmasdan ang libro. "Wow! This looks pretty interesting. And here I thought that my pretty flower fairy only cares about pollination. Di ko alam na gusto mo din pala ng art and pleasure of human reproduction." He said the last few words in an intriguing voice. Saka siya kinindatan nito.

Napaungol siya. Now he thought that she was a maniac of sort. "Hindi naman sa akin 'yan. Regalo ko 'yan kay Ate Vix para sa kasal nila ni Kuya Trick. Kaya kung pwede ibalik mo na sa akin. Please?"

Subalit di naman yata nito narinig ang paliwanag at pakiusap niya dahil mukhang aliw na aliw ito sa pag-browse ng mahiwagang libro. "Whew! Can't imagine how they do this stunt. Kailangan mo yatang maging gymnast para magawa ang ganitong mga style. Grabe!"

Napaingos siya. "Kunyari pang inosente. As if naman hindi mo alam 'yang mga ganyan."

He dated some of the most famous supermodels and local actresses. Karamihan sa mga ito ay may wild na reputasyon. And when women were wild,they were also expecting wild lover and wild lovemaking. Maniwala siyang nakipagtitigan lang si Cody sa mga kababaihang iyon.

Nagsalubong ang kilay nito. “What makes you think that I am an expert? Nakita mo na ba? Na-experience mo na ba? For all you know, I am a virgin.”

Namamangha niya itong pinagmasdan mula ulo hanggang paa saka siya bumulanghit ng tawa. “Cody, kung virgin ka pa, member naman ako ng Bioman at ako si Pink Five. Tigilan mo na ‘yang kalokohan mo. I just need the book back.” Pinagsalikop niya ang palad. “At kung pwede wag mo na akong i-report.”

Isinara nito ang libro. “Ah! Ganoon na lang ‘yon? Ni walang sorry?”

Bumuntong-hininga siya. “I am sorry,” mahina niyang usal at inangat ang ulo. “Kasi ikaw ang lakas mong mang-inis.” Ngumiwi siya nang makita ang pamumula ng pisngi nito kung saan tumama ang libro. Hard bound pa mandin ang ibinato niya dito. Magkano kaya ang danyos na babayaran niya sa mukha nito. Ilang bulaklak kaya ang kailangan niyang maibenta para sa danyos. “Ipagamot natin sa clinic.”

“Ayoko nga. Kailangan ikaw ang mag-asikaso sa akin. Kasalanan mo ‘yan. Magwawala ang mga fans ko kapag nakita ito.”

“Tapalan natin ng yelo at dahon ng kataka-taka.”

“Baka naman tubuan ako ng ugat.” Hinawakan nito ang kamay niya at idiniin sa pisngi nito. “Hindi ko kailangan ng kataka-taka. Kailangan ko kalinga mo at pagmamahal.”

Napanganga siya. Nahihibang na naman yata ito. “Pagmamahal?”

“Yes.” Hinaplos ng daliri nito ang dulo ng ilong niya. “Ibabalik ko sa iyo itong libro kung makikipag-date ka sa akin. Romantic dinner date.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.