Stallion Island Series Chapter 179

Isang magandang imahe ang nag-flash sa isipan ni Freezia. Si Cody kasalo niya sa isang dinner sa gitna ng isang flower garden pero sa di kalayuan ay naririnig niya ang magandang hampas ng alon sa dagat. Isasayaw siya nito at…

“You have to kiss me.”

Hahalikan niya ito.

Natigilan siya at ipinilig ang ulo. “Ha? Ano ulit ang sabi mo?”

Isang pilyong ngiti ang naglaro sa labi nito at hinaplos ng daliri ang labi niya. “Para mabawi mo ang librong ito, kailangan halikan mo ako. And I want to claim that kiss right now.”

Sa isang iglap ay lumapit ang mukha nito sa kanya. Naestatwa na lang siya at hindi nakagalaw sa kinatatayuan. Hindi pa agad naproseso ng utak niya ang mga sinabi nito. Kanina ay gusto nito na mag-date sila. Tapos ay kailangan niya itong halikan para mabawi niya ang libro. Ngayon ay hahalikan na siya nito.

Natuliro siya. Nagkakagulo ang buong sistema niya sa ilalim ng balat niya pero wala naman siya halos katinag-tinag. As if she was just waiting for his kiss. Her senses were assaulted by Cody. She could smell his minty breath and she could feel his warmth and power under her skin. Ano kaya ang pakiramdam na mahalikan nito? She felt excited suddenly which was silly. He was the enemy. Sinasamantala siya nito pero bakit pinakaaasam pa niya ang halik nito?

She started to shake. Nagsimula na siyang mag-panic. Hindi na niya gusto ang nangyayari. wala na siyang kontrol sa nangyayari. Wala na rin siyang kontrol kahit sa sarili niyang katawan. kahit anong utos ng utak niya na tumutol ay di sumusunod ang traidor niyang katawan.

She could almost taste him. As if they were sharing the air that they were breathing. She could feel the air sizzle against her skin. She must say no. Pero kusang sumara ang mga mata niya at hinintay ang pagdampi ng labi nito.

“Next time na lang, Freezia.”

Dumilat siya at maang na napatingin dito. “A-Ano?”

Nakadistansiya na ito sa kanya. At mukhang wala na sa plano nito na halikan siya. “Mukhang gutom ka na. You are shaking.” Pinisil nito ang braso niya at sumaludo. “Paano, ituloy mo na ang lunch mo.”

Nakatigagal na lang siya habang naglalakad ito palayo. Wala na ‘yung halik niya at wala rin sa kanya ang libro. “Hoy, Cody! Bumalik ka dito! Ibalik mo ‘yang libro sa akin.”

“Hihiramin ko muna ‘to,” anito nang lingunin siya. “Huwag kang masyadong hot sa halik ko. Mahirap humalik kung gutom ka. Walang energy. Di exciting. Basta hintayin mo na lang ang dinner date natin.”

Exciting? Kanina ay muntik na siya nitong patayin sa excitement nang akala niya ay hahalikan siya nito. Ngayon ay excited siyang patayin ito. Nakakagigil.

“Hindi pa ako pumapayag! Cody!” angil niya.

Subalit tuluyan na itong sumakay sa naghihintay na e-jeepney at nag-flying kiss pa sa kanya. Bwisit na lalaking iyon! Hindi na ito makakaulit sa kanya. Tandaan talaga nito!

NGITING-NGITI si Cody habang nakahalukipkip at nakaprente ng higa sa sofa bed sa mini-library ng Lighthouse Restaurant and Café. It was the best day of his life. Kaya nga kahit na namamaga ang parte ng mukha niya na tinamaan ng makapal na libro ni Freezia ay okay lang sa kanya.

Dapat ay ipapasyal muna niya ang mga kaibigang modelo at sasamahang mag-bungee jumping sa Thunder Cliff. Pero dahil mukha siyang ginulpi ng maton ay pinili niyang mag-relax muna at i-enjoy ang kanyang tagumpay. Sa wakas ay makaka-date na rin niya si Freezia.

Nakarinig siya ng papaakyat na yabag at tumigil iyon di kalayuan sa kanya. “O! Bakit tinubuan ng dahon si Cody?” narinig niyang tanong ni Andreev.

“Malamang may babaeng nagpakulam sa kanya dahil sa pagiging babaero niya,” komento naman ni Audric.

“I will bet my new Quarter horse. Si Freezia ang nagpakulam sa kanya,” paniniyak ni Stefannos. “Tinubuan ba naman ng kataka-taka.”

Tinanggal niya ang nakatapal na dahon ng kataka-taka sa mata niya at nginisihan ang tatlo. Nagsama-sama pa ang trio sa kasupladuhan at panlalait na. Kapag nagsama-sama ang tatlong killjoy na ito at ininis siya ay mapipikon talaga siya. Pero hindi sa araw na iyon. His mood was too good to be ruined. At sa palagay niya ay tatagal pa iyon ng ilang mga araw.

“Wrong. Si Freezia mismo ang nagpadala ng mga dahon na ‘to sa akin para gumaling ang pasa ko,” pagmamalaki niya. “She cares for me.”

Kapag nagkikita sila ni Freezia ay di niya maiwasang biruin ito at tuksuhin. Iyon lang ang paraan niya para makuha ang atensiyon nito kahit pa nga sa huli ay umiinit lang ang ulo nito sa kanya. Hindi naman kasi ito katulad ng ibang babae na nagpapapansin agad sa kanya. Mas gusto pa nitong kausapin ang mga halaman at bulaklak kaysa pagtuunan siya ng atensiyon.

“Saan mo naman nakuha ang pasa mo?” tanong ni Andreev at tumabi sa kanya. “Sinong sumapak sa iyo?”

Mariin niyang pinagdikit ang mga labi. Di niya pwedeng sabihin dito na si Freezia ang responsible doon. Tiyak na pagtatawanan lang siya nito. “It was an accident and it doesn’t matter. Ang importante nag-aalala sa akin si Freezia. And she tried her best to take care of me. Kaya okay lang sa akin na magmukhang tinubuan ng dahon.”

Hindi bayolenteng tao si Freezia. She was the gentlest creature she had ever met next to his mother. Napuno lang talaga ito sa kanya kanina kaya binato siya nito ng libro. But she made it up with him afterwards. Kahit pa nga dahon lang iyon ng kataka-taka.

Paghahandaan pa niya ang date nila. So it was blackmail. He saw it was a perfect opportunity to ask her out. Iyon lang kasi ang naisip niyang paraan. Lagi ngang sinasabi ni Noah na torpe siya pagdating kay Freezia. He didn’t know why. Babawi na lang siya dito kapag sa mismong date na nila.

“So ibig sabihin masasabi mo na sa kanya ang gusto mong sabihin mula noong high school? Na manliligaw ka na sa kanya?” tanong ni Stefannos.

Pinag-krus niya ang mga daliri. He was keeping his fingers crossed. Alam na halos ng lahat ng miyembro sa Stallion Island na gusto niya si Freezia mula high school. At iyon ang pinakamalaking weakness niya – ang katorpehan niya.

“Malamang mabasted ka,” kantiyaw ni Audric.

“Sa guwapo kong ito? Wala pang babaeng tumanggi sa akin,” pagmamalaki niya. Women found him irresistible.

“Siguro kung haharap ka sa kanya na tadtad ng dahon ang buong katawan, papatulan ka niya,” suhestiyon ni Andreev.

Ibinalik lang niya ang dahon sa mga mata niya at nagkunwaring natutulog. Nah! Hindi niya kailangang magmukhang taong-puno para lang magustuhan siya ni Freezia. Alam niyang gusto siya nito. Pinipigilan lang nito ang sarili. At sa tamang panahon, titiyakin niyang hindi siya matatanggihan ni Freezia.

"THE farmer’s cooperatives that we contacted so far are excited about our proposal,” report ni Freezia sa mga business partners niya. “At ready na rin ang pag-ani ng mga seaweed sa farm sa Tawi-Tawi kaya pwede nang simulan ang production natin ng seaweed and avocado hairmask.”

"That's perfect," sabi ni Illiana. “Siguro maninibago lang sila sa una. Pero nag-succeed naman ang farm ninyo, di ba?”

Naging commitment na ng farm nila mula sa bulaklak hanggang sa mga gulay na puro organic fertilizer at natural pesticides lang ang gagamitin para di makasira sa lupa at di makalason ng tubig. Iyon ang pamana sa kanya ng namayapa niyang ina na nagpaunlad sa farm.

At ngayon na ang pagkakataon niyang maibahagi sa ibang magsasaka ang kaalaman niya. Na dapat ay maging responsable din ang mga ito sa lupang pinagkukunan ng kabuhayan. Dahil kapag tuluyan nang namatay ang lupa ay di na ito magdadala ng kabuhayan kundi kamatayan.

“Okay na sa inyo ang packaging natin?” tanong ni Jazzmire.

Nang purihin nila ang mga designs nito ay nakita niya ang tuwa sa mga mata nito. Jazzmire was like a lost soul. Ilang taon itong nagpalipat-lipat ng trabaho at bansa habang hinahanap ang sarili. Kaya lang ito pumirmi ng Pilipinas dahil kailangan nitong alalayan ang mga kapatid sa family business na tinamaan ng worldwide economic crisis. At nang i-offer ni Illiana dito ang pagiging parte ng Human Loves Nature ay din na ito nagdalawang-isip pa.

“I just want to remind you that we need that money soon,” paalala ni Illiana. Nakapagbigay na sila ng initial capital ni Jazzmire pero alam nilang di iyon sapat. Galing lang iyon sa mga perang naipon nila.

"Magsa-submit na ako ng loan application sa bank. I hope pumayag si Lolo at Kuya Jairon na maging guarantor ko. Sana naman may tiwala din sila sa akin."

Nakagat niya ang labi. Kasisimula pa lang nila sa gulayan. Inaalalayan pa nila ang bagong venture nilang magkapatid. May natira pa siyang pera pero alam niyang malaki pa ang pangangailangan nila ni Illiana. Kulang pa ang nai-share niya. May pera siyang mana mula sa lola niya sa Mama kung saan in-encourage siya ng Papa niya na i-invest nila sa real estate. Hinayaan niyang ito ang mag-manage niyon. Pwede na kaya niyang makuha ang pera mula dito?

"Kukunin ko na sa santong paspasan si Andreev kapag di na-approve ang loan ko sa bangko nila." Humalakhak si Jazzmire. "Mapupunta sa akin ang lahat ng kayamanan nila."

"Mukha kang baliw!" sabi niya dito. "Dadalawin ko na si Papa. Kailangan ko din siyang makausap."

"I am creating products for men as well like eucalyptus shaving oil and peppermint shampoo. Gusto ko sanang kausapin mo siya Cody, Freezia," sabi ni Illiana.

"Bakit ako pa? Alam mo namang di ko kasundo ang isang 'yon." Maswerte nga siyang nakalimutan na nito ang date at halik na hinihingi nito sa kanya. Baka kapag siya ang kinuha nito sa endorsement ng products nila ay hingin na nito pati ang kaluluwa niya.

“I just have a feeling that you can convince him, my dear. Sometimes we have to set aside our own feelings to get our dreams.”

Hindi muna niya iisipin iyon. Baka lalo lang bulabugin ni Cody ang mga pangarap niya. Naka-focus siya ngayon sa personal niyang pangarap. Kailangan niyang suyuin ang Papa niya para ibigay nito ang gusto niya.

Ihinanda na niya ang sarili sa paghaharap nila ng Papa niya. Usually he was too busy to even look at her. Well, he must listen to her this time. At sana lang ay makumbinsi na niya ito na i-release na ang pera sa bago niyang investment. She knew she must tell her brother about her plan pero ayaw na niyang dagdagan pa ang problema nito. She must learn how to live her life on her own now.

Sinalubong agad siya ng kawaksi. "Señorita,nandiyan na po pala kayo."

"Aling Cita, nandiyan po ba si Papa?" tanong niya. Sinabi niya ditong importante ang sasabihin niya. At kadalasan pag ganoon ang sitwasyon ay umiiwas ang Papa niya sa kanya.

"Hindi po umalis. May guwapo kasing bisita. Narinig ko nga mukhang irereto ng Papa ninyo sa inyo."

Sumimangot siya. Mula nang mag-teenager siya ay inirereto na siya ng Papa niya kung kani-kaninong lalaki. Sa huli ay nasesermunan siya nito kapag di na umuulit ang lalaki na makipagkita sa kanya dahil inaakalang nababaliw na siya.

"Nandito ka na pala, Freezia," anito at ibinuka ang mga kamay. As if he was welcoming her.

Nagtataka man dahil di siya sanay sa aktong iyon ng ama. Nakaangil agad ito kapag nakikita siya. “Pa,” usal niya. May sakit ba ang Papa niya kaya bigla itong bumait sa kanya? Huwag naman sana.

“Mabuti dumating ka na. Nandito rin si Cody Lance. Sabi ko nga dadating ka kaya hindi agad umalis.”

Cody? Great! Bata pa lang sila ay malapit na ang Papa niya kay Cody. Business management kasi ang tinapos ni Cody pero mas nag-focus ito sa pagmomodelo. At mas masaya pa ang Papa niya kapag dumadalaw si Cody kaysa kapag dumadalaw sila ng Kuya Noah niya.

Nakaprente ito ng upo sa sofa habang may pinapanood sa TV. It was her father’s presentation for his new village. He paused the video then stood up to recognize her. Saka siya tinanguan nito. “Hi! In-invite ako ni Tito.”

“He wants to see my new Tuscan villa. Mabuti pa ang batang ito, interesado sa mga projects ko,” anang Papa niya.

Para sa Papa niya ay iyon ang pinakamalaking failure nito. Di nila nasundang magkapatid ang yapak nito. Mas gusto pa nilang magkapatid na sundan ang yapak ng Mama nila na eksperto sa mga bulaklak.

“Kaya nga ang lalaking gusto kong pakasalan ng anak ko ay ‘yung interesado sa negosyo ko tulad mo, Cody,” anang Papa niya at ipinagsalin ng alak si Cody. “Para naman mai-manage niyang mabuti ang investments ng anak ko.”

She didn’t like that tone. Ibinebenta ba siya ng Papa niya kay Cody?

Humalukipkip siya. “Pa, I definitely need a man who understands my passion.” Di naman business manager ang kailangan niya kundi isang lalaking iintindi at makaka-appreciate sa kanya.

Humalakhak ang Papa niya. “Anak, sino namang lalaking matino ang makakaintinding kinakausap mo ang mga bulaklak at paru-paro? That’s insane! Baka isipin ng iba na nababaliw ka na. Kaya tuloy walang nanlligaw sa iyo.”

Great! Her father had fun rubbing it in. Na abnormal ang tingin nito sa kanya.

“Your daughter is special, Tito,” sa halip ay sabi ni Cody. “Kaya deserve din niya ang lalaking nakakaintindi sa kanya.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.