Stallion Island Series Chapter 180

Natigagal si Freezia kay Cody. Hindi niya inaasahang maririnig niya ang mga salitang iyon mula dito. Gusto niyang isipin na binobola siya nito. But she could see the sincerity in his eyes. Na parang hinahangaan at iginagalang siya nito. And there was something else. Hindi lang niya alam kung anong emosyon iyon. But it made her chest stir and she suddenly felt so restless.

Sa dinami-dami ng lalaki sa mundo, kay Cody pa niya narinig ang ganoong klaseng appreciation. Tingin ba talaga nito ay espesyal siya?

“Maiwan ko muna kayong dalawa, hija. I-entertain mo muna si Cody. I need to make a few calls,” anang Papa niya na mukhang iwan siya sa company ni Cody.

Umupo siya sa tapat nito. Drat this man! He looked more gorgeous than before. Kung ito ang kukuning endorser ng Papa niya, tiyak na mabebenta ang units nito. Everybody wanted a piece of him. Nadoble ang popularidad nito mula nang maging miyembro ng Stallion Island. He always had that boyish charm. Pakiramdam tuloy niya ay eight years old pa rin siya tuwing nakikita si Cody. Dahil kahit anong inis niya dito, nagagawa nitong pahupain ang inis niya. Na parang alam nito kung ano ang tamang sabihin. Well, that must be one of his talents.

“Hindi pa ako nakakabalik sa Stallion Island,” sabi nito. “Nang sabihin ni Tito na dadating ka, idinala ko ito.”

Inabot nito sa kanya ang paper bag. Nang buksan niya iyon ay dali-dali niyang isinara. “I-Ibinabalik mo na sa akin?”

Nakangiti itong tumango. “Yes. Ibibigay mo ‘yan kay Ate Vix, di ba?”

“T-Thank you,” aniya habang pinakikiramdaman ang kaba sa dibdib niya. Hindi ba may kondisyon ito sa kanya para ibalik ang librong iyon? “Hindi ko na nga naalala ang tungkol diyan.”

Mahigit isang linggo silang di nagkita ni Cody. But everyday, she was dreading his call at sisingilin siya nito para maibalik ang libro sa kanya at hindi siya i-report sa security office. Ngayong malamig na ang ulo nito, siguro naman ay nakalimutan na nito ang tungkol doon. Baka sinabi lang iyon ni Cody para inisin siya. Bakit naman siya nito ide-date samantalang di naman siya nito gusto? And he kissed a lot of women, some were considered as the most gorgeous in the world. Hindi siya nito pag-aaksayahan ng panahon. Pagtatawanan lang ito ng mga tao.

“Well, I heard kasosyo na kayo nina Jazzmire sa company ni Illiana. You are turning her Sensual products into a household name.”

“It won’t be Sensual anymore. It would be Human Loves Nature. We want it to be pro-friendly and pro-poor.” At kung maibibigay ng Papa niya ang perang kailangan niya ay makakapag-launch na sila sa lalong madaling panahon. “Hindi lang puro mga babae ang target market namin. Nag-develop na rin si Illiana ng organic products for kids and even men. We also want to launch them to schools and universities para matuto rin ang mga batang maging responsible sa mga ginagamit nila. Kung nakakatulong ba o nakakasira ng kalikasan.”

“Is my daughter boring you, Cody?” tanong ng Papa niya at kasunod ang kawaksi na may dalang miryenda.

“No. We are just discussing…”

“Your date,” dugtong ng Papa niya.

“What date?” tanong niya at nagpapalit-palit ang tingin sa dalawa.

"Dati ko pa sinabing magde-date tayo. Three days from now, iwe-welcome ang espesyal na bisita ni Prince Rostam. Don't worry. I got everything covered. Nakahanda na rin ang gown mo. Ayumi reserved one her creations for you."

Nag-init ang libro sa kamay niya. So that was it. Ibinalik nito ang libro sa kanya dahil maniningil na ito. Ang date at ang halik ang bayad dito. At hindi iyon biro-birong date. It would be a grand party. Mas maraming makakakita. Ipaparada siya nito sa madla tulad ng ibang babae. His conquest. His woman.

Inaasahan ba nito na kapag nagtapos ang gabing iyon sa isang halik ay di lang sa halik magtatapos ang lahat? Why didn't the idea repulse her? It even excited her.

"As a father, I am grateful that you choose to bring my daughter to that party. Alam ko naman kung gaano kagaganda ang mga nakaka-date mo. That's sweet of you, hijo."

Thanks, Papa! sarkastikong sabi niya sa isipan. Parang isang malaking utang na loob pa nito kay Cody na niyaya siya ng binatang mag-date. At tiyak na pagtatawanan siya ng Papa niya kapag sinabi niyang bina-blackmail lang siya ni Cody. Sino nga ba naman siya para i-blackmail nito? Maraming kababaihan ang nagkakandarapa para lang mapansin nito.

Tumayo siya. "Excuse me. Magpapahinga lang ako sa kuwarto ko."

Di na niya hinintay pa ang permiso ng Papa niya at tinungo niya ang kuwartong nakalaan para sa kanya.

Sinundan siya ng Papa niya at tinawag siya nang papasok na sa silid niya. "Freezia, I want you to be extra nice to Cody."

Nakakunot ang noo niya itong hinarap. "What do you mean?"

Mariing nagdikit ang labi nito. "For once in your life, act like a normal girl. Play it sweet. Don't do anything to jeopardize your date. We need Cody."

Napanganga siya nang makuha ang ibig sabihin. "Gagamitin ninyo ako para pumayag si Cody na maging endorser ninyo?"

Ngumisi ito. "Alam ko lagi mo siyang sinusungitan. Play your cards right if you want the money for your little business."

Great! Ngayon ay ipapain pa siya ng Papa niya kay Cody para lang makuha nito ang gusto nito. Kaya naman pala mabait ang Papa niya sa kanya dahil kailangan siya nito. At ang masaklap, kasama pa sa kondisyon nito ang tagumpay ng date nila ni Cody para makuha niya ang perang kailangan niya.

She gritted her teeth. Gusto niyang makipagtalo sa Papa niya pero pinili niyang manahimik na lang. Siya rin naman ang talo sa huli dahil siya ang may kailangan. At kahit wala pa ang kondisyon ng Papa niya, kailangan pa rin niyang makipag-date kay Cody dahil may atraso siya dito.

Di talaga niya maintindihan ang mga lalaking tulad ng Papa niya at si Cody. They were turning her life into a living hell.

PABALIK-BALIK ng lakad si Freezia sa kuwarto niya. Mag-aalas singko na ng madaling araw pero hindi pa rin siya makatulog. She was leaving for Stallion Island today. Umuwi siya ng San Martin pagkagaling sa Papa niya dahil gusto niyang makatakas at makapag-isip-isip. But it was not working.

Kailangan niyang tanggapin ang katotohanan na kailangan niyang sumama kay Cody sa party bilang date nito at maging mabait dito para sa Papa niya at nang makuha niya ang perang kailangan niya.

She wished she could confide to her brother or to her cousin Vix. Pero maraming inaasikaso ang kapatid niya sa negosyo. Habang ang Ate Vix naman niya ay abala sa nalalapit nitong kasal at sa pag-aasikaso sa nalalapit na eleksiyon. She had to learn fighting her own battles from now on. After all, negosyo naman niya iyon. And it was just a date. Sana lang ay maka-survive siya ng isang gabi nang di ito nasasakal. Matapos iyon, siguro ay babalik na sa normal ang buhay niya. Matutupad na ni Cody ang kondisyon nito at eventually, pipirma na rin ito ng kontrata para maging endorser sa kompanya ng Papa niya.

Kinatok siya ng Tita niya. “Freezia, gising ka na ba? Nakahanda na ang agahan mo.”

“Bababa na po ako,” sabi niya at napilitang lumabas ng kuwarto niya. Mabibigat ang hakbang niya at parang gusto na lang niyang magkulong sa kuwarto niya hanggang matapos ang araw na iyon.

“Paborito mo ito! Vigan longganisa,” anang Tita niya at inilagay ang plato ng longganisa sa harapan niya.

“Good morning po,” matabang niyang bati at tinitigan lang ang longganisa. Parang kumakaway iyon sa kanya pero wala siyang nakikita at wala siyang naaamoy.

Nag-aalala siya nitong pinagmasdan. “May sakit ba?”

“Wala lang po akong tulog,” aniya at napilitang maglagay ng isang pirasong longganisa sa pinggan niya. Ni hindi niya alam kung paano iyon uubusin. Wala talaga siyang ganang kumain.

“Kaya mo bang magbiyahe sa Stallion Island? Tumawag sa akin ang Papa mo. Importante daw ang party na pupuntahan mo doon mamaya.”

Huminga siya ng malalim. the moment she was dreading. kundi lang nakasalalay ang buong kinabukasan niya dito ay hindi siya tutuloy.

“Kakayanin ko po. Matutulog na lang po ako sa biyahe.”

It was just for a night. May ilang oras pa siya para maghanda. Maybe Cody wasn’t so bad at all. And the kiss…well, he might not be so interested. Madidismaya lang ito kapag hinalikan siya. She was surely a boring kisser. Siguro naman ay di na siya nito guguluhin pa pagkatapos niyon.

Matutulog talaga siya at sana paggising niya ay di na niya kailangan pang makipag-date kay Cody. Magising na sana siya sa bangungot na 'yon.

Nakarinig siya ng ugong ng sasakyan na pumarada. Maya maya ay nakangiting pumasok ang Tito niya. "Freezia, nandito na ang sundo mo."

"Mamaya pang alas sais usapan namin ni Mang Kaloy, di ba?"

"Lamang naman ako ng isang paligo kay Mang Kaloy."

"Cody!" excited na tili ng Tita Minerva niya at sinalubong ito ng yakap. "Lalo ka talagang gumugwapo."

Nakatulala lang siya pero parang gusto na niyang sabunutan ang sarili. She was dreading for their date. She needed her time. Pero mukhang di iyon ibibigay ni Cody.

But it was weird. Bakit biglang nabuhay ang bawat himaymay ng laman niya nang makita ito? Wala siyang tulog pero parang energized na energized siya?

"Nag-breakfast ka na ba, hijo?" tanong ng Tito Ralph niya.

"Hindi pa nga po. Umalis po agad ako ng villa. Kasi aabutin po ako ng tanghalian. Di agad ako pinaalis ni Auntie. Sabi ko po dito ako tutuloy kaya pumayag," sabi ni Cody at tumabi sa kanya. "Hi!"

Pinili niyang mag-concentrate na lang sa laman ng pinggan niya. Bakit parang nanginginig siya? Katabi lang naman niya si Cody.

"Naku! Walang ganang kumain si Freezia. Paborito niya pa mandin ang niluto ko," sumbong ng tita niya.

"Alam ko na. Susubuan na lang kita," sabi ni Cody.

Bigla siyang lumingon dito. "Ano?"

Subalit nakaumang na ang tinidor na may nakatusok na longganisa sa kanya. Bigla na lang ay katakam-takam ang longganisa sa paningin niya. Or maybe it was Cody's smile. Her mouth opened in its own volition. Parang nahipnotismo siya ni Cody. Iyon siguro ang dahilan kaya milyon ang kinikita nito bilang modelo at milyon din ang kababaihang nahahalina dito.

"Thank you," namumula niyang usal. Bakit ba di siya kumontra dito? Samantalang nakokornihan siya sa mga taong nagsusubuan. Di naman na siya bata.

"Honey, super sweet nilang dalawa. Kailan mo ba ako huling sinubuan?" lambing ng Tita niya sa Tito niya.

"Pwede ba naman kitang tanggihan, Honey?" anang Tito niya at sinubuan ang Tita niya.

"Gusto mo pang subuan kita?" alok ni Cody sa kanya na may kasamang ngiti.

She pouted her lips. "No thanks. Kaya ko na ang sarili."

Bigla siyang napakain ng madami. Mukhang kailangan niya iyon dahil mapapasubo siya kay Cody.

HINDI mapakali si Freezia habang nakaupo sa tabi ni Cody. Nasa likuran siya ng kotse nito na magdadala sa kanila sa private airstrip. Doon ay nakaantabay na ang eroplanong magdadala sa kanila sa Stallion Island.

"May surot ba sa kotse ko, Mang Andres?" tanong nito sa driver nito. "Di kasi komportable ang ka-date ko."

Matalim niya itong tiningnan. Ipinagdiinan talaga nito na magka-date sila. Ito ang malaking surot sa buhay niya. "Di mo naman ako kailangang sunduin."

Ginagap nito ang kamay niya. "No. Obligasyon ng isang lalaki na sunduin ang ka-date niya."

Kumurap siya. "Cody, kasisikat pa lang ng araw. Ang pagkakaalam ko mamayang gabi pa ang usapan natin."

"Excited po 'yan sa date ninyo, Ma'am. Kuntodo papogi pa si Sir para daw ma-in love kayo sa kanya," pambubuko ni Mang Andres.

"Ma-in love ako sa 'yo?" nakataas ang kilay niyang tanong kay Cody. Iyon ba ang goal nito?

"Ano naman ang masama kung ma-in love ka sa akin?"

Humalukipkip siya at tumingin sa labas. "Falling in love with you would be a disaster."

Pumaling ito ng upo at bahagyang humarap sa kanya. "Bakit mo naman nasabi 'yan? Na-in love ka na ba sa akin?"

She decided to shut her mouth. Di niya pwedeng sabihin dito na minsan niya itong minahal pero umasa lang siya sa wala. At di lang siya ang babaeng dumanas ng masaklap na kapalaran. Cody could easily make a woman fall for him but he would never love her back.

Humikab siya at naipagpasalamat na sa wakas ay dinalaw siya ng antok niya. "Antok na ako, Cody. Kung ayaw mo ng ka-date na mukhang bilasang isda mamaya, hayaan mo muna akong matulog."

"Okay." Bago pa siya nakahuma ay kinabig nito sa balikat at ihinilig sa dibdib nito. "There. Mas komportable ka na." He kissed the top of her head. "Matulog ka na. I will keep you safe."

Si Cody ang huling taong paniniwalaan niya pagdating sa pangako. Subalit naging madali para sa kanya na tangayin at antok. Maybe she was just tired. Or maybe the steady beat of his heart was like a lullaby luring her to sleep. O baka naman sinasabi ng puso niya na naniniwala itong poprotektahan siya ni Cody.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.