Freezia was having a good dream. Yakap daw niya si Cody. They were not fighting and it was okay. She even feels safe in his arms. Damang-dama niya ang init ng katawan nito at nanunuot sa pang-amoy niya ang panlalaking cologne nito.
It was nothing special but he gave her a heavenly feeling. She loved the Cody of her dreams. Hindi ito nakakainis. And he was giving her a good and comforting feeling. Pakiramdam niya ay bata ulit siya.
"Freezia, wake up," untag ng boses ni Cody.
"No!" tutol niya. Lalo niyang ipinikit ang mga mata at isiniksik lalo ang katawan dito. "I like you better in my dreams, Cody. Kapag gumising ako, mag-aaway lang tayo." Ayaw niyang matapos pa ang magandang panaginip na iyon.
She felt his chest rumble when he let out a masculine laugh. Hinaplos nito ang buhok niya. "I hate to cut your dream short since it’s me you are dreaming about. Pero kailangang gising ka kapag idinaan kita sa terminal. Pagkatapos pwede ka nang matulog para sa party mamaya."
Party. Pamba-blackmail ni Cody. Ang kondisyon ng Papa niya para ibigay nito ang perang kailangan niya.
Her eyes flew open. Parang may taling humatak sa kanya mula sa mundo ng panaginip patungo sa realidad.
Pagmulat ng mga mata niya ay natuklasan niyang nakahilig siya sa matipunong dibdib ng isang lalaki. It has the same masculine scent with the one in his dreams. Bigla siyang tumuwid ng upo. Di na niya kailangan pang itanong kung sino ang ginawa niyang unan sa pagtulog.
Sinapo niya ang noo niya. Wala na sila sa kotse. Nasa eroplano na sila. Nang masulyapan niya sa bintana ng eroplano ang asul na dagat sa di kalayuan ay natiyak niyang nasa Stallion Island nga siya. "Anong nangyari?" tanong niya.
"Mahimbing ang tulog mo sa kotse. Di ko na inabala ang tulog mo."
"Paano ako nakasampa sa eroplano?"
"Binuhat kita," sagot nitong may halong pagmamalaki. "Kundi nga lang kailangan pa nating dumaan sa terminal pass, bubuhatin pa din kita. Gusto mo bang buhatin kita?"
Dali-dali siyang tumayo. "Hindi na. Kaya ko na ang sarili ko," protesta niya. Medyo liyo pa siya pero mas nakakahilo ang scenario na ipinakita nito. "Binuhat mo talaga ako?"
"It’s okay. Di ka gaanong mabigat."
"A-At nakahilig ako sa iyo buong biyahe natin?"
Tumango ito at marahang tumayo. "Yes. Para komportable ka." Isang nanunuksong ngiti ang sumilay sa labi nito. "And it works. Maganda ang naging panaginip mo tungkol sa akin."
Asar! Bakit kailangan pa niyang managinip tungkol dito? Baka kung ano-ano ang ginawa at sinabi niya dito habang natutulog siya. "It’s just a dream, Cody."
Sinubukan niyang pumunta sa aisle ng eroplano pero hinarangan siya nito. "Do you know that your dream is a product of your subconscious mind? It means that subconsciously, you have the hots for me.”
Great! Because of one silly dream, ipapamukha na nito sa kanya na patay na patay siya dito. Hindi tuloy niya alam kung paano tutuparin ang pangako niya sa Papa niya na pakisamahan ito ng maayos. He was draining her patience by the minute. And he was also draining her self control.
Masyado itong malapit sa kanya. At dahil malait lang ang espasyo ay halos magdikit ang katawan niya. Her senses were assaulted by the warmth of his body, by his scent. This was way better than her dreams. Sana nga ay panaginip na lang iyon dahil gusto niyang humimlay ulit sa bisig nito.
If only Cody was not so sure of himself. Alam kasi nito kung ano ang tindi ng karisma nito sa mga babae. And she didn’t want to be branded like his any other girl. That’s why she must keep her emotion in control. Hindi siya papayag na ma-in love dito ulit matapos ang date nila. Malaking kahangalan iyon. Pakikisamahan lang niya ito para sa parusa niya at para maibigay ng Papa niya ang pera niya. Nothing more.
“Cody, could you spare me the lecture on the subconscious mind? Inaantok na ako at mas gusto kong matulog at managinip kaysa i-analyze mo ang panaginip ko.” She smothered a yawn. “So if you’ll excuse me.”
“Okay,” anito at tumabi sa dadaanan niya.
“Thank you,” usal niya at lihim na nagpasalamat dahil hindi na ito nangulit pa. Wala na talaga siyang lakas para makipag-kulitan dito dahil ang gusto na lang ng katawan niya ay bumawi ng tulog. Tumili siya nang bigla siya nitong buhatin. “Cody! Ibaba mo ako!”
Ano ba ang pumasok sa kukote ng lalaking ito at binuhat pa siya? Nasisiraan na yata ito ng bait.
“Inaantok ka, di ba? Baka mamaya naghihilik ka na lang habang naglalakad. Mas matinding disgrasya iyon,” anito at walang kahirap-hirap na naglakad palabas ng eroplano.
“Hindi naman ako imbalido. Kaya kong maglakad hanggang sa terminal.” Parang mas naliliyo siya habang buhat nito. Pakiramdam niya ay idinuduyan siya nito.
Pumalatak ito. ‘I am not taking any chances. Paano kung madisgrasya ka? I promised that I will take care of you. Kaya kung kailangang buhatin kita, gagawin ko. At huwag ka nang kumontra. Baka masita pa tayo ng security. Gusto mo bang dalawin muna sila Oliver at Ridge?”
“Ayoko,” tanggi agad niya.
Hindi na siya nakipagtalo pa dito dahil pinagtitinginan na sila ng mga tao. Isinubsob na lang niya ang mukha sa dibdib nito. Parang katuloy lang ng panaginip niya. Ang kaibahan lang ay may malaking konsekwensiya ang pagsinghot niya sa bango nito.
"Good morning, Sir Cody and Miss Freezia!" bati ng staff na nagche-check ng pass nila.
Dumadaan muna sila sa security check bago makapasok sa Stallion Island. Dahil miyembro doon ang ilan sa maimpluwensiyang tao di lang sa bansa kundi sa mundo kaya mahigpit ang seguridad doon.
"Hi, Hazel! Si Freezia, date ko," pagmamalaki pa ni Cody.
"Ang sweet naman ninyo, Sir," nanghahaba ang ngusong sabi ni Hazel. Halata namang sarkastiko ang pagkakasabi niyon. Hindi naman kaila sa kanya na maraming kababaihan ang patay na patay kay Cody. Kahit nang di pa ito miyembro ng Stallion Island ay kasama na ito sa mga hottest bachelor sa bansa.
"Narinig mo 'yon? Sweet daw tayo," bulong ni Cody.
Sweet? Mapagkalaman pa siyang girlfriend nito. She didn’t want to make that impression. Ang masama ay iisipin pa ng mga tao na siya ang patay na patay kay Cody. "Ibaba mo na ako," mariin niyang utos kay Cody.
"Ayoko nga. Nahihilo ka pa."
"Okay lang po ba si Ma'am Freezia? Gusto po ba ninyong tumawag ako ng medics?" alok ni Hazel.
Ikinawag niya ang paa. "No. I am fine. Thanks anyway." Matalim niyang tiningnan si Cody. "Ibaba mo na ako sabi."
"Nag-aaway ba kayong dalawa?" tanong ni Ridge paglapit sa kanila.
Bigla siyang yumakap kay Cody. "Wala. Ang sweet nga naming dalawa," sa halip ay sabi niya.
"Sigurado kayong di kayo nag-aaway?" paniniyak ni Ridge na mukhang diskumpiyado sa kanila.
"Man, okay lang kami. Ang totoo niyan magka-date kami mamayang gabi sa party ni Prince Rostam. Sige magpapahinga pa si Freezia para sa party mamaya. May ka-date ka ba mamaya?"
Nalukot ang mukha ni Ridge. "Ano naman ang gagawin ko sa ka-date?" Saka ito naglakad palayo.
"Bilisan natin at baka balikan tayo ni Ridge Sungit," anito at ibinaba siya nang ii-scan na sila. "Killjoy talaga ng lalaking 'yon," komento ni Cody nang makalagpas sila sa scanner. Di na siya nito binuhat pero nakaalalay pa rin ito sa kanya. Di na siya nailang dahil parang napakanatural na lang na alalayan siya ni Cody.
"Nakakatakot kamo siya. Kapag tinitigan ka niya,parang mapapaamin ka niya na ikaw ang pumatay kay Rizal."
Luminga-linga si Cody na parang natatakot ito na may makarinig pa sa kanila kahit na sila lang ang sakay ng e-jeepney. "Ang totoo takot din ako kay Ridge. Kaya ayoko rin mapupunta sa security office."
Humalakhak siya sa kauna-unahang pagkakataon. Nabasag na ang tensiyon sa pagitan nila. Cute kasi si Cody kahit na natatakot. "Sa laki ng katawan mo na 'yan?" tudyo niya dito.
"Tao lang ako. Takot nga ako sa kagat ng langgam."
"Hanggang ngayon?"
"Kahit sa personal file ko sa Stallion Island wala 'yon kaya sa 'yo ko lang sinabi."
His weakness didn't make him any less charming. At natutuwa siya dahil parang mga bata ulit sila na pinagtatawanan lang nila ang mga sekreto at kahinaan nila.
Sa sobrang pagkalibang niya ay di niya napansin na tumigil na ang e-jeepney. "Sir Cody, dito na po kayo."
Nagtaka siya dahil sa halip na sa bahay ng Kuya Noah niya ay nasa harap sila ng Island Spa. "Bakit dito tayo tumuloy?"
"Gusto kong mag-relax ka muna. Alam ko na marami kang trabaho at iniisip. Kalimutan mo muna ang lahat ng iyon." Hinawakan nito ang balikat niya. "Sa araw na ito,gusto ko ako lang ang isipin mo."
"Okay."
Wala naman sigurong masama kung maging magaan ang loob niya kay Cody sa araw na 'yon. Kung nahipnotismo man siya nito, nagayuma o dahil kulang siya sa tulog, di na iyon mahalaga. Ang importante ay may party siyang pupuntahan mamaya.
"ANONG ginawa ninyo sa akin?" tili ni Freezia nang matapos maayusan at makita ang sarili sa salamin.
"Bakit? Maganda ka naman at sexy," anang stylist na si Mia na natuliro sa pagtili niya.
"Masyado akong maganda at sexy," paglilinaw niya. Ni hindi niya nakilala ang sarili niya. She was wearing a translucent green gown that clung to her curves. Nakalugay lang ang buhok niya na di niya napansing mahaba na pala. And the make up artist did something to her skin that made it look so smooth. Almost unreal. Kahit ang mata niya ay nag-compliment sa gown niya.
"Don't you think this is too much?" tanong niya sa stylist.
"That's perfect. Tingnan ko lang kung maialis ni Cody ang tingin sa iyo mamaya."
Hindi siya sanay sa itsura niya ngayon. Wala siyang hilig sa mga parties. Kung dumadalo naman siya ay di niya gustong mag-stand out. Naiilang siyang pinagtitinginan ng mga tao. Magugustuhan ba ni Cody ang itsura niya?
"Miss Freezia, maganda ka naman. Without the make up and the sexy dress, you still are. Di mo lang kasi iniisip na ganoon ka. Kahit man lang ngayong gabi, i-appreciate mo ang ganda mo."
Ganda? Di naman niya iyon pinapansin dati. Well, it wasn't so bad to look beautiful at all.
Makalipas ang ilang minuto ay kinatok na siya ng Kuya Noah niya. "Freezia, nandito na ang ka-date mo."
"I am ready," she said then grabbed the beaded purse. Isang beses pa niyang sinulyapan ang sarili sa salamin. Everything about her screamed as Cody's woman. Okay lang i-enjoy ang gabing iyon. As long as there won't be any repercussions like falling in love with him and breaking her heart.
Kinatok ulit siya ng Kuya Noah niya. "Freezia, naghihintay na ang Ate Olay mo."
"Nandiyan na po." Pagbungad niya ng sala ay nagkukwentuhan ang Kuya Noah niya at si Cody. Both were breathtaking in their black tuxedos. She took her time to watch Cody. Kahit anong ipasuot dito ay makisig talaga ito. Lagi niyang sinasabi na ang Kuya Noah niya ang pinakaguwapong lalaki para sa kanya. That was she being biased as a sister of course. But Cody rivaled that place in her heart. "Sorry kung na-late ako."
Natigagal ang dalawa nang makita siya. Puno ng paghanga at pagkamangha ang mababakas sa mukha ni Cody. "Exquisite!" usal nito na parang noon lang siya nakita.
"Who are you?" her brother asked. "Nasaan na ang kapatid kong makakalimutin magsuklay at make up ang putik?"
Namula ang pisngi niya at yumakap sa baywang nito. "Si Kuya talaga!" Di siya sanay kapag binibiro nito.
"She turned into a beautiful fairy," Cody declared without taking his eyes off her. As if he was mesmerized. Inabot nito ang kamay sa kanya.
Akmang aabutin niya iyon nang pigilan siya ng Kuya Noah niya. "Promise me that you'll take care of my sister and you won't make her cry."
"Kuya, magde-date lang kami. Di kami magpapakasal," angal niya.
Subalit di inalis ng kuya niya ang tingin kay Cody. "Cody?"
"Paiiyakin niya ako pero di ko siya paiiyakin," sabi ni Cody.
Saka lang ibinigay ng kuya niya ang kamay kay Cody. Di niya talaga maintindihan ang trip ng mga lalaking ito.
Huminga nang malalim ang kuya niya nang humawak siya sa braso ni Noah. "I just can't believe it. Dalaga na ang kapatid ko. Mukhang kailangan kong paghandaan ang mga lalaking magyayaya ng date sa iyo mula ngayon."
Narinig niya ang lungkot sa boses ng kapatid niya. Mga bata pa lang sila ay lagi na silang magkakampi sa mga laban. He became her protector when their mother died. Madalas niyang maramdaman na parang bata ang trato nito sa kanya. Perhaps he realized that she was a grown up now. He needed to let her go somehow. Tulad nang binawasan niya ang pagiging dependent dito nang magkanobya na ito. Alam kasi niyang dadating ang panahon na magkakaroon din ito ng sariling pamilya.
Paglabas ng villa ay isang karwahe ang naghihintay sa kanila. It was a white carriage pulled by two white horses. “Wow! Pakiramdam ko tuloy prinsesa ako,” excited niyang sabi. Ganoon siguro ang pakiramdam ni Cinderella nang dadalo ng ball.
“Prince Charming, bring my sister home before twelve,” biro ng Kuya Noah niya bago sumakay sa sarili nitong karwahe para sunduin ang nobya nito.