Stallion Island Series Chapter 182

“Wow!” nausal ni Freezia habang tumatakbo ang karwahe papunta sa cable car station na maghahatid sa kanila sa The Peak, ang animo’y koronang palasyo ni Prince Rostam kung saan gaganapin ang isang magarbong party.

Lalo lang siyang nae-excite dahil first time niyang nakasakay sa horse carriage. Pakiramdam din tuloy niya ay magical ang lahat ng nakikita niya kahit na kung tutuusin ay nakatungtong at naikot na niya ang Stallion Island bago pa man iyon magbukas sa publiko.

“You like the carriage ride?” tanong ni Cody.

Tumango siya. “And I also like the dress, the spa treatment, the massage and even my make up. Thank you!” Pakiramdam tuloy niya ay hindi parusa ang ibinigay nito sa kanya. It was like a gift. She was rediscovering herself and she loved it. pakiramdam niya ay bagong tao siya.

Iniwas nito ang tingin sa kanya. “Mabuti ka pa masaya.”

Pinakatitigan niya ito. Hindi maipinta ang mukha nito at parang hindi ito masaya sa mga nangyayari. “Cody, what’s wrong? May mali ba sa damit ko o sa ayos ko?” Sabi nito kanina ay exquisite niya. Pakiramdam tuloy niya ay sobrang ganda niya. Baka naman nagiging polite lang ito.

“No. you are perfect,” he said in a clipped voice.

“Bakit parang labas sa ilong mo?”

Ginagap nito ang kamay niya. “Freezia, gusto mo ba talagang pumunta sa party?”

Nagtaka siya. Cody was a party animal. Wala itong party na pinapalagpas. “Ayaw mo nang pumunta sa party?”

“Ayokong may ibang lalaking makakita sa iyo.”

Tinaasan niya ito ng kilay dahil nainsulto ang kagandahan niya. “Bakit? Kasi hindi ako kasing ganda ng mga dati mong nakaka-date? Hindi pa sapat ‘yung nagastos mo sa akin para maging presentable na ipakilalang ka-date mo?” mataray niyang tanong at binawi ang kamay dito.

“Freezia, wala akong sinasabing pangit ka. You are too beautiful tonight. Natatakot ako na kapag idinala kita sa party, baka may umagaw na lang sa iyo. I don’t think I can bear that.”

Pinagtawanan lang niya ito. “Come on, Cody. Para namang di kilala ng mga lalaki dito kung sino ako. I am Freezia Munieca. At expertise ko na kausapin ang mga halaman at mga bulaklak. Kundi mo ako pinilit na makipag-date sa iyo, walang makikipag-date sa akin. Akala niya nasisiraan ako ng bait or naeengkanto.”

Umiling ito. “No. Oras na makita ka nila, kalilimutan nila ang lahat ng iyon. Believe me. They will go after you.”

“Cody, isang gabi lang ako magiging maganda. Parang si Cinderella. Bukas ng umaga, babalik ulit ako sa pagiging babaeng nagme-make up ng putik,” paglilinaw niya dito. “Hindi ako katulad ng ibang mga supermodels at artista na naka-date mo kung saan mas kinaiinggitan ka ng mga lalaki.”

Sumandal ito. “’Yung mga babaeng nai-date ko dati, okay lang sa akin kahit na agawin ng ibang lalaki. But not you. Ayokong may ibang lalaking titingin sa iyo at di rin ako papayag na makipag-date ka sa iba.”

“Wala rin naman sa plano ko na makipag-date sa iba,” nausal niya. Di niya alam kung bakit kailangan niyang sabihin iyon kay Cody. Siguro dahil nagtataka siya sa pagiging possessive nito. And it somehow made her more beautiful. As if he was staking a claim on her.

Muli nitong ginagap ang kamay niya. “Good!”

“Kung hindi tayo pupunta ng party, saan mo naman ako dadalhin?”

Inutos nito sa coach ng karwahe na dalhin sila sa bahay ni Cody. It was a homey cottage at Mist Village. “Parang ganito ang bahay ninyo sa farm sa San Martin noong hindi pa kayo lumilipat,” sabi niya. Alam niyang doon ang bahay ni Cody pero hindi pa siya nakakapasyal. Ayon din sa Kuya Noah niya ay masyadong sagrado ang bahay na iyon ni Cody. Hindi ito nagpapabisita ng kung sinu-sino. Dahil kapag umuwi sa cottage nito si Cody ay mas gusto nitong mapag-isa.

“Pakiramdam ko kasi kasama ko ang Mama ko sa bahay na iyon.” Idinala siya nito sa verandah.

“May wooden swing din.” Di na siya nito napigilan nang sumampa siya sa swing at nagduyan. “I miss this.” Ang wooden swing na iyon ang paborito niyang bahagi sa bahay nila Cody. Wala kasi silang swing sa bahay. Ipinatanggal ng Papa nila nang umurangod siya dahil sa kalikutan niya noong bata pa siya.

Noong mga bata kasi sila ay lagi silang magkalaro ni Cody. At kapag nasa swing sila ay kasama nila ang Mama nito at kinu-kwentuhan sila.

“Mabuti naman nagustuhan mo ang bahay ko,” sabi ni Cody at umupo sa tapat niya. “This is my new home now.”

Tinanggal niya ang sapatos niya. “I thought you are a city boy. Na mas gusto mo ang party scene ng New York, London, Tokyo…”

“That’s part of my job. Kailangan kong um-attend sa mga events na iyon and pretend to enjoy them.” Pumikit ito at pagkuwan ay idinilat din ang mga mata. “But it’s not who I am.”

“Sino ka ba talaga?” tanong niya na biglang naging interesado sa isasagot nito. Ang kilala niya ay ang nakakainis na Cody na laging pinaliligiran ng mga naggagandahang babae.

Ayon nga sa Papa nito at sa madrasta nito ay di tumatagal ng beinte kuwatro oras si Cody sa probinsiya. He was always on the go. He loved the spotlight. May sakit na lang daw si Cody kapag tumanggi ito sa party.

Malayong-malayo ito sa batang nakakasama niya dati. Tat Cody wouldn’t mind getting down and dirty. He was now a man of the world.

“Ako ang batang kala-kalaro mo pa noon, Freezia. ‘Yung aakyat ng puno ng bayabas at mangga kahit na mapalo pa ako ng Papa ko. ‘Yung kasa-kasama mong nanghuhuli ng tutubi.” Sumandal ito at inugoy ang duyan. “Gusto ko pa ring naririnig ang agos ng ilog at ang huni ng kuliglig at palaka. This is my haven, my world. At isa ka sa iilang nakakaalam ng totoong ako.”

Ipinilig niya ang ulo dahil di siya makapaniwala sa rebelasyon nito. Sa isang araw na iyon ay maraming sekretong ibinunyag sa kanya si Cody. Hindi lang niya mai-relate ang sinasabi nitong Cody na kalaro niya noong bata pa. He was too elegant and sophisticated now. Mas bagay ito sa mga maiingay at magagarbong parties kaysa sa tahimik na bahay sa tabi ng batis kasama ang mga kuliglig at palaka. Masyado nang maraming nagbago.

“But you are leading an entirely different life, Cody. Kung ganitong tahimik na buhay pala ang gusto mo, bakit ka pa nag-model?” She didn’t get the contradiction. “At mukha namang nag-e-enjoy ka sa trabaho mo at sa buhay mo. You are always the life of the party. As if you are always on top of the world. Tapos pinagkakaguluhan ka pa ng magagandang mga babae. Huwag mong sabihin sa akin na hindi talaga iyon ang gusto mo? ”

Ikiniling nito ang ulo. “That’s just my escape, Freezia. Sometimes the reality is so sad. It makes me feel lonely.”

“I am sorry,” mahina niyang usal.

Cody had a stormy childhood and teenage life. Masakit dito na namatay ang Mama nito. Hindi niya alam na masyadong malalim ang sugat na iniwan niyon. Akala niya ay naka-recover na ito sa mga trahedyang pinagdaanan ng pamilya nito pero mukhang di lahat ng sugat ay naghihilom. He was just trying to cope. Escaping as he phrased it. With all those spotlights, people surrounding him and the world’s eyes on him, how come he is alone inside?

He was seeing Cody in a new light. Binubuksan nito ang buhay nito sa kanya. He trusted her just like before. At marami pa siyang gustong malaman tungkol dito. She reached a point in time when she didn’t care about him at all. Hindi na siya interesado sa nangyayari sa buhay nito dahil di na rin naman siya importante dito.

Pero hindi sa gabing iyon. Dahil ang buong atensiyon ni Cody ay nakatuon lang sa kanya. At ibibigay din niya ang buong atensiyon dito.

Lumipat ito sa tabi niya at tinitigan siya. “So tell me. Bakit halos walang nagbago sa iyo?”

Nagsalubong ang kilay niya. “Ibig sabihin eight years old pa rin tingin mo sa akin hanggang ngayon? Malala ka pa sa kuya ko. Tumangkad naman ako, Cody. At hindi na ako ang patpating bata na nakilala mo.” May korte naman ang katawan niya. Mukha bang wala?

“Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Ilang taon na ang lumipas. Yet you still have that aura of innocence around you. Na parang nagbago na ang mundo pero hindi ikaw.”

“Yeah! Lahat nagbago but I am still a boring person.”

Mahina itong tumawa. “You are never boring.”

Tumingala siya dahil naiilang siya sa titig nito. Pero parang kinikiliti naman ang tainga niya sa tawa nito. That was sexy. “Siguro dahil hilig kong makipag-usap sa mga halaman at bulaklak. Lahat ng frustrations ko at inis ko, sa kanila ko sinasabi. It helps na may kausap minsan. Magandang therapy ‘yon.”

“Or maybe because you have so many people who loves you.”

Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. Huminga siya ng malalim. All thiss time, she thought Cody was okay. “Para namang sinabi mong walang nagmamahal sa iyo.” Ginagap niya ang kamay nito. “Marami kang kaibigan dito. May mga taong nagmamahal sa iyo.”

“Hindi naman ganoon kadali sa lalaki na sabihin ang nararamdaman namin,” pag-amin nito. “Ayoko namang si Andrya ang kausapin. Pakiramdam ko may sira ako sa tuktok kapag nagsa-psychoanalyze siya ng laman ng utak ko. But I am glad that you are here. Matagal na tayong hindi nagkukwentuhan.”

“Years, actually.” Nang lumawak na ang mundo ni Cody at napaligiran na ito ng maraming admirers, pakiramdam niya ay lumayo ito ng lumayo sa kanya. “Kung kailangan mo ng kausap, nandito lang naman ako.”

“Okay lang na kausapin kita kahit busy ka na kausapin ang mga tanim mo? parang mas gusto mo silang kausapin kaysa sa akin.”

“Kasi wala ka nang ginawa kundi inisin ako,” aniya at pinanlakihan ito ng mata.

“Nagpapapansin lang,” parang batang sabi nito. Umusod ito palapit sa kanya hanggang halos ilang pulgada na lang ang layo nito sa mukha niya. “Ibig sabihin niyan mahal mo ako?”

“Ano?” bulalas niya at bahagyang inilayo ang mukha dito.

“Sabi mo kailangan ko ng taong makakausap. Na kailangan kausapin ko ang mga taong nagmamahal sa akin. Sabi mo pwede kitang kausapin kung gusto ko ng kausap. You care for me. Ibig sabihin mahal mo ako?”

Namanhid ang dila niya. Ano ba ang dapat niyang isagot sa tanong nito? Cody was putting her on the spot. O baka naman siya lang ang nag-iisip niyon. Siguro naman ay walang masamang ibig sabihin iyon.

“I can be your good friend,” sa halip ay sabi niya. That was safe enough.

“Ibig ngang sabihin mahal mo ako?” giit nito.

Hindi yata talaga siya titigilan nito hangga’t di nito nakukuha ang sagot nito. “Oo na. Mahal na kita.” Bumuka ang labi niya para i-rephrase iyon. The question didn’t sound right and her answer obviously didn’t sound right either. Bakit sinabi niya dito na mahal niya ito?

“Thank you for loving me, Freezia.”

His hands gentle kneaded her face and his face descended. It was like a fairy tale. She could taste his sweet kiss even before his lips touched hers. She was trembling again. Hinawakan niya ang kamay ni Cody pero wala siyang planong pigilan ito. She could see it in his eyes that there was no stopping this.

Kusang pumikit ang mga mata niya nang sumayad ang labi nito sa labi niya. It was like a fairy tale. Kahit na nakapikit ang mga mata niya ay nagsasabugan ang iba’t ibang kulay at liwanag. He masterfully skimmed her lips.

It was a gentle kiss. Pero binago siya niyon sa ilang sandali lang. Cody was generous. He was not a conqueror at all. Ni hindi siya nakaramdam ng takot na baka sinasamantala siya nito. His kiss told her that she could trust him.

“Freezia,” usal nito sa pangalan niya.

Nang idilat niya ang mata ay nakatitig ito sa kanya. Bakit parang malungkot ang mga mata nito?

No! Huwag sana nitong sabihin na isang malaking pagkakamali na hinalikan siya nito o kaya naman ay wala iyong ibig sabihin. That kiss was special for her. Sana huwag na iyong pababain pa ni Cody o dungisan. That would break her heart into pieces.

May kumislap sa di kalayuan na nakahuli sa mga mata niya. “Tingnan mo! May ilaw doon,” aniya at itinuro ang nagkukumpulang mumunting liwanag sa di kalayuan.

Lumingon si Cody sa direksiyong itinuro niya. “Alitaptap ang mga iyon. Kapag tag-ulan naglalabasan sila.”

Dali-dali siyang tumayo at bumaba ng swing. Saka niya tinakbo ang pinamumugaran ng mga alitaptap. She needed to get away from Cody. Natatakot siya sa sasabihin nito o sa maari nitong gawin.

Damn it! di siya dapat pumayag na mapag-isa kasama nito. Dapat ay tumuloy na lang sila sa party. Mas ligtas siya kung maraming tao sa paligid nila. Hindi sana sila napag-isa. Hindi sana siya nakinig sa mga kadramahan nito at di siya nagpadala sa emosyon niya. Mahina talaga ang puso niya pagdating kay Cody. At hindi sana siya nagpahalik dito. She must have lost her mind.

“Freezia, mag-ingat ka diyan,” bilin ni Cody at narinig niya ang yabag nitong papalapit sa kanya.

She walked without seeing anything at all. Madilim ang bahaging iyon. Kahit ang mga alitaptap ay hindi na niya napansin. Ang gusto lang niya ay makalayo kay Cody kahit sandali ay bawiin ang katinuan niya.

“Freezia, huwag kang pumunta diyan!” sigaw ni Cody.

Subalit huli na dahil dumulas na ang paa niya. Isang malakas na tili ang kumawala sa kanya nang tuluyan siyang mahulog sa malamig na tubig ng batis.

Sinubukan siyang abutin ni Cody subalit huli na dahil nalaglag na. Nawalan din ito ng balanse sa pagsunod niya at ang sumunod na paglabusaw ng tubig sa batis ay mula na sa pagbagsak ng katawan nito.

“Okay ka lang ba?” tanong nito at hinapit ang baywang niya.

Tumango siya at nanginginig ang labi niya sa tubig. “O-Okay lang… ako.”

“I don’t think makakahabol pa tayo sa party nito,” sabi nito at umiling. “Basa na tayong dalawa.”

“And our dresses are ruined.” Tumawa siya at ginulo ang buhok nito. “Pero guwapo ka pa rin sa basang tuxedo, Mr. Santillia.”

“And this is all your fault.”

Humalakhak lang siya. She wished that she could blame him back. Kasalanan nito dahil hinalikan siya nito. the emotions that he evoked within her made her run away.

Inalalayan siya nito. “Umahon na tayo. Ayokong magkasakit ka. It’s getting colder here by the minute. Lalo akong pagagalitan ng Kuya Noah mo kapag nagkasakit ka.”

Hindi na siya nakatutol nang yakapin siya nito pag-ahon nila. kailangan niya ang init ng katawan nito para di niya maramdaman ang lamig. Marami siyang kapalpakan sa gabing iyon at baka batukan din niya ang sarili niya kapag mapag-isa na lang siya.

But Cody was making her feel alive. Kung pwede lang sana na huwag nang matapos ang gabing iyon.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.