Nanginginig sa lamig si Freezia nang makaahon sa batis. Parang mas gusto na lang niyang bumalik sa tubig. But Cody's warm body prevented her from doing so. Nang makita nito ang panginginig niya ay lalo siyang hinapit nito palapit.
"Pagdating sa bahay, mag-hot shower ka agad," sabi nito.
The prospect of a hot shower was very welcoming indeed. Sobrang lamig sa Mist Village kapag gabi tapos ay nabasa pa siya.
Lalo niyang nakita ang extent ng kapalpakan niya nang tumapak sila sa pinto ng bahay ni Cody. Pareho silang mukhang basang sisiw. At least he looked dashing in his wet state. It only made him utterly irresistible. While was a mess. Nakaplastada ang gown niya sa katawan niya na ngayon ay putikan na. Nahulasan na rin ang make up niya.
"I am sorry. That was silly of me. Ni hindi ko napansin malapit na ako sa tubig."
"Masyado kang excited na makita ang alitaptap. Parang bata ka pa rin," anito at hinawi ang buhok niyang dumikit sa pisngi niya.
Kinagat niya ang labi niya. It was her being an adult that made her run away. Natatakot siyang harapin ang nararamdaman niya. That kiss was like a surge of tidal wave. Tinangay at ipinaghagisan siya. At natatakot siya na kapag hinayaan pa niya ang sarili niya na magpadala sa nararamdaman niya, baka madisilusyon lang siya.
“May hot shower sa guestroom,” anito at inilahad ang kamay para igiya siya sa direksiyon.
Itinaas niya ang paang puro putik at di itinuloy na itapak iyon nang makita na makintab at walang kaaali-alikabok nitong sahig. Nilingon niya si Cody. “Ah, Cody…”
“Go ahead,” Cody urged. “Walang papalo sa iyo kapag dinumihan mo ‘yan. Di na si Aling Desta ang tagalinis ko.” Noong mga bata kasi sila ay hinahabol sila ng palo ng mayordoma sa bahay nito kapag nadudumihan nila ang sahig. Galit na galit si Aling Desta sa maduming sahig at hina-high blood ito sa putik. “Kasalanan ko rin naman kung bakit nagkabasa-basa tayo.”
“Bakit kasalanan mo?” tanong niya. Did he know that his kiss made her run away? Na natatakot siya sa nararamdaman niya?
“Because I… I…” Sinabunutan nito ang sarili. There was agony in his eyes. “I shouldn’t let you run away from me.” Idinala niya nito sa guestroom. “May bagong robe dito. I am afraid we have to order clothes from Ayumi’s botique.”
“Walang iniiwang damit dito ang mga nakaka-date mo?” tukso niya.
Namaywang ito. “Freezia Munieca, ikaw pa lang ang unang babaeng idinala ko dito. Just call me if you need anything.”
Ano nga ba ang kailangan niya? She needed to exorcise him from her system. Masyado siyang nalilibang sa pagbalik nila ni Cody sa nakaraan. The replica of that cottage brings so much good memories. Back to the days when she fancied herself that she would marry Cody someday. It made her feel warm and happy. It scared her at the same time.
Napatunayan niyang hirap siyang kontrolin ang emosyon niya pagdating kay Cody. And how could she hate him now? Cody was opening his heart to her. Isang bagay na di naman nito ginawa sa ibang tao o sa ibang naka-date nito. Sa mga panahong nag-iisa ito, gusto niya na naroon siya sa tabi nito
She enjoyed the mandarin bodywash. Paborito niya iyon sa mga products ni Illiana. It was a part of her dream. Hanggang nakakaraang araw ay isang malaking ordeal sa kanya na makasama si Cody. Na ginagawa lang niya iyon para makabawi siya sa kasalanan niya dito at para makuha niya ang perang kailangan niya mula sa Papa niya.
Pero napakalayo na niyon sa isipan niya. Cody was just like that mandarin bodywash. He made her feel all-woman. He filled her senses. She knew she must stop feeling for him soon. Di lang niya alam kung paano.
Paglabas niya ng bathroom ay nakapatong sa kama ang paper bag na may tatak ng Ayumi Creations. May laman iyong dress na may butterfly print. Namula siya nang makita na may underwear din iyon.
Sakto ang damit sa kanya maging ang underwear. Paano kaya nalaman ni Cody ang size niya?
Di tuloy niya masalubong ang mga mata nito nang magkasalubong sila sa hallway. He was devastatingly gorgeous. Nakapantalong maong lang ito at plain black shirt pero na-emphasize ang impressive physique nito.
"Sabi na nga ba bagay sa 'yo ang dress na 'yan. Remember that summer when I returned from Italy? Parang ganyan ang suot mo."
"I-Ikaw ang pumili?" tanong niya.
Tumango ito. "Thru their online store, of course. Mabuti din naka-duty si Mia. I asked her to pick the rest of the essentials for you."
Nakahinga siya ng maluwag. Akala niya ay si Cody ang pumili ng lahat. May mga lalaki kasi na ipinagmamalaki ang expertise sa mga babae na isang tingin lang ay alam na agad ang size ng isang babae.
Inakay siya nito papuntang verandah. "Nagpahanda ako ng konting dinner para sa atin. Basta huwag mong pagtatawanan."
"Party spaghetti?” Party spaghetti ang tawag nila ni Cody sa spaghetti na maraming sauce, cheese at hotdog. “Puto at kutsinta? Choco fudge!" aniya at di mapigilang bumulanghit ng tawa.
Kinudlitan siya nito ng choco fudge sa pisngi. "Sabing huwag mong pagtawanan. 'Yan lang ang available sa Lighthouse Restaurant at mabilis na maipe-prepare. Halos lahat ng staffs sa restaurants dito busy sa party ni Prince Rostam."
"The spaghetti is fine," aniya at ipinagsandok ang sarili. "Kapag nagpi-picnic tayo dati, Mama ko ang nagluluto ng dessert at Mama mo naman sa spaghetti." Nakakalungkot na pareho nang wala ang mga nanay nila.
"Stop being polite. This is far cry from the hors d'oeuvre that they serve at the party. Nakakahiya sa iyo."
Siguro nga di iyon gourmet food pero marami naman siyang masasayang alaala doon. It reminded her of her childhood. Pati na rin mga simpleng bagay na nagpapasaya sa kanya.
"Wala naman talaga akong hilig sa ganoong party. Mas gusto kong kumain ng spaghetti..."
"...at maligo sa batis ng naka-nightgown."
Pinagmasdan niya ito. She could see the air of satisfaction around him. As if he was enjoying every minute with her. Pero di pa rin siya sigurado.
"I am sorry about the tuxedo. Dismayado ka siguro dahil sa halip na santambak na babae ang kasama mo, ako pa ang nakasama mo."
"Bakit naman ako madidismaya? Kasama naman kita. Mas madidismaya ako kung kasama kita sa party at gugustuhin kong takluban ng bayong ang lahat ng lalaking titingin sa 'yo. At least I have you for myself now."
Mahina siyang tumawa. Parang exaggerated kasi ang pagkaka-describe nito sa kagandahan niya. "Come on. I am hardly a goddess. Baka nga ako ang pinakapangit sa lahat ng naka-date mo."
"Pangit? You don't really appreciate yourself that much, do you?" Tinitigan nito ang mga mata niya na puno ng emosyon. He smiled at her with admiration. "You are a fairy, Freezia. You didn't know that you work your magic on me and you enchant me. And it makes me want to kiss you."
Saka dahan-dahang inilapit ang mukha sa kanya. There was her warning. Nagsabi muna ito na hahalikan siya. Pwede pa siyang tumakas. Kissing him the second time around would be insane. Parang tumalon siya sa kumunoy nang dilat ang mga mata.
But the temptation was so strong. Parang may hipnotismo
ang mga mata nito. Ni di niya matandaan ang salitang “huwag". She wanted to feel his lips against hers. She wanted to taste him. Saka na niya 'yon pagsisisihan kapag bumalik na ang katinuan niya. Cody made her realize what she had been missing.
She was acting impulsively. She was acting without thinking but she didn’t care. She couldn’t stop Cody. She didn’t want to. He touched her hair before his lips hovered over hers. As if she was preparing her to something magical.
She closed her eyes and gave herself up for the kiss when she heard the cellphone ring. Naramdaman niya ang pagtigil ni Cody. “I am sorry. I just need to answer the phone call.”
Mariin siyang pumikit at napaungol sa panghihinayang. Sino ba ang perhuwisyong caller na iyon?
“Tumatawag ang kuya mo,” sagot ni Cody sa tanong sa isipan niya.
Nataranta siya. “Hindi mo ba sinabing di tayo tutuloy sa party?” tanong niya kay Cody.
Mariing nagdikit ang labi nito. That answered her question. Mukhang nawala rin sa isip nito. Naglagay ng distansiya si Cody sa pagitan nila at saka nito sinagot ang tawag. “Hello.”
“Cody, saan mo idinala ang kapatid ko? Bakit wala kayo dito sa party?” dinig niya mula sa naka-loud speaker nitong cellphone.
Napapikit si Cody sa lakas ng sigaw ng Kuya niya. Her overprotective brother. “Hindi na kami tumuloy sa party. Nandito kami sa cottage ko.”
Lumapit siya kay Cody kaya nahimigan na niya ang sinabi ng kuya niya. “At anong ginagawa ninyo diyan?”
Nilingon siya ni Cody. “Nagtanan na kami.”
Pinanlakihan niya ito ng mata at sinubukang agawin ang cellphone dito. “Anong nagtanan? Hindi tayo nagtanan!” tanggi agad niya.
“Sasabihin ko na lang pinikot mo ako,” biro nito.
Hinampas niya ang braso nito. “Baka isipin ni Kuya Noah totoo iyan. Kung ayaw mo pang matapos ang pagbubuhay binata mo, tigilan mo ‘yang kalokohan mo,” banta niya. At her most insane moment, di niya alam kung ano ang kaya niyang gawin. Baka mapikot nga niya si Cody.
Bumuntong-hininga si Cody. “Wala kaming ginawang masama. Don’t worry. There’s just this little accident. Freezia chased the fireflies at nalaglag siya sa creek. She’s safe.” Hinilot ni Cody ang sentido. “I know. I know.”
Humalukipkip siya dahil mukhang usapang lalaki na ang nangyayari. Di na niya alam kung anong sinasabi ng Kuya Noah niya kay Cody.
“Gusto mong iuwi ko siya ngayundin?” Tiningnan ni Cody ang relo. “Wala pang ten o’clock. Si Cinderella nga hanggang alas dose bago pauwiin ng fairy godmother." Bumuntong hininga si Cody nang ratratin na naman ito ng sermon ng kuya niya. "Okay. Tatapusin lang namin 'yung dinner namin. Di ka namin titirhan," pang-iinggit pa nito sa kapatid niya.
"Anong sabi ni Kuya?" tanong niya nang matapos na ang pag-uusap ng mga ito.
"I have to bring you back soon. Naghuhurumentado na ang kuya mo nang di tayo makita sa party."
Itinirik niya ang mga mata. "Di talaga sanay si kuya na nagde-date ako. So that's natural. Mas sanay siya na mga babae ang kasama kong lumalabas."
Umiling ito. "Tingin niya hindi ako mapagkakatiwalaan."
Kundi mapagkakatiwalaan si Cody ay lalong di niya mapagkakatiwalaan ang sarili niya. She lost herself to him and she didn't feel bad at all. Sayang lang at kailangan nang matapos ang lahat ng iyon.
"Tutulungan na kitang magligpit," prisinta niya nang magsimula na si Cody na iligpit ang pinagkainan nila.
Pinigilan ni Cody ang kamay niya. "Kapag hinayaan kitang magligpit, ibig sabihin pumapayag ka nang maging girlfriend ko."
Bigla niyang binawi ang kamay. "Hindi ka naman ganoon kaswerte."
Nang unang beses siya nitong hinalikan ay kabayaran sa pagkakabato niya ng libro sa mukha nito. Nadala siya pero iyon lang ang ibig sabihin noon. Ang pangalawa naman ay di natuloy.
Pero ibang usapan na ang pagiging girlfriend nito. Dapat paghirapan muna nito. Gusto din naman niyang maligawan at mapatunayan kung seryoso nga ang isang lalaki. Naniniwala pa rin siya sa panliligaw. At least di pa siya tuluyang nawawala sa huwisyo. Dapat ay di ginagawang biro o minamadali ang isang relasyon.
"Then sit back and relax."
Mukhang komportable ito sa gawaing bahay. Maraming miyembro ng Stallion Island ang aminadong señorito at walang alam sa gawaing bahay. Muntik na niyang sabihin kay Cody na weakness niya sa lalaki ang marunong ng gawaing bahay. And there was something sexy with Cody washing the dishes.
Nakapangalumbaba siya sa formica table habang pinapanood ito. "Natuto ka ba ng gawaing bahay nang maging model ka sa New York?"
Tumuwid ito ng tayo pero di siya nilingon. "No. Natuto akong magtrabaho nang maglayas ako nang nasa Italy ako."
"I see." Di na nagsalita pa si Cody. Akala niya ay kilala na niya ito pero marami pa siyang di alam tungkol dito. At maraming bagay pa rin itong di ipinagtatapat. Isa na doon kung anong nangyari dito sa Italy.
Nakangiti na ito nang humarap ulit sa kanya. "May isang bagay lang akong hindi alam."
"What?"
"Gardening. Nasubukan kong magtrabaho sa vineyard pero alam ko lang mag-ani ubas. Pero wala akong alam sa pagbubungkal, pagtatanim...how about you teach me?"
"Sure. Pero mahal ang talent fee ko."
"Mahal ang bayad sa abs ko," pagmamalaki nito. "Pwede kong idisplay para sa 'yo."
She twisted her lips. Isa sa kinababaliwan ng kababaihan ang abs nito. Tempting but not enough. "Nakita na ng buong mundo 'yang abs mo. I'll pass."
"Pwede na ba sa 'yo ang kiss? Good kisser naman ako, di ba?"
Iniwas niya ang tingin dito. Kailangan ba talaga nitong ipaalala?
Naghikab siya. "Ang totoo wala akong matandaan."
Winiligan nito ng tubig ang mukha niya. "Tease! Isinusumpa ko na hindi ka makakatulog ngayong gabi. Wala kang iisipin kundi ang halik ko at pagnanasaan mo ako buong buhay mo."
Pinagtawanan lang niya ang sumpa nito. Pero ang totoo ay natatakot siyang magkatotoo ang lahat. Iyon pa nga lang buong gabi niyang iisipin ang halik nito ay sumpa na. Paano pag naging habambuhay pa?