Stallion Island Series Chapter 184

"Bakit wala ka sa party kagabi?" bungad agad ng village lord na si Gianfranco kay Cody pagpasok niya ng Banyan Tree Restaurant para mag-agahan.

"My Lord, masyado mo naman yata akong na-miss. Huwag mong sabihing in love ka na rin sa akin?" pabiro niyang tanong at saka ito kinindatan.

"Kung ipain kaya kita sa pating?" asik nito at umakyat sa second floor ng restaurant.

Tatawa-tawa naman siyang tumabi sa ibang miyembro na umoorder na rin ng breakfast.

"Abnormal ka?" tanong ni Maxim. "Kasi kung normal ka di mo ijo-joke si Lord Gianfranco. Ipapakaladkad ka noon sa megayacht niya."

"That's fine with me." Mainit malamang ang ulo nito dahil pinutakti ng mga babae sa party. Allergic si Gianfranco sa mga babae. At pag may mga nangungulit dito ay hinihingi nito ang tulong niya para mabaling sa kanya ang atensiyon ng mga kababaihan. Matamis ang ngiting ibinigay niya sa waitress na nagbigay ng menu sa kanya. "Rhiz, sa palagay mo ba guwapo pa rin ako kahit nagbubungkal ako ng lupa?"

Nag-blush agad si Rhiz. "Hot pa rin kayo, Sir."

Good. Gusto niya ng assurance na kaakit-akit pa rin siya sa paningin ni Freezia sa next date nila. Nabitin talaga siya sa date nila kagabi. Sayang! Kung bakit kasi may killjoy itong kuya.

"Bakit ka magbubungkal ng lupa?" tanong ni Conrad.

"Huhukay siya ng libingan niya dahil umagang-umaga na-badtrip si Lord Gianfranco sa kanya," sabi ni Steffanos.

Hangos siyang nilapitan ni Doc Arvind James aka Doc Maniac. "Cody Boy, bakit wala ka sa party kagabi? You missed half of your life. Di mo nakita ang performance ni Kaetria Mosqueda. Now I know why she's the dance goddess."

Sumang-ayon ang marami. Di naman siya nanghinayang. Isa pa, naramdaman niya ang pares ng mata na masama ang tingin sa likod niya. Nang lumingon siya ay nakita niya ang sikat na singer at ngayon ay record label producer na si TJ Javellana. Kasama nito ang assistant nitong si Dare. May sinasabi si Dare dito pero mukhang di nito naririnig dahil sa murderous intent na naka-focus sa grupo nito. Mukhang alam nitong pinag-uusapan nila ang ex-girlfriend nito. "Maghukay na rin kayo ng libingan ninyo. Mas nakakatakot si Trinidad Javellana, Jr. kaysa kay Lord Gianfranco."

"Pakiramdam ko nga dudukutin niya ang mata ko kagabi," sabi ni Doc Arvind James.

"The same reason why I didn't bring my date last night. Baka madukot ko rin ang mga mata ninyo," deklara niya.

"Sino ba 'yung ka-date mo?" tanong ni Conrad. "Nakasalubong ko 'yung carriage ninyo. Sinong supermodel? Artista?"

Parehong iling ang isinagot niya. "I had a date with my magical fairy."

"Kay Freezia?" sabay-sabay na tanong ng mga ito.

"Maniwala akong papayag 'yong makipag-date sa iyo," sabi ng kontrabidang si Andreev. Pati tuloy ang iba ay ayaw maniwala sa kanya. Iniinsulto ang kaguwapuhan niya.

Luminga siya sa paligid at ngumiti agad nang makita ang kapapasok pa lang na si Noah. "Bayaw!"

"Anong bayaw? Anong ginawa mo sa kapatid ko kagabi? Bakit nalaglag siya sa creek? Inaway mo siguro."

"Of course not. Na-excite siyang lapitan ang mga alitaptap kaya di niya napansin na malapit na siya sa creek."

"Baka inaway mo kaya pinuntahan 'yung mga alitaptap."

Hindi naman niya inaway si Freezia pero maaring siya ang dahilan kung bakit tumakbo ito palayo. He kissed her. Di niya ito dapat binigla. But he couldn't help it. She was irresistable last night. At alam naman niyang attracted din ito sa kanya. Naiintindihan niya kung di alam ni Freezia ang dapat gawin. Siya ang unang lalaking nagbigay ng atensiyon dito. Baka nga siya pa ang first kiss nito. But he promised that he'd take it slow next time. He didn't know how to do that. Di niya kailangang manuyo ng babae. At ito ang unang beses na siya ang maghahabol.

Pinaupo niya si Noah at minasahe ang likod. "Cool ka lang, bayaw. Di kami nag-away ni Freezia. Ang totoo niyan pumayag siya mag-date ulit kami."

Tiningala siya nito. "Ano? Pumayag siya ng second date?"

"Siyempre! Mabangis yata ako," pagmamalaki niya.

"Ibig sabihin nasabi mo na kay Freezia na in love ka sa kanya?"

"H-Hindi pa ako nagsasabi ulit sa Papa ninyo."

"Ilang taon ka nang nagpapaalam kay Papa. Tyopeng-tyope ka talaga."

"Magsasabi ako sa next date namin." Kaya na niya 'yon.

"I'm betting my starlet date. Di makakapag-confess si Cody."

"Ipupusta ko naman si Monkey Girl," tukoy nito sa babaeng itinakdang pakasalan nito na si Jazzmire. "Mababasted ka ni Freezia."

Nagsisunod ang iba. Wala man lang pumustang mapapasagot niya si Freezia.

"Mga unggoy kayo! Pinagpustahan na ninyo ako, inalipusta pa ninyo pagkatao ko. Sasagutin ako ni Freezia. Magsisisi kayo."

puno ng determinasyon niyang sinimulan ang agahan. Siya si Cody Santillia at wala pang babaeng humindi sa kanya. Humindi na lahat ng babae sa kanya huwag lang si Freezia.

"Guys, nagpupustahan ba kayo kung sino sa inyo ang sasagutin naming mga Sirens?" singit ng Siren leader na si Merian at kasama ang mga miyembro nito.

Walang sinuman ang nakasagot sa mga miyembro. Some members didn't like the Sirens including the village lords. Ugali na kasi ng mga Sirens na angkinin na parang pag-aari nito ang mga kalalakihan doon. While some members only dated them for fun. Walang magkokonsidera sa mga ito sa isang seryosong relasyon. Habang pinakikisamahan naman niya ang mga ito. They may be superficial at minsan ay may kababawan pero di naman masasamang tao ang mga ito.

"Kain tayo," yaya niya nang walang pumansin kay Merian.

Uupo na sana si Merian sa tabi niya pero nauna ang kasama nitong si Francey. "Fafa Cody, ang sweet mo talaga. Na-miss kita sa party. Saan ka ba nagpunta?"

"Excuse me?" wika ni Merian sa mataas na tono. "Dialogue ko dapat 'yan."

"Bakit? Wala naman tayo sa shooting," katwiran ni Francey. "Wala namang script."

Kinuyom ni Merian ang palad. "At dapat diyan ako sa tabi ni Cody."

"Wala ka namang pangalan dito," hirit pa ni Francey.

"Kung kinakalbo kaya kita? Ako ang reyna ng Sirens." Dinuro nito si Francey. "Insubstitution ang ginagawa mo."

"Baka insubordination," suhestiyon niya.

"Tama! Itong si Reyna Merian mali-mali talaga." At pinagtawanan ito ni Francey.

Binatukan ito ni Merian. "Talagang kinakalaban mo ako."

Pumagitna siya sa dalawa. "Girls, you don't have to fight. Doon tayo sa kabilang table para makapag-breakfast tayo ng maayos."

"The girls surely love you, Cody," komento ni Noah. "Pero paano kaya kapag nalaman ni Freezia na matapos mo siyang i-date kagabi, kasama mo naman ang Sirens for breakfast? Sa palagay mo ba seseryosohin ka niya pag nanligaw ka?"

"Look! I am just trying to be nice."

"Go ahead. Be nice. At lalong iisipin ni Freezia na babaero ka," babala ni Noah. "At mas gugustuhin ng kapatid ko na maging matandang dalaga at makipag-usap sa mga halaman kaysa magkaroon ng karibal."

"Cody, hindi kami marunong magbasa ng French. French bread lang alam kong basahin dito," ungot ni Merian na nasa kabilang table na.

Nakangiti niyang nilapitan ang mga ito. "I'll help you order."

Nailang siya nang halikan siya ni Merian sa pisngi. That was just a casual kiss. Pero parang din na siya komportable. Nag-flash agad sa isipan niya ang mukha ni Freezia at ang mga salita ni Noah. He wanted to be with her.

Sa huli ay siya rin ang sumuko. He couldn’t stay there anymore. “Girls, enjoy your breakfast. I have to go,” paalam niya.

“Saan ka pupunta?” tanong ni Merian.

"May date ako." At ibinigay niya sa waiter ang access card para mai-charge sa account niya ang order nila.

"Pero kami na ang ka-date mo," giit ni Merian. "At wala nang mas gaganda pa sa amin sa islang 'to."

"I know," wika niya.

"Then what's wrong with us?" tanong ni Francey.

"Wala," sagot niya.

"Gusto lang niya ng babaeng marunong makipag-usap sa mga halaman at bulaklak," singit ni Conrad.

"Ano? Nababaliw na ba siya?" theatrical na tanong ni Merian.

Natawa na lang siya at naglakad palayo. Ano ngayon kung mapagkamalan siyang baliw? Mas mababaliw siya kapag nabasted siya ni Freezia.

IT was another busy day. Maagang nagising si Freezia. Kahit halos di nakatulog nang nakaraang gabi dahil paulit-ulit niyang naiisip ang date nila ni Cody at iniisip kung kailan ang pangako nitong second date.

"Ma'am, maganda ba talaga si Kaetria Mosqueda? Sino ang mas bagay sa kanya - si Prince Rostam o si Fafa TJ?" usisa agad ni Dianne na receptionist ng Island Bloom pagpasok niya.

Tumikhim siya. "Good morning."

"Ahay! Good morning nga pala," bigla ay naalala nitong bati. "So sino ang mas bagay kay Miss Kaetria? Kahit ako dalawang guwapong lalaki ang mag-aagawan sa akin, di ko alam kung sino pipiliin ko."

Her eyebrows twitched. Huli siya sa balita. Di niya alam na nasa Stallion Island ang kontrobersiyal na ex-girlfriend ni TJ Javellana at ang hinihinalang harem girl ni Prince Rostam. It looks like life would be sizzling in the coming days.

"I have no idea. Wala ako sa party kagabi."

"Di natuloy ang date ninyo ni Sir Cody?"

"Natuloy. But we went some place else."

"Saan?" urirat nito.

"The phone is ringing," aniya at inginuso ang telepono.

kumunot ang noo ni Dianne. "Saan 'yon?"

"Sa harap mo," aniya at tatawa-tawang pumasok sa loob ng opisina niya. Magiging abala ang Island Bloom sa umagang iyon. Babaha ng order na bulaklak para sa katatapos pa lang na party.

Napansin niya ang isang kahon na nakapatong sa desk niya. Mga freesias ang mga iyon pero gawa sa chocolate. May card iyon na may smiley at may pirma ni Cody sa baba.

Magpapasalamat siya kay Cody mamaya. Ayaw niyang isipin nito na masyado siyang excited.

Kailangan muna niyang magtrabaho o wala na siyang iisipin buong araw kundi si Cody.

Kasalukuyan niyang binabasa ang list ng kooperatiba ng mga magsasaka na inirekomenda ni Trick at Torque na pwede niyang mapagkunan ng raw materials nang mag-ring ang cellphone niya. Sinagot niya 'yon nang di tinitingnan ang caller. "Hello."

"You are doing better than I thought, Freezia. Mukhang nag-enjoy si Cody sa date ninyo. He is asking for another one. Kapapaalam lang niya sa akin."

Mahigpit na hinawakan ni Freezia ang folder nang marinig ang boses ng Papa niya. "Good morning, Papa. It's not really a date. Gusto niyang magpaturo ng gardening."

"Sa palagay ko nagiging seryoso na siya."

"No. It's more on renewal of an old friendship. Nothing more than that," she said with emphasis. Ayaw niyang umasa o isipin man lang na may gusto pa si Cody na higit sa pagkakaibigan. He dated women far prettier than her. Siguradong mas magkakainteres ito sa mga babaeng iyon kaysa sa kanya. He just needed a friend to talk to.

So they kissed. Matagal na nagtrabaho sa abroad si Cody. Malamang ay normal na dito ang humalik sa kung sino-sinong babae na parang nakikipagkamay lang.

"Who would have thought that my daughter can be useful? Samantalang ang akala ng lahat tatandang dalaga ka. Sa palagay ko mas magiging seryoso na si Cody sa offer ko sa susunod. Papayag siyang maging endorser namin para sa iyo."

"Papa," ungol niya. Hindi niya gusto ang tumatakbo sa isipan ng Papa niya. Parang pinapalabas nito ang date nila ni Cody ay dahil sa orchestration nito at bahagi ng negosyo nito.

Aaminin niya na sa unang date nila ni Cody ay medyo naging mabait siya dito dahil sa Papa niya. She had little choice. She needed the money. Pero sa pangalawang date nila mutual ang concession nila ni Cody. Walang pumilit. They just wanted to enjoy each others company.

Bakit kailangan pang sumingit ng Papa niya? Pinapadumi nito kung anuman ang mayroon sa kanila ni Cody. Well, of course her father didn't care about her feelings. He never did. Basta ang alam nito ay may mapapakinabangan ito.

"Sana nga pumirma na si Cody," aniya sa malamyang boses. She really that business would stop looming over their heads. Masaya siyang kasama si Cody. Period.

Pilit niyang itinuloy ang trabaho kahit na nawalan siya ng gana.

May kumatok sa pinto niya. "Pasok!"

"Hi, teacher! Ready na ako sa lesson natin."

Nagulat siya nang makita si Cody. Naka-striped shirt ito at khaki shorts. Mukhang handa na itong maggarden lesson. Her heart was beating wildly. Mukha itong school boy.

"N-Ngayon na ba agad ang lesson natin?" tanong niya.

Umupo ito sa harap niya. "It's a fine day. Sayang naman kung palalagpasin. Pero kung di mo maiiwan ang trabaho mo, maghihintay na lang ako."

"Okay lang sa iyo?"

Tumango ito at humalukipkip. "Yup. Wala naman akong gagawin. Maghihintay lang sa 'yo."

"Gusto mo ng coffee or juice? May nagpadala ng cake sa akin kanina." At inilagay sa harap nito ang cake. "Thank you!"

"Ayaw mo ng padala ko?"

"Gusto. I love it."

"Bakit sa akin mo din ipinapakain?"

"Nanghihinayang kasi akong kainin. Pero kung kasalo kita, sa palagay ko okay lang."

Hinaplos ni Cody ang dulo ng ilong niya. "Gusto mo lang akong makasalo 'no?"

"Sige manukso ka pa at wala na tayong gardening lesson," banta niya.

"Okay lang. Tititigan na lang kita," anito at binigyan siya ng isang malagkit na titig. Drat! Maghapon siyang tititigan ni Cody? Malulusaw na siya. Hindi pwede ito. Baka isang oras pa lang wala na ang katinuan niya.

"Wag na. Sa cafe na tayo kumain." May sariling restaurant ang Island Bloom. Isa iyong indoor garden na sa tanghali at hapon lang 'yon bukas. Ngayon ay walang ibang tao maliban sa mga hardinero.

Panaka-naka ay may nag-i-interrupt na tawag sa kanya mula sa farm kaya inutusan niya si Cody na magtanong-tanong sa mga tauhan niya ng gusto nitong malaman.

Nang matapos kausapin ang tito niya sa telepono ay nakahalukipkip na lang si Cody at pinagmamasdan siya. "Tapos ka na?" tanong niya.

Tumango ito at tumayo. "Ready na ako na magtanim."

"Talaga?"

"Magbubungkal ka lang ng konti, itatanim 'yung buto at may tanim ka na. Kayang-kaya ko 'yon. Kahit elementary kaya 'yon."

"Saan mo gustong magtanim at anong itatanim mo?"

"Gusto ko ng maraming-maraming freesias sa tabi ng cottage ko. Para naman pakiramdam ko nasa paligid ka lang."

Kumuha sila ng dalawang pack na buto ng freesia sa seed rack ng Island Bloom at ilang gardening tools saka sila pumunta sa cottage ni Cody. Natural nang maganda ang lupa sa paligid ng cottage ni Cody. Hinayaan lang niyang magbungkal si Cody. "Kung noon ka pa sana nagpaturong magtanim, di ka na sana nandudugas ng mga bulaklak sa greenhouse noon. E di sana di ako nagagalit sa 'yo."

"Akala ko nagseselos ka lang."

Itinirik niya ang mga mata. "Oh, please!"

He let out a rich laugh. "Wala kang dapat ipagselos. Di dahil binigyan ko ng bulaklak ang isang babae, may gusto na ako."

"So bakit mo sila binibigyan ng bulaklak?"

Tumayo ito. "Sasagutin ko 'yan kapag namulaklak na ang mga freesias na 'to. Dapat sagutin mo ako kapag napamulaklak ko ang mga 'yan."

"Saguting ano?"

"Pumayag na maging girlfriend ko."

"Cody, gutom ka lang." Kung niliigawan ba siya nito. Doon niya mapapatunayang gusto siya ni Cody.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.