Lubog na ang araw nang ibalik ni Freezia si Rapunzel sa main stable. Kanina pang alas tres tinapos ng mga kasama niya ang horseback riding pero itinuloy pa rin niya ang pag-ikot sa isla hanggang mapagod siya. Hindi madaling tanggapin na sa pangalawang pagkakataon ay nagkamali na naman siya kay Cody.
May nakita siyang lalaking nakaabang sa harap ng entrance. Mukhang hindi ito mapakali. Bigla ay di x\c \siya naging komportable sa ibabaw ng kabayo. Kahit sa malayo ay kilala niya ang lalaking iyon-si Cody.
"Anong ginagawa niya dito?" tanong niya at humigpit ang hawak sa renda.
Awtomatikong umangat ang mata nito. Nahigit niya ang hininga niya. Her impulse was to run the horse towards him. Magkasama lang sila kaninang umaga pero nami-miss na niya ito.
Pero isang bahagi ng puso niya ang gustong patakbuhin muli si Rapunzel palayo. Takasan si Cody. Baka maging hangal na naman siya at magpadala sa nararamdaman niya para dito. Dahil kahit ilang oras na niyang sinabi sa sarili niya na papatayin na niya ang anumang nararamdaman niya para dito ay hindi rin ganoon kadali ang lahat.
Pero hindi siya pwedeng tumakas habambuhay kay Cody. Kailangan niya itong harapin. Hinayaan niya si Rapunzel na magpatuloy ng paglalakad papasok ng main stable.
Sinalubong agad siya ni Cody pagbaba niya kay Rapunzel.
“Freezia, saan ka nanggaling? Kanina pa ako nag-aalala sa iyo. Hinihintay ko lang na dalhin nila sa akin si Windstruck. Susundan na sana kita.”
“Bakit mo pa ako hinintay?” tanong niya at hinayaan ang groom na kunin si Rapunzel. “Hindi ba nag-send na ako ng text message sa iyo na cancel na ang dinner natin? You don’t treally have to bother with me.”
Nakakapagtaka. Kapag na-cancel ang isang date, di ba dapat ay humahanap na ito ng ibang ka-date?
"Kaya nga ako nandito. Nag-aalala ako sa iyo. Basta ka na lang nag-cancel." Hinawakan nito ang balikat niya. "What's wrong?"
"What's wrong?" Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito. "Then I'll tell you. Hindi ko alam kung bakit gusto mo pa rin ako i-date. Anong mapapala mo?"
He gave her a warm smile. “Napag-usapan na natin ito kagabi. I immensely enjoy your company.”
“The same way you enjoy other women’s company, I am sure.”
Nakangiti nitong hinawakan ang balikat niya. He would sweet talk her. She was sure of it. “You are special.”
She was not buying that anymore. “In what sense na naging espesyal ako sa iyo?” tanong niya at direktang tiningnan ang mga mata nito.
Parang nagulat pa ito sa tanong niya. Bakas ang pagkalito sa mukha nito. “Well…I…you are…Freezia…”
Nagsalubong ang kilay niya. He was so articulate when it comes to charming women. Pero ngayon ay di man lang ito makahanap ng tamang salita para magpaliwanag sa kanya. Hindi pa siguro ito natatanong ng ganoong klaseng tanong noon. Obviously masaya na ang mga kababaihang masabihan nitong espesyal.
“Cody, I will make it easier for you. Alam ko naman na naaawa ka lang sa akin kaya mo ako idine-date,” aniya sa kontroladong boses kahit na parang tinutusok ng libo-libong karayom ang puso niya.
Kumunot ang noo nito. “A-Ano? Awa?”
Tumango siya habang mariing magkadikit ang labi. “Yes. Wala akong manliligaw at walang nagyayaya ng date sa akin. While you are Prince Charming. Misyon mo sa mundo na kahit minsan ay iparanas sa kaawa-awang babaeng tulad ko kung paano tapunan ng atensiyon ng isang guwapong lalaki kahit minsan sa buhay ko. Para kapag tumanda nga naman ako, maalala ko na may isang Cody Santillia na nagparamdam sa akin na espesyal ako.” Pagak siyang tumawa. “How pathetic!”
Bakit ba hindi niya kinuwestiyon ang motibo nito noong una pa lang? Dapat noong second date pa lang ay tumanggi na siya. Now she was feeling sorry for herself.
Humigpit ang hawak nito sa balikat niya. “Freezia, saan mo ba nakuha ang idea na iyan. Hindi ako naaawa sa iyo. Iba ka sa mga babaeng nakasama ko.”
Tumingala siya habang nilalabanan ang kagustuhan ng puso niya na pakinggan ang katwiran nito kung mayroon man. Pinalis niya ang kamay nito sa balikat niya. “Come on, Cody. Hindi ako katulad ng ibang babae na nangangarap ng gising at patay na patay sa iyo. Bukas ang mga mata ko. Isa lang ako sa mahabang linya ng espesyal na babae sa buhay mo. And I don’t hold it against you. Salamat na lang sa atensiyon pero sana tapusin na lang natin ‘tong kalokohang ito.”
Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya at tinitigan siya sa mga mata. There was so much emotions in there that she couldn’t decipher. Those gorgeous eyes of his were pleading that she listen to him. “Freezia, I have something to tell you. Something that I should have told you a long time ago…”
Mariin siyang pumikit. No! Ayaw na niyang marinig pa ang sasabihin nito. Aasa na naman ang tatanga-tangang puso niya. She didn’t even want to go there. Ayaw na rin niyang titigan ang mga mata nito dahil tiyak na daig pa niya ang nahipnotismo at paniniwalaan niya ang anumang sasabihin nito.
“Huwag na.” Iniwas niya ang mga mata at kumawala dito. “Hindi mo naman kailangang ma-guilty. Wala kang intensiyong masama.”
Nakita niya kung gaano ka-grateful ang ibang kababaihan sa atensiyong ibinibigay nito. He was literally God’s gift to women. Pero hindi siya katulad ng ibang babae na masaya nang tapunan nito ng kaunting atensiyon. Ayaw niyang makasama sa mahabang linya ng mga kababaihan na sasabihin nitong espesyal. Ayaw niyang maiwan sa huli kapag may ibang babae naman itong tatapunan ng atensiyon.
Kung mananatili si Cody sa buhay niya, gusto niyang siya lang ang nag-iisang babae sa buhay nito. Gusto niya na habambuhay na atensiyon nito. Hindi pansamantala lang. She wanted love.
Yeah. She was asking too much. At alam niyang nananaginip lang siya ng gising para isiping magkakakatotoo ang lahat ng gusto niya. Kaya mabuti pang putulin ang kahibangang ito habang maaga pa.
“Freezia, will you listen to me for just a minute?”
Ipinilig nito ang ulo. "Cody, kaya lang naman ako nakipag-date sa iyo dahil na-blackmail mo ako."
Lumungkot ang mga mata nito. "Yes. But I just want to spend more time with you. Do you still hold that against me?"
Umiling siya. "No. May kasalanan din naman ako sa iyo."
"And you enjoyed our second and third date. Ni hindi tayo nag-away..."
"Dahil kay Papa," putol agad niya sa sasabihin nito. Hindi niya alam bakit sinabi niya 'yon. Gusto lang niyang lumayo ito sa kanya. Gusto niyang tumigil ang nararamdaman niya para kay Cody.
"Anong kinalaman ni Tito dito?"
Huminga siya ng malalim. "Gusto niya na maging mabait ako sa 'yo para pumayag kang maging endorser ng company niya."
Parang sinabugan ito ng bomba habang nakatitig sa kanya. "No. That's not true."
"'Yon ang totoo!" aniya at pinara ang dumadaang e-jeepney. Inutusan agad niya ang driver na paandarin iyon bago pa siya masundan ni Cody. Subalit hindi natinag si Cody sa kinatatayuan nito.
Halos sabunutan niya ang sarili. She blew it! Ang lahat ng pangarap niya para sa bago niyang negosyo, ang plano ng papa niya pati ang samahan nila ni Cody. Sira nang lahat dahil natatakot siyang masaktan.
Akala niya kapag pinigilan niya ang nararamdaman niya ay okay na lahat. Hindi niya alam kung paanong aayusin ang gulong ginawa niya.
SUNUD-SUNOD ang subo ni Cody sa chocolate habang nakaupo sa gilid ng Lighthouse Restaurant. Dapat ay ibibigay niya ang mamahaling chocolate na iyon kay Freezia para sa dinner date nila. Pero ngayong di na iyon tuloy, pinili na lang kainin ang chocolate para palipasin ang sama ng loob niya.
Sinenyasan niyang lumapit ang assistant manager ng restaurant na si Sissy. “Yes, Sir?” nakangiti nitong tanong.
“Ilang box ba ang chocolate ang kailangan kong kainin para mawala ‘yung sakit na nararamdaman ko?” tanong niya.
Nagtaka ito sa tanong niya. “Sir?”
“Kanina pa kasi ako kumakain ng chocolate pero mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Eepekto ba ito sa akin? Baka kasi sa babae lang umeepekto ‘yang chocolate na ‘yan. Paano naman ako?” tanong niya at yumukyok sa mesa.
May tumapik sa kanya at nang iangat niya ang tingin ay si Darwayne iyon. “Gusto mong uminom? Pag-usapan natin ‘yang problema mo.”
Ibinaling niya ang tingin sa ibang mga miyembro na mukhang seryoso sa kanya-kanyang transaksiyon ng mga ito. Just one word and they’d drop what they are doing. Pupunta ang mga ito sa kanya. “Huwag na. Tiyak na pagtatawanan lang ako ng mga iyan.”
“Anong nangyari diyan?” tanong ng village lord na si Alexandros.
“Na-cancel ang date nila ni Freezia,” pabulong na wika ni Darwayne.
“Malamang nabasted iyan,” hula ni Ryuhei na isa ring village lord.
“Ang sabihin mo baka hindi iyan nakapagtapat kay Freezia,” sabi ni Gianfranco. “Naturingang matinik sa babae pero iyon lang di masabi.”
“Nabasted si Cody?” tanong ni Conrad at nakisali sa kulumpunan.
Parang pating din na nakaamoy ng dugo ang iba. “Nakapagtapat ba siya kay Freezia?” excited pang tanong ni Quillian.
Tinakpan niya ang tainga na parang bata. “Oo na. Panalo na kayong lahat sa pustahan. Ano pang gusto ninyong makuha? Ang kaluluwa ko?”
“Ang drama mo,” sabi ni Andreev at lumayo. “Nanalo pa ako sa pustahan. Gusto ko na sanang ipamigay si Monkey Girl.”
“Di nga ako didikit diyan. Baka akala ng mga tao lagi din akong nababasted. Masisira lang ang image ko,” angal naman ni Maxim.
“Mga walang puso. May araw din kayo sa akin,” sintir niya.
“Gusto mo ba ng advice mula sa akin? Ako ang dakilang si Prince Rostam at titiyakin ko na matutulungan kita para sagutin ka ng babaeng nambasted sa iyo.”
Iwinaksi lang niya ang kamay. “Hindi ikaw si Prince Rostam, Royal Highness. Ikaw ‘yung impostor niya. Di naman nagbibigay ng advice si Prince Rostam sa mga babae.” It was Raschid. He didn’t know much about his background. Pero sa komento ng mga village lords tungkol sa lalaking kahawig ni Prince Rostam ay expert na expert ito pagdating sa mga babae.
Tinabihan siya ni Raschid at bumuntong-hininga. “Akala ko pa naman ikaw ang tipo na di nagpapaapekto sa mga babae.”
“Akala mo lang ‘yon.” Marahil ay babaero ang tingin sa kanya ng buong mundo pero kahit minsan ay wala pa siyang sinaktang babae. Masyado lang siyang friendly dahil ayaw niyang may babaeng nalulungkot. Bakit kasi hindi niya masabi kay Freezia kung ano ang totoo niyang nararamdaman? Maybe those three consecutive dates didn’t mean a lot for her. Kung bakit kasi nang tanungin nito kung gaano ito kaespesyal sa kanya ay bigla siyang nautal. “Bakit kailangan niyang gawin ito sa akin? Hindi ako naaawa lang sa kanya.”
Inakbayan siya nito. “Bibigyan kita ng expert’s advice. Dahil member ka ng Stallion Island, hindi kita sisingilin.”
“Salamat na lang sa advice mo. Wala rin namang mangyayari. Ayaw talaga niya sa akin.” Kaya naman niyang ipakita kay Freezia na seryoso siya dito at di siya naaawa lang. Pero parang inalis na nito ang lahat ng pagkakataon para sa kanila nang sabihin nitong ginagamit lang siya nito para mapapirma siya sa endorsement ng kompanya ng Papa nito. He felt so used.
“Where’s Freezia? Akala ko may date kayo?” narinig niyang tanong ni Noah.
“Nabasted na kasi siya di pa man nakakapanligaw,” walang ligoy na paliwanag ni Gianfranco.
Maasim siyang ngumiti. “Thanks for being so blunt, Lord Gianfranco.”
Hinila siya ni Noah patayo. “Halika. Maglakad-lakad tayo,” yaya nito.
Noah was like a big brother to him. Ito lang ang pwede niyang mapagsabihan ng buong istorya tungkol kay Freezia.
Humantong sila sa batuhan sa tabing dagat nang magsalita ito. “Pwede mo na sigurong sabihin kung bakit ka nabasted ng kapatid ko.”
“Iniisip niya na naawa lang ako sa kanya kaya ko siya idine-date. Where the hell did she get that idea?” angil niya.
“Nagtataka lang siguro siya kung bakit mo siya idine-date. Well, in case di mo napapansin iyon naman ang dahilan kung bakit mo idina-date ang ibang babae. You want them to feel so good about themselves. At hindi iyon ang kailangan ng kapatid ko. Kung makikipag-date lang din naman siya, gusto niya ng seryosong relasyon.”
“Sasabihin ko na dapat sa kanya na mahal ko siya.”
“Pero natorpe ka?” tanong nito.
Yumuko siya. “Sinabi niya sa akin na idine-date lang niya ako para pumayag akong pumirma na maging endorser ng kompanya ng Papa ninyo.”
Noah let out a curse. “Si Papa talaga!”
“Ibig sabihin totoo iyon?”
“Sa kanya lumapit si Freezia para humingi ng pandagdag na puhunan para sa kompanya nila ni Illiana. Sa palagay ko iyon ang kondisyon ni Papa para ibigay sa kanya ang perang kailangan niya. Have you signed the contract yet?”
Umiling siya. “Hindi pa rin ako pumipirma.”
“Bakit kailangan niyang sabihin iyon? It would jeopardize all their plans. Kapag hindi ka pumirma sa kontrata dahil sa ginawa sa iyo ni Freezia, ibig sabihin mahihirapan sila sa production at launching. Malaki ang pangarap niya sa kompanya nila ni Illiana dahil makakatulong sila sa mas maraming magsasakang Pilipino.”
Ipinilig niya ang ulo. “I don’t know.” Pero naaalala niya ang sakit sa mga mata ni Freezia. As if she wanted more from her. At hindi niya naibigay ang sagot na kailangan nito. Kung makakagawa pa sana siya ng paraan para ipakita ang pagmamahal niya dito. Anything to ease her pain and his pain.
“Be patient with my sister. Di ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya. After all, first time pa lang niyang nakipag-date. Everything is so new to her. Kung magagalit ka at di mo gustong pumirma ng kontrata kay Papa, maiintindihan ko. At sa palagay ko maiintindihan din ni Freezia. Consequence ito ng lahat ng ginawa niya.” Pinisil nito ang balikat niya. “Late bloomer ang kapatid ko. It is high time that she learns how to deal with her feelings. She can handle it.”
Nasasaktan pa rin siya. Gusto niyang magalit kay Freezia. Pero kaya ba talaga niyang alisin dito ang pagkakataon kung nasa kamay niya ang pangarap nito?
Nakaupo siya sa wooden swing sa cottage niya dahil di siya makatulog. Sa huli ay may tinawagan siya sa cellphone niya. “Hello, Tito! About the endorsement that you offered me…”