Tensiyonado si Freezia habang ginaganap ang kasal nina Vix at Trick. Nasa farm sila ni Trick kung saan idinadaos ang isang civil wedding. Tensiyonado ang lahat dahil hindi normal na kasalan ang nagaganap at wala sa plano.
"Di ito dapat ginawa ni Ate Vix," mahina niyang bulong.
Masyadong maligalig ang mga pangyayari sa Stallion Island nitong nakakaraang araw. Napilitan si Trick na paalisin ito at tapusin ang relasyon ng mga ito. Pero di niya alam kung anong pumasok sa kukote ng pinsan niya para ianunsiyo sa karamihan ng tao na buntis ito kay Trick. At alam nilang malalapit sa dalawa na di totoo 'yon dahil mas conservative pa sa lola ni Maria Clara si Trick. Pero mas nagulat siya nang si Trick mismo ang nagdeklara na magpapakasal ang mga ito.
And she wondered how a wonderful love story could turn into something chaotic. Natatakot siya sa ginawa ng pinsan niya.
May mainit na kamay na humawak sa nanlalamig niyan kamay. "Relax. Maikakasal din sila."
Nahigit niya ang hininga nang kumiliti ang mainit na hininga ni Cody sa tainga niya at paglingon niya ay halos magdikit na ang mukha nila. "Cody, you are here."
Akala niya ay di ito makakarating.
"I won't miss this wedding. Baka di na ako kuning ninong ng baby nila." Pasimple siyang umubo nang mabanggit ang tungkol sa baby. "They love each other. They just need to work things out."
Umiling siya. "I-I don't really know. Kung ikaw ang lalaki, okay lang ba sa 'yong mapikot?"
"Kung ikaw ang pipikot, di ako kokontra."
"Cody!" saway niya dito at pinanlakihan ito ng mata. As if naman maniniwala siya na gusto nitong tapusin ang pagiging single nito. He was just teasing. Pero bakit parang nate-tempt siyang magpapikot dito?
"I-announce mo rin na buntir ka at ako ang ama." Umiling siya. "O gusto mong isigaw ko sa lahat na buntis ako at ikaw ang salarin."
That was unimaginable! Di niya mapigilang bumulanghit ng tawa nang ma-imagine si Cody na malaki ang tiyan at naka-maternity dress.
"Shhh!" sabay-sabay na saway ng mga tao sa paligid nila.
Kinagat niya ang labi at pigil din ni Cody ang tawa. Nawala ang tensiyon na nararamdaman niya hanggang sa wakas ay maidaos ang kasal.
Kung may tensiyon pa sa paligid ay di niya napansin. Di kasi umalis si Cody sa tabi niya. Tinanong siya nito tungkol sa mga ginagawa niya para sa Human Loves Nature. Nakikita niya na proud ito sa ginagawa niya.
"I'm glad that you are enjoying your new project."
"Marami pang bagong products na ihinahanda si Illiana. At di lang mga farmers magbe-benefit dito. 'yung mga relocation villages ni Brenton magkakaroon ng sarili nilang organic farm para may livelihood nila."
"And you look more beautiful. It’s from the inside. Kung may maitutulong ako, sabihin mo lang sa akin."
"Ay, Sir Cody!" singit ng isa sa mga anak na dalaga ng mangingisda na mukhang fan ni Cody. "Nasaan po si Miss Marmy?"
"Kayo ba ang susunod na ikakasal?" tanong ng dalagitang kasama nito.
Nang magsilapit pa ang ibang mga fans nila Cody at Marmy. Bigla niyang naramdaman na di na siya parte ng mundo ni Cody. May Marmy na sa buhay nito. Pinili niyang makihalubilo na lang sa ibang bisita.
"Pwede ko bang isayaw ang dalaga ko?"
Nagulat siya nang makita ang nakalahad na kamay ng Papa niya. "Pa!" Tinanggap niya ang kamay nito at hinayaan siyang isayaw kasama ng iba pang mga bisita.
"Kanina masaya ka pero ngayon malungkot ka na."
"Nag-aalala ako para kay Ate Vix."
"Si Vix ba ang inaalala mo o malungkot ka dahil wala na sa tabi mo si Cody?"
Tiningala niya ito. "Pa?" Bakit alam iyon ng Papa niya? Akala niya ay walang pakialam sa kanya ang papa niya o sa nararamdaman niya.
"What? Manonood ka na lang ba habang kasama niya ang ibang babae? I thought you were seriously dating. Lagi pa ngang nagpapaalam sa akin si Cody kapag yayayain ka niyang mag-date."
She blew that chance but letting her emotions and insecurity get in the way. "Pa, mukha namang mas masaya siya sa iba. Bagay na bagay sila."
"Payag ba ang puso mo sa sinasabi mo? Bakit di ka gumaya kay Vix na ipinaglaban ang lalaking mahal niya?"
Nilingon niya ang pinsan na bagamat nakangiti ay may lungkot sa mga mata. Saka niya tiningala ang papa niya. "Pa, di ba galit ka din kay mama dahil napilitan kang pakasalan siya nang magbuntis siya kay Kuya Noah. You don't really want us."
At nakita niya kung paanong nasaktan ang mama niya sa pambabalewala ng papa niya.
Kinintalan nito ng halik ang noo niya. "I am sorry. Masyadong mataas ang pride ko. I felt trapped with the marriage life. Madami pa akong pangarap noon pero nasira nang kailangan kong magpakasal. I destroyed my own happiness. Kung kailan matanda na ako saka ko na-realize ang pagkakamali ko. Nakita ko kung gaano kasaya ang kuya mo kay Olay. At gusto ko maging masaya ka din. Ayokong tumanda kang dalaga at makipag-usap na lang sa mga halaman. I want someone to take care of you. Kaya nga gusto ko mag-date kayo ni Cody."
"Kaya gusto ninyong maging mabait ako sa kanya? Not because of the contract?"
"He cares for you. At alam ko na mapapasaya ka niya."
Malungkot siyang ngumiti. "Pa, wag na kayong umasa sa amin." pagkatapos ng pinagsasabi niya kay Cody ay imposibleng magkainteres pa ito sa kanya. He was just being nice.
"Promise me one thing. Kapag may pagkakataon na maging masaya ka, you will grab it. Di ka papayag na mawala sa iyo ang taong mahal mo."
"I will try, Papa."
Pero di ibig sabihin ay ipipilit niya ang sarili niya kung nakikita niyang may ibang gusto si Cody. Di siya katulad ni Vix at Mama niya. May ipaglalaban ang mga ito. She didn't have a hold on Cody. She didn't possess his heart.
NASISIYAHANG pinagmasdan ni Freezia ang accomplishments niya. Sa wakas ay nakapwesto na ang pinakahuling ikebana bago pa magdatingan ang mga bisita. Nasa The Peak siya, ang palasyo ni Prince Rostam na nasa pinakamataas na bahagi ng isla para sa coronation ni Cody bilang village lord.
Si Marmy ang nanalo sa Stallion Shampoo Makeover Challenge. Kundi lang nagkasakit ang Kuya Noah niya at ang ibang mga staff dahil sa dami ng trabaho ay wala siyang planong tumuntong sa Stallion Island. Kahit paano ay magaling na ang kapatid niya at dadalo sa party. Siya naman ay magpapahinga na. Gusto niyang matulog hanggang sa susunod pang araw. Sa linggong iyon isu-shoot ang commercial ni Cody para sa men's product ng Human Loves Nature. Kailangan na niyang umalis. Magmumukha lang siyang busabos sa party na 'yon. She just needed an escape route.
Napansin niya si Jumeirah na nagtatago sa likod ng isa sa mga ikebana. "Pinagtataguan mo si Prince Rostam?" tanong niya. Parang makakatakas ito samantalang puro CCTV camera ang lugar na iyon.
Humawak ito sa braso niya. "Tulungan mo ako. Gusto niya akong mag-belly dance sa harap ng maraming tao. Ayoko."
"Sabi sa akin ni Kaetria pwede ka nang mag-perform. Bakit di ka pa nakabihis?"
Nilingon niya si Prince Rostam. He was wearing his flowing robe. He looked very royal. Pero nakakatakot din ito. Ito ang tipo ng tao na di pwedeng salungatin.
Ngumisi si Jumeirah. "Pwede bang pagpastulin mo na lang ako ng elepante o bakit di mo na lang ako ipakain sa mga leon at tigre sa Nirvana Island para matapos na ang paghihirap ko?" may kataasan ang tonong tanong nito. Di niya alam kung bakit ganoon ito katapang.
Hinawakan ni Prince Rostam ang choker ni Jumeirah. "Bukas na kita pagpapastulin ng elepante. For now, wear that genie girl costume and dance for me. Sayang 'yung itinuro sa iyo ni Kaetria."
Tinangay na ni Prince Rostam si Jumeirah nang di niya naitatanong ang iba pang daan. Malaki ang lugar na iyon at ayaw niyang maligaw.
"Freezia, nandito ka rin pala," sabi ng member na si Brent. Pinsan ito ni Freezia at siyang builder ng murang pabahay para sa mga urban poor.
"Paalis na nga ako. I'm not dressed for the party."
Ginagap nito ang mga kamay niya. "I just want to thank you for choosing our village. Malaking bagay sa mga tao doon na magkaroon ng livelihood program. Natutuwa ang mga tao doon dahil di na nila kailangan pang lumayo para magkaroon ng trabaho. At mas pinapahalagahan na nila ngayon ang trabaho nila. pakiramdam daw nila may silbi sila sa mundo. Di lang sila nagkaroon ng trabaho. Nakatulong pa sila sa kalikasan.”
Pawang mga mahihirap at galing sa below poverty line ang mga naninirahan sa relocation village ni Brent. Katulad ng pinsan nitong si Illac ay isa rin itong social entrepreneur.
May organic farm sa village kung saan sila kukuha ng ibang raw materials. Ang mga kababaihan din sa village na iyon ang gumagawa ng mga recycled bags para sa kanila. Siya ang nagbibigay ng lecture sa mga ito kung ano ang kahalagahan ng mga pamamaraan nila. Maging sa mga estudyante sa community school doon ay binibigyan din nila ng lecture.
“Sana nga mas lumaki pa ang kompanya namin para mas marami pa tayong mabigyan ng trabaho. Marami ka pang itinatayong village. Ibig sabihin marami pang nangangailangan ng tulong.”
Pinagmasdan siya nitong mabuti. “Mukhang masyado mong pinapagod ang sarili mo.” Hinaplos nito ang ilalim ng mata niya. “You should take a rest.”
“Magpapahinga na nga ako. Paalis na nga ako at gusto ko sa isang bukas na ako gumising.”
Hinawakan nito ang siko niya. “Come. Ihahatid na kita.”
“I am afraid nobody’s ditching my party. That’s my law.”
Pareho silang napalingon kay Cody. He looked breathtaking in his black suit. Prominent din ang golden pin sa dibdib nito na may village lord pin. Well, isa na itong village lord ngayon. At least for a week. His word is law now. Now he looked more formidable. Hindi niya alam kung paano pa ito kokontrahin.
“Freezia needs to rest,” depensa ni Brent.
Lumapit sa kanya si Cody at hinila palayo kay Brent. “She’ll survive.” Saka siya iginiya pabalik sa mismong party. “Come. Naghihintay na ang mga bisita ko.”
“B-But Cody, I look like a mess. Katatapos ko lang i-assisst ang mga staff sa mga ikebana dito.”
“I don’t care. Kaysa naman wala ka sa party ko. Nandito ka na. So stay.”
“Sa dami ng mga bisita mo, I am sure hindi mo mapapansin na wala ako.”
He was regularly seen with Marmy now. Bukod pa sa mas dumaming kababaihang nahahaling dito. Bakit parang galit ito na wala siya sa party nito?
“Mapapansin kita kung wala ka. I can easily sense you when you are around, Freezia. I don’t even need a tracker. Ayokong wala ka sa paningin ko. At ayoko ng ideya na wala ka sa paningin ko habang may kasama kang ibang lalaki.”
Nang tumingala siya ay matigas ang anyo nito. That’s not so Cody at all. Lagi itong nakangiti kahit na gaano pa kagrabe ang isang sitwasyon. He was always cool. Now he was acting as if he owned her. So possessive. Weird.
“Ibang lalaki? It is just Brent. Nagpasalamat lang siya dahil kasama ang village nila sa binigyan namin ng livelihood project.”
“Ilang araw mo na siyang kasama pero okay lang sa iyo. Pero kapag party ko, gustong-gusto mo nang umalis agad.”
“Ano bang problema mo, Cody?” She was tired. She was not in the mood for a fight. At lalong mahirap labanan si Cody when he was so damn delectable and he was acting so possessive as if he had the right.
“You. Ayoko ng iniiwasan mo ako. Ayoko ng wala ka sa paningin ko.”
Tumigil ito sa harap ng mga village lords at saka siya ihinarap sa mga bisita nito. Drat! Mukha siyang busabos. Parang siya si Cinderella na na-Indian ng fairy godmother at nag-iisang hampaslupa sa ball. Tumahimik ang lahat at natuon ang atensiyon sa kanila ni Cody. Hinigpitan nito ang hawak sa braso niya nang sinubukan niyang kumawala.
“As your new village lord, binigyan ako ng village lords ng karapatan na mag-impose ng mga batas. Or...” Isang choker ang inilabas nito. It was similar to Jumeirah’s choker. “I get to choose a slave who will attend to my every needs. She will be under my command twenty-four hours a day.”
Napasinghap ang mga kababaihan at kanya-kanyang taas ng kamay. “Lord Cody, ako ang piliin mo!” nangibabaw na tilian ng mga Sirens. Habang si Marmy ay nakangisi habang umiinom ng champagne. Parang kampante ito na ito ang pipiliin ni Cody. Pero di niya gusto ang pakiramdam.
Natuon sa kanya ang paningin ni Cody. “Freezia?”
Umiling siya nang ilapat nito ang choker sa leeg niya. “No, Cody! No!”
Parang nasintensiyahan siya ng kamatayan nang maramdaman ang choker leeg niya. Hinaplos ng daliri nito ang pisngi niya. “You are mine now. Hangga’t di ko tinatanggal ang choker na ito, sa akin ka. Hindi ka pwedeng mawala sa paningin ko at walang lalaki ang pwedeng lumapit sa iyo ng walang permiso.”
“Cody, this insane!” Bakit siya ang pinili nitong slave?
Kinintalan nito ng halik ang labi niya. “You are right. I am insane.”
"KUYA NOAH, do something about this. Ako? Slave ni Cody,” pakiusap ni Freezia habang nasa labas The Peak crown palace ni Prince Rostam. Mahigpit ang hawak niya sa braso ng kapatid niya. Kung pwede lang ay tanggalin niya ang choker sa leeg niya dahil pakiramdam niya ay nasasakal siya. She was a slave now. Cody’s slave. And that was ridiculous.
"Relax. Ano naman ang pwedeng gawin ni Cody sa 'yo?” tanong ng kuya niya na parang di man lang alintana ang sasapitin niya sa kamay ni Cody.
"I don't know. He seems different. Parang di ko siya kilala."
Ibang Cody ang nakita niya kanina. He used to be so sweet. This new Cody was domineering. Yes, he was the village lord now. Pero ipinanganak nang imposing at masusungit ang iba sa mga ito. Ganoon na ba kabilis magbago si Cody?
"Napapraning ka lang. Di ba okay naman kayo nung kasal ni Ate Vix? I trust him."
"Thanks, bro. I'm glad may tiwala ka sa akin," anang si Cody at inakbayan ang kuya niya. "How about you, Freezia? May tiwala ka ba sa akin."
"I didn't sign up for this,” usal niya.
"That's life. Nangyayari ang mga di mo inaasahan. That's why life is an adventure." Hinawakan nito ang siko niya. "Consider this as an adventure."
Adventure? She didn't see life that way. Gusto niyang nakaplano ang lahat. Ayaw niyang nasosorpresa. That's why she didn't do good with falling in love and anything that has to do with Cody.
Pinipigil niya ang panginginig ng katawan niya nang pasakayin siya ni Cody sa eleganteng horse carriage. "Di pa tapos ang party mo."
"They'll understand. I have to spend more time with my slave."
Naalarma siya nang lumagpas sila sa bahay ng Kuya Noah niya. "S-Saan ba tayo pupunta?"
"Sa bahay ko."
"At anong oras ako uuwi?"
"Next week."