"What?" bulalas ni Freezia. Sa palagay niya ay nasisiraan na ng bait si Cody. Isang linggo siyang kasama nito? Oh, no! Muntik na siyang tumalon sa karwahe kundi lang niya mahal ang buhay niya.
"Paano ko maibibigay ang utos ko ng twenty-four hours a day kung wala ka sa tabi ko?" magkasalubong ang kilay na tanong ni Cody.
Umiikot ang ulo niya. Isang linggo niya itong kasama. Kailangan niyang makatakas dito kahit sandali. baka may pagkakataon pa siyang makatakas o kaya ay magbago ang isip nito. "P-Paano ang mga gamit ko?"
"I will provide for you. I am your master after all."
"So you want to play the master-slave. Mali ka ng pinili. Madaming babae diyan na willing magpaalipin sa 'yo. I will be a lousy slave. Ano bang iuutos mo sa akin? Maglinis ng cottage mo? Pagsilbihan ka at ang mga babaeng haling na haling sa iyo."
“Hindi ka katulong. At wala kang ibang pagsisilbihan kundi ako. Don’t worry. may special program akong ihinanda para sa iyo.”
Hindi siya mapakali hanggang makarating sa cottage nito. Pakiramdam niya ay sa isang house of torture siya papasok. Marahan siyang lumakad sa likuran ni Cody pero ang gusto talaga niya ay tumakbo palayo.
“Cody, pwede bang sabihin mo na kung anong aasahan mo sa akin? Do I have to belly dance for you?” Naalala niya kanina si Jumeirah na gusto ni Prince Rostam pagsayawin sa harap ng maraming mga tao.
Pumitik si Cody. “Now that is a nice idea.”
“I don’t dance,” direktang kontra niya dito.
Nagkibit-balikat ito. “That’s okay. I am not into belly dancing.” Binuksan nito ang isang kuwarto. “This will be your room.”
Napaurong siya. “K-Kuwarto ko iyan?”
Lumapit ito sa kama at inangat ang isang flimsy na lime gown. Mahaba iyon pero may kanipisan at tiyak na hahakab sa katawan niya. “At ito ang gusto kong isuot mo.”
“Gagawin mo akong sex slave mo?” She put up one of the tai chi stance that she learned. “Marunong akong mag-tai chi. kayang-kaya kitang gulpihin kaya huwag mo akong pagtatangkaan.” Sana ay di nito alam na pang-exercise lang ang tai chi na alam niya at di tipong pang-Jet Li.
Humalakhak si Cody. “Sex slave? Freezia, alam ko na hindi maganda ang reputasyon ko sa mga babae ayon sa iyo pero wala akong planong basta-basta na lang isuko ang puri ko sa iyo.” Hinawakan nito ang dalawang kamay niya at ibinaba. “Kaya hindi mo ako kailangang sindakin. Mag-bubble bath ka.”
Ang walang hiya! Siya pa ngayon ang lumalabas na nagtatangka sa puri nito. As if naman pangarap niyang maging sex slave nito. Parang gusto na naman niya itong gulpihin. Wala siyang planong gahasain ito.
Bubble bath? Wala daw itong interes sa kanya pero sexy na damit naman ang gusto nitong ipasuot at gusto pa nitong mag-bubble bath siya. Baka mamaya anong kalokohan ang iniisip nito.
“Hindi ko isusuot iyan,” aniya at humalukipkip. “At hindi ako maliligo.”
“Kapag hindi mo isinuot ‘yang nightgown, wala kang ibang isusuot. At kung tatanggihan mo ang lahat ng damit na ipapasuot ko sa iyo, wala kang maisusuot na kahit ano sa loob ng isang linggo.”
Bigla niyang nayakap ang sarili at tinalikuran ito. “S-Sige. Pero hindi ako magba-bubble bath.” Matitiis niyang manlimahid at manlagkit sa loob ng isang gabi para hindi na siya nito pag-interesan. Baka magbago din ang isip nito sa pagiging slave niya kapag na-turn off ito sa kanya.
Hinawakan nito ang ilang hibla ng buhok niya. “Mas gusto kita kapag amoy pawis ka.”
Kinilabutan siya dahil sobrang lapit ng katawan nito sa kanya. She could sense the predator in him. As if he was ready to devour her, nanlilimahid and all. Wala talaga siyang takas sa kumag na ito.
Tumalilis siya palayo dito, hinablot ang gown at saka pumasok sa banyo. “Huwag kang papasok at huwag kang maninilip. Wala akong pakialam kahit na village lord ka pa. Mawawalan ka ng next generation at di ka mapapakinabangan ng mga babae mo.”
Ini-lock agad niya ang pinto pagpasok ng bathroom. “Wow!” usal niya nang makita ang jacuzzi na may mga rose petals na nakalutang. May nakakalat din na mga scented candles na may sindi sa paligid. It was a perfect scene for seduction.
Pwes, hindi iyon mae-enjoy ni Cody. Para sa kanya lang ang bubble bath na iyon. Humagikgik siya nang ibabad ang sarili sa maligamgam na tubig. “Ah! This feels so good.” Humikab siya at unti-unting ipinikit ang mga mata habang minamasahe ng tubig ng jacuzzi. Saka niya naramdamang unti-unti siyang nare-relax at nawawala ang lahat ng pagod na nararamdaman niya. magpapahinga siya kahit sandali lang.
INILAGAY ni Cody ang tasa ng basil tea sa tray. Magandang inumin iyon pagkatapos ng bubble bath. Dumating na rin ang mga pastries na in-order niya mula sa Banyan Tree Restaurant. Mga paborito daw iyon ni Freezia sabi ni Chef Rouen.
For the whole week, she was his. Hindi na niya ito pakakawalan. He planned to woo her. At titiyakin niyang hindi mawawala sa paningin niya si Freezia.
Gusto niyang magwala kanina nang makita itong kasama si Brent. Some men could see beyond her simple beauty. At ito lang ang naiisip niyang paraan para di ito basta-basta malapitan ng ibang lalaki. Sana lang sa loob ng isang linggo ay maipakita niya Freezia kung ano ang totoong nararamdaman niya o masabi man lang niya. Sa ngayon ang goal niya ay magtiwala ito na wala siyang gagawing masama dito. He just wanted to spend more time with her.
Kumatok siya sa pinto nito. “Freezia!” Nang di ito sumagot ay binuksan niya iyon. Siguro ay nag-e-enjoy pa itong magbabad sa jacuzzi. Alam niya kung gaano ito ka-busy sa trabaho. At kapag busy ito, nakakalimutan nitong alagaan ang sarili. So he might as well pamper her.
Inilapag niya ang tray sa ibabaw ng kama at pinakiramdaman si Freezia mula sa nakasarang banyo. Kinatok niya ang pinto ng banyo. “Freezia, umahon ka na. Di ka pwedeng magbabad ng matagal diyan. Mangungulubot ang balat mo. Your tea is ready,” aniya at inayos ang pastry at tasa sa maliit na tea table sa tabi ng bintana.
Nag-alala siya nang di ito sumagot. “Freezia!” tawag niya dito at kumatok.
Lumakas ang kaba sa dibdib niya. Bakit di sumasagot si Freezia? Damn! Baka nakatulog ito sa jacuzzi. “Freezia!” tawag niya dito. Nang di pa rin ito sumagot ay napilitan na niyang gamitin ang electronic key na gamit niya para sa emergency. Kung siya ang masusunod ay tatadyakan na lang niya iyon.
Napigil niya ang hininga nang makitang punong-puno ng bubbles. Shit! Nalunod na si Freezia. Di niya ito dapat iniwang mag-isa. He must save her or he would regret it for the rest of his life.
“Don’t you dare leave me, Freezia. Don’t you dare,” he whispered then dove for the jacuzzi.
FREEZIA was drowning. Parang panaginip lang ang lahat pero parang totoo. Hindi niya alam kung paanong nangyari iyon. Ni hindi siya makahinga sa ilalim ng tubig. She was sinking and sinking as water filled her lungs.
“Freezia,” tawag sa kanya ng boses ni Cody. Parang ginigising siya ng boses na iyon mula sa masamang bangungot. Kasunod niyon ay may malalakas na kamay na nag-ahon sa kanya mula sa tubig.
Inubo siya sa tubig na nainom niya at habol ang hininga. Isinandig niya ang nanghihina niyang katawan sa matatag na katawan sa harapan niya.
“Freezia, are you with me?” tanong ni Cody at hinaplos ang buhok niya.
Tiningnan niya ito sa nanlalabong mga mata. “Anong nangyari?”
“Nakatulog ka sa jacuzzi. Muntik ka nang malunod.” Hinawakan siya nito sa balikat at bahagyang inilayo sa katawan nito saka siya binalot ng tuwalya. “Don’t worry. You are safe now.”
Hindi siya makapaniwalang muntik na niyang ikamatay iyon. Sa sobrang pagod niya ay di niya napigilan ang sarili na matulog sa jacuzzi. Mabuti at dumating si Cody. he saved her.
Natigilan siya nang maalala na wala siyang damit nang magbabad siya sa jacuzzi. At sa ilalim ng tuwalyang ipinambalot sa kanya ni Cody ay alam niyang wala siyang damit. Ibig sabihin ay nakita na nito ang lahat sa kanya. And he also get to touch her naked body.
Napasinghap siya at namumutla itong tiningnan. “You… you…”
“Gusto mo ba ng doktor?” nag-aalalang tanong nito.
Napalunok siya at dahan-dahang nag-init ang buong katawan niya. “No…I…” Mariin siyang pumikit at kinuyom ang palad. “Nakita mo ang lahat sa akin. Lahat!”
Naiinis siya. How could this happen to her? She felt so helpless. Iniingatan niya ang sarili niya at ganoon lang kadali kay Cody na makita ang lahat?
Bumuntong-hininga si Cody at niluwagan ang pagkakahawak sa kanya. “Muntik ka nang mamatay. Wala akong ibang nasa isip kundi tiyaking mabubuhay ka,” sermon nito at tuluyan siyang binitiwan. “Sabihin mo lang sa akin kung kaya mo nang gumalaw at pwede na kitang iwan mag-isa.”
“K-Kaya ko na ang sarili ko,” aniya sa nanginginig na boses at di makatingin nang diretso dito.
Cody just saved her life and she cried out like some outraged virgin. Well, she was a virgin. Natural lang siguro ang reaksiyon niya. Pero di naman siya nito binosohan o pinagsamantalahan. Buhay pa rin siya dahil dito.
Baka naman sa dami ng katawan ng mga babaeng nakita nito ay di na siya kainte-interes. She was not a beauty queen or model material. Baka di siya kaakit-akit dito. In short, wala siyang maipagmamalaki. Dahil baka kahit maghubad pa siya at akitin ito ay hindi siya nito papatulan.
NAKATALUKBONG ng tuwalya si Freezia nang lumabas ng banyo. Hiyang-hiya siyang humarap kay Cody. Nakatayo ito sa tabi ng bintana at nakahalukipkip habang hinihintay siyang lumabas ng banyo. Hindi talaga niya alam kung may mukha pa siyang maihaharap dito.
Hinablot nito ang tuwalya mula sa kanya. “What the heck do you think you are doing?” he asked in anguish.
Huli na para habulin pa niya ang tuwalya mula dito. Nakapagpalit na ng tuyong damit si Cody. Naka-black sando ito at loose white cotton pyjamas. He lolked delectable. Pakiramdam niya ay naging inferior siya dito.
“I know I am not that pleasant to look at naked,” she whispered.
"I'm not a supermodel and I don't have a sexy body."
"You are beautiful. Di dahil di mo ipinapakita ang katawan mo sa mundo, dapat ka nang mahiya. Mas natutuwa nga ako na hindi kung sino-sino lang ang makakakita sa 'yo." Inilapit nito tasa ng tsaa sa kanya. "Drink this. At kumain ka. Wala ka halos kinain sa party."
Kahit paano ay nabawasan ang gasgas sa pride niya.
Tahimik lang si Cody habang pinapanood siyang kumain. Parang may hinihintay ito na sabihin siya.
Tumayo ito sa likuran niya at may hawak itong suklay. "Let me comb your hair."
Nagulat siya. "Bakit?"
"Dahil buhol-buhol at magulo ang buhok mo. Mukhang wala ka nang lakas na magsuklay."
"Parang di bagay sa 'yo."
"Nang buhay pa si Mama, ako ang nagsusuklay sa kanya nang may sakit siya," anito at matiyagang sinuklay ng daliri nito ang buhol sa buhok niya. For a very big guy, he was quite gentle. At kapag binabanggit nito ang nakaraan nito ay nakikita niya ang lalaking minahal niya noong mga bata pa sila.
The way he caressed her hair was lethargic. "Lagi mo ba itong ginagawa sa mga girlfriend mo?"
"No. Bukod kay Mama ikaw pa lang ang sinusuklayan ko. Siguro pag nagkaroon ako ng mga anak na babae, I might pamper them like this."
A grand playboy making a grand declaration about having daughters someday. At alam niyang ang mga sinasabi ni Cody sa kanya ay di nito ikinukwento kung kani-kanino. He trusted her. Sinagip nito ang buhay niya. Dapat lang bang pagkatiwalaan din niya ito?
"I'm sorry. Hindi man lang ako nagpasalamat sa iyo nang iligtas mo ang buhay ko." Yumuko siya. "I am ungrateful."
Tumigil ito sa pagsusuklay at kinintalan ng halik ang ibabaw ng ulo niya. Saka niyakap siya nito mula sa likuran. "Huwag mo na ulit akong tatakutin, Freezia. I can't stand the thought of losing you."
Hindi siya makagalaw sa kinauupuan. Binubura ng yakap nito ang natitirang takot sa katawan niya. She felt so alive. Plano niyang labanan si Cody nang pilitin siya nito na maging slave nito. Pero di nito pinaparamdam na slave siya. He made her feel warm, protected and cherished. Paano pa niya ito lalabanan?
"Nanghihina ako."
Di niya alam na malakas pala ang pagkakasabi niya. Niyuko siya nito at binuhat. "Matulog ka na. Pagod na pagod ka na siguro."
Hinayaan niyang buhatin siya nito at maingat siyang inilapag sa kama. "Saan ka matutulog?"
"Nasa tabi lang ang kuwarto ko." May inilabas itong maliit na gadget na parang wireless mouse at inilagay sa kamay niya. "You click this button after I leave. Naka-lock na 'yan at ikaw lang pwedeng mag-unlock. Di ako pwedeng makapasok basta-basta. So di ka dapat mag-alala na pagsamantalahan kita." Tumuwid ito ng tayo. "Ako nga ang dapat mag-alala dahil pwede mo akong paghigantihan."
"Paano naman kita gagantihan?"
"That's the master lock controller. Pwede mong buksan ang kuwarto ko kung gusto mo. Wala akong laban sa 'yo."
Mahina siyang tumawa. "Masyado akong mahina para pagsamantalahan ka. Bukas na lang siguro."
May ngiti sa labi niya nang ipikit ang mga mata niya. Di na siya takot sa pagiging slave. She was excited. Very excited.