Stallion Island Series Chapter 191

Hindi makapaniwala si Freezia kung gaano na kataas ang sikat ng araw paggising niya. Ang choker sa leeg niya ang nagpapaalala na magiging alipin siya ni Cody sa loob ng isang linggo. Kagabi ay mabait si Cody sa kanya pero di pa rin niya alam kung ano ang patakaran sa slave-master game nito. He was one of the village lrods now. Ito ang batas.

Binuksan niya ang pinto at isang paper bag ang nakalapag sa sahig. Nang buksan niya iyon ay isang spaghetti strap white dress iyon na hanggang tuhod niya at may design ng sunflower sa laylayan. May ka-partner iyon na laced up sandals. She loved it. Sa labas ng paper bag ay naroon ang instruction na mag-shower muna siya at isuot niya ang dress.

Mabilis siyang nag-shower at hinayaan niyang nakalugay ang basa pang buhok. Tumuloy siya sa kusina at naabutan si Cody na nagluluto ng agahan. Wala itong suot na pang-itaas maliban sa apron at white pyjama naman sa baba.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Now that was sexy.

Nagulat pa ito nang makita siya paglingon nito. “Good morning,” nakangiting bati nito.

“Good morning,” she replied breathlessly. This was the most perfect way to greet the morning. Kung ganito ang mabubungaran niya araw-araw, parang gusto na niyang kuning slave si Cody.

“Maupo ka na sa may verandah. Malapit nang matapos itong niluluto ko.”

Kumunot ang noo niya. “Bakit ikaw ang nagluluto? Ako ang slave mo. Dapat ako ang nagsisilbi sa iyo.” At dapat bang nakahubad ito kapag nagluluto? Kung ito na lang kaya ang i-agahan niya?

“Slave pa rin kita. At gaya ng sinabi ko, di kita gagawing maid dito. Kaya kapag sinabi kong kumain ka, kakain ka.” Saka nito inilapag ang isang plato ng hotdog sa harap niya. May sinangag na rin at pritong itlog.

“Grabe! Ang tagal ko nang di nakakakain nito!” excited niyang sabi. Na-miss na niya ang hotdog. Puro fibre kasi ang diet niya ngayon.

“Naalala ko napapalo ka pa ng Mama mo kapag ayaw mong kumain ng gulay. At gusto mo lang kainin puro hotdog. Naaawa ako sa iyo kaya pinapakain kita sa amin.” Tinitigan siya nito. “Nagustuhan mo ba ang dress mo?”

Tumango siya. “I love the sunflowers.”

“Ganyan din ang suot mo noong unang beses kitang nakilala.”

Natigil siya sa pagkain ng hotdog. “Ha? Hindi ko na maalala.” Eight years old pa lang siya nang una silang nagkita.

“Well, I remember. Parang eight years old ka tuloy ulit. Very adorable.”

“Yeah, right!” aniya at iniikot ang mga mata. That was very good for her ego. Nasa harap niya pinakaguwapong lalaki sa paningin niya, he cooked her breakfast at ngayon ay sasabihin nitong mukha siyang eight years old.

“Kumusta na ‘yung mga freesias?”

“Good. Nasa wooden pot sila sa tabi ng bahay ni Kuya Noah. wala na kasing lupa para taniman sila. Ilang linggo na lang mamumulaklak na sila.” Ano naman kaya ang naisip nito at kinumusta sa kanya ang mga freesias?

“I just miss them. Parang mga anak ko na sila. Kasi ako ang nagpatubo sa kanila. Pwede pa ba silang ibalik dito?”

“Bakit di ka na lang ulit magtanim ng bago?” Isama nito si Marmy sa pagtatanim. Tutal si Marmy naman ang nagbunot ng mga “anak” nito.

“Ayokong isipin nila na balewala sila sa akin. At kung babalik sila dito, tinitiyak ko na walang pwedeng bumunot sa kanila. Lagi ko silang kakausapin.”

Bumulanghit siya ng tawa. “Cody, you are starting to sound like me.”

“So what? Isa na ako sa village lords. Ipapakaladkad ko sa eroplano ang sinumang magtatawa sa akin dahil kumakausap na rin ako ng mga halaman.” Hinaplos nito ang dulo ng ilong niya. “At wala ring pwedeng magtawa sa iyo.”

Nangangalahati na sila ng agahan nang tumunog ang doorbell. Dali-daling isinuot ni Cody ang polo at lumabas. Pagbalik nito ay kasama na nito si Marmy. Nagulat pa ito nang makita siya. “Kasabay mo palang mag-breakfast ang slave mo,” anito at matamis na ngumiti. She perfected that sweet smile. she won’t be fooled. alam niyang may kasamang tinik ang ngiting iyon.

"Kain tayo," yaya niya. Di siya maldita. Wala siyang ginagawang masama dito kaya di siya natatakot.

"So what do you have for breakfast?" Ngumiwi ito nang makita mga pagkaing nakahanda. "Ano ba naman 'tong agahan ninyo? Puro cholesterol. Sana ipinatawag mo na lang ako, Cody. I'll cook you a hearty breakfast."

Nag-aalangan siyang tumingala kay Cody. In fairness, masarap ang pagkakaluto nito. Wala siyang pakialam kung puro cholesterol iyon.

Nagkibit-balikat lang siya at ipinagpatuloy niya ang pagkain.

"Sorry, Marmy. Di ko alam na dadating ka. Sana dinagdagan ko ang niluto ko."

Napanganga si Marmy. "Ikaw ang nagluto nito at hindi a-ang slave mo?" Yumakap ito sa baywang ni Cody. "I'm sorry. Babawi na lang ako. How about we visit Nirvana Island?"

Deadma lang siya sa mga ito. Di naman siya ang napahiya kay Cody. Pero kung mamamasyal ang mga ito sa Nirvana Island, di siya papayag na maging alalay lang ng mga ito sa date. Magpapadagan na lang siya sa elepante.

"Di pwede. May commitments ka sa Manila. You have to go."

Lalong isiniksik ni Marmy ang katawan dito. "Mas gusto kitang makasama."

"May importante kaming aasikasuhin ni Freezia. We will transfer my freesias," excited na wika ni Cody. "My babies."

Umalma si Marmy. "Cody, kung gusto mo ng baby, pwede naman sa akin."

Si Marmy manganganak ng freesia? Parang di yata bagay.

Nasamid siya at dali-dali siyang dinaluhan ni Cody. "Freezia, are you okay?" tanong nito at inabutan siya nito ng baso ng tubig.

"Okay lang ako. Si Miss Marmy na lang asikasuhin mo."

Tiniyak muna ni Cody na okay siya saka tiningnan ang sports watch. "I will take a shower. Ihahatid ka namin ni Freezia sa airport."

Nawala ang pekeng ngiti ni Marmy nang maiwan silang dalawa na lang ang naiwan. Umupo ito sa iniwang upuan ni Cody at kumain ng hotdog. "Slave, wag kang matuwa dahil ikaw ang pinili ni Cody. Nagkataon lang na busy ako. At di ka niya dapat ipinagluluto. Tamad ka siguro."

"Si Cody ang master ko. Siya lang ang mag-uutos sa akin ng dapat kong gawin at hindi. At hindi mo ako slave. So you can call me Freezia."

"How about I call you bitch?" angil nito at hinaklit ang braso niya.

"Pinag-aralan mo ba 'yan sa challenge ninyo o natural mo 'yan?"

Napamaang ito pero di siya nito binitiwan. "Cody is mine. Matagal ko na siyang hinintay. Kaya wag mo akong kalabanin." pasalya siya nitong binitiwan at saka nagdadabog na lumabas.

Sino si Marmy? Di ito ang Miss Tapia na napanood niya sa TV. Parang ibang tao ito.

SINILIP ni Freezia si Cody at iba pang miyembro ng Stallion Island na nagbubungkal ng lupa at nagtatanim sa gilid ng cottage. Bumalik siya sa kusina kung nasaan si Chef Darwayne at sina Vix at Jazzmire.

"Buhay pa ba si Andreev?" tanong ni Jazzmire.

"Humihinga pa naman," nakangiti niyang sabi.

"Mabuti 'yan nang maranasan niya ang hirap ng buhay," nakaismid na sabi ni Jazzmire.

"Talagang forced labor ang ginawa ni Cody sa mga di bumoto sa kanya?" iiling-iling na sabi ni Vix. Talo din ito dahil talo ang ka-partner ng asawa nitong si Trick.

"Parang mas malaki ang tsansa kong manalong Prince Charming kaysa sa ganitong pustahan," sabi ni Darwayne at bumuntong-hininga. "Sinusulit ni Cody ang pagiging village lord niya."

"Madaya ka, Kuya Darwayne!" sabi ng kadarating pa lang na si Akeesha. "Lahat ng mga boys sa labas half-naked. Dapat ganoon ka din."

"Bakit di mo na lang sabihin na gusto mo akong makitang nakahubad?" tanong ni Dare at inangat ang t-shirt. "Di mo pa direktahin."

"Wala naman akong makikitang interesante sa'yo."

Ihinagis ni Dare ang hinubad na T-shirt at tumaklob sa ulo ni Akeesha. "Sa 'yo na. Para mapagpantasyahan mo ako mamayang gabi."

Tumawa si Dare at tumakbo palayo. Hinabol ito ni Akeesha na galit na galit. "Children, behave!" narinig nilang saway ni TJ dito.

"Parang kayo lang ni Cody nung kabataan n'yo," komento ni Vix.

"Hanggang ngayon naman ganyan pa din sila ka-sweet," sabi ni Jazzmire.

"Di na kami nag-aaway."

"Kayo na?" tanong ni Darwayne.

"Mag-girlfriend ka para di mo kami intrigahin," nakaingos niyang sabi at inilabas ang tinimplang lemonade.

Nang lumabas siya ay nagtutuksuhan ang mga ito dahil pinupunasahan ni Josefa ng pawis si Slade. Kahit first runner up lang ito ay panalo naman ito dahil nabihag nito si Slade.

Muntik nang malaglag ang puso niya nang tumutok sa kanya ang mga mata ni Slade at sinenyasan siyang lumapit. Dala ang lemonade ay lumapit siya dito.

Nanginginig ang tuhod niya habang palapit dito. Wala itong suot na pang-itaas at pantalong maong lang suot nito. Pawisan ito dahil sa pagbibilad sa araw. Double yum! Maraming lalaking nakahubad at guwapo din naman pero si Cody lang ang may kakayahang panginigin ang tuhod niya.

"Yes?" tanong niya paglapit at inabot ang lemonade.

Di nito pinansin ang lemonade. "Punasan mo din ako ng pawis," utos nito.

Pupunasan niya ang pawis nito? Saan? Sa mukha? Sa matipuno nitong dibdib? Sa eight pack abs nito? Bumaba pa ang paningin niya sa pantalon nito. O sa...

Paano niya ito pupunasan? Nanginginig ang kamay niya. Nanghihina siya.

Narinig niya ang tunog ng natapong likido kasunod ang pagsinghap ni Cody. Saka lang niya napansin na naitagilid niya ang hawak na baso at basa ang ibabang bahagi ng dibdib nito pababa.

"Cody, I'm sorry!" Dali-dali niyang kinuha sa bulsa ng apron niya ang tuwalyita at pinunasan ang bahagi ng katawan nito na nabasa. Bigla ay parang bumagal ang paggalaw ng lahat nang dumampi ang tuwalyita sa balat nito. She wanted to take time touching those magnificent muscles. Pigil niya ang hininga nang bumaba ang kamay niya sa eight pack abs nito at tinalunton pa niya ang tubig pababa hanggang sundan ng paningin niya ang tubig pababa ng pantalon nito.

"Freezia, tama na 'yan. Ako na ang bahala," malumanay na sabi ni Cody.

"Hindi pwede. Kasalanan ko 'to."

"Freezia, hayaan mo na si Cody!" mariing utos ng Kuya Noah niya. Sa itsura at tono nito ay parang batang makulit siya na may ginagawang kalokohan.

Saka lang niya naintindihan kung anong itsura niya. Parang pinipilit niyang hubarin ang pantalon ni Cody. As if she was a maniac.

"Oh,no!" usal niya at lumayo dito na parang napaso. Yumuko siya habang mahigpit na hawak ang tuwalyita. "Sorry."

"It's okay. Magbibihis lang ako," sabi ni Cody.

Di nagtagal pagpasok nito ay pumunta siya ng kusina at tumungga ng malamig na tubig mula sa ref. Dapat yata ay siya ang nasabuyan ng tubig. That man...that body was driving her insane.

She was a slave. A slave of desire.

HALOS di nililingon ni Freezia si Cody habang magkatabi sila sa royal box ng indoor arena. Kasama nila ang pitong village lords. It was supposed to be exciting. Nagpapasikat sa dressage si Quillian. Lahat ng presentation sa araw na iyon ay para kay Cody.

"Masyado ka yatang tahimik," puna ni Cody sa kanya.

"Kinakabahan lang ako."

Lagi naman siyang kinakabahan kapag nasa paligid si Cody. Matapos ang eksenang ginawa niya kahapon, mas naging aware siya sa tindi ng atraksiyong nararamdaman niya para dito. Mabuti na lang at maraming tao lagi sa paligid nila. Di niya alam alam kung anong gagawin kapag nagsolo sila ni Cody.

"Hindi naman komplikado 'yung tricks na gagawin ko. Di ako tulad ni Chrome na naka-blindfold pag nakasakay ng kabayo."

Napaangat siya sa kinauupuan. "Magpe-perform ka din?"

"Of course. At si Prince Rostam ang nagturo sa akin," pagmamalaki nito.

Hinaplos ni Prince Rostam ang sariling baba. "That's not me. 'Yung impostor ko 'yon. Pag ako ang nagturo sa 'yo, gumagapang ka na ngayon."

Napapalatak si Cody. "Sabi niya sa akin royal family lang ng Al Ashiq ang nakakaalam ng tricks na 'yon. Pumayag pa akong ampunin 'yung isa wild mustang sa Nirvana Island para lang magpaturo sa kanya."

"Who knows? Baka special tricks 'yung itinuro niya sa iyo," sabi ni Rouen.

"Malapit ka na," sabi ni Ryuhei.

"Huwag mo kaming ipapahiya," may piping bantang wika ni Gianfranco.

Ginagap ni Cody ang kamay niya. "Wish me luck."

Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi at mariing kinintalan ng halik sa labi. "Kaya mo 'yan."

Mukhang nagulat din si Cody sa ginawa niya pero pagkuwan ay bumaba din ng royal box. Wala na siyang panahong kwestiyunin ang ginawa niya. She felt good about that kiss.

"What a sweet slave. Di katulad ng ibang kilala ko," pasaring ni Prince Rostam.

Bumaling sa kanya ang alipin nitong si Jumeirah. "Mabait bang master sa 'yo si Cody?"

"Wonderful! Hindi niya ako tinratong slave." Pakiramdam nga niya ay prinsesa siya. Ang tanging utos lang nito ay kumain siya, kung anong isusuot niya, saan sila pupunta at tiyakin nitong di siya mawawala sa paningin nito.

"Swerte mo naman. May considerate kang master. Di tulad ng ibang kilala ko diyan," anito at dahan-dahang nilingon si Prince Rostam.

Naningkit ang berdeng mata ni Prince Rostam. "Kung inconsiderate ako, sana sa Al Ashiq pa lang ipikain na kita sa mga scorpion sa disyerto. That's the penalty for impertinent slaves."

"Baka mas mabait pa 'yung mga scorpions sa 'yo."

"Gusto ninyong magsabong sa gitna ng arena?" saway ni Evandro sa mga ito. "Wala akong maintindihan sa pinapanood ko."

"Halikan mo na lang at nang matahimik," kantiyaw ni Alexandros.

"Masyado naman siyang maswerte," sabi ni Prince Rostam. Jumeirah just made a face.

Ganoon din sila ni Cody noon. Parang mga bata at walang tigil ang bangayan. Pero kapag ipinapakita nito ang bahagi nito na di nito ipinapakita sa iba o kung tinatrato siya nitong na parang siya lang ang nag-iisang espesyal na babae sa buhay nito, hindi na niya magawang mainis dito.

Pumalakpak siya nang pumasok ng arena si Cody at ang bagong kabayo nito na si Hellios. "I think that's the wild mustang," hula ng village lord na si Raddison.

"What? Gagawa siya ng tricks sa wild horse na 'yan? Paano kung talaktakin siya ng kabayong 'yan o kaya daganan," nag-aalala niyang sabi. "He is good in show jumping. Dapat iyon na lang ang ginawa niya."

"Relax, Freezia," anang si Prince Rostam. "Kahit impostor ko lang ang nagturo sa kanya, mas marami siyang alam sa kabayo kaysa sa akin."

Wala naman siyang masyadong alam sa lalaking kamukha ni Prince Rostam maliban sa nagtatrabaho ito sa wildlife sanctuary ng Nirvana Island. Sana lang ay magaling nga ito o magwawala siya kapag palpak ang itinuro nito kay Cody.

"Knowing Cody, di 'yan papayag na mapahiya lalo sa 'yo," wika ni Ryuhei.

Noong una ay pinaiikutan lang ni Hellios si Cody. Isang mahabang stick ang hawak ni Cody. Sa isang kumpas ng stick na iyon ay pinaikutan ng kabayo si Cody na parang tinatantiya pa nito ang galaw ang bawat isa. Sumunod ay umupo si Cody at idinikit ang stick sa lupa.

Nagsalita si Cody sa lapel mic nito. “Gusto ni Hellios na palakpakan ninyo siya para magawa niya ang trick niya.” Ilan sa mga staff ng arena ang nag-set ng tempo. Pinadaan ni Cody ang stick sa ilalim ng front legs ni Hellios at lumukso-lukso ito sa bawat pagdaan ng stick sa paanan nito.

Nang matapos ang unang trick ay umupo si Cody na animo’y nagpapahinga. Sumunod din si Hellios. Nang utusan itong mag-play dead ni Cody ay kusa naman itong humiga. Pero nang bumangon si Cody at tumakbo ay bumangon din si Cody at hinabol ito.

Tuwang-tuwa siya sa mga cute tricks ni Cody at ng bago nitong kabayo. “Kadasalan nakikita ko lang ang mga tricks na iyan sa mga aso,” sabi niya.

“It can be done with loyal Arabian horses,” sabi ni Prince Rostam. “Pero nagawa nilang turuan ang mga wild horses ng ganyang tricks. That’s exemplary.”

“Alam mo naman si Kuya Raschid,” wika ni Ryuhei. “Sabi nga ni Kuya Ryuji, kulang na lang kabayo na ang nagpanganak sa kanya. Mukhang dapat turuan ko na rin si Amedamaru ng ganyang tricks.”

Humarap si Cody sa direksiyon niya at inilahad ang palad. "Lumapit ka daw sa kanya," sabi ni Raddison at inalalayan siya pababa ng arena.

Isang long stem red rose ang hawak ni Cody at marahan siyang lumapit dito. That was so sweet. Nakatitig ang mga mata nito sa kanya na parang siya lang ang nag-iisang tao sa mundo. And she was actually holding her breath. Ilang beses na ba niyang pinangarap na sana ay katulad din siya ng ibang babae sa buhay ni Cody na nabibigyan nito ng bulaklak?

Pero inagaw ni Hellios ang rosas sa kamay ni Cody. Natawa siya dahil nakita niya ang pagkagulat sa mukha ni Cody. Humakbang ang kabayo palapit sa kanya. Tumigil ito sa harapan niya at ikiniling ang ulo na parang inuutusan siyang kunin ang oras sa labi nito. Kinuha niya ang rosas mula dito.

Humalakhak siya at hinaplos ang leeg nito. "Thank you, Hellios. That’s a very good trick." Ibinuka din niya ang labi bilang pasasalamat kay Cody. There was warmth in his eyes when he smiled. Kung sasabihin lang nito na siya ang pinakaespesyal na babae sa buhay nito, kahit magpaalipin siya dito habambuhay.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.