"HELLIOS is an intelligent horse. Hindi ko naman itinuro sa kanya 'yung pagbibigay ng rose," sabi ni Raschid kay Freezia nang kukunin na nito ang kabayo para ibalik sa Nirvana Island na isang wildlife sanctuary para sa mga rescued animals.
"Mukhang namana ang pagiging babaero mo," nakataas ang kilay na sabi ni Yvankka na park manager ng Nirvana Island.
Yumukod si Raschid. "I will take that as a compliment. Isang talent na marunong kaming maka-appreciate ng magaganda."
"Nandito ka lang pala," sabi ni Cody nang matakasan ang mga babaeng nagkakagulo dito.
"Nagpapaalam lang ako kay Hellios," aniya at idinikit ang pisngi sa leeg ng kabayo. "Thank you sa rose, ha?"
"Sa akin galing 'yan," alma ni Cody.
"Pero siya ang nagbigay."
Tinapik ni Cody ang kabayo. "Go back to your mares, playboy. The girl is mine."
Humalinghing bilang protesta si Hellios nang hilahin siya ni Cody palayo. "Aalis na tayo agad?"
Pinasakay siya nito sa e-jeepney at nagpahatid papuntang cottage. Mukhang di maganda ang mood nito. Ano kayang problema nito? Mukhang okay naman ito kanina. May sapi?
Di pa rin ito kumikibo hanggang dumating sila sa cottage. Kahit ang tawag sa cellphone nito ay di sinasagot.
"Hinahanap tayo ni Kuya Trick. Magvi-videoke pa daw kayo," sabi niya nang may matanggap na text.
"Tell them we are not going."
"Masama ba ang pakiramdam mo? Anong gusto mo?" Nag-aalala siya. Baka napagod ito sa mga tricks na ginawa nito kanina.
Tumigil ang padabog na paglakad nito at hinarap siya. "I want you to stay beside me. I don't want you out of my sight. Mahirap bang gawin 'yon?"
"Si Hellios lang ang kasama ko at natatanaw mo ako. Kailangan ba nakatanghod ako habang pinagkakaguluhan ka ng mga babae?"
"Kaya nga gusto kong nasa tabi kita para makita mong di pareho ang tingin ko sa iyo at sa ibang babae. Gusto kong malaman mo na ikaw lang ang nag-iisang espesyal na babae sa buhay ko."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Bulag ka ba? Di mo ba nakikitang mahal kita?"
Namanhid ang dila niya. Di niya alam kung ano ang dapat sabihin dito. Di niya inaasahang sasabihin nitong mahal siya nito. Nitong nakakaraang araw ay ibinuhos nito ang lahat ng atensiyon sa kanya. She could see a powerful emotion in his eyes whenever he looks at her. Pero di sumagi sa isip niya na mahal siya nito. Umasa lang siya na sana ay mahalin siya nito.
"Ha?" tanging nasabi niya.
Hinawakan siya nito sa magkabilang pisngi. "Di mo ba narinig ang sinabi ko? Mahal nga kita." Ginulo nito ang sariling buhok. "Great! Minsan ko na nga lang sasabihing mahal kita di ka pa nakikinig. Mahal kita kahit tanungin mo ang Kuya Noah mo, mga kamag-anak mo. High school pa lang tayo gusto na kita. Alam na din ng mga ungas na member ng riding club na pinagpupustahan na lang ako palagi kung papalpak na naman akong sabihin na mahal kita. Kung di ka naniniwala, tanungin mo 'yung mga freesias. Buto pa lang sila alam na nilang mahal kita."
The declaration left her breathless. Ngayon lang niya nakita si Cody na frustrated. He was always the smooth one. Madali dito na sabihin o gawin ang lahat kaya nga effective itong model. But it looks like he was losing his cool just by telling her that he loves her.
"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?" Kaya nga nag-transfer siya sa eskwelahan nito dahil gusto niya ito. Sobrang tagal na no'n.
"Tuwing sasabihin ko natatakot ako. Baka hindi ka maniwala." At nakikita pa rin niya ang takot na baka i-reject niya ito.
"Cody, sobrang dami ng babaeng nakapaligid sa 'yo. Lagi kang gumagawa ng effort para iparamdam na espesyal sila. Malay ko ba kung isa lang ako sa kanila?"
Hinawakan nito ang balikat niya. "Its a part of me you have to understand. Alam mo kung gaano kalungkot si Mama noong nabubuhay pa siya. Sakitin siya at di siya pinapansin ni Papa. At ayokong makikitang may babaeng nalulungkot tulad niya."
Alam niya kung gaano kamahal ni Cody ang Mama nito. At hanggang ngayon ay ipinagluluksa nito. Maybe consolling those lonely women became his crusade. Pero madami pa ring tanong sa isipan niya.
Humalukip siya at itinapik ang paa. "Naniniwala ako sa krusada mo sa mga kababaihan. Pero paanong gusto mo ako noong high school tayo, dinudugas mo pa 'yung mga bulaklak sa greenhouse para ibigay sa ibang babae."
Pinisil nito ang pisngi niya. "Selos ka, no?"
Tinabig niya ang kamay nito. "Hindi nakakatuwa 'yung ginawa mo."
"Di mo kasi ako pinapansin. Buti pa mga halaman mo kinakausap mo. Kaya pumipitas na lang ako ng bulaklak para mapansin mo ako. Baka sakali magselos ka." saka ito ngumisi na parang pusang nakatapon ng gatas.
Mariing nagdikit ang labi niya. Iyon lang pala ang purpose nito. Magpapansin sa kanya at pagselosin siya. Di ba nito alam kung gaano kahirap itago kapag nasasaktan siya?
Maasim siyang ngumiti. "Kahit naman pagselosin mo pa ako, di mo rin naman nasabi sa akin na gusto mo ako. Ilang taon na...himala ngang nagkalakas ka pa ng loob na magsabi ngayon."
"Actually, I planned a grand confession. Sa arena pagkaabot ko ng rose sasabihin ko na sana sa harap ng maraming tao na mahal kita. Kaso.." Sumimangot ito. "Naunahan pa ako ni Hellios. Nang-agaw pa ng bulaklak."
Humalakhak siya at humawak sa braso nito. "Ganoon ka kabagal. Naunahan ka nung kabayo."
"Kabayo ‘yon. Mabilis talaga iyon. Hindi naman talaga ako playboy. Aminado naman ako na torpe ako." Tinitigan siya nito. "May pag-asa pa ba ako? Baka kasi si Hellios na ang sinagot mo."
"He is cute. Pero di ko type ang mga kabayo."
Lumiwanag ang mukha nito. "May pag-asa ba ako."
"Pwede ka na sana..kaso may kulang."
"Anong kulang? Anong dapat kong gawin para sagutin mo ako?"
Kumunot ang noo niya. "Ano pang kulang sa kumpisal mo?"
"May kulang pa? Di ko kasi alam."
Nagtagis ang ngipin niya at hinaklit ang kuwelyo nito. "Slow ka talaga. Where the hell is my kiss?"
Pumaikot ang kamay nito sa balikat niya. "Sigurado ka?"
She was sure that he was trembling. Bakit noong unang beses siya nitong hinalikan ay parang kampanteng-kampante ito? Maybe because he looked larger than life. She could see the ladies man she thought he was. Pero nasa harap niya ngayon ang lalaking nagmamahal sa kanya. Ang lalaking inabot ng maraming taon para sabihing mahal siya.
Yumakap siya sa leeg nito. "Sigurado ako."
When their lips touched, Cody became the center of her world. It was more potent than the previous kiss they shared. Dahil alam niyang mahal siya nito. Tuluyan nang nabura sa kanya ang alinlangan at ang mga tanong tungkol sa nakaraan nito. She didn’t care about it now. Dahil nang mga oras na iyon, alam niyang siya lang ang nag-iisang babae sa puso nito Cody. She could feel it.
This was not Cody, the playboy supermodel. This was the boy Cody that she treasured inside her heart the first time she laid her eyes on him.
And that kiss was pure and innocent. Na parang iyon lang ang unang pagkakataon ni Cody na humalik sa isang babae kahit na alam niyang expert ito.
“So tayo na?” nakangiting tanong nito.
“Ni hindi mo pa nga tinatanong kung mahal din kita,” nakataas ang kilay nitong tanong. Masyado naman yata itong kampante.
Hinaplos nito ang labi niya. “Your kiss says it all. At halata namang patay na patay ka sa akin.”
Pinamaywangan niya ito. “Para sa isang torpe, assuming ka rin na tayo agad, no? Kung bastedin kaya kita.”
Ginagap nito ang kamay niya at inilapat sa dibdib nito. “Don’t say that bad word. Hindi rin naman maaatim ng puso mo na bastedin ako. Wala ka nang makukuhang lalaking kasing guwapo ko at kasing good kisser ko.”
“Magkano ang mapapanalunan mo sa pustahan kapag sinagot kita?”
“Just you. Kanina pa ako natalo. At di lang kayamanan ko ang binasawan nila kundi ginutay-gutay na rin nila ang pride ko. Wala naman akong pakialam sa pustahan na iyon. Kung magiging girlfriend kita, you will be the greatest prize ever. So will you be my girl?”
Nang tumango siya ay kinintalan siya nito at tinanggal ang slave choker niya. “You don’t need this. I want you to wear this instead.” At inilagay nito sa kamay niya ang butterfly hairclip na bigay nito sa kanya noong high school pa siya.
It was a butterfly hairclip. May bahagyang gasgas iyon. “I-Ito ang ibinigay mo sa akin noong high school pa ako. Itinago mo ito?”
Inilagay nito ang clip sa buhok niya. “Dahil gusto ko na isang araw ibalik ulit ito sa iyo kapag sinabi kong mahal kita. Now you really look like a fairy. Huwag mo nang ibabato pabalik sa akin iyan.”
“Depende kung mahuhuli na naman kitang binibigyan ng bulaklak ang ibang babae. I must admit that I am very possessive.”
“Hindi mo na kailangang maging possessive. Because I am really yours.”
SUMASAKIT na ang ulo ni Freezia. Umaga pa lang ay naghahanda na sila para sa pictorial ni Cody. Wala na silang masyadong oras dahil malapit na ang launching ng Human Loves Nature.
Kahit nasa Stallion Island siya ay kailangan pa rin niyang i-monitor ang mga raw materials at supplies na kailangan nila para sa products nila.
Gusto rin niyang bantayan si Cody sa pictorial nito. Hindi niya gusto ang itsura ng mga nakabantay na Sirens lalo na’t bumalik si Merian. They were like pack of she-wolves, ready to devour their prey. Ngayong girlfriend na siya ni Cody, kahit paano ay dapat maging visible siya sa buhay nito. She’s staking her claim.
Nasa dressing room ito at nagbibihis. Maganda ang panahon pero malamig sa bahaging iyon ng Hidden Mist Falls dahil sa nagtataasang puno. Nakakaantok tuloy.
Nilapitan siya ni Rahya, ang nobya ng miyembrong si Misha Santoros at isang advertising executive. Kompanya nito ang may hawak sa account nila. Inabutan siya nito ng tasa. “Basil tea. Mukhang nilalamig ka na,” nakangiting sabi nito.
“Paano mo nalaman na gusto ko ito?” Hindi kasi iyon ang ino-order niya kapag lumalabas siya kasama ito at ang iba pa niyang kaibigan sa Stallion Island. Boring daw kasi iyon sabi ni Vix. Dapat ay iba naman ang subukan niya.
“Si Cody, sino pa? Maswerte ka din diyan sa boyfriend mo. Nagluluksa ang maraming kababaihan dahil girlfriend ka na niya.” Saka nito inginuso ang Sirens na nakatanghod sa likuran ng mga puno. May mga security kasi na nakabantay para di mabulabog ng mga usisera ang pictorial nila.
Ngumiti siya at sumimsim ng tsaa. Kahit na nasa trabaho ito ay inaalala pa rin siya ni Cody. Kapag kasama niya si Cody ay parang bumabalik sila sa pagkabata. At least she was sure now that it was love. And she could see spending the rest of her life with him.
“Nandiyan na si Fafa Cody!” tili ng mga Sirens na pilit lumalagpas sa kordon na itinakda ng security pero naharangan agad ang mga ito.
Nakanganga lang siya nang lumapit si Cody sa set. Wala ito halos suot maliban sa nakatapis na puting tela sa baywang nito. He was like a Greek god personified. At wala na itong iniwan sa imahinasyon niya.
“Papa Cody, pahawak sa abs!” tili ng Siren na si Francey.
Madilim ang mukha niya nang lumapit kay Cody. “Bakit ‘yan lang ang suot mo?” tanong niya. Magagahasa ito sa suot nito.
“That’s our concept, Freezia,” depensa agad ni Rahya. “Nature in its barest and most primal form. Dahil iyan din ang ibibigay ninyo sa mga customers ninyo. Hindi ba nai-discuss na natin ang costume na ito sa story board?”
“Yes. Pero di ko naman alam na masyadong…” Well, it was too sexy. Parang gsuto na lang niyang ikulong si Cody sa dressing room at huwag palabasin. Ayaw niyang pagpiyestahan ito ng ibang mga mata.
“Let’s start with the shoot. Kailangan ko rin agad magpalit ng disenteng damit. My girlfriend is ready to devour me.” Saka nanunukso siyang tiningnan ni Cody na parang siya lang ang may interes dito.
Hindi siya mapakali habang nagpi-pictorial. First time niyang um-attend ng pictorial ni Cody. She didn’t know how rigorous it was. Para sa isang shot ay paulit-ulit na kinukuhanan. But Cody was very patient. Kaya kakaibang respeto ang ibinigay niya dito. Parang gusto na rin niyang sumali sa fans club nito.
Humanga siya sa resulta nang ipa-view sa kanila ni Guilliana ang mga shots nito. “Wow!” nausal lang niya. Na-excite din sina Jazzmire at Illiana.
“Ipapadala ko agad ito sa Manila for editing,” sabi ni Rahya. “Misha wants to oversee the commercial himself. Don’t forget the commercial shoot tomorrow.”
Pinalapit nito si Allika na isang papasikat na photographer. Nag-volunteer din ito ang services nito dahil hilig na nitong gamitin ang mga pictures nito para sa kapakinabangan ng mga mas nangangailangan. “Yes?”
“Pwede bang kuhanan mo kami ng picture ng girlfriend ko?” tanong ni Cody.
“Sure,” sabi ni Allika.
Hinila siya ni Cody malapit sa waterfalls. Akala niya ay tamang tatayo lang siya doon at ngingiti. Nagulat siya nang hilahin nito ang tali sa buhok niya. Then he pulled her waist and claimed her lips. Hindi niya alam kung gaano katagal ang halik na iyon pero natulala na lang siya at naramdaman niyang hinaplos nito ang labi niya.
“Wow! Nice shot!” narinig niyang sabi ni Allika at saka lang siya nagising.
“Patingin nga,” sabi ni Cody at lumapit dito.
Nanginginig siyang napaupo sa batuhan. Hinalikan siya ni Cody sa harap ng maraming tao. She didn’t expect him to do something so blatant. At nakita niya ang pagkadismaya ng mga fans nito.
“Very sensual,” anang si Rahya at tumango-tango. “Illiana, maganda ‘to para sa ilalabas ninyong lip balm. Excited na ako para doon. Natural lips are very kissable indeed. Mapapabili ako ng maraming lip balm niyan.”
“Those are private pictures. Huwag ninyong ilalabas iyan,” protesta agad niya. Nang makita niya ang pictures ay na-shock siya. It was so passionate. The camera captured her innocence and her sensuality at the same time. Shocking.
“Huwag daw ninyong ilalabas,” warning ni Cody at niyakap siya mula sa likuran. “Pero gusto kong gawing wallpaper ng kuwarto ko ang mga iyan.”
Matalim niya itong tiningnan at tiningala. “Cody!”
“Kung pwede lang ikalat sa buong mundo ang pictures na iyan. I want the world to know you are mind.” Nagkibit-balikat ito. “But I am not taking any chances. Baka mas dumami ang karibal ko sa iyo.”
“Imposible iyon.” Walang ibang lalaking pwedeng pumukaw sa nararamdaman niya kundi si Cody lang. “But what you did was very naughty.”
“And I want to kiss you again and again and again.”
And he did.