Freezia was thrilled with the outcome of the product launching. Ginanap iyon sa isang malaking mall at maraming tao ang dumating. May mga consultation din sila at sa program ay ipinaliwanag kung paanong magiging responsable ang mga tao sa pangangalaga sa kalikasan kung gagamit ng produkto nila. And a major environmental group supported them.
"Men and women are crazy about our products. Orders are pouring in," excited na balita ni Illiana.
"Paano dati mayayaman lang nakaka-afford ng organic products mo. Nayanig ang market dahil binago natin ang trend," sabi ni Jazzmire.
"Well, malaking bagay din na hot item ang mga endorsers natin," komento niya at nilingon sina Kaetria at Cody na pumipirma ng autograph at nagpapa-picture sa mga fans.
Siniko siya ni Jazzmire nang magtiliang ang mga tao. "O! Nandito si Marmy."
Nilapitan nito si Cody at niyakap nito. Pinagpiyestahan ang mga ito ng press. "Tama ba 'yang pag-eksena niya? Akala mo loveteam sila," naiinis na sabi ni Jazzmire. "Ikaw ang girlfriend ni Cody. Dapat ikaw lang ang lumilingkis sa kanya."
"Sinusuportahan lang niya si Cody." Di pa naman nila ipinaglaladlaran sa mundo ang relasyon nila ni Cody. Sa dami ng trabaho niya, wala siyang oras na uriratin ng reporters sa mga bagay na walang kinalaman sa trabaho niya.
Ayaw na niyang lagyan ng malisya. Masyado nang maraming tsismis sa mundo ni Cody. Ang importante ay nagkakaintindihan sila.
Binati niya ang manager ni Marmy na si Babeth at nagpasalamat sa pagsuporta nito sa launching nila. "You know that Marmy will do everything for Cody. They look so good together. Alam mo bang matagal nang gusto ni Marmy si Cody nang magkita sila sa Rome?"
"Magkakilala na sila dati pa?"
"Oh! Di na siya naaalala ni Cody. Ibang babae ang pinili ni Cody. Thus her first broken heart. So it's destiny that they are together now." Natutop ni Babeth ang bibig. "Ooops! Me and my big mouth. Wag mo na lang sanang banggitin kay Cody."
Tumango siya at magalang na ngumiti nang magpaalam si Babeth na pupuntahan ang mga kaibigan nitong reporters. Di pa nakakarating kay Babeth at Marmy ang balita na boyfriend na niya si Cody kung ganoon.
Di na natatandaan ni Cody si Marmy nang nagkakilala ang mga ito sa Italy? At si Cody ang first love nito?
Nakadama siya ng panganib. Paano kapag nalaman nitong girlfriend na siya ni Cody? Siguro naman ay tanggap nitong di lahat ng nasa TV ay isang fairy tale.
"Kaya mo pa? Kaladkarin ko na palayo kay Cody," suhestiyon ni Jazzmire na kanina pa mainit kay Marmy.
"It is part of Cody's job. Mas apektado ka pa sa akin."
"Mainit talaga ako sa Marmy na 'yan. Di ko alam bakit siya ang nanalo sa makeover challenge. Mas madaming fans si Josefa."
"Tapos na 'yan. Nanalo na siya. Tigilan ang isyu na 'yan." Hinila na lang niya ito para i-entertain ang ibang member ng Stallion Island na dumating.
Isang malakas na iyak ang nakapukaw ng atensiyon nila. Humangos siya sa direksiyon malapit sa stage. Naabutan niyang nanginginig sa takot habang nakayakap kay Cody at umiiyak. "What's wrong?" tanong niya. Maging ang security ay nabulabog na dahil dito.
"May natanggap na naman na threat si Marmy. May nagpapaabot lang daw sa kanya ng envelop." Ipinakita nito ang envelop na ang laman ay mga pictures ni Marmy na may X-mark. Kasama doon ay ang sulat na binabalaan itong layuan si Cody.
Idinala muna nila si Marmy sa backstage para di na maalarma ang ibang mga guest nila. Baka matakot pati ang nagpapa-autograph. Iniwan muna ni Cody ang mga nagpapapirma dito para samahan ang takot na takot pa ring si Marmy.
"It must be from an obsessed fan," suhestiyon ni Illac. "O baka naman nakatuwaan lang manakot. Some people do that for kicks."
"This is not the first time," sabi ni Babeth na nakaalalay kay Marmy. "Dati pa siya nakakatanggap ng mga threats."
"Bakit ngayon lang ninyo sinabi?" tanong ni Cody na hindi komportable sa nalaman.
"May mga ganyan daw na haters. Nagpapadala lang siya ng mga banta kapag may guestings ako o kaya pinapadala sa bahay ko. Now I think that person wants me dead." Yumakap ulit ito kay Cody at humikbi. "Natatakot ako."
Hinaplos ni Cody ang likod nito. "Magre-request ako ng security para sa iyo. And we will report this to the authorities."
"Cody, don't leave me," pakiusap ni Marmy.
Bumuntong hininga si Cody at tiningnan siya. "Okay."
Umalis na lang siya sa backstage at itinuloy ang trabaho. Ayaw niyang magselos dahil malalason lang ang relasyon nila ni Cody. Kailangan niyang intindihin ang trabaho nito at ang mga taong nakakasalamuha nito sa abot ng makakaya niya.
Maya maya ay dumating na ang magiging bodyguard ni Marmy. Nilapitan siya ni Cody. "Freezia, I know I have obligations here. Pero di ko pwedeng iwan si Marmy ngayon. She's vulnerable right now."
"Pero may bodyguard na siya."
"Yes. Pero responsable ako kung bakit nasa panganib siya ngayon. Naiintindihan mo naman ako, di ba?" malumanay nitong sabi.
Pilit siyang ngumiti. "Yes. Of course."
"Thank you," anito at pinisil lang ang kamay niya. Saka nito pinuntahan si Marmy at inalalayan ito palabas ng activity area. Ni hindi man lang siya nito hinalikan kahit sa pisngi. Napamaang siya. What the heck is going on?
"Bakit pinabayaan mong umalis?" tanong ni Jazzmire.
"Kailangan daw niyang samahan si Marmy. Don't worry. Babawi din siya nex time." At alam niyang babawi din si Cody sa kanya.
KAHIT nanghihina ay pinilit ni Freezia na makarating sa isang campus lecture. Part ng promotion at campus tour nila ang mga lectures para maging responsable ang mga consumers sa chemical content ng ginagamit nito ay nakakabuti o hindi sa kalikasan at sa katawan. Mahalaga ang lecture na 'yon. Habang wala pa silang naite-train para sa lectures, di siya pwedeng magkasakit. Their company must put emphasis on their advocacy.
"Sorry. Medyo na-late ako," aniya sa head ng events nila nang dumating siya sa auditorium.
Nagulat ito nang makita siya. "Ma'am, sabi po namin kami na ang bahala dito. May sakit pa po kayo.”
“Hindi ko naman pwedeng pabayaan ang trabaho ko. Saka kaya ko na ang sarili ko." Nagsisimula pa lang ang kompanya niya. Ayaw niyang magpabaya.
"May nakuha po kaming magle-lecture kapalit ninyo."
"Sino?" tanong niya.
Nang pumasok ng auditorium ay narinig niya ang isang pamilyar na boses ang tumatalakay sa lecture. "Si Cody?" di makapaniwala niyang usal.
Pinaupo siya ni ng staff sa baba ng stage. He was a very good speaker. Tahimik ang buong auditorium. Malinaw na nakarating ang mensahe nito.
"Paano niya nalaman lahat ng 'yan?" tanong niya sa staff. Ang alam niya ay busy ito sa pictorial nito sa Bangkok. Tumawag pa nga ito sa kanya kagabi para kumustahin siya.
"Di ko rin po alam. Basta ang sabi po huwag na kayong papuntahin dito sa event. Siya na lang daw po ang magle-lecture. Pwede po siyang maging ambassador. Madami po ang nagtatanong kung pwedeng mag-lecture din si Miss Kaetria or ang mga Stallion Boys tutal for a good cause naman."
"We'll discuss it."
Malaki ang maitutulong niyon sa awareness. She just hoped some would volunteer their time. Malaki ang maitutulong ng impluwensiya ng mga Stallion Boys para ma-encourage ang mas madami sa advocacy nila. Magaganda ang feedback na nakukuha nila sa mga products.
Pero mas mahalaga ay ma-realize ng mga consumers kung anong halaga ng mga produkto nila. And Cody did a great job.
"Anong ginagawa mo dito?" madilim ang mukhang sabi ni Cody.
"Hi! Congratulations! Ready ka na palang maging ambassador. Lahat ng audience mo nakikinig sa iyo. Sana naintindihan nila ang sinasabi mo dahil marami sa kanila nagde-daydream habang pinapakinggan ka. Paano mo nagawa 'yon? Dapat nasa Bangkok ka pa."
Umupo ito sa tabi niya. "At dapat nagpapahinga ka pa. Nagbilin na akong huwag kang palabasin ng bahay."
"Importante sa akin ang trabaho ko. Okay lang din na nandito ako. Nakita ko kung gaano ka kagaling. You can be our ambassador."
"Kinakabahan pa rin ako. Baka di ko na maulit 'to." Tinapos ko agad ang pictorial ko kagabi para makauwi ako kaninang umaga. Alam ko na kapag walang papalit na speaker sa iyo, gagapang ka makapunta lang dito."
"At alam mo agad ang sasabihin ko."
"Bago ako naging model ng Human Loves Nature, pinag-aralan ko muna ang products ninyo. Dapat alam ko kung anong ine-endorse ko. And I was there during your first lecture. I recorded it..."
"Bakit?"
"So I get to hear your voice and see you anytime I want to. Dahil kung ako ang masusunod, ayokong mawawala ka sa paningin ko. Pero dahil matigas ang ulo mo, wala kang regalo."
"It doesn't matter. Ang importante nandito ka."
"Yes. At kailangan mo nang umuwi at magpahinga. O kahit isang kiss di kita bibigyan."
Hinatak niya ito sa braso. "Opo, boss. Uuwi na."
Di pa nakakalayo ang sasakyan ay nagsimula nang pumikit ang mata niya. Ayaw pa niyang matulog dahil gusto pa niyang marinig ang boses ni Cody. She missed him.
"Matulog ka na," anito at hinaplos ang buhok niya.
"Gusto ko pang marinig ang kwento mo," ungot niya.
"Paggising mo nandito pa rin ako. At kung magbe-behave ka, pupunta tayo sa Angkor Wat. Nag-promise si Zafira na itu-tour niya tayo kasi doon siya nagtrabaho dati. At kailangan mong kausapin ang friends ko sa Bangkok at Pnhom Pehn dahil interested sila sa products at advocacy ninyo. Love that?"
"I love you, Cody."
Halakhak nito ang huli niyang narinig bago siya tuluyang lamunin ng antok.
Nang magising siya ay si Cody agad ang hinanap niya. "Cody!"
Subalit wala sa kuwarto niya sa Cody. Ang nasa tabi ng kama ay ang Mommy Gracia niya. Nang malaman nitong may sakit siya ay lumuwas ito ng Maynila para bantayan siya.
"Gusto mo na bang kumain para makainom ka agad ng gamot?" tanong nito. "Bilin ni Cody pakainin agad kita paggising. Ipinagluto ka niya ng nido soup."
Sinapo niya ang noo. "Nasaan po si Cody?"
"Umalis siya kani-kanina lang. Pinuntahan niya si Marmy. May nag-vandal daw ng kotse. Kawawa din 'yung batang 'yon. May nanggugulo pala sa kanya. Iba na ang sikat."
Marmy na naman. Ilang dates nila ni Cody ang na-cancel dahil kailangan ito ni Marmy. Hanggang ngayon ay di pa rin nahuhuli ang nanggugulo kay Marmy. At kahit pa may mga bodyguards, kailangan pa ring daluhan ni Cody si Marmy tuwing kailangan ito.
"Maswerte ka dahil mabait na bata si Cody. Maalalahaning kaibigan. At tiyak ko na poprotektahan ka niya. Di siya papayag na may masamang mangyari sa iyo."
Tipid siyang ngumiti. "Sana nga po, Mommy. Sana nga."
“SA palagay mo ba okay lang na sorpresahin ko si Cody sa condo niya?” tanong ni Freezia habang namimili sa grocery ng gagamitin niya para sa dinner na ihahanda niya para kay Cody.
“Give yourself a break. Okay lang iyan,” sabi ni Illiana. “You deserve it. We all deserve it. Ilang araw na rin naman tayong sobrang busy dahil sa Human Loves Nature. Kailangan naman nating asikasuhin ang mga personal nating buhay.”
“Hindi mo rin masasabi. Maaarte ‘yang mga lalaking ‘yan. Ayaw nilang basta-basta ini-invade ang privacy nila. Tingnan mo ‘yung si Andreev. Sinubukan kong ipaghanda ng breakfast minsan. Ipinakaladkad ako sa security.”
“Muntik mo na kasi siyang lasunin sa luto mo,” biro ni Illiana. “Ibahin mo naman si Andreev kay Cody. “I am sure matutuwa si Cody kapag sinorpresa siya ni Freezia. Tutal ilang araw na rin kayong hindi nagkikita.”
Mga video calls lang at text messages ang means of communication nila ni Cody. Hirap magtagpo ang schedule nila. It was frustrating. Mas gusto niya itong makasama nang madalas.
Nag-drive siya papunta sa condo nito dala ang mga pinamili niya. Subalit siya ang nasorpresa nang ang magbukas ng pinto para sa kanya ay si Marmy.
“Hi!” nakangiti nitong bati sa kanya. “Come in.” Naka-apron ito at mukhang at home na at home. Anong ginagawa nito sa condo ni Cody?
“Si Cody?” tanong niya.
“Taking a shower. Ipinagluluto ko siya ng dinner. I am cooking Agnello alla cacciatore and bistecca alla Valdosta. Paborito ni Cody iyon sa mga luto ko. Gusto mong samahan ako sa kitchen? Palabas na rin si Cody. Gusto mong samahan ako sa kitchen.” Bahagya nitong sinilip ang paper bag na dala niya. “Ano ‘yan?”
“Nothing.” Spaghetti lang iluluto niya para kay Cody. Iyon ang paborito nila noong mga bata pa sila. Malay ba niya kung ano ang mga bago nitong gusto.
Nasa condo siya ng boyfriend niya pero parang intruder siya doon. And Marmy was acting like mistress of the house. Ano bang nangyayari? At may silbi pa baa ng sorpresa niya kay Cody kung naunahan na siya ni Marmy? At ano naman ang maipagmamalaki ng spaghetti niya sa mga gourmet food na iniluluto ni Marmy?
“Freezia, what are you doing here?”