Stallion Island Series Chapter 194

Matinding excitement agad ang naramdaman ni Freezia nang marinig ang boses ni Cody. "Hi!" Tumayo siya at sasalubungin sana ito ng yakap pero natigilan siya makitang madilim ang mukha nito. As if he was not happy to see her. "I-I came here to surprise you. Medyo matagal kasi tayong di nagkita."

Bigla siyang nawalan ng lakas ng loob na sabihin dito kung ano pa ang isa niyang sorpresa.

"Bakit hindi ka tumawag?" mariin nitong tanong.

"Kaya nga sorpresa,di ba?" ganting tanong niya at di maitago ang sarkasmo. What the heck was wrong with him? Bakit parang unwelcome siya sa bahay nito samantalang girlfriend siya nito.

"Cody, malapit na 'tong maluto. Gutom ka na ba?" malambing na tanong ni Marmy na sumilip mula sa kusina.

"Hindi pa naman," tipid na sagot ni Cody.

Parang kinukutkot ng selos ang puso niya. "Mukhang nakakaabala yata ako." Parang may romantic dinner pa ang mga ito at kalabisan na ang presensiya niya.

"No." Mariin nitong hinawakan ang braso niya. "You shouldn't be here."

"Why? What's going on, Cody? May dapat ba akong malaman?" tanong niya at humalukipkip. Baka may amnesia na ito at nakalimutan na nito kung sino ang girlfriend nito.

Hinila siya nito sa verandah at doon matamang kinausap. "Freezia, hindi na maganda ang nangyayari. Ni-ransack ang bahay ni Marmy habang nasa Davao siya. Kaya mabuting dito muna siya sa condo ko. Mas safe siya dito."

She wanted to symphatize with Marmy. Di naman nito gustong magulo ang buhay nito dahil lang sa isang baliw na obssessed sa boyfriend niya. Di rin niya masisisi si Cody kung gusto nitong protektahan si Marmy. Pakiramdam nito ay responsibilidad nito si Marmy. Wala siyang problema doon basta't di nadadamay ang relasyon nila ni Cody.

"At dahil nandito si Marmy, bawal kang dalawin ng girlfriend mo?" may kapaitan niyang sabi. That was not fair. At home na at home si Marmy sa bahay ni Cody habang siya ay parang gusto nitong itapon palabas.

"Hindi ito ang oras para magselos ka."

"Gusto mo maging manhid na lang ako sa ginagawa mo? Ilang dates na natin ang naisakripisyo dahil kailangan ka ni Marmy. Wala kang narinig sa akin. Pati ba itong pagsorpresa ko sa iyo ako pa ang masama? I can only take so much."

Di na nga alam ng mga tao na siya ang girlfriend nito. Akala ng marami ay may relasyon ito at si Marmy. Pati ba ito ay tatratuhin siya na parang panggulo sa buhay nito?

"Hindi mo ako naiintindihan. Kailangan kitang protektahan. Di ko alam kung sino ang gumugulo kay Marmy. Paano kung ikaw ang saktan niya?"

"Hanggang kailan tayo ganito, Cody? Hanggang kailan mo ako itatago? Hanggang kailan mo ako itataboy?"

Hindi niya nararamdaman ang pagprotekta sa kanya ni Cody. Mas nararamdaman niyang itinataboy siya nito palayo. Maybe it was irrational to get jealous but she couldn't help it.

"I don't know. Hangga't di nahuhuli ang gumugulo kay Marmy, kailangan ko kayong protektahan." Niyakap siya nito ng mahigpit. "Sana maintindihan mo ako. Hindi ko kakayanin kapag may masamang nangyari sa iyo."

Subalit manhid na siya sa paliwanag nito. Masyado na siyang nasasaktan.

"Kung sa palagay mo nakakabigat na ako sa buhay mo, why don't you just give me up?"

Bigla itong kumalas ng pagkakayakap sa kanya at pinagmasdan siya. Gimbal na gimbal ito sa suhestiyon niya. "No. You don't mean that. Hindi ako makikipag-break sa iyo."

"What's the point in prolonging the agony? Ni di kita pwedeng kausapin. Di kita pwedeng lapitan. Di kita pwedeng dalawin kasi madadagdagan ang problema mo. Mabuti pa siguro kundi mo ako girlfriend. Baka mas madalas mo akong kausapin, mas madalas tayong magkita. Baka hayaan mo din akong tumuloy sa condo mo at ipagluto ka ng kung ano-ano."

"You are being irrational ang emotional."

"Oo na. Emotional na at irrational na ako. Pero itanim mo din sa isip mo, it's you who made me feel small and unimportant. Handa akong harapin ang sinumang baliw sa 'yo basta malaman lang ng lahat na ako ang mahal mo."

Umiling si Cody. "I can't risk that. I love you so damn much to put you in danger."

"Then it's goodbye, Cody." Tumingkayad siya at hinalikan ito sa pisngi. "I took a risk when I loved you. Kung gusto mo akong makasama, gusto ko ako ang babaeng nasa tabi mo. Na ayaw mo ngang mawala ako sa paningin mo. Di ako magtatago. Di ako matatakot. Mas gusto kong lumaban kaysa nararamdaman kong nasa isang tabi lang ako sa buhay mo."

"Freezia, not like this," he pleaded.

Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. Kahit ano pa ang katwiran ni Cody, di na magbabago ang isip niya.

"I'm heading out. Bye!" kaswal at walang kangiti-ngiti niyang sabi kay Marmy na kalalabas lang ng kusina.

"Ready na ang dinner. Di mo ba kami sasaluhan?" tanong nito. Kahit nakangiti ito at nakikita niya ang pakiusap sa mga mata nito na huwag na siyang magtagal pa.

Umiling siya. "Hindi na. Salamat na lang. Ayoko ring makaabala."

Nang nasa kotse na siya ay saka niya hinayaan ang sarili na umiyak. Tanga ba siya dahil minahal niya si Cody o dahil iniwan niya ito? Di lang ang lunatic na obssessed kay Cody ang problema niya. Feeling yata ni Marmy ay asawa na ito ni Cody.

Bakit ba ganito kakomplikado ang magmahal? Nasa kamay na ni Cody kung gusto nitong bumalik siya dito.

Pero paano kung di na ito bumalik pa sa kanya?

“ANONG okasyon, Freezia?” tanong ng Papa niya nang ihain niya ang spaghetti na iniluto niya. “Wala namang may birthday ngayon.”

“Wala naman akong gagawin buong araw kaya naisip kong magluto,” sabi niya at tinabihan ito. She eyed her brother. Dumating din ito sa bahay ng Papa niya para sa miryenda. “Kuya, alam kog pinapangarap mo ang luto ni Chef Rouen or ni Kuya Darwayne. Sana naman maging mas mabait ka sa akin.”

Tahimik lang siya habang hinihintay ang verdict ng kuya niya. Kaysa magmukmok dahil sa nangyari sa kanila ni Cody, pinili na lang niyang ipaglutn o ang pamilya niya. Sa loob ng ilang taon ay may matinding tensiyon sa pagitan nila dahil palaging nagtatalo ang Kuya Noah niya at ang Papa niya. At lagi siyang naiipit sa gulo. Ngayon ay unti-unti nang naaayos ang relasyon nila sa Papa nila. Mas mababawasan ang sakit na nararamdaman niya kung kasama niya ang mga ito.

Nag-two thumbs up ang Kuya Noah niya. “Party spaghetti talaga. Pakiramdam ko seventh birthday ko ulit.”

“Ganito ang timpla ng Mama mo. Pwede ka nang mag-asawa, anak,” anang Papa niya sa malambing na boses. Puno ng pag-asa ang mga mata nito dahil ang gusto nito sa kanilang magkapatid ay magkaroon ng maayos na pamilya.

Ibinaba niya ang tingin sa kinakain. “Mukhang malabo po ‘yan, Papa.”

“May problema ba kayo ni Cody?” tanong ng Papa niya.

“Nasabi na sa inyo ni Cody, Papa. Nagseselos ‘tong si Freezia kay Marmy. Ngayon ayaw niyang sagutin ang mga tawag ni Cody. Ayaw niyang makipagkita.”

Matalim ang mata niya nang iangat ang tingin sa Kuya Noah niya. Naunahan siyang magkwento ni Cody. Men! Kapag naiipit sa gulo, ang mga ito pa rin ang magkakampihan. “Kuya, hindi naman ang selos ko ang dahilan kung bakit ako nakipag-break sa kanya. Pakiramdam ko isinantabi na lang niya ako basta nang di man lang ako kinakausap. Gusto pala niyang iwasan muna ako at huwag kaming magkita para protektahan ako. Bakit di niya sinabi sa akin? Tapos basta ko na lang makikita ‘yung Marmy na iyon sa condo niya. Ako pa ang itataboy niya sa huli. Ako ang girlfriend niya!”

“You are really jealous,” anang Papa niya.

She rolled her eyes. Hindi talaga siya maintindihan ng mga ito. “Pa, sinabi ko na ngang hindi iyon ang point ko,” giit niya.

“The man loves you. He wants to protect you. Hindi mo lang matanggap dahil nababalot ka ng selos,” paliwanag ng Papa niya.

Lumingon siya sa Kuya Noah niya. Wala siyang mapapala sa Papa niya. Miyembro ito ng kulto ni Cody. “Kuya, kung sa iyo ba nangyari ang nangyari kay Cody, gagawin mo rin ba ang ginawa niya?”

Nagkibit-balikat ito. “I don’t know. Ang alam ko lang poprotektahan ko ang babaeng mahal ko kahit sa anong paraan. Kahit na di pa niya maintindihan. Buhay mo ang iniisip ni Cody. Kaligtasan mo. Dapat nga magpasalamat ka.”

“Kung ganoon hanggang kailan niya ako itatago? Hanggang kailan siya magpapanggap na wala kaming relasyon. Mas gugustuhin ko pang ako mismo ang pinoprotektahan niya kapag ako mismo ang target ng baliw na may gusto sa kanya para malaman ng baliw na iyon na ako ang mahal ni Cody. Sawang-sawa na akong magtago. At least alam ko kapag kailangan ko siya dadating siya. Hindi ‘yung ako ang naiiwan kapag kailangan siya ni Marmy.”

Maaring sabihin ng marami na makitid ang utak niya o kaya ay masyadong siyang makasarili. She didn’t care. She loved Cody. At kung may laban itong pinagdadaanan, gusto niyang magkasama sila.

“May dahilan si Cody kung bakit niya ginagawa iyon. He loves you so much, he didn’t want to lose you,” paliwanag ng Papa niya. “Alam mo naman na gusto ka niya mula mga bata pa kayo. Did you know that you tamed him?”

“Ako?” gulat niyang tanong. “Naging wild ba si Cody?”

“Hindi mo na siguro matandaan pero naging mailap siya at maiinitin ang ulo mula nang mamatay ang Mama niya. Parang lagi siyang galit sa mundo. Then he left for Italy. Halos ayaw niyang makipag-usap kahit na kanino nang bumalik siya. Sabi niya nawawala na lang lahat ng taong mahal niya,” kwento ng Kuya Noah niya. “Pero kapag kinakausap mo siya, ngumingiti siya.”

“And he asked me if he could court you,” natatawang sabi ng Papa niya. “Kahit na playboy ang reputasyon niya, alam ko na aalagaan ka niya. Pero napipipi siya sa iyo. Saka puro halaman lang ang gusto mong kausapin noon.”

Tumango siya at tipid na ngumiti. “Nasabi nga po niya sa akin.” Pero di niya alam na matindi ang naging pagbabago ni Cody para sa kanya.

Mahigpit nitong hinawakan ang kamay niya. “Dapat mo rin sigurong malaman na sa kanya nanggaling ang perang ibinigay ko para sa kompanya mo.”

Natigagal siya. “Kay Cody?”

Marahan itong tumango. “Hindi ako makakapaglabas ng pera dahil kailangan namin ng malaking pera sa Elysian Fields. After that big flood last year, bumaba ang sales natin sa ibang subdivision. Kaya nag-offer ng tulong si Cody. Pero babayaran ko iyon. Pangako.”

Ganoon kalaki ang ginawa ni Cody para sa kanya at para sa pangarap niya? Ni hindi man lang nito binanggit sa kanya.

“I know that Cody loves me. Pero di ko lang matatagalan na malayo sa kanya, Pa.”

“Kailangan lang niyang tapusin ang gulong ito. Kailangan lang niyang mahanap kung sino ang nagbabanta kay Marmy,” wika ng Kuya Cody niya.

Then something clicked her mind. “Pa, nang mamatay ang Mama ni Cody nagpunta sila ng Papa niya sa Italy. Medyo nagtagal din sila doon.”

“Something happened in Italy. Ang alam ko doon lalong nagrebelde si Cody. May na-involve yatang babae. I am not really sure.”

“Natatandaan mo ba si Greco?” tanong ng kuya niya. “Ang sabi ni Cody sa akin nagkita sila noon sa Italy. They despise each other. Walang gustong i-reveal si Cody sa akin pero sa palagay ko alam ni Greco ang lahat. Bakit mo naitanong?”

Naningkit ang mga mata niya. Si Marmy. Doon unang nakita ni Cody si Marmy. May ilang bagay lang siya na kailangang matuklasan. “Hindi ko alam, kuya. Pero malalaman ko rin kung anong hinahanap ko.”

MUKHANG jetlag pa si Greco nang makipagkita dito si Freezia. Kung saan-saang bansa nagpupunta para mag-shoot ng mga documentaries nito. Nitong huli ay kasama na nito ang nobyang si Zafira sa biyahe.

“I’ll get you some warm milk,” malambing na sabi ni Zafira dito at nakangiti siyang nilingon. “How about you, Freezia?”

“Tea. Okay na ako sa tea,” sabi niya. “Pasensiya na kung nakaabala ako.”

“It’s okay. Delayed lang ang flight namin from Lima. Alam mo bang nagpa-freight kami ng products ninyo nang nasa Jordon kami? Napanood sa internet ni Zafira ang commercial ni Cody. Parang sobrang guwapo daw ni Cody doon at dapat daw gamitin ko rin para mas maging guwapo ako. Kaya um-order din ako para sa kanya para maging kasing sexy niya si Kaetria.”

“Greco, narinig ko ‘yon!” sigaw ni Zafira mula sa kusina.

Tumawa sila ni Greco. “Bakit ka nga pala napadalaw? Kukunin mo rin akong endorser? Camera shy ako. I just love working behind the camera. But I would love to support your cause.”

“No. Gusto ko lang malaman…” Pinagsalikop niya ang palad. “I might open some old wounds, Greco. Pero kailangan kong malaman kung anong nangyari nang nasa Italy kayo ni Cody bago ka bumalik ng Pilipinas noong fifteen kayo.”

He became a bit uncomfortable. Bahagya itong lumingon sa direksiyon ng kusina at saka tumikhim. “Nagkainteres kami sa iisang babae. Kapitbahay ko si Ruvelyn sa Italy. She’s half-Filipina, half-Italian. Habang nagkakilala naman sila sa Rome ni Cody. Nagtanan sila at di ko mapatawad si Cody dahil siya ang pinili ni Ruvelyn noon. Bakit mo naitanong?”

“Hindi ko alam kung may iba pang nakilalang babae si Cody sa Italy?”

Naningkit ang mata ni Cody. “You mean Ruvelyn’s sister? Ginugulo ka ba niya?”

“May kapatid si Ruvelyn?” gulat niyang tanong. “Sino?”

“Si Purisima,” sabi ni Greco.

“Hindi na siya Purisima ngayon. Marmy na nga siya, di ba?” sabi naman ni Zafira na dala na ang inumin nila. “Pero mukhang nagpa-surgery siya kaya di na siya halos makilala. Nang mag-hearing, nakita namin na kausap siya ni Ruvelyn. Sabi ng abogado kapatid daw ni Ruvelyn. Naka-shades siya at nakalugay ang buhok kaya di masyadong kita ang mukha. Pero nagkasabay kami sa restroom kaya nakilala ko siya.”

“Iisa lang si Marmy at ang kapatid ni Ruvelyn?” mahina niyang tanong.

“Hindi ba dapat kasama iyon sa profile nila sa Stallion Makeover Challenge?” tanong ni Zafira.

Umiling siya. “No. Iba ang pakilala niya. She’s Marmy Aguas. Hindi siya sa Italy lumaki kundi sa isang baryo sa Pampanga. Wala siyang kapatid. Wala na siyang pamilya. At may maliit siyang negosyo…”

Nagkatinginan sina Zafira at Greco. “Hindi ko alam. Nasa abroad ako madalas kaya di ko napapanood ang program na iyan,” sabi ni Greco.

“Ibig sabihin di rin alam ni Greco na siya ni Purisima?”

Kailangang malaman ni Cody ang totoo. She must do something about it. Pero sa ngayon, kailangan muna niyang palabasin ang baliw na gumugulo sa katahimikan nila ni Cody.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.